Temptation Island: Broken Ties

By makiwander

4.8M 193K 106K

Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Huling Kabanata
Huling Kabanata (2)
Huling Kabanata (3)

Kabanata 26

104K 4.8K 2.2K
By makiwander


Thea

"And what? Iyong ipinaglalaban ko ay para sa kababaihan lang? Tiyak na papabagsakin na naman nila ako at tatawaging ipokrita. Wala na akong ibabagsak, gerl! Buti sana kung sa kama ang bagsak ko 'e!" Kontra niya kay Sloane habang iniisa isa niya ang ideations nito na nakalagay sa laptop. Nakauwi na siya at nakalma na rin siya ng milktea saka chicken wings.

"Hindi! I mean, if men can objectify women---"

"Then we'll do the same?" Pagpapatuloy niya. "We will use men's sexy photos and sell them?"

"Ate, pumayag ka na at kapag wala pa akong naging negosyo ngayong buwan ay kakalam na ang sikmura ng ferson! Tambay ka rin naman 'di ba? Kapit sa patalim ang sistursss, ganern!"

"I don't know, Sloane.."

"Ate, hindi naman sobrang bold ng magazine! It is a magazine where us girls will talk about topics that are taboo. Topics that we are not allowed to talk about as a woman. Yes, including appreciating men's sexy photos and imagine being in bed with a hot model! Ang hirap naman na pang-wild girl ang concept ng magazine mo tapos iba't ibang bagay ang cover natin. Singkamas? Talong? Ampalaya? Sinong bibili nun!"

Napabuntong-hininga siya. "I can't use Doctor Bombshell though. Siguro ay ibang pen name naman."

"Ha? Why not?"

"Ang dami ko pang bashers, Sloane. I will support you in this but I want my identity to be a secret again."

"So pumapayag ka na?" Sloane's face lit up. She sighed.

"Sino ang una nating model?"

"Eto na nga..." Ngumisi si Sloane at sumiksik sa kanya sa couch na parang manghihingi na naman ng pabor.

"Uh-oh..." Nahihimigan na niya ang masamang idea.

"For sure maraming manliligaw sa iyo pagkalabas ng magazine mo. Lahat sila papakisamahan natin para magpose sila sa atin."

"Bwisit ka! I don't like the idea! Paano kung malaki ang tyan ng manligaw ko?"

"Basta malaki ang tite, pwede na yun, avant garde ang concept, iyong abstract! Pwede nating make-upan na Shrek."

"Gaga!" Sinapok niya muli si Sloane. Yumakap sa kanya ito at naglambing.

"Don't worry, I got this. Nakapag-plot na ako ng business plan before going back here. Natuwa nga ako when I learned that you are Doctor Bombshell, I know that we can do business together. I will take care of the visuals while you take care of the wording. In fact, I already hired an employee, he should be here by now..."

Pagkasabi non ni Sloane ay mayroong nagdoorbell sa kanilang unit. Dali-dali iyong tinungo ni Sloane at pinagbuksan. Her eyes widened when she saw Adam.

"I heard you need a Marketing consultant?"

"Adam!" She stood up and ran to him. Kinailangan niya pang lumuhod ng bahagya bago ito niyakap dahil sakto sa dede niya ang mukha ni Adam. She giggled when they parted hugs. Nakapambahay na ito dahil bumaba lang naman mula sa unit nito.

"Before you say anything else, let's open the TV." Sambit ni Adam.

"Why?" Tanong ni Sloane pero sumunod naman. Pumaimbabaw ang boses ng isang female newscaster at lahat sila ay nakatutok doon sa TV.

"Samantha Buenavista is no longer connected with the Big Bad Boys Magazine. Ipinatawag siya ng NBI para harapin ang sinampang kaso ng Monasterio Corporate ukol sa sirkulasyon ng walang pahintulot ng mga sensitibong larawan ng isang Doktor at blogger."

Walang sinagot kahit isa si Samantha sa mga nag-iinterview. All she did was escape the camera. She's wearing big aviator shades but it is obvious that her cheeks are red. 

"Grabe kaibigang Julius, 'ano? Ang pinakaimportante talaga ay mayroong consent ang mga inilalabas natin for public consumption. Yung iba ay nakita lang na kumakain mag-isa sa fastfood, kinukuhaan na ng litrato tapos lalagyan ng nakakaawang caption para makahakot ng likes. Bawal at may kulong iyon." Sabi ng female newscaster.

"That's true, Dina. The biggest question is, ano kaya ang dahilan sa paglalabas ng litrato?"

"We will never know but the damage was done. Sana ay mabigyan ng hustisya ang taong involved. Maraming salamat, ako po si Dina Tuto kasama si Julius Lalim para sa Bente Kuwatro Patrol."

"Karma." Umirap sa hangin si Sloane at pinatay ang TV. Napabuntong-hininga siya.

"Sayang at hindi ko muna nasabunutan, makukulong agad." Bulong naman niya.

"Gusto mo tawagan ko mga kosa ko sa loob, pabugbog natin." Suhestyon ng magaling niyang kapatid.

"Gaga ka, nakulong ka na ba dati?" Tiningnan niya ng masama si Sloane at hindi agad ito nakasagot. Ngumisi lang. "Sloane? Ex-convict ka?! Anong kaso mo?!" Natutulog pa naman siyang katabi ito, baka mamaya at takpan ang mukha niya ng unan at iflush siya sa inidoro!

"Nag-overnight lang! I got drunk with no money and I forgot my phone. I don't remember anyone's number kaya sa kulungan na ako natagpuan kinabukasan. Okay naman, nakatulog naman ako ng mahimbing." Tatawa-tawa pang kuwento ni Sloane. Nakahinga siya ng maluwag.

"I don't think Sam can sleep comfortably there."

"Duh? Why do you care? Problema niya na kung hindi siya makakapagskincare sa loob, ganon talaga, digital ang karma."

"Mabuti naman at wala na ang ka-tandem ni Boss Saint! Maldita talaga yang babaeng yan! Akala mo pagmamayari si Boss. Kaya ako nagresign dahil sa akin ba naman itinuro ang lahat ng ebidensya."

Hinawakan niya sa braso si Adam, "Pasensya ka na, Adam at nadamay ka pa sa gulo."

"Okay na 'yon! Saka kaya ako nandito dahil excited na ako sa Women's Magazine na itatatag natin! Girl Power!" Itiniaas pa ni Adam ang kamao. Natulala silang dalawa ni Sloane dahil obviously, hindi naman ito 'Girl'. "I am cheering for you! Girl power! Go mga baklaaa! Kahit straight ako ha." Sabay bawi pa nito.

Her phone rang while they were brainstorming at their dining table. Nakatatlong oras na silang nagcoconceptualize ng volume 1 ng magazine. Napakunot ang noo niya nang makita ang pangalan ni Karev.

"Baby Loves! Miss na kita. Balik ka na sa ospital at liligawan na kita." Bungad nito sa kanya.

"Hayup ka! Ano? Bagay na tayo ulit kasi hindi pala ako nagpose ng kusa sa magazine? Siguro na screenshot mo yung magazine ko, ilang beses kang nagparaos?"

"Hala ang bastos mo!"

"Anyway, I posed again. You should buy it." Kuwento niya.

"You did?"

"Excited yorn? Yes, I did. Kaya hindi muna ako makakabalik sa ospital."

"Pero Baby Loves, paano na yung finances mo kung hindi ka magki-clinic? Gusto mo bang ako muna ang bubuhay sa iyo? Low maintenance naman ako, konting lambing lang sa gabi, bubukas na agad ang wallet ko."

She rolled her eyes while checking out one of the draft articles that Adam suggested.

"The idea is tempting but no. May offer sa akin si Artemis Montagne na magteach sa play school nila." She thought of that, and is actually considering it. Kapag pumalpak ang magazine na itatatag nila ni Sloane, she will need money to survive. Tama si Sloane, hindi siya pupwedeng umarte.

"A-artemis?"

"Oh, you know her? Yung highest paid fashion model at volume 1 covergirl ng Big Bad Boys Magazine?" Tanong niya. Walang sumagot sa kabilang linya, napangisi siya.

"Hey, why do I have this feeling na marami kang crush! Ikaw talagang No girlfriend since birth, sarap dakutin ang balls! Landi mo!"

"Sige, Thea. Kung may magiging work ka pala, doon ka na lang."

"Pinamigay mo agad ako?! Bebe mo ba yon si Artemis? Bakit ka naman papatulan non e para kang uhugin sa tabi 'non!" Susog niya pa pero pinatayan na siya ng tawag ng walanghiya na kaibigan.

Natawa siya. Karev is the boy next door, K-Pop type while Artemis is an Angelina Jolie beauty. Mukhang kawawa si Karev doon lalo na sa kama. Baka maitali pa ang kanyang kaibigan ng babaeng kasing-wild ni Artemis.

"Buo na ang concept! Si Adam na ang bahala sa mga bookstores para makakuha tayo ng space sa shelves. But we can do the e-magazine din para yung mga mahihiyang bumili ng print ay maengganyo." Napatingin siya kay Sloane at pinagmasdan ang visual board na nakakalat sa lamesa.

Gumuhit ang mukha ni Saint sa kanyang alaala. Pumakla ang kanyang panlasa. Akala nito, ha! Her bucket list is to beat him, no matter what.

---

In just a week, lumabas na ang magazine niya as Doctor Bombshell. It sells like hotcakes. Panay ang pasok ng pera sa kanyang bank account. Women were moved by her message when she talked about her struggles as a woman who were objectified since she was born and identified as a woman, even the boobs were not even present.

Ikinuwento niya rin ang unang experience niya sa sex at kung paano niya pinili ang unang sexual partner niya. She said she chose that person because that's what every woman should do, pop their cherry when they feel ready, and give it to whom they see will satisfy their carnal desires. Hindi dapat sa first boyfriend, o sa kung sino mang namimilit o kumukumbinse na oras na.

Women hold their clocks. Also a queen who can adjust her preference whenever she wants to.

"Ang hirap naman ng secret project. Hu-hu." Panay ang sunod sa kanya ni Sloane habang inaayos niya ang damit niya na floral dress. She has a lunch meeting before going to Little Archers, ang playschool nila Artemis. Mag-o-observe siya kung magugustuhan niya.

"I cannot expose myself. I told you."

"Nag-eenjoy ka lang ata sa atensyon kaya panay ang date mo, 'e! Famewhore."

"Gaga ka! Idea mo naman ito na makipagdate sa prospect natin na first cover guy! Isa pa, laging sinasabotahe ni Cross ang mga meeting mo kahit breakfast meeting. Baliw talaga ang mga Monasterio na yan." She rolled her eyes while wearing her gold earrings.

"Wow, makapagsalita, parang hindi sa Monasterio kumalampag! Bakit kasi hindi mo na lang sabihin na may binubuo tayong magazine. Bakit kailangan pang kaibiganin? Ang tagal na proseso! Paulit-ulit mo pa tuloy kailangan makipagdate!" Reklamo ni Sloane.

"We have to build rapport. Syempre! Nakapagtanong na naman ako kay Iñigo, saka kay Torrence, lahat ay pag-iisipan. Sabi ay pag-usapan namin sa susunod na araw."

"Style nila bulok! Gusto ka lang nila maka-date ulit kasi nakita na nila ang utong mo!"

Sinipa niya sa binti si Sloane na agad na ngumiwi. They have their articles ready. Talagang ang cover na lang at interview sa modelo ang hinihintay. They want the best cover guy if possible. Iyon sanang kontrobersyal.

"Titingnan natin kung papayag itong si Brix. We only need one good run, sa susunod ay mag-uunahan na ang mga iyan na ma-cover. Maganda na ba ako?" She asked Sloane who fixed her curles and nodded.

Her phone rang. "Hello?" Sumenyas na lang siya kay Sloane na bababa na ng condo dahil baka abutin ng trapik. 

It was a call from the bank. Kailangan daw humingi ng kopya ng kontrata sa nagpapadala sa kanya ng malaking pera para makitang lehitimo iyon. Otherwise, her bank account is frozen and she cannot withdraw unless the transactions are verified. Mukha ba siyang scammer?! Hindi tuloy gumagana ang kaisa-isang ATM niya.

Damnit. Napamura siya sa isip. Hindi siya sanay maging freelancer. Napakarami niyang activities dahil sa proyekto nila ni Sloane. She had to date businessmen, celebrities, socialites ever since her magazine was out. Lahat ng mga ito ay sa website niya siya ni-reach out which miraculously went back to life.

Maraming nagpapabalik sa kanya sa pagba-blog pero hindi niya na muna pinagbigyan. Pinag-iisipan niyang mabuti ang hakbang. Parang wala na rin kasing excitement kapag kilala ka na ng tao. Mahirap na magbitiw ng mga salita na no filter kapag may inaalagaan kang pangalan.

Siguro keyboard warrior at basher siya nung past life niya kaya gusto niya may secret identity siya.

"I am so sorry that I had to move our meeting place, may hinahabol kasi akong oras. I need to go to the bank after Monasterio Publishing. Then may isa pa akong pupuntahan." Humahangos pa siya nang umupo siya sa harapan ng ka-date niya na si Brix Angeles. Son of a wealthy business man from Aviation Industry. Piloto din ito kaya mukhang magandang picture-an na may pakpak sa tite. Char.

Naroon sila sa restaurant sa ibaba lang ng Monasterio Publishing para isang mabilisang kilos na lang ang mangyayari at magawa ang lahat ng kailangan ngayong araw.

Tumayo ang mestizong lalaki. He has a million dollar smile and is tall. Napatingala pa siya ng bahagya.

"A pleasure to meet you, Doctor Bombshell." Iniabot pa nito ang palad sa kanya at nakipagkamay. "Kahit ata sa buwan mo pa ililipat ang meeting place ay pupunta ako."

"Talaga? Pwede na ba ang piloto sa moon? Like roadtrip vroom-vroom?" Kumanta ng kusa ang isip niya pero natigil siya nang humagalpak ang kaharap. Luh, bentang-benta. Mababaw yarn.

"You are so witty, no wonder I find you attractive."

"Weh? Hindi dahil sa boobs ko?"

"Well, I admit, sa magazine kita unang nakita. I had to research you and then I fell in love with your blog entries. You speak your mind, you are so intelligent. I ordered food if you don't mind."

She smiled politely, "Thank you. I'll order dessert that I want later."

Magaan kausap si Brix. Sumasakay din sa mga biro niya. Hindi niya lang matyempuhan ng 'okay lang ba na maghubad ka?' At baka siya pa ang pagbayarin sa lahat ng kinain, hindi pa naman gumagana ang ATM niya.

"What do you think of getting naked in front of the camera?" Tanong niya habang ginugulo ang tiramisu na nasa platito at hindi makatingin sa kaharap. Ito na talaga ang awkward moment na tinatawag sa lahat ng mga dates niya. "I have a friend who shoots."

"Are you on a sex trade or something?" Napawi ang ngiti ni Brix.

"A-ako? Bugaw? Hindi! Nagandahan lang ako sa katawan mo. Dapat talaga riyan ay tinititigan, pinapangarap, pinagpapantansyahan!" Napalakas pa ang kanyang pagkakasabi at napahaplos pa siya sa dibdib ni Brix.

Punyemas, Thea! Ano ba iyang bibig mo!

Napangisi naman si Brix at hinuli ang kamay niya, marahan pa itong ipinasada sa malapad nitong dibdib hanggang tiyan. Pinamulahan siya ng mukha pero kinapitan niya ang lakas ng loob at pinindot ang pagitan ng hita ni Brix gamit ang hintuturo. It was Brix' turn to blush.

"Wala akong nahawakan!" Depensa niya dahil wala naman talaga. "If ever, we can cover that with wings, lalakihan natin para magmukhang—you know, agila iyang lovebird mo."

"W-what are you talking about?" Windang na windang si Brix sa kanya.

Bawat segundo ay mas lumalala na ang bibig niya. She breathes in and breathe out. Hinila niya ang upuan at idinikit kay Brix. Lumapit siya at bumulong dito.

"I know someone who will put up a Women's Sex Magazine. Baka gusto mong maging cover?"

"Women's Sex—" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Brix.

"Secret lang.."

Tumango ito kaya marahan niyang inalis ang pagkakatakip sa bibig nito.

"So, you want me to do that?" Paglilinaw ni Brix.

"Yes, I want you to do that. I'll watch."

Tumikhim si Brix at idinikit ang labi sa kanyang tainga para bumulong. "Kelan? I have flight in three hours and I'll be back next month. I can consider that but I cannot be the first cover not unless you are willing to wait."

"Really?" Pinanlakihan siya ng mata at sa sobrang tuwa ay napayakap siya kay Brix. Makakapahinga na ang katawang lupa niya kahit papaano sa pakikipagdate. She'll just ask Sloane to wait until next month, right? Nakahinga siya at masayang nagpaalam kay Brix who graciously paid for their meal. 

After they finished lunch ay nagtungo siya sa Monasterio Corporate. Kung hindi pa nagsabi ang banko ay hindi niya pa maalala na wala siyang kontrata sa Big Bad Boys Magazine. Mabuti at marunong tumupad sa usapan si Saint at ipinadala ang kita kaso ay hindi niya naman mawithdraw, nadamay pa ang personal money niya.

"I want to speak with Miss Hazel..." Sabi niya sa receptionist ng Monasterio Publishing, si Hazel kasi ang kausap niya sa mga wire transfers kaya inassume niya na ito rin ang may kontrata niya. "Kailangan kong humingi ng kontrata."

Palinga-linga siya pero pinagalitan niya ang sarili. What, huwag niyang sabihing naghihintay siya na makita si Saint? Ang manloloko na iyon ay dapat tinitiris!

"Hello, Doc Bombshell." Nakangiti ang receptionist nang makilala siya. Parang naging second name na niya ang Doctor Bombshell at nakakasanayan niya na rin. "Wala po si Miss Hazel. May meeting sa Singapore."

"Singapore?" Napatapik siya ng noo! Maling-mali talaga na nagpupunta siya ng walang appointment. "I need to fix my bank account and I need the contract. It is really agent." She muttered.

"Gusto mo, Doc, si Boss Saint na lang ang mag-draft ng contract mo? Kaso nasa baba pa."

"Hindi na." Tanggi niya. Nako, baka sabihin ay nagdadahilan pa siyang mapunta rito dahil gusto niyang makasilay. PBB teens yarn!

"Sandali lang naman iyon, Doc. Wala namang meeting si Boss sa hapon." Hindi pa siya napapapayag ay pinasunod na siya ng receptionist doon sa conference room para maghintay. Sumang-ayon na siya dahil hindi naman niya makikita si Saint doon, baka abot-abot lang ng kailangan ang magandap.

Tumingin siya sa orasan niya, isang oras na siyang nakaupo at sumasakit na ang pwet niya kaya tumayo siya para balikan ang receptionist sa puwesto nito para magtanong.

"Wala pa ba si Saint?"

"Nandyan na, Doc. Sinabi ko na rin na naghihintay ka."

"Bakit ang tagal?" Pinahalata niya ang inip.

Nahihiyang ngumiti ang receptionist, "Wala daw po kasi kayong appointment.."

"So?"

"Matutulog daw po muna siya."

Napaawang ang labi niya. Matutulog ang hinayupak gayong alam na naghihintay siya?! Kumukulo ang dugo niyang sinugod si Saint sa opisina nito. Walang ingat niyang binuksan ang pinto pero siya rin ang nahiya dahil mapayapa itong nakapikit sa swivel chair na naka-recline ang likod. He looks peaceful asleep. Napalunok siya.

Humalukipkip siya at sumimangot. "Pasalamat ka mukha ka talagang Santo kapag tulog!"

Naiinis siyang sumalampak sa couch na naroon sa loob ng opisina ni Saint. Maya-maya pa ay siya ang nakaramdam ng antok kaya humiga siya sa two seater couch at pumikit din.

She woke up with silent whispers and a soft closing of the door. Napamulagat siya nang mapagtantong nakapatay ang ilaw sa paligid at madilim na sa labas, may moon at stars pa! Staycation, Thea?!

"Fck, what time is it?!" Nilingon niya si Saint na nakatayo sa may pinto. Dumulas sa kanyang katawan ang makapal na coat na nakapatong pala sa kanya kanina. It was Saint's.

"Gabi na."

"Hindi mo man lang ako ginising?!" Naeskandalo siya. Ang dami niyang hindi napuntahan! May usapan sila ni Artemis at yung bank manager na naghihintay sa kontrata na ipapasa niya.

"Hindi mo rin naman ako ginising.." Nagkibit-balikat si Saint.

"Why did you sleep in the first place? Alam kong wala akong appointment pero alam mong naghihintay ako! Hindi naman ako pupunta rito nang walang gagawin!" She's fuming mad. Halos lumabas ang usok sa ilong niya.

"Really, Thea? I thought napadaan ka lang kasi may date ka around the area at naalala mo na humingi ng kontrata since nandito ka rin naman."

Nagsalubong ang kilay niya. Bakit may galit?! Mas lalong nag-init ang ulo niya.

"Ah, kaya okay lang na magsiesta ka muna riyan dahil iniisip mong hindi importante ang pakay ko?"

"Puyat ako."

"Ako rin naman! Ikaw lang anag napupuyat?" Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri sa sobrang pagkainis. 

"Bawas-bawasan mo kasi ang pakikipagdate. Kapag matanda na, dapat 8 pa lang, tulog ka na." Saint remarked.

"Gago ka! I missed the bank and another meeting because of you!"

"You should have come early, then. Mas importante ba iyong makipaghaplusan ka ng katawan doon kanina?"

Natulala siya at inalala kung anong nangyari kanina. Muntik pa niyang makalimutan na kanina nangyari ang lunchdate niya with Brix. 

"Oh, so iyon ang issue mo? Akala ko ba wala kang gusto sa akin? Bakit nagseselos ka?" She fired the shot even though she knows that Saint is just ego-tripping.

"I am not jealous. I am just saying." Nag-iwas ito ng tingin at saka lumapit sa lamesa. "Here's the contract. You may go." Pinalayas pa siya ng ganun-ganon na lang. 

"Hindi na ako babalik!" Galit pa niyang anunsyo.

"I heard you say that two weeks ago and here you are, Thea. Hindi ba't sinabi kong hindi ka na dapat naglalalapit sa akin?"

Kumuyom ang kamao niya, wala siyang baong rebut. Nasaktan siya, in fact. 

Why is he mad? Dahil ba nakakulong si Samantha dahil sa kanya? Na hindi siya nag-alok na iatras nito ang kaso? He lost his best friend kaya galit? Or love of his life perhaps?

The fact that Saint has another best friend now makes her chest hurt, pinigilan niyang masamid sa isiping magbestfriend si Sam at Saint at wala na siya sa picture. BFF Momints. 

"Ayoko naman talagang makita ka... I just need this paper." Seryoso niyang tugon kay Saint.

Inis siyang tumalikod at lumabas ng Monasterio Publishing. Padabog pa siyang sumakay ng kotse at napansing nakabukas ang ilaw sa loob ng sasakyan. Napagtanto niyang nakalimutan niyang patayin ang ilaw that might've drained her car battery.

"Fck!" Dali-dali niyang isinuksok ang susi para paandarin ang kotse pero tumunog lang ito at namatay. She tried again but her car just scowled at her. Galit ka rin sakin? She mentally asked her car. 

"Gaga ka gerl, nagdadrama ako, huwag mo akong paaakyatin sa taas para humingi ng tulong!" Kinausap niya pa ang Honda niya na parang sasagot iyon.

Lumabas siya ng sasakyan. She pulled out her battery jump starter at the back of her car and watched videos on youtube about how it is used. She did try but it did not work.

'Honda City 2013 not starting..' Bulong niya pa habang nagtitipa sa google at nagba-baka sakali ng sagot.

"Ano? Bulok na ang sasakyan ko?! Agad-agad!" Reklamo niya sa artikulo na nagsabing ang more than five years na na sasakyan ay magbibigay na ng maraming problema. She sighed and looked up when without a prelude, rain started pouring. 

Basang-basa talaga siya wala pang sampung segundo. Nakabukas pa ang hood ng sasakyan niya at galit na galit siyang pinaliguan ng langit. 

She was so frustrated. Hindi niya alam kung anong titingnan niya, yung sasakyan niya, yung phone niya, o yung sarili niya. 

She sniffed and pity herself. Ano ba yan! Kahit anong tapang ng babae, talagang may bagay talagang kinulang sa diskarte ang mga gaya niya. Bakit ba kasi nakatulog pa siya? Bakit ba sa open parking siya nagpark? At bakit ba iniiyakan niya ang sitwasyon?

Pinahid niya ang luha sa mata kahit na walang silbi dahil basang-basa na siya. She let her emotions pour out with the rain. It is actually her first time to cry in the rain although she doesn't know what for. Siguro ang dami lang emosyon na naipon at lagi siyang bumabangon dahil wala siyang choice manghina.

"Thea."

A huge umbrella covered her. Napatingala siya at nakita niya si Saint na pinapayungan siya. Her tears became obvious because the rain stopped falling on her. 

"Ano ka ba!? Nagdadrama yung tao!" Tinulak niya si Saint, gusto niyang takpan ang mukha niya. Saint looked at her intently and sighed. Itinapon nito ang payong sa kanilang tabi. He let the rain fall on him, too. Bumalik ang luha niya kasabay ng ulan, hinayaan niya lang iyong bumuhos ng bumuhos.

"I miss you, Daddy! So bad... Do you understand what's going on, Dad? I don't..." She sniffed and wailed like a baby. She remembers the days when she doesn't need the rain to hide her tears because her Dad's tight embrace is enough. Mas lalong lumakas ang ulan. Maybe, this is her Dad, hiding her tears for her.

"Thanks, Dad.." She whispered.

Nanatili lang si Saint sa kanyang harap. Pinapanood siya. Kasabay ng pagtila ng ulan ang paghina ng kanyang hikbi.

"I can't fix my car.." She whispered. Saint nodded. 

"Let me dry you first, Thea. I got you." Kinuha nito ang kamay niya at iniakyat siya sa opisina nito.

---

🧡 Makiwander | 📸 Instagram: Wandermaki | 💙 Facebook: Makiwander | 🐦 Twitter: Wandermaki | 💚 Spotify: The Slow Fix Podcast

Maki Says: I have a new episode. Please stream guysh! 


Continue Reading

You'll Also Like

15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
89.5K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...