Listens to Memories | Voicele...

By ferocearcadia

6K 117 3

STRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrat... More

Listens to Memories
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Kabanata 86
Kabanata 87
Kabanata 88
Kabanata 89
Wakas
Epilogo
VOICELESS DUOLOGY BOOK

Kabanata 36

54 1 0
By ferocearcadia

He's in coma

Everything was so fast. Na sa sobrang bilis ay halos hindi ito maproseso ng utak ko. Na sa sobrang bilis ng lahat ng pangyayari ay hindi iyon pumasok sa utak ko kaya nanatili akong tulala. Ilang minuto akong nakatitig sa duguang si Kiel bago ako tuluyang gumapang patungo sa kaniya. Dinig ko pa rin ang putok ng mga baril. Tila marami iyon at kung sino man ang target no'n ay wala itong balak na buhayin iyon.

"K-Kiel!" Nanginginig kong sigaw nang makalapit ako sa kaniya.

Nakahiga ito. Nakapikit ang mga mata. Kumalat sa buong katawan niya ang dugo kaya hindi ko malaman kung saan ito tinamaan. Kasabay ng pag bilis ng tibok ng puso ko ay ang mabilis na paghawak ko sa kaniya. Pansin ko ang matinding panginginig ng mga kamay ko.

"K-Kiel, no! Wake up, please! S-saan ang ano-wake up! K-Kiel! O-oh, my God!" I burst into tears.

Halos mawala ako sa sarili nang hindi siya gumising kahit yugyog na ang ginawa ko sa kaniya. Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Asher. Nakita ko itong nakadapa rin ngunit walang tama. Tila sinisipat kung saan nanggagaling ang mga salarin.

"A-Ash! Si Kiel, please!" I called him.

Pasigaw na ang ginawa ko dahil maingay pa rin ang buong paligid. Nang tumingin ito sa akin ay agad siyang gumapang palapit sa amin.

Bumaling muli ako ng tingin kay Kiel at niyugyog muli siya ngunit hindi pa rin ito nagigising. Naglalawa na ang dugo niya sa sahig kaya naman hindi ko na malaman kung anong gagawin ko. Nagsimulang mag-unahan ang mga luha ko palabas sa mga mata ko.

"H-hindi siya gumigising! Gisingin mo, please, Asher! H-hindi puwede. Pakiusap, gisingin natin siya!" I begged him habang paulit-ulit na napapapikit dahil sa mga naririnig na iba't ibang ingay.

"Acel, calm down. Fuck! Hindi tayo makakalabas dahil lima ang nasa entrance. May balak yatang sirain ang buong lugar na ito!" Galit na buga sa akin ni Asher at hinawakan na si Kiel.

Tuluyan na akong nanghina dahil sa mga nangyayari at naririnig ko. Wala akong ibang marinig kundi ang sunod-sunod na pagputok ng mga baril na iyon at ang hiyawan ng mga tao. Pilitin ko mang takpan ang tainga ko upang huwag lang iyon mapakinggan ay hindi ko magawa dahil hawak ko ang walang malay na si Kiel. Ayoko siyang bitiwan. Hindi puwede. Ano bang nangyayari? Bakit nangyayari ito?

"A-anong gagawin natin?! He's losing a lot of blood for fuck's sake!" Hindi ko na napigilang sigaw sa kaniya at tuluyan nang humagulgol habang nakayuko sa kaniya.

Maya-maya pa, bago sumagot si Asher ay bigla na lamang nawala ang mga ingay na iyon. Tanging pigil na hikbi ko na lamang ang naririnig ko at ang malakas na kalabog ng puso ko. Nang tingnan ko si Kiel ay gano'n pa rin ang itsura nito.

Nanginginig na hinawakan ko ito bago muling bumaling kay Asher na nakatayo na at tila nagmamasid sa buong paligid. Ngayon ko lamang naalala ang banta sa buhay ko . . . at ang anak ko.

"A-Asher, si Zick . . ." I almost whispered to him before darkness took me.



Nagising ako nang may maramdaman akong maliliit na daliri sa mukha ko. I slowly opened my eyes and saw my son staring at me while there's tears on his eyes. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay saglit na natigilan ito bago ako niyakap nang mahigpit.

"M-mommy . . ." Bulong nito sa 'kin at tuluyan nang humikbi.

Naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko nang marinig ko ang masakit niyang pag iyak. Tahimik ito at tila pinipigilan na huwag lumakas ang hikbi niya. My eyes started to water as I hug him tightly.

"Mommy's fine, Anak. Stop crying," I whispered to him.

Nahagip ng mga mata ko si Celine at Jaxon na seryosong nakatingin sa aming dalawa. Bakas ang galit sa mga mata ni Jaxon habang nakatingin sa 'kin.

Maya-maya pa, humiwalay na ang anak ko sa 'kin, so I faced him right away. Inayos ko ang itsura nito at pilit na ngumiti. Saka ko lamang naramdaman ang hapdi sa kaliwang braso ko kaya tumuloy iyon sa ngiwi.

"Are you alright? Wala bang . . . wala bang masamang nangyari sa 'yo habang wala si mommy?" Tuluyan ko nang tanong sa kaniya dahil sa pag-aalalang maging ang Casa ay sinugod.

Alam ko kung ano iyon. Alam na alam ko kung sino ang mga iyon. Sigurado akong mga tauhan iyon ni Henry De Ocampo at ito ang tinutukoy niyang banta sa buhay ko at sa pamilya ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ngayon ay dito. Tila binigyan niya lamang ako ng babala. At dahil sa babala na iyon ay hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang labis na takot sa buong pagkatao ko. Lalong-lalo na para sa anak ko.

Zick shook his head and hug me again.

"I'm scared, mommy. Where is Daddy? Bakit po kayo nandito?" Sunod-sunod na tanong nito sa 'kin.

Natigilan ako at halos lumabas sa dibdih ko ang puso ko nang marinig ko iyon. Sunod-sunod na dumagsa sa utak ko ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay sa bar.

Kiel was shot. I don't know where part was but I'm sure he's critical dahil maraming dugo ang nawala sa kaniya!

Mabilis kong nilingon ang dalawa kong pinsan nang may pagtatanong sa mga mata ko. Celine walked towards me at hinintay na humiwalay sa akin si Zick. Nang mangyari iyon ay pinakuha niya ito saglit kay Jaxon bago bumaling sa 'kin.

"W-where is he? Is he okay? May tama siya at . . . a-at maraming dugo ang nawala, Celine. W-what's his condition? Nandito rin ba siya?" Sunod-sunod nang tanong ko sa kaniya.

Lalong sumeryoso ang tingin nito sa 'kin kaya nagsimula na akong kabahan. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan iyon nang mahigpit habang paulit-ulit na binubulong sa sarili na sana maayos siya. Na maayos siya at sigurado ako roon.

Hindi siya puwedeng mawala.

"C-can we go to him?" I pleaded.

"You need to rest first, AJ. Stop thinking about him-"

"H-how can I stop?" I asked her, cutting her off. "H-he was shot at hindi ko nalaman kung saan siya tinamaan. He lost consciousness! H-how can I stop thinking about him?" Dagdag ko pa at tuluyan nang humikbi.

Narinig ko ang pag labas ni Jaxon kasama ang anak ko kaya tuluyan ko nang pinakawalan ang mga luha ko.

"P-putanginang sitwasyon 'to! Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya pakiusap . . . p-puntahan natin siya. Maayos ako! Believe me, Celine! I'm fucking fine. L-let's go see him. I'm scared . . ." I broke down.

Halos humiyaw ako sa sobrang sakit ng puso ko. Naalala ko bigla ang nangyari noon kay Dad. Ang senaryong ito-na nagising akong may tama sa balikat habang si Dad ay nag-aagaw buhay. Hindi iyon puwedeng mangyari sa kaniya! Hindi niya puwedeng iwan ang anak niya!

Nang hindi sumagot si Celine ay padarag akong tumayo. Ni hindi ko na maramdaman ang sakit ng braso ko at diretsong tumayo.

"AJ, ano ba. You're risking yourself. Hindi maganda ang lagay ng braso mo." Saway niya sa 'kin ngunit hindi ko iyon pinakinggan.

Dinala ko ang dextrose ko at handa na sanang lagpasan siya roon ngunit bigla niyang inagaw sa 'kin iyon.

"Fine! Let's go! My God!" Puno ng iritasyon nitong sambit, tila mas hinahabaan pa ang pasensya.

Habang binabaybay namin ang hallway patungo sa kwarto niya ay halos lamunin ako ng kaba at takot ko. I walked slowly and seemed to regret when I insisted on going to him, wherever he was. I try not to think negative thoughts about it but my mind couldn't handle it anymore.

Lalo na nang huminto kami sa pintuan ng isang kwarto. Napahawak pa ako sa braso ni Celine dahil pakiramdam ko'y matutumba ako, dahilan para mapatingin siya sa 'kin.

"Are you okay?" She asked me.

I bit my lower lip and slowly nodded to her. Tumango lang din ito bago tuluyang binuksan ang pintuan na iyon. Nang makapasok kami ay tumambad sa 'kin ang walang malay pa rin na si Kiel. Asher and Alyanna is on his side kaya nagmadali akong tumungo sa kaniya.

"A-anong lagay? Kumusta siya? Hindi pa ba siya nagigising mula kanina? Anong sinabi ng doktor?" Tanong ko sa kanila habang nakatingin kay Kiel.

Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon nito. Wala akong makitang kahit na ano. Blangko lamang ito kaya lalo akong kinabahan na baka dahil sa tindi ng pagkakabaril sa kaniya ay malala talaga ang kondisyon nito.

"S-saan siya tinamaan? Bakit hindi pa rin siya nagigising?" Dagdag ko pa at tuluyan nang bumaling sa kanila.

I met Asher's gaze. Marahas itong bumuntong-hininga at umiling.

"He's in a coma." Asher uttered.

Tuluyan nang gumuho ang mundo ko. Kasabay no'n ay ang tuluyan kong pagbagsak sa gilid ng kama ni Kiel.

"Acel!" Celine and Alyanna hissed when they saw me break down.

"N-no . . . What? Why? Are you fucking kidding me? Bakit? Saan ba siya tinamaan?" Halos hiyaw ko na sa loob ng kwarto at binalingan ng tingin si Kiel.

I searched for his gunshot wound. Nangunot ang noo ko nang wala akong makita dahil nakadamit ito. Hindi ko naman puwedeng hubaran ito makita lamang kung saan ito nabaril at na-coma nang gano'n. Bakit parang may mali?

"Magpahinga ka muna, Acel. You really need to get yourself together dahil baka hindi na magising si Kiel. Posibleng hindi na siya magising sabi ng doctor." Dagdag pa ni Asher kaya mabilis ang naging lingon ko sa kaniya.

Nagsimula nang uminit ang sulok ng mga mata ko dahil sa sinabi niya. I bit my lower lip to suppress my anger and look back to Kiel. Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko habang nakatingin sa kaniya na wala pa ring emosyon.

"B-but what about Zick? My son is looking for him. M-malulungkot siya. P-paano? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? H-hindi naman puwedeng ganito . . . Please, Kiel . . ." I said and burst into tears.

Hinayaan ko ang sarili kong hawakan siya. Ang mukha niya. Ang mga mata niyang nakapikit. Ang matangos niyang ilong at ang mapupula niyang labi. Ngayon ko lamang ito nahawakan muli ng ganito. After all those years . . . alam kong siya pa rin ang hinahanap-hanap ko.

Bakit ngayon pa nangyayari ito?

"K-Kiel, ano ba. Tangina! Kung nagbibiro ka, hinding-hindi kita mapapatawad. Please, wake up. H-hindi puwedeng ikaw, okay? H-hindi puwedeng wala ka sa tabi ni Zick. Masasaktan siya. H-hindi niya kakayanin. Pakiusap . . . Huwag ganito . . ." Pagpapatuloy ko at tuluyan na siyang niyakap.

Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak nang umiyak. Wala akong ibang marinig kundi ang hagulgol ko at ang mabagal na tibok ng puso niya. Ramdam ko ang unti-unting pagkawala ko sa aking sarili habang iniisip ang mga posibilidad. Tila gusto kong masuka dahil sa sakit at takot na nararamdaman ko.

"G-gumising ka na . . . Gumising ka, please. H-hindi puwede. P-putangina naman, e . . . B-bakit lagi mo 'kong pinahihirapan? L-lagi mo na lang akong sinasaktan!" Pagmamakaawa ko at halos yugyugin ko na siya roon.

"AJ, tumigil ka na. Baka kung ano pang mangyari sa 'yo. Ipagdasal na lang natin siya-"

"H-hindi, Celine. H-hindi kasi puwede! Hindi siya puwede. H-hindi kakayanin ni Zick! Ma-mahal na mahal siya ng anak ko. H-hindi ko kaya . . ." I trailed off and gasped and air.

"H-hindi ko kayang-ilang taon akong nagtiis na wala siya sa tabi ko. Hi-hindi ko na kaya. Ba-bakit hindi niyo maintindihan . . ."

Pumikit ako nang mariin dahil sa walang tigil na pag sakit ng puso ko. Pinukpok ko na iyon upang mabawasan kahit kaunti ang nararamdaman kong sakit ngunit walang epekto. Ni hindi ko na maramdaman ang pisikal na sakit, tanging iyon na lamang.

It's hurting big time and I want this to stop, but how?

"Y-you're hurting my wound even more . . ."

Natigilan ako sa pag-iyak dahil sa narinig ko. I immediately opened my eyes and look up to him. Halos tumalon at humiyaw ako sa gulat nang makita kong nakadilat siya. Huli ko na na-realize ang lahat. They are messing up with me lalo na nang makita ko ang unti-unting pagsungaw ng ngiti niyang iyon.

"W-what's the meaning of this?" I asked them while shaking.

Mabilis na pinalis ko ang mga luha ko at bumaling kay Asher. Nakatakip ang palad nito sa bibig niya kaya lalong nangunot ang noo ko. Nang bumaling ako kina Alyanna at Celine ay sabay itong umiling habang nakatingin sa 'kin.

I looked at Kiel again. Nawala na ang ngiti niyang 'yon at napalitan ng malambot na ekspresyon.

"I heard everything." He spoke which made my heart raise.

"Oh . . . No . . ." Tanging sambit ko na lang at mabilis na lumayo sa kaniya.

"F-fuck you." I firmly said to him and immediately grabbed my dextrose and left them there with so much embarrassment.

Fuck it.



EXCLUSIVE: Ipinaghahanap ngayon ng pulisya ang Chairman and CEO ng Centerfire Industry at retired army na si Henry De Ocampo dahil sa umanong ginawa nitong kaguluhan sa A&S Incorporated. Halos masira ang buong kompanya nang pasabugin ito ng mga hinihinalang mga tauhan niya. Ayon sa report ng pamilya Acuzar, matagal na umanong may gyera sa pamilya nila at siya rin ang salarin sa pagpatay sa yumaong si Jefferson Acuzar, ang Chairman and CEO ng A&S Incorporated.

Halos mabingi ako dahil sa narinig ko. Tuluyan na akong nawala sa sarili nang makita ko ang buong building ng A&S na nag-aapoy at halos wasak ang kabuuan nito. Ipinakita iyon sa balita.

Nang makabalik ako sa kwarto ay iyon ang sinalubong sa akin ni Levi. Nagulat pa ako nang madatnan ko siya roon kasama si Jaxon habang si Zick ay kasalukuyan nang natutulog.

"W-what the hell . . ." Sambit ko at tiningnan si Levi.

"What happened?" I asked him. Pilit na pinoproseso sa utak ko ang napanood ko. "Is it real?"

Problemado at labis ang galit ni Levi nang bumaling ito sa 'kin.

"The war has started between Henry and our family. Mabuti na lamang ay gabi at wala nang tao sa building nang mangyari ang pagsabog. I guess, he just sent us a signal or what. That damn old man," sagot nito kaya natawa ako.

"And yet Lolo Samuel and your Dad dropped the case? Ito ba ang sinasabi nilang pakikipag-areglo? Ang pasabugin ang kompanya ko?!" Halos sigaw ko sa kaniya.

Ramdam ko ang pagpupuyos ng galit ko habang nakatingin sa kaniya. Naiinis na kinuha ko ang remote ng TV na iyon at halos ibato na sa kung saan. Ni hindi ko mailabas nang maayos ang galit at poot na nararamdaman ko dahil ayokong magising ang anak ko.

"Hindi ko alam na iniurong nila ang kaso. Nang tanungin ko si Dad tungkol doon ay sinabi niyang sila na ang bahala sa lahat," sagot niya sa 'kin kaya tuluyan na akong napamura.

"Bahala sa lahat? Hindi pa ba nakakarating sa kanila ang nangyari dito? Bakit parang hinahayaan nila ang mga nangyayari ngayon? Anong pinaplano nila?"

"Makipagsabayan sa galit ni Henry. Ayun naman ang lagi nilang ginagawa lalo na't wala na si Uncle Jef. Wala nang pipigil sa kanila." Si Jaxon ang sumagot kaya napatingin ako sa kaniya.

Bago pa ako muling makapagsalita ay bigla na lamang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si Kiel at Celine. Agad na tumutok ang tingin sa 'kin ni Kiel at tuluyan na akong nilapitan.

"Uuwi ako. Kakausapin ko si Dad. I will make sure-"

"What? No!" Agap ko sa sasabihin niya at halos hawakan ko ang braso niya.

Tumigas ang ekspresyon nito at tumingin kay Levi.

"You're going? Sasabay na ako," sabi nito sa huli kaya halos sumabog ang ulo ko sa galit na nararamdaman.

He's not even listening to me! Oh my fuck!

"Kiel, stop." Mariin na sinabi ko sa kaniya.

He turned to face me. Sinalubong ko ang nag-aapoy niyang mga mata.

"I need to do this. Sigurado akong makukumbinsi-"

"Hindi nga puwede! Kailangan ka namin dito! Paano kung . . . paano kung matuluyan kami ng anak mo? I fucking need you here, so please . . . dito ka lang dahil . . ."

Huminto ako at kinagat ang ibabang labi ko.

"K-kailangan kita. K-kailangan kita rito. Natatakot ako. Huwag kang umalis." Pagpapatuloy ko at nanghihinang humiga sa kama.

Ipinatong ko ang kamay ko sa mga mata ko at tahimik na umiyak.

I'm scared and I want him here. I'm scared. I'm fucking scared. Pakiramdam ko ay kapag umalis siya'y hinding-hindi na kami magiging ligtas muli.

Continue Reading

You'll Also Like

526K 13.6K 27
VERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HER. Naloka siya nang bongga! Paano siya m...
416K 21.9K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2M 40.7K 33
(Finished) You're 19. He's 28. What's really the deal of having a relationship with an older guy? Unless it didn't start with a simple relationship...