Love Me in Brooklyn

By NerdyIrel

153K 5.7K 1.4K

A cheerful and optimistic girl who deeply admires an unapproachable popular guy. She chases him but he never... More

Start
Love Me in Brooklyn
Prologue
Chapter 1 - Her Life
Chapter 2 - Failed Attempts
Chapter 3 - Journey
Chapter 4 - OSR
Chapter 5 - Russell Riders
Chapter 6 - New Member
Chapter 7 - Triple R
Chapter 8 - Everywhere
Chapter 10 - Welcome Party
Chapter 11 - Threat
Chapter 12 - Childhood Friend
Chapter 13 - Contract
Chapter 14 - Revenge
Chapter 15 - Patience
Chapter 16 - First Date
Chapter 17 - Competition
Chapter 18 - Invite
Chapter 19 - Falling
Chapter 20 - Feelings
Chapter 21 - Selfie
Chapter 22 - Territorial
Chapter 23 - Worried
Chapter 24 - Confession
Chapter 25 - Bruise
Chapter 26 - Love
Chapter 27 - Suitors
Chapter 28 - Keep
Chapter 29 - Promise
Chapter 30 - Shoes
Chapter 31 - Proud
Chapter 32 - Cheer
Chapter 33 - Guilt
Chapter 34 - Caught
Chapter 35 - Rumors
Chapter 36 - Agreed
Chapter 37 - Truth
Chapter 38 - Questions
Chapter 39 - Protect
Chapter 40 - Settled
Chapter 41 - Nervous
Chapter 42 - Fetch
Chapter 43 - Promises
Chapter 44 - Going Home
Chapter 45 - Happiness
Epilogue
Author's Note

Chapter 9 - Secret

1.9K 85 0
By NerdyIrel

CHAPTER 9

SECRET


Sab's POV

UY! Yung crush ko!!!


"RUSSELL---" Bigla na lang may humablot sa akin papunta sa gilid at tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay nito. Agad kong tinulak kung sino man ang nanghila sa akin ngunit laking gulat ko nang makita ko ang nanlilisik na mga mata ni Lily.

Oh my gosh! Monster!


"Will you stop? Ano ba! Ilang beses ka nang sinabihan ha!" galit na galit na sigaw niya kaya napatingin sa amin ang ilang mga estudyante. Akala mo naman naiintindihan kami...

"Wala naman akong ginagawang mali ah. I was just calling him."

"E sinabi ko na ngang against the rules 'yon!"

"No. You said, don't invade his personal space. E malayo naman ang space namin oh! May hindi naman ako dumidikit sa kanya."

She crossed her arms. "Pinipilosopo mo ba ako, Sab?"

"Ang sabi mo bawal guluhin ang buhay niya. Hindi ko naman ginugulo. Tinatawag ko nga lang siya."


"I've had enough of this. For the past few days, we have been telling you nonstop to leave Russell alone and yet you still keep on showing up wherever he is! Akala mo ba hindi namin alam ang mga pinaggagagawa mo? Kilala kita, Sab. You're like the princess of Laudervale. Galing ka sa mayaman at makapangyarihang pamilya. Your family might not be as famous as the Elites in the Philippines but in your hometown, everyone knows who the Navars are. So tell me, why did you took several part time jobs if you can afford buying anything you want?"


Tila may bumara sa lalamunan ko. "Ah...ano kasi... bored ako."


"Bored? Seriously? That's the best you can come up with? Nakarating sa akin na student librarian ka na rin ngayon ng BHU. Was it because you heard Russell spends a lot of time at the library?"


Shet. "Hindi ah! Mahilig lang din talaga ako sa libro. Shocked nga ako na nakita ko siya doon..."

That was a complete lie. I have never even finished a book before. Madalas ay inaantok kasi ako kapag nagbabasa ako.


"Okay, how will you explain what I saw the other night then? You're working at the restaurant where our King and his friends often eat dinner. At talagang sakto pa palagi ang shift mo sa mga oras na doon pupunta si Russell. Was all that a coincidence too?"


Oh my shet. "Hindi naman sila araw araw doon at hindi naman ako ang nagde-decide ng shift hours ko."

That was a lie again. Nagmakaawa ako sa boss ko at sinabi kong ganoong oras lang ako pwedeng magtrabaho sa resto dahil may klase pa ako.


"And the craziest thing I've heard? They said you took a street sweeper job just so you can figure out where exactly Russell lives."

Shet na malupet. Buking na buking ako!!!

Tama siya. Naghihirap ako ngayon sa pagaaral at pagtatrabaho upang masulyapan lang at magkaroon ng pagkakataon makausap si Russell. He may not remember me all the time but still, each moment he sees me is already a progress for me. Magiging pamilyar ang mukha ko sa kanya. Maaalala niya ako kapag palagi niya akong nakikita.


"Sa dami ng mga apartments dito sa Brooklyn, tingin mo ba talaga mahahanap ko 'yon, Lily?"

Totoo naman e. Hindi ko pa rin naman alam kung saan nakatira si Russell. Baka naman nagsinungaling yung fan na chinika ko at nagsabing may sariling apartment ang hubby ko. What if he's staying at the boy's dormitory? Ibig sabihin, sayang ang pagpapagod ko.


"I've underestimated you. Hindi ko inakalang lahat ay talagang gagawin mo, makuha lang ang atensyon ni Russell."

Iniisip ko kung malulusutan ko pa ba ito pero alam kong hindi siya naman na siya naniniwala sa mga sinasabi ko. I was caught red handed.


I ran a hand through my hair and exhaled. "Sorry na, Lily. Alam mo naman ang sitwasyon ko. Sa bawat araw na walang nangyayari sa amin ni Russell, mas lumalaki ang pagasang si Simeon ang mapapakasalan ko. I can't just sit around and wait for a miracle. Ano 'yon hindi kami naguusap tapos sa isang iglap, mamahalin niya na ako?"


"But there are more ways to get his attention than showing up everywhere he is. What you're doing is wrong. It's creepy. Para ka nang stalker sa ginagawa mo. If a guy does the same thing to you, you'll feel scared, right? Do you want Russell to be scared of you?"

Doon ko lang napagtanto na may punto ang mga sinasabi niya. I must be making him feel uncomfortable. Ayoko no'n. That's the least that I want Russell to feel. Sa kagustuhan kong mapansin niya ay hindi ko na inisip pa ang mararamdaman niya.


"Listen Sab. Kailangan mo ng tigilan ang mga kalokohan mo bago pa man may gawin si Russell. You wouldn't stand a chance on him. Baka gusto mong matulad doon sa mga babaeng pinapulis niya dahil ayaw siyang tantanan?"

"Hala, may ganun?"

"Yes. That happened before. Kaya nga ginagawa namin ang best namin para mapigilan ang mga obsessed fans." Tinuro niya ang bracelet niya na may logong 'RR'. "You're tainting the reputation of our club. If this goes on, we'll be forced to remove you from Russell Riders so you better get your head straight. Mag-resign ka na sa mga trabahong 'yan at wag ka ng basta basta lalapit kay Russell, okay?"


Nalungkot ako dahil mawawalan na naman ako ng pagkakataong makita ang hubby ko ngunit naiintindihan ko naman na ito yung nararapat. Lily was right and I'm actually glad she opened up my eyes before things go down badly.

Madalas kasi ay ginagawa ko lang talaga kung anong maisipan ko. Kaya nga nandito ako ngayon sa Brooklyn kahit na ten percent lang ang chance kong mapaibig si Russell...


♥--------»¦«--------♥


"Oh bakit ang haba ng nguso mo?" tanong ni Marina.

I sighed and closed my locker. "Nag-resign na kasi ako bilang waitress sa favorite resto ni hubby. Ngayon naman ay pupunta na ako sa library para magsabi na titigilan ko na rin ang pagtatrabaho doon."

"Mabuti naman. Akala ko habang buhay mo pahihirapan 'yang sarili mo. Nagpadala nga pala ng additional allowance sila Mama. Na-check mo na ba ang bank balance mo?"


Umiling lang ako at yumuko na habang naglalakad kami. Wala talaga ako sa mood ngayon dahil pakiramdam ko namatayan ako. Namatayan ng pagasa kay Russell..

Speaking of, I haven't seen my crush since this morning. Magkaiba kasi kami ng building kaya imposibleng makasalubong ko siya.


"M, sasamahan mo ba ako---ARAY!" Natigil ako nang maumpog ako sa dibdib ng isang lalake. Agad hinila ni Marina ang braso ko upang humakbang ako patalikod.

I looked up to see who this guy is. "Hey Sab, I'm sorry I didn't see you." Itinaas ni Ron ang cellphone niya upang ipakita sa akin na busy kasi siya sa phone kaya hindi niya napansing parating ako.

I massaged my forehead using my hand. "Wala 'yon, hindi rin naman ako nakatingin."

He stared at me then he frowned. "Are you okay? Parang wala kang masyadong energy ngayon ah."

"Kulang lang sa Vitamin R." Pareho sila ni Marina na nagtaka sa sinabi ko. "Vitamin Russell."


Marina hissed while Ron laughed loudly.

"You're really funny."

"Hindi naman ako nagpapatawa..."


"Dude!" Someone shouted from behind us so we all glanced to see who it was. Lumapit ang isa pa sa mga kaibigan nila Russell, yung kasabay niyang kumain sa resto nung isang araw.

Wait, bakit nandito sila? Does that mean Russell's here too? Nilingon lingon ko ang paligid ngunit wala namang ibang dumating.


"Yow Lucas, what's up?"

"Have you seen Russ?" My eyes glistened. Agad kong nilingon si Ron upang marinig ang sagot niya.

"Nope. You know him, he never tells us his whereabouts."


Tumango tango si Lucas at hindi sinasadyang mapatingin sa gilid ko. I followed his gaze and was surprised that it landed to my cousin, Marina. Nagtitigan silang dalawa na para bang may inaalala sila.


I immediately sensed something.

Fishy ha. Magkakilala na ba sila?


"Hey... uhmmm..." Tumingin si Lucas kay Ron at nagisip mabuti. "Bro, the party?"

"Right! I was just about to ask them. Are you girls available tomorrow? There's going to be a party tomorrow and we're wondering if you both can join..."

"No, thank you," I quickly said. "Baka kung anong isipin ni hubby kapag nakipag-meet ako sa ibang mga tao---"


"We'll be there!" My jaw dropped when Marina interrupted me. I raised an eyebrow at her but she was busy smiling at Lucas. "Sab and I would love to be there."

"Great! Here let me get your number so we can text you the time and place." Iniabot ni Lucas ang phone niya sa pinsan ko at willing na willing naman na tinanggap iyon ni Marina.

"Thanks. See you girls tomorrow!" Lucas grinned before he and Ron walked away. Nagtutulakan pa nga sila nang makalayo sa amin at tila nagbibiruan.


"What the hell was that? Bakit bigla ka na lang pumayag? E 'di ba hindi mo naman trip sumama sa mga party? Palagi ka ngang nasa loob lang ng dorm."

"That's the guy I was talking about! Yung nakabanggaan ko paglabas ng CR! Oh my gosh!!! I think he remembered me! Hiningi pa nga niya ang number ko! Ahhhhh!!!!" Kilig na kilig siyang nagtatalon.

Psh. Sana all may progress agad ang love life.


"Kaya mo ba 'ko dinamay sa party na 'yon ay para maging third wheel?"

"Alanga naman magpunta ako magisa e parehas tayong in-invite."

"M, hindi pa natin sila kilala ng lubusan. What if serial killers pala ang mga 'yon? What if pagdating natin sa place na sinasabi nila ay bigla na lang nila tayo hablutin at ibenta?"

"Baliw ka talaga. Mga kaibigan ng crush mo 'yon! Ikaw nga, handa ka na magpakasal agad kay Russell kahit hindi mo pa siya kilala."

Tumawa ako. "Sabagay..."

"Ah basta! Mag-shopping tayo mamaya ha! We need to buy some clothes!"

"Oo na, oo na." Tiningnan ko ang relos ko. May oras pa ako bago mag-start ang susunod na klase ko. "Sasamahan mo ba ako sa library? Dadaan na ako doon ngayon."

"Hmmm. Ikaw na lang siguro. Nauuhaw ako, bibili muna ako ng drinks sa cafeteria."

"Okay, buy me one too. I'll see you later!"


♥--------»¦«--------♥


For some reason, natuwa pa ang librarian nang sabihin kong hindi na ako magtatrabaho doon. Hindi ko na lang pinansin, kaso hindi pa man din ako nakakalayo sa kanya ay narinig ko na ang usapan nila nung isang part timer.

"I'm glad she resigned. She's the worst. It's like she's not even looking at the genre of a book before placing it at the book shelf."

I snorted and ignored her.

Totoo naman e, nakakatamad kayang hanapin pa kung saan ibabalik ang mga librong nasa trolley. Pare-pareho lang namang libro ang mga 'yon. Okay na kahit saan ko ilagay hehe.


I went upstairs to borrow a book my history professor told us to find. Wala kasi sa internet kaya baka merong physical copy dito.


Ayun! Nandito nga!

I tiptoed and grabbed it before someone else could see it. Sigurado akong may ibang mga estudyante pang maghahanap nito dito.

Ang swerte ko at nauna ako!


I was about to leave when I heard someone sniffed. Akala ko nagi-imagine lang ako ngunit narinig ko ulit iyon. I quietly took a peek at the next aisle and was shocked to see a guy in his varsity jacket sitting on the floor.


Hala, may umiiyak!

Ano kayang nangyari? Did a girl break his heart?


Sumilip pa ako dahil curious ako kung sino iyon. He had his head down while he's sobbing but after a few moments, he looked up and rested his head on the wall. Tumingala siya at tumitig sa ceiling na para bang nire-relax niya ang sarili niya.


"R-russell?" I whispered in surprise.


Biglang tumunog ang phone ko kaya napatalon ako sa gulat.

"Sino 'yan?" I heard him ask.


Sa takot na mahuli niya ako ay nagmadali akong tumakbo papunta sa hagdanan, pababa sa lobby. Halos tinaranta ko nga ang librarian upang mahiram ko agad ang libro. Then I ran outside, never looking back.


Hingal na hingal ako nang makalayo na ako. I looked behind and was relieved to see no one.


What the hell was that? Why was he crying?





*End of Chapter 9*

Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 44K 8
Who knew that all it takes is just one badarse speed racer to capture the heart of a young bratty billionairess? Highest Rank Achieved: #2 in Romanc...
8.4M 225K 49
Cute and innocent, Desa Franco musters up her courage to confess her feelings for bad boy tattoo artist Baron Medel. When he unexpectedly gives their...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
2.6M 30.8K 51
C O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story bet...