Chapter 10

39 6 0
                                    


Coleen's POV

"Okay, class. The dean texted us and may urgent meeting daw ang faculty." Saad ng prof namin nang may basahin siya sa kaniyang phone. "Dismiss ko na muna kayo, just be ready for a quiz tomorrow." Inayos nito ang kaniyang mga gamit at tuluyan nang lumabas.

I immediately stood up and fixed my things. Nilalagay ko na ang notebook at ballpen na ginamit ko kanina sa aking bag nang lumapit sa akin si Frances.

"Pst." Tawag nito at kinalabit ako. Agad ko naman siyang binigyan ng nagtatanong na tingin.

"Tara, milktea tayo." She muttered.

My eyes instantly rolled upon hearing that. "Tama ka na, Ut-ut!" I responded and grabbed my bag.

"Sige na!" Nagpapadyak pa ito na parang bata. "Tagal na nating hindi nagpupunta ro'n eh." Dagdag pa nito.

"At matagal mo na rin siyang hindi nakikita kaya nagaaya ka ngayon?" Agad kong saad.

She slowly nodded her head while pouting. "Please, Coco. Libre kita!" She pleaded. I just shook my head.

"Not this time, Frances. Need ko pang tapusin 'yung PETA natin. I have to edit and finish it today." I refused. Nakita ko ang pagbagsak ng kaniyang balikat. Marahan naman itong tumango.

"Okay. Sila Ate Nile na lang ang yayayain ko." Malungot nitong tugon.

As long as gusto ko siyang samahan, pero hindi talaga pwede. Bukas na ang deadline ng project namin na 'yon at ayaw kong magsayang ng oras.

I know, she misses that girl. I've been supportive since day one, simula no'ng makita niya ang babaeng 'yon. Halos araw-araw yata ay nagmi-milktea kami para lang do'n. Hay, ang ut-ut, mukhang na-inlove na nga talaga.

"Paano? Una na 'ko?" Tanong nito. Tumango ako at ngumiti.

"Go, enjoy and ingat!" Saad ko. Tumango naman ito at naglakad patungo sa pintuan. "Love you!" Sigaw ko pa. Lumingon ito sa akin at binalik ang mga ngiti ko.

"Love you too." Tugon niya bago siya mawala sa paningin ko.

Agad naman akong pumunta sa isa sa ka-grupo ko sa PETA para magtanong. Habang nag uusap kami ay bigla na lang akong tinawag ng isa pa naming kaklase.

"Coleen, may naghahanap sa'yo!" Sigaw nito kaya kunot noo akong napalingon.

Pagtingin ko sa pintuan ay doon ko nakita si Josh.

"Sige, Coleen. Send ko na lang 'yung video mamaya bago ka mag-edit." Saad ng groupmate ko. Tumango ako bilang pagsangayon.

"Yes, thank you." Ngumiti ako nang matamis dito. Pagtapos naming magusap ay agad kong binitbit ang bag ko at pinuntahan si Josh.

Hindi pa ako nakakalapit ay nakangiti na ito sa akin.

Ano na naman bang kailangan ng lalaking 'to? Pwede bang kahit isang araw lang, pagpahingahin muna niya ako sa kakulitan niya?

"Hi, Coleen." Masaya nitong bati.

"Hello, Josh. What's up?" I muttered.

"Wala naman, gusto lang sana kitang yayain." Saad nito at hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya. I immediately gave him an apologetic smile.

"Sorry, Josh. Hindi ako pwede ngayon eh. Madami pa kasi akong tatapusin." Tugon ko. Bigla naman itong nadismaya sa sinabi ko.

Ano siya? Gold? Kung si Frances nga ay hindi ko nasamahan, siya pa kaya?

Napalingon ako sa classmate kong kausap ko kanina nang naglakad na ito paalis ng classroom. Pagtingin ko rin sa hallway ay kaming dalawa na lang ni Josh ang natitira.

Love You Out Loud (UniCocoTyang) Where stories live. Discover now