Listens to Memories | Voicele...

Von ferocearcadia

6K 117 3

STRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrat... Mehr

Listens to Memories
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Kabanata 86
Kabanata 87
Kabanata 88
Kabanata 89
Wakas
Epilogo
VOICELESS DUOLOGY BOOK

Kabanata 65

50 1 0
Von ferocearcadia

Scars

"How are you feeling? Why don't you join us there?" Tanong sa 'kin ni Lynne saka umupo sa tabi ko.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Sa halip ay nanatili lang ang tingin ko sa apat na kasalukuyang nasa pool pa rin at nagbababad. Pasado alas dose na at tila wala yatang balak magpahinga ang mga ito. Sina Justine at Aya ay nag-uusap sa umbrella chair habang kami naman ni Lynne ay narito sa hammock malapit sa mini playground ni Zick.

"I'm fine, Lynne. Bakit ba tanong kayo nang tanong kung maayos ba ako?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

Umihip ang malamig na hangin. Nanuot sa kaibuturan ko ang lamig na 'yon dahil basa na rin ako. Nang matapos kaming mag movie marathon kanina ay napagdesisyunan ng lahat na mag night swimming kaya napunta kami rito sa pool area.

I heard Lynne's sigh kaya napatingin ako sa kaniya. Seryoso ang ekspresyon nito.

"Because I know you're not. You've been quiet since you went out from the hospital. I just want to make sure you're really fine," puno ng pag-aalala nitong sinabi sa 'kin kaya natawa ako lalo.

"I'm fine, believe me. I'm just tired," tamad na sinabi ko sa kaniya at iniwas na ang tingin sa kaniya.

Tumingala ako upang makita ang buwan. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Ramdam kong payapa ang aking puso. Tahimik ang isip ko at walang mga boses na nag-iingay roon. Wala akong ibang maramdaman kundi kapayapaan at hindi rin ako sigurado kung maganda ba iyon para sa 'kin o hindi. Pamilyar ang pakiramdam na ito. The last time I felt this was the time I learned about everything-from the truth that Kiel revealed to me back then, the fact that I miscarried Zick's twin, and when Daddy died. Ito na naman iyon.

"Do you know what happened to Calix?" I heard Lynne ask again.

Nanatili ang tingin ko sa buwan.

"He's uh . . . in prison, right?" I replied to her.

Iyon ang naaalala ko which is good. Sa wakas ay nahuli na rin siya pagkatapos ng lahat ng nangyari. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong nangyari nang araw na 'yon. Basta ang alam ko lang ay nagising ako sa ospital. May tatlong tama ng baril at ang sabi nila, kagagawan ni Calix-na hindi ko pinaniwalaan.

I heard Lynne's curses. Before I could utter any word, she interrupted me.

"Oh, my God, are you serious? Wala siya sa kulungan dahil patay na siya. Calix is dead. Sinabi ko na ito sa 'yo, 'di ba? Nakalimutan mo lang ba o hindi ka talaga nakinig sa 'kin?"

Natigilan ako nang marinig ko iyon. Tumambol nang husto ang dibdib ko nang mapagtanto ko ang mga sinabi niya. Ramdam ko ang pagbagsak ng balikat ko at nilingon kaagad siya.

"What?" I asked her one more time.

"Calix is dead. He died when they rescued you that day. Pinaulanan ka niya ng bala kaya ginantihan siya ni Levi. Dead on arrival. Sina Uncle Henry at Enrique Lim ay nakatakas," paliwanag niya sa 'kin.

I immediately looked away from her again. Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko ngunit wala akong kirot na maramdaman doon. Walang sakit. Walang kahit na ano. Siguro dahil mas nangingibabaw sa 'kin ang pagod ko.

Calix is dead? Ah, yeah . . . naalala ko na. Iyon nga pala ang unang ibinalita nila sa 'kin nang magising ako mula sa mahabang pagkakatulog. Bakit nakalimutan ko iyon? Bakit iniisip kong nasa kulungan lamang siya ngayon? Sino ang nagsabi sa 'kin na nasa kulungan siya? Bakit gano'n ang iniisip ko?

Was it because I don't want him to die like that? Was it because I don't want to accept what he did to me? Na hindi ko kayang tanggapin sa puso ko ang ginawa niya sa 'kin. I know what he did before. He hurt me physically. Dalawang beses tinutukan ng baril at ang isa ay hindi ako sigurado kung sinadya niya o aksidente. But he wouldn't want to kill me. Hindi niya ako kayang patayin. Hindi niya gugustuhing mamatay ako. Kilala ko siya. Hindi niya iyon magagawa sa 'kin. O ako lang ang nag iisip no'n?

Napangiti ako nang mapakla at akmang tatayo na sana ngunit mabilis na hinawakan ni Lynne ang braso ko.

"Where are you going? Why are you acting that way, Acel?" Takang tanong niya sa 'kin.

Tinagilid ko ang aking ulo at sinulyapan siya.

"Let's not talk about him-"

"Why? You should know this dahil patuloy mo pa ring iniisip ang lalaking iyon. Bakit nagkakaganyan ka? Why don't you believe us? Bakit? Dahil ayaw mong masira ang imahe niya na nakatatak sa puso mo?"

Kumalampag nang husto ang puso ko nang sabihin niya iyon. Tila nahulaan niya ang iniisip at nararamdaman ko. Nanghihina akong bumalik ng upo sa tabi niya at napayuko. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko.

"I just . . . can't accept it yet, Lynne. Nahihirapan ako. Hindi ko kayang tanggapin. Hindi kayang tanggapin ng puso ko. Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari nang araw na 'yon pero nahihirapan ako. I want to remember what happened that day! Gusto kong malaman kung may sinabi ba siya sa 'kin dahil pakiramdam ko ay mayroon. Hindi ko na alam . . ." Halos bulong ko sa sarili ko at nagmura nang paulit-ulit.

Marahas akong bumuntong-hininga at tiningnan siyang muli.

"Ngayon, kung tatanungin mo pa rin kung ano ang lagay ko, my answer is no, I'm not fine. Ramdam kong hindi ako okay. I feel really empty. Wala akong maramdaman bukod sa bigat na nararamdaman ko. I'm fucking . . . empty, Lynne. It's scary . . ." I almost whispered to myself at tuluyan na siyang iniwan doon.

Narinig ko pa ang pagtawag sa 'kin ng ilan nang matapat ako sa kanila ngunit binalewala ko na lamang iyon. Diretso akong tumungo sa kuwarto namin ni Kiel. Pumasok ako sa banyo at binuksan ang shower. Nakatayo lamang ako roon, nakatitig sa wall tiles habang nababasa ng malamig na tubig. Ramdam ko ang panunuot lalo ng malamig na tubig na 'yon sa katawan ko.

Maya-maya pa, tuluyan ko nang naramdaman ang mainit na likidong 'yon na nagmula sa mga mata ko. Nagsimulang manginig ang mga kamay at labi ko kaya pumikit ako nang mariin.

Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw nang napakalakas! Gusto kong saktan ang sarili ko dahil hindi ko na maramdaman ang emosyonal na sakit. Ramdam na ramdam ko ang mabigat na bagay na 'yon sa dibdib ko. It's so heavy and disturbing. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nilulunod nito. That the more I suppress what I feel, the more I feel like choking. I feel like I'm suffocating. I feel like I'm drowning. Hindi ko malaman kung ano ang ibig sabihin no'n. Ilang araw na akong ganito. Mula nang makalabas ako sa ospital ay pakiramdam ko, sasabog na ako anumang-oras ngunit hindi no'n kayang lumabas. Hindi ko maintindihan.

Ilang minuto akong nakatayo roon nang may maramdaman akong presensya sa likuran ko. Doon ko lang din napansin na nakapatay na ang shower. Nang iangat ko ang tingin ko ay tumambad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni Kiel.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang makita ang mga mata niya. Ang asul niyang mga mata na tila hinahatak ako paroon.

"What's wrong? Why are you here?" Nagsusumamo niyang tanong sa 'kin.

Hindi ako sumagot. Bumuka ang bibig ko ngunit walang lumabas na salita mula roon. His voice triggered my feelings and suddenly, I began to explode. Nanghihina akong sumubsob sa dibdib niya at pinakawalan doon ang impit na sigaw. Naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko.

Ilang minuto pa ay binuksan niyang muli ang shower. Hindi ito nagsasalita. Tahimik niya akong pinaliguan at hinayaan ko lamang siya. Nanghihina ako. Masakit ang lahat sa 'kin. Pinagmasdan ko lamang siyang gawin ang gusto niyang gawin sa 'kin.

He took care of me. Matapos niya akong paliguan ay binihisan at iginiya akong mahiga sa kama namin. Kinumutan niya pa ako at naupo sa tabi ko. He didn't say anything. Nang iangat ko ang tingin ko sa kaniya ay nanatili lang itong nakatingin sa 'kin. Tila nais magsalita ngunit pinipigilan.

Magdamag akong umiyak nang gabing 'yon. No one says anything. Kiel was quiet the whole time at tanging mga hikbi ko lamang ang naririnig. Paulit-ulit niyang hinahaplos ang buhok ko. He didn't talk but he made sure he's here with me. Siniguro niyang ramdam na ramdam ko ang presensya niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang ginagawa niya.

Nang iangat ko ang tingin ko sa kaniya ay doon ko nakita ang pagod niyang itsura. Nakasandal ang ulo nito sa headboard at nakapikit. I moved a little as I was trying to reach his face but he suddenly opened his eyes. Sumalubong sa 'kin ang namumungay niyang mga mata.

"Aren't you asleep . . ." He uttered in his husky voice.

Napangiti ako. Umayos na siya ng higa at tuluyan na akong niyakap nang mahigpit. Tumama ang mukha ko sa dibdib niya.

"Feeling better?" He asked.

"I'm fine, Kiel. Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot. Ramdam ko ang mabigat na paghinga niya.

"Gusto kitang bantayan. I don't want to sleep while you're crying. I don't want you to feel alone," marahan niyang sagot sa 'kin sa namamaos pa ring boses.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Alam ko iyon. Alam kong gano'n ang gusto niyang iparating sa 'kin kaya hindi siya nagsalita magdamag. He just waited for me to stop. Hanggang sa gustuhin ko nang tumigil.

I shut my eyes and hug him tight.

"Ayos lang naman ako. I just needed to-"

"Baby . . ." He cut me off.

Tumingala ako upang tingnan siya. His gaze focused on me. Bakas pa rin sa mga mata niya ang labis na pag-aalala at pagsusumamo.

"You hold so much sadness in your eyes that I can almost touch the scars of your soul and cry . . . and I hate it. I hate the fact that I couldn't do anything about it. Hindi ako makuntento na nandito lang ako sa tabi mo at hinihintay kang tumahan." Pagpapatuloy niya.

Ramdam ko ang marahan niyang paghaplos sa mukha ko. Lalong namungay ang mga mata niya.

"I want to take every single pain away from you. I want to take it all and carry it for you, so you can rest. Na kahit hindi mo sabihin sa 'kin, alam kong nahihirapan ka na. You look fine, yes, but I know deep inside of your heart . . . you're not, you're broken. You're smiling, yes, pero ramdam na ramdam ko sa puso ko na hindi ka masaya. I know you very well. I know every inch of you, so please, stop hiding it from me. Don't you ever try to hide it from me, please . . ." He begged while looking at me directly.

Kumislap ang mga mata niya dahil sa luhang naroon.

I was about to utter a word when he immediately silenced me by kissing me passionately. Naramdaman ko pa ang pagpatak ng luha niya sa pisngi ko.

"Let's leave all your heartaches here and run away with me. I am so madly in love with you, AJ. I am madly in love with you," bulong niya pa sa 'kin at niyakap na ako nang mahigpit.



"You're leaving?" I heard Jack ask Kiel the next morning.

Nanatili ang tingin ko sa anak kong tahimik na kumakain habang bukas pa rin ang tainga ko upang makinig sa pinag-uusapan nila. Nasa sala ito nag-uusap ngunit dinig na dinig ko pa rin ang mga boses nila.

"Yes, Kuya. We need this, lalo na ang asawa ko." Kiel answered which made me smile from ear to ear.

Tila may humaplos sa puso ko nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Gusto ko pa sanang makita ang ekspresyon niya nang sabihin iyon ngunit hindi ko na ginawa.

Nabaling ang atensyon ko kay Zick na bigla na lamang akong hinawakan sa kamay.

"Hmm?"

"You cried, Mommy," he stated.

Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi kaagad ako nakasagot. Hinanap ko muna ang tamang salita na isasagot sa kaniya.

"Of course not. Why would you say that?" I asked him while looking at him.

Mataman niya akong tinitigan na tila may hinahanap ito sa mukha ko. Kumunot ang noo nito.

"Your eyes are gloomy and sad. You cried," inosente niyang sinabi sa 'kin kaya napanganga lang ako.

Bago pa man ako makapag-react ay mabilis itong tumayo at yumakap sa baywang ko.

"I love you, Mom. It's okay po . . ." He uttered which made me smile even more.

Parehong-pareho talaga sila ng tatay niya.

Matapos ang tanghaliang iyon ay sunod na dumating sina Levi at Uncle Raul. Ramdam ko ang tensyon kay Kiel habang nakikinig sa mga sinasabi nila.

"Hindi na siya kailangan do'n. We're leaving tomorrow for Australia and we're planning to stay there for good. Kung mahuli man sila ay wala na kaming pakialam. She needs to rest for Christ's sake!" Bulyaw ni Kiel matapos ipaliwanag sa kaniya ni Levi ang ipinunta nila rito.

"You don't understand, Kiel. Alexander needs her statement para mas mapabilis ang paghahanap. Sigurado kaming-"

"I won't let her, Levi. Hindi na niya kailangang gawin pa 'yon. Hindi na ako papayag," mariin na putol niya sa sasabihin ng pinsan ko.

Nang ibalik ko ang tingin kay Uncle Raul ay malungkot lang itong ngumiti.

"Kiel, makinig ka muna. Kailangan lang ng statement niya at pagkatapos, you're free to go. Makakatulong 'to sa pagpapabilis ng imbetigasyon." Pagpupumilit ni Levi.

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak sa 'kin ni Kiel kaya umangat ang tingin ko sa kaniya. Nag-igting ang panga nito kaya hinaplos ko kaagad ang braso niya.

"Acel don't need to do that-"

"Kailangan ko, Kiel." Putol ko sa sasabihin niya kaya mabilis ang naging lingon niya sa 'kin. Kunot na kunot ang noo nito.

"What?"

"I need to do this, Kiel. Hindi puwedeng iwan ko na lang basta 'to. They need-"

"Acel, you're bleeding!" Uncle Raul hissed.

Sabay kaming napatingin sa kaniya ni Kiel.

"P-po?"

"You're bleeding!" Si Levi naman at itinuro ang legs ko.

Nang tingnan ko iyon ay halos takasan ako ng bait nang makita ko ang paglandas ng dugo mula roon. Ano na naman ang ibig sabihin nito?

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

526K 13.6K 27
VERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HER. Naloka siya nang bongga! Paano siya m...
851K 22.4K 37
His Crazy Mistake Book 2. (Finished) A twist of turned events, when everybody thought he died... but he didn't. Will the modern Romeo and Juliet be...
1.3M 26K 43
The Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in...
854K 20.2K 25
(Finished) Book 1. The famous lead singer of 7PM, Zachary Knight, made a very crazy mistake - accidentally crashing the wedding of the Philippine pre...