Living Under The Same Roof

By vennwrites

2.6K 97 11

Adler Galen Lucenzo | Ashira Meshia Guanzon Date Started: September 06, 2022 Date Ended: More

Living Under The Same Roof
PROLOGUE
1
3
4
5
6
7
8
9

2

204 8 1
By vennwrites

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga mukha. Kahit pa inaantok ay pinilit kong ibuka nang dahan-dahan ang dalawang mata ko. 

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang liwanag, nakalimutan ko palang isara ang bintana kagabi.

Dumiretso na kasi ako sa kama pagkauwi ko. Ganoon kasi ako nasanay noong nasa dorm pa ako. Hindi ko iyon problema noon dahil si Coleen ang laging nakatoka na magsara ng bintana namin.

Ngayong nasa condo na ako, kailangan kong sanayin at alalahanin lagi ang bintana na nasa tapat ng study table ko bago matulog. Hindi naman ako takot sa akyat-bahay dahil imposible namang kaya ng powers nila na akyatin itong ika-15th floor ng building, unless mag-spiderman sila. Mas takot pa ako sa multo na puwedeng pumasok sa bintana kapag gabi. Eh, malay ko ba kung maalimpungatan ako tapos bigla kong makita na may nakaputing babae na sumisilip sa bintana habang pinagmamasdan ako. Scary!

Inabot ko ang maliit na cabinet sa tabi ng kama kung saan nakapatong ang lampshade at alarm clock ko. Kinapa ko roon ang phone ko, doon ko pinatong iyon kagabi. Nakalimutan ko pang i-charge iyon dahil sa sobrang antok.

I smiled.

Nakita ko sa screen ang pangalan ni Jervy.

"Good Morning, Asheng."

"Saan banda ang condo ng Tita mo? Sunduin na kita para sabay tayong pumasok."

Hindi niya puwedeng malaman kung saan ang tinutuluyan kong condo! Hindi niya dapat malaman na nasa iisang condo lang kami ng kaibigan niya.

Ano na lang ang iisipin nila kapag nalaman nila na magkasama kami sa iisang bubong ni Galen?

Wala naman sigurong masama kung ililihim ko muna sa kanila. Wala naman akong balak na magtagal dito. Actually, mag-a-apply na nga ako sa coffee shop mamaya para makapag-start na ako sa part-time job ko. Isang buwan lang naman ang itatagal ko rito. Pagkakuha ko ng sweldo ko, babalik na ako sa dorm. Bahala na kung pagagalitan ako nila Mama!

Agad akong nag-type ng i-re-reply kay Jervy.

"Huwag na. Hintayin mo na lang ako sa gate."

Parehong 8:00 AM ang pasok namin today. Kapag same schedule kami, lagi kaming sabay pumasok. Hinihintay niya ako sa harap ng dorm at doon aabangan. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit napagkakamalan kaming may relasyon. Akala ng ibang estudiyante lalo na iyong mga nasa dorm, boyfriend ko si Jervy. May kumakalat pa ngang chismis sa University na committed na ang isa sa mga poging varsity player ng campus kaya naman hindi ako nakakatakas sa mga masasamang tingin ng ibang babaeng estudyante tuwing magkasama kami ni Jervy. 

Paano na lang kapag naging kami na nga talaga? Baka magkaroon ako agad ng instant haters and bashers.

Kung alam lang nila kung ano talaga ang status namin, maguguluhan lang din sila. Mas gugustuhin na lang nilang magpaniwala sa chismis.

Malapit na mag-seven o'clock, kaya naman, bumangon na ako.

Aware naman ako na ang kupad kong kumilos kaya dapat dalawang oras bago ang oras ng pasok ko ay gising na ako. Lalo pa ngayong mas napalayo ako sa University. Kailangan ko pang sumakay ng bus. Puwede rin namang jeep pero mas matagal dahil sa dami ng tao na araw-araw bumibiyahe. Mas mura kasi ang pamasahe sa jeep kumpara sa bus. Iyon nga lang, pagkarating mo sa eskwelahan, papasok ka palang pero ang hitsura mo ay mukhang stress na sa recitations and surprise quizzes sa sobrang haggard.

Iniwan ko sa kama ang phone ko.

Nag-unat muna ako ng dalawang kamay habang humihikab. Hindi ko mapigilang antukin kahit pa kagigising ko lang.

Lumabas ako sa kwarto na hindi nagsusuklay. Wala naman akong pakialam kahit pa magmukha akong bruha. Wala namang ibang tao rito kung 'di ako lang at si . . . Galen?!

Speaking of Galen, gising na kaya siya?

Kailangan ko pa palang magluto ng almusal. Ayoko namang may masabi siya sa akin. Ako na nga itong nakikitira tapos ako pa itong tamad. Kahit sa pagluluto at ibang gawaing-bahay man lang ang maiambag ko.

Tiningnan ko ang kwarto nito na katapat lang ng kwarto ko. Hindi ko alam kung gising na ba siya o tulog pa dahil nakasara ang pinto nito. Hindi ko naman puwedeng buksan para lang silipin siya. Mamaya kung ano pa ang makita ko sa loob, malay ko ba kung nagpapalit siya o ano pa man.

Balak ko na sanang dumiretso sa loob ng banyo para makaligo na nang makita kong nakasara ang pinto.

Ang buong akala ko ay walang tao sa loob kaya pinihit ko ang doorknob.

Hindi pa ako nakakapasok at hindi ko pa nabubuksan nang tuluyan ang pinto nang mapatigil ako dahil sa aking nakita sa loob.

"Ay! Maligno!"

"What the hell!"

Hindi ko na nasara ang pinto dahil siya na mismo ang nagsara nu'n. Napalakas ang pagkakasara niya, mabuti na lang at matibay ang pinto nito.

Dumiretso ako sa living room at naupo sa sofa. Tinakpan ko ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. Pakiramdam ko ay nangangamatis na ngayon ang dalawang pisngi ko.

Nasa loob ng banyo si Galen.

Naka-topless.

Hindi ko alam kung naliligo ba siya o tapos na siyang maligo. Malalaman ko siguro kung nakita ko ang pang-ibaba niyang suot. Pero mabuti na lang at hindi ko nakita! Ang itaas lang nito ang nakita ko, swear! Hindi na bumaba ang paningin ko. Kung nagkataon na naliligo nga siya at napatingin ako sa baba, didiretso na ako ngayon din sa simbahan para mangumpisal.

"S-Sorry!" Sinadya kong isigaw para marinig niya sa loob.

Kung bakit naman kasi ang shunga mo, Asheng?

Dapat ay kumatok na muna ako! Akala ko talaga ay walang tao roon. Dahil sa mga maling akala ko, napapahamak ako, eh.

Baka ang isipin niya ay sinadya ko para masilipan ko siya.

Huwag niya akong isipan ng kung anu-ano. Kung alam niya lang na nagtatakip pa ako ng kamay sa mukha tuwing may kissing scene sa mga pinapanood kong movies. Ganoon ako kainosente!

Kinuha ko ang maliit na unan sa sofa at doon isinubsob ang aking pagmumukha para kahit papaano ay mabawasan ang kahihiyan na nararamdaman ko.

Paano ko siya haharapin mamaya?

Naupo ako nang maayos. Huminga ako nang malalim. Pinakalma ang sarili.

"Okay lang iyan, Asheng. Hindi mo naman talaga sinasadya," kausap ko ang aking sarili.

Hindi pa ako nakaka-get over sa kahihiyan ko nang mapadako ang paningin ko sa veranda.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga nakasampay na undies ko roon. Iyong mga nilabhan ko kahapon! Shems!

Dali-dali akong tumayo saka dumiretso sa veranda.

Pinagkukuha ko ang mga damit ko sa clothes rock. Nakalimutan kong kunin ang mga ito kagabi. Naglaba kasi ako kahapon bago pumasok sa eskwelahan at sabi kong kunin ko rin kinagabihan dahil sure namang tuyo na kaso ang laki kong shunga, nakalimutan ko!

Hindi pa naman siguro nagagawi rito si Galen, 'no? Hindi niya naman siguro nakita itong mga sinampay ko? Saka ano naman kung makita niya? As if naman hindi pa siya nakakakita ng bra at panty? Pero nakakahiya pa rin! Akin itong mga ito, eh! Baka ito ang maalala niya tuwing nakikita niya ako.

Inilagay ko ang mga tuyong damit ko sa kwarto. Inilapag ko ang mga iyon sa sofa na tabi lang ng study table ko. Mamaya ko na tutupihin ang mga iyon. Sa ngayon, kailangan ko nang pumunta sa kusina para makapagluto na. Sakto naman sigurong after ko magluto ay tapos nang maligo si Galen nang ako naman ang sumunod sa cr.

Lumabas na ako sa kwarto.

Saktong pagtapat ko sa banyo ay ang siya ring pagbukas ng pinto nito. Napahinto ako nang lumabas mula roon si Galen. Nakita ko na naman ang topless niyang katawan. Kahit hindi ko tingnan ang kaniyang pang-ibaba, aware naman ako na nakabalot ang tuwalya sa beywang niya.

Umagang-umaga, ganito agad ang na-encounter ko!

Hindi ba siya marunong magpalit sa loob? Kahit t-shirt man lang sana!

Hello? May kasama kaya siyang babae rito sa condo! Hindi porket sa kaniya ito at nakikitira lang ako ay okay lang na topless siya lagi. Paano na lang kung hindi ako ganoon kainosente? Edi kanina pa ako naglalaway rito. Hindi ko naman maitatangging maganda ang pagkakahubog ng katawan niya.

Naamoy ko ang bango ng sabon na ginamit niya.

"I'm done," wika nito.

Diretso lang ang tingin ko sa sala. Ayokong tingnan o masulyapan man lang siya dahil baka kung ano pa ang isipin nito.

Tumango ako. "O-Okay."

Akmang hahakbang na ako papunta sa kusina nang magsalita ulit ito. "By the way, may laman iyong palanggana sa loob. Ibubuhos ko sana iyong tubig nu'n, hindi ko alam na may laman palang damit mo, I guess?" Bakas sa boses nito ang awkwardness.

Damit ko?

Nanlaki ang mga mata ko.

Huwag niyang sabihing iyong palanggana na ginamit ko sa paglaba ang tinutukoy niya? Hindi ko ba iyon natapon kahapon?

Hindi na ako nagsalita pa. Pumasok na ako sa loob at agad isinara ang pinto.

Hinanap ko agad kung saan nakalagay ang palanggana.

Ito nga ang ginamit ko kahapon! May laman pa iyong konting tubig na may bula. Hindi siguro niya natapon nang tuluyan nang makitang may lamang damit pa.

Agad kong kinuha ang damit na sinasabi niya.

Pagkaahon ko nito mula sa tubig, parang gusto ko na lang ilublob ang sarili sa palanggana at huwag nang umahon pa.

Bra ko lang naman ang tinutukoy niyang damit ko na nakita niya!

Sa dinami-rami ng damit ko na nilabhan ko kahapon, itong isa pang ito ang naiwan. Puwede namang blouse na lang o kaya cycling short! Bakit ito pa?

Tinago-tago ko pa iyong mga sinampay ko para lang hindi niya makita pero wala rin pala akong takas.

Oh, edi ano ngayon? Nalaman niya nang mahilig ako sa floral!

Continue Reading

You'll Also Like

391K 590 150
I don't own this story credits to the rightful owner πŸ”ž
375K 11.5K 34
Date Started: April 30 2023 What if the two red flags met? A secret millionaire fell in love with an single mom actress. Her daughter met Yuki unexp...
47.6K 1.4K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...