Secretly Married To My Profes...

By EyeofMed

4.2M 135K 185K

"Maybe our stars will realign again and we can pick up where we left off, but if that time does not come, I h... More

Secretly Married to my Professor
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Wakas
Special Chapter-September
Special Chapter-Zahira
Special Chapter-Pamela

Kabanata 35

101K 3.1K 6.2K
By EyeofMed

***








"Who the heck ordered you to do that, September? Why didn't you tell me?"






Kasalukuyang nagpupunas ngayon si Zahira dahil may ilang iced americano na nabuhos sa kaniya kanina noong nakabangga ko siya. Nasa office na niya kami ngayon, kasama ko si Aria na halatang kanina pa kinakabahan. Ako rin naman, tila sasabog na ako sa kabang nararamdaman ko.





"What? Hindi niyo sasabihin?" She again asked. Frustration is all over her face now.






Galit na galit siya dahil sa nangyari kanina. Nagsorry na nga ako, maging si Aria na walang kasalanan ay ilang beses na ring humingi ng tawad. Grabe tuloy iyong takot niya, idagdag pa iyong puyat, at pagod niya. Naaawa tuloy ako sa bata.





"The head of finance po, Ma'am Zahira—"






"Allan, tell her to come to my office now!" Malamig na utos nito sa bodyguard niya kaya agad akong lumapit sa kaniya para pigilan siya.






"M-ma'am Zahira, please no. Inutusan niya lang naman po kami at tinanggap namin iyon kasi wala rin naman po kaming ginagawa kanina." Magalang na pagtatanggol ko sa empleyado niya at baka kung anong gawin niya, baka sabihin din nitong asawa niya ako. I don't want that to happen.






"I'll just discipline her, September. You are interns, you are not helpers here for her to command you like that." Matigas na sambit nito at inayos ang suot na puting long-sleeved. Tinupi niya iyon hanggang sa siko niya.





I swallowed hard while looking at her. Pilit kong pinkapakalma ang sarili ko. "T-then don't tell her anything about us," bulong ko nang mas makalapit ako sa kaniya. Tama lang na siya lang ang nakakarinig.





"Ma'am Hernandez, Mrs. Corazon has a meeting right now."






Zahira heaved a sigh when she heard that. Maging ako ay tila nabunutan ng tinik, medyo nakahinga ako nang maluwag... sa ngayon.






"Did you have your breakfast?" Tanong nito nang kumalma siya.






"Yes, ikaw?—I mean, yes, ma'am." I bit my lower lip as I scratched my temple when I realized Aria is still here at medyo napalakas ang boses ko kanina.





"Is your co-intern okay? She looks pale."





Agad akong napatingin kay Aria na ngayon ay pumupungay na ang mga mata, namumutla ang buong mukha, maging ang labi niya. Agad ko siyang nilapitan at inalalay saka pinaupo sa couch nang mapansing matutumba na siya.





"Do you have water?" I asked Zahira pero iyong bodyguard niya ang nagbigay sa akin ng bottled water.






Agad ko iyong binuksan at pinainom kay Aria. Naramdaman kong anlamig niya, halatang nanghihina siya. Second day palang namin sa internship pero pakiramdam ko ay hindi na maganda ang takbo nito para kay Aria.





"Allan, take her to the clinic now. September, stay here. Allan will take care of her."





"H-ha? Pero—"





"What? Hindi mo ako susundin pero iyong utos ng head ng finance sinusunod mo? I'm the CEO here, September."





Tinignan ko siya nang masama. Kinuha na rin ni Allan si Aria kaya kaming dalawa na lang ang nandito.





"Come here," she said.






"Ayaw ko." Matigas na sambit ko at mas lalo siyang tinignan nang masama.





"I will  give you one week demerit—"





"Hindi ako nakaassign sa 'yo, Zahira. Wala kang karapatang magbigay ng demerit sa akin." Naiinis na sambit ko sa kaniya.






"So? I have the right to give you demerit because I am the CEO of this company. And I have a reason to demerit you because of what you did earlier." Tila nanghahamong sabi nito kaya mas lalo lang akong nainis. "Now come here."





Suko na ako. Wala akong ibang nagawa kundi lumapit sa kaniya at nagulat ako nang bigla niyang ipatong ang ulo niya sa balikat ko nang nasa harapan na niya ako. I swallowed hard. Tila ramdam ko iyong bigat at pagod na nararamdaman niya ngayon kaya hinayaan ko siya sa ginawa niya.






"I'm tired. I need to recharge myself." She said weakly.






I bit my lower lip. I hugged her without saying anything, I caressed her back. Tumagal na ganoon lang ang posisyon namin. Humigpit din ang yakap sa akin ni Zahira. Hindi ko alam kung kaninong puso ngayon iyong nararamdaman ko, sobrang bilis ng tibok—malamang sa akin. Her warm and tight hugs gives me butterflies. It feels so good and comfortable. Tila nawawala lahat iyong pagod na nararamdaman ko.






"I missed you, September." Mahinang sambit niya at siniksik ang mukha niya sa leeg ko.






Pumilig ako dahil bukod sa nakikiliti ako sa mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko ay nacoconcious din ako sa amoy ko, lalo na't pawisan kami kanina ni Aria sa pagtakbo at pagmamadali para lang sa iced americano.






"Mabaho ako—"






"No, you're not. I missed your scent." She said and I felt her lips touching my neck.





Tila nagsisitayuan ang mga balahibo ko dahil sa ginagawa niya. At naramdaman ko ang tila pag-akyat ng init sa buong katawan ko. I swallowed hard as I calmed myself. Goodness, we are in her office for pete's sake.






"Hmm," I bit my lower lip when I couldn't stop myself from moaning. "Zahira, w-what are you doing?" I asked when her kisses went to my earlobe.






Humigpit ang hawak ko sa kaniya dahil sa ginagawa niya. Gustuhin ko mang pigilan ang sarili ko ay hindi ko magawa dahil masyado na akong inaanod ng halik ni Zahira hanggang sa mapadpad ang labi niya sa akin.





I put my hand on her nape to deepen the kiss but when I realized again that we are in her office, I stopped her. I gave her a peck on her lips bago tuluyang tumigil. I cupped her face using my hands as I smiled at her. "Let's do it later," I said in a seductive way.






"Alright. You'll eat with me later. I have a lunch meeting but I'll cancel it. I want to eat with you."






"Gaga, hindi ba mahalaga iyong meeting mo?" Tanong ko nang makalayo na ako sa kaniya.






"You are more important, September."






Tumalikod ako sa kaniya nang marinig ko iyon. Halos mapunit na ang labi ko dahil sa pagkagat ko rito para lang pigilan ajg pagngiti at tili ko sa kilig na nararamdaman. Hindi ko inexpect na magaling bumanat itong si Zahira. Kahit ang casual niyang magsalita, iyong kilig ko—gosh, Ember! Ang harot mo.






"Balik na ako sa finance, baka hinahanap na ako at doon ko pa makuha ang demerit ko," I said as I waved my hand.





Lumabas ako at laking gulat ko nang makita ko si Allan na bodyguard ni Zahira, nasa labas lang siya ng pintuan at nakatayo. Napalunok ako. Nakita niya kaya kami kanina ni Zahira? Napatakip ako sa bibig ko.






"Hindi ko po kayo nakitang nagkiss, ma'am."






Nanlaki ang mga mata ko, "h-ha?"






"Wala po akong nakita, ma'am. Hindi ko po nakita iyong kiss at hug niyo, ma'am." Napakamot pa ito sa ulo niya na tila nahihiya.






Madiin akong napapikit at wala sa sariling nagpasalamat pa sa kaniya at yumuko bago umalis dala ang kahihiyan. Tangina, gusto ko na lang magpalamon ngayon sa lupa kaso walang lupa rito.






"You!"






Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang sigaw na iyon. Ang lahat ay nakatingin na ngayon sa direction namin nang lumapit ako sa head ng finance.






"I told you to bring the iced americano before 10! Natapos na ang meeting at lahat wala pa rin iyong inuutos ko sa inyo! Do you want me to return you to your University? Kilala ang University niyo pero mga walang kwenta naman pala ang mga mag-aaral doon—"





"Ma'am, mawalang galang na ho, ano? We are interns po at hindi niyo mo po kami katulong, iyong pinapagawa niyo po sa amin ay hindi na po pang-intern. At isa pa ay huwag niyo po kaming maliitin at pagsabihan ng walang kwenta, you have no right to say those offensive words, ma'am." I said in a respectful manner, kalmado rin ako nang sabihin ko iyon.






"Intern ka lang! At intern ka palang pero sumasagot ka na! Tignan natin kung may mararating 'yang ganiyang ugali mo! I will report you to your University so they can terminate you! Hindi kawalan ang isang intern na kagaya mo rito. This is Hernandez Company! One of the biggest company here in the Philippines, you're so lucky na rito ka napunta. Akala ko pa naman matatalino ang mga napili nilang dalhin dito. My goodness! Mas bobo pa sa bobo!"







Mariin akong napapikit. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. I let out a deep sigh as I faced her again. Sumusubora na siya, masyado ng below the belt iyong mga lumalabas sa bibig niya. Para siyang hindi professional. Bubuksan ko na sana muli ang bibig ko para kausapin siya nang biglang marinig ko ang boses ni Zahira kaya muli akong napapikit nang mariin.






"Mrs. Corazon, let's talk to your office." Kalmadong sambit niya pero puno ng awtoridad ang boses niya. Nauna na rin siyang maglakad sa office ni Mrs. Corazon at sumunod ang matanda sa kaniya, gulat at 'di maipinta ang mukha.







"Inom kang tubig. Here."






Mula sa pagkakayuko ay napatingin ako sa nagsalita. Iniabot ng babae sa akin ang isang bottled water na kinuha ko naman agad pero hindi ko mabuksan-buksan dahil nanginginig ang mga kamay ko.






"Upo ka muna," she said and gave me her swivel chair. Siya na rin ang nagbukas sa tubig na iniabot niya kanina. "Pagpasensyahan mo na lang si Mrs. Corazon. Ganoon na talaga siya noon pa, may anger issue." Ngumiti ito nang tipid. "Ganyan din ako noong nag-iinternship ako. Hindi talaga maiiwasan iyong sasabibin nilang intern ka lang but I used that as a motivation. Tignan mo ngayon, nandito na ako sa Hernandez Company." Tuloy niya na tila pinapalakas ang loob ko.






"Thank you," ngumiti ako nang tipid.






"Huwag kang matakot. Hindi ka mateterminate, wala ka namang ginawang masama. I even salute you for being calm in that situation. You hadled it well. Siguro kung ako 'yon ay nasabunutan ko na siya," natatawang sambit niya kaya natawa na rin ako. Maya't maya ay nagbago ako reaction niya. Lumapad ang ngiti niya na tila kinikilig. "Pero, girl! Ang cool ni Ms. Hernandez!" Tili niya at tumikhim. "Mrs. Corazon, let's talk to your office." Panggagaya niya kay Zahira at matapos iyon ay tila manghang-mangha siya. "She's so so cool! Right?"






I scratched my temple as I nodded. She's right, ang cool kanina ni Zahira kahit iyon lang ang sinabi niya. Ang kalmado niya pero halata sa kaniya kaninang hindi siya natutuwa kay Mrs. Corazon. Hindi ako kinakabahan para sa sarili ko kundi kinakabahan ako ngayon sa gagawin ni Zahira sa matanda. Sana naman hindi niya ito tanggalin sa trabaho.






"That's why I like her—"






"H-ha?" Putol ko at napatayo mula sa magkakaupo. Muntik pa akong masamid. "Y-you like Za—I mean, ma'am Zahira?" Gulat na tanong ko.







"Girl, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kaniya. She's cool, she's smart—sabi nila walang taong perfect pero si ma'am Zahi, she's so perfect. Mukha lang siyang masungit but trust me, she's kind. Gosh, she's one of the reasons bakit ako pumapasok kahit pagod na pagod na ako sa trabaho." Kinikilig na sambit niya.






"Ah," iyon lang ang lumabas sa bibig ko.






"Huwag kang maawkward. Gusto lang naman. I'm straight—charot, hindi pala. Medyo nabend ako ni ma'am Zahi. She can pull both genders kahit wala pa siyang ginagawa. Gosh! Pero hanggang doon lang naman 'yon, parang inspiration ko lang siya sa pagpasok araw-araw. Iyon lang. Hindi ko na siya papangarapin kasi masyado siyang mataas, hindi ko maabot. Siguro nga ingrown niya lang ako." Muli siyang humagalpak ng tawa.






Magsasalita pa sana siya nang tawagin ako ni Allan, pinapasok niya ako sa office ni Mrs. Corazon. Agad tumayo si Zahira mula sa pagkakaupo sa couch and she instructed me to come near her. Masama pa rin ang tingin sa akin ng matanda kaya napayuko ako.






"Mrs. Corazon, I want you to meet my wife, September Garcia. The person you insulted earlier and the one you called stupid or bobo."






"Zahira," gulat na tawag ko sa kaniya nang sabihin niya iyon, maging si Mrs. Corazon ay nagulat.






"Don't worry. I'm not going to fire you, Mrs. Corazon. I will still give you one last chance to prove me that you still deserve your position," she said flatly. "And also, I want you to apologize for insulting and disrespecting my wife."





Agad na napalitan ang gulat na mukha ni Mrs. Corazon ng pagsisisi at pangamba. Dali-dali siyang lumapit sa akin, she held my hand as she apologized. Takot na baka mawalan ng trabaho.





Gusto kong pigilan si Zahira sa ginagawa niya pero mukhang wala na rin naman akong magagawa dahil tapos na at nasabi na niya.






"Ms. Uy, call the interns to come to the conference room later. Let's have lunch with them. Also order foods for the employees." Utos ni Zahira sa sekretarya niyang kararating lang dahil may ginawa pa yatang utos ni Zahira kanina.






Pumunta ako sa clinic kung saan dinala ni Allan kanina si Aria. Bibisitahin ko siya at baka kung ano nang nangyari roon. Mabuti na lang at wala siya kanina noong pinagalitan ako ni Mrs. Corazon, baka isa na naman iyon sa iniisip niya ngayon kung sakali. Dagdag pa sa stress niya. Kawawa naman siya.






"How are you feeling, Aria?" Tanong ko nang makalapit ako sa kaniya.






Nilagay ko rin ang kamay ko sa noo niya para pakiramdaman siya pero hindi naman na siya mainit o malamig, tama na iyong temperatura ng katawan niya, hindi na rin siya namumutla gaya kanina.






"Ate, anong sabi ni Ma'am Hernandez? Galit ba siya? Iyong head? Si Mrs. Corazon?"





"Shh, huwag ka na munang mag-isip ng kung ano, okay? Magpahinga ka na muna." I said as I tapped her shoulder. "Hindi sila galit. Mamaya nga ay magl-lunch tayong mga interns kasama si ma'am Zahira. Kaya magpahinga ka na muna."






"Seryoso?! Teka, Ate. Magaling na pala ako. Lunch na ba?"






Natawa na lang ako dahil sa naging asal ni Aria. Nang maglunch break ay pumunta kaming lahat sa conference room na sinabi ni Zahira. It's just a boardroom style conference room, masyado na rin itong malaki para sa aming lahat na interns. Iba pa iyong auditorium style na conference room kung saan ginaganap talaga iyong malalaking events or important meetings kung saan marami talagang dumadalo. Ang sabi ng isa sa mga kasama ko ay sobrang luwang no'n at sobrang laki dahil pinasukan nila 'yon kanina. Mamaya nga ay balak naming maglibot-libot dahil binigyan naman kami ng time ng mga assigned department namin.






"Good afternoon po, Miss Hernandez! We are the interns from Heinrich University." Sabay-sabay na bati nila. Ang ilan sa kanila ay pasimpleng nagkukurutan habang nakatingin kay Zahira. Kinikilig sila, tuwang-tuwa dahil sa wakas ay nakaharap na nila si Zahira.






"Welcome to Hernandez Company," she simply said without looking at them, sa akin nakatama ang mga mata niya. "You can sit down."






She's sitting in an executive chair, nakapatong ang dalawang siko sa table habang ang mga kamay ay nasa baba niya. Oo nga at ang hot na niya dati pa, maging noong professor ko palang siya pero ibang-iba iyong datingan niya ngayon. I bit my lower lip as I sat down near her. Makikipag-unahan pa nga sana sa akin iyong isang co-intern ko pero mabuti na lang at nakaupo na ako.






Walang nagsasalita sa amin habang kumakain kami. Kung hindi kinikilig ang mga kasama ko ay natatakot dahil sa aura ni Zahira. Sa lamig ba naman niyang tumingin at magsalita. Ni wala rin siyang imik. Halata sa kaniyang ayaw niyang basta-basta nakikipag-usap, bagay na nakasanayan ko na.






"Wipe your lip, September."






Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil nakatingin na ngayon sa akin ang mga kasama namin, lalo na ang co-interns kong grabe kung makatitig sa akin.





Maya't maya ay narinig ko ang pagbuntong hininga ni Zahira at nagulat ako nang lumapit siya saka pinunasan ang baba ng labi ko gamit ang tissue. Napasinghap ang con-interns ko maging ako dahil sa ginawa ni Zahira.






"A-ako na," mahinang sambit ko saka umiwas. Para sigurado ay buong labi ko na ang pinunasan ko.






Ramdam ko ang ngayong pag-init ng buong mukha ko. Kinakabahan ako at the same time ay nahihiya, idagdag na rin iyong kilig na kanina ko pa pinipigilan. Huminga ako nang malalim, ang mga mata ko ay nasa pagkain ko lang dahil ramdam ko ang mga titig ng mga kasama ko sa akin. Tangina, kumalma ka, Ember. Mamaya ang harot, nasa harapan kayo ng co-interns mo.







"Tangina, edi sana buong mukha ko iyong nilagyan ko ng sauce ng pizza kanina para buong mukha ko rin iyong pupunasan sana ni Ma'am Zahira. Napakaswerte mo naman, Ate Ember!"





I bit my lower lip when Simon, my co-intern said that. Gusto kong sabihin sa kaniya na kahit buong katawan niya ang papahiran ng ng sauce ay hindi iyon gagawin ni Zahira dahil una sa lahat ay hindi naman niya ito kilala. Napailing-iling na lang ako.





Matapos ang paglilibot-libot namin ay nagsi-uwian na ang mga kasama ko, samantalang ako ay papunta na naman ako sa office ni Zahira dahil nagmessage itong hintayin ko siya roon at sabay kaming uuwi.






Pagpasok ko ay nakita kong may babaeng kausap si Zahira. Busy sila sa pag-uusap kaya ni hindi nila ako napansin. Masama ang titig ko sa kanila, lalo na sa babae dahil sobrang iksi ng suot niyang skirt, todo rin ang pagyuko nito sa table, sa harap ni Zahira na hindi naman nakatingin sa kaniya, at kahit sulyap ay hindi ginawa ni Zahira.






"Let's have a dinner later, my treat," rinig kong malanding sambit niya. "Come on, Zahi. I've asked you out several times but you just keep rejecting me." Tila nagtatampong saad ng maarteng babae.





"Because I'm not interested, Ms. Abraham, unless it is important. You can go now. My wife is waiting for me." I heard Zahira said as she looked at me.





Inis na napatingin sa direksyon ko ang babaeng halos kita na ang buong cleavage. Kaya ba siya yuko nang yuko kanina para ipakita iyon kay Zahira? Tumingin ba si Zahira roon? Biglang nag-init ang ulo ko.





"Hi, love!" Bati ko kay Zahira at lumapit sa kaniya saka siya binigyan ng halik sa gilid ng kaniyang labi.






Hindi naman siya nagulat sa ginawa ko pero kita ko ang pasimpleng pagkagat niya sa kaniyang labi, samantalang iyong babaeng kausap niya kanina ay tila sasabog na sa inis at galit. Umalis ito dala ang papatay na niyang mukha.






"Who is that— Zahira!" Tili ko nang walang pag-aanlinlangan niya akong binuhat at pinaupo sa table niya.





"Say it again," she commanded. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at ilang pulgada na lang ay magdidikit na tuktok ng mga ilong namin.






"W-what?" Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. "L-love?"






"Again." She licked her lower lip kaya roon na nagfocus ang mga mata ko. "Say it again." Ulit niya, kita ko ang pagtaas ng ng gilid ng labi niya.





"D-did you... did you just smile?" Manghang tanong ko, gulat ako dahil ito iyong unang beses na umangat ang dalawang gilid ng labi niya. Simpleng smile lang iyon pero iyong puso ko ay hindi na naman mapakali. "Love," I called her again. Hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan siya sa labi dahil masyado na akong inaakit no'n.





Zahira was about to unbutton my blouse when my phone rang. She groaned when I stopped kissing her and I answered the call. She was so disappointed kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.






"Ember, miss ka na namin," si Peter ang tumawag pero boses iyon ni Sweden.





"Are you drunk?" Kunot-noong tanong ko nang mapansing tila lasing ang boses nito. I gave Zahira a small kiss on her lips bago ako bumaba mula sa pagkakaupo sa table niya, kahit inis ay inalalayan niya pa rin ako.






"Of course not. We just called you because we miss you already."






"Where are you?" I asked.






"We're here. We're here at the cemetery. Nag-iinuman kami. Miss na namin si Pam, eh." Ramdam ko iyong pait sa boses ni Sweden.





Napatingin ako sa orasan ng phone ko. It's already 7PM. "Gago, seven na. Umuwi na kayo."





"Gago itong si Peter, eh. Nagcommute kami papunta rito. Sunduin mo kami," tumawa siya.





I heaved a sigh as I massaged my temple. Nakasimangot kong tinignan si Zahira na ngayon ay masama na ang tingin sa akin, tila nagtatampo pero imbes na matakot ako ay napangiti na lang ako. Ang cute niyang magtampo.





"Mamaya... sa bahay." Makahulugan kong sambit sa kaniya and I smiled seductively as I again wrapped my hands on her neck. I gave her a peck on her lips bago kami tuluyang lumabas para sunduin sila Peter sa sementeryo.






"Ember—Ate Zahi?" Gulat na sambit ni Peter nang makita nila ang kasama ko, hindi nila inaasahan. "Kailan ka pa nakabalik?"






"Kanina lang," ako ang sumagot. Tinignan ko ang puntod ni Pam na ngayon ay may bago na namang bulaklak, kandila, at isang bote ng wine.





"Namiss namin si Pam that's why we came here," Peter said at muling naupo sa harap ng puntod ni Pam.





Naupo na rin kami ni Zahira. Inayos ni Zahira ang pagkakalagay ng flowers sa gilid ng puntod ni Pam, walang imik niya iyong ginawa. Nagbigay naman sila Peter ng smirnoff pero hindi ko iyon kinuha dahil wala akong balak mag-inom.






Halatang kanina pa sila rito. Ginawa na ata nilang tirahan itong puntod ni Pam.






"Umiiyak ka na naman. Tangina mo naman Peter," sambit ni Sweden at siniko si Peter pero maging siya ay naluluha na rin. Halatang may tama na sila pero ramdam ko iyong bigat at lungkot na nararamdaman nila.





I sighed and bit my lower lip as I looked at them. I caressed their back gaya nang lagi nilang ginagawa sa akin sa tuwing umiiyak ako, ganoon din ang ginawa ni Zahira.





Nagpunas sila ng luha nila, "lalaki tayo, p're. Bakit tayo umiiyak? Gago! Huwag ka ngang umiyak! Nakakahiya ka!" Singhal ni Peter na siyang nakakarami na ng iyak. "Tangina mo, mamaya may multo rito."






Nagpunas si Sweden ng mukha niya. Akala ko ay tapos na sila pero para na namang dinudurog ang puso ko sa sakit nang marinig ko ang sinabi niya.











"Alam mo ba kung ano iyong masakit, Ember?" Tumawa siya nang mapait. "Iyong kaibigan mo kami—mga lalaki kami, pero ni wala man lang kaming nagawa noong nasasaktan kayo ni Pam. Ni hindi man lang namin kayo naipagtanggol noong ginagawan kayo ng kahayupan ng mga gagong iyon! Iniisip namin kung anong mga silbi namin! Kaya hanggang ngayon, hindi namin maiwasang sisihin ang sarili namin sa mga nangyari sa 'yo, kay Pam, at sa pagkawala niya. Ang sakit!"





















To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 42.5K 48
Side story of Athaleigh and Artemis "I'll never like you, Levinson. I don't like bitch, spoiled and bossy women. You should put that in your mind." ...
3.5M 95.5K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
9.4M 262K 64
✪ TAMED • WRITTEN IN TAGLISH • SAPPHIC ROMANCE Zamantha Karssen Abvelino is a sponsored student, concealing her talent and struggling with a deflated...
60K 1.5K 39
Anong klaseng eskwelahan ito? Napaka misteryoso. Sino ba ang nagtayo ng ganitong klaseng unibersidad ? Anong klaseng mga estudyante ba ang mga nagaar...