Love You Out Loud (UniCocoTya...

By sun_flowershine

2.2K 226 41

UniCocoTyang AU "Okay, then let's make a deal. Let's both court her. Kung sino unang sagutin, panalo. Kung s... More

Just skip this
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15

Chapter 16

69 9 11
By sun_flowershine


Amy's POV

I knew it, tama nga ang kutob ko na aamin na talaga siya kay Gabb. Halos buong gabi yata akong nagdadasal no'n na sana ay 'wag na niyang ituloy at sana'y hindi na rin niya gawin. Pero buti na lang at mas malakas ang kapit ko kay Lord dahil walang aminan na nangyari.

But to be honest, kinabahan at natakot ako nang bigla siyang tumayo at mukhang balak na niya talagang sundan si Gabb.

Hindi ko naman in-expect na mas lalakas pala ang loob niya kapag gano'n ang mga sinabi ko. Ang goal ko lang naman kasi no'ng gabing 'yon ay takutin siya para panghinaan siya ng loob. Maling mali pala na gano'n ang ginawa ko dahil mukhang mas naging desidido pa siyang umamin.

Mabuti na lang at iba ang will ni tadhana. Para akong nakahinga nang maluwag nang biglang nagpaalam si Gabb at sinabi sa aming kailangan na raw niyang umuwi. Malas lang talaga ni Coleen at hindi nakaayon sa gusto niya ang mga nangyari.

Bawi na lang siguro siya next life, baka sa panahong 'yon ay hindi na siya torpe. I've given her enough time but nothing happened. Ngayon, ako naman at sisiguraduhin kong susulitin ko lahat ng oras na makukuha ko kay Gabb.

Speaking of, magkikita pala kami ngayon after ng class namin. I told her na sa auditorium na lang kami magkita dahil may kailangan akong sabihin sa kaniya.

Dapat kasi ay may lunch date kami kahapon pero hindi na nga ito natuloy. Sinubukan ko rin siyang yayain kanina pero mukhang busy talaga sila nitong mga nakaraang araw dahil sa pagtapos ng miniature nila. Ayoko naman siyang istorbohin at guluhin dahil baka mamaya ay ma-turn off pa siya sa akin at tuluyan na akong mawalan ng chance.

Buti na nga lang at hindi ko na masyadong iniintindi si Coleen ngayon. Because according to Gabb, pagkatapos daw ng dinner naming tatlo last last night ay hanggang ngayon, hindi pa rin daw sila nagkikita.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa idea na 'yon dahil ibig sabihin ay hindi pa ulit sila nagkakausap at mukhang hindi na nga natuloy ang pag amin ni Coleen.

Well, this is the perfect time to take advantage of the situation. Perfect timing din para ako naman ang umamin Gabb at sabihin kung ano ba ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Nang tuluyan ng umalis ang Prof namin ay agad kong inayos ang mga gamit ko at tumayo. Palabas na sana ako ng classroom pero napahinto ako at napalingon kay Miho nang magsalita ito.

"Saan ka, Amy?" Nakatayo na rin ito sa tapat ng kaniyang upuan habang mainam na nakatingin sa akin.

"Sa auditorium. Imi-meet ko si Gabb." Seryoso kong sagot. Naglakad ito papalapit sa dereksyon ko at binigyan ako ng malungkot na ngiti.

Pagkatapos kasi nung nangyari sa aming magkakaibigan last time, hanggang ngayon ay hindi pa rin namin 'yon napag uusapan. Araw araw pa rin naman kaming magkakasama pero halos hindi na namin ramdam ang presensya ng bawat isa. Kahit si Yzabel ay dalawang araw na yatang hindi sumasabay sa amin tuwing lunch dahil malamang sa malamang ay nagtatampo rin ito at may sama rin ng loob sa akin.

"Sorry sa nangyari nung nakaraan." She sincerely uttered and tapped my shoulder. Seryoso ko lang itong tinignan at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"Hindi naman talaga ako tutol sa desisyon mo. Ayoko ring ma-feel mo na dini-disregard namin 'yung nararamdaman mo. We are your friends, Amy at suportado ka namin sa lahat ng gusto mo. Kung ano man 'yung nasabi ni Yzabel that time, it was just her opinion. Kilala mo naman 'yon." Then she chuckled. Nakatitig pa rin ako sa kaniya at mukhang hindi pa siya tapos kaya nanatili akong tahimik.

"Saka for sure, na-realize na niya 'yung mga nasabi niya sa'yo. Magsosorry din 'yon. And believe me..." Huminto ito saglit at mas lumawak ang kaniyang mga ngiti.

"Team Gabb and Amy din 'yun, just like us!" Biglang lumitaw si Klaire sa gilid niya at sabay pa nila itong sinigaw habang nakataas ang mga nakasara nilang kamay. Dahil do'n ay hindi ko na naiwasang mapangiti. Bigla na lang nila akong inatake ng yakap kaya napatawa ako at napailing.

"Mga baliw." Bulong ko sa mga 'to. "Ang dami niyo pang sinabi tapos sa akin din pala kayo boto." Dagdag ko pa.

Humiwalay na sila sa akin at umayos ng tayo. "Of course! Para saan pa't naging kaibigan mo kami kung hindi ka namin su-support." Klaire said while smiling widely. Pabiro akong umirap sa kaniya at hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa labi ko.

Kahit na madalas kontrabida ang mga 'to sa buhay ko, swerte pa rin ako at sila ang mga kaibigan ko. Araw-araw man kaming nagbabangayan at nagiinisan, alam kong kahit anong mangyari ay hinding hindi nila ako pababayaang mag isa.

Nakaka-touch naman, parang gusto ko tuloy umiyak. Emz.

"Ano bang plano mo? Pupuntahan mo ba si Gabb? Amin ka na ba? Tara." Sunod sunod na tanong ni Miho at hinawakan ako sa aking pulso. "Hatid ka na namin sa kaniya. Gusto mo pa i-cheer ka pa namin?" Dagdag pa nito at hinila ako papalapit sa pintuan.

"Ano ba, kaya ko na 'to. Maliit na bagay." I jokingly replied and pulled back my hand from her. Muli kaming nagtawanan at pabiro pa akong hinampas ni Klaire sa aking braso. Nang matigil kami sa pagtawa ay agad na nag bitaw ng tanong si Klaire sa akin.

"Pero seryoso nga, aamin ka na talaga?" She curiously asked. Tumango ako bilang sagot at huminga nang malalim.

"I have to. Nagpaplano na ring mag-confess si Coleen sa kaniya, ayoko namang maunahan." I answered and they nodded their heads.

"Paano kung hindi naman bet ni Gabb si Coleen?" Napatingin ako kay Miho dahil sa tanong niya.

"Eh paano kung hindi din bet ni Gabb si Amy?" Binigyan ko naman ng masamang tingin si Klaire nang 'yun ang sabihin niya. Muling tumawa ang mga ito dahil sa naging reaksyon ko. I rolled my eyes and crossed my arms over my chest.

"Akala ko ba Team Gabb and Amy kayo?! Bakit kayo ganiyan?" Mataray kong saad at mas lalo namang lumakas ang mga tawa nila.

Tignan mo 'tong dalawang 'to. Pagkatapos akong suyuin saka ako babanatan ng mga ganito. Sarap pag untugin.

"Joke lang." Miho said and gave me a peace sign. "Team Gabb at Amy nga kami." Pagpapatuloy nito at hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

"Malakas 'yung gayumang nabili mo sa Quiapo eh." She added. Napairap na lang ako ulit at tumalikod sa kanila.

"Bahala nga kayo diyan. Sinasayang niyo lang oras ko. Puntahan ko na si Gabb sa audi!" Sabi ko sa mga ito bago tuluyang umalis ng classroom.

-

Pagpasok ko sa auditorium ay saktong walang tao. Mukhang wala pa rin si Gabb kaya agad na akong umakyat sa second floor at doon naupo.

Binaba ko na ang aking bag sa bakanteng upuan sa tabi ko at saka ko kinuha ang aking phone para mag-send ng message kay Gabb.

To Gabb:

Nasa audi na 'ko. Let me know kung papunta ka na, ha? Ingat.❤️

Pagka-send ko no'n ay pinatong ko muna ang phone ko sa aking hita at sumandal sa upuan. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pag-vibrate nito kaya napayuko ako at nakita ko ang pangalan ni Gabb.

From Gabb:

Kadi-dismiss lang ng class ko. I'm on my way. :))

Kusang may nabuong ngiti sa mga labi ko nang mabasa ko ang reply niya. Binaba ko na lang ulit ito sa aking hita at hindi na nagreply. Muli akong sumandal at pumikit habang hinihintay ang pagdating niya.

Ilang saglit pa ay napadilat na lang ako nang may kumalabit sa aking balikat.

"Neng, gising."

Napaangat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko at marahang umalis sa pagkakasandal sa upuan.

"6pm na, sasardo ko na 'tong audi." Dagdag pa nito. Nang makabalik ako sa aking wisyo ay agad kong kinuha ang aking cellphone at tinignan ang oras.

Nang makita kong ala sais na nga ay mabilis kong kinuha ang bag ko at napatayo.

Shit! Bakit nakatulog ako? Saka bakit walang gumising sa akin? Dumating ba si Gabb?

Pagkalabas ko ng auditorium ay bumungad sa aking ang halos magdidilim ng kalangitan. Nang ilibot ko ang aking mga mata ay konti na lang din ang mga estudyanteng nakikita ko.

Hinilot ko ang aking sintido at umiling. Nagsimula na ulit akong maglakad at habang naglalakad ay sinilip ko ang aking phone na kanina ko pang hawak-hawak.

Nakita kong may sampung messages at tatlong missed calls na iniwan si Gabb. Agad ko itong binuksan at binasa.

From Gabb:

Amy, malelate lang ako ng 10 mins. May kailangan pala akong gawin.

From Gabb:

Nandyan ka pa rin ba? Wait lang, ha. Asikasuhin ko lang miniature namin.

From Gabb:

Sorry talaga. Punta ako agad dyan after this.

From Gabb:

Can u answer my call?

From Gabb:

Please, call me back pag nabasa mo na 'to.

From Gabb:

I'm really sorry, Amy. Coleen called me and may importante raw siyang sasabihin. Baka kasi emergency. Hindi ko alam kung nasa audi ka pa ba, but please do call me kung nare-receive mo mga messages ko. Sorry talaga.

'Yun lang ang ilan sa mga messages niya. Agad nag init ang ulo ko nang mabasa ko ang pangalan ni Coleen. Kinuyom ko ang aking kamao at huminga nang malalim upang manatiling kalmado.

Talagang ngayon pa niya naisipang tawagan si Gabb? Saka ano? Importanteng sasabihin? Eh may sasabihin din naman ako ah! At importante rin 'yon! Galing din mamili ng oras ng babaeng 'to. Nananadya ba siya o gumaganti?

Nakakainis! Bakit ba kasi masyado akong nakampante?!

-

Pahabol na ud! Happy 1.8k reads and 180 votes. 🙂

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 23.9K 56
just for fun
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
803K 30.3K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
3.7K 225 46
What are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause con...