A Runaway Royalty (Completed)

By whixley

771K 16.5K 3.1K

Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get a... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Final Chapter

Chapter 33

10.8K 234 66
By whixley

Chapter 33: Unexpected Confession

Cyienna / Ciara

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireact matapos ang pag-uusap namin ni Lawrence. Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko may alam siya. Hindi lang ata pakiramdam dahil talagang may alam siya. Dapat ay sa hotel kami mananatili kagabi pero tumanggi na ako dahil may klase pa pala kami.

Nasa utak ko talaga ang mga sinabi ni Lawrence. Hindi ako makatulog dahil do'n. Paulit-ulit akong kinakabahan tuwing naiisip kong may alam siya. Tumingin ako sa orasan ko at 3 palang ng umaga. Ilang oras palang ang tulog ko dahil hindi ako dinadalaw ng antok magmula nang magising ako.

Kinuha ko na lang ang laptop ko para maghanap na lang ng clue about sa father ko. Pati kasi ang tungkol sa kaniya, hindi mawala sa isip ko. Idagdag mo na ang sinabi ni Jillian sa akin na may parang nanonood sa akin kagabi.

Nakuha ko ang ibig niyang sabihin do'n. Parang may nagbabantay ng bawat galaw ko. Hindi ako makapaniwala na may gumagawa at ang tanging naiisip ko lang na gumagawa no'n ay ang tauhan ni Mama. Pero hindi pa rin ako pwedeng mag-sigurado dahil baka mamaya iba pa pala.

Nakita ko ang isang website na naglalaman ng mga larawan na kasama si Mama. She was with someone! Sa sobrang tagal na ng picture ay color gray na 'yon kahit pa na nasa website.

Marami pa sila at puro babae at kung babasehan, dito lang 'yon sa Pilipinas. Sa isang beach house. Maganda ang lugar na 'yon. Maraming nakalagay sa table at halatang nagsasaya sila.

I saved the pictures.

Nagscroll ako ulit at nagulat ako nang makita si Mama. My Mom was pregnant at this time. Umawang ang labi ko nang may makitang lalaki sa tabi niya, and of course... hindi nakita ang mukha nito dahil nakagilid pero nakahawak sa kamay ni Mama.

Putangina naman! Nananadya ba ang mga 'to?! Nakakakita nga ako ng pictures, wala namang mukha ng papa ko! Nakakainis naman!

Hinagis ko ang librong nadampot sa lagayan ko ng jewelries kaya nalaglag ang laman ng mga 'yon.

Mas lalo pang nadagdagan ang isipin ko nang makita ang taon ng larawan.

Ano 'yon... may kapatid ako?

Napahawak ako sa dibdib dahil pakiramdam ko nanghina ako. May kapatid ako? May kapatid ba ako?

Tanginang buhay 'to... hindi ko pa mga mahanap si Papa tapos malalaman ko may kapatid ako? Tangina naman! Gusto ko ng kasagutan!

Pilit akong kumalma kahit na hindi ko magawa. Gusto ko nang malaman ang totoo. Nag-scroll na lang ako sa previous news na nakikita ko at halos mapamura ako nang makita ang wedding nina Tita Sapphire!

Mas lalong nadagdagan ang kaba ko habang pinapanood ang news tungkol sa wedding nila. Mas lalo akong napamura nang makitang sa akin fino-focus ng cameraman ang video kahit hindi ako nakatingin.

Sa buong five minutes, nasa akin ang camera! May video rin na kausap ko si Luther at noong nag-entrance kaming dalawa. Bakit kasi sa akin lang naka-focus ang buong five minutes video? E, wala naman akong ginagawa kundi ang manood lang sa mga nag-eentrance.

Putangina! Putangina! Katapusan ko na ba? Hala! Baka may makakita sa akin! What if nakita na pala 'yon dahil sa news? What if nalaman na ni Mama? Edi lagot ako!

Umalis ako ng kwarto para uminom ng tubig dahil hindi ko kinakaya ang mga nakikita ko.

Napatigil ako nang makitang paakyat si Luther mula sa second floor ng unit niya. Hindi muna ako lumabas. Dahan dahan ang lakad ko para sundan siya at buti naman hindi niya ako napansin, hindi masyadong nakasara ang pinto kaya nakikita ko ang ginagawa niya.

"I see..." may kausap siya sa phone. "Yeah, thanks." Nakita kong haharap siya kaya nagtago ako sa mga gamit para hindi mapansin. "I hate liars."

Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya.

I hate liars

Tila nag-echo 'yon sa isip ko.

Nakita kong sinara niya ang pinto ng kwarto kaya hindi ko na muling narinig ang sinabi niya. Umalis ako sa pinagtataguan ko.

Anong ginagawa niya?

May dumagdag na naman sa isipin ko!

Kumuha ako ng tubig para uminom. Sa sofa ako nanatili para mahiga. Nakatingin ako sa itaas habang paulit-ulit na nag-iisip.

Pumikit ako sandali para makapag-isip. Hindi ko naman namalayan na nakatulog na ako.

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata.

Nilingon ko ang paanan ko at nakita ko si Luther na nasa paanan ko. Nakaupo siya habang natutulog, nakapatong ang ulo sa ibabaw ng backrest ng sofa.

Hawak pa niya ang paa ko habang natutulog. Dahan-dahan akong umalis para hindi siya magising. Nilingon ko ang labas at sobrang liwanag na.

Napahikab ako dahil inaantok pa rin ako. Nalipat ang tingin ko kay Luther nang nahiga siya sa sofa, halatang inaantok pa. Paalis na sana ako kaso nahuli niya ang kamay ko kaya napahiga ako sa tabi niya.

"Uh..." hindi ko alam ang sasabihin dahil niyayakap niya ako! "Late na tayo!" Ginawa kong natataranta ang boses ko.

"I know..." paos ang boses niya nang magsalita. "Kaya hindi tayo papasok... for sure, walang tao sa room. They were all drunk."

Ay, oo nga pala. Uminom silang lahat kagabi sa after party. Nandoon rin naman ako kaso bawal akong uminom! Syempre, Prinsesa ako 'no! Kahit papaano may sinusunod naman akong batas, baka mapatalsik ako sa emperyo pero why not 'di ba?

At saka, hindi rin naman uminom ang lalaking 'to kahit na gusto niya. Ewan ko ba sa kaniya, gusto niya pero hindi niya ginawa.

"Uh... okay... pero bitawan mo na ako," nakahiga na kasi ako sa tabi niya! Nakayakap pa siya sa akin.

Ang lakas ng tibok ng puso ko!

"Are you palpitating?" Halos magtaasan ang balahibo ko nang maramdaman ko ang bulong niya sa leeg ko. "Ang lakas naman ng tibok ng puso mo..."

"Dahil 'yan sa 'yo, okay? Kasi naman, huwag mo na akong yakapin!"

Narinig ko ang halakhak niya. "Me? Why?"

"Eh... ang lakas mong yumakap! H-Hindi ako makahinga!" Palusot ko at bahagya siyang tinulak para lumayo kaso pinantayan niya ang mukha ko.

Hinarap niya ako kaya nagtama ang tungkil ng ilong naming dalawa. Kinabahan ako lalo. Nadagdagan ang tibok ng puso ko dahil sa kaniya.

Iniwas ko ang mukha ko dahil pakiramdam mo sobrang pula na!

"G-Gutom na ako..." inalis ko ang kamay niya.

"Actually, ako rin..." aniya. "By the way, Cia. I have a question."

Kinabahan naman ako dahil ang seryoso niya bigla.

"Ano 'yon?"

"Uhm, about what you said last night when we're dancing..." hindi ako makagalaw sa sinabi niya. "You said, you're crushing me back? To be honest, I can't believe you. Tumatawa ka kasi... malay ko bang nagbibiro ka lang."

Ah, shit! Aksidente kong nasabi 'yon kaya dinaan ko sa tawa ngayon inaakala niyang biro. Pero hindi biro 'yon!

Hindi ko alam... pero tangina... naging crush ko na ata siya. Hindi ko na rin kayang tagalan na titigan siya o tingnan.

"Uh... nagbibiro lang talaga ako no'n..." tumawa pa ako. "Huwag mo lang seryosohin." Hindi ako nagbibiro ano! Ewan, nahihiya akong sabihin sa kaniya. Wala naman akong dapat ikahiya.

"Okay then... I won't." Tumango siya. "Pero hindi mo talaga ako gusto?" Mahinang tanong niya. "I mean, you can't feel anything towards me? Because honestly... I'm feeling this strange feeling inside me."

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Nevermind," binitawan niya ako. "Let's cook breakfast but excuse me first." Una siyang tumayo.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa bathroom. Naupo ako ng maayos habang nasa pinto ng bathroom ang paningin kung saan siya pumasok.

Bakit kaya gano'n? Ang hirap sabihin ng nararamdaman mo... sobrang hirap lalo na kung alam ko sa sarili kong aalis rin ako at maiiwan ko siya and worse baka umalis ako na may galit siya sa 'kin.

Pero hindi naman maiiwasan na mahalin mo o magkaroon ka ng feelings sa isang tao. Mararamdaman at mararamdaman 'yon ng tao kahit pa sabihin mo na ayaw o iniiwasan mo lalo na kung may taong dumating sa buhay mo na hindi mo inaasahang minamahal mo na pala.

And that's my case, dumating si Luther sa buhay ko. We met at the plane, he helped me with everything, he confessed na crush niya ako, and last may nararamdaman na din ako sa hindi ko alam kung saan at kailan nagsimula.

Pero alam ko rin na hindi pwede dahil marami rin akong problema ngayon. Baka kapag nalaman ng Mama ko kung nasaan ako ngayon... kuhanin niya ako at mapapalayo na ako sa kanila.

Saka alam ko rin na masasaktan sila doon palang sa way nagsinungaling ako. Doon pa kaya sa side ni Luther, imagine nagkakaroon siya ng feelings sa akin which is 'yong taong nagsisinungaling sa kaniya.

"Are you okay? Why are your eyes red?"

Napakurap ako at naramdaman kong basa ang pisngi ko.

"H-Huh?! Hindi, ah!"

"Hindi? You're crying," nilapitan niya ako bago tabihan. Naramdaman ko na lang na nasa balikat ko na ang kamay niya at niyayakap ako. "Do we have a problem, Cia?" tanong niya sa malambot na boses.

"W-Wala... nag-aacting lang ako," peke akong tumawa para patunayan na wala lang 'yon.

"But eyes can tell, so tell me... it is about what I ask?" Tiningnan niya ako sa mata. "If that's the case. You don't have to think that, it is okay with me if you can't feel anything as long as you're happy or you are doing the thing that makes you happy. You don't need to give exchange if you can't feel anything because I know, it's hard. You don't have to do it."

Hindi ako makapagsalita.

"But I have a favor, if these feelings become stronger. Don't avoid me, alright? Just don't avoid me."

Kumurap ako dahil sa mga sinabi niya. "T-Teka, naguguluhan ako... umaamin ka ba?"

"What if I say yes?"

"Sagutin mo na kasi..." umayos ako ng upo.

Napakamot siya sa noo. "You know what, Ciara. You're not hard to be loved with. Hindi ka mahirap magustuhan. You have a good heart and everything, and it's not my fault if I fell for your simple actions, having a good heart with other people. Addition of your beauty and your looks. Lahat na sa 'yo na. Everyone liked you because of that."

Sandali akong humawak sa sofa dahil sa mga sinabi niya na nagpapalundag sa dibdib ko. Hala, umaamin nga siya! Parang kanina lang iniisip ko ang posibleng mangyari kung sakaling tuluyan na magustuhan niya ako tapos ngayon umaamin na siya!

"And to answer the question earlier, yes, Ciara. Gusto kita..." seryoso niyang sabi habang diretso rin na nakatingin sa akin. "Gusto kita."

Tuluyan akong nagulat. Hindi ko alam ang irereact ko sa mga oras na 'to. Nagtagal ang tingin ko sa kaniya bago mapatayo.

"E-Excuse me," mabilis akong tumalikod para pumunta sa kwarto.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maisara ang pinto. Napasandal ako dahil hindi ko kinaya ang mga sinabi niya. Namula pa yata ako sa confession ni Luther! Maayos akong tumayo at nagpalakad-lakad sa buong kwarto ko. Nawala ang isipin ko tungkol kay Mama at sa mga nakita ko kanina sa website, napalitan ng lahat ng mga sinasabi ni Luther.

Inhale and exhale ang ginagawa ko habang paulit-ulit na naglalakad.

Hindi talaga kaya ng inhale at exhale ang kilig!

Napatalon ako sa kama bago binaon ang mukha sa unan para sigaw.

"Putangina!" Malakas kong sigaw, hindi 'yon masyadong rinig. "Bakit ka ganyan! Hindi na kita kinakaya!"

Kinuha ko ang cellphone ko dahil hindi ko na kaya. Tinawagan ko si Rona.

"[Hi, morning—.]"

"Rona!" Halos sumigaw na ako. "Rona... umamin siya sa akin! Hindi ko alam ang gagawin ko!"

"[Huh? What do you mean? I can't understand you.]"

"Si Luther! U-Umamin siya sa akin na gusto niya ako! I mean, iniisip ko lang naman ang sinabi niya tapos hindi ko namalayan na napasobra ako at napaiyak na. Tapos inopen niya 'yong topic at ito, umamin siya kani-kanina lang! Hindi ko alam kung paano siya kakausapin o ano! Jusko!" Halos mawalan ako ng hininga sa pagsabi no'n.

Sandaling tumahimik bago ako makarinig ng tili. "[Oh my god! Is it true?! At 'yan talaga ang reaction mo?! You should be happy kasi 'di ba umamin siya? Wait, gusto mo ba siya pabalik?]"

"Uhm... hindi ko alam, e." Oo, 'di ba ang sabi ko kanina... may nararamdaman din ako? Kaya ko nga siya nagawang i-crushback, e!

Sandaling natahimik ang kabilang linya. "[You know what, Cia? Nacoconfuse ka pa sa feelings mo, you don't have to be in a hurry. Darating ka rin d'yan, okay? Huwag mong madaliin ang feelings mo sa kanya, just explain why to him. At saka, huwag mong iwasan. Damn, wala pa nga, e, nahingi na siya ng tulong sa groupcha—.]"

"Huh?" naputol ang sasabihin niya, e. "Rona, ano 'yon?"

"[Uhm, wala 'yon!]" tumawa pa siya. "[By the way, if you need someone, just call me, okay? He will understand that, I know him. He is an understandable man, Ciara. I'll hang up now.]"

"Sige, Rona. Salamat, ha?"

"[Sure thing, Cia. Bye!]" Binaba niya ang linya kaya ibinaba ko ang phone sa kama.

Tumingin ako sa pinto, nagdadalawang isip pa rin kung lalabas ba ako o hindi. Hindi ko talaga yata siya kayang harapin! Ano ba 'yan! Siya ang umamin pero bakit ako ang nahihiya?

-

Rona

I was smiling after ending the call. He really confessed, huh? At ito namang si Ciara, hindi alam ang gagawin. Wala naman siyang dapat ikahiya or something, she is so blessed dahil umamin si Luther sa kaniya in that way! Oh, she's so blessed!

Really blessed, mapapahiling ka na lang talaga minsan na 'sana ako nalang si Ciara' dahil sa mga taong nabibighani niya kahit wala siyang ginagawa.

"Why are you smiling?" My mood suddenly changed when Lawrence showed up.

"Wala," I drank my coffee. "I have to go." Kinuha ko na ang gamit ko sa table para umalis. I hate this kind of routine, kaming dalawa lang kasi ng cousin ko ang magkasama sa mansion! And it was really boring!

At higit sa lahat, pinapakialaman niya lahat ng gusto kong gawin and for Ciara. Hindi ko alam dito! Nakakainis na! Palibhasa... hindi niya matanggap ang mga ginagawa ko for Luther and Ciara. At hindi ko alam ang rason kung bakit siya ganito.

Umalis na ako para bumalik sa apartment kung saan kami nakatira ni Jill. For sure, she's alone there. At syempre, kailangan ko rin i-chika ang mga nalaman ko! Panigurado, kikiligin 'yon!

Continue Reading

You'll Also Like

496K 13.3K 62
We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥
1.1M 24.2K 35
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
62.4K 1.3K 24
Snow Peralta, isang introvert girl na inudyukan ng kanyang kaibigan. Kung saan kailangan niyang i-cheer ang 'Ace' ng kanilang basketball team. Bagama...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.