Stuck At The 9th Step

By Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. More

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM
CHAPTER 16 : DON'T TELL
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 18 : DARE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 26 : SET UP
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 45 : FIGHT
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 48 : SCHEME
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 61 : REN
CHAPTER 62 : BLESSING
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 66 : COUSIN
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 68 : COLLIDE
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 72 : SET OF CHOICES
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 78 : INSTEAD
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 7 : FIRST GAME

32.3K 1K 488
By Khira1112

#SAT9S



CHAPTER 7 : FIRST GAME


Ako : Sino?


Nag-aanticipate ako ng reply niya. Sino ang naaalala niya sa akin? Mas lalo akong nahiwagaan. Yung pakiramdam na gusto ko siyang tanungin ng diretsahan kung ano ang meron sa akin at sa taong tinutukoy niya. Ano ang comparison?


Ren Delgado : Secret.


Na-frustrate ako. Halos kagatin ko na ang cellphone ko. May parte ko na gusto siyang kulitin kung sino ba talaga 'yon ngunit ang kabilang parte ay pumepreno dahil baka masyadong personal.


Kaya sa huli ay hindi na lang ako nag-reply ngunit na-stuck ako sa kakaisip kung sino 'yon. Kamag-anak? Kapatid? Kaibigan? O girlfriend?


Natawa ako sa sarili ko. Malabo yung huli. Asa pa. Sa isip ko, nasa mataas na pedestal ang girlfriend niya at walang binatbat ang lebel ko. Parang do'n palang, no match na.


Napapreno na naman ako. Ba't ko kinukumpara ang sarili ko sa gano'n kagandang nilalang? Para kong iniinsulto ang sarili ko.


Dalawang araw pagtapos no'n, saka lang ako pumasok. Dapat kahapon pa pero pinigilan ako ni Liza. Wala akong nagawa dahil kung magbunganga ang isang 'yon ay parang nagmamaktol na inang bayan.


Pagdating ko sa gymnasium ay natigilan ang ibang players. Binati agad ako ng mga coach at kinumusta.


"Okay na po ako." Sagot ko habang malaki ang ngiti. Napatingin sa mga players na nagpatuloy sa pagdribble at pagshoot ng bola. Ang ibang nasa bench ay napainom ng wala sa oras at naging busy bigla sa cellphone nila.


Nalusaw ang ngiti ko. Mga patay malisya. Letse. Kinuha ko ang cardboard at nagtanong kay Coach kung ano ang routine na ipapractice ngayong araw. Mataman akong nakinig sa instruction.


"Ilang araw na lang ang nalalabi at magsisimula na ang league. Ipagpapahinga natin ang players para makondisyon sila. Ang huling practice ay sa isang araw."


Tumango ako. "Tingin niyo po, mananalo tayo sa Blitz?"


Sinulyapan ako ni Coach. "Hindi gano'n ka kampante. Malakas ang kalaban. Hindi ko sinasabing 'no match' tayo pero ilagay natin yung sitwasyon na kaka-adjust lang ng team sa bagong rotation. Gano'n pa man, dapat positive tayo."


"Tama po." Niyakap ko ang cardboard. Hindi ko gusto dagdagan ang pressure ni Coach. Siguradong tinatago lang nito 'yon at paniguradong gano'n rin ang nararamdaman ng mga players. Mas magandang maging positive.


Tumingin ako sa court at isang tao lang ang hinanap ko. Nando'n siya sa corner side at nagsushoot ng bola. Napaiwas agad ako ng tingin. Ayokong mahuli niya akong nakatingin sa kanya at ayokong makapansin ang iba pero hindi ko talaga maiwasang pagmasdan ang laro niya.


Gusto ko makuha namin ang unang panalo dahil maganda ang nagsisimula ng walang talo. Iyon ang unang rason. Ang pangalawa, pride ng buong university ang matalo ang nagchampion last year. Pangatlo, gusto kong maging maganda ang simula ni Ren sa team para hindi pagdudahan ang kakayahan niya at hindi siya matahin ng sino man. Para walang manumbat na hindi siya deserving sa slot niya rito sa team.


Sa nakikita ko sa kanya, determinado siyang makaambag sa team namin. Nagtataka lang ako dahil sa lahat ng tao rito ay siya ang hindi ko nakikitaan ng pressure. Parang chill lang. Hindi ko alam kung ganyan ba talaga siya o marunong lang siya magdala.


"Manager, magaling ka na?" Tanong sa akin Orly. Isa sa mga rookie namin.


Tinaasan ko siya ng kilay. "Nandito ba ako kung hindi pa?"


Natawa ang mga nasa bench at tinapik-tapik ang balikat ni Orly. Napailing si Orly habang tumatawa.


"Natarayan ka tuloy." Sabi nung isang player. "Huwag mo kasing binabanatan ng mga stupid na tanong si Manager. Alam mo namang kasing pilosopo 'yan ni Aristotle."


Naghagalpakan sila. Umangat ang nguso ko. Sarap nilang bigwasan. Parang walang nangyari, ah? Back to normal?


Huminga na lang ako ng malalim bago sila binigyan ng instruction. Maganda na siguro ang ganito. Hindi ako naiilang. Hindi rin sila nag-aalinlangan pero kung meron mang kapansin-pansin, binawasan na nila ang pantitrip sa akin. Medyo natuwa ako sa thought na 'yon.


"Yes! Last na yung practice bukas tapos rest day bago ang game." Sigaw ni Leo habang nag-i-stretching nang matapos ang practice game para sa araw na 'to. "Salamat at makakapagpahinga na rin."


Nagsitayuan sila at sandali kaming nagdasal. Pagtapos no'n, nagsipulusan sila patungong bench. Ang iba ay nagtungo sa shower room.


Inayos ko ang mga bolang iniwan nila at natigilan ako nang tumulong ang team captain.


"Kumusta, Manager?"


Ngumuso ako at pinagpatuloy ang pagpupulot ng mga bolang nakakalat at sinushoot 'yon sa cart.


"Ayos na."


Napakamot si Ervis sa kanyang ulo. "Ang awkward palang kausapin ka pagtapos ng mga nangyari. Natatakot ang ibang players na lapitan ka."


Nilingon ko siya nang nakakunot ang noo. "Bakit naman? Natatakot ba kayong mahawaan ko kayo ng sakit ko? FYI, hindi nakakahawa ang hika."


"Alam namin 'yon at hindi 'yan ang ibig kong sabihin." Tinulak niya ang cart habang kinuha ko naman ang huling bola na nasa sahig at hinagis 'yon kay Ervis. Sinalo niya 'yon ng walang kahirap-hirap at nilagay sa cart.


"Pakilinaw po, Team Captain, dahil hindi ako mind reader at mas lalong hindi manghuhula ng kung ano ang iniisip niyo."


"Gusto ko lang magsorry ng personal sayo. On behalf of the whole team, nakakaguilty na ako ang team captain pero hinayaan ko silang gano'n sayo." Sincere ang pagkakasabi niya pero hindi ko maiwasang mapaingos. Parang bumalik yung inis ko. Imbis na gumaan ang pakiramdam ko, bumalik sa isip ko ang mga pantitrip nila.


Hindi maka-move on, George?


"Anong 'sila?' Baka 'kayo?' Huwag ka magmalinis, oy. Kahit masmatanda ka sa akin, kaya kita sapakin. Nakakainis talaga 'yang pagpapatay malisya niyo. Gusto ko kayong katayin."


"I'm sorry, okay?" Malambing niyang sabi. "Sisikapin kong kontrolin ang team pagdating sa pagtrato nila sayo. I'm so guilty, George. Patawarin mo na kami."


Humalukipkip ako at pinaningkitan siya ng mata. "Siguraduhin mo lang, Team Captain. Pasalamat talaga kayo at mahal ko ang basketball."


Ngumisi siya. "Hindi mo lang maamin pero mahal mo rin kami. Mahal mo ang buong team."


"Tse!" Kinuha ko ang cart sa kanya at ako na ang nagtulak no'n patungong storage room. "Hindi ko kayo mahal, 'no! Sarap niyo ngang murahin."


Napahagalpak ng tawa si Ervis. "Don't be so in denial. Mahal ka rin naman namin, Manager."


"Ulul." Bulong ko at iniwan siya ro'n na tumatawa.


Aware ako sa pagiging denial ko pero hindi ko kailanman inamin 'yon. Denial sa pagiging denial. May mga bagay kasi na masmagandang aminin sa sarili kaysa sa ibang tao. Parang isang sekreto na hindi ko gustong ibulgar kahit napupuna ng iba. Parang kahinaan na natumbok nila pero pinipilit kong huwag ipakita.


Maganda ang huling practice namin at medyo naging kampante ako na makakaya namin talunin sa first game ang defending champion. Nag-aangas na ang ibang players pero patuloy silang pinaaalalahanan ni Coach Dren. May iba nga lang na tila gawa sa bakal ang ulo.


"Gimmick, mamaya? Rest day naman ng dalawang araw, eh." Yaya ni Marco. "Saan gusto niyo? Sa Prive?"


Sunud-sunod na sumang-ayon ang mga players. Pinaningkitan ko silang lahat. Tumayo ako sa harap nila at isa-isa silang pinagpapalo ng cardboard sa ulo. Nahinto lang ako nang sa dulo na dahil umiinom ng tubig si Ren at parang hindi ko siya kayang paluin. Tumikhim ako at umiwas ng tingin sabay halukipkip.


"Anong gimmick? Anong 'Prive?'" Pinanlakihan ko sila ng mata lalo na si Marco. "May 2 days rest kayo dahil gusto ni Coach Dren nasa kondisyon ang katawan niyo pagdating ng laban tapos 'yan lang pala ang aatupagin niyo?"


Nginiwian nila ako.


"Manager, minsan lang naman. Saka, mamayang gabi lang. Loosen up, kumbaga. Pressured na ang lahat at gusto ko sanang magkaro'n man lang kami ng isang gabing katuwaan." Depensa ni Marco.


"Wala akong pakialam kung minsan lang 'yan. Subukan niyong pumuslit at makakarating agad 'to kay Coach. Nasa'n na ang mga disiplina niyo?"


Napamura ang iba at napakamot sa ulo. Ang iba ay padabog na tinapon sa likod ang mga plastic bottles. Tinaasan ko lang sila ng kilay. Wala akong pakialam kung matuyuan sila ng dugo sa inis sa akin. Umasa silang isasabotahe ko ang plano nila pag natuloy iyon. Nasaan ba ang disiplina ng mga ungas na 'to? Nasa talampakan?


Pumalakpak si Ervis at tumayo sa tabi ko. Sinulyapan ko siya ng tingin at inakala ko pang hindi siya sumasang-ayon sa akin.


"O, ayan. Narinig niyo na si Manager. Tiis-tiis."


Pinaningkitan ko ng mata si Ervis. "Ang plastik mo naman, boy. Kunyari ka pa, eh mukhang gusto mo rin kanina."


"Kampi na nga ako sayo, nagagalit ka pa sa akin." Naiiling na sabi ni Ervis.


"Chill, Manager. Kakagaling mo lang sa sakit." Natatawa naman si Nathaniel. "Huwag niyo ngang sinasagad 'tong si George. Hinahigh-blood na naman dahil hindi niyo niyayayang sumama."


Sa huli, hindi nga sila natuloy. Hah! Akala siguro nila ay makakalusot sila sa akin.


Kinabukasan ay nakasagap ako ng balita na pinasya nilang lahat na magbowling na pumunta sa mall malapit sa school para magbowling. Tinawagan ako ni Leo at pinapasunod ako ro'n.


"Ba't pa kayo umalis?"


"Grabe ka naman, Manager. Mall lang 'to, oh. Bowling lang pinunta namin dito. Pinapasunod ka nga nila Ervis para raw hindi mo sabihing gumawa kami ng kalokohan."


Napairap ako sa kalangitan. Ano ba naman 'tong mga bwisit na 'to! Hanggang sa vacant hours ba naman ay sagad ang pang-iistorbo?


Alas tres y media ng hapon, tinunton ko ang mall kung saan sila naro'n. Banas na banas pa rin ako habang nasa escalator paakyat ng upper ground kung saan naro'n ang bowling center. Sa entrance ay nakaabang na sa akin si Leo at nakangisi.


"Nakabusangot na naman ang mahal naming Manager."


"Nasa'n sila?" Paasik kong tanong,


"Manager naman, para ka namang naghahamon ng away."


"Tigilan mo nga ako, Leo. Dapat may ginagawa akong term paper ngayon pero naudlot dahil sa inyo."


Humagikgik lang si Leo habang naglalakad kami papasok. Natatanaw ko na ang mga players na nagkakatuwaan na ata. "Hindi ka nga dapat namin iistorbohin. Medyo tampo pa yung ibang players. Ayaw mo kasi payagang gumimick."


"Wow naman. Sila pala talaga ang may ganang magtampo. Eh di gumimick kayo pero huwag niyo asahang tatahimik ako." Flat kong tugon.


"Sabi ko nga." Pagsuko ni Leo. "Pero sana okay lang sayo na nandito kami ngayon. Gusto talaga naming mag-loosen up. Alam mo na, kabado sa pagbubukas ng league. Dalawang araw na lang."


Hindi na ako sumagot. Nakita na kami nina Ervis at tinanguan ako. Ang ibang players ay patuloy sa paglalaro.


"Buti pumunta ka, Manager." Umupo ako sa tabi niya. Si Leo ay lumayo sa aming dalawa.


"As if may choice ako." Matabang kong sagot. "Wala ba kayong mga klase?"


"Ako, wala na. Ewan ko lang sa mga 'yan." Nginuso niya ang mga players. "Ikaw ba?"


"Meron pa akong isang subject mamayang 4:30." Napatingin ako sa aking relo. "May oras pa naman. . ."


"Mukhang naistorbo ka na naman."


"Thanks to the whole team." Sarcastic kong tugon.


Bahagya siyang tumawa. Tinuro niya ang dalawang taong nasa dulo ng lane. Sinundan 'yon ng aking mata. Si Kenedic at Ren. Parehas pang naka-uniform ang mga ito.


"May pustahan kami." Ngumisi siya. "Gusto mo sumali?"


"Anong pustahan?"


"Kung sino mananalo sa kanila." Ngumuso si Ervis. "Halos lahat kami ay kay Kenedic. Madalas 'yan nandito, eh. Si Trav at Nath lang ang kay Ren. Mga walang pakialam kung matalo ang one thousand nila. Rick kid problems."


Kunot-noo ko siyang nilingon. "Paano niyo naman nasigurong mananalo si Kenedic kay Ren?"


"Instinct." Kibit-balikat na tugon ni Ervis. "Ikaw, kanino ka kakampi?"


Tumingon ako kay Ren. Minamasahe pa nina Trav at Nath ang balikat at braso niya. Nagtatawanan silang tatlo. Binubulungan pa ng dalawa si Ren at ngising nakakaloko lang ang tugon nito. Mga gago. Bowling ang laban. Hindi suntukan. Nagpalakpakan naman ang kay Kenedic at kumaway-kaway pa ang unggoy. Ano siya? Politician?


Humalukipkip ako at ngumuso. Hindi ako mahilig sa bowling at hindi ako masyado marunong maglaro nito pero kahit papaano ay may ideya ako.


Nagsimula palang ang laban pero nag-aanticipate na ako ng panalo. Sa unang set ay parehas nilang napatumba ang lahat ng pins.


"Kanino ka pupusta, Manager?" Ulit ni Ervis.


"Ayokong manalo si Kenedic."


"So, gusto mo manalo si Ren?" Nanunukso niyang tanong. Lumingon siya sa akin. "Napapaghalataan ka na, George."


"H-ha?" Bigla akong kinabahan. Sumeryoso bigla ang mukha niya. Napatingin na lang muli ako Ren na katatapos lang tumira at napatumba na naman ang isang set ng pins. Humihiyaw na sa saya si Trav at Nathaniel.


"Kahit sure win pa 'yan, huwag kang susugal sa isang taong may sabit." Iniwas niya ang kanyang tingin sa akin. Marahas akong napalingon kay Ervis. Nanlalaki  ang aking mata.


"W-what? H-hindi ako-"


"You're too obvious, Manager. Sooner or later, everyone will know about it. Sa nakikita ko, hindi dense ang isang 'yan para hindi malaman kung sino ang mga nagkakagusto sa kanya."


Napayuko ako at napalunok. "H-hindi ko siya gusto."


"Huwag mong lokohin ang sarili mo." Naiiling nitong sabi. "Para na kitang kapatid. Alam kong wala akong karapatang pagsabihan ka pero hindi basta-bastang babae ang tingin naming lahat sayo. Huwag mo sanang baguhin 'yon. Nahahalata mo rin naman siguro na may girlfriend 'yan. Huwag mong gawing cheap ang sarili mo."


Pakiramdam ko ay nasusunog na ang buong mukha ko. Pinagpapawisan pati ang palad ko sa mga salitang binitawan ni Kenedic. Nahirapan ako huminga at napapikit ako ng mariin.


"Hindi ko siya gusto." Pag-uulit ko.


Tumingin sa akin si Ervis at tinignan ako gamit ang malalim niyang mata. Tila ako sinusuri kung nagsasabi ba ng totoo o nagsisinungaling.


Paglipas ng ilang segundo ay ngumiti siya sa akin at ginulo ang aking buhok, "Okay."


Napakagat ako sa aking labi. Parang gusto ko umiyak pero tila may barrier na naman ang aking mga mata at pinipigilan ang napipintong pag-alpas ng luha. Ramdam ko ang panginginig ng aking kamay. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin kay Ervis.


Alam ko na hindi ko siya nakumbinsi. Sinabi niya lang 'yon para hindi ako mapahiya sa kanya. Pero, tangina, ako yung hiyang-hiya sa sarili ko.


Nang mapatingin ako kina Kenedic at Ren ay nag-apir ang dalawa. Panalo si Kenedic.


Kung pumusta pala ako, talo pa rin ako.


Wala ako sa sarili ng makalabas kami ng bowling center. Mag-a-alas singko na at hindi ko na nagawang pasukan ang huling subject ko. Kumain kami sa isang fastfood at do'n ko binawi ang frustration ko.


"Akin 'tong isang pizza. Hati na kayong lahat dyan sa lima." Kumuha ko ng isang slice at kinagatan 'yon ng malaki. Naiiling ang mga players sa akin. Pinanlakihan ko sila ng mata. "May reklamo?"


"Ang takaw. Parang magbabayad, ah?" Asar ni Leo.


Tinuro ko si Leo. "Hindi mo ba alam ang quote na 'Samantalahin ang libre?'" Kahit wala naman talagang gano'n. Gawa-gawa ko lang.


Tinukso at tinawanan lang ako ng mga ito. Mabilis kong naubos ang isang slice at kumuha ulit ng isa kahit punung-puno pa ang bibig ko.


Napatingin ako sa gilid at nakita kong amuse na nakatingin sa akin si Ren habang kumakain ng lasagna. Nagpipigil ng ngiti. Muntik ko na mabuga ang nginunguya ko. Napainom ako ng shake nang wala sa oras.


Ang hirap talagang aminin. Ang hirap isiwalat. Ang hirap ibulgar ng nararamdaman lalo na kung pakiramdaman mo ay kasalanan 'yon. Kaya masmagandan manahimik dahil baka ikamatay ng damadamin ko ang pag-amin.


Hindi pa sila nakuntento at pumunta pa ng Timezone para maglaro. Binigyan ako token ni Trav at pakiramdam ko ay kinukuripot niya ako.


"Hoy, gusto ko yung card. Mayaman ka naman, bilhan mo ako ng card. Kuripot nito." Asik ko sa kanya,


"Ako pa ngayon ang kuripot, eh ikaw nga 'tong ang galing manghingi." Natawa siya.


Kahit anong pamimilit ko ay hindi talaga ako binigyan nung kumag. Nakuntento na lang tuloy ako ro'n sa mga nahuhulugan ng token habang sila nag-eenjoy sa arcade.


Inaasar-asar pa ako ni Kenedic dahil nakalimang token na ako para makasungkit ng maliit na bear pero wala talaga akong nabingwitj ni isa.


"Malas mo naman, George." Nang-aasar niyang sabi.


"Letse ka." Nakabusangot na ako dahil naubos lang ang token na wala naman akong napala.


Pauwi na kami at nahuhuli ako sa paglalakad. Pinagmamasdan ko ang buong team na nagkakaasaran na naman. Napangiti ako sa kawalan. Nang tumama ang titig ko sa likod ni Ren, nalusaw 'yon. Masaya ako na nakita siyang  nakakasabay na sa trip ng mga players. He fits in the team. Ano pa bang hihilingin ko para sa kanya?


Wala na siguro. Kung sa ikabubuti niya, masmabuting huwag na lang humiling ng kahit ano sa puntong 'to.


"Manager, ang bagal mo maglakad." Sigaw ni Marco.


Bumuntong hininga ako at humabol sa kanila.


Sumapit ang opening ng ligang pinakahihintay naming lahat. Kami ang nasa second game. Sa VIP ako nakaupo. Hindi ako pwede sumama sa bench dahil hindi naman ako officially part ng staff. Nanatili ako sa kanilang likod.


Puno ang arena at nakabibingi ang sigawan ng magsimula ang second game. Aminado kaming masmalaki ang fanbase at popularity ng kabilang university. Isa 'yon sa pinakamalalaki at pinakasikat. Halos nangunguna sa lahat ng sports at dalawang taon na silang nagdodominate sa basketball.


Gano'n pa man, may pag-asa kaming dungisan ang malinis nilang record. Kaya namin silang matalo.


Iyon ang akala ko.


Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Coach Dren. Hindi ginamit ang bagong routine. Binabad ang mga seniors. Hindi pa tapos ang 4th quarter ay na-foul out si Marco at Leo na big men namin. Natambakan kami at ang pinakanakakainis, binangko si Ren!


Ramdam ko yung frustration ng team. Maski ako ay nafufrustrate. Matagal namin 'tong pinaghandaan pero bakit ganito? Okay lang sana kung talo but the performance was at its worst. Bakit? Hindi ko matanggap.


Sa dug-out, nakayuko ang lahat at tila pagod na pagod. Walang nagsasalita.


Naghintay na lang ako sa labas dahil mukhang kakausapin pa sila ni Coach. Humalukipkip ako at pumikit sa gilid. Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko ang pagbukas ng pinto.


"Ren." Umalis ako sa pagkakasandal. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Kumunot ang aking noo. Ba't parang hindi ko makita sa kanya na nasasaktan siya sa pagkatalo ng team? Ba't walang bakas ng frustration?


"Hindi ka pa ba uuwi, Manager?"


"S-sila Ervis?"


"Nagbibihis na sila sa loob. Hintayin mo na lang sila lumabas."


"O-okay ka lang ba?"


"Oo naman."


Parang gusto ko mainis. Ba't ang dating no'n sa akin ay okay lang sa kanya na matalo ang team? Napatiim ang bagang ko.


"Frustrated?" Tanong niya.


"Ikaw ba hindi? Parang okay lang sayo na talo tayo." Hindi maiwasang maglabas ng hinanakit.


"Hindi lang halata. Kasama talaga 'yon." Sagot niya. "But if your own frustration is bigger than your will, you would lost your way to your the main goal."


Napatulala ako sa kanya.


"Oh, before I forgot. . ." May kinuha siya sa kanyang bag at inabot 'yon sa akin ng nakangiti. "Here. My gift. Better late than never. Unfair ata na buong team, may nabigay sayo tapos ako, wala."


Pinakatitigan kong mabuti ang binigay niya. Ito yung. . .klase ng bear sa Timezone na hindi ko makuha-kuha. Parang nagkaro'n ng riot sa sistema ko. A-ano 'to?


"Mananalo na tayo next game." Saka siya tumalikod at naglakad palayo. "Pero nakakatuwa ka palang makita na nafufrustrate." Naiwan ako na walang nasabi pabalik. He. . .makes me more frustrated. Alam kong walang pag-asa pero ba't naeengganyo ako sumugal? Hindi maganda 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

15K 856 44
Crosswalk, sino nga bang hindi pa na experienced ang lumakad at tumawid dito? Palagi natin itong ginagawa o palagi nating dinadaanan kung tatawid sa...
3.3M 55.9K 62
Torrence Felly, an ordinary student who's full of dreams and ambition in life, finding a boyfriend is not in her list - until she found Clifford Airm...
3.4M 76.1K 52
If you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz
4.4M 105K 35
***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful bec...