My GF Is So Panget (Various F...

By PrinceofBanat

1.8M 11.2K 4.4K

Mukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't... More

Prologue and Chapter 1: The Voice
Chapter 2: Beleaguered Prince
Chapter 3: Kiss From A Witch
Chapter 4: Weapon of Miss Destruction
Chapter 5: He Who Persists
Chapter 6: In Action
Chapter 7: To Live with a Witch
Chapter 8: Just Us
Chapter 9: Tell Me Where It Hurts
Chapter 10: Newly Found Wall
Chapter 11: Flash Drive
Chapter 12: The Attack of the Flirting Prince
Chapter 13: The Road
Chapter 14: First 143
Chapter 15: Unsuitable
Chapter 16: First Date with Flirt Mate
Chapter 17: Davember
Chapter 18: The Only Exception
Chapter 19: The Battle
Chapter 20: Broken Friendship
Chapter 21: The Best Joke In Town
Chapter 22: My World
Chapter 23: Beauty Over Ordinary
Chapter 24: Relationship Status
Chapter 25: Is There One or None?
Chapter 26: Wake Me Up When September Comes
Chapter 27: Fucking Monthsary
Chapter 28: Ube
Chapter 29: Annoying Call
Chapter 30: Freed from a Fib
Chapter 31: The Decision
Chapter 32: Worst Feeling Ever
Chapter 33: I Love You Versus I Love You Too
Chapter 34: Eclipse
Chapter 35: Fujiwara Effect
Chapter 36: Tears of Joy
Chapter 37: Ube Mooncake
Chapter 38: The Extra Part 1
Chapter 39: The Extra Part 2
Chapter 40: Rainbow
Chapter 41: Compunction of An Ex-Angel
Chapter 42: This Week Is Not Weak To Make Me Miss My Miss
Chapter 43: I Seriously Hate One Lizard
Chapter 44: No More Ube
Chapter 46: Lost
Chapter 47: The Longest Word in the World
Chapter 48: Very Weary Christmas
Chapter 49: Silent Lover Here
Chapter 50: A Free Rapunzel
Chapter 51: Doomsday
Chapter 52: Crownless Princess
Chapter 53: Raise the White Flag
Chapter 54: Supernova
Chapter 55: Blood Tension
Chapter 56: Scars of the Stars
Chapter 57: No More Eclipse
Chapter 58: When Fate In Disguise Reveals Reality, It Sucks, Fucks, and Cracks
Chapter 60: Various Ways of Saying I Love You
Epilogue

Chapter 45: One More Lonely Girl

23K 109 101
By PrinceofBanat

Chapter 45: 

Maggie

 "1243...

 1243...

 1243...

 1243...

 1243...

 1243," paulit-ulit na binubulong ng hangin sa akin habang mabilis akong naglalakad papalayo kay Dave.

Pakiramdam ko may malaking bakal na bola na nakakabit sa kadena ang hila-hila ko habang nagmamadali akong lumalayo kay Dave--ang bigat--sobra. Hindi rin ako makahinga na animo'y may masking tape na nakatapal sa ilong at bibig ko. Pero sa kabila ng mabigat kong pakiramdam at hirap sa paghinga, nagawa ko pang maglakad papalayo nang mabilis. Pakiramdam ko tuloy, ang lakas-lakas ko.

 Ayoko na. Ayoko na talaga. Ayoko nang makarinig pa ng kahit na ano mula kay Dave. Ayoko nang marinig ang boses niya--ang mga kasinungalingan niya. Ayoko nang makita ang mga mata niya--ang buong mukha niya. Ayoko nang dagdagan pa ang bigat ng dibdib ko. Mabuti sana kung ikalalaki 'yun ng boobs ko--eh, hindi naman. Puro sakit lang naman ang nararamdaman ko.

Para akong sinaksak kanina deretso sa dibdib ko, nang sunod-sunod kong marinig ang mga sinabi ni Dave. Ginamit niya lang daw ako. Akala niya mangkukulam ako.

 At...

 "1243"

 At...

 "1243"

 At...

 Ie-engage na siya...

"HINDI AKO IIYAK. HINDI AKO IIYAK," ang naka-all caps na pilit kong pinaiikot-ikot sa utak ko ngayon, mabura lang ang puking inang '1243' na 'yan, pati na lahat-lahat ng mga sinabi ni Dave kanina. Tama na. Tama na ang ilang araw na nagpabaha ako ng luha. Ayoko na. Pagod na ako.

Pero...

Ang hirap!!!

Huminga ako nang pagkalalim-lalim. Gusto ko nang umiyak. No. Hindi pwede dito. Marami pang tao. Si Dave, ayoko ring makita niyang sobra akong nasaktan sa lahat ng kagaguhan niya. Kailangan okay lang. Kailangan hindi ako affected, kasi kung nag-breakdown ako kanina sa harap niya, mas lalo akong magmumukang kawawa. Panget na nga ako, niloko pa, tapos ano--dramatic actress pa? Shit. Putang ina niya!

 Nang makarating ako ng kanto, agad kong pinara ang tricycle na dumaan, pero nilampasan lang ako. Gagong driver. Gago. Gago. Gagogagogago. Kapag ayaw mong sumakay, hihintuan ka. Kapag gusto mo, lalampasan ka. Shit! Kailangan ko nang makasakay ora mismo--ngayon na, agad-agad. Baka maubtan pa ako ni Dave dito.

Nakaramdam ako bigla ng pangangatog ng tuhod. Kalma, Maggie, kalma. Hindi ka niya maaabutan. Ayoko na kasi. Hindi ko na kayang harapin pa si Dave. Ayoko nang magmukhang kawawa.

Galit na galit ako sa kanya. Gustong-gusto ko siyang saktan. Gustong-gusto ko siyang murahin. Gustong-gusto kong kolektahin lahat ng mura sa mundo para i-tattoo sa buong pagkatao niya. Gusto ko siyang balatan ng buhay. Gusto ko siyang kalbuhin, kalmutin, kurutin, tusukin, tirahin, tiradurin, suntukin, sipain, saksakin, barilin, barenahin, bukbukin, durugin, patayin. Hayop siya! Hinihingal na tuloy ako. Ang sarap niyang saktan. Gusto kong putulin pati ano niya... Tang ina niya. Ang dami kong gustong gawin sa kanya kanina na hindi ko nagawa.

 Kailangan ko na talagang makaalis, baka maabutan niya pa ako dito. Huwag kang lilingon, Maggie. Huwag na huwag. Pero lumingon pa rin ako bigla. Hinanap ko kung nasaan si Dave, baka kasi sinundan niya pa ako. Hinanap ko sa kanan at sa kaliwa, sa likod at sa harap. Wala. Hinanap ko uli. Kanan, wala. Kaliwa, wala. Harap, wala. Lilingon na ba ako? Hindi. Huwag! Nasa likod ko na siya. Lumingon ako... Wala pala. Gago talaga siya. Hindi niya talaga ako sinundan.

Bakit kasi Dave? Ba't mo'ko ginanun? Ang tanging akala ko isang bagay lang ang tinatago mo sa akin. Shit! Ang dami pala.

Nabigla ako nang ma-realize kong may tricycle na palang nakatigil sa harap ko para isakay ako, pero nang mapansin ko 'to, agad naman itong umandar palayo. Ano 'yun? Gaguhan? Patikim lang? Hayop. Ang daming hayop! Uuuggghhh!!!

Wala pa rin akong masakyan kahit jeep man lang, hanggang sa naisip kong dumeretso na lang sa paradahan--panigurado akong maraming jeep doon.Pero nang makarating ako sa paradahan, punong-puno na ang mga jeep. Siyempre, rush hour, te! Ano ba?! Nagpasya na lang akong sumakay ng tricycle. Sa backride ako sumakay sa pagitan ng isang lalakeng estudyante at ng driver.

Pumasok na naman sa isip ko ang sinabi ni Dave. Ano daw? Akala niya kinukulam ko siya kaya sinakyan niya ako? Tang ina nya talaga, sagad-sagaran. Minsan na akong nakarinig ng mga ganung pang-aasar sa akin sa school na witch daw ako at siyempre, masakit 'yun, lalo na't ngayong alam ko na pati pala 'yung taong minahal ko, eh, ganun ang tingin sa akin. Mga tanga. Lahat sila, mga tanga. Oo, avid fan ako ng Harry Potter, Secret Circle, The Warlock Saga, Her Mispelled Love Story--pero ako, witch? Sana nga, para isang tira ko lang ng 'Avada Kedavra' kay Dave... Boom! Patay agad ang gago. Hindi. Mali. 'Crucio', crucio ang bagay kay Dave, para mabaliw siya sa sobrang sakit na ipalalasap ko sa kanya. Mukha na ba talaga akong mangkukulam sa sobrang panget? Mala-Betty La Fea ba ako? Hindi naman, ah?! Ang sasama nila--nilang lahat! Akala mo kung sinong magaganda't pogi.

Muntik na akong mapasandal sa likod ng driver. Buti na lang napigilan ko kundi nakakahiya. Ang bigat-bigat at ang init-init ng pakiramdam ko. Nakikisabay pa ang mga usok ng tambutsyo ng mga sasakyan. Shit. Gusto ko na talagang umiyak, pero hindi pa pwede. Dumadagdag pa sa sama ng pakiramdam ko ang nakakabwisit na traffic.

Bumaba na lang kaya ako at tumakbo pauwi? Tapos sana umulan para makaramdam ako ng lamig. Siguro ito 'yung dahilan kung bakit laging umuulan sa TV at pelikula kapag nagbe-breakdown na ang bida: Para hindi mahalata ng ibang tao na umiiyak siya, at para maibsan ang nag-aapoy niyang pakiramdam.

Gusto kong umulan na ng malakas para naman damang-dama ko ang kadramahan ko ngayon, puta! Tapos tatakbo ako nang mabilis, mabilis na mabilis para mapagod ako. Tapos madadapa ako. Ayun, pag nangyari 'yun, baka pwede na talaga akong umiyak. Tapos hindi ako tatayo. Maghihintay akong may umakay sa akin pag nangyari 'yun. Ngunit isa talaga akong dakilang malas--walang ulan ngayon. Ang tanging ulan ay nasa dibdib ko. Mali. Hindi 'to basta-basta ulan--bagyo 'to. Pucha!

"Ineng! Hoy ineng!" sigaw ng driver.

Nagulat ako sa kanya. Aba, bakit niya ako sinisigawan? H'wag siyang aano-ano, baka maano ko siya. Nang bigla ay napansin kong ako na lang pala ang sakay niya. Kanina niya pa pala akong tinatawag. Anong nangyari? Suddenly it's... Tadaaa! Nawala nang parang bula ang mga pasahero? Hindi naman ako nakatulog, ah?! Paanong...

Tumugon na lang ako ng, "Ay, sorry po."

"Sa'n ka baga?"

"Sa ano, ho... Sa Papaya street, ho."

"Narine na tayo sa Papaya, kanina pa. Kanan ga, kaliwa?"

"Ah, eh, kaliwa ho. Ah, ano po pala, para na lang po pala." Bumaba na ako pero muli akong tinawag ng driver paglayo ko.

"Ineng, nakabayad ka na ga?"

"Ay," napakamot ako ng ulo at sinabing, "Sorry ho." Dinukot ko sa bulsa ko ang bayad ko at inabot sa driver. "Eto ho." Nakakahiya ako. Ang sama ng tingin sa'kin ng driver. Hmp. Wala akong pake. Bad mood ako kaya huwag niya akong susubukan.

Inayos ko muna ang sarili ko bago pumasok ng bahay. Tinignan ang oras sa phone ko, pero naka-off pala 'to. Nakalimutan kong i-on kanina. In-off ko nga pala 'to kanina nung nasa library ako. Nang mabuksan ko na at nagsunod-sunod ang pagpasok ng messages sa phone ko ay kinabahan na ako. Puro text galing kay mama at kay MJ. Hinahanap na nila ako. 8:30pm na pala--patay! Sobrang late na ng uwi ko. Kailangan kong makaisip ng palusot. Isip, Maggie, isip. Dali!

"Saan ka baga galing, ha?" nakapamewang na tanong ni MJ na akala mo'y nanay namin kung umasta nang pumasok ako.

"Nag-library ako. Nag-review. Nagpa-xerox. Natagalan. Na-traffic. Na-lowbat ang phone," sunod-sunod at walang kagana-gana kong sinabi kay MJ.

Wala pa pala si mama kaya swerte pa rin ako.

"Kumain ka na, ate?" tanong ni Marian. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko ng tanungin niya ako at makita siyang bagong linis, naka-pajama na at handa nang matulog. In short, amoy baby na uli ang bunso namin.

"Mmm... Hindi pa. Kakain pa lang."  Pinilit kong ngumiti. "Sige, akyat ka na. Good night." Lumapit ako sa kanya at nag-kiss.

"MJ, paki-text na lang si mama na nandito na ako. Kain muna ako. Ite-text ko na lang din siya mamaya."

"Okay," tugon niya.

Pagkatapos kong kumain at maghugas ng kinainan ay nagtungo na ako sa kwarto ko. Ni-charge ko ang phone ko, saka nag-text kay mama. Naghintay ako saglit ng reply... Pero wala... Walang text mula kay Dave. Teka, mali... Kay mama pala. Hindi pa nagre-reply si mama. Pero si Dave, hindi... Wala akong pake. Wala akong pakialam kahit mag-text pa siya o hindi.. Pero wala nga, wala pa nga siyang text. Kumuha na lang ako ng damit pantulog. Bumaba ako at nagtungo sa banyo.

Umupo muna ako sa toilet bowl. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bakit ako pumunta ng banyo? Hindi naman ako naiihi or napoo-poop? Makalipas ang ilang sandali ay naalala kong maglilinis nga pala ako ng katawan kaya tumayo na ako.

Napaharap ako sa salamin. Ang panget ko. Nagsulputan na naman ang mga pimples ko. Andami sa noo, tapos meron pa ngayon sa left cheek ko. May kalakihan ang isang 'to sa bandang kanan ng noo ko kaya tiniris ko.

Shit!!! Ang sakit! Napaluha tuloy ako. Para din palang pimples ang Dave na 'yun. Masarap tirisin... Pero... Pero masakit.

Gusto ko nang umiyak--siguro naman pwede na dito. Wala ng ibang tao. Iyak na, Maggie, dali. Pero bakit hindi ko magawa? Nag-make face ako sa salamin. Shit. Bakit? Bakit walang luhang lumalabas, kahit 'yung dibdib ko, gusto nang sumabog? Kailangan ko pa bang tirisin lahat ng pimples ko para mailabas lang ang lahat ng sama ng loob ko? O baka pagod na talaga ako? O baka naman kulang pa ang sakit? Wait, sandali naman. Kulang pa? Eh, ang dami ko ngang nalaman na hindi ko ine-expect, kulang pa?

Tumalikod na ako sa salamin, inabot ang tabo at binuhusan ang buhok ko.

HAAA!!! ANG LAMEEEG!

Sa sobrang lamig ay napatalon-talon pa ang mga paa ko. Ang tanga-tanga ko. Hindi naman ako maliligo, eh. Maglilinis lang ako dapat ng katawan, pero bakit ko binasa ang buhok ko? Ang tanga. Umupo ako sa sahig ng banyo. Hinalo-halo ko ang tubig sa balde gamit ang kamay ko. Ang lamig.

Muling pumasok sa isip ko si Dave. Wala na. Wala na talaga kami. Ang sama-sama niya. Single na uli ako. Bakit? Bakit ako pa? Bakit sa'kin nangyari 'to?

Ginamit niya lang pala ako. So tama 'yung sinabi noon ni Lani na ginamit niya lang ako para pagselosin siya. Akala ko noon, echosera lang siya, eh. Totoo pala. Bakit ako? Tapos sabi niya pa, akala niya ano, ginagayuma ko siya? Tang ina niya. Mukha na ba talaga akong mangkukulam? Kung pwede lang sana, eh, para makulam ko talaga siya. Pag nagkataon, pasusukahin ko siya ng ipis, daga, uod, sawa, pati buwaya--yung kasing laki ni Lolong. Tignan ko lang kung kayanin niya.

Ang sakit, shit! Tumulo na ang luha ko, pero agad ko 'tong pinunasan. Sumandal ako sa pader. Naramdaman ko ang lamig sa likod ko kaya hindi na ako sumandal. Nagbuhos ako uli. Binuksan ko ang gripo para maikubli ng ingay nito ang ingay ko kung sakali mang humagulgol ako ngayon dito sa pag-iyak.

Isa lang naman talaga kasi ang alam kong major-major na kasalanan sa akin ni Dave, pero kanina nalaman kong madami pala. Naalala ko na naman tuloy...

"Cuz, 'lika," tinawag ako ni ate at pinasampa sa kama niya.

Sumampa naman ako't humiga habang siya nama'y nakaupo.

"I think it's time para sabihin sa'yo ang tungkol dito," aniya habang nakangiti  at hinihimas ang pendant niyang hugis araw.

Nagulat ako kaya bigla akong napaupo at tinitigan ang pendant niya. "Eee...ate! Dali, dali! Chika mo sa'kin," sabi ko na puno ng excitement.

"It's a gift... From someone special. Hmm... He's, um, a childhood sweetheart. Hmm... Puppy love? He he," nahihiya niyang sinimulan.

Nakangiti lang ako noon nang malaking-malaki habang nagsasalita siya. Sabi ko pa sa sarili ko, "Sa wakas, ang ate Beng ko, ikukwento na sa akin ang tungkol sa love life niya." Atat na atat ako that time, kaya hindi ko namalayan ang kahahantungan niyon.

Super close kami ng ate Beng ko, pero kahit ganun, never niyang binanggit sa akin ang tungkol sa love life niya o kahit man lang crush niya. Ilang beses ko na ngang sinubukang magpakwento pero ni minsan, hindi ako nagtagumpay na gawin 'yun. Hanggang sa dumating na nga ang gabi ng pagbubunyag. Hindi. GABI NG LAGIM--para sa akin.

Kinuwento niya na nga sa akin ang one great love niya. Si ate Beng daw ang Moon, si boylet niya daw ang Sun. Never niya daw ikinwento sa kahit na sino ang tungkol sa kanila dahil magkaaway daw ang mga parents nila. Pero iba na ngayon dahil they're friends na nga raw.

"Romeo and Juliet lang ang peg," komento ko.

Hanggang sa pinakita na niya sa akin ang picture ng isang lalakeng payat, singkit, maputi--oo na--ang gwapo-gwapo nung lalake sa picture. Pero napakunot-noo ako nang makita ang lalake sa larawan. Parang kilala ko kasi. Parang...

"Teka, bakit kamukha ni Dave? Ay, hindi. Magkamukha lang sila," sabi ko sa sarili ko. Tapos na-realize ko bigla na sa SHU nga pala dati nag-aaral si ate Beng. Huhluh! Hindi, hindi. Kamukha lang 'to ni Dave. Siguro, graduate na ang lalakeng 'to; o kaya 3rd year pa lang; o kaya lumipat na ng school; o kaya patay na. Ilan lang 'yun sa mga idinahilan ko sa sarili ko hanggang sa kinuha ni ate ang phone niya, at sinabing, "Oops... Mali."

Shit. Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya 'yun. Sabi na, eh. Hindi 'yun si Dave. Ibang tao ang love of her life. Iba. Hindi si Dave. Hindi. Yehey! Tinawanan ko lang si ate noon.

"Mali. Ha ha. He was in first year high school pa sa picture na 'to. Um, wait. Uh... Here. Here's his latest picture," sabay harap niya sa akin ng picture ng lalake niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko 'yun. Nahinto pati paghinga ko. Unti-unti ay naglaho sa pandinig ko ang walang prenong pagsasalita ni ate Beng. Wala na akong naririnig maliban sa napakabilis na tibok ng puso ko. Wait, puso! Kalma! Relax! Shit! Kilala ko ang lalake ni ate Beng. Shit talaga. Ang man of my cousin-slash-bestfriend... Shit! Boyfriend ko 'yan, ah!

Ay, hindi, hindi, hindi, hindeee!!! Kamukha lang 'yan ni Dave. Kamukha lang. Putang ina 'yung ngiti niya: Dave na Dave, eh.

"Hey! Maggie! You're not listening naman, eh. Do you know him? Huh?"

Pinilit kong magsalita at itago ang super kaba ko. "Ha?" 'Yung kabog ng dibdib ko, haaalaaa! "Siya?" Pinilit ko pang tumawa. "Ha ha... Eh, um, hi-hindi, eh."

"Really? He's kind of popular in your school. 'Di ba sa S.H.U. ka nag-aaral?"

"Ha?" Anong sabi ni ate? S.H.U.? Saan 'yun? "Ah... Ha ha ha. Hindi kaya!"

"Maggie, are you out of your mind? Sa Sacred Heart University ka nag-aaral."

"Oo. Dun nga, bakit?" Out of my mind? Ang gulo ni ate.

"Anong bakit? Bakit sabi mo hindi?"

"Haa? Sinabi ko 'yun?"

"Cuz, ano ba? Anyway, hindi mo talaga siya kilala? Promise? Look at him again. Baka makilala mo." Hinarap niya uli sa'kin ang picture. Shit! Dave? Hindi ikaw 'yan. Sabihin mo, hindi ka si Dave. Kung nakakapagsalita lang sana ang picture. O kaya ano na lang? Basagin ko na lang din kaya ang phone ni ate gaya ng ginawa ko sa phone ni Lani?

"Hindi nga. Sa dami ba naman ng students sa S.H.U., ate. Ikaw talaga!" tugon ko na para nang napipikon.

"David de los Santos, hindi mo kilala?"

"Ha?!" 'Yung name. Wow! Hindi lang kamukha--kapangalan pa!

"Kanina ka pa, ha." Tumayo si ate at may kinuha sa drawer. Pagbalik niya, "Here! Cotton buds. Ang bingi-bingi mo. David de los Santos nga."

"Hi-hindi nga. Hindi ko kilala." Pu... Putang ina talaga. Itanong ko kaya ang middle name? "Ahhh... Ano bang ano? Mi-middle name?"

"Why? Why are you asking?"

Ay, mali! Oo nga naman, bakit ko tinatanong? Anong pakialam ko sa middle name? Interesado ba ako? Hello?! Bakit? Ah, ah... Siyempre, ate... Baka kasi boyfriend ko 'yan. Magdahilan ka, Maggie. Magdahilan ka.

"Um, ano... Ah, para ano... Flames! Eee??? I-flames natin?" Shit. Ano 'yung sinabi ko?Pinilit ko na lang ngumiti.

"Sige-sige! Wait," sabi niya.

Ay, shit! Patola! At talagang pumayag nga.

Tumayo si ate--naghanap ng notebook at ballpen, habang ako, nanginginig na ang buong kalamnan ko. Hindi niya pwedeng mahalata. Hindi. Humiga ako, kumuha ng unan para yakapin, at saka nagkumot. Umarte akong inaantok na.

Nang makabalik siya sa kama ay agad niyang sinabing, "Oh? Akala ko mag-f-flames tayo? Get up, ano ba? It's too early to sleep."

Hindi ko na maintindihan ang kaguluhang bumabalot sa dibdib ko, tapos ii-its-too-early-to-sleep niya pa ako. Hinila ako ni ate para bumangon.

"Maggie naman, eh. Akala ko ba chika all night tayo?"

Hindi ako nag-react sa kanya.

Tok! Tok! Tok!

Nagulat ako sa kumakatok.

"May tao," sabi ko. Hindi siguro narinig ng kumakatok ang sinabi ko kasi medyo boses paos ang pagkakasabi ko. Kumatok uli siya. Nilunok ko ang laway ko at nilaksan ang, "May tao!"

"Bilisan mo!" Si mama pala. Nagmadali na ako ng pagligo. Nang lumabas na ako ay nakaabang na si mama sa labas ng banyo. Sinalubong ko siya ng beso.

"Gabing-gabi na, naligo ka pa. At bakit?

Tinitigan ako ni mama. "Bakit? Umiyak ba ang anak ko?" Shit! Nahalata ni mama! Hinawakan niya agad ang magkabilaang pisngi ko at in-assess ang mga mata ko.

"Maaa..." sabay yakap sa kanya. Humagulgol na ako kay mama. Magkayakap kami at hinihimas niya ang likod ko para kumalma. For awhile, nakaramdam ako ng comfort sa mga bisig ni mama. Nakahanap ako ng kakampi, karamay, katuwang. Pwede na uli akong maging mahina. Shit, ang sarap umiyak.

"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?"

"Maaa... Ano pooo..

 

...

 

...

 

...

 

...Natalsikan ng shampoo 'yung mata ko."

Binatukan ako bigla ni mama. Nagdahilan ako ng iba, dahil hindi ko pa kayang ikuwento ang problema ko kay mama.

"Akala ko kung ano na. Hala, sige. Akyat na. Magpatuyo ka muna ng buhok bago matulog."

Umakyat na ako. Gustong-gusto kong isumbong lahat kanina kay mama ang nararamdaman kong sakit, pero hindi ko kaya. Ayoko. Ayokong pati siya mamroblema sa akin. Tsaka, wala naman siyang magagawa, eh. Walang kahit na sino ang may magagawa para tulungan ako. Ganito pala kasakit ang katotohanang sarili mo lang ang kakampi mo sa lahat ng oras--ang tanging taong hindi mang-iiwan sa'yo. Okay na 'to kaysa naman sarili mo na nga lang, hindi mo pa kayang tulungan. Oo -- it is sweet to have someone wipe your tears, but still, it is better to wipe your own tears. Ayan, napa-english tuloy ako.

Nang makapagpatuyo na ako ng buhok ay humiga na ako para matulog. Pumasok uli sa isip ko 'yung flames nina ate Beng at ni Dave. Nang sabihin na ni ate Beng ang middle name ng lalakeng tinutukoy niya... Para akong natabunan ng lupa. Hindi ako nakagalaw. Hindi ako nakahinga.

"Angeles ang middle name niya," aniya. Sunod ay isinulat niya sa papel ang buong pangalan nila. Isa-isang ni-cross out ni ate Beng ang mga letters na magkakapereho sa buong pangalan nilang dalawa:

    September Lyn Roa Flores

    David/Gago/Hayop/Tanga/Bobo Angeles de los Demonyo.

Shit! Ngayon ko lang na-realize, may angel na, may saint pa ang pangalan. How ironic!

"Cuz, help! Meron pa ba?" naalala kong pangungulit ni ate.

Hindi ko tinulungan si ate that time. Ayoko nga. Ang swerte niya naman para tulungan ko pa siya sa Flames nila. Wala akong ibang nagawa kundi tumitig lang sa pangalan ni Dave. Nang mga oras na 'yun, tanong ako nang tanong sa sarili ko kung totoo bang nangyayari 'yun--totoo nga.

"28," ani ate Beng nang matapos na siya sa pag-cross out.

Dasal ako nang dasal noon na sana bumagsak sa 'anger' or 'enemy' ang result, o kaya kahit 'friends' na lang para naman hindi harsh at realistic pa rin, pero nang matapos nang magbilang si ate.

"Whoa! See?! We really are meant for each other...awww," sabay yakap sa akin.

He he. Galing. Ganda ng result ng Flames nila. Kung pwede ko lang itulak si ate nang gabing 'yun, nagawa ko na. Pero hindi, napayakap na lang din ako kasi siyempre...ako ang bestfriend.

Shit naman kasi 'yung result: Marriage. Shit. Shit. Shit. Sukob 'yun! Sukob sana!!!

Ngumiti din ako kay ate with super duper ever effort. Dapat kasi happy and supportive bestfriend lang ang peg ko. Hindi ako pwedeng umangal, kaya lalo akong nasaktan. Nakangiti ako kahit ang mga luha ko'y sumisiksik na sa gilid ng mga mata ko. Nakangiti ako kasi hindi ako pwedeng umiyak. Kunyare masaya ako kahit para na akong mamamatay. Kailangan, eh. Masaya ang ate Beng ko, at bilang bestfriend at pinsan, dapat happy rin ako. Gustong-gusto kong hilahin ang buhok ni ate Beng nang mga oras na 'yun at sigawan ng, "Boyfriend ko 'yang sinasabi mong fiance mo, shit!" Pero hindi ko nagawa. Ngiti-ngiti lang. Kunyari masaya. Ang hirap.

Mahigpit ang yakap ni ate Beng. Naramdaman ko ang umaapaw niyang kasiyahan kaya hindi ako kumontra. Mahal ko si ate--kahit galit na galit at inggit na inggit na ako ng gabing 'yun. Nang bumitaw na si ate sa pagyakap sa akin ay nabigla siya't sinabing, "Cuz?! Oh, my God, what happened?" Pinunasan niya bigla ang tumulo kong luha nang hindi ko namamalayan. Nablangko bigla ang utak ko.

"Maggie, tell me. What's wrong? Bakit ka umiiyak?"

"Ah, ate. W-wala... Ano ka ba? Masaya ako. Masaya ako--para sa'yo," sabi ko nang may panginginig sa boses ko. Pinilit kong sabihin 'yun ng may ngiti kahit ang totoo--hindi--hindi ako masaya. Nginitian ko siya sabay punas uli sa isa pang luha kong bumagsak.

"'Cuz, I know you--and you know me."

Naalala ko, hindi nga pala naniniwala si ate sa 'Tears of Joy'. Ni-shake ko nang madami't mabilis ang ulo ko, at nang bigla ay napayakap na ako kay ate't humagulgol ng iyak--hindi ko na talaga napigilan.

Hinimas-himas ni ate ang likod ko at sinabing, "Awww... Sige, ilabas mo lang."

Bumitaw si ate sa pagkakayakap ko't pinunasan ang mga luha ko. "C'mon, sabihin mo sa'kin. Bakit ka umiiyak? Tell me, makikinig si ate. Nandito ako. You know I love you," sabay hawi niya ng buhok ko mula sa mukha ko.

Hindi ko siya matitigan, mata sa mata.

Gunaw na gunaw ang mundo ko nang gabing 'yun. Pakiramdam ko, isa akong tower na unti-unting nag-collapse mula sa loob hanggang sa tuluyan nang bumagsak.

Pakiramdam ko rin, para akong taya sa taguan, at boom! Bulaga! Nagpakita bigla sa akin ang matagal nang nagtatagong katotohanan: ANG BOYFRIEND KO AT BESTFRIEND KO... NAGMAMAHALAN ANG MGA PUTA.

Ang sakit-sakit isiping sa kabila niyon ay hindi ako pwedeng magalit kay ate. Wala siyang alam. Obvious naman, eh. Masaya lang siya at hindi ko pwedeng sirain 'yun. Para pa akong tanga dahil ang taong kumo-comfort sa akin ang dahilan ng pag-iyak ko--at lalo pa akong nagmukhang tanga dahil hindi ko pwedeng ipaalam iyon.

Naisip ko: Paano kung si ate ang unang nakaalam ng tungkol sa amin ni Dave? Malamang, gagawin niya din ang ginagawa kong pananahimik at pag-iyak nang mag-isa at patago ngayon. Napakasama ko para hilingin na sana nga siya na lang ang unang nakaalam para ako ang masaya ngayon; ang nagkukwento ng love life; at ang kinikilig. What if, 'no?! What if!!!

Pinilit kong tumahan sa harap ni ate nang gabing 'yun. Idinahilan ko na naalala ko lang si Julian. Yes, si Julian. Paano kaya kung buhay pa siya? Edi, sana masaya pa rin ako. Sana may love life pa rin ako. Sana hindi ako ginanito ni Dave. Sana pareho kaming masaya ni ate ngayon. Sana. Ang daming sana. Sana hindi na lang naimbento ang salitang 'sana'.

Naalala ko, sabi ni ate nang gabi ring 'yun, "I thought naka-move on ka na. Sorry...sorry for...for making you to feel his absence. I-I didn't mean it."

Niyakap ako ni ate at binulangan ng maraming sorry. Sumagot ako ng, "Wala kang kasalanan, ate. Napa-emo lang ako bigla. Ikaw naman. Ok lang." Pero sa loob ng utak ko, sinabi kong, "Bakit kasi umuwi ka pa?! Ikaw. Kayo ni Dave ang may gawa kung bakit ako umiiyak ngayon--at hindi--hindi ako okay. Walang okay! At 'yang sorry mo--hindi ako matutulungan niyan!"

"You really love him, 'no?! Aw, you do have a good heart my dear cuz," dagdag pa niya. Hindi ko siya sinagot, bagkus sa isip ko, sabi ko, "Oo, mahal ko si Julian pero dahil sa Dave mo, nagawa kong kalimutan siya, kaya nakakainis. Kung bakit ba naman kasi..."

Nawalan na ako ng gana nang gabing 'yun. Pinilit ko na lang si ate na matulog na kami, kahit ang totoo, hindi ako nakatulog nung gabing 'yun. Nakaramdam ako ng sobrang inggit kay ate. Inggit na inggit ako sa kanya. Si ate Beng: mabait, maganda, matalino, mayaman, at ngayon fiancee ng boyfriend kong gago. Plus the fact na ang sarap ng naging tulog niya nung gabing 'yun--ang lakas pa ng hilik niya, habang ako pilit na pinipigilan ang pag-iyak, at tinitiis ang nakakasura niyang hilik.

Nung gabi ng lagim na 'yun, oo, pigil na pigil ang iyak ko, pero ngayon eto na siya: Humahagulgol na naman ako. Hindi ko na mapigilan. Ito 'yung kanina ko pang hinihintay. Niyakap ko nang mahigpit na mahigpit ang unan ko at sinubo ang gilid nito para hindi ako makalikha ng ingay dahil sa pag-iyak.

Ang sama-sama ni Dave. Ang sama-sama niya. Bakit niya ginawa 'yun? Bakit sa akin? Bakit hindi niya man lang sinabi kay ate na may girlfriend siya? At bakit hindi niya man lang sinabi sa akin ang tungkol kay ate? Alam ba niya na magpinsan kami? Malamang, hindi. Gago siya. Anong balak niya? Pagsabayin kami? At sinong kabet? Ako? Si ate?

Ang sakit nga pala talaga. Ang sakit maramdamang may kahati ka sa minamahal mo: Ang pakiramdam na hindi mo maaangkin ang pagmamahal niya nang buo--sa kabila ng pagmamahal mo sa kanya nang buong-buo. Higit pa 'to sa nakakabwisit na pakiramdam na makitang dinilaan ng ibang tao ang ice cream mo.

Pagkatapos ng gabing 'yun ay iniwasan ko na si ate, at siyempre pati si Dave. Idinamay ko pati sina Chloe, Daniel, at Don. Wala akong pinansin kahit isa sa kanila. Lahat ng text at tawag sa akin, hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin--lalo na ang lahat ng mula kay Dave. At ang mga imbitasyon naman ni ate Beng, lahat tinanggihan ko.

Nang makauwi ako galing sa bahay nina ate, umiyak lang ako nang umiyak. Pero hindi ko ipinahalata sa kahit na kanino ang sama ng loob ko. Nang ma-realize kong malapit na ang exam, nagpaka-busy ako sa pag-aaral para na rin ma-divert ang atensyon ko.

Hindi ko pa rin mapahinto ang sarili ko sa pag-iyak. Hindi na ako makahinga ng ayos. Para akong batang hapong-hapo sa pag-iyak. Itinaklob ko sa mukha ko ang unan ko at itinodo pa ang pag-iyak. Nang makaramdam akong hindi na ako makahinga ay inalis ko na ang unan. Umupo ako sa kama at ipinunas ang kumot ko sa aking mga luha. Um-inhale-exhale ako. Kailangan ko ng hangin, pero higit pa dun, mas kailangan ko ng karamay: Iyong mayayakap at masasandalan ko--at magpapatahan sa akin.

Gusto ko ng karamay, pero wala, walang pwede. Paano? 'Yung boyfriend ko at bestfriend ko, ayun, ha ha, ie-engage na.

Puntahan ko kaya si mama? Baka sakaling gising pa siya. Pumunta ako sa kwarto ni mama, pero nang akmang kakatok na ako--tanging malakas na hilik niya na agad ang narinig ko. Napaiyak na naman ako. Awang-awa na ako sa sarili ko. Mag-isa lang ako. Walang karamay. Mag-isa... Mag-isa.

Bumalik na ako sa kwarto ko't nahiga, saka umiyak uli nang umiyak. Sinubukan kong umiyak ng may tunog para kung sakaling marinig ni mama o ng mga kapatid ko na umiiyak ako, baka puntahan nila ako at patahanin--pero wala--walang nakarinig ng pag-iyak ko kaya tumahimik na ako.

Kakayanin ko 'to. Kakayanin ko. Ako pa?!

'Yung kanina, 'yung pag-uusap namin ni Dave, lahat naalala ko na naman. Sincere ba siya? Feeling ko, oo. Pero ang mali ay mali. Nasaktan niya ako ng sobra. Tapos! Wala na. Wala na kami. Nagunaw na ang mundo ko--durog na durog.

Ie-engage na daw siya at hindi niya sinabi sa akin. Marami daw siyang hindi sinabi sa'kin kasi ayaw niya daw akong masaktan--kasi nga daw mahal niya ako. Weh? Fuck you, Dave! Fuck you talaga!

Pinilit kong pumikit pero ang pag-iyak ko, hindi ko pa rin mapigilan. Sinubukan ko na lang pahintuin ang utak ko--baka sakaling makatulog rin ako.

Stop thinking...

Stop thinking...

Stop thinking...

"Mahal kita," ani Dave.

Stop thinking...

Stop thinking...

Stop thinking...

Lumuluha si Dave.

Stop thinking...

Stop thinking...

Stop thinking...

"Maggie, sorry. Ayusin natin 'to," pakiusap niya.

Stop thinking...

Stop thinking...

Stop thinking...

 

'Yung mga text niya sa akin...

 

Stop thinking...

Stop thinking...

Stop thinking...

'Yung mga mata niya...

Stop thinking...

Stop thinking...

Stop thinking...

'Yung paghawak niya...

Stop thinking...

Stop thinking...

Stop thinking...

'Yung mga banat niya...

Stop thinking...

Stop thinking...

Stop thinking...

"1243"

Stop thinking...

Stop thinking...

Stop thinking...

May narinig ako sa likuran ko na tumatakbo nang mabilis papalapit sa akin. Nang lumingon ako'y nakita ko si Dave. Nakahawak sa tuhod, nakayuko, at hingal na hingal na parang aso. Sinimangutan ko lang siya nang tignan niya ako. Ngumiti siya. Hindi ako ngumiti. Tinalikuran ko siya't iniwan.

Nakaupo sina Dave at Lani sa bench sa ilalim ng puno. Nakaakbay si Dave kay Lani, habang nakasandig naman ang ulo ni Lani sa balikat ni Dave. Bakit ang sweet nila? Anyway, wala akong pakialam. Nakangiti pa sila sa akin. Nang bigla'y humampas ang malakas na hangin sa akin. Nangangatog ang tuhod ko. Kalma. Hindi ka nila pwedeng makitang apektado. Hindi ka apektado sa kanila. Wala kang pakialam sa kanila.

Lumakad ako palapit kina Dave at Lani. Napaupo nang tuwid si Lani nang makalapit ako sa kanila. Tinitigan ko ng masama ang maganda niyang mukha. Maputi. Maamo ang mata. Matangos ang ilong. Makinis ang balat. Mapula ang mga labi. Isang prinsesa ang tinititigan ko ngayon--prinsesang masarap sabunutan.

"Maggie..." nagsalita si Dave habang nakangiti. Ipinakilala niya ang kasama niya. "September by the way... My wife... For life."

Kamukha ni Lani ang ate Beng ko. Mali. Mali ako. Si ate Beng. Si ate Beng ang katabi at kaakbay ni Dave ngayon. Si ate Beng ang tinititigan ko ngayon--hindi si Lani.

Napamulat ako. Madilim. Pumikit uli ako.

May baby nang dala sina Dave at ate Beng.

"Ninang ka, ha," ani ate.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa gilid ng mata ko. Mainit na luha. Nagbabaga. Nakakapaso. Ang paghinga ko, hinahabol ko na naman. Ang mga tuhod ko, nanginginig sa lamig. Hinigit ko ang kumot ko, saka ako nagbalot at namaluktot.

Iminulat ko uli ang mga mata ko. Madilim pa rin. Hindi ko alam kung nakatulog ba ako at nanaginip, o kung totoo ang pangyayaring nasaksihan ko. Pero ang sama ng loob ko ngayon--totoo--sobrang totoo ito. Hindi ko na naman napigilang umiyak.

Pakapa-kapa kong hinanap ang phone ko para tignan ang oras. 4:47 am na pala. Tinignan ko kung may text, may tatlong new messages, pero... Walang text mula kay Dave. Pinunasan ko ang luha ko at muling pinigilan ang pag-iyak. Pumikit uli ako pero hindi na ako nakatulog.

Ilang minuto ang lumipas ay bumangon ako, binuksan ang ilaw at kinuha ang mga gamit ko para mag-review sa exams namin on Monday.

Nakatitig lang ako sa notebook ko... Pero wala akong naintindihan.

***

Mabilis kong natapos ang unang dalawang exam sa Economics at M.A.P.E.H. Hinihintay ko na lang dumating ang test paper namin sa Filipino. Parami na nang parami ang nakatapos at naghihintay sa huling exam ngayong Lunes. Sa'n ba kasi napadpad 'yung test paper? Nakakainis. Paano ako makakauwi nito nang maaga?!

Tapos na ang lahat, wala pa rin ang test paper. Paingay na rin nang paingay ang buong classroom namin kaya naiinis na si ma'am Vargas, at naiinis na rin ako. Shit.

Napatingin ako sa pwesto nina Chloe at Dan. Busy silang dalawa sa iPad ni Chloe. Si Don naman ay nag-iingay. Kung sino-sinong kadaldalan. Hindi ko nakita si Dave. Wala naman akong pake. Ay! Ayun pala ang gago. Nakasubsob sa arm desk niya. Nakataklob ang mukha. Parang natutulog. Maganda 'yan. Matulog siya nang matulog. Babangutin sana siya, tsaka sana h'wag na siyang magising.

Nagpasya na lang akong kunin ang notebook ko sa Physics para mag-review. Gagong Dave. Kaya hindi ako nakapag-aral nang husto, eh. Naiwan pala 'yung notebook ko sa kanya. Nalaglag ang notebook ko nang madali ni Fernandez nang dumaan siya. Nagulat ako nang makita ko ang page na nakabukas nang malalag 'to. May nakasulat na liham. Hindi ko sulat kamay ang nakasulat kaya agad kong kinuha at tinignan para basahin. Isang letter.

Galing...

Galing kay... 

                        Dear Physics,

                                                        (mahabang message)

                                                                                                       Forever Her Ube,

Mr. Physics/David Angeles de los Santos

Sinara ko agad ang notebook ko. Natakot ako na baka may ibang makakakita. Tama ba 'yung nabasa ko? Dear Physics? Forever Her ano? Ube? Mr. Physics? David Angeles de los Santos?

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko at mulat na mulat ang mata.

Ano 'yun? Ano 'yung nakasulat?

Dahan-dahan ko uling binuksan nang bahagya't sinilip ang nakalagay. Huhluh! Tama nga. Sinulatan pala 'to ni Dave. Pero paanong???

"Um, class, is everybody done with the second exam?" tanong ni ma'am. Tapos na ang lahat pero wala pa rin ang test paper sa Filipino. Walangya naman, oh.

"If you want, you may take a break first while waiting for the test paper to arrive; or you can stay here and have a review," ani ma'am. Dahil dun ay agad akong lumabas dala ang notebook ko sa Physics. Dumeretso ako sa C.R. para doon basahin ang letter ni Dave, pero puno iyon ng estudyante nang dumating ako, kaya naisipan ko na lang munang pumunta ng canteen para bumili ng pagkain.

Ikinabigla ko ang nasaksihan ko sa canteen. Inabot ni Lani ang isang juice drink kay...

Kay Chloe? Nagngitian pa sila. Anong? Anyare? Bati na sila? Paano? Totoo? Kailan?

Huminga ako nang malalim. Wala akong nakita. Hindi ko nakita si Chloe. Hindi ko rin nakita si Lani. Bumili na lang ako ng juice at nagpabalot ng siomai. Ayokong kumain dito sa canteen. Nang makabili na ako'y dali-dali akong umalis, habang ingat na ingat sa siomai ko.

Nang biglang... May nakaharang...

Continue Reading

You'll Also Like

47K 641 33
Naniniwala ka ba sa UNCONDITIONAL LOVE? How about sa FOREVER? Paano kung ang akala mong man of your dreams ang magbibigay sayo ng inaasam mong happi...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.3M 18.5K 75
Ang storyang ito ay masyadong komplikado kaya siguraduhin mong maiintindihan mo bago mo ito basahin. Haha.
267K 8.7K 56
(WARNING: written during 2016-2017, cliché and cringey af) Dalawang magbestfriend. They promised each other that they won't fall inlove with each oth...