CHAPTER 11
ALLIANAH
*Tok.tok*
Speaking of the which, heto na s'ya.
Binuksan ng mom ni Drake yung pinto at hindi nga 'ko nagkamali, s'ya mga 'yung kumatok. Sinalubong s'ya ng mom niya ng yakap at lumapit s'ya kay Mom at yumakap din.
Lumapit sya sa'kin..
EXPECTED:
Lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit at sinabing..
"Bakit di ka pa namatay?!"
WHAT REALLY HAPPENED:
Lumapit siya sa'kin at niyakap ako nang mahigpit.
Natatakot na 'ko sa susunod niyang gagawin dahil baka 'di niya ako pakawalan sa yakap hanggang sa mahirapan akong huminga at malagutan ako ng hininga.
"I'm glad you're fine."
Do'n biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang may car race sa loob no'n. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
May halong kaba, saya at..
Kilig.
Kahit sandali, gusto ko sanang paniwalaan na nag-aalala siya sa'kin. Pero may parte sa utak ko na nagsasabing hindi 'yon normal, parang may hindi tamang nangyayari.
Bakit all of the sudden bigla siyang natuwa na buhay ako? Hindi ba gusto na nga niya ako dati pang mawala?
At..
'Di ba nga nasa bar siya no'ng nakita ko siya?
Nakita ko ang Mom niya at Mom ko na nakatingin sa'min at nakangiti.
Gusto ko sanang maniwala pa na totoo lahat 'to– ang yakap ni Drake at pag-aalala. Pero alam ko naman 'yung main purpose niya..
It's just for show.
"Oh s'ya anak, lalabas lang kami to give you some privacy. Take your time." Pagkasabi no'n ni Mom lumingon lang sa kanila sa Drake at ngumiti at bumalik na ulit sa pagkakayakap sa'kin hanggang sa makalabas sila.
"D-Drake.." mahina kong bulong sa kaniya at kumalas siya ng yakap.
Yumuko siya at bumulong.
Hindi ko alam kung anong sinabi niya ang tanging narinig ko lang nang malinaw ay "... I'm sorry."
Hindi siya nakatingin sa'kin kaya hindi ko alam ang emotion niya pero base sa boses niya, halatang malapit na siyang umiyak.
"Look Drake, it's fine. I'm fine.." sabi ko sabay hawak sa kamay niya.
Matagal akong nawala at nagkaro'n siya ng oras sa sarili niya. Hindi ako umaasa na makapag-isip isip siya tungkol sa relasyon namin at mabago ang pakikitungo niya sa'kin. Tanging pag-asa ko lang ay mas maging mahinahon at kalmado siyang makipag-usap at makitungo sa'kin.
Do'n palang masaya na 'ko.
Tumingin siya sa'kin at sa wakas ay nagsalita.
"Ako 'yung dahilan kung bakit ka nand'yan ngayon.."
"Pero ikaw din naman 'yung dahilan kung bakit ako gising ngayon," sagot ko.
"Alliah,"
"Hmm?"
"Mahal mo ba 'ko talaga?"
Nagulat ako sa tanong niyang 'yon. Kasi simula nang magkasama kami sa bahay, hindi niya 'yan itinanong sa'kin.. never ever.
Napangiti ako at yumuko.
"Oo naman, mahal kita." Mahina pero sapat na para marinig niya.
Saglit siyang nahinto as in.. bakit para siyang computer na nag-lag? Seryoso?
Nakayuko lang siya, pero ramdam ko ang hinga niya.
Parang ang bigat no'n, ramdam ko.
"Bakit?" Sa wakas ay tanong niya.
Tanong ang naging tugon niya sa sinabi kong mahal ko siya.
Bakit ko nga ba siya mahal?
Marami akong dahilan pero sinabi ko lang na.. "wala, walang dahilan. Ayaw ko magkaro'n ng dahilan. Kasi kapag nawala 'yung dahilan kung bakit kita mahal, baka mawalan na rin ako ng feelings sa'yo at ayaw ko no'n."
Sigurado akong 'di niya 'yon naintindihan.
"Ano?"
"Halibawa kung sinagot ko na kaya kita mahal kasi gwapo ka. Pa'no kung pumangit ka? Edi wala na 'kong dahilan para mahalin ka. Ayaw ko no'n. Kaya ayaw kong magkaro'n ng dahilan,"
Nakita kong napangiti siya.
"Ang weird mo talaga," sabi niya sa'kin at nag-pat sa ulo ko.
"Gusto ko lang sanang sabihin na ingatan mo 'to," sabi niya sabay turo sa kaliwang dibdib ko, sa parte ng puso. "At gagamitin mo palagi 'to." Sabay turo sa ulo ko. "Kasi alam ko na may nagawa, ginagawa at magagawa akong katangahan na p'wede mong ikapahamak. Ayaw kong maulit 'tong nangyari sa'yo,"
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Bakit siya nag sasalita ng ganito sa'kin? Bakit? Si Drake ba ito?
Tumango ako biglang tugon na "oo" sa mga sinabi niya.
Hindi ako makapag salita dahil din siguro hindi ako makapaniwala.
"Aalagaan mo 'yung sarili mo kasi hindi ko pa 'yan kayang gawin sa ngayon. Hindi katulad ng nararamdaman mo sa'kin 'yung nararamdaman ko sa'yo ngayon. Alliah, hindi pa kita mahal. Pasensya ka na,"
At do'n sa mga sinabi niya biglang sumabog sa bilis yung puso ko.
Tama, hindi nga pala niya ako mahal.
"A-ayos lang.. hindi mo naman kasalanan."
'Yun lang ang naging tugon ko at bigla akong nawalan ng malay.
DRAKE
"Oh s'ya anak, lalabas lang kami to give you some privacy. Take your time." Pagkasabi ng mom ni Alliah no'n, yumakap pa ko ulit kay Alliah.
Mabuti nalang nagising na siya.
"D-Drake.." mahinang sabi niya at dahan dahan na kumalas sa yakap ko.
Umupo ako sa upuan sa gilid ng higaan niya habang nakayuko.
"Hindi ko intensyon na mangyari 'yan sa'yo. Hindi ko mapapatawad 'yung sarili ko kung may mangyari yan ulit sa'yo. Balak ko pa naman sanang mag set up ng dinner nang gabing naaksidente ka pero sa ospital tayo natuloy. Wala akong kwenta.. I'm sorry."
Alam ko na masyado 'yong mahina para marinig niya pero 'yun lang yung alam kong paraan para humingi ng tawad sa kaniya.
"Look Drake, it's fine. I'm fine.." sabi niya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.
Hindi ko alam kung paano siya haharapin.
Ni hindi ko nga siya binisita no'ng wala siyang malay. Nagpaka-busy ako sa trabaho at dumideretso ako sa bar para uminom saka ako uuwi sa bahay para deretsong tulog nalang.
Hindi ko kaya na makita siyang gano'n ang lagay dahil sa kagaguhan ko.
Kaya mas pinili ko nalang na pumunta ngayon na okay na siya.
Tumingin ako sa kaniya at sa wakas ay nag salita.
"Ako 'yung dahilan kung bakit ka nand'yan ngayon.."
"Pero ikaw din naman 'yung dahilan kung bakit ako gising ngayon," sagot niya.
Shit.
Wala nga akong ginawa para sa'yo.
"Alliah,"
"Hmm?"
"Mahal mo ba 'ko talaga?"
Out of the blue, naitanong ko nalang 'yon bigla.
Napansin kong napangiti siya at yumuko.
"Oo naman, mahal kita." Mahina niyang tugon.
Napahinto ako, mga ilang segundo. Parang nag-buff yung utak ko.
Yumuko ako at huminga nang malalim.
Parang kailangan ko ata ng hangin kasi kulang na kulang yung oxygen sa utak ko para ma-process 'yung sinabi niya.
"Bakit?" Kailangan ko ng dahilan, Alliah. Alam kong mababaw ka pero kailangan ko ng concrete na dahilan para malinawan ako.
"Wala, walang dahilan. Ayaw ko magkaro'n ng dahilan. Kasi kapag nawala 'yung dahilan kung bakit kita mahal, baka mawalan na rin ako ng feelings sa'yo at ayaw ko no'n."
Ehhh... wala akong naintindihan sa sinabi niya.
"Ano?"
"Halibawa kung sinagot ko na kaya kita mahal kasi gwapo ka. Pa'no kung pumangit ka? Edi wala na 'kong dahilan para mahalin ka. Ayaw ko no'n. Kaya ayaw kong magkaro'n ng dahilan,"
Napangiti ako sa sinabi niya.
Akala ko mababaw siyang mag-isip kasi ako yung taong pinili niya pero hindi naman pala.
"Ang weird mo talaga," sabi ko sa kaniya.
"Gusto ko lang sanang sabihin na ingatan mo 'to," sabi ko sabay turo sa kaliwang dibdib niya, sa parte ng puso. "At gagamitin mo palagi 'to." At turo sa ulo niya. "Kasi alam ko na may nagawa, ginagawa at magagawa akong katangahan na p'wede mong ikapahamak. Ayaw kong maulit 'tong nangyari sa'yo,"
Tumango siya bilang tugon na "oo" sa mga sinabi ko.
Mabuti naman at naiintindihan niya ako.
"Aalagaan mo 'yung sarili mo kasi hindi ko pa 'yan kayang gawin sa ngayon. Hindi katulad ng nararamdaman mo sa'kin 'yung nararamdaman ko sa'yo ngayon. Alliah, hindi pa kita mahal. Pasensya ka na,"
Ayaw ko sanang sabihin 'yon pero gusto ko lang na maging malinaw ang lahat sa kaniya.
Tama, hindi ko pa siya kayang tanggapin at mahalin.
"A-ayos lang.. hindi mo naman kasalanan."
'Yun lang ang naging tugon niya at bigla siyang nawalan ng malay.
Shit. Ano nanamang ginawa ko???
ALLIANAH
"Oh, ano nanaman yan?!" Biglang sulpot ni Light.
Remember? S'ya yung guardian ko sa mission ko ngayon?
Naabutan n'ya 'kong umiiyak at tumabi s'ya sa'kin.
"Hoy, baka naman mapuno mo na agad nyan yung bote samantalang wala pang isang linggo yung misyon mo."
Agad ko namang naalala yung sadness tears na 'yun kaya agad kong pinunasan ng kamay ko yung mata ko at tumigil sa pag-iyak.
Malungkot lang naman ako dahil lalo ko na narealize na mahirap pala akong mahalin.
"Shh.. hindi ka mahirap mahalin, Allian, okay?" Sabi ni Light sabay punas sa mga natirang luha sa mata ko. "It's just, you can't make everyone loves you back, you can't please everyone pero hindi ibigsabihin no'n ay wala ng chance,"
Napatingin ako sa kaniya at bigla naman siya dumistansya sa'kin.
"Just to remind you Allian, you have only 4 chances. Kapag umiyak ka pa ng apat na beses pa, sure mamatay ka na." Biglang paalala niya sa'kin.
"AHHHHHHHHHH!!!!!"
"Tss. Ano ba' yan? 'Wag ka ngang sumigaw!" Sabi ni Light.
"Pa'no 'kong hindi sisigaw eh yung nahiwalay nanaman ako sa katawan ko. " reklamo ko.
Do'n ko lang kasi narealize na naka hiwalay pala ako sa katawan ko kaya niya ako nahahawakan.
"Dapat masanay ka na." sabi nya.
"Masanay? Eh bakit ba naman kasi walang pasintabi. Bigla nalang nahihiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko!"
"Haaayy. Allian, 'di na tuwing natutulog ka dun pwedeng humiwalay yung katawan mo?" Tumango lang ako. "At nakakatulog ka tuwing kakatapos mo lang umiyak, o kaya pagka sobrang pagod at stress at kapag may problema ka, pagkatapos kumain, pagkatapos ng mahabang byahe, pag maiinip at kapag gusto mo ng peace of mind."
Napatulala ako sa kanya. How did he know that? Lahat ng 'yun?
"Bakit?!" Sabi nya. Napansin niya kasing nakatulala ako sa kaniya.
"Pa'no mo nalaman 'yun? Alam mo, may naaalala ko sayo."
"Hmm? Nalaman ko yun kasi.. d-diba, sabi ko alam namin lahat ng nangyayati dito sa lupa?? Oo, tama. Alam ko yun kasi lagi naming p-pinapanood ang mga tao sa lupa." Medyo awkward niyang sabi.
He reminds me of someone..
--**To Be Continued**--