Listens to Memories | Voicele...

By ferocearcadia

5.8K 117 3

STRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrat... More

Listens to Memories
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Kabanata 86
Kabanata 87
Kabanata 88
Kabanata 89
Wakas
Epilogo
VOICELESS DUOLOGY BOOK

Kabanata 19

64 1 0
By ferocearcadia

Track

"What happened? Ilang araw na ba? Bakit hindi pa rin kayo nagkakaayos?" Lynne asked me when she sat down.

Inilapit niya sa harapan ko ang kapeng pina-order ko sa kaniya kanina. Nanatili ang tingin ko sa labas kung saan kitang-kita roon ang city lights. Ilang taon na mula nang huli kaming pumunta rito ni Lynne and it's still the same. Gano'n pa rin ang ayos no'n, walang pinagbago. The scent of their coffee can always makes me calm and relax ngunit ngayon ay hindi na ako sigurado. Pakiramdam ko ay ang bigat-bigat pa rin ng kalooban ko dahil sa nangyari.

"Hindi pa kami nagkikita mula nang gabing 'yon. He wasn't replying to me. Hindi rin siya bumibisita sa bahay o kahit sa condo," mapait kong sagot kay Lynne.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kape ko at natulala na naman doon.

"Bakit hindi mo puntahan sa law firm?" Lynne asked which made me shut up.

Ang babaeng ito talaga ay kayang-kaya akong patahimikin nang dahil lang sa mga tanong at sinasabi niyang walang katuturan, ngunit malakas ang impact.

Naisip ko rin iyon-na puwede ko naman siyang puntahan sa law firm o kaya sa bahay niya pero wala akong lakas ng loob. Hindi ko alam kung bakit. Kahit ramdam ko ang kagustuhan kong puntahan siya para kausapin ay mas nangingibabaw sa 'kin ang hindi magpakita sa kaniya dahil sa kahihiyan.

"I want to but . . . I'm not sure. Hindi ko alam, Lynne. Naguguluhan ako," nag-aalangan kong sagot sa kaniya at tamad na bumuntong-hininga.

Nang sabihin ko iyon sa kaniya ay wala na siyang ibang sinabi kundi sorry lang at pagkatapos ay iniwan na ako roon. Dalawang araw na akong walang naririnig sa kaniya. Ilang text at tawag na ang ginagawa ko sa kaniya ngunit kahit isa ay wala akong natatanggap na sagot. Naiintindihan ko naman kung bakit naging gano'n ang reaksyon niya at kailangan kong tanggapin iyon dahil kasalanan ko naman talaga. I just don't know how to take it. Nang makita ko ang mga mata niyang 'yon-na puno ng sakit at galit, ay para akong nilamon ng konsensya ko. Hindi ko na alam.

"Bakit kasi hinayaan mong halikan ka? Tsaka bakit magkasama kayo? May hindi ka ba sinasabi sa'kin, Acel?" Lynne asked me.

Nakita ko na naman ang pagtutok niya sa 'kin ng mala-pusang mga mata na iyon. Napaangat ang dulo ng labi ko dahil roon. Nagsimulang lumikot ang mga mata ko para maghanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Maya-maya pa, hindi pa man ako nakakasagot ay nagtanong na naman muli siya.

"Is this the reason why you suddenly had second thoughts about marrying Calix?" She asked.

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niyang 'yon.

"What are you talking about? Of course not," puno ng iritasyon kong sagot sa kaniya at humigop muli sa kape ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Ramdam ko pa rin ang panay na paninitig sa 'kin ni Lynne kaya tinapunan ko na siyang muli ng tingin.

"What, Lynne?" I asked her as she started laughing sarcastically.

"Really? Sa 'kin ka pa talaga magsisinungaling? Caleb told me that Kiel is pursuing you again. Alam mo bang matagal na silang magkakilala ni Eleanor?" She spoke which made my forehead furrowed even more.

Bigla kong naalala ang pamba-blackmail sa 'kin ng babaeng 'yon gamit ang anak ko. So, totoo ngang magkakilala na talaga sila ng lalaking 'yon? Kailan pa? Bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit ngayon ko lang ito nakilala? Malapit na ba sila ni Kiel noon pa?

"She talked to me the other day, she was using my son to blackmail me," wala sa sarili kong sambit sa kaniya.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya nang sabihin ko 'yon. Umayos pa ito ng upo na para bang handang-handa na pakinggan ang maganda kong balita. Tsismosa talaga ang dating ng isang 'to.

"What? She knows about your son? Bakit ka niya bina-blackmail using Zick?" Gulat na tanong niya.

I sipped on my coffee again at ramdam ko na ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko senyales na naaapektuhan na ako ng kape, ngunit kahit ganoon ay gusto ko pa rin ito. Kahit delikado ay gustong-gusto ko pa rin ito.

"She wants me to stay away from Kiel dahil kung hindi ay sasabihin niya raw ang tungkol sa anak niya na itinatago ko," tamad na sagot ko sa kaniya at muling bumaling na sa city lights.

"What? Bakit naman niya gagawin iyon?" Lynne continuously asked me kaya tiningnan kong muli ito at inirapan.

"Of course, she likes Kiel. Halata naman." Labas sa ilong kong sinabi sa kaniya at iniwasan muli siya ng tingin.

But before I could utter a word, my phone suddenly beeped kaya nagmadali akong kunin iyon sa pag-aakalang si Calix ang nag text. Ngunit mali ako.

Kinakabahan man ay nagmadali akong mag type ng sagot.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong itanong sa kaniya iyon dahil wala talaga akong ideya. Baka mayroon siyang alam kung nasaan si Calix dahil hindi talaga ito nagpaparamdam sa 'kin.

"Ano bang pinaplano mo kay Kiel? Naghihiganti ka ba kaya hinahayaan mo siyang makalapit sa'yo ulit?" Seryosong tanong sa 'kin ni Lynne kaya nakuha na nito ang atensyon ko.

"Hindi, Lynne. Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya at sunod na naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko.

Nang tingnan ko ang message ni Lex ay napanganga na lamang ako dahil hindi ko alam kung anong irereact ko sa nabasa.

Matapos kong mabasa iyon ay hindi na ako nag-abala pang replyan iyon. Ramdam ko ang iritasyon at galit sa puso ko nang dahil sa nalaman ko. Dumagdag pa ang Lynne na ito na tanong nang tanong tungkol sa mga bagay na malabong mangyari.

"That's what I thought dahil tingin ko ay nagiging malapit na naman kayo sa isa't isa at-"

"We're not close, Lynne. Tinutulungan niya lang akong mabawi ang kalahati ng kompanya sa mga Lim. I love . . . Calix," I almost whispered to her.

Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya habang mataman pa ring nakatingin sa 'kin.

"Why can't I see the sparkle in your eyes anymore every time you mentioned how much you love Calix?" Nakakaputangina niyang tanong kaya sinamaan ko na siya ng tingin.

"Ang dami mong theories, Lynne, my God! I love Calix and no one can ever change that," pinal na sinabi ko sa kaniya at hindi na muling kumibo pa.

Kahit panay ang pangungulit nito sa 'kin ay hindi ko na lang muna iyon pinansin dahil mas nakatuon ang utak ko sa sinabi ni Lex, ang Kiel na iyon, at ang Eleanor na ito.

Saglit pa kaming nanatili sa Coffee Deim bago napagdesisyunan naming umuwi na. Dala ko pa rin sa utak ko ang mga nangyari, ang nalaman ko kay Lex, at ang sasabihin niya tungkol sa tumawag sa 'kin. Hindi ko na alam kung kailan ako titigil sa pag-iisip.



Kinabukasan ay maaga akong tumulak patungo sa law firm only to see Alexander talking to Eleanor. Hindi pa sana ako tutuloy sa opisina nito dahil ayokong makita ang babaeng ito ngunit tinawag na ako ni Lex.

"I just need to discuss something with her. Wait for me here," Lex told me as he stood up at sinenyasan si Eleanor na sundan siya nito.

Nakita ko ang pag ngisi sa 'kin ng babae habang palabas ng opisina ni Lex kaya agad ko itong inirapan hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Nang makaalis sila ay tamad na umupo ako sa couch roon at nilibang ang sarili sa pagbabasa ng isa sa mga librong naka-display roon. Puro iyon tungkol sa law. Bigla ko tuloy namiss ang pagiging abogado ko noon ngunit sa tuwing iisipin kong gawin muli ito ay pakiramdam ko hindi ko na kaya. Wala na akong sapat na kakayahan.

After few minutes, Lex returned and was no longer with Eleanor. Mabuti naman dahil kung hindi ay mapipilitan akong hilingin kay Lex na labas na lamang kami mag-usap.

"Do you know that your grandfather is secretly eyeing at this case? Recently, nalaman ko na hinaharang niya ang pagbubukas muli ng kaso ng Dad mo," seryosong panimula ni Lex kaya nabaling agad ang buong atensyon ko sa kaniya.

"What?" I asked him in disbelief.

May inilapag itong mga papeles sa ibabaw ng table at muling tumingin sa 'kin.

"May inutusan ang Lolo mo noon na mag imbestiga sa kaso ng Dad mo ngunit hindi para tumulong, para harangan. As if he was hiding something from this case. May alam ka ba sa history ng Lolo mo sa Dad ni Kiel?" He continued na mas lalo kong ipinagtaka.

"Dad ni Kiel?" I asked him again, sounding like a stupid dahil wala talaga akong maintindihan sa sinasabi niya.

"Henry De Ocampo, he's the man behind all of this. Siya rin iyong tumawag sa'yo. He's a retired army at matapos niyang manungkulan-"

"Wait, Lex, are you saying that Kiel's Dad is still alive?" Putol ko sa sasabihin niya.

Nakita ko ang lalong pagkunot ng noo nito at may inabot na papel sa akin. Nagtataka man ay inabot ko iyon mula sa kanya ngunit hindi ko binitiwan ang tingin niya sa akin.

"He's still alive, AJ. Matagal na siyang wala sa bansa dahil pagkatapos nilang maghiwalay ni Tita Liza noon ay hindi na muli ito nagpakita sa lahat. Alam mo ba kung bakit sila naghiwalay?" Tanong niyang muli.

Umiling lamang ako sa kanya at simpleng pinasadahan ang papel na hawak ko. Naglalaman iyon ng statement mula kay Kiel.

"You should ask anyone in your family. Mas mabuti kung sa Lolo mo itanong ang lahat," deklara nito kaya tuluyan nang bumagsak ang balikat ko habang nakatingin sa papel na ito.

May mga sinabi pa si Lex sa akin tungkol sa kaso ni Dad ngunit hindi natuon doon ang buong atensyon ko kundi sa statement na ito ni Kiel.

I don't know what to feel. Hindi ko malaman kung totoo ba itong mga nakasaad dito o isa na naman sa mga kasinungalingan niya. Pareho sila ng sinabi ni Benj sa statement nito ngunit may mga nakasaad dito na tila siya lamang ang nakakaalam.

Na parang nakalaan lang iyon para sa akin.

Matapos naming mag usap ay walang gana akong tumungo sa sementeryo. I tried calling Calix while I was driving earlier ngunit hindi niya talaga ito sinasagot at tanging ring lamang ang naririnig ko. Ramdam ko na ang namumuong frustration at iritasyon sa kalooban ko nang makarating ako sa puntod ni Daddy. Umupo ako roon at sinubukan muling i-dial ang numero ni Calix. Nakailang ring pa ito bago ko narinig ang mabigat niyang paghinga sa kabilang linya.

Kumalabog ang dibdib ko at ramdam ko na ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.

"H-hey . . ." I uttered. My voice broke.

Matagal bago ito sumagot kaya nagsalita muli ako. Tila ayaw niyang magsalita at hinihintay lamang na may sabihin ako. I bit my lower lip and leaned towards Daddy's tomb. Ramdam ko ang lamig sa likuran ko nang mahiga ako roon.

"H-how are you? Did you eat your dinner?" I casually asked him.

Ramdam ko ang unti-unting pagkirot ng dibdib ko. At the second time, he didn't even respond at all.

"U-uwi ka na . . . please. I miss you, Calix . . ." Hindi ko na napigilang sambit sa kaniya.

Tears started streaming down my face and I can feel how much it hurts. Hindi ko alam kung para saan ako nasasaktan. Sa sobrang daming dahilan ay hindi ko na alam kung para saan pa ba itong mga luha ko.

"I'm sorry . . . please. A-are you leaving me? Kaya hindi mo sinabi sa 'kin kung nasaan ka ngayon?" Dagdag ko pa.

Tanging bigat lang ng paghinga ang naririnig ko kaya napapikit na ako.

"I . . . will accept it pero huwag naman ganito, Calix. L-let's talk-"

"Let's just talk when I get back there. Take care, Acel," he coldly said to me and ended the call kaya halos mapamura ako.

Ilang segundo pa akong natulala dahil sa ginawa niya habang ramdam ko ang pagsakit ng lahat sa akin. Maya-maya pa, naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya agad akong napamulat. Tumambad sa 'kin ang madilim na awra ni Kiel. He's looking at me intently. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

"Come. I'll give you a hug," marahan niyang sambit sa akin at walang anu-ano'y hinila ako patayo saka niyakap nang mahigpit.

"I'm here. Kahit alam kong hindi ako ang kailangan mo, nandito lang ako. I'm sorry . . ." he whispered and showered me a kisses.

Hindi ko alam kung tama baang narinig ko sa puso ko. Na wala naman akong kailangan kung hindi ang magingmasaya pero simula nang bumalik siya ay hindi na mapayapa ulit ang isipan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

854K 20.2K 25
(Finished) Book 1. The famous lead singer of 7PM, Zachary Knight, made a very crazy mistake - accidentally crashing the wedding of the Philippine pre...
220K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
368K 19.3K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
618K 14.2K 52
Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Magkakaroon pa kaya ng pangalawang pagkaka...