Love Me in Brooklyn

By NerdyIrel

153K 5.7K 1.4K

A cheerful and optimistic girl who deeply admires an unapproachable popular guy. She chases him but he never... More

Start
Love Me in Brooklyn
Prologue
Chapter 1 - Her Life
Chapter 2 - Failed Attempts
Chapter 3 - Journey
Chapter 4 - OSR
Chapter 5 - Russell Riders
Chapter 6 - New Member
Chapter 7 - Triple R
Chapter 8 - Everywhere
Chapter 9 - Secret
Chapter 11 - Threat
Chapter 12 - Childhood Friend
Chapter 13 - Contract
Chapter 14 - Revenge
Chapter 15 - Patience
Chapter 16 - First Date
Chapter 17 - Competition
Chapter 18 - Invite
Chapter 19 - Falling
Chapter 20 - Feelings
Chapter 21 - Selfie
Chapter 22 - Territorial
Chapter 23 - Worried
Chapter 24 - Confession
Chapter 25 - Bruise
Chapter 26 - Love
Chapter 27 - Suitors
Chapter 28 - Keep
Chapter 29 - Promise
Chapter 30 - Shoes
Chapter 31 - Proud
Chapter 32 - Cheer
Chapter 33 - Guilt
Chapter 34 - Caught
Chapter 35 - Rumors
Chapter 36 - Agreed
Chapter 37 - Truth
Chapter 38 - Questions
Chapter 39 - Protect
Chapter 40 - Settled
Chapter 41 - Nervous
Chapter 42 - Fetch
Chapter 43 - Promises
Chapter 44 - Going Home
Chapter 45 - Happiness
Epilogue
Author's Note

Chapter 10 - Welcome Party

2.1K 94 1
By NerdyIrel

CHAPTER 10

WELCOME PARTY


Sab's POV


"How about this? Am I oozing with fun and sexy vibes upon wearing this dress?"

"Yeah..." I agreed without giving it much thought.


I heard my cousin groaned and when I looked up, her handkerchief's already flying towards my direction. That automatically woke me up from the trail of thoughts I am having since I saw Russell crying.

"Hay nako, bakit ba sobrang occupied ng mind mo at kanina ka pa sumasangayon lang diyan? I need an honest review, S. Nakasasalay dito ang future love life ko."

Right. Love life. Kalandian sa buhay. Number one priority ng magpinsang Navar.


We're here at the shop because of Marina's crush Lucas. Naghahanda talaga ang lokang ito sa pagpunta doon sa party bukas.

"Well, I think it's too daring. Labas na likod mo, ang baba pa sa harapan," pagkomento ko.

Hindi naman kasi kami liberated para magsuot ng mga ganyan, though it looks good on her, still I feel that she's uncomfortable wearing it. Ayos siya ng ayos sa taas upang wag makitaan ng dibdib pagkatapos ay hinihila niya rin ang dulo ng dress upang wag umangat masyado.


I walked to the clothing rack and pulled some that I know she'd prefer. Marina and I have the same taste in fashion. Madalas nga ay kung ayoko, matic hindi niya rin bet.

"Dapat ang isuot mo ay yung mga damit na komportable ka at magre-represent kung sino ka. You always tell me that first impression lasts, right? You don't want Lucas thinking you're some wild girl..."

Ngumisi siya at tinanggap ang mga iniabot ko sa kanya. "You're right. Hindi ko dapat pinipilit ang sarili ko na magpanggap bilang iba. I'll show him who I really am and hopefully, he'll like what he sees."


Ngumiti lang ako at palarong tinulak na siya papasok ng dressing room. I hopped on the sofa again and waited patiently. Habang hinihintay magsukat si Marina ay naalala ko na naman ang itsura ni Russell sa library kanina.

He looks so down and wretched...

Nakakapanibago dahil sa tuwing nakikita ko siya, kung walang emosyon ang mukha niya ay nakasimangot naman siya. I have never imagined I'll see him that vulnerable.


Sa sobrang pagka-curious ay kinuha ko ang phone ko at chineck ang university forum. I also went to RR club's online group chat. Wala akong makitang kahit anong post tungkol sa pagiyak ni Russell.

Ano 'yon imagination ko lang? Imposible namang walang makakakitang iba sa kanya. He's famous at school and there are other people at the library too.

Kahawig niya lang ba ang nakita ko? But I heard his voice. It was definitely my hubby.


"Sab, ito?" I shook my head and forced myself to stop thinking about Russell for a minute. Kapag nainis kasi si Marina ay medyo mahirap siyang suyuin kaya ayokong mabuwiset siya na hindi ako nagbibigay ng atensyon sa kanya. She rarely asks me favor so I should be there for her as a friend and her cousin when she needs me.

"Ikot ka nga," I mumbled.

She took a spin and jokingly struck a pose. Natawa ako ngunit nag-thumbs up rin naman.

"I think that's it." Bagay sa kanya ang black skirt at dark green top niya. Medyo maangas na girly pa rin ang itsura niya.

"Yay! Ikaw naman ang magsukat!" Bigla niya akong tinulak papasok sa kabilang dressing room at inabutan ng mga damit. I giggled and decided to have fun as well. Kahit na wala sana akong plano mamili ay nag-enjoy na lang din ako mag-shopping.


Russell's POV


Sh*t! May nakakita sa akin sa library! And even worst, nakatakbo pa siya bago ko mahabol. May hindi ko man lang nakita ang mukha niya.

I wiped the tears on my cheeks and exhaled loudly. Then I grabbed my cap and wore it to hide my eyes from the crowd. Pagbaba ko ng library ay may lumapit agad na babae ngunit bago pa siya makahirit ay dire-diretso na akong naglakad palabas.

It's annoying to think that someone out there knows my secret. Kung sino man siya, wag na wag niyang susubukang ipakalat ang nakita niya or she'll regret it. I'll make her life a living hell.


"Dude!" I heard someone shouted but I am so pissed off to even care. Gusto ko na lang makadiretso sa pool para mag-practice at makalma ang sarili ko. I have this urge to look for that woman and scare her to death but I know that it's not right.

Pucha kasi! Nag-ingat ako!


"Huy pre, ano ba!" Bigla na lang may umakbay sa akin kaya natigil ako. Nakairap akong tumingin kay Ron at hinintay siyang magsalita. "Oh wow. Mukhang masama timpla ng araw natin ngayon ah... Woke up at the wrong side of the bed?"


I didn't answer him so he just scratched the back of his head and removed his arm from my shoulder. Lucas chuckled at how Ron nervously tries to read my mind. Tinatasya niya yata kung uupakan ko ba siya o titingnan lang ng masama.


"We're going to grab some food outside. You coming?" Lucas asked.

Wala ako sa mood kumain.


"We're getting crabs, clams, shrimps and lobsters," He added.

I can't say no to that.


Tumango ako at naglakad na papunta sa parking lot. Tumakbo sila upang mahabol ako.

"You know dude, I was thinking... why not seek a psychologist to fix that attitude of yours? You're like a girl while on her period. Grabe mood swings!" asar ni Ron.


I rolled my eyes. I have heard that a dozen times from him.

"Why not seek a neurologist to check if you still have a brain? I'm pretty sure your head's empty."

Ang lakas ng tawa ni Lucas sa sinabi ko kaya naman tinulak tulak siya ni Ron. I just sighed and took my car keys out of my pocket.


Sab's POV


"E nasaan na ba 'yung dalawa? Kanina pa tayo dito M pero hindi ko pa sila nakikita."

We don't know anyone here but Ron and Lucas. May hindi nga namin naitanong kung para saan ang party na ito. We just bought clothes, which I'm grateful matches everyone's outfits tonight, and then we crashed the event. Nakakatawa pero parehas naming nakalimutan ni Marina magtanong kung ano bang meron at bakit may party.


"Lucas told me they'll be here in a few. Tingin mo ba dapat wag na tayong tumuloy?"

Sumimangot ako. "Kahapon ko pa sinasabi 'yan tapos ngayong nakaayos na tayo at nandito na sa labas, tsaka ka magdadalawang isip. Nahihibang ka na ba? Akala ko ba chance mo 'to para magkalapit kayo ni Lucas?"

"Oo nga pero hindi ka ba nao-awkward? We barely know these people. At bakit panay lalake ang nandito? Bilang na bilang ko kung ilang mga babae lang ang guests nila."

I crossed my arms. "Ayaw mo ba non? Madami kang choices. Daming gwapo oh!"

Lumingon siya sa likuran niya at sumangayon. "Ay oo nga. Tingnan mo 'yung nakaupong 'yon, ang hot!"

Natawa ako at hinampas ang braso niya. "Uto uto! Kala ko ba kay Lucas ka lang? Dapat loyal ka. Just look at me. Hindi ako naharot."

She rolled her eyes. "I was just appreciating that man's look but I didn't say I'd flirt with him, duh."


"Flirt with who?" Sabay kaming napatingin sa bigla na lang nagsalitang lalake. I smiled when I saw Lucas while my bestfriend froze and acted as if she'd seen a ghost.

"No one. S-sab was just... she's trying to play cupid between me and this guy..."

Nanlaki ang mga mata ko sa kasinungalingan ng pinsan ko.

Hoy M! Grabe ka! Ako pa sinisi mo!


Hindi na lang ako nagsalita dahil alam kong kaya niya lang nasabi iyon ay upang hindi masira ang tingin sa kanya ni Lucas. Baka kasi kung anong isipin non. This is like their first date ever but she's spotting someone else. Baka ma-misinterpret siya, mahirap na.


"Hey Sab!" masiglang bati ni Ron.

Ngumiti ako at kumaway sa kanya. "Buti nandyan ka. Ayoko ngang maging third wheel---" My eyes widened as I saw Russell walking towards us. Napanganga ako sa gulat.


OH MY GOSH! BAKIT NANDITO SIYA? BAKIT HINDI SINABI NILA RON AT LUCAS NA ISASAMA PALA NILA ANG CRUSH KO? 'DI SANA MAS BINONGGAHAN KO ANG PAGAAYOS!!

I CAN'T BELIEVE THIS!! WAHHHHHH!


"Why are you all still here?" parang inis na tanong niya kay Ron.

"We're about to go inside naman na, chill ka lang. Tara na nga."

They were talking as if I'm not standing in front of them. Itong si Russell may hindi man lang tumingin sa akin!

Excuse me, nandito ang asawa mo!


"AHEM!" I immediately faked a cough to stop them from going inside the resto.

Akala ko mapapansin na ako ng hubby ko ngunit si Ron lang ang napatingin sa akin. Russell's eyes were fixated on the guests inside then all of a sudden, he entered the resto.

WHAT THE HECK? Invisible ba ako para hindi niya makita?


"You should get used to it," tatawa-tawang sambit ni Ron. "He does that all the time."

I frowned but followed my crush anyway.


Pagdating sa loob ay doon ko lang napagtanto na sobrang ingay pala nilang lahat. Sound proof ang mga walls dito dahil sa labas ay wala akong narinig na kahit na ano.

They were like a bunch of animals in the zoo. Ang gugulo at tawanan ng tawanan.


"Ano pa lang meron?" curious na tanong ko kay Ron.

"Didn't I mention it? This is the welcome party for the Brooklyn High Tigers and Brooklyn Sharks."

"Huh? Sino ang mga 'yon?"

He stared at me with amused face. "Seryoso? Hindi mo alam?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko. Myghad Ron, use your brain."


He smiled widely. Mukhang tuwang tuwa pa sa'kin ang mokong na 'to.

"The basketball varsity team are the BHT. While Brooklyn Sharks is the swimming team. Palaging magkasama ang dalawang teams dahil na rin iisa lang ang captain ng parehong grupo. In that way, cap can handle both easily." Tumigil siya at binangga ang braso ko gamit ang braso niya. "Please tell me atleast that you're already aware as to who I'm referring to."

Umiling iling ako. "Sino ba ang captain niyo?"

"You've got to be kidding me. There is no way you wouldn't know!"

Napipikon na ako dito ha! Kanina pa 'to!


"Dapat ba makilala ko kung sino 'yang captain na 'yan? Bakit? Mas guwapo ba 'yan sa Russell ko? Mas matangkad at mas mabango?"

He laughed again. "It's actually him that I'm talking about."

"E loko ka pala---Ha?"

"Si Russ ang leader naming lahat."


Tiningnan ko ang crush ko at doon ko napagtantong nagsasabi ng totoo si Ron. Everyone's greeting Russell as he makes his way towards the table.


Pakiramdam ko ay bumagsak sa lupa ang panga ko.

Alam kong kasali siya sa magkaparehong grupo PERO BAKIT WALANG NAGSABI SA AKING CAPTAIN SIYA????!!! I feel so bad about it! Asawa niya ako pero clueless ako sa part na 'yon? WHAT?!


"Tara Sab, doon ka sa tabi ko umupo." Bago pa ako makaangal kay Ron ay hinawakan niya na ang wrist ko at hinila ako papunta sa table kung saan nakaupo si Russell.

He looked at us but immediately focused his eyes on the menu.

Hala ka! Nagselos yata!


Tinabig ko ang kamay ni Ron at sinimangutan siya pero ewan ko ba sa isang ito, ngingisi-ngisi pa rin.


Inunahan ko siya at umupo mismo sa tapat ni Russell. Katabi niya na kasi si Lucas at doon na rin umupo sa hilera nila si Marina. Wala ng free chairs malapit kay hubby. I had no choice but to sit next to Ron pero okay lang, atleast ang view ko naman ay ang crush ko hehe.


"Hi hubby," bati ko.


"Whoahhh!"

"What was that? Hubby?"

"Russ, aren't you going to introduce your wife to us?"


He sighed and didn't move. Parang pagod na pagod siya sa nangyayari.

"Sus, grabe magselos ha. Until now, galit? Fine, ako na! Tutal strong independent woman naman ako." He raised an eyebrow and gazed at me as if I'm being delusional.

Ayaw pang umaming nabubwiset siya na kasama ko si Ron.


Tumayo na ako at humarap sa mga ka-teammates niya.

"Hi, I'm Sab, future girlfriend of your captain! Nice meeting all of you!"


Naghiyawan sila at binati ako kaya naman humagikgik ako.

They accept me!


"Tsss. Why is she here?" tanong ni Russell kay Ron.

"She's my friend." Inakbayan pa ako nito kaya naman nanlaki ang mga mata ko. I quickly pushed him away.

"Hubby, wala 'yon. I swear, I'm not that close with this guy." I crossed my arms and glared at Ron.

He smirked and pinched my cheek. "Cute mo!"

"Tumigil ka na nga! Kapag talaga nakipag-break sa'kin si Russell, ililibing kita ng buhay!"

"Paano ka ibe-break e hindi pa naman kayo?"

"Bakit ba ang kulit mo? Type mo ba 'ko? Kasi sinasabi ko na sa'yo, kay Russell lang ako." I looked at my hubby and smiled sweetly at him. "Promise, sa'yo lang ako. Cross my heart!"

Akala ko may sasabihin siyang hindi maganda dahil halata sa mukha niya na wala siya sa mood pero nagulat ako nang umiling lang siya. Then he exhaled loudly and proceeded on ordering food for everyone.


Habang nagdadaldalan ang lahat ay tinitigan ko si Russell. Naalala ko ang pagiyak niya kaninang hapon. But there's no hint of sadness on his face now, just pure boredom and irritation.

I think he felt my intense stare so he glanced at me. Nanigas ako sa kinauupuan ko nang hindi niya inialis ang titig niya. Napalunok ako at magsasalita na sana upang kausapin siya nang biglang dumating ang mga waitress.


Sobrang daming pagkain ang inilapag sa lamesa. Mostly burgers and fries dahil mukhang iyon ang hilig ng mga boys. There are also a few girls sitting with us. Ang sabi ni Ron ay mga girlfriend or kaibigan daw ng mga players ang mga ito. I'm just glad none of them can sit beside my crush. Hanggang tingin lang sila.


Teka nga, kailangan may gawin ako para makuha atensyon ng hubby ko.


I grabbed the salad plate and handed it to him. "Oh."

Hindi niya pinansin iyon at ang spaghetti ang kinuha niya.

Ay, hindi niya bet ang healthy food?


"Iced tea oh." Iniabot ko ang baso sa kanya ngunit nagsimula lang siyang kumain at umakto na hindi ako narinig o nakita.


"Ayaw mo? Ito na lang oh, potato balls."

Bigla niyang kinuha ang salad plate at sumandok.


I stopped and got confused.

Gusto naman pala niya pero bakit hindi niya tinanggap kanina nung inalok ko?

Why is he ignoring me so much?


"Akin na lang Sab." Ron mumbled. Halatang sinabi niya 'yon para hindi ako mapahiya...

Iniabot ko sa kanya ang baso at nag-fake smile ako bago ako tumingin ulit kay Russell. It's obvious he's intentionally brushing me aside. Pwes, hindi ako papayag!


Binagsak ko ang kamay ko sa table kaya lahat ay napatingin sa akin.

Pure silence greeted me.


"S..." worried na bulong ni Marina.


Galit akong tumayo at hinintay na tumingin sa akin si Russell at nang ginawa na niya ay dinuro ko siya.

"Hey! Stop ignoring me!"

For the first time in a long time, he finally acknowledged my existence again. "And why would I do that?"

"Because I'm your future wife, idiot! Keep up, Russell! You should know that by now!"


Most of them laughed and some even howled like wolves. Pagkatapos ay tinadtad nila kami ng mga asar.


"Nice one, Sab!"

"This is so entertaining!"

"Never in our life have we dreamed of seeing someone call Russell an idiot!"


Nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang mga sinabi ko. I looked at Russ and bit my lower lip. "Medyo nadala lang ako ng emosyon, hubby."


Hindi siya umimik kaya dahan-dahan na akong umupo. Pinanuod ko siya habang may kinukuha siya sa bulsa niya. A few seconds later, he had put airpods on his ears.

ARGH! Talagang ayaw niya akong pansinin!!!!!


Sinipa ko ang paa niya kaya inirapan niya ako. Ngumisi naman ako at nilagyan ng fries ang plato niya. Then I started eating my food.

"Kain tayo, my hubby..."


Russell's POV


Ngayon lang ako nakatagpo ng taong ubod ng kulit.

Akala ko malala na sila Ron at Lucas pero may mas grabe pa pala sa kanila. All throughout the night, this girl in front of me tried so much to get my attention. Kung ano-ano ang ginagawa niya. She'd give me food, drinks or just directly ask me some questions. At kahit hindi ko siya kausapin o sagutin ay hindi iyon humahadlang para magulo niya ang buhay ko.

Naka-airpods na nga ako para tumigil na siya pero kinakausap niya pa rin ako. Wala naman music 'to, gusto ko lang talagang isipin niya na hindi ko siya naririnig.


"And then there's Lily who keeps on telling me to stop bothering you e hello, hindi naman kita ginagambala 'di ba? I was just working hard para naman mag-next level na itong pagiibigan natin."


Crazy.


"Kailan nga ba magne-next level? Ha, Russell? I mean, are you old school? Wag naman sana kasi may hinahabol akong deadline. Kailangan ma-in love ka sa'kin agad agad."


Damn. Can someone please put scotch tape on this girl's mouth?

Ang daldal na nga, kung ano-ano pa ang sinasabi.


"Or in love ka na ba? Kasi if you are, I'm ready naman na. Bigyan mo lang ako ng isang araw para makapaghanap ng wedding dress unless you already bought one for me, I won't mind."


Hindi na makahinga kakatawa ang kaibigan kong si Ron. He's even taking a video of everything this Sab is saying.


"Rings? Meron ka na bang singsing? Kahit cheese curls lang or paper rings, keri na. 'Di naman ako super arte basta ang mahalaga 'yung honeymoon. Yes, 'yun nga."


Iba rin ang saltik ng isang ito.


"Saan mo naman ako dadalhin? Hawaii? Greece? Pwede ring Paris para romantic. Pero parang bet ko sa Rome. Anong sa tingin mo, hubby?"


Tumingin na ako sa relos ko at napansing malapit na pala mag-12 midnight. We still have classes early morning tomorrow. I need to get some sleep.

Inalis ko ang airpods ko at ibinalik sa lalagyan pagkatapos ay ipinatong ko 'yon dito sa table.


"We should wrap it up," I announced. "It's late."


"Booo!"

"Dude, the party's just starting!"

"Karaoke time!"


Biglang nagsitayuan ang karamihan sa mga ka-teammates ko at nagpunta sa mini stage ng resto. I rented the whole place so there shouldn't be an issue for their loud voices. Mahirap kasi kapag may kasamang ibang guests dito sa loob. Baka mapaaway pa kami sa gugulo nila.


Tumayo na ako at kinuha ang wallet ko. Then I handed Ron my credit card. "Ikaw na bahala dito, bro. I'll see you all tomorrow."

"Ingat dude. Thanks."


"Wait, uuwi ka na?" Sab asked. She sounded extremely sad that I'm leaving.

Tiningnan ko lang siya at naglakad na palabas ng resto.


"Russell, teka lang!" She shouted.

Kulit!


Dire-diretso akong sumakay sa kotse ko at nag-drive na palayo. I was surprised to see her standing at the door, waving goodbye to me.


*Ring*


I pressed the answer button on the car audio dashboard without even looking at the caller.

"Hey Russ, I'm back."

"Here in Brooklyn?"

"Yup. Plane just landed. Can you pick me up at the airport? I can't get an uber."

"Sure."

"Don't make me wait please." Mainipin talaga nitong babaeng ito.

"I'm on my way."


I ended the call and was about to switch lanes when I remembered I left my airpods on the table. Pangilang palit ko na no'n dahil palagi kong naiiwan kung saan saan kaya sobrang hassle kung bibili na naman ako ng bago. Hindi pa naman ako nakakalayo kaya babalikan ko na lang.


I drove back to the restaurant and quickly went inside. Paglapit ko sa table ay tumaas agad ang kilay ni Ron.

"Why are you still here? I thought you left already."


Kinuha ko ang airpods ko at iniangat iyon upang masagot ang tanong niya.

Natawa lang siya at tumango bago lumingon sa stage. I followed his eyes and that's when I noticed that girl Sab standing at the middle of the stage. Inagaw niya ang mic at nagsimulang kumanta.


Kaso wala sa tono kaya naman tawanan ng tawanan ang lahat.

She's so confident even though a five-year-old girl can sing better than her.


I placed both my hands inside the pocket of my pants and continued to watch her.

Feel na feel niya ang pagkanta ng 'A Thousand Miles' at kumekembot kembot pa siya kahit hindi naman match ang sayaw niya sa tugtog.

Everyone's enjoying her little show. Nakikisabay ang lahat sa pagkanta at nakisayaw pa ang ilan.


The corner of my lips slightly turned upwards at her goofiness.

I had a bad day but surprisingly because of her, I'm ending it with a small laugh.


*End of Chapter 10*

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 145K 35
[MAKE DUOLOGY #2] When it comes to love, there are no boundaries. You can love your past back when you feel like it. Masama na bang magmahal ng iisan...
688K 33K 30
Hugo lost his memories. Krista forgot how to love him. Sa kailangang pagtulong ni Krista sa asawa, sino ang mas unang maka-aalala? Written © 2020 Pub...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
12K 916 17
Calm, proper, and respected. Mahirap pintasan si Eugene Scott bilang taong nabubuhay sa daigdig. Pero isang dark romance novel lang ang katapat ng pe...