ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶...

By Keitesbrute_

74.9K 2.4K 38

C O M P L E T E D [ᴄʜᴀꜱᴇ ᴍᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1] 𝖢𝗁𝗅𝗈𝖾 𝖠𝗆𝖺𝗋𝖺 𝖠𝗅𝗅𝗂𝗌𝗍𝖺𝗂𝗋 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗆𝖺𝗇�... More

DISCLAIMER
𝑪𝑯𝑨𝑹𝑨𝑪𝑻𝑬𝑹𝑺
PROLOGUE
A WOMANIZER 01
A WOMANIZER 02
A WOMANIZER 03
A WOMANIZER 04
A WOMANIZER 05
A WOMANIZER 06
A WOMANIZER 07
A WOMANIZER 08
A WOMANIZER 09
A WOMANIZER 10
A WOMANIZER 11
A WOMANIZER 13
A WOMANIZER 14
A WOMANIZER 15
A WOMANIZER 16
A WOMANIZER 17
A WOMANIZER 18
A WOMANIZER 19
A WOMANIZER 20
A WOMANIZER 21
A WOMANIZER 22
A WOMANIZER 23
A WOMANIZER 24
A WOMANIZER 25
A WOMANIZER 26
A WOMANIZER 27
A WOMANIZER 28
A WOMANIZER 29
A WOMANIZER 30
A WOMANIZER 31
A WOMANIZER 32
A WOMANIZER 33
A WOMANIZER 34
A WOMANIZER 35
EPILOGUE
Special chapter I
Special chapter II (LAST)
A N N O U N C E M E N T ! ! !
New story alert!

A WOMANIZER 12

1.3K 61 0
By Keitesbrute_

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

_____________

SHANIAH KHALED MAXIMUS POV

Ilang oras na kami magka call ni Chloe, 8PM kaninang nagsimula kaming magcall.


1AM na ngayon, marami kase kaming napagkwentuhan. Mas lalo namin nakilala ang isa’t isa, kung ano ang paborito naming kulay, pagkain mga ganun ba.



"Late na pala, hindi ka pa inaantok?" Tanong ni Chloe sa kabilang linya.


Tumingin naman ako sa camera upang harapin ito, agad akong umiling-iling.



"Hindi pa ako inaantok eh, ikaw? Baka inaantok ka na, may pasok pa mamaya eh." Sagot ko naman dito


"Medyo antok lang, pero antayin kitang antukin para sabay na tayo." Nakangiti ito saakin


Kinilig yata ako sa sinabi nito, willing pa syang hintayin na antukin ako bago sya matutulog.


"Sira, mauna ka na kung hindi mo na kaya ah. Anong oras na rin kase eh."



"Eh sabay na nga tayo!" Nakangusong saad nito



"Sige na nga! Goodnight, kita nalang us later." Nakangiting wika ko rito


Tumango-tango naman ito saakin, papikit-pikit na ang mata nito. Halatang inaantok na. Cute


"Opo, goodnight iloveyou" wika nito at kiniss ang screen ng kanyang phone. Baliw talaga


"Goodnight ulit, I-I love you." Bat ako nauutal? Eh ilang araw na namin itong ginagawa, di parin ako nasanay.



Kumaway na ito saakin, kumaway naman ako tsaka ko binaba ang tawag. Tinabi ko na sa aking side table ang phone ko at pinatay na ang lampshade. Inayos ko na rin ang aking kumot at natulog na

•••••

Nandito kami sa parking lot ni Chloe, nakasandal ako sa kotse n’ya at s’ya naman nasa harapan ko.



"Hindi ko naman siya kilala, Khaled. Promise! Hindi ko maalalang nakipag halikan ako sakanya" She explained while pouting.



"Hindi naalala pero kanina namumutla ka? Ano? Kinakabahan ka?" Inirapan ko ito. Bakit ba ako umaakto na parang girlfrie-- nagaalala lang kase ako baka mamaya mapaaway na naman siya. Yes, ganon nga.



Kanina kasi habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay may humarang na babae, at niyakap ang leeg nya.


Her name's Flor. She said nag enjoy sya last night, I know it's not true, kasi magka-tawag kami ni Chloe. Pero hindi ko maiwasang mainis. Bwesit na yan, wala naman kaming label nito!



"Sorry na, hindi naman totoo yun, gusto lang nun mambwesit at gusto nya tayo mag away" malambing na wika nito at hinawakan ang bewang ko.



"A-alam ko naman, pero kasi nakakainis. Palaging may sasalubong sa atin, tapos magsasabi ng 'I enjoyed last night.' " naiinis kong reklamo.



"Sorry na, sweetie." she said and kissed me. Agad namang nawala ang sama ng loob ko sakanya at gumanti sa halik nito, napaka rupok Shaniah!



Niyakap ko ang leeg nya at mas idiniin sa akin. I opened my mouth to welcome her tongue. She tasted every bit of my mouth. Humiwalay ako dahil hindi na ako
makahinga.



"Bati na?" Masuyong sambit nya. Tumango naman ako rito at yumakap.



"Bati na po" I pouted. Natawa naman ito at sumiksik sa leeg ko.



Napakalas naman kami sa pagkakayakap namin ni Chloe nang may magsalita.




"Eh ang dudugyot n’yo naman, dito pa kayo naghahalikan." Nandidiring saad ni Keizel, may hawak pa itong lollipop.



Agad naman akong namula sa sinabi nito, shit nasa parking lot pala kami. Ngayon ko lang narealize.



"Ikaw na namang pakealamera ka." Salubong ang kilay na sagot ni Chloe.


Wala talagang araw na hindi nag-aaway ang dalawang ito, may himala nalang sigurong dumating kapag nag-usap ang dalawang ito na hindi pagalit.



"Eh ang dugyot nyo kase eh, d’yan pa kayo naglaplapan. Yucks! Nagkikiss wala naman label." Nakangiwing saad nito sabay alis.



Aba’t ang batang ito sumusobra na!



"P--pigilan mo ako, Khaled. Pigilan mo ako baka mapatay ko ang batang yun!" Nakaamba na ang kamay nito upang batukan si Keizel.



Agad ko naman itong hinila sa may damit nya para pigilan, mainitin talaga ang ulo nito.


"Inaaasar ka lang nun!" Natatawang pagpipigil ko rito, pati kase bata eh papatulan.



"Lakas mang asar eh! Nakakailan na yan ah, sarap sungalngalin."



"Sungalngalin mo nga para lagot ka kay Vice president." Natawang pananakot ko rito.



Ngumuso lang ito sa harap ko, naglakad na kaming magka holding hands. Pumasok na kami sa campus, ihahatid kase ako ni Chloe sa room ko, gaya ng nakasanayan nyang ginagawa noong nakaraang araw.




Hatid sundo si Chloe saakin sa room, sabay kase kami mag break time. Minsan hinahatid n’ya rin ako sa bahay kapag uwian na. Buti nga di nya naaabutan si kuya sa bahay eh.



Minsan ay nakakaloko nang tumingin sa amin ang aming mga kaibigan, nagtataka at nang aasar ang mga mukha nito. 




"Kayo na?" Pabulong na tanong ni Nash habang nag rireview kami. 




"Hindi, ok na muna kami sa ganito, Nash. Masaya naman kami kaya walang problema" nagkibit balikat ako.  




"Masakit yan, teh" iling-iling na sagot nya.



"Bakit? Natry mo na?"  



Agad namang nanlaki ang mata nito at umiwas ng tingin, anong nangyari dito? Hindi ko nalang ito pinansin at nag focus na sa pagbabasa. 

•••••

"Okay class, Class dismissed. Don't forget your essay about politics tomorrow, bye class" nakangiting sambit ni Ms. Guzman, jusko essay na naman.




"Psst! Sweetie" napalingon naman agad ako sa may bintana at napangiti, dali-dali akong lumapit rito para salubungin si Chloe. 



"Uy, bakit? Kaaga mo naman pumunta rito, may next subject pa kami eh" napanguso ako, gusto ko na sya kasama!



"Ako din, dumaan lang ako rito, papaalam sana ako, magpapasama kasi si Alexis sa mall, may inutos sakanya, baka hindi ko na maabutan ang break nyo, kaya sumama ka nalang muna kay Astrid okay?" Tumango naman ako kaagad. 



"Alright, mag ingat kayo ah?" I kissed her cheek at nagpaalam na itong umalis, habang ako naman ay bumalik sa upuan ko. 



"Tomboy ka na pala, Shaniah? I believe at okay na kayo ng babaeng iyon? Akala ko ba hindi mo papatulan? Asan na? Nakain mo sinasabi mo o nakain niyo na ang isa't isa?" Natatawang sambit ni Tina "Homophobic" San Lorenzo.



Yes, kilala siya bilang isang homophobic sa school na ito. Anak din siya ng nagmamay-ari nito kaya siguro ang lakas ng topak nitong mag reyna-reynahan dito.



"Hindi" malamig na tugon ko.


"Hmm..sino ang lalake sainyo?" Bobo ba ‘to?



"Anong ibig mong sabihin? Babae kami pareho, bulag ka--" ‘di natapos ang sasabihin ko, dahil pumutak na naman ito agad.



"Malandi yun eh, bat mo pinatulan?? Sus nadala ka rin ba sa katawan nun? Sex lang din ba ang habol mo sakany--"  Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng babaeng ito at sinapak ko na ang bunganga nya.



"Puñeta manahimik ka!"


"Shaniah!" Tumakbo palapit sa akin si Nash at agad akong nilayo sa babaeng yun.



"Bakit?! Hindi ba totoo?! Malandi ang babaeng yun kaya bakit ka nagpadala sa kanya--"



"Ano bang pake mo?! Atsaka ano ka? Close ba tayo para pangaralan ako!?" Namumula kong sambit, tangina nya!



"Tama na Shan, ikaw Tina umalis ka na nga! Puro nalang pakikipag-away ang inaatupag mo!" Iritang singhal nito kay Tina, hindi naman na pumalag ang homophobic na Tina’ng ‘yon at agad na umalis.



Inaamin kong minsan ko na ring hinusgahan si Chloe pero noong nakilala ko na sya, doon ko nalaman na napakabuti nyang tao. At hindi sapat na dahilan ang mga nagawa nya dati para husgahan sya ng mga taong ito.



May dahilan kaya n’ya nagawa ang mga bagay na ‘yon, kung ano man ang dahilan ‘yon ay wala na sila roon. Wala silang karapatan para husgahan s’ya ng ganon-ganon lang. Kung may nakakakilala man ng lubos kay Chloe. Kami yun, ako yun.

Continue Reading

You'll Also Like

4K 91 10
Y/N a hydra experiment was found by the Avengers when they took down a hydra base. What will she found out about her past?
343K 6.6K 27
This story is a gxg story story not mine po
13K 375 13
Fell inlove with my stepmother(Book 2) We made it guys!! unang una yung mga nangyayari dito ay imahinasyon lang po ni Author at hindi nangyari sa tot...
398K 6.4K 79
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...