The Atama Effect

By voboscribbles

184K 5.2K 1.5K

A Tantei High Fanfiction Started: May 08, 2015 Finished: April 11, 2016 [11:54 P.M.] More

Tribute!
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
SPECIAL CHAPTER: Hiro's POV
SPECIAL CHAPTER #2: Hiro's POV
Chapter 10:
Chapter 11:
Special Chapter: AKANE'S POV (Very Short)
Chapter 13:
Chapter 14
NOTE: A MUST READ UPDATE!
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
SPECIAL CHAPTER: Hiro's POV
Chapter 29:
Chapter 30:
Epilogue: Is it the end?
Note:

Chapter 4:

8.1K 215 51
By voboscribbles

"Hay nako! Idadamay niyo pa ako diyan sa mga plano niyo. No." Umiiling na sagot niya.

"Please po?"

"Hay nako! Adviser niyo ako, Atama ha. Makinig kayo. Ikakapahamak niyo ang pagpapasok ng humdrum sa campus." Pagmamatigas niya.

"Pero, Miss Reina. Please na po... Alam niya lahat ng tungkol sa ating senshins. Even shinigami, huntres and custos." Sabi ko.

"What are you talking about?" Taas kilay na tanong ni Miss Reina.

"Autumn, tell Miss Reina all you know." Sabi ko kay Autumn.

And the rest was history. Alam niyo na ang nangyari. Kinuwento ni Autumn habang si Miss Reina nakanganga.

"See, Miss Reina? Sabi sayo e." Sabi ni Akane.

"Atama, halika nga kayo." Sabay gesture niya na pinapalapit kami sakaniya. "Ms. Autumn, wait for a minute, huh? Thanks." Agad namang tumango si Autumn.

"Ano ba talagang balak niyo, Atama, ha? Ikakapahamak niyo to." Mahigpit niyang sabi.

"No, Miss Reina. Ginagawa namin to para wala nang makaalam about sa existence natin." Sabi ni Reiji.

"Yah, I know. Pero, a humdrum?! She's a humdrum. Isn't that hard to understand, Atama?" Umiling kami sa tanong ni Miss Reina.

"Miss Reina, it's for our own safety." Pagre-reassure ni Akane.

"Oo nga po. Just let us take her inside the campus para po ma-examine siya." Request ni Riye.

Tumango nalang ako.

Napatingin ako kay Hiro na nakatingin ngayon sa kawalan. Parang malalim ang iniisip niya at hindi siya masyadong nagfo-focus sa pinag-uusapan namin nina Miss Reina. May problema kaya?

'No. There's just something that really bothers me. I'm sorry wala akong maitulong for now.' Sabi na nga ba e. Nababasa na naman niya ang iniisip ko.

'Don't be sorry. Ano bang problema? You can tell me if you want to.'

'I'll just tell you at the right time.'

'Can you just tell me? I think it's the right time.' Pagpipilit ko. E-Eh? Hanubayaaaaan. Napapa-english na rin ako ng wala sa oras e. Impluwensya nga naman ni Hiro.

'Not my fault. Pwede ka namang magtagalog e.' After that, nakarinig ako ng mahinang pagtawa niya sa isip ko tapos wala na.... silence.

"---diba, Akemi?" Rinig kong sabi ni Akane. "Akemi? You okay?" Napalingon naman ako sakaniya.

"Mmm.." sabay tango ko.

'Ayan kasi. Masyadong chismosa. Nawawala ka tuloy sa topic.' Narinig ko ang panloloko sakin ni Hiro sa isip ko. Napatawa ako bigla. I never expected to see this kind of his side. Yung makulit at maloko.

'I can read your mind, moron.'

Nagpout nalang ako with that thought. Hindi ba siya matutuwa man lang dahil sa sinabi kong compliment?

'No. Never. Hahaha.'

'Gotcha!' Napangiti ako nung tumingin ako sakaniya. Bwahahaha. Caught in the act. Napaiwas nalang siya ng tingin pero dahil sa sixth sense ko, I can see that he slyly smiled.

"Oi. Oi. Oi. Akemi, hindi uso ang daydream ngayon. Kinakausap kita!" Napalingon agad ako kay Akane na may suot na nakakalokong ngiti sa mga labi.

"W-What? Hindi ako nagde-daydream ah!" Depensa ko. Ngayon ko lang napansin na wala na pala sina Miss Reina at Autumn dito.

'Defensive much?' Nangangalaiti kong tinignan si Hiro na nakangisi ngayon sakin. Bigla ko siyang hinampas sa braso niya---Err... hindi ko sinasadyang mapalakas yon.

"What was that for?" Tanong sa akin ni Hiro habang nakatingin ng masama.

Nakatulala lang yung apat sa akin at kay Hiro na parang nagtataka kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon.

"H-Hala. S-Sorry, Hiro. Hindi ko.... Hindi ko ano.... Hindi ko sinasadya." Sabi ko sakaniya habang nakatungo.

"Tsk. Let's go." Sabi ni Hiro saka siya lumakad papunta sa agency. Dito kasi kami sa labas nag-meet nina Miss Reina.

Agad na sumunod sila habang ako naiwang nakatayo doon.

"Halika na." Nagulat ako ng hilahin ni Akane ang kamay ko. Napatingin ako sa apat. Malayo na sila sa amin.

"Ano bang nangyari? Bakit mo hinampas si Hiro? Sayang. Bibiruin pa naman sana kita na nagde-daydream ka kanina about Hiro dahil nakatingin ka sakaniya." Nanghihinayang na sabi ni Akane.

"Napansin ko kasi kanina na tulala lang siya at nakatingin sa kawalan kaya napaisip ako kung may problema siya. Tapos kinausap niya ako through his inner voice. Hindi ko naisip na he can actually read minds even if its closed---Pwee! See? Napapa-english ako ng wala sa oras. Nakakahawa talaga yong lalaking yo----"

"Ayieeeee!" Sabay sundot niya sa tagiliran ko. Tinignan ko siya ng poker face. "Okay. Continue."

"As I was saying, nung kinausap niya ako through his inner voice, may something daw na nabobother siya then pinilit ko siyang sabihin sakin pero tinawag mo naman ako. Then niloko niya akong chismosa tapos tumawa siya bigla sa isip ko. That's the time na niloko mo kong nagde-daydream then nung sinabi kong hindi, niloko niya akong defensive daw ako. Bilang biro, I slapped him pero hindi ko aakalaing napalakas yon." Napatungo ako pagkatapos nung last line.

Pinat niya yung likod ko.

"You know what? You should give hin peace offering." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Huh?"

"C'mon! I know that you know what I mean here."

***

"Nee-san, are you okay?"

"Mmm.."

"Tulala ka kasi e."

Yeah. Ewan ko, something bothers me na din. Guiltness? Siguro.

"Akemi, sasama ka?" Umiling ako. "Okay. Iwan ka muna namin. May bibilhin lang kami sa plaza." Paalam ni Akane. Tumango naman ako.

Humiga ako ng patihaya sa queen size bed ng dorm. Kung may laser lang ang mga mata ko, kanina pa butas ang kisame ng room namin.

Napasigaw ako ng may tumalon bigla mula sa bintana. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tinignan kung sino yung tumalon. Naestatwa ako sa kinauupuan ko nang makita ko siya. Mukhang nagulat din siya nang makita ako.

Nagkaroon kami ng panandaliang eye staring contest. Walang nag-uudyok magsalita. Titigan lang.

"A-Anong g-ginagawa mo.... d-dito?" Lakas loob kong tanong. I can feel the awkwardness between the both of us.

"Sina Akane?" Plain niyang tanong. Pero, nung tinignan ko ang mga mata niya, nakita ko ang pagkailang doon.

"W-Wala. Nasa... Nasa ano.... Nasa p-plaza."

"Okay." Lumapit na kaagad siya sa bintana at tumalon na.

Nakahinga naman agad ako ng maluwag nang makaalis na siya. Agad akong nag-collapse sa kama at tinitigang muli ang kisame.

"You know what? You should give hin peace offering."

And then it hit me. Dali-dali akong tumayo at nagderetso sa kusina.

Chineck ko ang refrigerator kung may sapat na ingredients at napangiti nalang ako dahil kumpleto ang mga sangkap.

Agad akong nagderetso sa stove at nagluto.

"Hmm... Ang bango, Akemi! Adobo?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Akane pala. Hindi ko namalayang nandiyan na sila ni Riye. Tumango naman ako as an answer.

"Wow. Gutom na ako, nee-san. Amoy palang." Nagtawanan naman kaming tatlo sa sinabi ni Riye.

Pagkaluto, naglagay muna ako ng kaunti sa tatlong tupperware at itinabi ko muna yon sa may gilid ng stove. Nag-ayos kami ng mga plato at sabay sabay na kumain.

Pagkatapos kumain, nagkwentuhan at nagtawanan pa kami ng mga 3 or 4 hours. Wala naman kaming klase bukas e pero maya maya pa'y bumigay na rin silang dalawa.

Nang masiguro kong knock out na nga talaga ang dalawa, kumuha ako ng isang cloak sa closet at isinuot ito. Kinuha ko yung tatlong tupperware tsaka inilagay sa isang paperbag at lumabas na.

Habang naglalakad, napangiti na naman ako. Naalala ko kasi yung sabi ni Papa sa akin na mahilig daw si Mama (yung totoo kong nanay) na lumabas tuwing tapos na ang curfew hours.

Nagtungo muna ako sa Teacher's Village. Alam kong pwede akong makita ng kahit na sinong officials dito pero wala na akong pake.

Pagkarating ko, nagderetso ako sa room ni Mama. Kumatok muna ako. Maya-maya pa, nagbukas ito at nakita ko ang gulat na mukha ni Mama. Nginitian ko lang siya.

"Rainie, anong ginagawa mo dito?" Iniabot ko sakaniya yung isang tupperware galing sa paperbag.

"For you, Mama! Naisipan ko lang po kanina. Baka hindi pa kayo kumakain or pwedeng breakfast mo." Sabay kinindatan ko siya. Nagtawanan kaming dalawa.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Kahit kailan, hindi nagbago ang Rainie ko."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Mama naman. May dahilan ba para magbago ang anak mo?" Kumalas siya sa yakap at tinignan ako.

"Malay ko ba kung may nakakuha na ng puso mo." Sabay ngiti ni Mama ng nakakaloko.

Naramdaman kong namumula na ako. "M-Mama! Ano ka ba, wala no!"

Tinignan niya ako ng nakakaasar. Nagpout lang ako. Ang adik talaga ni Mama.

"Oi. Oi. Rainie, hindi adik ang Mama mo!" Sabi ko nga nababasa mo isip ko. Hay. Parehas na parehas sila ni Hiro.

"Ayieee. Rainie, ikaw ha, bakit iniisip mo ang anak ko? Nako." Sinundot sundot niya ako sa tagiliran ko.

"Mama!"

"Hahahaha. Bumalik ka na sa dorm niyo. Baka makita ka pa ng officials." Sabi niya saka ako hinalikan sa pisngi.

"Sige po, Mama. Aalis na po ako. Bye, Ma!"

"Bye, Rainie."

Pagkatapos, isinara na ni Mama yung pinto kaya nagderetso ako sa room ni Papa. Kumatok din muna ako at agad iyong nagbukas. Tumambad sa harap ko ang gulat na mukha ni Papa.

"A-Akemi? Anong ginagawa mo? It's already midnight." Nginitian ko lang siya saka binigyan ng quick hug saka ko ibinigay ang isang tupperware sakaniya na galing sa paperbag.

"Papa, niluto ko po para sayo!" Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero nacomposed niya kaagad yung sarili niya at tumingin sakin na may malawak na ngiti. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo dahilan para mas humigpit yung yakap ko sakaniya.

"You better go back, Akemi. Hahaha. Mana ka talaga sa nanay mo." Sabi niya habang ginugulo yung buhok ko. Natawa naman ako.

Ilang kwentuhan at asaran pa ang naganap bago ako umalis.

"Bye, Papa! Sana po magustuhan mo yung niluto ko." Hinalikan ko siya sa pisngi tsaka ako lumakad.

Pagkaalis ko sa Teacher's Village, naglakad ako papunta sa dorm.....

.....ng boys.

Alam kong bawal to pero... Ah! BASTA!

Nagsummon ako ng rope at hook tapos ay inihagis ko yun sa bintana ng fourth floor.

Nang maisabit ko na at sure na hindi matatanggal, nagsimula na akong umakyat.

Nang makarating na ako sa bintana, in-enhance ko na ang eyesight ko para mas makakita. Patay na kasi ang ilaw at madilim na. Mukhang tulog na sila. Napatingin ako sa pintuan nila palabas. Bukas ito at parang may lumabas. Isa lang ang pumasok sa isip ko ngayon: Hiro

Nagmadali akong bumaba sa lubid pero sa kasamaang palad, dumaplis yung paa ko nung nasa 3rd floor na ako kaya hindi na agad ito nakasuporta ng ayos kaya dere-deretso ako pababa. Pinilit kong huwag gumawa ng ingay kahit yung totoo e, ang hapdi na ng mga palad ko.

"Aray." Bigla akong napaupo nung nahulog ako dere-deretso sa lupa. Mabuti nga at hawak hawak ko pa din ang paperbag.

Tumayo ako pero napaupo agad. Napatingin ako sa kaliwang paa ko.

Jusko! Paano?!??

Maga yung paa ko. Huhuhu. Napaub-ob nalang ako sa mga tuhod ko dahil hopeless na makatayo ako dito.

Nagulat ako ng biglang may pumulupot sa bewang ko at unti-unti akong lumulutang.

"H-Hiro?"

"What do you think you're doing? Tsk. See what happen to you? Ano bang pumasok sa utak mo at umakyat ka don?" So, ako pa yung papagalitan niya ngayon?

Naglakad siya papunta sa kung saan.

"Teka.... papuntang..."

"Yeah." Napatungo nalang ako sa kahihiyan ko habang siya patuloy lang sa paglalakad.

Maya-maya pa, bigla niya akong ibinaba at iniupo. Nandito na pala kami sa may hill.

Nakatitig lang siya sa buong campus habang ako naman nakatungo at nilalaro ang daliri ko.

"Sorry." Agad akong napatakip ng bigla ko nalang nasabi iyon.

"What?" Napatunghay ako nang magsalita si Hiro na nakatingin na sakin ngayon.

"S-Sorry kanina. Hindi ko talaga sinasadya. Sorry, Hiro." Sabi ko saka inabot yung last tupperware sa paperbag pero ang nakakagulat, ngumiti siya. Yung halos mawala na ang mata niya tapos nag-chuckle pa siya. Ako naman, nakanganga lang.

Ginulo niya bigla yung buhok ko habang tumatawa siya.

"You really take it seriously, huh?" Matawa-tawa niyang tanong. What does he mean?

"Wala. Hindi naman masakit e. Actually, niloloko lang kita. I didn't expect na you'll give me this." Saka niya itinaas yung tupperware ng adobo. "Nakinig talaga sa lukang yon, no?" Then he chuckle. Naiilang ako. Ngayon ko lang nakita yung side ni Hiro na palatawa.

"A-Anong ibig mong sabihin? Hindi ka talaga nagalit?!" Tumawa na naman siya. Mas naasar tuloy ako. Nagluto pa man din ako, umakyat sa dorm nila, nagbreak ng rules tapos hind pala talaga siya galit?! Oh my gosh.

"Akin na nga yan!" Pagbawi ko sa tupperware na hawak niya.

"Naaah. Binigay mo tapos babawiin mo? Isn't that rude?" Nkangising sabi niya.

"Andaya! Hindi counted yan! Ibalik mo yan! Hindi ka naman kasi talaga galit! Madaya!" Sabi ko habang pilit na inaagaw yung tupperware sakaniya at siya naman pilit na inilalayo.

Nang mapagod ako, nag-cross arms nalang ako at tumitig sa view namin sa harapan.

Naramdaman kong kinalabit niya ako. Inismid ko lang siya. Kinulbit niya ulit ako. At isa pa. At isa pa. And another one. Another. Ugh! Sa irita, nilingon ko na siya dahil baka hindi ito tumigil sa kakakulbit.

Nang lingunin ko siya naestatwa ako sa kinauupuan ko. Magkalapit na magkalapit ang mukha namin ni Hiro. Yung kamay niya ang nakasuporta sa kaniya habang magkalapit kami.

Ilang segundo kaming magkatitigan at magkalapit pa ang mga mukha namin. I can feel his heavy breathing. I can smell his scent (Ang bango, infairness). I.... I.... I can.... feel my... heart beats.... fast. OKAY. CHEESY.
--_____--

*kriiiiing*

Nagulat kaming dalawa sa tumunog kaya yung kamay niyang nakatuon at nakasuporta, biglang bumigay kaya ang nangyari bumagsak siya sakin at napahiga kaming dalawa. Siya nasa ibabaw ko.

One word for us: Awkward.

Kaagad siyang umalis sa ibabaw ko at tinignan yung tumunog habang ko ay bumangon na din at nakatingin lang sa view ng campus.

Naramdaman kong tumayo siya. Nagulat ako when he suddenly grabbed my arm kaya napatayo ako. Hawak niya yung paperbag.

"Babalik na tayo?" Lakas loob kong tanong. But instead of answering me, hinila niya ako pababa ng hill.

Wala pa kami sa kalagitnaan at mga 2 steps palang ang nagagawa ko, napatigil ako sa paglalakad habang siya napalingon sakin at tinignan ako habang nagtataka.

Ngumiwi ako sakaniya sabay turo ko sa kaliwang paa ko. Napatingin siya don kaya napatingin din ako. Agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko yon. Sobrang swollen na yung back part ng left foot ko.

Pagkatapos, napatingin ako sakaniya at siya napatingin sakin na parang hindi makapaniwala sa nakita niya. Ilang segundong titigan pa, napailing siya.

Umupo siya sa harapan ko na ikinagulat ko. Bigla niya naman kong nilingon nang mapansin siguro na wala pa akong ginagawa.

"Come on. May case na dumating. We need to check it." Sabi niya saka tinap yung likod niya na parang..... Oh my gosh! Piggy back ride.

Wala akong nagawa kundi ang ipulupot sa leeg niya yung mga braso ko at saka siya tumayo at hinwakan yung mga binti ko para hindi ako mahulog.

Lumabas na kami ng forest at bumalik na sa loob ng campus.

"H-Hiro, anong oras na?"

"4 a.m." Literal.... Literal na nanlaki ang mga mata ko. Gaano kami katagal nakatambay sa hill at inabot kami ng 4 a.m.?!

Habang naglalakad si Hiro at naka-Piggy Back Ride ako sakaniya, may naramdaman akong presence. Isang strong presence. Naging alerto ako at in-enhance ko ang mga mata ko saka inilibot sa paligid namin ni Hiro. Mukhang naramdaman naman niyang palinga-linga ako.

"What's wrong?" Tanong niya.

"M-May ta-----"

"Akemi? Hiro?" Agad kaming napalingon sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino siya.

"P-P-Pa----"

"Dad."

"What happened, Akemi?" Ramdam ko ang concern sa boses ni Papa. Oo, si Papa yung nakakita samin. Kaya pala ang strong masyado nung naramdaman kong presence.

"Sprain." Plain na sagot ni Hiro. Nagulat ako ng biglang tumawa ng masaya pero mahina si Papa habang nakatingin sa itaas.

"Tignan mo nga naman, Akemi. Manang-mana sayo ang anak natin. Tsk." Natatawa niyang sabi. Napangiti ako. Si Mama (totoo kong nanay) pala ang tinutukoy niya. Bigla namang tumingin sa amin si Papa. "Alam niyo, na-sprain din ang Mama mo noon. Ganyang-ganyan din kami." Nakagiti niyang sabi sa amin. Bigla naman akong namula. Alam ko ang iniisip ni Papa kaya niya sinasabi yon.

"Akemi, nagka-'Mini Me' tayo." Sabi ni Papa habang nakatingin ulit sa itaas at nakangiti.

***

"Akemi! Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Akane once na makarating sila sa room ko sa Med. Department.

"Nee-san! We've been looking for you for about an hour." Sabi ni Riye.

"Sorry." Nakatungo kong sabi.

"Nako. Okay lang. Ano ka ba. Atleast, ngayon alam namin na safe ka." Tapos nginitian niya ako ng nakakaloko.

"Anong---?"

"Nakuuuu. Narinig ko lahat, Akemi. Mini Me pala ha. Ayieeeee." Sabay sundot niya sa tagiliran ko.

Nakaupo kaming tatlo ngayon sa hospital bed ko at nagkukulitan. Nakatulog naman ako ng ilang minuto... Wait, idlip lang pala. XD

"Teka! Hindi ba tayo pinapatawag?" Tanong ko.

"Huh? Bakit naman, Nee-san?" Tanong ni Riye.

"May bagong case daw sabi ni Hiro sakin kanina e." Tumango-tango silang dalawa. Bigla namang nag-ring yung phone ni Akane kaya sinagot niya ito. Mukhang si Ken ang kausap niya. Pagkatapos, in-end na niya yung call.

"Yah, tama si Akemi. May bago daw case. Kaya mo na ba, Akemi?" Tumango ako at saka tumayo. Grabe lang, ang bilis ng medication process dito sa Tantei High ah. In just a few minutes, hindi na swollen yung paa ko and at the same time hindi na masakit.

Tumayo na din silang dalawa at sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto. Nagpaalam kami kay Dra. Yuuki at pinayagan naman agad kami.

Habang naglalakad papunta sa Midori Building, napangisi ako....

.... I missed this.

***

Continue Reading

You'll Also Like

10.1K 1.5K 107
A collection of my drawings just for the purpose of compilation. I am not very fond of my own drawing, I just want to compile it here. Yet it will al...
59.5K 3.7K 21
COMPLETED | The Orphic Secret must be unveiled to put an end to the Zero Curse. The Orphic Secret // Phoenix Academy's prequel + short postlude [ACAD...
22.7K 1.2K 10
VOLUME 3 Back from the start, but not as a team. What are they suppose to do FIRST? Continue playing the game and collect the pieces? Or fix their bo...
Wishing You By A.

Mystery / Thriller

9.6K 753 9
Donne, a good-for-nothing teenager who does not believe in wishes and miracles not until he happens to meet one. Genre: Mystery/Thriller Status: COMP...