Make It Right! (The Second Ti...

By atsaheashram

525K 1.9K 30

Would they make it right the second time around?! More

Prologue
One
Two
Three
Five
Author's Note

Four

12.2K 304 5
By atsaheashram

Kakaupo ko pa lang sa van na maghahatid sa amin nina Mika sa hotel na titigilan namin nang biglang tumunog ang cellphone ko. I sighed deeply before I answered it. "Hello 'Pa, kakadating ko lang po rito sa Cebu. Napatawag kayo?" Hindi ko naiwasan ang pangungunot ng aking noo. Sinundan ko ng tingin sina Mika na nagsisakayan na rin sa van habang nagtatawanan.

"Anak, galit na galit ang Lolo mo. Ngayon nya lang nalaman na hindi ka pala sumipot sa dinner meeting nyo ni Beth."

Napahinga ako ng marahas. "Papa naman, alam naman natin pareho na hindi dinner meeting 'yon eh!" Tiningnan ko si Ella na hinagod hagod ako sa aking likuran habang sinasabi sa akin na 'relax ka lang.'

"Tapos hindi rin pala alam ni Papa na pupunta ka ng Cebu."

I rolled my eyes and sighed deeply. "Pa, ilang taon na ako? Kailangan ko pa bang magpaalam pa kay Lolo?" Gusto ko sanang sigawan ang aking ama pero sobrang bait nya sa aming magkakapatid at kay Mama para gawin ko yon. Kung minsan nga naiinis na ako sa sobrang kabaitan nya. Ni hindi nya kayang suwayin si Lolo.

"Michelle naman..." Nakikiusap ang boses ni Papa.

Muli akong huminga ng malalim upang pigilan ang pagkainis na unti-unti kong nararamdaman. "Okay fine! Tatawagan ko si Lolo ngayon." Kahit ayokong makausap ang Lolo ko, tatawagan ko pa rin siya para kay Papa. At para hindi na rin pa humaba ang aming usapan.

"Salamat anak. Enjoy your stay there." Naiimagine kong nakangiti na siya sa kabilang linya.

Mag eenjoy talaga ako! Huwag na huwag lang talagang sisirain ni Lolo ang unang araw ko rito. "Sige na 'Pa. Tawagan ko na lang kayo ulit."

"Bye anak." Paalam nito saka pinutol ang linya.

"Hoy Denden, tingnan mo nga yang hitsura mo! Ang pangit mo na!" Kantyaw ni Mika at binigyan pa ako ng nakakalokong ngiti.

"Kung hindi mo boyfriend si Kiefer, iisipin kong may gusto ka sa akin Reyes!" Pinagtaasan ko pa siya ng kilay bago ako ngumisi. "Papansin ka parati eh!"

"Ha ha! Nakakatawa!" Nakatakip pa ang kanyang kamay sa kanyang bibig na animo'y totoong tumatawa. "Paanong hindi kita papansin, eh kapansin pansin yang kapangitan mo!"

"Eto ka Reyes!" Itinaas ko ang middle finger ko sa kanyang harapan saka ko siya binelatan.

Naghagalpakan naman ng tawa ang iba pang sakay ng van na sina Bang, Vic, Ella, Kim, Mela and Amy. Tumingin ako sa may labas ng bintana nang magsimulang umandar ang sasakyan. Kinuha ko ulit ang cellphone ko at hinanap ang pangalan ni Lolo. Nakatatlong ring pa muna ito nang sumagot siya sa kabilang linya.

"Dennise Michelle!" Kahit medyo may edad na si Lolo hindi pa rin naitago sa boses nito ang pagka strikto. "Why didn't you meet up with Beth?"

"Lolo, busy ako that time. Saka hindi nyo naman ako sinabihan about that meeting!" Ngayon ko lang narerealize na masyado na rin palang nakakasakal ang matanda. Parang nararamdaman ko na ang naramdaman noon ni Alyssa.

"I want you to book a flight back to Manila."

Napatiim bagang ako. "'Lo, ngayon lang po ulit ako nagleave. Hindi naman siguro makakaapekto ang pagkawala ko ng ilang araw, since nandyan rin naman kayo ni Papa."

"Gustong makipagmeet sa'yo ni Beth! Gusto nyang pag-usapan ang business partnership!"

"And just because of that, papauwiin mo ako right away?!" Halos sabay-sabay na napatingin sa akin ang mga sakay ng van. Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. "C'mon, 'Lo its been a long time since noong huli kong leave. I think I deserve a break this time."

"Pero kung sana nakipagmeet ka na kay Beth that night, eh wala na sanang hassle ngayon!"

Napabuga ako ng malalim na hininga. Pumikit ako ng mariin at pilit kong kinalma ang aking sarili. "'Lo please naman, ngayon lang ulit ako makakatikim ng bakasyon. Baka pwede namang pagbigyan nyo ako?"

Narinig ko rin ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "Alright. Tatawagan ko na lang si Beth. Ipagpapabook ko siya ng flight papunta dyan tonight. Mas maganda siguro kung dyan nyo pag-uusapan ang tungkol sa business."

"What?!" Napatampal ako sa aking noo dahil sa frustration. Seriously?! Gustong gusto ko na talagang sigawan ang matandang kausap ko ngayon. "Kahit ano namang kontra ko, ikaw pa rin ang masusunod eh. Bahala ka na nga Lolo!" Mariin ang pagkakasabi ko pero hindi naman ako sumigaw. Mabilis kong pinindot ang end call upang hindi na siya makapagsalita. Paano naman akong mag-eenjoy kung makakasama ko ang babaeng yon?!

"Is everything okay, Den?" Amy asked me with a worried look.

I sighed deeply and tried to smile. Napipilitan akong tumango. "Yeah." Binalingan ko ang iba kong kasama na mukhang naghihintay rin ng aking isasagot. "Si Lolo, gusto pang ihabol ang stress hanggang dito sa Cebu." Hinilot-hilot ko ang aking ulo. "Ang hirap magpalaki ng matanda!"

"Mas lalong mahirap magpalaki kung malaki na ang papalakihin mo Denden!" Sabat ni Ella bago nakipag apir kay Kim na mukhang tuwang tuwa.

"Pinakamahirap palakihin ang tulad mo besh! Dahil himala ang kailangan ko sa'yo!" Nagtawanan naman sina Vic at nagthumbs up pa sa akin. Mabuti na lang talaga at sila ang makakasama ko rito. Kahit paano, alam kong makakalimot ako sa stress ng buhay ko sa Manila.

"Ang harsh mo pa rin, besh. As if naman malaki ka!" Nakaingos na maktol ni Ella.

"Kompara sa'yo besh, mas malaki pa rin ako!"

"Ting ting ting! And De Jesus is double dead!" Sigaw ni Kim na sinundan pa nya ng pagsipol.

Natawa naman ako at nagpeace sign kay Ella na natatawa rin. "Libre na lang kita besh mamaya!" Kinindatan ko siya at nginitian ng matamis.

"Yes!" Sigaw ni Ella. "De Jesus is still alive and will get back right after the treat!!" Binelatan nito si Kim na masama na ang itinawa.

Nagkatinginan naman kami ni Mika at sabay pang napailing-iling. Iisipin mo ba namang nagmatured na kami?! Parang lalo pang nadagdagan ang pagkaisip bata namin lalo pa nga kapag nagkakasama-sama kami.

Tahimik akong tumingin sa labas at inenjoy ang magandang tanawin.

Cebu give me good memories please..

***

Nauubusan na ako ng pasensya sa sobrang traffic. Panay ang paghugot ko ng malalim na hininga. Sa airport lang kami pupunta pero ang trapik na kailangan naming pagdaanan wagas! Ito talaga ang isang bagay na ayaw ko rito sa Pilipinas. Sobrang trapik!

Siniko ako ni Rad. "Hoy, bakit nakabusangot yang mukha mo?"

Nakita kong sinulyapan ako ni Tita Rona sa salamin na nakaupo sa driver's side. "Ang lapit lapit lang ng airport, tingnan mo nga kung gaano kahaba ang traffic!" Iminuwestra ko pa ang mga sasakyan na ang iba ay pilit pang sumisingit. "Ang init-init pa! Sira ba ang aircon ng sasakyan mo Tita?!"

"Huwag ngang masyadong mainit yang ulo mo Aly. Malapit na tayo. Ten minutes na lang nasa airport na tayo." Sagot naman ni Tita Rona.

I just snorted and sighed heavily. I looked outside the window only to be irritated again because of the cars that slowly moving.

Kung hindi lang talaga maganda ang nabasa kong feedback about Palawan, hinding hindi talaga ako magtyatyagang sumama sa trip nilang ito. Mas gugustuhin ko pang magstay sa bahay at matulog maghapon. Pero dahil nga maganda naman raw talaga sa Palawan, nakumbinse tuloy nila akong sumama.

Ang ten minutes na sinabi ni Tita Rona pakiramdam ko ten hours. Pabagsak kong isinara ang pinto ng sasakyan dahil sa inis.

"Aly pwede ba? Nakakabad vibes naman yang hitsura mo!" Sita ni Rad.

"Mas maganda nga yon eh! Tatlo tayong mababad vibes! The more the merrier!" Talagang pinahalata ko sa boses ko ang pagkasarcastic at pagkairita. Sobrang ikli lang talaga ng pasensya ko kapag pakiramdam ko nasasayang ang aking oras. "Ouch!"

"Huwag mo kaming idamay dyan sa init ng ulo mo Alyssa!" Angil ni Tita Rona matapos nya akong batukan.

"Tita Rona, sumali ka kaya sa volleyball game! Parang may future kang maging isang magaling na spiker!" Muli akong napadaing nang batukan nya ulit ako.

"Oo! Pangarap ko talaga yon noon pa lang. Wala kasi akong mapagpraktisan noon kaya hindi ko na itinuloy!" Asik nito. "Pero ngayong nandito ka, tamang tama yang ulo mo para paglaruan ko!" Akma na naman nya sana akong babatukan nang mabilis akong umiwas.

"Okay okay! I'm sorry!" I raised both of my hands in surrender. Sinamaan ko naman ng tingin si Rad na tawa ng tawa. "Sige lang Rad. Tawanan mo pa ako. May araw ka rin sa akin!"

"Bring it on, bebe!" Nanghahamong sabi ni Rad bago ako kinindatan at nginitian ng ubod ng tamis.

I just chuckled and smirked. Sinundan ko na lamang si Tita Rona na dere-derecho na sa pagchecheck in. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng eroplano ay hindi na ako nagsalita. Sinalpakan ko na lang ang tenga ko ng ear phone at nilakasan ang volume ng iPod ko. May sinasabi sina Tita Rona at Rad pero hindi ko na lang ito binigyang pansin. Tumango-tango na lang ako at nagkunwaring naiintindihan ko ang kanilang pinag-uusapan.

Dahil naaliw ako sa pakikinig sa music, nawala na ang pagkabadtrip ko kanina dahil sa traffic. At hindi ko rin namalayan ang naging pagbyahe namin. Kaya naman pagbabang pagbaba ko ng eroplano, sobrang lapad ng pagkakangiti ko.

Isang malutong na batok na naman ang nakuha ko kay Tita Rona. "Iyang ngiti mong yan Aly, talaga namang nakakapangilabot!"

Kung hindi lang talaga bastos na mangbatok din ng tiyahin, matagal ko na talagang binatukan itong si Tita Rona. Sumimangot ako, batok. Ngumiti ako, batok pa rin. Saan pa kaya ako lulugar neto?! "Tita Rona naman! Parang gusto mo na talagang panindigan na gawing bola itong ulo ko ah!"

"What are you smiling at huh?!" Pinamewangan pa ako ni Tita Rona.

"Baka iniisip nya ang pagpapasalvage sa'yo Tita Rona." Gatong naman ni Rad.

Sinamaan naman ako ng tingin ng magaling kong tiyahain at akmang lalapitan na naman ako. "Maniniwala ka sa luka-lukang yan Tita?" Binalingan ko si Rad at pinagtaasan ng kilay. "Nakakarami ka na Daquis! Sige lang ha!"

Imbes na matakot, humagalpak lang ng tawa si Rad. Nilapitan niya ako at niyakap. "Joke lang yon bebe ko. Alam mo namang bebe kita di ba?"

Ginulo-gulo ko ang buhok nya at napangiti na rin. "Pasalamat ka at maganda ka! Kung nagkataong naging kamukha mo si Tita Rona.." Ibinitin ko sadya ang aking sasabihin at tiningnan ko ang reaksyon ni Tita. Hindi ko na napigilan ang paghagalpak ko ng tawa nang makita kong nanlalaki ang butas ng ilong ni Tita at magkasalubong na ang mga kilay. "Kung naging kamukha mo si Rad, Tita Rona matagal ko na sana siyang itinanan at pinakasalan!" Mabilis kong dugtong.

"Naku ayos-ayusin mo talaga Alyssa!" Ismid nito.

Nagkatinginan kami ni Rad at sabay na nagkatawanan.

"Ayusin mo nga naman, Aly!" Si Rad na ngumiti na naman ng nakakaloko.

"Hay naku, let's go!" Inakbayan ko sila pareho. "Excited na ako na makapag tour sa Palawan!" Nakangiti kong sabi.

"Aly, ano bang sinasabi mo? Hindi ba sabi ko sa'yo kani--"

Sinenyasan ko si Tita Rona. "Wait lang Tita, sagutin ko lang 'to." Itinaas ko ang aking cellphone na nagriring. "Baka si Kuya Aldrin ito eh." Lumayo ako ng kaunti sa kanila bago ko inilagay sa tapat ng aking tenga ang cellphone. "Hello.."

"Bunso!!" Ang lakas ng boses ni Kuya Aldrin. Hind halatang hindi siya excited! "Hello, bunso naririnig mo ba ako?!"

I rolled my eyes. "Oo Kuya! Ang lakas ng boses mo kaya!" Tumango ako kay Tita Rona nang tanungin nya kung si Kuya Aldrin nga ang kausap ko.

"Kamusta na bunso? Miss na miss na kita. Balik ka na nga rito."

"Ang OA mo Kuya! Almost a week pa lang kaming nakakarating dito." Napapailing ako at napapangiti. "Saka, parang kahapon lang magkausap tayo ah."

"Bakit nagsasawa ka na bang kausap ako?"

"Aysus, Kuya talaga! Nagdrama pa! Oo na nga! I miss you too na!"

"Bilisan mo!" Rad mouthed. "The car's waiting for us!"

Tumango-tango ako at ikinumpas ko ang aking kamay upang paunahin na sila. "Look Kuya, nasa airport pa kasi kami right now. Remember, I told you yesterday na magpa Palawan kami nina Tita Rona?"

"Ngayon na ba yon bunso?"

I rolled my eyes again. "Kuya talaga! Mas makakalimutin ka pa sa akin ah!" Natatawa kong sabi. Dahan-dahan akong humakbang at sinundan ang naglalakad na sina Rad at Tita Rona. Nagtatawanan ang dalawa na parang may pinag-uusapang katawa-tawa.

Napatawa naman si Kuya Aldrin sa kabilang linya. "O siya sige na nga! Hindi pa nga tayo nakakapag-usap ng maayos eh! Mamaya na lang ako tatawag ulit ha?"

Tumango ako kahit alam kong hindi naman nya ako nakikita. "Don't worry! Just after na makarating ako sa hotel namin, magbubukas ako ng laptop para makapag skype tayo. Would that be fine with you?"

"Syempre naman, bunso!" Parang bata nitong sang-ayon. "Bye bunso."

"Bye Kuya. I love you!"

"Love you too!"

Binaba ko na ang aking cellphone at ibinalik ito sa bulsa ng aking shorts. Binilisan ko ang aking paglalakad upang maabutan ko sina Rad. Halos palabas na sila ng arrival area.

"Tita, wait!" Sigaw ko dahil ang bilis-bilis nilang maglakad. Huminto naman sila at hinintay ako. "Ang liliit nyong tao ang lalaki nyong humakbang!"

"Samahan mo na rin ng 'ang gaganda' Aly para katanggap-tanggap naman sa pandinig namin!" Sarkastikong sabi ni Rad.

Ngumiti ako ng matamis bago ko siya inakbayan. "Given na yon Rad, ano ka ba!"

"Mabuti kung ganon!" Hinawakan nya ang kamay kong nakaakbay sa balikat nya.

Napangiti na lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nangunot ang noo ko nang makuha ng isang malaking tarpaulin ang aking atensyon. No, actually its more about what is written in the tarp.

'WELCOME TO CEBU!'

What the heck?! Akala ko ba sa Palawan kami pupunta. What are we doing here in Cebu?!?

Continue Reading

You'll Also Like

9.2K 310 16
Chaennie One Shot Story.. I hope you like it Guy's.. ❤️👌
3K 659 139
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
21K 148 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈