UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)

By AKDA_NI_MAKATA

821 91 0

(on-going) SPOKEN WORD POETRY SERIES #1 Halina't tunghayan niyo ang kwentong talagang makakabihag sa inyong p... More

Unspoken Promises
MOTTO
PROLOGUE
P1
P2
P3
P4
P5
P6
P7
P8
P9
P10
P11
P12
P13
P14
P15
P16
P17
P18
P19
P20
P21
P22
P23
P24
P25
P26
P27
P28
P29
P31

P30

6 1 0
By AKDA_NI_MAKATA

Kabanata 30
#SWP30

"A-anong dapat kong gawin?"

"You have to go to Manila and close the deal with your mommy. I know it's difficult for you to go visit her there, especially given what happened to you before, but this is the only way. Remember, if you don't close the deal, many people from Isla Amore would go hungry and lose their jobs."

"Y-yes, Tito. I'll try."

"You should do it. I know you can," rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Please..."

Hindi ko na siya tinugon pa at binaba na ang tawag.

I have to go to manila. Kailangan ako mismo dahil ayaw ni Mommy na tumatapak dito sa probinsya naming. Minsan na siyang nilait dito ng mga tao, pati pamilya namin kaya ayaw na ayaw niyang tumapak dito. Gusto niyang ako mismo ang pumunta sa kanila para ano? Para ipamuka niya sa aking wala akong kwentang anak at mas magaling pa ang ibang tao kaysa sa akin? Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga araw na nagdusa ako dahil sa mga sinabi niya sa ibang tao.

Wala siyang Beverly na anak?

Kung pwede lang palitan ang mga nakasaad sa aking birth certificate baka matagal na niyang ginawa. Ganun siyang klaseng ina. Ganun siya kawalang kwentang ina.

Kinabukasan, paggising ko'y agad kong binuksan ang aking camera at nag-video sa sarili.

"Watzaap, mga bebebs. As you can see naman na bagong gising pa talaga ako at nakatutok na agad ang camera ko sa akin. So, ayun nga, kailangan kong bidyohan ang araw na ito dahil napaka-espesyal nito sa akin. Alam kong andami nang nagre-request sa akin na mag vlog ako kasama si nobyo pero hindi ko ginagawa kasi busy siya at busy rin ako. Kaya ngayon, tutuparin ko na ang mga request niyo. Ngayong araw, monthsary namin ni Phoenix."

Tumigil ako magsalita at tumayo para makalabas na nang aking kwarto. Habang pababa'y muli na naman akong nagsalita.

"Pinag-isipan ko talaga ng mabuti ang mga plano ko today. Ilang beses pabago-bago, minsan naiirita na talaga ako sa sarili ko kasi wala na akong idea kung paano. And then boom, last week siguro 'yon. Dinala ako ni Phoenix sa tambayan namin dalawa kaya naisipan kong doon nalang din siya sorpresahin. Si Phoenix 'yung tipong mayaman pero simpleng tao pa rin. Hindi siya tumitingin sa katayuan nang isang tao, lahat gusto niya kaibiganin niya at lahat gusto niyang nakakasalamuha niya. Isa sa mga natutunan ko habang kasama ko siya sa ilang taon, iyon ang maging ikaw, habang hindi ka tumatanaw nang mataas. Ah basta, magaayos muna ako tapos update ko kayo later."

Tinabunan ko ang camera nang aking kamay bago ito pinatay. Pagkatapos nun ay tumayo na ako at agad na naligo. Mahigit isang oras din ako sa banyo. Ganun talaga ako maligo, matagal. Nagbihis na rin ako nang isang White floral Puff Sleeve Midi Dress na pinarisan ko nang white flat sandal at nilagyan ko rin nang white silk scarf ang buhok ko.

I apply also some light makeups para hindi naman ako magmumukhang dugyot. Nang masigurado ko nang okay na ako'y kinuha ko na ang camera ko at binitbit ito palabas.

"Ahy, ang ganda naman nang anak ko!" Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Manang nang makababa ako.

Nasa sala siya't nanonood nang tv. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Binuksan ko ang aking camera at kinuhanan kaming dalawa.

"Sabi ni Manang, maganda daw ako." nakangisi kong sabi.

Narinig ko ang tawa ni Manang, nung tiningnan ko siya doon ko nakitang naiiling-iling siya't hindi sumasangayon sa sinabi ko.

"Manang!" Nakasimangot kong sabi. Mas lumakas lang ang tawa niya at niyakap na rin ako pabalik.

"Palagi kang maganda sa paningin ko. Ayawan ka man nang lahat, mananatili pa rin ako sa tabi mo."

Suminghap ako at napakurap-kurap nang maramdaman ang pagdaloy nang luha sa aking pisngi.

Akala ko madali lang lahat pero dahil sa sinabi niya doon kong napagtantong mahirap pala. Ilang beses na akong natusok nang patalim pero siya nandyan nanatiling nakatayo sa harapan ko't niyayakap ako nang mga pangako niya.

Sa sobrang ganda nang sinabi niya'y hindi ko man lang magawang buksan ang aking bibig para bumigkas ng salitang gusto ko rin marinig niya. Kaya wala akong nagawa kundi mas yakapin pa siya, doon ko lang kayang iparamdam na mahal ko din siya.

Pagkatapos kong magpaalam kay Manang ay lumabas na ako't pinagpatuloy ang pagvlo'vlog. Mahirap mag-isa kapag nagvlo'vlog pero masasanay ka rin naman kung matagal mo na itong ginagawa.

Sumakay na ako sa kotse bago ko ito pinaandar ay inayos ko muna ang camera ko sa harapan kung saan nakikita ako at binuksan ang video nun para makapagrecord na ako. Nang masiguro kong ayos na ay pinaandar ko na rin ang aking sasakyan. Napangiti ako nang makita ang aking mga dadalhin na pagkain na hinanda na ni Manang kanina pa.

Binuksan ko ang speaker nang sasakyan at nagpatugtog nang musika. Pakanta-kanta pa ako habang nagda'drive, minsan rin bumubuka ang aking bibig kapag may naisip na sasabihin sa aking vlog.

Ilang minuto lang akong nag drive bago ko narating ang tambayan namin ni Phoenix. Saktong paghinto ko ng aking sasakyan ay ang paptawag naman ni Phoenix sa akin.

Tiningnan ko ang aking camera at pinakita doon ang pangalan at larawan ni Phoenix na lumitaw.

"Tumatawag na siya guys!" patili kong sabi, excited sa nangyayari at mangyayari pa lamang.

Umayos muna ako ng upo at umubo.

"Hon!"

"Ahhh, Bev?"

Nawala ang aking ngiti nang imbis si Phoenix ang marinig sa kabilang linya'y ibang tao.

"Who's this?"

"Ah, ate, this is Lorde... Gusto ko lang po sabihin sayo na hindi daw po makakarating si Kuya Phoenix sa date niyo ngayon." aniya.

Napatingin ako sa camera at dali-dali itong pinatay.

Napakagat ako sa aking labi, "Bakit daw?" tanong ko.

"May meeting po kasi sila nila Kuya Alphonse at Kuya Uno. Hindi daw po siya makakarating sa usapan niyo, sorry po. Ipapadala nalang daw po ni Kuya 'yung gift niya sayo."

"Hindi... Okay lang! Actually, tinatamad rin kasi akong lumabas kaya hanggang ngayon nakahiga pa rin ako sa kama. It's okay. Pakisabi sa kuya mo na no worries, pwede pa rin naman namin ituloy bukas o sa susunod na araw. Sige ha, bye!"

Pinatay ko ang tawag at tulalang napatigin sa bangin na nasa harapan ko ngayon. Maganda ang araw pero para sa akin, hindi. Naiitindihan ko naman na marami siyang ginagawa at mas important ang kaniyang trabaho pero masakit palang umasa kang matutuloy ang plano niyo pero hindi pala. Drawing lang lahat.

Kinuha ko ang camera at nilapit iyon sa aking mukha. "Ah,, paano ba to..."

Nabasag ang aking boses kaya umubo ako at mas pinalawak pa ang ngiti para matago ang pait doon.

"Sa kasamaang palad, hindi matutuloy ang date namin at surprise ko sana for Phoenix. He have a meeting with his friends and partners so that hindi talaga matutuloy ito. Tatambay nalang muna siguro ako dito tapos kakainin ko rin 'yung mga dala ko kasi masasayang lang ito kung mapapanis."

Before getting out of the car, I cut the video. Nang makalabas ay humugot muna ako ng preskong hangin at ipinikit ang aking mga mata. Huli na bago ko napagtantong umiiyak na ako. Gusto kong mag-inarte, Gusto kong magalit sa kaniya dahil wala siya ngayong araw na ito kung saan pinakaimportante pa talaga sa amin pero wala akong karapatan dahil tulad nga nang sinabi ko, mas importante iyon.

Girlfriend niya lang ako pero wala akong karapatan para hawakan ang buong oras niya. May sarili siyang buhay at mahalaga iyon sa kaniya. Mahalaga rin ako pero mas mahalaga ang kung ano ang hinahawakan na niya nung panahong wala pa ako.

Nilatag ko ang kumot sa damo na inuupuan namin ni Phoenix bago inilabas sa kotse ang mga basket na may laman na mga luto ni Manang. Inayos ko ito at kinuhanan nang litrato. Inayos ko na rin ang camera ko at kinuhanan ang sarili habang kumakain. Kapag nararamdaman kong napapaiyak na ako'y tumatalikod ako sa camera at pinupunasan ang mata.

"Dito kami ni Phoenix palagi. Kapag dinadala niya ako dito, its either may problema siya, ako, o kami. Siya 'yung tipo na lalake na maiinis agad kapag may pinapakaelaman akong gamit niya pero hindi siya nagagalit kapag buhay niya pinapakealaman ko na. Kampante siyang sinasabi niya sa akin lahat nang mg bagay kahit hindi ko naman tinatanong. Sa bawat minutong sinasabi ko sa sarili ko bakit napunta siya sa akin. "Sobrang perpekto mo para mapunta ka sa akin."... Pero ayan siya, kapag alam niyang ganun na nga ang lumalabas sa isip ko, sasabihin niya. "Hindi ako perpekto, ganito lang kita mahalin nang todo. Kahit sarili ko ibibigay ko sayo, huwag ka lang mawala sa piling ko." He's everything. Isa siyang pangarap na hindi ko inakalang naabot ko na.

Kapag napanood mo ito, hal. Huwag kang iiyak ha! Gusto ko lang sabihin ito sa kanila lalo na't sakto pa na wala ka ngayon sa tabi ko. Gusto ko lang malaman nila kung gaano ako ka'swerte sayo. Hindi mo ako pinaubaya sa kaniya kahit pa sukong-suko ka na. Hindi mo ako sinasaktan kahit pa pagod kana sa ugali ko. Hindi mo ako inaayawan tulad nang iba. Ikaw 'yung una't huli kong tagahanga. Ikaw ang una't huli kong hiniling kay bathala. Mananatili ako sayo hanggang sa ikaw mismo ang umalis sa tabi ko. Sabi mo, hindi mo ako iiwan at panghahawakan ko iyon hanggang ngayon. I love you, love. Happy Anniversary!"

Pinunasan ko ang basang pisngi at napangiti. Pinagpatuloy ko ang aking pagkain habang pakanta-kanta. Ilang minuto na ang lumipas nang may napagtanto ako.

Bakit ko ba 'yon kinalimutan!?

"Tamang-tama, naalala ko may mga nagse-send ng mga tanong o nagre-request nang mga poety na gusto nalang gawin ko o itula ko. Marami sila pero pumili lang ako nang isa para sasagutin ko ngayon. Maganda 'to siya at hindi simpleng tanong lang na para sa akin o kay Phoenix lang. Para ito sa pang lahat. .."

Tumigil muna ako sa pagsasalita at bumuga ng malalim na hininga.

"Mahal mo ba siya dahil siya na talaga o dahil siya lang ang una mong nakilala?" basa ko sa tanong pagkatapos ay napangiti. Akmang magsasalita na sana ako nang marinig ko ang tila'y isang pamilyar na tinig.

"Minahal kita hindi dahil sa pinaramdam mo sa akin ang tunay na kasabihan nang mahal kita o mahalin ka. Minahal kita dahil ikaw yung unang taong nagparamdam sa aking mahalin mo ang isang taong susuportahan ka at hindi iiwan."

Unti-unting nawala ang aking ngiti nang marinig ang pamilyar na boses sa aking likuran. Napatayo ako at humarap doon.

"Phoenix," bulong ko nang makita siyang seryoso ngunit malawak ang ngiti. May bitbit din siyang mga balloon at bouquet of flower.

"Mahal kita at tunay na mamahalin kita, magbago man ang mga eksena sa pelikula o sa kwentong binuo mo na tayo ang magkasama. Mamahalin kita at patuloy na mamahalin kita hindi dahil sa kung anong mayroon ka o may alam kang sekretong hindi ko dapat sabihin sa iba. Mahal kita dahil ikaw ay ikaw. Mahal kita dahil ikaw 'yung babaeng laman nang aking puso't isipan. Mahal kita dahil ikaw ang tinitibok nitong puso ko. I love, baby. Happy Anniversary!"

Napatakip ako sa aking bibig kasabay nun ay ang pagtulo ng aking luha. Sabay-sabay, ayaw magpaawat. Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa at patalon ko siyang niyakap nang mahigpit.

"Akala ko hindi ka makakapunta?" tanong ko, ang mukha'y nanatili pa rin nakabaon sa dibdib nang kasintahan.

"Hindi kita matiis e," tugon niya rin at niyakap na rin ako ng mahigpit.

"Huh, pero si Alphonse at si Kuya Uno ang ka'meeting mo. Siguradong magagalit na naman iyon sa iyo."

Naramdaman ko ang maliliit na patak nang kaniyang halik sa aking ulo.

"It's okay, nagmamadali rin naman kasing bumalik si Alphonse sa Isla na tinutuluyan niya ngayon kaya hindi na niya pinatagal ang meeting. May sinabi lang siya't pinaalis na kami agad. Sorry ha, nasira ko pa tuloy ang-"

Hindi na niya natapos ang sinasabi nang tumingkayad na ako at sinakop ang kaniyang labi. Agad siyang nakabawi sa pagkakagulat at hinawakan ang magkabila kong pisngi kasabay nun ang paglalim niya ng halik namin dalawa.

Nang mapagod ako sa kakatingkayad ay umayos ako nang tayo at hiniwalay ang sarili sa kaniya. Dahan-dahan ko namang binuksan ang aking mga mata. Naabutan kong nakatingin narin siya sa akin.

"I love you."

"I love you too, Phoenix Wyatt."

Sabay kaming napangiti't napatawa sa isa't-isa.

Hiniwalay ko ang paningin sa kaniya at tiningnan ang camera. Abot pa rin kami nun kaya alam kong nakuhanan ang mga nangyari. Kinuha ko iyon bago bumalik kay Phoenix. Bitbit niya pa rin ang mga dinala niya para sa akin kaya kinuha ko rin ito at nilapag sa damuhan malapit sa inupuan ko kanina, tinali ko rin ang mga balloon sa mabigat na bato para hindi ito lumipad.

Nakaupo na si Phoenix sa nilatag ko at hawak-hawak ang camera ko, kumunot ang aking noo ng may mapansin.

"Oh, kinukuhanan mo ba ako?!" gulat kong sabi at nilapitan siya.

"Ha, hindi ah!" pinatay niya ang camera at binaba ito. Namumula pa siyang nagiwas ng tingin.

"Weh? Patingin nga ako!" akmang kukunin ko na ang camera ng bigla niya itong kunin ulit at inilayo sa akin. Napanganga ako sa biglaan niyang kilos.

"Huwag na!"

"Hal, akin na 'yan!" sigaw ko. Nilalapitan ko siya pero lumalayo naman siya sa akin. "Seriously?!"

"Mamaya mo na tingnan." Tugon niya rin, lumalayo pa rin.

"Isa!"

"Dalawa!" agap niya.

"Dalawa pala ha," naglakihan ang kaniyang mga mata nang patakbo akong lumapit sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi ang tumakbo palayo.

Nagpaikot-ikot kami, habol-habol man ang hininga ngunit ayaw pa rin tumigil. Nagtatawanan lang kaming dalawa at kung maabutan ko man siya'y kikilitiin niya ako sa bandang kahinaan ko kaya nakakawala na ulit siya.

Tumigil lang kami nung parehas nang napagod. Nakasandig ako sa dibdib niya habang nasa likod ko siya at yakap-yakap ako. Tanaw namin ang buong Isla. Isla na hindi nawawalan nang ganda, presko din ang hangin.

Kung ganito lamang kaganda ang mga tanawin na titingnan ko hanggang sa pagtanda, hindi siguro ako magsasawang gumising nang maaga. Pero kailangan kong pumunta ng Maynila, siguradong walang ganito kagandang tanawin dahil nabalitaan kong puros naglalakihang gusali ang mga nakatayo doon imbes mga bulkan at mga palayan.

"Totoo ba ang mga sinabi mo sa akin kanina?" Tanong ko at nilingon siya.

"Hmm?" 'taka niyang tanong, ang kilay ay kulang nalang magdugtong sa sobrang pagtataka niya.

"Totoo ba iyon, yung kanina. Yung kaninang sinabi mo sa akin na mahal mo ako dahil ako ito, ako yung babaeng mahal mo?"

Nawala ang kunot sa kaniyang noo at ngumiti nang matamis. "Oo naman, nakilala mo ba ako bilang joker?"

"Huh? Hindi."

"Oh, hindi ako nagbibiro kasi kung ako si Joker, matagal na kitang biniro." tumawa siya kaya natawa na rin ako at pinitik siya sa noo.

"Ikaw naman kasi... parang hindi ikaw 'yung kanina. Hindi ka malalim na tao, kaya kanina nagtaka ako kung paano mo nasabi ang mga sinabi mo sa akin kanina." sabi ko.

Umiling-iling siya at iniwas ang paningin sa akin. Muling hinarap ang magandang tanawin sa aming harapan. "Huwag kanang magtaka, kung anong sinabi ko. Iyon na iyon. Mahal na mahal na mahal kita, Beverly Garcia!" biglang sigaw niya.

Napahagikhik ako at hinawakan ang kaniyang pisngi para muling iharap sa akin. Nagsalubong naman agad ang aming mga mata.

"Paano kung hindi pala talaga tayo para sa isa't-isa?" tanong ko.

"Edi, ilalaban natin. Simple lang 'yon. Lalaban ako, lalaban ka. Sa pagmamahal hindi palaging kilig ang dala at hindi palaging puro haplos nang kasiyahan. Ang kailangan natin, lumaban." tugon niya rin agad.

"Paano kung imbes ilaban natin, pinalaya naman natin ang isa't-isa?" tanong ko pa.

Isa pa, overthink pa!

"Baby?" titig na titig siya sa aking mga mata. Palipat-lipat. Para bang may hinahanap doon.

"Paano kung magbago ka o ako? Paano kung isang araw malalaman nalang natin na nag-iisa na tayo. Wala ng ikaw at ako. Puro ako nalang at ikaw nalang. Wala ng commitment, wala ng label. Just us."

"Why can't we have a label if we can be more than that?"

"'Cause what if, we lost? Paano kung sumobra na ang pakikipaglaban natin tapos nawala na ang pag-ibig na sinimulan natin buoin? Paano kung sa sobrang pakikipaglaban natin hindi na natin mahanap ang pagmamahal sa sarili natin."

"Too many what if, baby. Susubukan natin okay?! Paano mo mahahanap ang sagot sa mga what if mo kung hindi natin susubukan? Susubukan natin bago natin sabihin na tama ang mga sinabi natin. Hindi ako sigurado sa takbo ng buhay natin pero isa lang talaga ang sigurado ako... sigurado ako sayo. Sayo lang. Mahal na mahal kita."

Tumango ako, "I love you too."

Napangiti siya at niyakap ako. Niyakap ko na rin siya pabalik pero agad na napahiwalay nang may mapagtanto. Lumingon ako at kinuha ang camera ko.

"Oh, hindi ko alam na vinedyohan mo pala tayo." Suminghap ako at tiningnan siya.

"Nakunan ba tayo?" tanong niya.

"Wait lang titingnan ko."

I fastforward the video and I was shock that even our kiss was taken too. Namula ako at agad pinatay ang camera. "A-hh, yes..."

"You're blushing," he pointed out.

He reached for my cheeks kaya agad akong napaiwas at mas pinamulahan pa.

"Of course not! Hindi ako namumula!"

Tumawa lang siya at bigla nalang kinuha ang camera sa akin kaya hindi ko na nagawang agawin pa pabalik. Tiningnan niya ang video na nakuhanan. Nang matapos ay agad naman niya itong binalik sa akin.

"Isali mo sa pagpost," sabi niya.

Nabibigla akong suminghap, "Ha!? Bakit!?" sigaw ko.

He reached for my nose and tap it two times. "Anniversary vlog mo ito, dapat lang."

"O my, pati 'yung kiss?"

Nae-eskandalo kong tanong.

"Oo, bakit ba? Ayaw mo nun, ipapakita mo sa buong tao kung gaano kasarap humalik ang boyfriend mo."

Agad ko siyang sinuntok sa braso. Humawak siya doon at nagiinarteng nasaktan ko.

"Ang PDA mo!" inis kong sabi.

"Oh bakit ako lang? Ikaw rin naman ah!"

"Ewan ko sayo, hindi ko 'yan ipo-post." Pinagkrus ko ang aking braso at nakangusong nagiwas ng tingin. Kinilig bigla.

"Kunyari ka pa. Ayaw mo lang makita nang iba kung gaano ako kagwapo!" Asar niya.

"Ha, asa ka. Panget mo kaya!"

"Panget? Ipapaalala ko lang na sa mukhang ito ka na inlove!" agap niya habang nakaturo pa sa mukha.

Tumawa ako at pinisil ang kaniyang dalawang pisngi. Sa sobrang kaputian niya'y saglit pang nagmarka doon ang aking kamay at namula pa ang pisngi.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Cute,"

Mas sumama lang.

"Gwapo..." bulong ko at hinalikan ang dalawang pisngi niya.

Namula ang kaniyang mga pisngi. Umabot pa iyon hanggang tenga niya't leeg. Naglakihan ang aking mga mata at kinapa ang kaniyang noo.

"Hal, may sakit ka yata?" Dinakip niya ang aking kamay at nilayo iyon sa kanya.

"Wala ahh-mag video ka na nga lang, I end mo na vlog mo para hindi kana mag take mamaya paguwi." Kinuha niya ang camera at tinutok ito sa akin. Magsasalita na rin sana ako nang may maalala. Kinuha ko ang camera sa kaniya at tinutok sa amin ang video.

"Sabayan mo ako ha!"

"Mag'end?"

"Hmm," Tumango-tango ako.

"Okay," Umayos ako ng upo, ganun din naman siya.

"Thank you so much for watching our episode for today. Don't forget to like, subscribe, share and comment down below. This is Beverly Garcia-" ani ko.

"And this is Phoenix Wyatt Villanueva Montecarlos na nagsasabing-" si Phoenix

"Umibig, lumigaya at maging malaya. Hanggang sa muli. Paalam!" magkasabay naming sabi.

Nabigla ako ng habang nagwe'wave ako'y bigla nalang niya ako hinalikan sa pisngi kaya bago ko paman napatay ang camera'y nakuhanan na ang halik na iyon.

Itutuloy. . .

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...