Listens to Memories | Voicele...

By ferocearcadia

5.8K 117 3

STRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrat... More

Listens to Memories
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Kabanata 86
Kabanata 87
Kabanata 88
Kabanata 89
Wakas
Epilogo
VOICELESS DUOLOGY BOOK

Kabanata 9

52 1 0
By ferocearcadia

Request

"I can't just do that. Paano kung nando'n ang lalaking 'yon?" I frustratedly said to her at tamad na umupo sa sofa.

Kagabi pa ang tawag na iyon mula kay Tita Liza pero hindi pa rin maalis-alis sa utak ko. Her trembling voice while begging me to come over with Zick. Hindi ko alam pero bigla akong natakot nang sabihin niya na kahit saglit lang ay gusto niya kaming makasama. Is she dying? Totoo nga kaya ang sinabi ni Jack noon?

"Caleb told me that he's staying right now at his house," Lynne uttered, pertaining to that guy.

Tiningnan ko siya. Seryoso ang mukha nito habang nakatutok ang tingin sa TV. Pinapunta ko siya rito dahil hindi naman natuloy ang lakad namin. I decided to just stay here in our house dahil hindi pa rin magaling si Zick. Mahina pa rin ito at matamlay. Napauwi nga nang wala sa oras sina Lolo at Lola nang sabihin ko ang tungkol dito.

"Should I go with my son?" Nag-aalangan kong tanong sa kaniya.

She shrugged her shoulder and looked at me.

"It's up to you. Wala naman akong nakikitang masama. It's her last wish, Acel," makahulugan nitong sinabi sa 'kin at bumaling nang muli sa TV.

I sighed deeply. Tamad akong tumungo sa kusina to get some water at nadatnan ko roon si Levi. Nangunot pa ang noo ko nang makita kong nakatayo lamang siya sa gilid at tulala. Anong nangyayari sa kaniya?

"Having a bad day, huh?" I approached him.

Saglit lang itong tumingin sa 'kin at tumingin na naman sa kawalan. He looks so wasted. Naka-office attire ito ngunit parang hindi naman papasok dahil sa itsura niya.

"How's Tierra Fima?" I asked him again.

"I'm planning to propose to her," wala sa sarili niyang sinabi sa 'kin.

My eyes widen and I focused my gaze on him more! I know who is he talking about.

"Really? When?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Nagkibit-balikat ito at sumandal sa hamba ng pintuan. Tinitigan ako nito saka bigla na lamang ngumiti na parang baliw. Ngayon ko lang ito nakitang ganito that's why it feels weird. Madalas ko kasing makita ito na naglalaro lamang ng mga babae, he had been hurt before with the same reason but remained strong. I'm happy that he already found his other half.

"Sa gathering ng mga Acuzar. You're coming at Caza de Acuzar, right?" He asked me na ang tinutukoy ay ang mansion naming lahat.

Bigla kong naalala ang gathering na iyon kaya napatango na lamang ako. "Of course. I'm happy to hear that, Levi," I told him.

Nakita ko ang pagbaling muli ng tingin nito sa 'kin at tumaas ang kilay.

"How about you? When are you planning to settle?"

I bit my lower lip and looked away from him when I heard that. I honestly don't know when. Ni hindi pa namin napag-uusapan iyon ni Calix dahil pareho kaming abala noon hanggang ngayon.

I shrugged my shoulder and put the glass on the sink.

"Wala pa kaming plano. Hindi naman kami nagmamadali," I simply said to him at handa nang iwan siya roon ngunit saglit pa akong napahinto dahil sa sinabi niya.

"Calix is a good man, AJ. I hope you find peace in him at huwag nang balikan pa ang hindi na dapat balikan," seryoso nitong sambit at nauna nang umalis.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Nagtataka man pero alam na alam ko kung ano ang sinasabi niya. Saan naman niya nakuha ang ideya na 'yon?



Nang hapon na rin na iyon ay dumating ang iba pa kasama sina Uncle Raul na agad akong kinausap tungkol sa estado ng kompanya. Si Lynne lang ang nakakaalam tungkol sa pakiusap ni Tita Liza sa 'kin at kahit si Calix ay hindi niya alam ang tungkol rito. Ang alam niya ay nagawan ko na ng paraan iyon nang kunin namin si Zick sa mga ito.

"Aren't you aware about the dismissal of the case of-"

"I knew it, Uncle." Agad kong putol sa sasabihin niya bago pa man nito sambitin ang pangalan na 'yon.

"Why is that? What happened? Bakit na-dismiss?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya.

Nagsisimula na naman akong makaramdam ng galit at inis dahil sa kaso na iyon. I also remembered Eleanor and what she told me last time.

"They re-opened the case last year dahil sa pagbabago ng statement ni Benjamin. He was telling the court that someone framed them up at siya ang nasa likod ng lahat ng 'to," Uncle Raul explained to me which made me wonder.

"How? I mean, may iba pa bang sangkot sa gulo ng pamilyang 'to, Uncle? Akala ko ay iyon na lahat?" Buong pagtataka kong tanong sa kaniya.

Nagsisimula na namang gumulo ang lahat at hindi ko ito nagugustuhan. Pakiramdam ko ay may bago na namang mangyayari at hindi na naman matatapos ito hangga't walang nasasaktan. At bakit biglang nagbago ang statement nila pagkatapos ng mahabang taon? Bakit hindi nila sinabi noon? Bakit ngayon pa kung kailan unti-unti nang nakakabangon ang lahat dahil sa nangyari noon? Hindi pa ba sila tapos sa gyera ng pamilyang 'to?

"Hindi na namin alam ang tungkol dito. Your grandfather knows everything at hindi ko alam kung may iba pa bang sangkot sa lahat ng 'to," seryoso niyang sagot sa 'kin kaya napasapo na lamang ako sa mukha ko.

Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang paglapit ni Zick kay Lolo Samuel at pagyakap nito nang mahigpit sa kaniya.

"So, gano'n na lang 'yon? Taon lang nilang binayaran lahat ng kasalanan nila? That doesn't make sense, right? My God! I'll talk to Alexander about this," pinal kong sinabi sa kaniya at binalingan na ang anak ko na hindi ko namalayang nakalapit na rin sa 'kin.

"Mommy, can I request something?" Matamlay nitong tanong sa 'kin.

Kinuha ko ito at kinalong sa 'kin. Si Uncle Raul ay nanatili lang ang titig sa aming dalawa, inaabangan kung anong sasabihin ng anak ko.

"Of course, Anak. What is it?" I asked him gently and kissed his cheek.

"Can you call Daddy? Tell him to come home. Uwi na siya, mommy. Nasaan po ba kasi siya? Ang tagal-tagal naman niya." Nanginig ang boses nito at tuluyan nang sumubsob sa dibdib ko.

Mabilis ang naging tingin ko kay Uncle Raul na halatang nagulat din sa narinig niya. Napasinghap ako at niyakap nang mahigpit ang anak ko. Ramdam ko ang mabigat na paghinga nito na tila pinipigilan niya ang pag-iyak niya. My heart sank as my whole-being trembled. Ramdam ko ang sakit sa lalamunan ko at ang unti-unting pag-init ng sulok ng mga mata ko.

I don't know what happened to his dream last night. All I know that it was something terrible that it made him cry. Ito ang unang beses na sinabi niya ito at sa ganitong sitwasyon pa. Ni hindi ako naging handa. Na kahit sagutin siya ay hindi ko magawa dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Paano ko pauuwiin ang Daddy niya kung matagal ko na itong pinaalis sa buhay naming dalawa? How can I say it to him? How can I tell him that his father isn't coming home because he's gone? A long time ago. At hindi na siya babalik pa.

Mabuti na lang ay nakatulugan na ni Zick ang request niyang iyon sa 'kin. Mabigat pa rin ang kalooban ko dahil sa sinabi niya. Alam ko ang nararamdaman niya at masakit sa 'kin na wala akong magawa. Fuck this situation! I am not ready for this and it's making me feel useless.



By nightfall, Calix arrived at our house with Astraea, his cousin. Nagulat pa ako nang hindi nito kasama si Levi kaya tinawagan ko agad ito nang hindi alam ng babae. Nang tumungo si Calix sa kusina para ihanda ang mga dala niyang pagkain ay sinundan ko agad ito.

I found him heating the pizza he was carrying in the microwave. Nor did he notice me coming. I wrapped my arms around his waist and hugged him tightly from behind. I felt his shock for a moment and then he held my arms around him.

"Hey . . . what's wrong?" Marahan niyang tanong sa 'kin at pilit na humaharap ngunit hindi ko siya hinayaan.

Hindi niya alam na dalawang beses nang hiniling sa 'kin ni Zick ang Daddy niya. Paano ko ito sasabihin sa kaniya? I don't want to hurt his feeling. I know how close he is to my son and I'm afraid that it might change because of what Zick requested to me earlier.

"I just missed you. How's your day?" I told him, pilit itinatago ang lungkot sa boses ko.

Lumuwag ang yakap ko sa kaniya dahilan para tuluyan nang humarap sa 'kin. Tumingala ako upang tingnan siya dahil matangkad ang isang 'to. Inalis niya ang iilang buhok na tumatabing sa mga mata ko and kisses my forehead down to my lips.

"It's been a rough long day. Thank you for asking," he gently said to me at niyakap ako nang mahigpit.

Ramdam ko ang pagod sa yakap niya kaya ginantihan mo agad iyon. Something is wrong with him. I can feel it.

"What happened? You seem so tired," I simply said to him.

Hindi ito kumibo. Mas isiniksik nito ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang mabigat at mainit niyang paghinga roon. I can feel the tension in his arms. Tila galit ngunit ginagawa ang lahat upang pigilan ito.

"Calix . . ." I called him.

As minustes passed by, he pushed me away from him gently. His eyes are tender and sore while staring at me. Ngumiti ito ngunit hindi umabot hanggang sa mga mata niya.

"I just had a rough day at the office because of my one case. I lost it," tamad na sinabi niya sa 'kin.

I gasped. I bit my lower lip while looking at his features. Kitang-kita ko ang pagod, lungkot, disappointment, at guilt. I know how hard it is for him dahil ito ang unang kaso na natalo siya. I don't know what happened but I can see it in his eyes. Hindi maganda.

Tumalikod ito sa 'kin at pinatay ang microwave. Pinakatitigan ko lamang siya habang tahimik na hinahanda ang pagkain. Marahas akong bumuntong-hininga at nilapitan muli siya.

"Hey . . ." I called him.

He didn't even look at me. "Hmm?"

"Look at me, Calix. Itigil mo muna iyan," marahan kong sambit sa kaniya at hinuli ang kamay niya.

Marahas itong bumuga ng buntong-hininga bago bumaling sa 'kin.

"I fucked up. Ilang gabi kong pinag-aralan iyon dahil iba 'yon sa mga kasong hinawakan ko nang ilang taon. I can't believe I lost it. I just . . . tangina . . ." Mariin niyang sambit na halos bumulong na.

His jaw clenched so as his fist. Terror overtook his face. Marahas niyang pinasadahan ang buhok niya at nanatiling nakatingin sa baba.

"It's okay. You're still good, believe me. Ayos lang matalo, alam kong ginawa mo ang lahat," marahan kong sambit sa kaniya at hinuli muli ang kamay niya.

Dinala ko iyon sa labi ko at hinalikan. Hinawakan ko ang mukha niya at inayos ang buhok niyang gulo-gulo.

"You're still good. You're doing good. Wala iyon sa mga kasong naipanalo mo nang ilang taon. Sobrang galing mo pa rin at hindi na magbabago 'yon," dagdag ko pa.

Iniangat nito ang tingin sa 'kin. Nang magtama ang mga mata namin ay agad ko siyang hinalikan sa labi nang matagal. It was a calm kiss. I could feel his calmness while kissing me softly. Hindi iyon ang halik na marahas at gutom. Malumanay na parang sumasabay lang sa beat ng musika. Iyon ang gustong-gusto kong halik niya. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng paghalik niya sa 'kin gaya ng kung paano hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya sa 'kin.

We parted chasing each other's breath. He lowered his forehead to my forehead and kissed my nose.

"Let's get married, Acel. I want to spend the rest of my life with you. Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko . . . sasabog na ang puso ko sa sobrang pagmamahal sa'yo," he softly said to me in his raspy voice.

I smiled bitterly. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng pagkalito at tensyon. Sa puntong iyon, alam ko sa sarili kong marami pa akong tinatago sa kaniya. Na hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kaniya nang hindi kami nasasaktan.

Continue Reading

You'll Also Like

211K 4.2K 67
Pagkatapos ng napakatagal na pagbuhos ng ulan sa buhay mo, makakakita ka pa rin ng rainbow sa langit. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (T...
525K 13.6K 27
VERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HER. Naloka siya nang bongga! Paano siya m...
335K 10.1K 57
Elieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito...
1.3M 25.9K 43
The Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in...