CHAPTER:(TWENTY)

34.7K 273 18
                                    

AN:

ok here comes the UD..haha.excited na talaga kayo para kay memory no?at sa POV niya.ok.eto na ihanda na ang sarili sa POV niyang hinihintay niyo.mabitin sana kayo.choz..haha.natutuwa ako dahil sa mahahabang comment na natatanggap ko at sa mga message niyo sakin.sobrang tnx u talaga.at dahil sobrang love ko kayo at hindi ko kayo matiis.kahit pa nga nanginginig yung katawan at kamay ko kanina dahil sa pesteng gamot kong naimon na hindi ko pala kaya.nakapag type parin ako.dedicated ko ito kay "RMAN_YENZ"..para sa iyo ito..sa mga gustong mag paplug nang story nila at mag pa dedicated.sabihin niyo lang sakin.mamats.add niyo din ako sa fb ko.nasa profile ko ung link.be my close friend..mamat's..vote and comment sa may gusto.


love

kim_rhoj

>_____________________<


CHAPTER:(TWENTY)

Namaga ang mata ko sa kakaiyak mag-damag.kailangan ko pang pumasok sa school pero tinatamad ako.may painting exhibit pa naman kaming pupuntahan ngayon.sobrang dami nading mensahe ang natanggap ko mula kay Near simula nang iniwan niya ito sa b-day party nang walang paalam

Siguradong nag-aalala ito sa kanya kaya walang tigil ang tawag at txt nito.tamad na tamad na bumangon ako nang kama at naligo,kailangan kong pumasok sa klase para naman makapasa ako.kung mananatili lang ako dito baka mabaliw lang ako

Pinakain ko muna si Memo bago ako umalis,tiniyak konh busog ito at maayos,nag reply nadin ako sa mga text ni Near para hindi na ito mangulit sa kakatanong na nasan na daw ako,at kung ok lang ba daw ako.dinaig niya pa ang isang loyal na boyfriend sa sobrang pag-aalala sakin

Napansin naman nila Nina at Yzhel ang pamamaga nang mga mata ko at pagdating ko nang klase.agad lumapit ang mga ito para tanungin ako.

"anyare sa mata mo?"si nina na takang taka

"sobra sa tulog."pagdadahilan ko

"weh..sobra sa tulog o sobra sa iyak? Makahulugang sabi ni yzhel

"umalis nga kayong dalawa sa harapan ko wala akong panahon mag kwento."

"ouch!parang hindi mo naman kami friend kung itaboy mo.." may pag hawak pa sa dibdib na sabi ni nina

"patahimikin niyo muna ang utak ko pwede."

"ayoko nga!c'mon Odin alam naman naming sobrang mahal mo yung lalaking iyon.pero sana huwag mo namang sirain yung kagandahan mo sa kanya."- may pag aalalang sabi ni yzhel

"tama si Yzhel.uso move on girl,kaya mo yan!"napairap naman ako sa sinabi ni Nina

"pano ba mag move-on sa taong hindi ka naman minahal?"

"ah,Yzhel ikaw nang sumagot.."napailing naman ako sa sinabi Nina kay Yzhel

"tang to!ikaw ang unang pumuna kay Odin kaya ikaw narin ang tumapos sa pamumuna sa kanya.." nakasimangot na sumbat ni yzhel kay nina

"eh,hindi ko nga alam yung isasagot ko.ang hirap kasi nang tanong niya.." si nina na mukhang tanga

"ikaw na!!"so ayun nagturuan silang dalawa kaya nag-init yung ulo ko at sinigiwan sila

"TUMAHIMIK NGA KAYO!!"natigil naman yung dalawa sa pag-sigaw ko

"haha,sorry girl ang hirap kasi nang tanong mo diba Yzhel?"na tinanguhan naman ni Yzhel.dapat pala talaga hindi na ako pumasok,mas mababaliw pala ako dito

GETTING TO KNOW EACH OTHER ON BED(completed)Where stories live. Discover now