Del Rico Triplets #1: Bound B...

By nefeliday

2M 33.5K 4.2K

Hollis, who was raised as an adopted child to conceal her true identity as an illegitimate one, hoped for fre... More

Bound By Duty
DISCLAIMER (MUST READ!)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas 1
Wakas
The Second
Hollis
Hillary Ophelia
Crashing Into You (Chapter 1 on wattpad!)
Adelio Lucian/Chaos
Zohan Delicante

Kabanata 27

44.3K 772 113
By nefeliday

Come back to me

I haven't utter a word ever since I woke up. I pushed everyone away. All of them who can't bring my son to me. Those who has pity on their eyes whenever they look at me.

For three days, I stayed here- No... They all wanted me to stay here. I have become worst. I hurt them. Miski ang asawa ko... nasasaktan ko na both physically and emotionally. Lahat sila... nasasaktan ko na dahil durog na durog ako.

Ilang beses ko bang tinanong ang nasa itaas? Bakit hinayaan niya pa akong mabuhay? He has a choice. He could've choose me. He should've pick me, not my son. Kasisilang pa lang ng anak ko. Ni hindi pa nga nakakakita nang maayos at tanging ilaw lang ang naging tanglaw. Ni hindi ko man lang nahawakan ang kamay niya. Bakit siya pa? Bakit?

I already accepted the fact that he will take back the life he gave me. Tanggap ko na, eh. Tanggap ko na kung hanggang saan lang ang buhay ko. Basta ba buhay ang anak ko. Buhay ang batang kinahiling-hiling ko sa kaniya noon. Pero bakit niya kinuha agad? Hindi ko alam kung mahal niya ba ako kaya niya ako niligtas at binuhay o galit siya sa akin kaya niya ako pinarurusahan. Hindi ko na alam ang dapat isipin.

Diyos ko, totoo ka ba? Bakit hindi mo ako naririnig? Bakit hinahayaan mong maging ganito ang sapitin ko? Bakit wala kang ginagawa para sa anak mo? May nagawa ba akong pagkakamali kaya mo ako pinapalo?

I sobbed. I know he cannot answer me. I pity myself.

Totoo pa lang darating sa puntong... kukuwestiyunin mo siya dahil sa pinagdaraanan mo. Totoong magiging mapagduda ka kung totoo ba siya sa pagkakataong hindi mo siya maramdaman. Darating sa puntong makakalimutan mo nang mali ang pagkuwestiyon mo sa kaniya.

I slapped myself continuously. Tross found me while hurting myself. It caused another chaos. It cause him to cry and beg once more. He begged me to stop harming myself. Told me how many times that that won't solve a thing. I watched him cry. I watched the De Guia's breaking down, also because of me.

Indeed, a piece of a shattered glass can hurt anyone who tries to touch it. Even those who only wants to collect those broken pieces to repair it. Lahat masasaktan. Lahat masusugatan.

"Baby... Please eat something. You haven't eaten anything for days. Kailangan mong magpalakas."

My husband's voice tells me how tired he is already. He has no more strength. Parang siya ang may kailangan na magpalakas at hindi ako. Siya ang pagod. Hindi ako. I wonder why he's still not giving up? He can leave me here. He can have a life away from someone unstable. Someone like me. Someone so broken.

Tinapunan ko siya nang malamig na tingin. Bakas na bakas sa mukha niya ang lungkot, sakit at pagod. Gayunpaman, nang tignan ko siya, namamag-asa at nasasabik ang kaniyang mga mata. Nasasabik sa pansin ko. Sa oras ko. May balbas na siya at ang buhok ay mahaba na. He is wearing a simple shirt which is kind of creased. Ang lukot na iyon ay ako ang gumawa kanina. Nang naglupasay muli ako sa pag-iyak.

I avoided his gaze. Nasasaktan ako sa mga iyon. Ang mga klase ng tingin niya ay tila mas masakit kaysa sa mga karayom na itinutusok sa akin sa loob ng hospital na 'to.

Naramdaman ko ang paglundo ng hospital bed. Isang paramdam na umupo siya roon. Hindi ako nagbaling ng tingin. Kahit sulyapan pa siya ay hindi ko ginawa. Sa pagkakataong 'to, hindi ko alam kung paano ko siya nagagawang tiisin. Alam kong mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal. Subalit nagsisimula na akong tanungin ang sarili. Kaya bang maniis ng isang nagmamahal? Kaya bang manakit ng isang nagmamahal? Dahil iyon ang ginagawa ko sa kaniya. Masakit man pero... kalaunan ay parang iyon na rin ang aking intensyon.

I felt his forearm, pulling me to his chest. Nagyuko ako ng ulo para itago ang pagluha. The truth is, I want them to get tired of me. I want him to give up on me. Kasi ako? Sumusuko na ako sa sarili ko. Sumusuko na ako sa sakit at nagpapalamon na lang doon. Dahil hindi ko kayang labanan pa ito. My soul has been tarnished. I no longer have any hope to hold onto. But then... whenever I am hearing how hopeful they are for me. How they keep on praying that I'll find a light to start again, I can't stop myself from thinking about different what ifs.

What if I became better but for worst? Or I started again but with the wrong path? What if I started to live again but only to hurt those who loves me. Because I think, I can never be the same Hollis. The one who appreciates simple things. I no longer the Hollis who is full of love. I am now the lost one. Iyong... wala ng buhay.

His soft kisses are like triggering my emotions. Sobs left my lips unnoticed. My shoulder is shaking due to a terrible breakdown.

"You can cry all you want. I will let you grieve but please, you should eat," he mumbled once again.

Umiyak ako nang umiyak habang nakasandal sa kaniyang dibdib. Nakayakap na ang mga kamay niya sa akin, binibigyan ako ng suporta. Sa ganoong sitwasyon kami naabutan ng mga De Guia. Batid kong hindi nila gustong gumawa ng ingay sapagkat natatakot silang magalit akong muli. Sa nakalipas na mga araw, nagiging mas sensitibo ako kahit sa maliliit na bagay. At minsan pa nga, wala ng kadahi-dahilan pero nabubugnot ako. Magwawala at pagtapos ay iiyak.

They are trying to understand me when I can't even undertand myself. Nanatili silang mapagpasensya kahit na mismo ako sa sarili ko ay alam na sobra na ang lahat ng nagagawa ko. No matter how much I tried to control my emotions... To set aside my agony and anger... I just can't. Dumadating sa puntong... I am becoming hopeless.

"Nandito na naman kayo?" malamig at galit ang tono nang pagtatanong ko.

Kapwa natigilan si Tita Selena at Crisosmo. Si Tross naman ay nagpatuloy sa paglalapag ng mga prutas at bulaklak na dala ng mga bisita. Lumandas ang maliit na ngiti sa labi ni Tita Selena na hindi ko naman ikinatinag.

"Nakakain ka na ba, anak?" masuyong tanong niya.

Pinagmasdan ko siyang inilapag ang bag sa sofa sa loob ng silid na 'to. Pumasok sa pinto ang tatlo pa niyang anak. They all tried to show a smile to me. I just grimaced.

"Paano ako makakakain kung wala akong gana?" I state the obvious.

Sinulyapan nila ang pagkaing nakatapon na lang sa trashbin. Miski nga ang tray na pinaglalagyan noon ay doon ko inilagay dahil sa inis. Sinubukan ko namang kumain kanina. However, a sudden thought crossed my mind. Nagagawa ko pang kumain kahit namatayan ako ng anak? Anong klase akong ina?!

"If you wanted to eat anything, magsabi ka sa amin. We'll buy it," Crisosmo spoke with sincerity on his voice.

I scoffed. Mayamaya pa, umalpas ang walang buhay na halakhak sa bibig ko. Nasundan nang nasundan iyon hanggang sa hindi ko na na-kontrol ang aking sarili.

"Wala akong gustong kainin," nagtatagis ang bagang kong sambit.

"Ang gusto ko... mawala kayong lahat sa paningin ko!"

Humugot ako nang malalim na hininga. Naglandas ang kamay ni Tross sa kamay ko pero iwinasiwas ko 'yon. Binalingan ko siya, ang mata ay nagbabaga sa galit. I pointed at my visitors.

"Bakit ba palagi mo silang hinahayaang makapasok? Ayoko nga sinabi ng bisita," puno ng panggigigil kong sabi.

Tross sighed and nodded his head.

"Uuwi na sila," pagsang-ayon niya sa akin.

"Pauuwiin ko na," he said with conviction, doing his best to assure me.

Para akong nanalo sa pakiramdam. Bumalik ang tingin ko sa mga nasa harap. Gumuhit ang ngisi sa labi ko. I motioned them to leave.

"But..." Tita Selena tried to butt in. However, her husband stopped her.

Sa mga sumunod na araw, ganoon na naman. Nandito na naman sila. Mga hindi nagsasawa. Dinampot ko ang bulaklak na namulatan ko na lang sa drawer sa tabi ng hospital bed. Marahas ang ginawa kong paghagis doon. Tita Selena shrieked. Yumakap kay Crisosmo.

"Get out!" I pointed at the door.

Crowell, my brother attempted to come near me. I yelled at him and said that I want his parents gone. Tita Selena begged me to calm down pero hindi ko 'yon pinakinggan.

"Hollis, calm down, anak-"

"-Hindi mo ako anak!" hiyaw ko pa.

Humahangos ang asawa ko na yumakap sa akin. Basa pa ang kaniyang damit pang-itaas dahil naligo siya sa loob ng bathroom kanina. Ang hospital ay nagmistulang bahay naming dalawa dahil sa tagal kong narito. At siguro dahil din doon, kaya ako iritadong-iritado.

"Ang kapal ng mukha mong tawagin akong anak, eh, hindi mo naman ako itinuring na ganoon!" patuloy kong paninita.

I heard Tross's muttering curses. Tita Selena gasped. Crisosmo was stunned. Bumubuhos ang luha sa mga mata ko. Basang-basa ang pisngi ko dahil doon. Bumigay ang katawan ko sa panlalambot habang yakap-yakap ng asawa.

"Y-you never treated me as one! Y-you even sold me to a marriage I don't even want1 Binenta mo ako kapalit ng negosyo. At para na rin w-walang hadlang sa pamilya niyo!"

I felt my husband stiffened after what I said. I know I hurt him with my words. Ngayon ko lang yata masasabi ang lahat ng hinanakit. Napupuno at nag-uumapaw ang damdamin ko ngayon.

I saw Crisosmo's shoulders fell. I know he didn't expect this. O baka... hindi niya lang inakala na ngayon ako manunumbat.

"Huwag na huwag mo akong tatawaging anak dahil kahit kailan, hindi ka naging ama sa akin!"

Natapos ang buong magdamag na umiiyak lang ako. Ngunit sa pagkakataong iyon, umiiyak ako dahil nasasaktan ako para sa mga salitang binitawan. That's when I realized that this is not me anymore. That the loving Hollis has died with her baby.

"God knows how much I regret everything, anak. I did. I was just... I was blinded by hatred..."

Crisosmo confessed one time. He earned courage to admit his mistakes when I survive my third attempt of suicide. He cried for me. Although I earned consciousness, I pretended that I am still asleep. Just so, I could hear his plea. Just so, I could satisfy myself upon knowing that he is hurting.

"I will forever pay for how I treated you. Forever. I won't ask for forgiveness. None of my actions deserves your forgiveness. Instead, I will always pray for you, anak," he gasped for air and continued after.

"I will ask for his forgiveness so that, he'll hear my prayer and gave you a reason to continue your life. I want to see you fight. I want to see you live again."

When I felt his lips on my forehead, pain attacked me gradually. With that gesture of his, the vanishing sound of his footsteps, his painful sobs... Those are slowly breaking the walls that I tried to put between us. Crisosmo's plea, my mother's cries and my husband's pain made me want to survive.

I bit my lips while watching them moving precisely. Too afraid to make a mistake that might trigger me. Naninimbang ang mga titig na iginagawad nila sa akin. Bawat sulyap ko sa kanila at pagbawi nila ng tingin na parang takot na takot sila sa akin, nagmimistulang punyal na sumasaksak sa dibdib ko.

"Nakakain na ba siya?" mahina man at bulong 'yon ay narinig ko pa rin.

My husband nodded as an answer, also afraid of making noise. May kinuha siyang bagay na malapit sa akin at nang kumilos akong bahagya ay nagbawi siya agad ng kamay. Lumatay ang sakit sa kaloob-looban ko. Hindi ko akalaing... ganoon na lamang ang epekto ng sitwasyon ko sa nakaraang lingo. I gave them traumas, too. It seems like, I broke them, too.

Suminghap ako at nag-iwas ng tingin sa kanila. Mas minabuti kong humiga na lamang at pagkuway tinalikuran sila. Doon, sa liwanag na tumatagos sa bintana ng hospital ay nagpasilaw ako. Hinayaan ko ang sariling maiyak dahil doon. Tahimik akong humihikbi.

Marahil ay isang oras ang nakalipas na walang ingay sa loob ng aking silid pero batid kong naririto pa rin sila. Nakabantay lang. Nakikiramdam. Suminghot ako at kinakalma ang dibdib. Matapos kong kolektahin ang sarili, nagawa kong umusal ng salita at tawagin ang asawa.

"Tross..." garalgal ang boses na sambit ko.

Like a Knight-in-shining armor, my husband showed himself.

Natakpan ng bulto niya ang liwanag na tumatama sa aking mukha. He place a chair in front of me. He sit there. Nagpantay ang mga tingin namin. There is a faint smile on his lips. His eyes are clouded with various emotions that I cannot name now. Hinaplos niya ang mukha ko. Inilihis ang mga takas na buhok ko na nababasa sa mga luha.

"How's my wife, hmmm?"

His voice so soft. Washing all my sorrows with that. How I wish I could do that, too. I tried to mimic his smile.

"Can we go home now?" I asked with my pleading voice.

He continued caressing my face with his thumb.

"You're not going to do that again?" he sounds so hopeful while pertaining to my suicide attempts.

I nod my head like a child.

"I... won't," I said with so much conviction.

He slowly drop leaned down and planted a peck on my cheek.

"Okay. We'll go home now. I'll hold on to your words," he muttered, still hopeful but this time, he is hoping that I will be true to my words.

Sinunod nga niya ang pakiusap ko. Inayos nila Crowell at Carden ang bills at paglabas ko habang si Crosson at ang mga magulang ay ang mga kagamitan ko. Tross on the other hand took care of me. Binihisan ako at inihanda. Before I got discharge, the doctor talked to me. He mentioned that he knows I am still not okay and that I am just pressuring myself to be one. He said he'll believe in me. He advised my husband to consult a therapist so I will also start healing my mental health.

I remember those days that I can still hear my baby's calls. His giggles. His soft whimpers. His way of calling me. Sa bawat saglit na magmumulat ako ng mata ay hinahanap ko siya. Umaasang panaginip lang ang pagkamatay niya at magigising akong nasa tabi ko siya. Kaso... hindi nangyari iyon.

Lulan ng sasakyan, nanatili ang mga mata ko sa labas. Gaano man kaganda ang mga nadaraanan, hindi iyon pinapansin ng isip ko. Parang... nakatingin lang ako roon subalit ang isip ay lumilipad kung saan. Ilang araw nga ba ako sa Hospital? Ilang araw akong... naroon at nagluluksa?

Humugot ako nang malalim na hininga. Bumagsak ang tingin ko sa may tiyan kong maimpis na. Hinaplos ko iyon at nasaktan sa ginawa. Mabilis ko ring tinigilan at nilibang muli ang sarili sa labas. Sapilitan kong iniaalis ang mga gumugulo sa isipan.

Pumasok ang sasakyan sa loob ng village namin. Ilang sandali pa nga, huminto itong muli at sa tapat na ng bahay namin. Hindi ko alam kung sa akin lang ba pero... our house looks pale. It changes the way I see it. Parang patay ito. Walang buhay hindi dahil walang nakatira. Siguro ay dahil matagal din bago kami nakabalik at ngayon ngang narito ang may bahay, puno naman ito ng kalungkutan.

How can a sorrow ruinrd everything in just a snap? How can misery drown someone to the point that it changes how they see things. How? I want to know!

Nakatayo ako roon, sa harap ng aming bahay, pinagmamasdan itong mabuti. This is where we shared love. Hindi ko akalaing makababalik pa ako rito. Ang akala ko ay ang anak ko na lamang ang uuwi rito habang nasa bisig ng kaniyang ama at hinihele siya. Silang dalawa sa loob ng silid naming mag-asawa. Paanong... naglaho lahat ng imahe na iyon sa isip ko? Paanong walang natuloy kahit isa sa mga naisip ko noon?

Nagtungo ang tingin ko sa gate. Maayos na iyon. Wala na ang sira na iniwan ng sasakyan. Parang bumalik sa alaala ko ang pangyayari. Kung paano tumama sa katawan ko ang bumper ng sasakyan ng kinilala kong ina mula pagkabata. Kung paano nagkagulo noon dahil sa aksidenteng idinulot nito sa akin.

Nanay... Helena is now behind bars with her daughter. Ang babaeng iyon... na may malamig na mga mata. Siya ang nasa driver's seat noon at nagmaniobra ng sasakyan para banggain ako at si Tross. That girl who' s the reason why my baby died. Why we are left broken. Knowing that Helena and her daughter is in jail, I can't feel happiness. I can't feel justice.

Well I guess justice wasn't serve perfectly. I am not contented with that.

I felt his presence beside me. I blew all those thoughts away.

"Let's get inside..." he said.

Nilingon ko siya. Hawak-hawak niya ang ilan sa mga gamit namin sa Hospital. Tumango ako at pagkuwan ay ngumiti. Bago pa kami makasapit sa pinto, bumukas na iyon at iniluwa si Tita Selena.

May maliit na ngiti sa labi niya.

"Welcome home, anak," aniya sa malamyos na tinig.

Tumango lamang ako at tinanggap ang pagyakap niya sa akin.

Home? This is not home. Our home was wrecked by a powerful storm. That's how my husband and I became a homeless soul.

Every side of house bears memories that I collected before. I collected because I want to cherish them until my last breathe but now... I wanted to run away from it. I want them all gone. I want to forget every bits of it. Funny how everything changed.

"Upo ka muna, 'nak. Naghahanda na si Letty ng pagkain," nakangiting turan ni Mama Aida.

They're all here. Lance... Zath and Zohan. Hiraya and her husband. The De Guia's and Tross's parents are here.

I hate how the look at me. Mas lamang ang awa at kalungkutan kaysa kasiyahan. Sa mga ganoong tingin nila, nagsisimula na rin akong kaawaan ang sarili.

Hinagilap ko ang aking asawa. Lumapit ako agad sa kaniya. Sinalubong naman niya ako ng halik at ngiti kahit pa alam kong peke lamang iyon.

"What do you want, baby? Do you want to rest now?"

Tumango ako dahil iyon nga ang gustong gawin sa mga oras na 'to. Siya na ang nagpaalam sa mga bisita. Naglakad na kami patungo sa kwarto. Tahimik lang ako at dire-diretso. Kung hindi ko lang sana nakita ang pintuan ng kabilang silid. Ang silid kung saan... naroon ang gamit ng anak ko.

Muling nabuo ang ingay sa isip ko. Nagsisimula ang maliliit na hagikgik. Ang mga pagtawag sa akin ay mas lumilinaw sa segundong ang mga mata ko ay nasa pintuan lamang na iyon.

"Mommy..." ani isang maliit at inosenteng tinig.

Sumikdo ang puso ko. Parang may nabubuhay sa akin. Pag-asa... unti-unti, nilalamon ako ng pag-asang iyon.

Wala sa sarili akong naglakad muli, hindi na patungo sa may kwarto naming mag-asawa kundi sa may silid ng anak. Naluluha ang mga mata ko habang naririnig pang muli ang mga hagikgik niya. Mas naging mabilis ang paglalakad ko. Agaran ang pagbubukas ng pinto.

Sinalubong ako ng dilim. Hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw at in-on iyon. Tumambad sa akin ang magkahalong kulay ng rosas at bughaw. A warm feeling crept within me. The chuckles became more clear.

"Wife? Are you okay?" I heard my husband asked behind me.

I nod continously. I am! Lakad-takbo kong tinungo ang kuna ng anak ko. Nabuo ang imahe ang isang inosenteng bata roon. Nakatanaw sa akin habang nangungusap ang mga mata. Umawang ang labi ko at sinalakay ng kasiyahan ang puso ko.

I crouched a bit to lift him. He smiled at me and his tiny hands touch my forearm. I lift him carefully. Inayos ko ang lampin na bumabalot sa katawan niya. Nang tuluyan siyang mabuhat ay umupo ako sa may maliit na kama roon. I heard Tross's voice.

"Hollis..." pagtawag niya. Nababasag unti-unti ang boses.

Nilingon ko siya. Gumuhit ang ngiti sa labi ko.

"Tross, look at our baby. He's smiling at me," tuwang-tuwa kong pahayag.

Bagsak ang balikat niya sa 'di ko malamang dahilan. Lumapit siya sa akin, ang mukha ay nababahiran ng hinagpis.

Muling umingay ang pagtawa ng anak ko kaya naman nabalik na sa kaniya ang atensyon ko. My son started to act like he's talking to me with soft giggles. He is creating noises like he's talking to me! His mother! I started saying things. Like how I love him. Kinaausap ko siya at sinabi kung gaano namin siya kamahal ni Tross.

My husband called my numerous times. Nang hindi ako sumagot, naramdaman ko siyang lumuhod sa harap ko. Sinulyapan ko siya at nakitang ang kamay ay parehong nasa gilid ko. Ang isang tuhod ay nakaluhod habang ang isa ay nakatungko lang.

"Tross, tuwang-tuwa siya. Kinakausap niya ako," nakangiting turan ko.

I heard him gasped. Itinuon ko na ang atensyon sa anak kong hindi inaalis ang mata sa akin. It seems like I am the only one he can see. Ganoon din ako. I felt my husband's head on my lap. Nakayuko siya. Ang isang bisig ay yumakap sa akin habang ang isa ay nakasuporta sa kama. Naramdaman ko ang pamamasa ng suot kong bestida. Sa parteng kinasusubsuban ni Tross.

"Please, wife... come back to me..."

Nilukob ng pait ang sistema ko nang makitang umaalog ang balikat niya at natatalo na ng pag-iyak niya ang mga tawa ng anak ko.

"Mommy..." I heard the tiny voice drifting away.

The piece of cloth I am holding drops on Tross's head. Tears escaped from my eyes when I came back to my senses. Nagsimula na rin akong humagulgol nang madepina ng tahimik na paligid ang bawat pagluha niya sa kandungan ko. Sa pagkakataong ito, maging siya ay tinalo na ng sarili. Iginupo na ng emosyong matagal din niyang itinago.

-

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 15.9K 49
[ Hurricane Cousin's : Garret Sean ] "You're right. Doing this revenge is not good. I got hurt when I saw her tears. Damn, I'm playing with fire..."...
88K 1.5K 48
FLIGHT ATTENDANT SERIES #1: A Tourism Student from DLU, Aiofe Lexine. A cheerful, timid, lavish, and a very kind daughter. She never expected that he...
1.7M 35K 45
Montejo Siblings #1 Love at first sight, that's what they call it. And it victimized the eldest of the Montejo Siblings, Darius. With Samantha's eleg...
172K 5.3K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...