GETTING TO KNOW EACH OTHER ON...

By KimVerly

1.8M 13.7K 1.1K

this story is not suitable for very young audiences parental guidance is advised..so ayun bawal ito sa mga hi... More

GETTING TO KNOW EACH OTHER ON BED
CHAPTER:(ONE)
CHAPTER:(TWO)
CHAPTER:(THREE)
CHAPTER:(FOUR)
CHAPTER:(FIVE)
CHAPTER:(SIX)
CHPATER:(SEVEN)
CHAPTER:(EIGHT)
CHAPTER:(NINE)
CHAPTER: (TEN)
CHAPTER:(ELEVEN)
CHAPTER:(TWELVE)
CHAPTER:THIRTEEN
CHAPTER:FOURTEEN
CHAPTER:(FIFTEEN)
CHAPTER: (SIXTEEN)
CHAPTER:(SEVENTEEN)
CHAPTER:(EIGHTEEN)
CHAPTER:(NINETEEN)
CHAPTER:(TWENTY)
CHAPTER:(TWENTY ONE)
CHAPTER:(TWENTY TWO)
CHAPTER:(TWENTY THREE)
CHAPTER:(TWENTY FOUR)
CHAPTER:(TWENTY FIVE)
CHAPTER:(TWENTY SIX)
CHAPTER:(TWENTY SEVEN)
CHAPTER:(TWENTY EIGHT)
CHAPTER:(TWENTY NINE)
CHAPTER:(THIRTY)
CHAPTER:(THIRTY ONE)
CHAPTER:(THIRTY TWO)
CHAPTER:(THIRTY FOUR)
CHAPTER:(THIRTY FIVE)
CHAPTER:(THIRTY SIX)
CHAPTER:(THIRTY SEVEN)
CHAPTER:(THIRTY EIGHT)
CHAPTER:(THIRTY NINE)
CHAPTER;(FOURTHY)
CHAPTER:(FOURTHY ONE)
CHAPTER:(FOURTHY TWO)
CHAPTER:(FOURTHY THREE)
CHAPTER:(FORTY FOUR)
CHAPTER:(FORTY FIVE)
CHAPTER:(FORTY SIX)
CHAPTER:(FORTY SEVEN)
CHAPTER:(FORTY EIGHT)
CHAPTER:(FORTY NINE)
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER:(FIFTY)-EPILOGUE-THE LAST PART
PAKIBASA PO!

CHAPTER:(THIRTY THREE)

26.4K 174 8
By KimVerly

CHAPTER:(THIRTY THREE)

Nasulit naman namin ang pag-aouting namin.sobrang saya kahit pa nga minsan nasasaktan ako pero I know naman na matatapos din iyon pag ganap nang naka move-on si Lenard kay Odin.kanya-kanya na kami nang babaan sa sasakyan

Napagpasyahan muna nilang tumuloy sa condo ko kaya heto ang mga ito at nagkakagulo na papunta sa unit kong tinitirhan.napapatawa nalang tuloy kaming dalawa ni Lenard,ang kukulit kasi nilang lahat.nauna na ang mga itong pumasok sa unit at ako naiwan muna sa parking lot

Bigla nalang kasing nalagot yung kwintas ko at yung susi na binigay ni Lenard,yun pa naman yung pendat ko.tumilapon iyon sa ilalim nang sasakyan,mabilis ko din naman nakuha agad dahil narin sa nasa may gilid ito nang gulong sa bandang unahan

Papalakad na sana ako papunta sa condo ko nang biglang may batang lalaking lumapit sakin.may inabot itong CD na nilagyan pa nang ribbon na parang nagsisilbing wrap nito.takang tinanong ko naman sa bata kung kanino nanggaling iyon pero bigla nalang itong nagtatakbo pagka bigay sakin

Napakibit nalang tuloy ako nang balikat at nagtuloy na sa condo ko.nakahiga si Nina at Throwie sa sala set at si Odin naman nasa kusina kasama si Harley magluluto daw si Harley para sa merienda namin

Si Lenard naman nasa kwarto at inayos yung mga gamit namin at yung paghihigaan nung iba.sama-sama kami sa isang kwarto.dito kasi din sila matutulog.naglatag lang ito nang dalawang kutson para magsilbing higaan nila Odin at iba pa.nilapag ko naman yung CD na binigay sakin nung bata sa may table sa sala

guyz,handa na ang merienda,kainan na..sigaw ni Odin

tara..hinila ako ni Lenard papuntang kusina

wow hah!parang may fiesta lang sa dami nang luto..”-Throwie

buti pa si Harley magaling magluto samantalang yung isa diyan magaling lang kumain”-Nina

hay,naku tumigil nga kayong dalawa diyan sa kakabangayan niyo,hindi ba kayo nag-sasawa?nakakairita na kaya kayo!”-Odin

hmp!sige na,kakain nalang kami..”-Nina

Napapailing nalang kami ni Lenard at nag-umpisa naring kumain,infairness ang sarap magluto ni Harley pero mas masarap padin mag luto ang Lenard ko.haha.Lenard ko’na talaga samantalang hindi pa niya ako ganap na mahal

salamat sa pagkain tol.si Lenard at Harley nag-uusap

wala yun!ikaw din mag-aral kanang magluto para sa future niyo ni Yzhel..

haha,oo naman tol,kahit papano naman marunong akong magluto..

pero mas magaling parin magluto ang Honey ko sa’yo..singit ni Odin

heepp.para sakin mas magaling si Lenard..nagtawanan naman si Harley at Lenard sa sinabi naming dalawa ni Odin

guyz,tarang manood nang movie,may napansin akong CD dito mukhang bago pa oh!-si throwie na hawak yung Cd na binigay sakin nung batang lalaki kanina

mabuti pa nga..sang-ayon ni Odin

sandali lang,hindi ko naman alam ang laman niyan kasi may nag-abot lang sakin niyan kanina na batang lalaki

batang lalaki?”-Nina

oo,nung tinanong ko kung sino yung may bigay bigla nalang tumakbo..

ang weird hah!pero panoorin narin natin nang malaman natin yung laman nang Cd..”-Odin

baka may pinapasabi yung nagpabigay niyan sa’yo yzhel kaya dinaan nalang sa CD..”-Harley

yeah,pare yun din iniisip ko,baka kung ano yan!buti nalang nandito tayo baka modus yan nang mga nagkalat na salot ngayon.”-Throwie

Bigla naman akong natakot sa sinabi nila throwie.duwag pa naman ako sa mga ganyan!pabigla namang kinuha ni Lenard yung Cd kay Throwie at sinalin sa DVD player para mapanood nila yung laman.

tignan natin kung ano nga yung laman..sabi ni Lenard na sinang-ayunan lang naman namin

Tahimik kami habang nakatingin dun sa Tv..medyo Malabo nung una yung picture maya-maya may lumabas na isang babae.nakatungo ito kaya hindi pa namin makikilala kung sino.pero laking gulat namin nang pag-angat nang mukha si Odin pala

anong ginagawa mo sa video na yan Odin?”-Nina

“shhhh..”saway dito ni Throwie

Maya-maya lang biglang naiba yung scene,sa isang restaurant naman nakaupo si Odin kasama si Lenard na nagtatawanan at magkahawak pa yung mga kamay.napapalunok ako habang nakatingin sa pinapanood namin

Lumabas ang mga ito sa restaurant at ang sumunod ay ang scene kung saan malapit na ang mga ito sa condo ni Odin.nakahiga ang mga ito sa sahig habang naghahalikan.unti-unting pumatak ang mga luha ko,pero pinilit ko pading tapusin yung pinapanood namin

Libo-libong karayom ang pakiramdam ko pumapatay saking puso nang mavideohan silang dalawa sa art room nang school namin.hinawakan ni Lenard ang kamay ni Odin pagkatapos ay niyakap.halos manlumo ako nang maghalikan na naman ang dalawa sa video

Bigla akong napatayo at nanginginig na tinignan nang masama si Odin at Lenard habang patuloy sa pagpatak ang luha ko.yung scene na yun.yun ba yung araw na nakita ko silang dalawa nung sinabihan ko si Lenard na umuwi na pero hindi pa pala ito umuwi?

hah!!napabuga ako nang hangin,naninikip kasi ang dibidb ko,hindi ko alam kung panong magsasalita..you’re the best slut in the world Odin,your great,nice..nice movie,anong title niyan?ang ganda, dapat siguro dalhin natin yan sa sinehan siguro bebenta yan..nilapitan naman ako ni Odin na halos namumutla na

yzhel.. hindi

“paaakkkkkkk” kagat labing binigyan ko ito nang malakas na sampal

 

napakalandi mo!!napaka walang kwenta mong kaibigan,uso ahasan?kung sabagay year of the snake ngayon,dalawang araw lang nawala ang boyfriend mo nakuha mo nang lumandi..kung sabagay your a whore nga pala muntik ko’nang makalimutan buti nalang pinaalala mo sakin ngayonnamula naman yung mukha ni Odin sa galit at gitil na hinarap din ako

watch your word Yzhel,gumamit ka nang utak bago ka mambintang!!pigil-pigil ito ni Nina at ako pigil-pigil ni Lenard

nainsulto ka?nakakatawa,hindi bagay na magalit ka kung totoo naman ang lahat nang binibintang ko,huwag mong sabihing nakapikit ka habang pinapanood natin yung blockbuster niyong movie?”

tama na Yzhel..sigaw ni Lenard sakin

tumahimik ka!wala kang karapatang sigawan ako,ganting sigaw ko kay Lenard bago balingan si Odin ngayon alam ko’na.kaya ba pilit mong sinasabi saking hiwalayan ko’na si Lenard para kayo na ang mag-sama at magawa niyo yung mga bagay na gusto niyo?

tama na,wala siyang kasalanan Yzhel..matigas na sabi sakin ni Lenard,nagsukatan kami nang tingin,pero ako yung sumuko na halos mapasapo sa mukha dahil sa sakit na nararamdaman ko

yeah,wala siyang kasalanan kasi siya yung mahal mo,wala siyang kasalanan dahil ako lang naman yung pilit na nag-susumiksik sa buhay mo,wala siyang kasalanan dahil ako yung tangang nagmamahal sa’yo..”umiiyak na tumakbo ako palabas nang condo naramdaman ko naman na sinundan ako nito

Nakarating kami sa parking lot.nahabol ako nito at pilit na hinawakan ang kamay ko.nag-susumamo ang mga mata nito,nakakalungkot lang na kahit anong gawin ko wala parin pala,na kahit anong gawin ko,hindi parin ako kundi siya parin ang mamahalin niya

plese Yzhel..

ang tagal kong nagpakatanga Lenard,ang tagal kong tiniis yung sakit,sa bawat araw na minamahal kita palagi nalang akong nasasaktan,tiniis ko lahat kahit na mukha na akong tanga,palagi nalang si odin yung nakikita mo sa katauhan ko, pero tiniis ko iyon para lang mahalin mo din ako

 

yzhel..pinilit nitong hawakan yung kamay ko pero umiwas ako

 “mali ang sumuko sa isang taong mahal mo pa,pero diba mas mali yung patuloy kang nagmamahal sa taong wala namang panahon para mahalin ka..?bawat patak nang luha ko pakiramdam ko namamanhid ako

I’m sorry..napabayo ako sa dibdib dahil sa katagang sinabi nito,

ibig sabihin lang nun na may namagitan talaga sa kanila ni Odin.dati ok lang sakin na mag sabi siya sakin nang sorry pero ngayon pakiramdam ko  mamimilipit ako sa sakit dahil sa salitang yun.

nung minahal kita akala ko yung pagpapakatanga yung solution para mahalin mo rin ako,pero akala ko lang pala yun dahil kahit anong gawin ko siya parin at mananatiling siya parin ang minamahal mo

huwag mo naman akong sukuan yzhel parang awa muna!”

 

palagi nalang ba akong aasa?palagi nalang ba akong masasaktan? napapagod din ang puso,katulad nang mata lumuluha din ito,umiiyak sa mga sakit na dinaranas sa taong wala namang pagpapahalaga sa kanya..

please Yzhel give me another chance..lumuhod ito sa harapan ko at sinubsob ang mukha sa mga kamay ko

sobrang dami na nang chance na binigay ko sa’yo,sa sobrang dami ako padin yung patuloy na nasasaktan sa chance na binibigay ko,sobrang tagal kong iningatan na huwag sabihin sa’yong sumusuko na ako dahil alam kong kaya ko’pa,pero sa tingin ko ngayon handa na akong sabihin sa’yo yung katagang ‘HINDI KO NA KAYA,AYOKO NA, DAHIL ANG SAKIT-SAKIT NA’”

yzhel please naman,,,naramdaman kong pumatak ang luha nito sa mga kamay ko,kinuha ko ang mga kamay ko at umiiyak na pinakatitigan ito

kung patuloy akong aasa na mamahalin mo,patuloy lang akong masasaktan,tulad nga nang sinabi mo may mga bagay na hindi mo makukuha kung nakalaan na ito para sa iba,kaya dapat lang na matuto din tayong rumespeto sa mga bagay na hindi naman para satin,don’t worry hindi na kita pipiliting kalimutang mahalin si Odin,Malaya kana ulit,Malaya kanang mahalin kung sino yung taong minamahal mo,gudluck sana lumigaya ka..napatakip ako sa bibig ko para hindi ako mapahagulgol

Nagtatakbo ako at iniwan siya sa parking lot.hindi ko alam kung saan ako pupunta.basta takbo lang ako nang takbo,nagulat na nga lang ako nang mapatapat ako sa school na pinuntahan namin ni Lenard,kung saan muli akong pupunta para malaman ko kung sino talaga ang laman nang puso niya

Nagtataka man yung guard dahil umiiyak ako nung pumasok sa loob nang school hindi narin naman ito nagtanong.pinuntahan ko yung puno,sumunod yung auditorium at ang last ay yung room na kung saan makukuha ko yung kasagutan na hindi ko alam kung sasaya ako

Naabutan ko yung teacher sa loob na naglilikom na nang gamit para umuwi,napansin naman ako nito at nginitian,ewan pero parang alam na agad na nito yung pakay ko roon.may kinuha ito sa drawer nito at lumapit sakin at binigay yung maliit na box

here,si Lenard ba ang nagpapunta sa’yo?tumango naman ako na medyo napasinghot pa

opo..basag ang boses kong sabi

gudluck ineng!!nagulat ako nang bigla ako nitong yakapin,napayakap tuloy ako at hindi na napigilan na mapaiyak ulit

salamat po,pwede po bang ako nalang ang mag sara nang room niyo?

oo naman!basta mag-iingat kalang rito,ok?!ngumiti ako at tumango

sige po.”umalis na ito at naiwan akong mag-isa

Alam ko na hindi ko dapat ito buksan dahil may kasunduan kami,pero hindi ko mapigil pakiramdam ko kasi dito talaga lahat nakasalalay ang lahat,dito ko talaga makikita yung totoong sagot kung dapat ko na ba siyang kalimutan

Dahan-dahan kong binuksan yung maliit na box gamit ang susi.nanginginig yung mga kamay kong nilabas yung mga laman niyon.halos mapahagulgol ako sa mga nakita at nabasa ko.’MY HEART BELONGS TO ‘tinaas ko yung isang nakatuping papel at binuklat

Sa loob nang papel may naka drawing na heart at sa loob nang heart may naka sulat na titik ‘C’,.. binasa ko din ang mga nakasulat doon.ngayon nauunawaan ko’na..halos mapangudngod ako sa desk dahil sa sobrang pag-iyak

Alam ko’na kung sino,alam ko’na ang tunay na minamahal ni Lenard.nagtagal ako sa loob nang classroom,nagtagal ako para maayos ko yung sarili ko.nagawa ko’na yung lahat,siguro naman pwede na akong sumaya sa pagbabagong gagawin ko sa buhay ko

Siguro naman sa pagkatanggap ko sa lahat nang sakit may naghihintay saking saya kapalit nang pagdadalamhating nararamdaman ko.tumayo ako at lumabas nang room,nilock ko yung room.naglakad akong parang walang nakikita

Naglalakad akong baon sa puso at isip ko ang pag-asang sasaya muli sa piling nang ibang magmamahal sakin.hindi man ako kasing tapang nang iba para hindi umiyak pag nakakarinig nang mga salita.matapang ko namang haharapin ang mga sakit na dinulot nila sakin.

Hindi man ako ang minahal nang taong mahal ko,alam ko darating ang panahon na maghihilom ang sugat at matututong magmahal ulit ang pusong nasugatan na nang iba.hindi man ngayon,may tamang panahon para doon.

Siguro lang hindi pa ito yung time para sa lovelife ko,siguro lang may nakalaan pa talaga saking iba na hindi ako paiiyakin.ang dapat ko lang gawin ay ang maghintay at maging matatag sa mga bagay na hindi ko nakuha  ngayon.

>______________<

AN:

OMG!ano nang mangyayari?feel na feel ko ang pg-gawa nang UD na ito,dmang-dama ko.choz!at dahil damang-dama ko ang story ni YZHEL AT LENARD binukod ko sila nang story.nakgawa na'ko nang prologue nang story nila.check niyo nalang guyz..ang title eh "TAKING CHANCES" sana suportahan niyo rin iyon katulad nang pag suporta niyo rito.samalat..vote and comment..dedicted ko ito sa maganda kong anakis na si "PRINCESS NINIE"..tke cre always..pa like pala nang pages nang getting to know each other on bed.mag ppost kami dun nang mga sad and sweet momment nang mga character sa story..sa profile ko nalang niyo tignan yung link nang pages.mamats///

love

kimVerly

Continue Reading

You'll Also Like

10.7M 218K 24
Seven years ago, Sheenalyn Ybarra made a mistake of joining a fraternity, seven years later, Sheenalyn Ybarra made a mistake of entering Sancho Consu...
148K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?
19.4M 162K 73
One night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind romance started...
2.1M 61.9K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...