Seducing Samantha Del Rio - C...

By Andrea_Arcana

163K 9.2K 3K

Amelia Montenegro knows her husband is sleeping with a woman but not an ordinary woman. Samantha Del Rio is t... More

A/N
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
Family Tree of Del Rio

CHAPTER 64

1.7K 109 84
By Andrea_Arcana

Amelia smiled nang gumising siya. Nangalumbaba siya habang pinagmamasdan ang mukha nito. She pinched Sam's cheeks. Tulog na tulog ito pagkatapos nilang mag make love. Para itong nakalunok ng madaming energy drink sa sobrang lakas ng stamina nito kagabi. Hindi na nga din sila nakabalik sa activities. But it was alright dahil hindi na din nag palaro pa ang game leader nila. Kasi daw ay pagod na yung iba at lasing na.

Bridgette texted her that night para itanong kung nagkaayos na sila ni Sam. At hindi na nito kailangan pang malaman ang ibang detalye. She just texted Bridgette that operation Seduce Samantha Del Rio was successful. Isang laughing out loud emoji lang ang senend nito sa kanya.

She bit her lip hard nang maalala ang pinag gagawa nila kagabi. Sa sobrang selos siguro nito na tumatawag si Christian. Kaya hindi na nito pinigilan ang sarili. Mabuti na lang at hindi niya hinayaan ang sarili na ma-guilty. She doesn't want Sam to have doubts about her. Ngayon alam niyang mahal siya nito.

Kinuha niya ang kamay ni Sam at tinitigan ang palasingsingan nito. She wrapped her hands on it. Sinusukat niya kung gaano kalaki ang mga daliri nito para sa bibilhin niyang singsing. She wanted the most expensive ring on Sam's hands. Sana magustuhan nito ang bibilhin niya. Pero sa tingin niya ay kahit nga lang siguro tali lang sa kamay ay ma-a-apreciate na nito. That's what Sam's character is. Appreciative ito na bihira sa isang anak mayaman na kagaya nito. Mr. Del Rio had raised his daughter well.

Her eyes widen nang biglang nagmulat ng mga mata niya si Sam. Agad itong napatingin sa palasingsingan nito na hawak hawak niya.

Uminit ang mukha niya at agad na inalis niya ang kamay doon.

"What are you doing, huh?"

Ngumisi ito at itinukod ang ulo sa kamay nito.

"W-Wala!" Hindi niya pwedeng sabihin dito ang agenda niya dahil surprise dapat iyon.

Napatingin ito sa mga daliri nito. Then Sam smirked. "Ang hahaba ano?"

Sa sinabi nito ay nag init ang tenga at pisngi niya. Naalala niya na naman kasi kung saan iyon sumagad kagabi. And how it took her to heights of pleasures.

"Tumigil ka, Samantha ha?"

Sam threw her head back laughing. "Ang cute kasi ng mukha mo kapag namumula ka. Your dimples are also popping out."

Hindi siya nakatakas dito nang maupo ito at haklitin siya sa bewang. Then Sam pinched her cheeks. Pinanlakihan niya ito ng mga mata para tumigil na. But Sam was having so much fun teasing her kaya hinayaan niya na lang. Ito din naman ang nagsawa.

"S-Sorry. Namumula na."

Nakita niya ang guilt sa mga mata nito. Sam was fussing over her face and caressing it tenderly.

Amelia pouted para ma-guilty pa ito lalo. Pigil pigil niya ang sarili na wag ngumiti dahil baka mahalata nito. Hindi naman kasi masakit pero dahil maputi siya ay namumula agad ang pisngi niya kapag kinukurot.

"Kiss mo para gumaling."

Natigilan ito saglit at parang hindi inaasahan ang banat niyang iyon. Pero mamaya maya pa ay umaalog na ang balikat nito sa pag tawa. Sam even threw her head back laughing habang hawak hawak nito ang tiyan sa kakatawa.

"Hindi bagay sayo ang ganyang actions, Amelia."

Unti unting lumarawan ang ngiti sa mukha niya. She wished she could stay like this with Sam. Pero mamaya maya lang ay uuwi na sila. And they'll go back to the real world again.

Kumabog ang dibdib niya. Hindi niya din maiwasang bumagsak ang ngiti sa mukha niya. Natatakot siyang pag balik nila sa opisina ay lumayo ulit sa kanya si Sam. Natatakot siyang mag selos ito at tuluyang umiwas.

Kumunot ang noo nito nang mapansin siguro ang biglang pag babago ng ekspresyon sa mukha niya.

"What's wrong?"

Amelia looked into Sam's eyes. Hindi niya gustong mag sinungaling dito. Pero pag sisinungaling nga bang masasabi iyon kung hindi niya pa sinasabi? She wished she could take it all back. Pero hindi pa siya handang sabihin sa ngayon dito ang nangyari sa kanila ni Christian.

Umiling siya. "Natatakot lang ako na bumalik ang dati sa lahat pag bumalik tayo ng opisina."

Sam bit her lip. "I know, Amelia." Ginagap nito ang mga kamay niya. "But I promise no matter what happens. I'll always be here for you."

She searched Sam's eyes. Punong puno ng senseridad ang mga mata nito ngunit natatakot pa rin siya. Hindi niya alam kung paano nito tatanggapin ang lahat. Sam is maybe sincere now but what if what she did with Christian grows? Hindi niya alam kung makakaya niya pa bang makipag hiwalay kay Christian. She doesn't want her child to go finding fatherly love kagaya niya. For a long time, she struggled with that. Ayaw niyang maranasan iyon ng anak niya.

But she doesn't love him anymore. Yun ang siguradong sigurado siya.

It's another dilemma she had to face. Pero ang sigurado siya sa ngayon ay si Sam ang gusto niya.

------------------

Nakatingin sa kanilang dalawa si Bridgette nang lumabas sila sa hotel papunta sa mga hanay ng mga staffs. Bumaba ang tingin nito sa kanilang magkahawak na mga kamay at isang pilyang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Na sinuklian lang ni Amelia ng isang proud na ngiti.

"Sam!"

Napasimangot siya nang makitang tumakbo pa si Hana papunta kay Sam. Sinugod nito ng yakap si Sam na hindi agad nakahuma at nabitawan pa ang kamay niya. Though she really wanted to strangle Hana ay hinayaan niya itong i-check si Sam. Halata kasi sa mukha nito ang pag aalala.

"Saan ka ba natulog kagabi? Nag aalala ako." Dun lang ito napatingin sa kanya na nakatayo sa gilid ni Sam.

Amelia smiled at the Admin Head. Mukhang na-realized na nito ang lahat at lumayo ito kay Sam nang bahagya. Yumuko ito. Mabuti na lang at nakakaintindi din ito.

"S-Sorry, Mam. Nag alala lang po ako kay Sam."

"It's ok, Hana. I stayed with Amelia." Sam tapped Hana's shoulders.

Wala sa sariling tumango ito. Patingin tingin ito sa kanilang dalawa ni Sam at mukhang may na-realize ito nang manlaki ang mga mata nito.

"Last game!"

Nang sumigaw ang game leader ay tumingin sa kanya si Sam na parang nag papaalam. Tumango siya dito. She still needed to have a talk with Hana. Wala dapat makaalam ng sekreto nila ni Sam hangga't hindi niya pa hawak ang divorce papers. Hindi niya alam kung anong gagawin ni Christian pag nalaman nito ang lahat. Maybe he will file a counter claim at yun ang ayaw niya. It would be a long and ardous process kung magkataon. Mabuti na lang talaga at matapobre din ang ina ni Christian. Christian's mother made sure that his son could still get away from her kung ayaw na nito sa kanya. They were married in the U.S.  The old woman is long dead but still trying to control Christian's life.

Hana was about to run away too when she took a step to block her way.

Tumingin siya dito. Her eyes are level with Hana's. Nakita niya ang pag larawan ng takot sa mga mata nito.

"M-Mam?"

Inalis niya ang distansiya sa pagitan nila ni Hana. Then she crouched low to make sure that Hana will understand what she was about to say. Inilapit niya ang bibig sa tenga nito.

"Walang makakalabas ng issue na ito sa iba, Hana. Or I'll took a necessary action. Nagkakaintindihan ba tayo?"

She gave Hana the most intimidating stare she could muster. Ito ang mukhang ginagamit niya sa tuwing nakikipag-negotiation siya kaya alam niyang ma-i-intimidate ang kaharap. She doesn't want to take it lightly. Every variable must be dealt with. Si Christian na lang ang wild card na kailangan niyang ayusin.

Nakita niya ang panginginig ng mga kamay nito at pangangatal ng labi. Muntik nang mapangiwi si Amelia. Mukhang natakot niya ito ng sobra. But it's not a light matter at all. Kailangan niya lang i-establish na siya pa rin ang boss nito at ayaw niyang makarating sa iba ang nakita o narinig nito. Ang ayaw niya pa naman sa lahat ay tsismosang staff.

Agad na tumabi sa kanya si Sam nang lumapit na siya sa pwesto ng mga ito. Tumingin ito kay Hana na tulala sa gilid.

"Amelia naman. Anong sinabi mo sa kaibigan ko?"

"I just did a necessary step, Sam." Pino-protektahan niya lang din ito sa magiging consequences ng actions nila ngayon. Hindi pa naman nito masyadong kilala ang Admin Head pero tiwalang tiwala na ito.

"Necessary step? Eh bakit tulala yun at parang takot na dumikit man lang sakin?" Sam pointed at herself.

Amelia winced. Aminado nga siyang sumubra siya. But Sam should talk to her friend para mag paliwanag. Hindi na kailangang malaman ni Hana na nag sisisi siya sa ginawa niya. Sam should take care of it dahil kaibigan nito ang huli.

"Talk to her then. Pero di ako mag s-sorry, Sam. I did that to protect you."

Sam sighed. "I know. I'll talk to her."

Tumakbo ito papunta sa pwesto ni Hana at mula sa pwesto niya ay kita niya ang pag uusap ng mga ito. She saw what Sam mouthed to Hana.

'Sorry sa ginawa ni Amelia.'

'I know. Natakot lang ako kasi ang intense ng mukha ng girlfriend mo.'

Nakita niya ang pag alog ng balikat ni Sam. Napatingin pa ito sa kanya saglit. Amelia shook her head smiling. Alam niya ang capacity niya. She could intimidate someone if she wanted to. Good to know that she still had that.

'But don't worry I won't say anything. Pare-parehas naman tayo ng kinakaharap sa bawat araw. Naiintindihan ko kung bakit ginawa iyon ni Mrs. Montenegro. She's protecting you, Sam.'

Napaiwas siya ng tingin nang sumilip saglit si Hana sa mukha niya.

It's not easy with the type of set-up she had with Sam pero gagawin niya ang makakaya niya para maging maayos ang lahat. Sana ay maging maayos nga ang lahat.


-------------------

A/N: As requested po. Another update. Spoiled na spoiled ko na ata ang mga readers ko kaya kada update ko ay hihingi ulit ng update. hahaha anyway, I love you all readers. Thank you for always reading this story of mine.  Wala pa tayo sa climax. Kaya pa ba? hahaha mga overthinker diyan. Para sa inyo 'to. ^^

Anyway promote ko lang po ang ibang stories ko. If ever man na may interesado. Violet's are Blue nasa chapter 45 na. Love Scenario na ginagawa ko lang sa phone ko kapag may time ay chapter 11 na. And my other stories ay kalat. hahaha meron sa kofi account ko pero first 3 chapters pa lang. Ito muna kasing SSD ang tinatapos ko. I'll try to finish Violet's are blue this year pero kung hindi kaya sasabay ko na lang sa Love Scenario. Yun lang. 

Enjoy reading. ^^

Continue Reading

You'll Also Like

66.4K 3.4K 20
Will Lennox forget about Keegan and move on or will she find her missing piece with a new found love?
75.6K 2.5K 35
Reign Manansala x Brielle Hermosa
15.8K 352 18
"I would kill if I have to, I would slit a throat just to prove to you how much I love you and yet here you are, pointing that gun at me as if we did...
32.5K 1K 31
How will you handle things if they get even more complicated?