The Assassin Servant (Under I...

By Chomipinky

1M 20K 6.7K

Obsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. A... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanaba 16
Kabanata 17
Kabanata 18🔺Warning🔺
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28 🔺Warning🔺
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling kabanata
Main Characters

Kabanata 12

18.2K 390 57
By Chomipinky

Gusto ko ng pokpokin ang sarili ko, what did i say? I like someone else.

Damn, Blare!

Na sa living room lang ako. Bukod sa magparty wala na akong mapuntahan iba.

Sinilip ko si Venezio sa garden. Hindi nya talaga ako nilalapitan.

Masyadong masakit talaga ang salitang lumabas sa bibig ko, gulong gulo na rin talaga ako noong araw na 'yong kaya hindi ko na napigilan ang bibig ko.

Dalawang linggo na rin ang lumipas hindi pa rin kami nagpapansinan.

Kasalanan ko naman. Aaminin ko.

Tumingin sya sa 'kin kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi dapat ako mahulog sa kanya, hanggat maaga pa pipigilan ko na.

Wala naman kagusto gusto sa katulad nya, papayag kabang mamatay tao ang mapapangasawa mo, Blare? Hindi di 'ba.

Para na akong tanga na kinakausap ang sarili.

Hindi ko na kaya ang init ng nararamdaman ko. Tumayo ako lumabas ng bahay.

Binuksan ko ang gate, kumunot ang nuo ko ng mapatingin sa sasakyan sa labas. Wala naman kaming kapit bahay.

Unti unting umandar ang sasakyan. Nanlaki ang mata ko sa sobrang bilis ng takbo nito.

Gusto kong ihakbang ang paa pero ayaw nitong gumalaw.

Pumikit ako ng malapit na ang sasakyan pero bago pa ako mabangga.

"Blare!" rinig kong tawag nya.

Mabilis nyang hinawakan ang bewang ko, sabay kaming nag pagulong gulong sa daan.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Venezio!" Tatayo na sana ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit.

"Don't open your eyes, Blare." Nagtaka ako ng lagyan nya ng headphone ang magkabilang tainga ko.

Sinunod ko ang gusto nya. Pinikit ko ang mata ko, sobrang lakas ng music halos wala na akong marinig.

Sa sobrang curious ko hindi ko napigilan ang sarili. Nakita kong bumunot ng baril si Venezio sa likod nya.

Lumingon ako sa likod ko.

"Blare, sabi-" hindi nya natuloy ang sasabihin ng makita kong sumabog na ang sasakyan muntik ng bumangga sa 'kin.

Para akong nawala sa sarili. Nagtalsikan ang ibang parte ng sasakyan.

"May tao sa loob ng sasakyan, Venezio." Tumulo ang luha ko.

Nakita ko si Dad, sya ang dahilan kung bakit sumabog ang sasakyan.

Naunahang nyang bumaril si Venezio.

"They are trying to kill you, Blare." Pagpapaliwanag nya.

Tumayo ako at inalis ang headphone sa tainga ko.

Naglakad ako papalapit kay Dad. Liningon nya ako.

"Blare, buti na lang nailigtas ka ni Venezio," sabi nya na para bang walang nangyari.

Mataas pa rin ang apoy ng sasakyan, napatakip ako ng bibig ng makita ko ang kamay ng isang tao sa sasakyan. Punong puno ng dugo ang kamay. Sinubukan nyang gumalaw pero hindi na rin kinaya kaya nawala na rin ng lakas.

Nagkaroon ulit ng malaking pagsabog ang sasakyan. Agad akong dinapa ni Dad.

Ginawa nyang pang harang ang katawan nya para hindi ako tamaan ng tumatalsik.

"Blare, umalis na tayo dito." Bakit parang ang dali lang akong kausapin ni dad?.

Inalis ko ang kamay nya sa 'kin

"Dad!" sunod sunod ang pagbuhos ng luha ko.

Nagulat sya ng makita akong umiiyak.

"Blare, halika na!" Pag-aaya ni Venezio pero hindi ko sya pinansin.

"Dad, bakit ang dali sa inyong pumatay ng isang tao?-"

"Blare, pumasok ka n-" pinutol ko sya.

"Dad, hindi ba kayo naaawa sa mga taong pinapatay nyo." Ibroke my voice.

Bakit kailangan pang pumatay ng isang tao.

"Ginagawa ko 'to para protektahan ka, Blare. Ayokong saktan-"

"Sino ba ang gumagawa nyan, dad? Di 'ba ikaw? Walang papatay sa 'kin kung Normal lang ang lahat, kayo ang gumagawa ng lahat, kayo ang nagpapahamak sa 'kin, dad." Galit na galit ako

Hindi sya nagsalita. Gusto ko lang marealized nya ang lahat.

Tuwing lalabas ako palagi na lang ako napapahamak.

Nagagawa ko naman lahat dati pero ngayon hindi na, palagi na lang may nakabantay sa 'kin.

Hindi nila masaktan si Dad kaya ako ang target nila.

Gusto kong mabuhay ng normal lang. Hindi kailangan ng mga tao sa paligid ko.

"Blare!" Hahawakan nya sana ang kamay ko ng mabilis akong umalis.

"Xaiver, what happend?" tanong nya kay dad. Tumakbo si mom papalapit sa 'min.

Agad syang lumapit sa 'kin at niyakap ako. Hinaplos nya ang likod ko para patahanin ako

"Stop crying, honey! you're safe now," bulong nya.

Umalis ako sa pagkayap kay Mom.

"Mamaya na lang po," ani ko at mabilis umalis.

Pumasok ako ng kwarto ko at mabilis nag lock ng pinto. Wala akong gustong kausapin ngayon.

Nakakainis silang lahat.

I didn't enjoy my teenage life.

Kaya  palagi akong tumakas dahil hindi ko nagagawang pumunta kahit saan ng walang nakabantay.

Palaging kumukuha si Dad ng body guard ko para tingnan ang mga tao sa paligid ko.

Pagod na ako sa ganitong klaseng buhay. Nabibili ko nga lahat pero iyong saya hindi ko mahanap.

"Blare!" rinig kong tawag ni mom galing sa labas.

Hindi ako nagsalita. Nagtaklob ako ng malaking kumot.

Ilan sandali pa narinig ko na ang yapak nya papasok sa kwarto ko.

Ginamit na naman nya ang susi para makapasok.

Ramdam ko ang pag upo nya sa kama, hindi ko pa rin inaalis ang kumot ko

"Blare, sana maintindihan mo kung bakit ginagawa sa 'yo ng dad mo 'to," mahinang sabi nya.

Naiintindihan ko naman lahat. Gusto nya akong protektahan sa mga kalaban nya.

Ang ayoko lang mangyari ang pumatay pa sila ng tao para lang protektahan ako, halos hindi ko na mabilang kung ilan tao na ang na patay ni dad dahil lang sa 'kin.

"Kausapin mo kami kapag handa kanang harapin kami. Magpapadala ako ng pagkain upang makakain ka," ani nya.

Nang wala na sya inalis ko na ang kumot ko. Umupo ako at sinandal ag sarili sa headboard ng kama

Hindi ako lumabas ng kwarto ko.

Pagsapit ng gabi, pinagtatali ko ang curtain na palagi kong ginagamit para bumaba.

Ayoko mo na talaga dito sa bahay.

Nagsuot ako ng itim na hoodie. Tinali ko sa balcony nag curtain nang okay na rin nagsimula na akong bumaba.

"I'm proud of you, Blare!" puri ko sa sarili ng tuluyan na akong makababa.

Sa likod ako ng bahay dumaan.

Paglabas ko ng bahay kumunot ang nuo ko dahil may taxi na palalapit sa 'kin.

Walang dumadaan na taxi dito sa village namin.

Baka naligaw lang.

Pinara ko ang taxi, huminto naman sa harap ko kaya mabilis akong pumasok.

"Dalhin mo ako sa pinakamalapit na hotel," sabi ko sa driver.

Hindi ko makita ang mukha nya dahil naka itim na sumbrero sya.

Liniko nya ang sasakyan.

Hinahalukat ko ang gamit ko, pinatay ko ang phone ko para hindi nila ako mahanap.

Dinala ko lang ang mga kailangan ko.

Sinilip ko ang driver pero mas lalo nyang tinago ang sarili. Hindi pa naman mailaw ang daan.

Hindi naman nag-iiba ang daan ni kuya.

Nagtataka na rin ako kay manong driver.

"Kuya, pakibilisan ng takbo nyo," sabi ko. Mabilis ang takbo nya pero mas gusto ko ang mabilis talaga para mas mabilis makarating sa hotel.

"Sige po, ma'am!" Pamilyar sa 'kin ang boses nya.

Baka guni guni ko lang kaya hinayaan ko na lang, tyaka marami naman magkakapareho ang boses dito sa mundo.

Tinigil nya ang taxi sa tapat ng hotel.

"Salamat, ku-" magbabayad na sana ako ng makilala ko kung sino ang lalaking driver.

Nanlaki ang mata ko.

"Sorry, Blare," ani nya at mabilis tinakpan ang bibig ko gamit ang panyo.

Bago pa ako makapagsalita tuluyan na akong sakupin ng dilim

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Linibot ko ang tingin, hindi pamilyar sa 'kin ang lahat.

Ang amoy ng kwarto ibang iba rin.

Inalis ko ang kumot sa katawan ko. Tumayo ako ng may maamoy akong sunog na pagkain galing sa kusina.

Binuksan ko ang pintuan.

"F*ck! Simpleng hatdog lang sunog pa." Inis na inis nyang nilipat sa plato ang hatdog na sobrang itim na.

Nanlaki ang mata ko limang hatdog na pala ang sunog sa plato.

Liningon nya ako.

"Hotdog ko na lang ang kainin mo, mas lutong pa- i mean sa delata na lang ang lulutuin ko."

Umupo ako at sinamaan sya ng tingin. Wala akong pake alam kung ano ang lutuin nya.

"Bakit nagpanggap kang taxi driver, Venezio at holdapin ako?" tinaasan ko sya ng kilay.

Pinatay nya ang apoy at inalis ang apron na suot nya.

"Sinundo lang kita, Young lady. di 'ba tatakas ka?" ngumisi sya.

"Pero wala akong planong isama ka Venezio at paano mo naman nalaman ang plano ko?"

Nakakapagtaka lang talaga.

"Tinitingnan palang kita nababasa ko na ang iniisip mo." Nilapag nya sa harap ko ang hotdog na sunog.

"Ano to New version ng pagluluto ng hotdog?" wala akong tinatanggihan pagkain pero kung ganito na kasunog hindi ko na kayang kainin pa.

Itim na itim ang hotdog.

Kinuha nya ang hotdog at tinapon iyon sa basura.

Nagsandok sya ng kanin at nilapag sa harap ko.

Nagbukas din sya ng pagkain galing sa delata

"Papainitin ko lang. Sorry, kung ito lang ang kaya kong lutuin," sabi nya.

Matapos nyang painitin ang lamang ng delata binigay nya ulit sa 'kin, kumain lang ako habang sya nag kakape lamang.

Niligpit ko ang plato, hindi ko alam kung paano maghugas ng plato.

"Umupo ka na. Ako na ang bahala dito." Kinuha nya sa 'kin ang plato at nilagay nya sa lababo.

Pinapanood ko kung paano sya maghugas ng plato. Ang dali lang pala.

Parang nakakatuwang maghugas ng plato dahil sa bula.

Pumasok ulit ako ng kama upang tingnan ang mga gamit na dala ko

Dalawang klase lang ng damit ang dala ko dahil hindi na rin kasya sa bag ko.

Pumasok si Venezio ng kwarto.

Kumuha sya ng leather jacket sa walk-in-closet at itim na sumbrero.

"Asan ka pupunta?" tanong ko.

"May importante lang akong pupuntahan. Wag kang aalis dito sa kwarto, Young lady. Delikado sa labas." Bilin nya.

Tumango ako.

Liningon nya mo na ulit ako bago tuluyan lumabas ng kwarto. Huminga ako ng malalim.

Binuksan ko ang Tv. Walang kwento ang mga palabas ngayon. Wala pa akong dalang libro para basahin.

Pinatay ko na lang ang Tv. Tumayo ako at linibot ang tingin.

Wala masyadong gamit ang kwarto nya kahit halata naman na matagal na syang dito nakatira.

Naalala ko noon na bibilhan ako ni daddy ng sarili kong condo kapag nakapag tapos na ako mag-aral pero hanggan ngayon wala pa rin.

Napaka sinungaling sana hindi nangako kung wala naman balak tuparin para hindi na ako umasa.

Malapit na rin ang birthday ko. Ayoko na rin mag expect pa.

Tuwing birthday ko simple lang, dinner lang tapos kasama ang friends ko, wala na.

Maraming business na pinapatakbo si Mom kagaya rin ni dad. Ang mga relatives ko gusto rin nila akong maging katulad ni Mom na maagang nagkaroon ng business

Naligo ako at agad nagpalit ng damit.

Wala akong pahintulot na dapat kung buksan ang mga gamit nya pero dahil curious ako binuksan ko ang cabinet nya, bukod sa tambak na files wala ng laman.

Isa isa kong tiningnan ang mga files. Nagtaka ako dahil may dugong tumalsik.

Yung ibang pangalan na nababasa ko pamilyar sa 'kin. Lahat sila patay na.

"Sya ba ang pumatay sa mga taong ito?" kinakabahan kong sambit.

Agad kong binalik ang mga documents sa loob ng kabinet nya.

Hindi ko namalayan nakatulala na pala ako.

Wala kang dapat ikatakot, Blare. Hindi ka nya kayang patayin, basta pigilan mo lang ang bibig mo dahil baka kapag nainis sya sa 'kin mapatay nya ako. F*ck!

Umupo ako sa sofa at nanood na lang ulit ng Tv. I'm watching barbie.

Narinig kong bumukas ang pintuan. Pumasok si Venezio agad nyang tinago ang baril sa likod nya

"Ilan tao ang na patay mo ngayon?" tanong ko.

May kaunting dugong tumalsik sa leather jacket nya.

"Limang tao lang, at trabaho kung alisin sila dito sa mundo." Hinubad nya ang sumbrero at leather jacket nya.

Napapalibutan na ako ng mga taong kayang pumatay ng mga tao.

"Utos sayo ni Dad?" tanong ko ulit.

Tumango sya.

Huminga ako ng malalim, para manalo papatayin talaga ni dad lahat ng kalaban nya.

Umupo sya sa tabi ko at pinikit ang mata.

Tiningan ko sya.

Itim na itim ang makapal nyang kilay. Kulay abo ang mga mata nya, makapal ang pilik mata, his jawline, damn.

Ang tangos ng ilong nya, kulay pink ang labi nya kahit walang nakalagay na lipstick.

Nagmulat sya ng mata kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

"Ramdam ko ang titig mo sa 'kin, Young lady. Don't fall inlove with me," seryoso nyang sabi.

Lumunok ako

He's right. Pipigilan ko pa rin ang sariling wag mahulog ng tuluyan sa kanya dahil alam kong wala rin syang planong magustuhan ako.

Continue Reading

You'll Also Like

143K 2.1K 42
WARNING: Mature Content. Read at your own risk. Started: November 26, 2022 Completed: January 1, 2023 I dropped on my knees then held her hand. "Oh...
207K 2.2K 44
Actors, film, showbiz, and a past betrayal - how well could that mix go together? I don't know. No one knows but them. Because, like they always say...
5.2M 107K 43
Isla de Vista Series #1 Amber, the firstborn child, sought to let everything go. She's living in peace far from civilization. But then, one deep sile...
190K 3.1K 36
Khrss Montreal is the only child and grandchild in their family. A well-known girl for her intelligence, beauty, and talent. A student who confessed...