Temptation Island: Broken Ties

By makiwander

4.8M 193K 106K

Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Huling Kabanata
Huling Kabanata (2)
Huling Kabanata (3)

Kabanata 22

98.9K 4.6K 2.7K
By makiwander


Thea

Papa.. Papaasahin, papaibigin, papaiyakin...

"Walanghiyang Betlog ka, Papa ka rin sa akin. Papatayin!" Marahas na pinahid ni Thea ang luha sa kanyang mga mata habang papalayo ang kanyang sasakyan sa tagpo kung nasaan niya nakita si Saint at ang munti nitong pamilya. 

It is not that having a child is the biggest disappointment she has with Saint. It is a choice, and she respects every choice, whether planned or surprised.

Her disappointment is him, not trusting her with his life. Simula sa pagiging owner nito ng Big Bad Boys Magazine, pangalawa ay ang pagkakaroon nga nito ng anak. Bakit kailangan nitong magtago? She thought they were best friends. The nerve na gusto pa siyang 'ligawan' dahil 'mahal' daw siya.

And what, a child with Sam, really?

Kaya pala hindi ito humirit na magkaroon ng anak sa kanya dahil meron na. And what is that? Co-parenting sila ni Sam? Is that what Sam was pertaining to na hindi niya alam? She thought it was the magazine.

Sinungaling talaga ang gago, wala raw relasyon! Kahit anong klaseng pagtatanong pala ay hindi ito magsasabi ng totoo. Bakit pa siya mag-aaksaya ng laway?!

Nahampas niya ng malakas ang manibela at bumusina ito kahit nasa harapan siya ng eskwelahan na may karatulang 'No Blowing of Horns'. Tiningnan siya ng masama ng guwardiyang nagtatraffic at nagpapatawid sa mga estudyante. She hiccuped and sniffed in tears.

"Huwag kang umiyak, Thea! Hindi ba't sinabi mo naman na hindi ka mag-aasawa, hindi ka magpapamilya! Sex, sex lang! Ganap na ganap mo naman ang kalandian. Ayos lang yan!" She convinced herself even though she feels that her heart was tore in two. 

Hindi na lang siya aasa na maibabalik pa kahit ang pagkakaibigan nila ni Saint. Nagbago na ito. And maybe it is just like that, you outgrew the version that you were before. You outgrew a version that may not be working for you, and your new version won't complement the people you had in the past. Seasons change, and feelings too.

Noon ay kailangan siya ni Saint sa buhay nito, ngayon ay hindi na.

Hindi niya nga alam kung paano pa siya nakapagdrive sa kanyang condo nang sobrang disoriented at maraming iniisip.

"Thekla!" Fox jumped out off the couch when he saw her. Excited pa ang mukha nito. Napakunot lang nang mapansin ang itsura niya.

"Oh? Bakit parang Biyernes Santo? Akala ko ba ay merong dilig?" Seryosong tanong nito.

"Meron. Kaso sa maling tao!" She wailed like a baby and hugged Fox. Idinetalye niya ang nangyari, kasama na ang komprontasyon na umamin si Saint na ito nga si Big Bad Boy.

Pakiramdam niya ay nalugi siya sa sampung milyon. Imbes na makaganti kay Saint ay dalawang beses pa pala siyang nagpaloko. Pempem can't be trusted! Sa susunod ay hindi niya na ito pagdedesisyunin! 

Panay ang abot sa kanya ni Fox ng tissue at buntong-hininga. Mataman itong nakikinig kaysa nagsasalita. 

"I get that at his age and status, he could have a child! Ang dami ngang anak ng Tatay niya sa kung kani-kaninong babae, kanino pa ba siya magmamana? It runs in the blood!" Litanya niya nang masama ang loob.

"Ang judgemental mo naman diyan.." Sita sa kanya ni Fox.

"I am just saying, all of his brothers are players, and Saint is not exempted, although I thought he was different. I literally took care of him since he was a kid!"

"Yes, you even took care of his virginity. Iba ka talaga, Saint Thekla, Patron of Pempems. In you, we trust."

"Hayup ka. He also got my V-card! Ano, siya pa ba ang lugi?" Matabang niyang sabi sa kaibigan. Napakamot ng ulo ito.

"Fine, quits na kayo sa usapang puri. That was all in the past. Anong plano mo ngayon sa present?"

"I am still weighing it Fox. Kung dati nagkamali si Saint sa akin ay kaya kong palagpasin."

"Nasa sa iyo naman iyan kung papatawarin mo pa at bibigyan ng tsansang magpaliwanag. Actually, kahit ano naman ang sabihin ng tao, totoo man o hindi, mahirap simulan ang kahit anong relasyon sa isang tao kung wala kang tiwala. It won't end well, Thea."

"I don't discriminate people's choices, Fox. Itong mga paglilihim niya ng napakaraming bagay ang hindi ko matanggap. I am so mad right now—"

Her phone rang and both of them averted their gaze at her phone. It was Saint. Bhie pa rin ang pangalan sa pangalan sa caller id.

"Mad pa rin?" Tinaasan siya ni Fox ng kilay.

Pinakaramdaman niya ang sarili, yes, she's mad, so mad right now that she turned off her phone. Kailangan niyang magrefresh! Kakabalik pa lang niya sa siyudad at inulan siya agad ng palaisipan. She went to her room to shower, did a quick yoga to calm her mind, and decided to pick up Tucker at the dog hotel.

Bwisit! Isinusumpa niya talaga ang mga Monasterio! Itong si Cross talaga ang salarin kung bakit napapunta siyang isla at ang nananahimik niyang pempem ay nayanig ng sinungaling! Ito pang pangontra niyang litrato na dala sa isla ay hindi tumalab. She could've used garlic! 

"Doc Thea.." Someone called her while she was filling up the forms to release Tucker at the dog hotel.

Nang lingunin niya ay nagulat siya nang naroon si Adam. Speaking of! May buhat itong Shih Tzu na kulay puti, napangiti siya agad sa aso kasi napakacute! She needs this kind of cuteness to brighten up her day.

"Ang cute-cute naman ng aso..." Hindi niya napigilan haplusin iyon.

"Yung aso lang?" Tinry pa ni Adam magpatawa kaya nag-angat siya ng tingin.

"Mapagbiro ka talaga, Adam. Yes, itong aso lang ang cute."

"Mapagbiro ka talaga, Doc Thea..."

"Hindi ah, actually wala ako sa mood today." Giit niya.

"Ma'am Thea, here's Tucker." Napalingon siya sa dog attendant na buhat si Tucker, her dog immediately run to her. Binuhat niya si Tucker at hinalik-halikan! Nasa alagang hayop talaga ang true love! Hindi doon sa mga taong asal hayop.

"Bibili lang ako ng dog food." She excused herself from Adam but he followed her. Nakikipagkwentuhan pa rin ito sa kanya which she doesn't mind. Mukhang nakikipagkaibigan lang.

"Merong vet doon sa ibaba ng condo, doon ka rin ba nagpapatingin kay Tucker? Hiyang kasi itong si Bacon doon. Ang pogi ng vet ng clinic na yon, si Doc Frank." Adam giggled. "Pero hindi ko siya crush ha." Habol pa nito na para bang pinagdududahan niya ang preference nito.

"Merong vet doon?" Nagulat pa siya, pumupunta pa kasi siya sa Makati dahil doon ang inirefer ng pinagkuhaan niya kay Tucker.

"Oo! Sasamahan kita kapag meron nang due si Tucker na vaccine..."

Kumuha lang siya ng dog food at sinamahan siya ni Adam sa parking para tulungan sa dog food na bitbit pero nalaman niyang wala itong dalang sasakyan dahil coding. She invited him for a ride dahil papauwi na naman sila parehas.

Si Adam na ang nagbitbit ng dogfood paakyat ng unit niya at panay pa rin ang kwentuhan nila tungkol sa mga aso. She almost forgot her problems until she saw Saint in front of her door.

"Boss." Agad na napatuwid ng tayo si Adam. Salubong ang kilay ni Saint nang tingnan sila, hindi man lang ngumiti.

"I've been calling, Thea."

"Oh? You are?" Tengene nito, iniwan ang anak para makapanloko. "Masyado yata kaming nag-enjoy ni Adam sa pagkukwentuhan."

"Yes Boss.. Ang daling makagaanan ng loob nitong si Doc. I like her."

Tumaas ang kilay ni Saint. His handsome face grimaced but Adam seem not to notice it.

"You cannot like her, Adam." Matalim na komento ni Saint.

"And who are you to say that?" She asked Saint. "I like Adam, too." Nilingon niya si Adam. "Thanks for the company, Adam. Iuwi mo na muna si Bacon. Puntahan na lang kita sa unit mo kapag magpapa-vet na kami ni Tucker."

"Thea." Saint warned but she ignored. Kinuha niya sa kamay ni Adam ang dogfood at pinasalamatan muli ito. Nang marinig niyang bumukas ang elevator door na sasakyan ni Adam ay sinalubong niya ang paninitig ni Saint.

"What are you doing here?"

"I know you are mad because I left you. I am sorry, something came up."

"Like what?"

Natigilan si Saint, siya naman ay naghihintay ng sasabihin nito. She wants to hear the truth. A part of her was expecting that an ounce of Saint that she knew is still within him. Iyong hindi nagsisinungaling. But then...

"Work-related."

"What work?"

"My magazine."

"And what about it?"

Napalunok si Saint.

"Thea, I know you still don't trust me."

"Yes, I don't and I never will. I can't be in any kind of relationship with you, Saint. We can't be lovers, fuck buddies, or even friends. We have both grown. Sadly, we've grown separately and differently."

"Thea naman.. Bigyan mo ako ng pagkakataon. Marami lang akong inaayos. Hindi ko inaasahan na darating ka ngayon when my life is still a mess. Gusto kong isipin na maayos ang buhay ko but the reality is, it is not. Ayaw na kitang isali sa gulo pero ako pa rin ito." May pagsamo sa boses ni Saint pero namanhid na yata siya dahil hindi niya narinig ang inaasahang pag-amin nito. 

"Ano pa ba ang hindi mo sinasabi sa akin, Saint?!" She insisted. Gusto niyang manggaling mismo rito na may anak na nga ito. Gusto niyang dito manggaling ang dahilan ng pag-alis nito sa isla nang nagmamadali. "Are you hiding something else? The reason why you left the island, perhaps?" Nagbigay na siya ng clue sa gusto niyang malaman.

"It is an emergency, Thea."

Bumagsak ang balikat niya. Mapait siyang ngumiti dahil sa luhang nagbabadya.

"Then you don't trust me too. I can't be in your life and exclude me from the mess. Bakit, nakilala mo ba ako when your life was perfect?" Her eyes welled up. "I was there at your worst, at your worst, Saint." She felt the lump in her throat. "I did not fail to support you."

"Exactly, Thea. You saw me when my life isn't perfect, but yours was, now, it isn't anymore. I have my own set of problems that I don't want to involve you."

"Sinungaling." Pumatak ang luha niya sa mata. 

"Alam mo ba ang pangarap ko, Thea? Maibigay ko ang lahat ng kakailanganin mo. The only thing I want is to give you the life that you deserve but I am undeserving until now. Fck, Thea, I am undeserving until now! I worked so hard to be the sore loser I still am today."

"Then why are you still trying? Alam mo pala! You don't deserve me yet you still try. Can you have some decency to stay away, Saint? Marami na akong hinarap na sakit na wala akong kasama. I was fcking there for everybody. I showed up. I showed up in your life, Dad's life, my readers, my sister, and even my dog's. I freaking show up daily even though I know that they will leave me, everyone leaves. Sa pang-unawa na lang ako magaling pero huwag mo naman akong sagarin, Saint." She wiped her tears away and met Saint's soft eyes. "Focus on what you need to do, Saint. I don't need you. Someone else does but that's not me, I am strong, kaya ko 'to."

"Thea.. I'm sorry."

Bumukas ang elevator door at nakarinig siya ng mga paparating na tao, it was her cue to open her door and end the conversation. Bago tuluyang pumasok sa pinto ay nilingon niya si Saint.

"For what it's worth, if my forgiveness is what you need right now, I am releasing it to you. Just do me a favor, Saint, huwag ka nang magpapakita sa akin kahit anong mangyari. Respect that, please."

Hindi na niya hinintay na sumagot si Saint. She carried Tucker and the dog food on her hands and shut the door close with her back. Sumandal siya sa pintuan at pumikit ng mariin.

"Tngina." She cursed. Tumingala siya at ramdam niya ang sakit na parang pinupunit ang puso, dumulas ang likod niya sa pinto ng dahan-dahan at napaupo siya sa sahig. "Bakit ganito kasakit?" She shed tears, and kicked her shoes by wiggling her foot. Hindi pa ito agad nahubad kaya inis niyang sinipa-sipa ang sariling paa na parang sinusumpong na kinder!

"Thea, kain..." Mahinang bulong mula sa kung saan. Nang dumilat siya ay naroon pala sa kusina si Fox at Luke, naiwan sa ere ang kutsara at nawindang sa pang Famas niyang emote. 

"Tngina, andyan pala kayo? Kanina pa kayo diyan?" 

Marahang tumango si Luke. "Narinig namin lahat, aawatin ka sana namin kaso ibang klase yung bitiw mo nung 'Then why you are still trying?!' Ang lakas, girl, pang-Star Cinema.."

Lumabi siya at suminghot, tinulungan niya ang sariling tumayo mag-isa.

"Ako naman yung nambasted pero ako pa yung umiyak. Hayup na Monasterio yan!" Bumagsak muli ang kanyang luha. Nakakaunawang tumayo si Fox at ikinulong siya sa yakap.

"Ganon talaga, Thea. Makakabangon ka rin. Pinadapa ka lang sa kama kaya bumangon ka gerl. Gaga ka! Huwag kang mag-emote ng ganyan at hindi mo jowa! Kung ganito ako kaganda, may kapalit na agad kinabukasan! Wala ka bang reserba riyan?"

"Gago ka, alam mo namang sampung taon akong walang dilig."

"Na-calibrate na ang pepe mo sa Temptation Island! Madali na lang iyon!" Hinawakan siya ni Fox sa balikat at pinunasan ang kanyang luha. "Narinig ko yung sinabi mo kaninang walang nagso-show up sa iyo. Mali yon, Thea. Nandito ako. Ako ang pamilya mo, okay?"

Tumango siya at sumiksik kay Fox. Hinagod nito ang buhok niya at kinalma siya ng kaibigan.

"It is okay, Thea. Everything will be okay tomorrow..."

She held on to what Fox has said. Oo nga naman, sakit, that should be an easy feat! Isa siya sa mga taong nag-aalmusal ng pain every morning! Paborito niyang flavor ay yung mula sa nag-iisang crush niya simula pagkabata, si Saint.

She spent her day as usual. Naipon ang mga patients niya because of her recent vacation. Naaawa nga siya sa sarili dahil sinosolusyunan niya ang napakaraming problema ng mentalidad pero kaunti na lang ang kapit sa kanya ng katinuan, malapit na rin siyang iwan. Halos wala siyang pahinga nang silipin ni Myra ang kanyang workstation.

"Doc Thea, lunch po." 

She smiled and shook her head. "May pasyente pa ako na susunod, hindi ba?"

"Yes, pero nagpamove si patient in an hour, and your patients after that. May time pang kumain, Doc. Ininit at inilagay ko na sa pantry ang food mo."

"I'll attend to it later." Ibinalik niya ang tingin niya sa patient's record niya at binasa ang mga nakasulat. Iyon ang routine niya dahil hindi niya rin namemorize ang lahat ng mga assignment na ibinibigay niya sa kanyang mga pasyente. "Yes, Myra? Anything else?" Tanong niya sa kanyang sekretarya.

"Kumain ka na, Doc.." Giit nito. Napabuntong hininga siya. Well, maybe she should really eat. Tumayo siya at iniwanan ang gamit. Dalawang silid ang mayroon sa clinic niya, one is where she attends her patients, the other one if for her pantry. May mga lunch boxes na nakahain sa hapag pati ang plato niya.

Napakunot ang noo niya.

"My, did you cook this?" Sinilip niya pa ang kanyang sekretarya sa pinto.

"Ah, y-yes Doc. Naparami.."

"Thanks!" She smiled and opened the lunchbox.

Natuwa siya sa effort ni Myra. Dalawang klaseng ulam ang naroon, baby back ribs, and buttered vegetables, may dessert pa. Magana siyang kumain dahil ayaw niyang madisappoint si Myra na nag-abala pa, pero hindi naman siya kailangang pilitin dahil masarap naman talaga ang food. Pati ang dessert na crème brulee ay inenjoy niya rin. Iba talaga kapag lutong bahay!

Whole week naging ganoon ang routine. Myra gives her food kahit sinabihan niyang huwag na. Nagpupumilit talaga ito at sinasadya nitong bakante ang 12noon to 1PM niya para makakain. Baka magtatayo ng karendirya ang loka at magreresign pala next month kaya siya inaamo!

Her spirits are coming back up more than a week later after being back to her routine. 

Galing siya sa doctor's lounge at pabalik na siya sa kanyang clinic nang may makakasulubong siya sa corridor ng ospital. Nagtama ang mga mata ni Sam pero kalaunan ay bumagsak ang tingin niya sa batang kasama nito na hawak ng isang unipormadong yaya, it was Katie, may hawak itong lollipop na tiyak ay mula sa pedia. Tipid siyang ngumiti at tumango kay Sam saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Yaya, I'll meet you at the pharmacy downstairs. Pakitawagan na rin ang driver." Narinig niya pa si Sam. Nang magpang-abot sila ni Sam ng daan ay hinuli nito ang kanyang braso. Hindi siya agad nakakilos. 

"Yes, Sam?" She asked calmly.

"Nakita mo ang batang iyon? That's Katie, my daughter with Saint."

Kahit inaasahan niya na iyon ay hindi pa rin siya nakaligtas sa panlalamig ng sikmura. "How cute." She smiled at her. "Congratulations on your family."

"Family." Natawa si Sam, "Family kung hindi ka papapel."

"I don't know why you are so threatened. Hindi ba nasabi ni Saint sa iyo na pinagtabuyan ko na siya?"

"Pinagtabuyan? That's why he's here every day before he heads to the office?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Ang galing mo ring magpanggap, Thea." Natawa si Samantha, "Nagsisinungaling ka rin ba sa mga pasyente mo?"

"Hindi naman. Gusto mo bang subukan at magpatingin sa akin para malaman mo kung gaano ako katotoo? Kaya lang baka hindi kaya ng powers ko yang kabaliwan mo kay Saint."

Tumalim ang tingin sa kanya ni Sam dahil sa kanyang sinabi. Marahan niyang inialis ang kamay ni Sam sa kanyang braso. "Bago ka magselos, alamin mo kung bakit nagpupunta rito si Saint. Baka may sakit pero ako pa ang tinatanong mo ng problema." She said then she walked away.

Napaisip din tuloy siya dahil sa rebut niya kay Samantha tungkol kay Saint. Is he sick? Ano namang sakit yung kailangan ng araw-araw na pagpapatingin? When she looked up, she saw Doc Karev going at her direction. Malawak ang ngiti nito sa kanya.

"Baby Love!" Agarang lumapit sa kanya ang kaibigan.

"Anong sakit kapag araw-araw kang kailangan magpunta sa ospital?"

Kumunot ang noo ni Karev. "Araw-araw? Bakit hindi pa magpaconfine?"

"Exactly! Bakit out-patient pa ano?" Magkatabi silang tumayo sa labas ng kanyang clinic habang nag-iisip.

"Sino ba yang tinutukoy mo?" Karev asked.

Tumuwid siya ng tayo, "Si Saint."

"Saint." Tumikhim si Karev. "Baka may sakit nga yun, Baby Loves..."

"Ha?! Ano naman?" Nakaramdam siya ng pag-aalala. Bumalik sa kanya ang alaala na nabigla siya nang may sakit pala ang kanyang Daddy at wala siyang kaide-ideya na malala na pala.

"Sakit sa puso."

"Ha? Like, a heart problem?" Kinabahan siya lalo. "May mga kaso pa naman ang puso na irreversible."

Tumango si Karev at sumang-ayon sa kanya.

"Anong sakit sa puso ang meron ang ganon kalakas na tao? He's not even 30 yet! Malala na ba siya?"

"Si Saint ay merong Broken heart syndrome. Madalas irreversible din yon, kaya nga 'di ako makamove on sa iyo."

"Gago." Hinampas niya sa braso ang kaibigan pagkatapos ay tumuwid siya ng tayo, "But seriously, Karev, do you really see him here?"

"Ano ako, CCTV? Guard?! Kung makapagtanong ka naman Baby Loves!" Pinanlakihan pa siya ng mata kaya agaran siyang naguilty. Bwisit kasi na Sam! Pinag-isip din siya! Dapat ito naman ang mag-overthink!

"Sabagay..." Napanguso siya. Baka akala lang ni Sam na nagpupunta sa ospital pero sa ibang babae pala ang punta!

"Well, on a few occasions I think I saw him here."

"Saan? Anong clinic?" Thinking at least she'll find some clue on who is the doctor he is seeing and which body part he is concerning.

"You are my friend, Thea. But the patient's privacy comes first especially my family owns this hospital. Hindi pwedeng ang anak ng mayari ang pangunahing chismoso, baka ako ang i-slice ng tatay ko sa operating table.." Seryoso pa siyang tinapik sa balikat ni Karev. Napalunok siya.

"Akala ba crush mo ako?" Nagpuppy eyes siya.

"Okay, that is creepy. And that won't work." Tinapik ni Karev ang noo niya at naglakad na ito papalayo.

"Tandaan mo itong araw na ito, Doc Karev!"

"Balikan mo na lang ako kapag papapakasalan mo na ako, Doc Thea."

"Not gonna happen!" Sigaw niya. May mga pasyenteng natawa na naririnig ang sigawan nila sa corridor.

"Ciao then!"

Anyway, Saint is filthy rich! He can buy new internal organs if he must. Pagpasok niya sa clinic niya ay nakita niya ang box ng cake sa lamesa ni Myra. Her favorite Costa Brava Caramel Cake!

"Hi Doc! Bigay po ng dati niyong patient.."

"Oh. Wow! Sinong patient?"

"Si..." Ngumiti si Myra. "Nakalimutan ko agad ang pangalan, Doc! Yung driver niya kasi ang nagdala. Gusto mo ipag-slice kita?" Pag-iiba ni Myra ng usapan.

"Yes please, kumuha ka na rin ng sa iyo. Thanks, My.."

Nang makauwi siya sa araw na iyon ay dumiretso siya sa kanyang laptop para magblog. She really keeps herself occupied and productive daily. Nagmumove on na talaga siya sa friendship nila ni Saint. Kalmado siyang umupo sa working table niya at plano niya sanang magsulat ng blog tungkol sa Temptation island nang mabasa niya ang napakaraming notifications at inbox messages sa kanyang website.

Hmm, probably another viral blog entry that she wrote made a debut on social media. Ganoon naman lagi kapag may kontrobersyal siyang naisusulat.

She opened one of the messages. The Message Subject was glaring, HYPOCRITE.

Sanay na siya sa bashing kaya lalagpasan sana niya iyon pero halos hindi matapos ang hate mails. Iba-iba, karamihan ay capslock pa.

IPOKRITA KANG GAGA KA!

FEMINISM MY ASS!

GUSTO RIN PALANG OBJECT OF LUST NG MGA ASAWA NG KABABAIHAN!

Pinanlamigan siya sa mga nababasa, hindi niya alam ang mali niyang nagawa. She opened the notification and it all directed to a blog entry against Big Bad Boys Magazine.

'Mapagpanggap yang hayop na yan, papansin!- Annie'

'Doctor Bombshell, or Doctor Ysmael? Ayaw sa Men's Magazine pero maghuhubad din pala. Magkano ka, Doc?- Ian'

She went to google and searched her blog pen name, 'Doctor Bombshell'.

It redirected her to one fresh post about Doctor Bombshell instead of her blog! 

'October's Cover Girl is the Hottest Sex Guru, Doctor Thea Ysmael AKA Doctor Bombshell'

She almost fainted but she made sure that she was still wide awake as she nervously clicked the Big Bad Boys Magazine website. Pinanlakihan siya ng mga mata.

A rude awakening smashed her gut, and almost choked her... 

She saw the Big Bad Boys Magazine's newest cover.

It was her, 10 years ago. When she just finished a mind-blowing orgasm on top of Saint Monasterio, it was the Magazine's October issue and there's more of her inside the magazine she once hated and will hate forever.

---

🧡 Makiwander | 📸 Instagram: Wandermaki | 💙 Facebook: Makiwander | 🐦 Twitter: Wandermaki | 💚 Spotify: The Slow Fix Podcast

PS: Stay tuned to my Podcast entry tomorrow about my heroine selections, slut-shaming, and second chances we all deserve.

Continue Reading

You'll Also Like

7M 141K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
1.6M 53K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...