Listens to Memories | Voicele...

By ferocearcadia

5.8K 117 3

STRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrat... More

Listens to Memories
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Kabanata 86
Kabanata 87
Kabanata 88
Kabanata 89
Wakas
Epilogo
VOICELESS DUOLOGY BOOK

Kabanata 55

48 1 0
By ferocearcadia

Had a child

Ilang minuto ko pang tinitigan ang message na iyon mula sa isa na namang unknown number. Wala akong ibang maisip kung sino ito. Imposible namang si Calix dahil hindi siya puwedeng basta-basta magpakita sa kahit na sino dahil pinaghahanap din ito ng mga pulis.

I just shrugged it off then I continue cooking our breakfast. It's been a week since everyone has left our mansion. Gustuhin ko mang umalis na rin dito dahil hindi ko na kayang tumira pa rito, ngunit hindi ko naman magawa dahil walang maiiwan dito. This house is the only witness how happy our family was. Hindi ko ito magawang iwan.

Bumalik na sina Uncle Ronald kasama si Aunt Maris sa States habang si Maxim ay nagpaiwan dito at nasa condo niya nanatili. Levi has his own family already and will be leaving for Tierra Fima. Uncle Saldy and Aunt Criselda is currently staying at Casa de Acuzar. Uncle Raul and his wife is with Lolo Samuel and Lola Imelda sa isa pang bahay sa Manila. Hindi nila magawang bumalik sa States dahil sa mga kasong maiiwan. Avery is now married with her husband at malapit nang manganak.

May sari-sarili na kaming pamilya ngayon ngunit tila ako lamang ang kulang na kulang na. Gabi-gabi pa rin akong dinadalaw ng masamang panaginip at nagigising tuwing madaling-araw dahil sa takot na bangungutin na naman. Ni ayaw ko nang matulog.

Narinig ko ang mga yabag palapit sa 'kin kaya napangiti na ako dahil alam ko kung sino iyon.

"Mommy!" Zick yelled and run towards me.

Mabilis kong pinatay ang stove at sinalubong siya ng yakap.

"Good morning. How was your sleep?" I asked him and gently kissed his cheek.

Kinusot nito ang mga mata niya saka ngumisi.

"I dreamt about my twin brother . . ." He whispered to me.

Naalarma ako sa sinabi niya. Agad akong tumingin sa likuran niya at nakita ang kakarating pa lang na si Kiel. Kinagat ko ang ibabang labi ko at binalingan ng tingin si Zick.

"Let's pray for him later. Don't talk about him, okay?" Mahinang sambit ko sa kaniya at muli siyang hinalikan.

Tumango lamang ito at sinabihan kong tumungo na sa dining area dahil kakain na. Nang mawala si Zick sa paningin ko ay si Kiel naman ang binalingan ko ng atensyon. Seryoso ang mga mata nito ngunit tipid ding ngumiti sa 'kin.

"Good morning." I greeted him.

Mapupungay ang mga mata nito na tumingin sa 'kin at agad akong nilapitan. He kissed me on my lips immediately at marahan naman sa noo kaya napangiti ako.

"Good morning. Another bad dream?" Tanong niya sa namamaos niyang boses.

Siguro ay nakita niyang nagising ako kanina pang madaling-araw at hindi na muling nakatulog pa. Tuwing gano'n ang nangyayari sa 'kin ay hindi ko na ginugustong matulog pa kahit pagod na pagod ang katawan ko. At palagi niyang nakikita iyon. Hindi ko alam kung bakit.

"Yeah, but I'm fine. Tinapos ko rin ang paper works na inuwi ko kahapon," sagot ko sa kaniya na ang tinutukoy ay ang mga pinirmahan kong papeles mula sa opisina kahapon.

Tinapos ko na ang niluluto ko habang ramdam ko pa rin ang hawak niya sa baywang ko. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon.

"Bakit parati mong nakikita?" Tanong ko sa kaniya na ang tinutukoy ay ang pag gising ko tuwing madaling-araw.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa baywang ko. Maya-maya pa, tuluyan na itong lumapit sa 'kin at saglit na niyakap ako sa likuran. He gently kissed my shoulder at ramdam na ramdam ko ang malambot niyang labi roon dahil naka-spaghetti strap lang naman ako.

"I always look at you. Are you sure you're okay?" Marahan niyang tanong sa 'kin kaya hinarap ko na siya.

I met his gaze and simply smiled at him.

"I'm fine, Kiel, as long as you're with me. I was thinking of going to my psychiatrist today after office."

Mukhang naintindihan naman niya ang sinabi ko kaya tumango na lamang siya saka ako muling hinalikan sa labi. Hindi ko muna iyon pinakawalan dahil gustong-gusto ko talaga ang ganitong paraan niya ng paghalik. Mabagal at mababaw lang ngunit ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. Tila nalulunod na naman ako.

"Ma'am, nandito po-ay hala!"

Mabilis akong humiwalay kay Kiel nang marinig ko iyon. Nakita namin si Mary na nakatalikod na kaya pareho kaming humalakhak.

"Mary, what is it?" Kiel asked her at binitiwan na ako.

"Sir, nandito po ang mga kaibigan ninyo ni Ma'am. Pasensya na po," nahihiyang sambit nito kaya napailing na lamang ako saka hinayaan si Kiel na sumunod na sa kaniya.



Nang matapos ang breakfast na iyon kasama sina Lynne at Caleb ay naghanda na akong umalis. I took a quick shower and wear my favorite dress na kabibili ko lamang. Ngayon ko lang ito gagamitin. Nang humarap ako sa salamin ay napangiti ako nang makita ko kung gaano kaganda iyon. Yumayakap iyon sa balakang ko at kaya gustong-gusto ko ito noong una pa lang.

Matapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Nadatnan ko silang tatlo sa sala at mabilis ang naging lingon sa akin ni Kiel. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito at saka mabilis na tumayo upang lapitan ako.

"Where are you going?" Nagtataka niyang tanong sa 'kin kaya natawa ako.

"I told you, pupunta ako sa opisina at dadaan sa clinic." Mahina kong sagot sa kaniya. Saglit pa siyang tumitig sa 'kin na tila may inalala bago tumango.

"I'll go with you," mabilis niyang sinabi at iniwan na ako saka patakbong tumungo sa taas.

Napailing na lamang ako at umupo sa tabi ni Lynne. Hinaplos ko ang tiyan niya.

"Saan ang punta niyo?" Tanong niya.

"Sa office. Kayo? Sasabay na ba kayo?" Tanong ko dahil ang alam ko ay hinatid lang nila ang kotse ni Kiel.

Tumango si Caleb at tumayo na.

"Dadaan din sa clinic para sa check up," tipid na sinabi nito kaya napatango na lamang ako.

After an almost half an hour, bumaba na si Kiel na nakaayos na rin kaya tumulak na kami patungo sa opisina. Nang makarating kami roon ay sumalubong kaagad sa 'kin ang sekretarya ko at may inabot sa 'king papeles.

"What's this?" I asked her as I scanned the papers.

"Galing po 'yan sa Lim Incorporated, Ma'am. Kailangan niyo raw po makipag-meeting sa kanila as soon as possible," nag-aalangang sinabi niya sa 'kin.

Ramdam ko ang pagpuyos ng galit ko nang marinig ko iyon. Diretso akong tumungo sa opisina habang si Kiel ay saglit na bumili ng kape sa malapit na coffee shop. Padarag akong umupo sa swivel chair ko at tinitigan ang papeles na iyon. Alam kong posible ang warning na iyon ng mga taga Lim at anumang-oras ay maaari nilang gawin iyon, ngunit sino naman kaya ang haharapin ko sa meeting kung wanted ngayon ang presidente nito?

Nawala ang atensyon ko nang marinig ko ang sunod-sunod nakatok mula sa pintuan. Hinintay ko ang pagpasok ng secretary ko at sumalubong sa 'kin ang nag-aalangan niyang ekspresyon.

"What?"

"Gusto raw po kayong makausap ni Ma'am Eleanor. Kanina pa po siya rito."

Nang marinig ko iyon ay bigla kong naalala ang text message kaninang umaga. So, siya pala iyon? At saan niya nakuha ang personal number ko?

"Let her in." Tamad na sinabi ko sa kaniya.

Maya-maya pa ay tumambad sa harap ko ang matapang na itsura niya. Diretso itong umupo kahit wala naman akong sinabing umupo siya kaya napangisi na lamang ako.

"What do you want now, Eleanor?" Diretsang tanong ko sa kaniya.

Maarte nitong hinawi ang buhok niya at mayabang na tumingin sa 'kin. Nakita ko pa ang pagbaba ng tingin niya sa papeles na nasa table ko saka ngumisi ng nakakaloko.

"So, natanggap mo na pala ang warning letter galing sa kompanya ko." Puno ng kayabangan niyang sambit sa 'kin.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"You're the new CEO," I stated which made her smile even more. I smirked at her and just shook my head.

"No wonder. Kahit ako ay iyon ang una kong gagawin bago ako tuluyang mahuli ng mga pulis. I heard napaamin na ang mga tauhan niyo. Unti-unti na ring nailalabas ang mga baho ng kompanya niyo." Pang-aasar ko sa kaniya.

Her expression hardened while looking at me kaya hindi na nawala ang ngisi ko. I crossed my arms in front of her and stood up.

"Kaya ba madaling-madali ka na makuha ang rights ng kompanya ko dahil nanganganib na rin ang lahat ng mga negosyo niyo?" I asked her which made her go crazy.

Tumalim ang tingin nito sa 'kin ngunit bigla ring napalitan ng ngisi. Maya-maya pa ay bigla na lamang itong humalakhak. Sobrang sakit no'n sa tainga kaya ibig kong hablutin ang buhok niya dahil sa matinding iritasyon.

"Kung ako sa 'yo, mas poproblemahin ko kung paano ko sasabihin kay Kiel ang tungkol sa anak mo na pilit mong itinatago sa kaniya," she uttered which made me stop from walking back and forth.

Mabilis ko siyang nilingon. "What are you talking about?"

She immediately met my gaze. Kitang-kita ko roon ang galit na hindi ko malaman kung saan nagmumula, e wala naman akong ginagawa sa kaniya. Tumayo ito at tuluyan na akong hinarap.

"Do you know why Kiel drank that night? Obviously not dahil sarili mo lang naman talaga ang iniisip mo mula pa noon." Pang-aakusa niya sa 'kin.

Napalunok ako. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa takot at kaba. Nang gabing iyon ay pilit kong tinanong sa kaniya kung bakit siya uminom ngunit wala siyang sinabing dahilan. Kung dahil naman iyon kay Calix ay hindi niya gugustuhing itago sa akin ang bagay na 'yon dahil alam niyang ayoko ng nagtatago siya ng sikreto sa 'kin.

Eleanor smirked at me but her eyes remained furious and angry.

"You don't want everyone to keep secrets from you but you, yourself, you're fooling him, huh? Alam ko ang lahat dahil sinabi niya lahat ng tungkol sa 'yo. He always speaks highly of you. He always talks about you, kung gaano siya kasaya na bumalik ka sa buhay niya, kung gaano ka niya kamahal, but you're hiding something from him? Niloloko mo siya? Hanggang kailan, Acel?" She continued.

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Ang kabang nararamdaman ko ay mas tumindi pa dahil sa mga sinabi niya. Na kahit wala akong ideya kung ano iyon ay pakiramdam ko'y guilty ako. But I am not fooling him! Bakit niya ito sinasabi?

"Anong sinasabi mo?" Takang tanong ko sa kaniya na lalong ikinagalit niya

"You had a child with another man. You had a child with Calix, have you? Huwag na huwag mong subukang itanggi dahil nakita ka niya! Sa sementeryo, sa puntod. He saw you, Acel. How fucking dare you!"

Sa sinabi niyang iyon ay halos mapaupo ako dahil sa panghihina nang maintindihan ko ang lahat. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko maging ang tuhod ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumalikod ako sa kaniya.

"Y-you don't know what you're talking about . . ." Nanginginig kong sinabi sa kaniya.

"Umalis ka na at huwag na huwag mo nang babanggitin ang tungkol sa bagay na 'yon. Binabalaan kita, Eleanor." Mariin na sinabi ko sa kaniya.

I bit my lower lip to suppress my anger and closed my eyes firmly. Sunod na narinig ko ang paghalakhak niya.

"Why? Because you're guilty? Dahil tama ako? You and Calix had a child. Iyon ang binisita mo sa sementeryo-"

"He wasn't my child with Calix! You don't know everything about me, so leave me alone! Hindi ninyo alam ang lahat kaya tumigil kayo!" Sigaw ko sa kaniya at tuluyan na akong naiyak.

Hinarap ko siya at tinaas ko ang kanang kamay ko. I pinpoint her and looked at her firmly, na kung puwede lang ay sasaktan ko siya ngayon dahil sa mga sinasabi niya.

"D-don't fucking ever say that he was my child with that criminal, I am warning you. Wala akong niloloko at mas lalong hindi ko niloloko si Kiel!" Nanggigigil na sinabi ko sa kaniya.

Marahas niyang tinapik ang kamay ko at nanatiling nakatingin sa akin nang matalim.

"Kung hindi mo siya anak kay Calix, sino ang batang 'yon?" Tanong niya sa 'kin nang may halong pagbabanta.

My heart sank when I suddenly remember everything that happened. I bit my lower lip again and cussed repeatedly. Maya-maya pa ay hindi ko na kinaya ang sakit at bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko kaya tuluyan na akong sumabog. Ni hindi ko na inalala na nasa harapan ko siya dahil pakiramdam ko ay unti-unti akong pinapatay sa sakal sa tuwing pinipigilan ko ang pag-iyak ko. I even want to vomit. My heart is now burning and I can't even breathe properly.

Before I could utter any words, the door suddenly opened and Kiel showed up. Halos lumabas na ang puso ko mula sa rib cage ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman lalo na nang mabilis niya akong dinaluhan at hinawakan sa kamay.

"Why are you crying?" Malalim at maawtoridad niyang tanong sa 'kin.

Lalo akong naiyak dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya gayong ang iniisip niya ay si Calix ang ama ng batang 'yon.

"K-Kiel . . ." Eleanor uttered.

Humigpit ang hawak niya sa 'kin at bumaling sa babae.

"Mind explaining why is she crying? Anong ginawa mo?" Mariin na tanong niya sa huli kaya napapikit na ako nang mariin.

I don't want him to think that it's his fault but I don't want him to think that I gave in to Calix at nagkaanak pa. Na hindi naman nangyari kahit kailan. Dahil siya lang ang gusto kong humawak at umangkin sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

428K 6.2K 24
Dice and Madisson
12.1K 1.3K 108
Bago mamatay si Don Ismael palihim niyang ibinilin kay Marcel na ingatan at bantayan ang kanyang nag-iisang anak na si Venus laban sa mga ka mag-anak...
33.2K 1.4K 40
Caroline meets a nerdy student. She feels safe around him until she realizes that it was wrong trust him so quickly. He ghosts her. Soon, he returns...
975K 31.1K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...