The Fame Game

By UnidentifiedBlueStar

8.4K 330 125

[On-going] Kyra, a highschool student who fell inlove with her English Teacher and his Twitter Crush. Who wil... More

Prologue - Start
Level One - Final
Level Two - Burst
Level Three - Former's Comeback
Level Four - First Day
Level Five - Substitute
Level Six - Smile
Level Seven - 5ever
Level Eight - Spell Badtrip
Level Nine - "Wag muna, please.."
Level Ten - Her Teacher's Confession
Level Eleven - Dark Clinic
Level Twelve - Nabugbog na Saging
Level Thirteen - Ingenuous
Level Fourteen - Acceptance
Level Sixteen - Impenetrability
Level Seventeen - Hope vs. Wish
Level Eighteen - Spelling Contest
Level Nineteen - Friendzoned
Level Twenty - His thoughts
Level Twenty One - Lalaine
Level Twenty Two - Byul
Level Twenty Three - Why now?
Level Twenty Four - All I wanted
Level Twenty Five - Beles beles

Level Fifteen - Triangulum

230 10 3
By UnidentifiedBlueStar

- L E V E L  F I F T E E N -

Thursday. Ewan ko kung napa-aga ako o kung puro late lang talaga yung mga kaklase ko. Miracle nalang siguro dahil maaga ngayon si Adrianne kasama yung iba ko pang classmates.

Alam niyo yung biglang naging abnormalite yung mundo? Ewan ko lang.. pero feeling ko nagbago yung mga tao sa paligid ko.

Una nalang si Sir Melvin, naging masungit siya lalo.. minsan ngingiti tapos pilit iniiba yung ekspresyon pag nakikita ko siya. Yung totoo, pyschotic ba si Sir?

Pangalawa, si Hyunsu. Bigla-bigla lang naman bumait. Minsan binabati pa nga ako pag nagkakasalubong kami sa hallway. Nagrereply na uli siya sa twitter.. Tapos ngumingiti pa siya sa akin. Mas lalo nga akong naiinlove, yun nga lang.. Nakakapanibago.

Naputol ang pagiisip ko ng biglang magtawanan sila Adrianne sa tabi ko.

“Grabe pre! Ang landi naman niyan.” sabi ni Rence.

“Dear Adrianne, alam mo bang gusto kita.. matagal na.” nagboboses babae pa si Christian. Ano nanamang trip nila?

 

 

“Hahahah! Grabe Adrianne. Ang landi naman nito.” habol pa ni Rence.

Natawa lang si Adrianne habang binabasa yung letter na galing siguro sa mga admirer niya.

“Sino nagbigay niyan?”  tanong ko.

“Si Kristina. Ang korni nga eh. hahahaha.” sabi ni Adrianne.

“Ang kiri eh. ‘alam mo ba napanaginipan kita..’” sabay tawa ni Rence.

“Grabe pre. hahaha. Dinaig pa—“

 

 

Hindi na ako nakapigil pa.. Masiyado na sila..

“Hindi mo lang naman ba naappreciate? Hindi mo ba alam na ilang araw at gabi niya sinulat yan? Ilang energy drink ang nilaklak niya para lang malabanan yung kaba? Ilang araw niya pinagisipan kung ibibigay niya ba yang letter na yan? Ilang bookstore ang hinanapan niya ng maayos na stationary? Ilang tao ang tinanong niya kung maayos na ba yung sulat niya? Ilang gabi siya nagpuyat para isulat yan? Korni? Malandi? Eh ano pa kayo? Ang sasama ng ugali niyo. Ikaw Adrianne, hindi ka man lang nagthank you? Hindi porket maraming nagkakagusto sa’yo gaganyanin niyo na, Kung hindi mo gusto sabihin mo ng maayos hindi yung pagtatawanan niyo. Hindi mo ba alam na mahirap yang ginawa niya? Bwisit!” sabay labas ng room.

Paglabas ko ng room naabutan ko doon si Kristina na nakatulala sa akin. Hays.

“Kalimutan mo na siya, marami pang iba dyan.” sabi ko sabay tapik sa likod niya. Sa totoo lang naguguilty ako, yung pinalabas ni Adrianne na kunwari magkayakap kami? Pinagsisisihan ko na pumayag pa ako sa trip nila.

Naalala kong kaklase ni Kristina si Korinne, “Pakisabi sa kapatid ko, mauna na siyang umuwi.” sabay alis ko pagkatungo ni Kristina.

Maaga pa naman kaya lumabas muna ako, tatambay muna siguro ako ng library.

Pagpasok ko ng library. Nakita ko doon yung dictionary ko, hindi ko siguro nakuha kahapon. Tsk.

Uupo pa lang ako narinig ko nagbell na, meaning 7am na.

Paglabas ko wala ng masiyadong tao sa hallway. Kaya tatakbo nalang siguro ako, mamaya maunahan pa ako ni Sir Melvin sa room. Katakot-takot na tingin ang makukuha ko.

Takbo. Takbo. Takbo.

“Sorry! Sorry!” sabi ko sa nabunggo ko.

“N-no.. It’s okay.”

 

 

“Hyunsu?!—Mamaya na ah, late na ako eh.” sigaw ko.

“W-wait!” sigaw pa niya. In lieu na lingunin tumakbo ako papunta sa room. Sorry Hyunnie.

Pagdating ko sa room swerteng wala pa doon si Sir Melvin. Tinignan ko si Althea, nakatingin pala ang bruha sa akin.

“Saan ka galing?” taas kilay niyang tanong.

“Sa library lang..” tinaas ko pa yung dictionary. Umayos naman na siya ng upo.

Tinignan ko yung tatlo, nagpose pa sila ng parang nagsosorry. Aba? Bakit sa akin sila mag-sosorry?

Ilang sandali lang rin dumating na si Sir Melvin. Pagpasok niya tumingin siya sa akin pero nginitian ko lang siya. Tapos biglang iwas hindi man lang ngumiti? Problema nun?

 Tapos meron pa ang pale ni Sir, I mean his skin.. Tapos yung labi pa niya ang dry. Ooopss. Wag shrek. May sakit si Sir? Or masiyado lang akong paranoid?

“So Hera is one of Zeus’ wife..Though they’re siblings.. But Hera is too selfish..” natigil ang pagdidiscuss ni sir ng bigla siyang umubo. “Sorry.. Uhmm.. But Hera is too selfish because—“

 

 

 

Nagulat ako ng biglang nag faint si Sir sa harap ko. Buti nalang nasa harap ko siya at medyo nasalo ko siya. Adrenaline rush.

“Thea! tawagin mo si Sir Ray sa kabilang section, bilis!” sigaw ko kay Althea na kasalukuyang nagugulat pa sa pangyayari.

 

Ilang segundo rin dumating na si Sir Ray. Inakbay namin ni Sir Ray si Sir Melvin magkabilang-kamay papuntang Clinic.

--

 

“Kyra, absent si Ma’am Jane, May klase pa ako sa 4th year eh.. Pwedeng ikaw muna dito? Tatanungin ka pa rin kasi ng nurse eh.” sabi sa akin ni Sir Ray.

“Ganun po ba.. Okay lang po, ako po muna dito.” sabi ko kay Sir Ray pagkatapos nun umalis na rin siya dahil nga may klase pa daw siya.

Wala pa si Hyunsu dito sa clinic. Ewan ko kung saang lupalop ng Earth yun matatagpuan pero pinahanap ko na siya kay Althea.

Ilang minuto rin bumukas na yung pinto. Si Hyunsu na pala.

 

“Bakit ganyan mukha mo?” tanong ko sakanya. Parang ewan kasi yung tingin kay Sir Melvin, parang nagagalit na natatae na nagsusungit na mangangain na ewan!

“Wala. Anong nangyari sa kanya?” hinawakan ni Hyunsu yung pulso.

 

 

 

“Hoy! Hindi pa patay si Sir Melvin! Nawalan lang ng malay.” sabi ko. Ganon ba talaga yun? Hinahawakan sa pulso?

“Ahh. Magigising rin yan mamaya.” sabay upo malapit sa desk niya sabay crossed arms. Ganon nalang yun? Seriously? Tumahimik na lang ako dahil wala naman akong alam sa mga ganyan.

Sa sobrang boring sa loob ng Clinic kinausap ko nalang si Hyunsu na kasalukuyang nagcecellphone.

“Hyunsu, bakit ka lumipat dito?”

“Gusto naman ng kapatid ko ng ibang environment, lumipat rin siya ng trabaho eh, So ako lumipat na rin ng ibang branch ng school ko. Fortunately, meron rin pala dito.”

“Ahh.. Ano bang trabaho ng ate mo?”

 

 

 

“Hindi ko rin alam eh. Basta alam ko nasa office siya.”

 

 

 

“Minsan alamin mo rin ah?” nakita ko naman napangiti siya. napangiti rin ako.

“Bakit ka pala nandito?” tanong niya sabay lagay ng cellphone niya sa table.

“Nasa gilid ko lang kasi si Sir nung mawalan siya ng malay. Ako rin yung nag-akay.” nakita ko naman na kumunot yung noo niya.

“Bakit ikaw yung nag-akay?”

 

 

“Dahil ako yung pinakamalapit? Tsaka kasama ko naman si Sir Ray kanina eh.” depensa ko.

“Kahit na, you’re just a girl, Next time let others do that, okay?”

 

 

“Opo sir!” sabay saludo ko. Natawa naman siya. Ang cute niya talaga lalo na pag nakangiti… lalo na kung ako yung dahilan. hihihi

Ilang sandali lang nagising na si Sir. Nilapitan namin ‘to ni Hyunsu.

“Kamusta na pakiramdam mo?” siniko ko nga si Hyunsu. Ang rude lang ah. Kanina pa ‘to.

“Kulang lang siguro ako sa tulog.” paliwanag ni Sir.

“Puyat sa pag-blahblahblahblahblah.” rinig kong bulong ni Hyunsu pero hindi ko na narinig yung huli niyang sinabi.

“Huh? May sinasabi ka Hyunsu?” tanong ko.

“Wala.” tanggi nito. Tumingin naman ako kay Sir Melvin. “Sir, baka po nagugutom na kayo. Teka, bibili lang po ak—”

 

“Wait!” tinignan ko naman si Hyunsu. “Uhm.. Ano..—“

 

 

Bigla namang pumasok si Althea.

“Kaiiii—OMYG!” nakita ko naman nagulat si Althea tinignan ko yung tinitignan niya si Hyunsu pala. Magbestfriends nga kami, parehas kami ng reaction eh.  Hindi ko pa pala nasasabi sakanya parehas kaming busy eh, ako sa training, siya kay Spencer. Okay lang naiintindihan ko naman siya. Huwag lang niya ako makakalimutan kundi sasabunutan ko siya makita niya.

Nilapitan naman niya ako bigla tapos nagtago sa likod ko. “Kai, totoo ba ‘to? Si Hyunsu talaga yan?” bulong niya sa akin. Tumango lang ako.

 

“WA—“ tinakpan ko nga yung bibig may balak pang tumili eh.

“Kalma lang, Thea ah? Tamang-tama nandito ka bibili—“

 

 

 

 

“HINDI! Uhm.. I mean.. d-diba siya na ang bibili? Diba?” pagsisingit ni Hyunsu sabay tingin kay Althea. Tumingin muna sa aming tatlo si Althea bago nagsalita.

“Ahhh! Oo, sige sige. Ako na ang bibili ng pagkain niyong tatlo.” sabay labas ng Clinic narinig ko pa siyang tumawa palabas. Abnormalite talaga yun. Ni-hindi pa kinuha sa akin yung pambili.

“Uhmm—/Ano—/Ahh—” we said in unison.

AWKWARD SILENCE

Shocking moment ito! Spell Awkward.

“S-sir, bakit po ba kayo nahimatay?” pambabasag ko ng matinding awkward atmosphere na namumuo sa loob ng clinic. Gash, alam kong ang absurd lang ng tanong ko, pero wala na nasabi ko na. Tsaka redundant lang, nasagot na niya diba kanina yan?

“Puyat lang siguro, Kai.. T-teka bakit ikaw nga pala yung nandito?”

 

 

“Eh ako po kasi yung umakay sainyo papunta ditong clinic pati po si Sir Ray, eh si sir po merong klase.” nakita ko naman na namula bigla si Sir sa sinabi ko. Kinikilig si Sir?!

“A-ah.. G-ganon ba.. S-sorry ah..”

 

 

“Tama lang na mag-sorry ka, babae yan o—“ siniko ko nga uli si Hyunsu. Kanina pa ‘to ah. Ano bang problema niya kay Sir?

“Okay lang po yun, atleast nagising na po kayo ngayon.”

 

“Thank yo—“ hahawakan na sana ni Sir yung kamay ko ng…

“A-ah.. ano.. K-kai.. bakit parang may dumi ka sa kamay?” biglang hawak ni Hyunsu sa kamay ko.

“H-huh? Wala naman eh.” pinagpagpag ko pa yung kamay ko.

 

 

 

 

“Ah.. Akala ko lang.” ngiti-ngiting sagot niya sa akin.

“Ah ano sir, ano nga po pala ulit yun?” baling ko ng tingin kay Sir.

“Wala.” kunot noong sagot ni Sir.

Ay badtrip?

Pero bakit ganoon kinikilig ako?

Dahil ba kasama ko yung dalawa kong gusto?

o

Dahil sa paghawak sa kamay ko?

Pwede both? hihi

 ---

Inaayos ko na ung spacing pero ganon pa rin. Hays.

Inuulit ko, ang hindi magcomment, panget!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...