Listens to Memories | Voicele...

Von ferocearcadia

6K 117 3

STRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrat... Mehr

Listens to Memories
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Kabanata 86
Kabanata 87
Kabanata 88
Kabanata 89
Wakas
Epilogo
VOICELESS DUOLOGY BOOK

Kabanata 47

47 1 0
Von ferocearcadia

Grief

Nabaling ang tingin ko kay Kiel at sa anak kong mahimbing na ang tulog sa sofa malapit sa kama ko. Dahan-dahan akong umupo upang mas makita sila nang maayos. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Na kahit ang pagpikit ni Kiel habang tulog ay kuhang-kuha ni Zick. Manang-mana. Ang hugis ng mukha, tangos ng ilong, kutis, ang mapupula nilang mga labi, lalo na ang mga mata.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa past life ko para magkaroon ng ganito kagandang pamilya. Kung nabuhay lang din siguro ang kambal ni Zick ay magiging mas masaya. Kung nabubuhay pa siguro ang mga taong nawala nang dahil sa nakaraan ay mas masaya.

I tried to stand up. Napangiwi ako nang kumirot ang sugat ko sa kaliwang dibdib ngunit nang pakiramdam ko ay kaya ko, tuluyan na akong tumayo. Dala ang dextrose, tahimik na nilapitan ko ang mag-ama ko at pinagmasdan pa sila nang ilang sandali bago napagpasyahang lumabas.

Tumungo ako sa chapel ng hospital. Nagulat pa ako nang makita ko roon si Mommy. Akala ko ay kanina pa ito nakauwi. Siguro ay nagpaiwan siya.

Walang kibo akong tumabi sa kaniya ngunit hindi man lang niya ako nilingon. Sa halip ay nanatili ang tingin niya sa harap kung nasaan Siya.

"Your brother still wanted to live long." Mommy began with her sharp words.

I swallowed nothing. Still staring in front of us where He is. Sure, he was. He wanted to live long for his own family. For his wife especially for his daughter. Who wouldn't?

"Before he left that night for that event, he said something to me which made me think not to let him go, but he insisted." Pagpapatuloy niya.

Narinig ko pa ang panginginig ng boses nito at ang mahihinang hikbi niya. Sinubukan ko siyang tingnan. Laglag ang balikat nito habang nakatingin sa harapan. Tila lantang-lanta. Ramdam na ramdam ko ang paghihirap niyang lumaban mula pa nang mga nakaraang araw. Ganito siya noong namatay si Daddy ngunit tila mas masakit ang ngayon. Of course, Kuya Roy was her favorite!

"N-nangako siya, e. Nangako siyang babalik siya. Ibinilin niya sa akin ang apo ko at ang asawa niya . . . pati ikaw. How could he break his promise and left me like this." Her voice broke. Halos pumiyok siya roon.

Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko. Napayuko ako at kinagat ang ibabang labi upang hindi makagawa ng tunog sa pag-iyak ko. Pumikit ako nang mariin at nagmura nang malulutong sa isip ko. Blaming myself all over again but I can't do anything about it anymore. They are gone. For good. Ano pa ang magagawa ng isang tulad ko?

"I-I want to blame myself for what happened. Na kung hindi ko kinunsinti ang kasamaan at kalupitan ng Lolo mo noon ay hindi mangyayari 'to. Na sa sobrang kagustuhan kong tanggapin ako ng buong pamilya ng Daddy mo, ginawa ko ang lahat. Naging masama ako para lang sa kagustuhan nila at para matanggap nila ako." She blurted out and burst into tears.

Ilang minuto siyang humagulgol doon at dinig na dinig ko ang matinding sakit sa bawat hiyaw niya, na tila isinusuko na niya ang lahat sa kung nasaan kami ngayon. Ni hindi ko siya magawang yakapin dahil ako mismo, nanghihina dahil sa naririnig ko.

"I-I don't know how can I continue this anymore. That as much as I wanted to survive and just accept what happened to my son, hindi ko kayang tanggapin. I failed as his mother at alam kong hindi rin ako magiging mabuti para sa 'yo. H-hindi ko kaya ang ganito. Now I can understand what Liza felt when I killed her baby. H-hindi ko kaya. P-patawarin ninyo ako."

Tuluyan ko nang pinakawalan ang marahas at pagod na buntong-hininga ko. Inangat ko ang tingin ko upang tingnan siya.

"I'm still here, Mom. Why are you saying that? Na parang pati kayo ay iiwan ako?" Mapait na tanong ko sa kaniya.

Nakita ko kung paano ito natigilan ngunit hindi pa rin niya ako tinapunan ng tingin. Mas lalo kong naramdaman na invisible ako sa kaniya dahil hindi niya ako kayang gawing rason upang magpatuloy. HIndi ko alam kung bakit ganito ito sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito tungkol sa akin.

Ilang saglit ko pa siyang tinitigan ngunit wala akong nakuhang sagot sa kaniya. Ramdam ko ang matinding pagkirot ng puso ko ngunit hindi na dahil sa tama ng baril, kundi sa nasasaksihan ko ngayon. Nais ko pa sanang maghintay ng ilan pang minuto ngunit nawalan na ako ng pag-asa nang biglang dumating si Kiel at ang anak ko, tila nagpa-panic pa si Kiel dahil siguro sa biglaan kong pagkawala.

Kung ano man ang iniisip niya tungkol sa akin ay hindi ko pipiliting malaman iyon. Masyado nang maraming impormasyon ang nasa isip ko ngayon. Hindi na nito kaya pang tumanggap ng panibago.

Ilang araw ang lumipas bago sumapit ang burial ni Kuya. Pinilit kong lumabas sa hospital nang araw na iyon dahil kahit ayokong makita siyang inihahatid namin sa huling hantungan nito ay hindi ko pa rin puwedeng palagpasin iyon. Gusto ko pa siyang makita dahil gaya ni Daddy, nawala ito nang hindi kami nakapag-usap nang maayos. Nawala ito nang magkaaway kami.

My mind doesn't want to accept everything lalo na nang makita ko siyang nakaratay sa puting kabaong na iyon. Ang guwapo niya. Ngayon ko lang napansin ang pagkakahawig niya pareho kina Mommy at Daddy, samantalang ako ay si Daddy lang ang kamukha ko.

Hindi na naalis ang sakit na iyon sa puso ko. Kahit itulog ko, kahit inuman ko ng gamot ay nakaukit na 'yon doon. Marahan kong hinaplos ang salamin ng coffin niya kung saan nakikita ko ang kabuuan ng mukha niya. Tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha ko roon, walang tigil.

I don't know how to accept every single thing that happened. Seeing him lying down inside his white coffin is killing me. Kung puwede lang na ako na lang ang pumalit sa kaniya, ginawa ko na. Para akong bumabalik sa nakaraan, sa araw na namatay si Daddy, sa araw na inihatid namin siya sa lugar na ito. Sino pa ba ang susunod dito? Ako na ba?

"Maupo ka muna." Dinig kong sinabi ni Lynne sa tabi ko.

Mabilis kong pinalis ang mga luha ko sa pisngi at sumunod na sa kaniya. Ngayon lang siya pumunta kasama si Caleb dahil nang mga nakaraang araw ay naka-bed rest ito. Gaya ko ay maselan din itong magbuntis.

Nagsimula na namang manubig ang mga mata ko habang nakatingin lamang ako sa harapan. Naramdaman ko ang paghawak ni Kiel sa kamay ko kaya saglit na sinulyapan ko siya. Kalong nito si Zick at diretsong nakatingin sa unahan. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang mga puting rosas na ihuhulog ko para sa kaniya mamaya.

"Anong gagawin mo pagkatapos nito? Babalik pa ba kayo sa Tierra Fima? It is very dangerous here, Ace." Lynne asked me.

Mapait akong ngumiti. "Gusto ko munang magpahinga, Lynne. Pagod na pagod ako." Tamad na sagot ko sa kaniya.

Humilig ako sa balikat ni Kiel at hinayaan ang sarili kong pumikit. Ngayon alam ko na kung sino ang may kasalanan ng lahat ng ito, lalong nagniningas ang galit ko para sa kanilang lahat. Hindi ko alam kung paano ko pa haharapin iyon pagkatapos nito.

"You should. Hindi ko alam kung paano ako makakatulong pero alam mo namang nandito lang ako, kami ni Caleb," marahan niyang sambit sa 'kin kaya napatango na lamang ako.

"Hi-hindi ko kaya . . ." Bulong ko kay Kiel nang ako na ang lalapit kay Kuya Roy para magpaalam.

He held my hand, "I'm here. I will hold you. Hahawakan kita hanggang sa makaya mo na," bulong niya rin at inalalayan na akong maglakad patungo roon.

Nang tumapat na ako sa coffin niya ay doon nagsimulang manlamig ang kalamnan ko. Nagsisimula na namang manginig ang mga tuhod ko kaya mahigpit akong humawak kay Kiel.

"S-shit . . ." I whispered.

Hindi ko kaya! It feels weird and it hurts. Pamilyar na pamilyar sa akin ang senaryong ito. Hindi ko ito kakayanin.

"Baby . . ."

"Ta-tangina, Kiel, h-hindi ko kasi kaya pa . . ." I burst out crying again.

Dinaluhan na ako nila Levi at Maxim. Si Kiel ay nanatiling hawak ang mga kamay ko nang mahigpit. Halos mapaupo na ako sa lupa dahil sa panghihina.

"A-ano ba . . . Ba-bakit? K-Kuya! Bakit ganito na naman?" Sigaw ko habang humahagulgol, hindi ko na alam ang ginagawa ko.

"I'm . . . I-I'm so sorry! Pl-please, come back. Hindi . . . h-hindi ko kaya, Kuya. I'm so so sorry!"

Halos mabaliw na ako sa sakit at hindi ko na alam kung paano pa kontrolin iyon. Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Para akong mamamatay sa sakit. I want everything to stop, kahit ang buong mundo, lahat-lahat! Gusto ko silang tumigil sa pananakit sa 'kin. Kung mayroon pa mang mas sasakit dito ay tama na muna dahil ubos na ubos na ako.

"Baby, please, we need to do this. I'm so sorry." Kiel said to me, umiling lamang ako.

"K-Kiel, kasi hindi ko kaya! N-noong una ay si Daddy ngayon ay si Kuya! S-sino ang susunod? M-magkaaway kami nang mawala siya. Ba-bakit kasi?! N-ni hindi pa ako nakakahingi sa kaniya ng tawad tapos ay ganito? T-this is so fucking hard! K-Kuya, gumising ka na . . . Parang awa mo na. Hi-hindi ko 'to kaya! Nangako ka, e!" I blurted and burst into tears again.

Sunod na naramdaman ko ang pagkuha sa 'kin ni Kiel nang muntik na akong maglupasay sa lupa dahil sa sobrang sakit.

"AJ, calm down, please . . ." Maxim said to me while also crying.

Umiling ako. Kumapit ako nang mahigpit kay Kiel at sumubsob sa dibdib niya. Doon ay pinakawalan ko ang hagulgol ko.

"F-fine. Let's go. We're leaving. Hindi kita pipilitin. We're leaving, baby. We're leaving . . ." Kiel whispered to me at tuluyan nang inilayo roon.

Bago pa man kami tuluyang lumayo sa lugar na iyon ay nahagip ng mga mata ko si Calix sa 'di kalayuan kaya agad akong kinabahan. Naalala ko si Zick kaya naalarma ako.

"S-si Zick. Where is he?" I asked Kiel at tumigil sa paglalakad.

"He's with your Mom."

"K-kunin mo siya, Kiel. We're not leaving without him." Utos ko sa kaniya.

Sandali pa niya akong tinitigan bago tumango. Nang umalis siya sa harapan ko ay hinanap kaagad ng mga mata ko si Calix. Napaatras ako nang makita kong sa akin na ito nakatingin ngayon.

Calix, whatever your plan is, hinding-hindi ko hahayaang masaktan mo ang sarili kong pamilya. Dahil kung oo, ipinapangako ko sa 'yo, higit pa sa bala ng baril ang matatanggap mo sa 'kin.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

2M 40.7K 33
(Finished) You're 19. He's 28. What's really the deal of having a relationship with an older guy? Unless it didn't start with a simple relationship...
526K 13.6K 27
VERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HER. Naloka siya nang bongga! Paano siya m...
675K 15.7K 27
(Finished) Samuel Ignacio Rivera IV always gets what he wants - including Ava Vanessa Vargas. Since he was young, he already planted it on his mind t...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...