Del Rico Triplets #1: Bound B...

By nefeliday

2M 33.5K 4.2K

Hollis, who was raised as an adopted child to conceal her true identity as an illegitimate one, hoped for fre... More

Bound By Duty
DISCLAIMER (MUST READ!)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas 1
Wakas
The Second
Hollis
Hillary Ophelia
Crashing Into You (Chapter 1 on wattpad!)
Adelio Lucian/Chaos
Zohan Delicante

Kabanata 28

44.9K 867 210
By nefeliday

Forget you not

Pinakiramdaman ko ang paligid. Alam kong katabi ko pa rin si Tross. Nagkasya kami sa maliit na kama ng anak namin, parehong nakabaluktot. Nakayakap ang kaniyang kamay sa akin at ang hininga ay tumatama sa aking leeg.

Nagmulat ako ng mata. May kadiliman na ang paligid. Dahil anong oras na rin kaming nakarating dito kanina, marahil nga ay napatagal ang aming pagtulog. Hindi na rin siguro kami inabala ng iba dahil wala naman talagang matinong pahinga sa loob ng Hospital na iyon.

Bumangon ako. Puno ng pag-iingat ang kilos dahil ayaw kong magising siya. Higit sa lahat, siya ang talagang pagod sa aming dalawa. Siya iyong hindi nakapagpahinga sa loob ng halos dalawang buwan kong pananatali sa Hospital. Mula ng manganak ako at nanatili roon ng walang malay sa loob ng isang buwan magpasa-hanggang magising ako at naging malala ang kalagayan.

Hindi ko alam kung paanong nagagawa pa niya akong asikasuhin habang nalulugmok din siya sa sakit. Paano niya nagagawang maging malakas kahit na hinang-hina na siya dulot ng unos na dinaranas namin. Dahil ba iyon sa pagmamahal niya sa akin? Kung ganoon, magkaiba kami ng uri ng pagmamahal. Akin iyong nanakit at sa kaniya iyong nagsasakripisyo. Akin iyong mahina at kaniya ay ang matatag.

Nagtangka akong haplusin ang pisngi niya subalit nabitin na lang iyon sa ere. Since the day I woke up, I did almost everything to hurt him. Nasasaktan ko siya ng pisikal. Ang mga mararahang haplos ko sa kaniya noon ay naging mapanakit. Paanong gusto ko pa rin siyang hawakan?

Nakuntento na lamang akong pagmasdan ang kaniyang mukha. Ang kaniyang mga mata ay bahagyang mugto rin katulad ng akin. Siya iyong sa kabila ng pagbe-break down, kaya niya pa ring intindihin ang iba.

Ilang sandali ng pag-iyak namin, nakolekta niya agad ang sarili. Inasikaso ako nang magsimulang manikip ang aking dibdib. Hinele ako na parang isang bata at pinaulanan ng mga salitang napupuno ng pag-asa.

My Tross… My husband… My heart is bleeding with the thought that he is just faking everything. Faking his strong aura, faking his words, just so he could give me strength. Just so he could make me feel fine.

Ako? Wala pa akong nagagawa para sa kaniya kundi dagdagan ang sakit na nararamdaman niya. Ako ay katuwang siya habang ako… walang ginagawa para sa kaniya. He is doing his best to help me while here I am, giving up on myself.

Naramdaman ko ang pagkilos niya, tanda ng paggising. Dumiim ang pagkakayakap ng bisig niya sa akin at hinagilap ang kamay ko. Hinaplos ko ang kaniyang kamay na nakapatong sa akin. Marahan ang haplos ko roon sa una hanggang sa paunti-unti itong naging marahas. Naramdaman ko ang pagkilos niya.

“Wife? How’s your sleep?” pagtatanong niya, umalis na sa pagkakahiga para lang maharap ako.

Lumunok ako ng ilang sunod bago sinalubong ang tingin niya. Sapilitan kong ing-focus ang tingin ko sa kaniya para lang… hindi ako madala ng maliliit na boses na ‘yon. Tinatawag akong muli. Inaakit akong muling hanapin kung saan ‘yon nanggagaling.

Ayaw ko na. Ayaw ko ng makapanakit uli ng damdamin. My husband is here. I don’t want him to cry again just because I am losing myself. I felt his carress. Somewhat, that slowly calms me down. Kahit pa, naroon pa rin ang boses at mas lumalakas ang mga hagikgik.

Feels like he knows what's happening to me he cuffed my face.

“I’m here, wife,” he smiled after he said that. That smile is assuring me that everything will be alright.

Nanalig ako sa sinabi niya. Nandito lang siya. Kumapit ako sa bisig niya at kumukuha ng lakas ng loob doon para hindi matalo ng isip. Ilang sandali pa kaming ganoon bago naglaho ang mga pagtawa at boses ng bata.

Nakaramdam ako ng kalungkutan. It seems like I avoided my son once again. I... left him.

I know that I am getting insane. Alam ko dahil… palagi namang nawawala ang imahe ng anak ko kapag nagigising ako sa katotohanan. Iyong totoo? Nahahati ako sa gitna. May parte sa akin na gustong-gusto kong huwag na nga lang gumising at manatili sa mundong binubuo ng utak habang kasama ang anak. Kaya lang… paano si Tross? Paano ang asawa ko? I vowed to him.

My feet will always run towards him. My path will always leads me to him. I should stay with him because he never left my side even through this darkest time. Kaya kahit gaano ko kagusto na makasama ang anak ko kahit sa mumunting imahinasyon ko na lamang, hindi ko magawa dahil may asawa akong naghihintay sa akin. Naghihintay na makabalik ako sa kaniya ng buo.

“Kumain na tayo, hmm? Sabay tayong dalawa,” malambing na sambit niya.

Kahit hindi ako nakakaramdam ng gutom ay tumango pa rin ako. He haven’t eaten anything for a day because he’s here with me. Napapabayaan ko na ang sarili ko kaya naman… hindi pwedeng ganoon din siya.

Inalalayan niya ako sa pagtayo. We both left the room with words unsaid. Sa paglabas namin, may kung anong ingay sa tanggapan. Parang… nagtatalong mga boses. Nagkatinginan kami ni Tross.

Naging mas mabilis ang paglalakad namin para makarating doon. Sinalubong kami ng galit na mukha ni Tita Selena. Crowell welcomed me with a hug and asked me if I am hungry or what. Nakaharang at nakatanaw din sila Zohan sa harapan kaya hindi ko makita nang maayos ang ikinagagalit ni Tita.

“This is wrong, Cris! Nasisiraan ka na ba ng bait? This will only hurt her more!” maririing sambit ni Tita.

Nagtataka ako kung ano ‘yon.  I heard Crisosmo’s voice.

“I am doing this for her, Selena. This will help her. Trust me.”

I tried to move so I could see what they’re talking about kaya lang… si Tross na mukhang nakita ang pinagtatalunan ng dalawa ay bumaling na sa akin. Something in his eyes tells me that he is bothered by what he saw.

“Kain na tayo. Bumalik tayo kapag nakakain ka na, ha?” Ngumiti pa siya sa akin matapos ‘yong sabihin.

Kahit kuryusong-kuryuso ako ay sumang-ayon na lang din ako sa kaniya. Siguro ay nakakalimang hakbang pa lamang ako ng makarinig ako ng pag-iyak ng bata. Natigilan ako dahil doon. Umangat ang tingin ko sa asawa kong mariing pumikit ngayon at tila hindi natutuwa sa nangyayari.

When he opened his eyes, nagsusumamo na ang mga mata niya. Gustong-gusto ko siyang sundin nang yakagin niya akong maglakad at magpatuloy sa pagpunta sa kusina kaya lang… mas nadepina ang iyak ng bata.

Am I hallucinating again? Nagsisimula na naman ba akong lamunin ng kabaliwan? Nagtagis ang mga ngipin ko, pinipilit ang sarili na huwag maapektuhan.

“Shh… wait ka lang, baby, hmm? Kakain lang si Mommy...” dinig kong sambit ni Crisosmo.

Nangunot ang noo ko. What does that mean? Na hindi lang ako ang nakaririnig ng boses ng bata? Kung ganoon... totoo ang mga pag-iyak na iyon!

"Shhhh..." Crisosmo hushed once again.

Doon na ako nawalan ng kontrol sa sariling katawan. Kumalas ako sa pagkakahawak sa akin ni Tross at nagmamadaling lumapit muli sa mga nasa tanggapan. Hindi ko na alintana ang marahas na pagpapatabi ko sa magkapatid na Delicante para lang makita ko ng buo ang nasa harapan.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita si Crisosmo… may bitbit na sanggol sa kaniyang bisig. Isinasayaw-sayaw niya pa iyon para tumigil sa pag-iyak ang sanggol. Napako ang tingin ko sa maliit nitong kamay na bahagyang umangat sa ere dahil sa pagkawag.

Umiyak pa itong lalo. I saw Crosson handed a bottle of milk to Crisosmo. Tinanggap naman ito ng isa at saka marahang isinuksok ang tsupon ng bote sa bibig ng sanggol.

“Anak…” naninimbang na pagtawag sa akin ni Tita Selena.

Kahit pa nakalapit na ito sa akin ay hindi ko siya magawang bigyan ng pansin. Crisosmo found me. Ngumiti ito sa akin bago binalingan ang bata.

“Here’s Mommy…” he talk to the baby he's holding.

Kinakausap niya ito katulad ng... ginagawa ko rin kapag napapasailalim sa emosyon ko.

Tita Selena stopped him but he didn’t listen. He went to me and showed me the baby. Dumedede ito at parang gutom na gutom. Suminghap ako nang tumama ang mata noon sa akin. Itim na itim ‘yon at kay among tignan. Napakainosente niya. Batid kong hindi pa ito nakakakita pero iba na agad ang hatid ng mga mata niya sa akin. Kumurap-kurap ako, iniisip na panaginip na naman ang lahat subalit…

“Do you want to hold her?” My biological father asked me.

Nilingon ko siya. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kaniya at sa sanggol na hawak. Kumawag pang muli ang kamay noon. Wala sa sariling hinuli ko ang maliit na kamay ng baby. Ang init noon ay kumalat sa buong katawan ko. Sa bawat himaymay ng katawan ko… may sumisibol na kasiyahan lalo pa nang gumalaw-galaw pa siya.

Nakaramdam ako ng labis-labis na pagkasabik. Ngayon pa lang ako makahahawak ng bata. Iyong tunay. Iyong mainit ang katawan. Iyong buhay at hindi gawa-gawa ng imahinasyon ko.

“P-pwede po ba?” puno ng pagsusumamo ang boses ko.

Ngumiti siya. Tumango siya sa akin at marahang inilagay ang bata sa aking bisig. Batid kong nakasunod ang mga tingin nila sa amin pero hindi ko na alintana iyon. Ang mahalaga ay ang batang ito. Ang batang nagpasibol at bumuhay sa pagiging ina ko.

“Ingatan mo ang ulo niya at balakang,” bilin nila sa akin.

Lumapit na rin sa akin si Tita Selena para tulungan ako. Alam kong hindi siya sang-ayon dito. Mukhang nauunawaan ko na ang pinagtatalunan nila. Ang sanggol na ito... Ayaw kong magtanong kung saan ito nagmula. Marahil ay takot ang marinig na ito ay pahiram lamang o ‘di kaya ay sabihin nilang… isasauli rin ito sa kaniyang ina. Hindi akin.

Hinaplos ko ang may kakapalan ng buhok sa kaniyang ulo. Dikit na dikit pa iyon sa anit niya at mistulang basa. Hinaplos ko rin ang kaniyang pisngi. Bahagyang namumula pa ang ilang bahagi. Nakikita ko ang mga ugat sa balat niya. Sensitibong-sensitibo pa iyon.

Umilag ito sa bote ng gatas nang subukan ko uling isubo iyon sa makitid niyang mga labi. Gumuhit ang ngiti roon nang matagumpay niyang iwasan iyon. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Hindi mawala sa isip ko ang pagngiti niya. Ang anak ko... ganito rin siya. Ganito rin siya.

Nag-angat ako ng tingin. My biological parents are there. Silently watching me. Sumugat ang matamis na ngiti sa labi ko.

“Anak ko siya… P-pa?” parang bata kong pagtatanong sa lalaking hindi kailanman ako naging malapit.

Bahagyang nanlaki ang mata nito pero kaagad ding tumango sa akin ng ilang sunod. Naglandas ang luha sa aking mata. Nahanap ng mata ko si Tross na nakatanaw lang sa akin at may lungkot sa mga mata. Naglakad ako patungo sa kaniya.

I saw how his eyes dropped down to take a look at the baby I am holding. As if she knows that Tross is watching, he smiled. My husband wet his lips. He avoided the baby’s gaze. That left a cut on my heart. I have live with him for five years. He is always like that whenever there is something he doesn't like but cannot voice it out.

My heart started to ache. He doesn’t like her. He doesn’t like the baby I am holding. He doesn’t like her. I know… I know.

“We should eat first and then you can… nurse her again,” he muttered.

Nakaramdam ako ng panlalambot dahil doon. Ayaw ko pa. Ayaw ko sa naging reaksyon niya. Ayaw ko na maalis sa bisig ko ang bata. Natatakot akong... kapag binitawan ko siya, maglaho siyang bigla. Baka kapag iniwan ko siya, wala na akong balikan pa.

My mother went beside me. She carress the baby's hair before she looked at me.

“Kukunin ko muna, anak. Kumain ka na muna, ha? Para may lakas ka sa pag-aalaga sa kaniya," anito na may matamis na ngiti sa labi.

Pinanood kong inalis sa bisig ko ang maliit na katawan ng sanggol. Umingit pa nga ito at parang hindi magustuhan ang paglayo ng katawan niya sa akin. Ganoon din ako, anak...

Halos habulin ko pa ang kamay nito para lang mahawakan.

“Babalik mo… sa akin, ha? Ma…” paniniguro ko pa. Kahit tango lang... Aasa akong maibabalik pa siya sa akin.

Ang mapait na ngiti ay naglandas sa labi niya. Hinaplos niya ang aking pisngi. Inayos ang takas na buhok sa aking tenga.

“Ibabalik ko, anak. Kapag nakakakain na kayong mag-asawa,” pag-a-assure niya sa akin.

Binalingan ko si Tross at kalaunan ay nagpatangay nga sa kaniya. Nilingon ko pa ang ibang naroon gamit ang nangungusap na mga mata. Nagnanais na sana nauunawaan nila ang gusto ko. Na bantayan nila ang anak ko para mabalikan ko pa siya.

Sa pagtungo sa kusina, wala akong narinig na kahit anong protesta mula sa asawa ko. Siya pa mismo ang naghanda ng pagkain para sa akin.

“Tell me if you want more, okay?”

Maingat man ang tono ng kaniyang boses pero nahihimigan ko ang kawalan ng buhay doon. Gayunpaman, hindi ko na iyon pinansin. Mas importanteng makabalik ako sa sala para sa aking anak.

"Slow down. You'll choke if you continue doing that," he warned me.

Tumango ako pero hindi naman naiintindihan ang sinabi nito. Mas binilisan pa ang pagkain kahit na wala naman akong gana. Dahil lang sa kagustuhan na makabalik muli roon at makuha ang sanggol. I think Tross noticed it. Biglang… naging malamya siya sa pagkain. Nawalan ng gana.

I felt a sudden crash of wave in me. Did I...  offend him? The look on his face is like he is disappointed and hurting. He put down his utensils and leaned his back on the chair. His aura went cold. I became like that, too.

I wanted to asked him but I don't want to be insensitive. Sumaksak sa isip ko na... mahirap ito para sa kaniya.

I did my best to just sit there silently but the mother side in me took over. Lumunok ako at sa pagkakataong ito, nagsisimula na naman akong maging selfish.

“P-pwede bang sa atin na lang siya?” nakikiusap ang tono ng pananalita ko.

Ang balak na pag-inom ng tubig ay nabitin sa ere sa oras na narinig niya ang aking sinabi. Humugot siya nang malalim na hininga. Nagtitigan kaming dalawa, parehong nagtatantiyahan. Ako pa rin ang muling sumubok na magtanong.

“Ayaw mo sa kaniya? Hindi mo ba siya kayang ituring na anak?” maliit pa rin ang boses ko.

I think my question also gave him a strength to asked me, too. Mas mabigat nga lang ang naging tanong niya at hindi ko iyon inaasahan. 

“Ikaw? Kaya mo bang kalimutan ang anak natin?”

Natigilan ako dahil doon. Hindi ko ‘yon inakala at sa palagay ko, hindi niya rin akalain na maisasatinig niya iyon. Huli na para bawiin pa iyon. Nag-iwas na lamang siya ng tingin. Lumatay sa buong pagkatao ko ang kaniyang katanungan. It seems like he is asking me if I can really forget our son because of that child. Pinalis ko ang luhang naglandas sa mga mata ko.

Ang katumbas ng katanungan na iyon ay kung kaya ko bang magapaka-ina sa ibang bata at kalimutan na lamang ang anak. Pakiramdam ko, tinamaan ako roon.

I heard him cursing nonstop. He is about to touch me but he stopped himself. Sa huli, Ipinatong niya ang magkabilang siko niya sa lamesa at sinalo ng palad ang mukha. I can hear his frustrations. Ngayon... ang katatagan na nakikita ko noon sa kaniya ay naglaho. Nawawasak ang imaheng pilit niyang binuo para maipakitang ayos lamang.

He is now showing me his truth. Of how hard this is for him. Bumagsak ang tingin ko sa plato ng pagkain. Ngayon ko lang napansin kung anong klase ang mga iyon. Sa kagustuhan ko lang na huwag siyang makita sa ganoong sitwasyon.

"I... held him," he broke after a minute of silence.

"He's so tiny. He looks like you. A boy version of you..." bumigay ang boses niya na lalong nanakit sa akin.

Our son... He's talking about our son. The baby I haven't got the chance to hold and see.

"I was too afraid whenever he cries. Nangingitim at nahihirapan sa paghinga. I always thought that witnessing his struggles is my karma." Sa pagkakataong ito, may kahalong hikbi na ang pagsasalita niya.

Paulit-ulit kong pinalis ang luha sa pisngi ko. Napakasasakit noong naririnig.

"I even said sorry to him because I am willing to sacrifice him over you. Hindi ko akalain na... kapag hawak ko na siya, mahihirapan din akong bumitaw. Madudurog din ako habang bitbit siya sa bisig ko at wala ng buhay."

"Tross..." the only word I can say.

"I even pretended that he's just asleep. B-baka gigising pa. H-hihintayin ka pa namin, Hollis. G-gusto kong masilayan mo siya kaya..." humugot siya ng hininga para suportahan ang sarili.

"I stupidly act like a fucker. If only you knew... How hard it is to c-change his clothes for the l-last time. To bury him on the g-ground. I-isang lingo lang... K-kinuha na siya. Tapos ikaw... walang malay pa. Hindi alam kung... g-gigising..."

I don’t intend to hurt him this bad. I hurt him to the core. Too bad that he started voicing out his pain. Ang gusto ko lang naman ay mapunan ang kulang sa akin. Ang maging isang ina. Bakit? Bakit nagagawa ko pa siyang masaktan?

Hindi ko inakalang darating sa punto na nasa hapag kaming dalawa at iiyak dahil sa bigat ng nararamdaman. Nanatili akong umiiyak hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. Nang mag-angat ako ng tingin bakante ng upuan niya kanina.

“I’m so sorry if I becoming selfish, wife. I just can’t help it but to feel bad for our child. He didn’t get the chance to be touch by you. He didn’t had the chance to know how much you love him.” Suminghot kami parehas, hinahabol na rin ang paghinga.

“I find it hard to accept that I’ll see you nurse another child while forgetting our son. Please... don't forget our Lucian..."

Umiling ako. Hindi ko kakalimutan ang anak ko. Hindi ko magagawa ‘yon. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na mali siya. Pero naalala kong ako nga pala ang dahilan kung bakit niya ‘to naisip. He sees me lost my self. He witnessed how I forgot reality because of my hallucinations. Kaya niya naiisip na sakaling mabaling ang buong atensyon ko sa bata, mawawala na sa isip kong… may anak kaming nawala. Na paniniwalaan kong ang batang iyon ay ang anak ko.

Umiling akong muli. I want him to know that I won't do that. I will never do that. 

“H-hindi ako makakalimot, Tross… Hindi ko… kalilimutan ang a-anghel natin,” sambit ko sa pagitan ng bawat pagluha.

That became his assurance. Hinayaan niya ako sa kagustuhan. My biological mother… Mama… has thought me all the things I need to know as a mother. Kung paano magpalit ng diaper. Kung paano ang pagtitimpla ng gatas at kung paano ito bisihan at paliguan. Kahit pa dumadalaw naman siya ay nais niyang malaman ko na ang mga ‘yon.

Crisosmo… the one who took this baby from somewhere… I thanked him with all of my heart. Totoong bumalik ang buhay ko matapos ko itong mahawakan. I think he discussed everything to my husband.

Mama… she tried to tell me where this baby comes from. Sa isang inang nawalan ng buhay sa panganganak. I felt bad for her because I know, I almost became like her. Nakaramdam din ako ng awa para sa bata. That is when I realized, if I died while giving birth, my son will also feel bad for it.

Wala palang madali kapag ganito. Nakakaawa ang inang naiwan. Nakakaawa ang inang nang-iwan. Ganoon din sa anak. Nakakaawa parehas. Sabi nga nila, hindi lahat ay sasang-ayon sa kung paano mo ito gusto. Hindi lahat ng bagay na gusto mo ay para sa iyo.

Hinaplos ko ang pisngi ng natutulog na anak. Ngumibit lamang ito pero hindi nagising sa aking ginawa. Kalalapag ko lamang sa kaniya sa duyan. Bahagya ko na itong itinulak para gumalaw. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko.

Pinagmasdan ko ang buong silid. Ganoon pa rin naman ang ayos noon. Kung paano inayos ng mga kapatid ko. Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ko nang matanawan ang kaisa-isang larawan ng anak ko roon. Ang anak kong si Lucian.

Nakadilat ang kaniyang mga mata. Ang parehong kamay at paa ay nakataas sa ere. Moreno ang kulay ng kaniyang balat at namumula-mula pa. Sa loob ng isang lingo ay nagkalaman siya. Mas mataba kaysa normal na bata. My baby... he takes after me. Mahina ang puso katulad ko. Katulad ng aking ama na may historya din ng ganoon sa kaniyang kabataan.

Naglakad ako patungo sa kinalalagyan noon at kinuha ang larawan ng anak. Dinala ko ito sa aking dibdib na parang niyayakap siya. Tahimik akong lumuha roon habang binabanggit ang kaniyang pangalan.

“Lucian… baby ko…”

Wala akong magawa kundi tahimik na manangis doon. Nawalan ng buhay ang aking mga tuhod subalit bago pa ako tuluyang tumumba sa sahig ay nasalo na ako ng malalakas na bisig ng asawa ko.

“Heavy emotions, baby… Calm down,” he murmured.

Humugot ako ng hininga at ang isang kamay ay iniyakap sa kaniya habang ang isa ay nananatiling nakayakap sa larawan ng anak namin. Sa ganoon ko lamang nagawang kumalma. Sa mga nagdaang araw, si Tross ang nagiging pagkalma ko. Magmula ng makauwi kami rito sa bahay. Nang katabi kong natutulog si Hope, ang isa ko pang anak, kahit papaano ay nahahanap ko ang dahilan para ikalma ang sarili.

Ilang minuto pa nga ang lumipas. Iniayos niya ako at tinulungan na makaupo sa may sofa. Nakasandal ako sa kaniyang dibdib habang nakayakap siya sa akin mula sa likuran. Hinaplos ko ang kaniyang kaliwang bisig na nababahiran ng tintang iginuhit sa perpektong paraan.

A.L.D.R – Forget you not.

He noticed what I did.

“I held him with my left arm, so that I can do something with my right,” he chuckled after he murmured that.

My husband... My husband did his best to take care of me and our baby until he died. Until I woke up. Naging matatag siya para sa aming dalawa.

I traced his tatoo with my fingers. It is pretty. Our baby’s initials are there.

Adelio Lucian Del Rico. I’ll forget you not.

I planted kisses on each letter.

“Let’s visit him tomorrow." Nilingon ko siya bago nagpatuloy, "I mean... like every day,” I said which he gladly answered.

“Of course, baby. We will.”

Continue Reading

You'll Also Like

10K 706 50
Professor X Filipino Major Ayef Chloe Cena Rigor. 21 years old, happy go lucky, girl. A 2nd year college student na kumukuha ng kursong Bachelor of...
1.7M 35K 45
Montejo Siblings #1 Love at first sight, that's what they call it. And it victimized the eldest of the Montejo Siblings, Darius. With Samantha's eleg...
736K 8.9K 34
Wretchedness Series #2 There are always two sides of the story. Are you ready to hear the vice mayor's misery?
380K 8.9K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...