The Assassin Servant (Under I...

By Chomipinky

1M 19.9K 6.7K

Obsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. A... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanaba 16
Kabanata 17
Kabanata 18🔺Warning🔺
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28 🔺Warning🔺
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling kabanata
Main Characters

Kabanata 14

17.1K 493 162
By Chomipinky

Nakaaligid lang sa 'min si Venezio. Ayaw kong mapalapit sya sa 'min dahil titig na titig sa kanya si Levi.

Tatlo lang kami dito dahil na sa kabila si Raven at Baize.

"Bagay ba sa 'kin ang ganitong klaseng damit?" hinarap nya sa 'kin ang Halter strap na hawak nya.

Hubadera naman si Levi kaya bagay sa kanya ang ganyan damit.

"Bagay naman sa 'yo," ani ko at pinagpatuloy ang pamimili.

Wala pa akong napipili kahit isa, marami pa akong damit sa bahay. Mas madami yata ang hindi ko pa nagagamit, kung pwede lang talagang hindi sumama hindi na talaga ako sumama.

"He's hot, Aurora," rinig kong bulong ni Levi paglapit ni Aurora sa kanya.

Binalingan ko ng tingin si Venezio. Hindi mawala ang dalawang mata nila sa kanya.

Nakaupo sya habang ang tingin na sa 'kin. Mabilis akong umiwas ng tingin.

Ramdam ko ang malalalim nyang titig sa 'king. Uminit ang pisngi ko.

"May napili ka na ba, Blare?" tanong ni Aurora.

"Wala pa, magbayad na kayo if tapos na kayong mamili naghihintay na sila Baize sa labas," ani ko.

Tumango si Aurora.

Lumapit ako kay Venezio kaya mabilis syang tumayo.

"Ang hirap makipagplastikan," bulong ko.

Sumunod sya sa 'kin palabas.

Sinalubong agad ako ni Baize at Raven. Nagtaka ako ng makitang kay Venezio ang tingin ng dalawa.

"May problema ba?" tanong ko sa dalawa.

Ngumiti si Baize at bigla akong inakbayan nagpagulat sa 'kin

"May something ba sa inyo ng lalaking 'yan?" bulong nya sa 'kin.

Agad ko syang tinulak dahil sa tanong nya.

"Pinagsasabi mo? wala kaming something," bulong ko lang dahil baka marinig ni Venezio.

"Mabuti naman, baka magalit na naman si Lola," ani nya.

He's worried. Ayaw lang nila mangyari ang nangyari noon kay dad at Mom.

Wala naman akong pake alam kung magalit sila sa 'kin dahil susuwain ko ang gusto nila. Ako ang magmamahal at hindi sila. Ako rin ang mabubuntis hindi sila, at bakit ko naman pipiliin ang lalaking hindi ko naman mahal?

Sumunod lumabas si Levi at Aurora. Nagtaka ako kung bakit bumabagal ang lakad ni Levi.

Liningon ko ang dalawa.

Magkasabay na silang naglalakad ni Venezio. Nagsasalita si Levi pero hindi ko marinig.

Pumasok kami sa isang restaurant umupo ako sa tabi ni Baize sa kanan bahagi ko naman si Raven, sa harap namin si Aurora.

May dalawang space pa, pagpasok ni Levi agad syang tumabi kay Aurora.

Salubong ang kilay ko ng makitang nakatayo lang si Venezio.

Magsasalita sana ako ng bigla akong unahin ni Levi.

"Umupo ka na, Venezio. Hindi ka naman nalalayo sa 'min dahil parang kapatid mo na rin si Blare." Nginitian nya ako.

Wala akong pinakitang reaction, kapatid? Ang kapal ng mukha nya.

Umupo si Venezio sa tabi ni Levi dahil sa kanya lang naman ang may space.

Lumapit sa 'min ang waitress at isa isa kaming binigyan ng menu.

Dalawa lang ang order ko dahil hindi ko naman mauubos.

"Tubig lang," narinig kong sabi ni Venezio.

Umangat ang tingin ko at sinamaan sya ng tingin.

"Dalawa na lan-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumingit agad si Levi.

"Kung ano ang order ko, 'yong na lang ang ibigay mo sa kanya," ani nya.

"Paano kung hindi magustuhan ni Venezio ang order mo, Levi? let him choose," ani ni Aurora.

"It's fine, Young lady. Hindi naman ako mapili sa pagkain," sagot ni Venezio.

Hindi mapili sa pagkain? Ganon pala.

Umalis na rin ang waitress ng makuha ang order namin lahat. Naglalaro lang ako sa phone ko dahil wala naman akong magawa.

Napansin kong pinaglalaruan ni Venezio ang chopstick gaya ng ginagawa nya sa baril.

"Mukhang safe talaga sa 'yo ang pinsan ko, Venezio," sabi ni Raven na kanina pa tahimik.

Mukhang pinagmamasdan nya ang galaw ni Venezio.

Tinigil ni Venezio ang paglalaro sa chopstick.

"Wala akong kwentang Servant kung hahayaan ko lang mapahamak ang, Young lady." Ngumisi sya at tumingin sa 'kin.

Agad kong binalik ang tingin ko sa cellphone.

"Sabi ni Tito palagi daw napapahamak si Blare dahil maraming nag-aaligid sa kanya pero simula ng dumating si Venezio kaunti na lang ang balak lumapit," masayang sabi ni Levi.

"Delikado talaga ang pagpasok sa politics dahil buhay mo rin ang nakasalalay," Aurora said.

Natigil ang usapan ng dumating na rin ang pagkain namin. Ang dami pala nilang order halos puno na ang buong table.

Mauubos ba namin lahat ng ito?

Nilagyan ni Venezio ng pagkain ang plato ko, bumaling ang tingin ko sa apat na nakatingin sa 'kin ng makahulugan.

"Sobra naman yata na pati sa pagkain Blare inuutos mo pa rin." Sinamaan ako ng tingin ni Levi.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan magsalita ng masama, na sa harap kami ng pagkain.

"Gusto kong lagyan palagi ng pagkain ang plato ng, Young lady. Hindi nya ako inuutusan," sabat ni Venezio.

"Wala naman masama sa ginagawa nya, Levi. Kumain ka na." Raven.

Wala ng nagsalita ng mag-umpisa na kaming kumain. Mainit pa rin talaga ang ulo ko kay Levi.

Pagkatapos namin kumain nag-aya na akong umuwi kahit hindi pa gusto ni Levi. Ano gagawin nya sa Sm? Tatambay tapos mamilili lang ng hindi naman nya kailangan para makasama si Venezio.

Pagdating namin ng bahay agad akong dumiretso sa kwarto na para bang walang nakita. I'm tired.

Pumunta lang ba kami doon para panoorin si Levi at Venezio na magkasama.

Levio? What the f*ck! Hindi bagay sa pangalan nila.

Wag mong sabihin nagseselos ka Blare? Tandaan mo ang sinabi nya
"DON'T FALL IN LOVE WITH ME" itatak mo yan sa utak mo Blare.

Pero bakit naiiyak na ako sa sobrang inis ko.

Aminin ko man  pero nagseselos talaga ako, maling mali na mahulog ako sa kanya pero hindi ko na kaya pigilan ang nararamdan ko.

Tumulo ang luha ko.

Agad kong pinunasan ng marinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

Salubong ang kilay ko ng makitang pumasok si Venezio. Nakaputing pulo na sya.

"Umiiyak ka ba?" takang tanong nya. Naglakad sya papalapit sa tabi ko.

Pinunasan ko ang luha ko, sabay iling.

"Napuing lang ako. Bakit nandito ka?" hindi ko mapigilan ang pag paos ng boses ko.

Huminga sya ng malalim at umupo sa kama ko.

Hinaplos nya ang kamay ko at tumingin sa mata ko.

Kahit anong pigil kong wag umiyak kusa na lang tumulo ang luha ko.

Pinunasan nya ang luha kong patuloy na pagbagsak sa pisngi ko.

"Sorry, kung pinaiyak kita. Hindi ko na uulitin pa." Niyakap nya ako.

Humagulgol ako ng iyak. Hindi ako matapang na tao pero hindi naman ako iyakin. Hindi ko lang alam kung bakit ang bilis kong umiyak kapag sya ang dahilan?

"Ang hina hina ko para iyakan ka, Venezio," bulong ko.

Mas lalo nyang hinigpit ang pagyakap sa 'kin.

Hindi sya nagsalita.

Bumitaw ako ng yakap.

"Vene-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang sakupin ang labi ko.

Pumikit ako at dinama ang halik nyang dumapo sa labi ko. Ang lambot ng labi nya.

Binuhat nya ako at pinaupo sa kandungan nya, mas lalo nyang pinalalim ang halikan namin.

Sinabit ko ang dalawang kamay sa leeg nya ang dalawa naman kamay nya nakahawak sa bewang ko.

Bumaba ang labi nya sa leeg ko.

"Ahh!" ungol ko ng bigla nyang sipsipin ang leeg ko.

Bumalik ulit ang labi nya sa labi ko.

"F*ck, Blare!" tinigil nya ang halik pero  magkadikit pa rin ang tungki ng ilong namin.

Hinaplos nya ang pisngi ko.

Bigla kong narealized na sa kandungan nya pala ako. Agad akong lumayo sa kanya.

"Sorry dapat pini-" pinutol nya ang sasabihin ko.

"Hindi ka dapat mag-sorry, Blare. Ginusto ko ang ginawa ko."

"Wala kang gusto sa 'kin, Venezio. Dapat pigilan kita dahil lalaki ka pa rin natukso lamang kita."

"Blare-"

"Sorry talaga, Venezio!" Kinuha ko ang kumot ko at binalot sa sarili.

Mukhang hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya.

Bigla nyang inalis ang kumot ko.

"Venezio-" nilagay nya ang sinturo sa labi ko.

"Shhhh, kumalma ka muna." Inalalayan nya akong humiga sa kama ko.

Tinitingnan ko lang ang ginagawa nya.

He kissed my forehead.

"Magpahinga ka, dadalhan lang kita ng pagkain," ani nya.

Sinundan ko sya ng tingin hanggan sa makalabas na rin sya sa kwarto ko. Napahawak ako sa labi ko.

Inalis ko ang kumot ko at sinandal ang sarili sa headboard ng kama.

"Blare, wag kang umasa, please," bulong ko sa sarili.

Hindi ako natulog dahil hinihintay ko syang pumasok ulit ng kwarto ko pero umasa lamang ako dahil si Mom ang nagdala ng pagkain ko.

Nagpanggap na lamang akong tulog para hindi nya ako makausap, sigurado naman akong wala na rin dito ang mga Tito ko maliban kay Lola.

May sariling kwarto si Lola dito sa bahay at mga pinsan ko pero mas gusto nilang sa hotel na lang matulog.

Kaya pala ang emotional ko dahil menstruation ko ngayon. Hindi ko agad napansin buti na lang wala akong tagos.

Bumaba ako at pumunta ng living area pero walang tao dahil na sa garden sila kasama si Lola.

Tatalikod na sana ako para bumalik ng kwarto ko ng marinig ko ang boses ni Lola na tinatawag ako.

"Blare, mag-usap mo na tayo." Liningon ko sya, kasunod nya si Dad at mom

"Para saan Lola?" umupo ako sa sofa.

Umupo naman sya sa harap ko.

"May napupusuan ka na ba?" kumunot ang nuo ko dahil sa tanong nya.

"Bakit po?"

Pumunta si Mom at Dad sa kitchen. Mukhang alam na rin nila kung anong balak ni Lola

Sumandal si Lola sa sofa at ngumiti sa 'kin kaya mas lalo akong nagtaka.

"Napag usapan na rin namin ng pamilya muna ipagkakasundo ka namin sa pamilya Wang."

"What?" malakas na sigaw ko. Napatayo ako pero mas lalo akong nagulat ng makitang padaan si Venezio.

Hindi na ako magtataka kung narinig nya ang sinabi ni Lola.

"Blare, umayos ka," sita nya sa 'kin.

Umupo ulit ako. Kumuyom ang kamao ko.

"Wala kayong karapatan na ipagkasundo ako, Lola-"

"Wag mo ng ulitin ang ginawa ng daddy mo, Blare. Mas mabuting hindi nawawala sa atin ang dugong chinese."

"Wala akong pake alam kung mawala ang dugong chinese ko Lola kung hindi ko naman mahal 'yan, buhay ko to. Desisyon ko ang masusunod kung sino ang papakasalan ko." Kinalma ko ang sarili.

Bumukas ang pintuan. Agad tumakbo si Levi papunta kay Lola.

"Blare, wag mong sigawan si Lola," pabalik ni Levi sa 'kin.

"Makinig ka sa 'kin, Blare, para sa ikabubuti mo ang ginagawa ko."

Tumayo ako at kinalma ang sarili.

Paano ko ikakabuti kung ipagkakasundo ako sa taong hindi ko naman kilala at hindi ko mahal.

"Kayo na lang ang magpakasal kung gusto nyo. Wag nyo akong pilitin sa ayaw ko dahil iba ako magalit Lola," sabi ko at tinalikuran sila. Narinig ko pang tinawag nya ako pero hindi ako makinig.

Lumabas ako ng bahay, sobrang inis na inis ako.

Kinapa ko ang phone sa bulsa ko pero wala. sh*t! Naiwan ko na naman.

Naglakad lakad mo na ako.

Umihip ang malakas na hangin. Hindi ako pwedeng lumabas ng tuluyan sa village.

Tumigil ang sasakyan sa harap ko. Lumabas si Venezio na salubong kilay

Pagkatapos nyang marinig ang sinabi ni Lola agad syang lumabas.

"Bakit na sa labas ka? hindi ba dapat makipagkita ka ngayon sa mapapangasawa mo." Pang aasar nya.

Imbes na mainis pinipigilan ko na naman maluha, kaya ayaw ko talaga ng menstruation dahil naiiyak ako kahit simpleng bagay lang.

"Bumalik ka sa loob at sasamahan kita ngayon sa mga Wang, baka magalit pa ang Lola mo." Tumataas ang boses nya.

"Venezio-"

"Pinagkakasundo ka na, hindi ka dapat lumalabas lalo't alam mong delikado ang buhay mo, Young lady. Pumasok ka sa loob ng sasakyan ko at ihahatid kita pabalik." Akmang hahawakan nya ang kamay ko umatras ako.

Huminga sya ng malalim, hindi ko alam kung tama ang napansin ko pero naiinis sya.

Wag mo akong pakitaan ng motibo, Venezio.

"Hindi ka talaga makikinig sa 'kin, Blare. Pinagkakasundo ka na naririnig mo ba ako?  Hindi ka na magiging dala-"

Bumuhos ang luha ko.

Nataranta sya, hindi nya alam ang gagawin kung lalapit ba sya sa 'kin o hindi.

"Napaka sama mo, porket gusto kita ganyan ka na sa 'kin." Paos na paos na ako dahil sa kakaiyak ko.

"D*mn, sorry!" Agad nya akong niyakap.

Tinulak ko sya at sinamaan ng tingin

"Hatid mo ako dahil papayag na ako sa gusto ni Lola."

Ginulo nya ang buhok.

"Tang*na! Hindi ako papayag na mapunta kalang sa pamilyang Wang. Ang panget naman kung hindi mo magamit ang apilyedo ko."

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 29.3K 41
In the bustling City of Manila, Mayor Dion Dawson, a charismatic leader known for his commitment to public service, experiences an unexpected twist o...
191K 2.8K 26
Under Editing but Daily Update! ... Sa ilang taon na panunungkulan ni Laxon Ace Montemayor bilang Governor ay malaki na ang naitulong niya sa lalawig...
206K 2.2K 44
Actors, film, showbiz, and a past betrayal - how well could that mix go together? I don't know. No one knows but them. Because, like they always say...
675K 19K 53
Charles Sandoval is the long-time crush of Clarisse Villanueva. She didn't go to States with her family just to be with Charles Sandoval. She decided...