Secretly Married To My Profes...

By EyeofMed

4.2M 135K 185K

"Maybe our stars will realign again and we can pick up where we left off, but if that time does not come, I h... More

Secretly Married to my Professor
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Wakas
Special Chapter-September
Special Chapter-Zahira
Special Chapter-Pamela

Kabanata 30

92.1K 2.9K 9.2K
By EyeofMed

TRIGGER WARNING: Self-harm, abuse, violence, rape. Please be advised.

Note: Please kung hindi kaya ng puso't sikmura niyo ang mga nasabi sa itaas ay huwag na po kayong magtuloy. Read at your own risk.


***





Flashbacks...





"Hoy, mga tanga! May napili na kayong club na sasalian?"


Inayos ko ang pagkakabutones ng uniform ko. Kinuha ko ang suklay sa bag ni Pam at sinuklay ang sariling buhok saka naglagay ng powder sa mukha. Maglalagay pa sana ako ng liptint sa aking labi ng agawin ni Piper sa akin ang liptint ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Give me back my liptint, Pipe!" I said and glared at her.


"Puro ka paganda, bobo ka naman—"

"What did you just say?!" Singhal ko at tumayo na saka lumalit sa kaniya.


Hinayaan lang kami nila Pam dahil alam na nilang hindi rin nila kami maaawat. Eh, paano? Never atang sumuko si Piper bwisitin ako at talagang lumalaban pa siya. Kahit naiinis na ako ay sige pa rin siya sa pang-aasar sa akin. Hindi rin naman ako nagpapatalo. Walang nagpapatalo sa amin.

"Uulitin ko ba iyong sinabi kong bobo ka?" Mataray na sambit niya kaya mas lalo akong nainis.

"Bakit? Matalino ka ba?" Pagtataray ko rin at bubuhatin ko sana ang isang upuan para ibato sa kaniya pero nagbago ang isip ko dahil mabigat iyon at hindi ko kayang buhatin.

"Oo, top one nga ako lagi sa section namin."

"Tanga, nasa last section ka naman—"

"Paki mo ba? At least nagt-top one ako, eh ikaw?"

"Malapit na akong maging top," humagikhik ako, "top ni Zahira." Sambit ko at kahit binato ni Piper sa akin ang liptint ko at nasapul ang mukha ko ay hindi natanggal ang ngiti sa labi ko.

"Harot pa, sa tingin mo magugustuhan ka niya? Sa sobrang talino niya halatang hindi niya magugustuhan ang isang bobong katulad mo."

Tinignan ko nang masama si Piper dahil nasaktan ako sa sinabi niya. Kaya simula noong araw na iyon ay nagsipag na ako sa pag-aaral at kahit katatapos lang ng quiz o exam ay nagrereview pa rin ako. Syempre, para kay Zahira. Para magustuhan na niya ako.

"Sa music club ako," sagot ko nang muli nila akong tanungin kung anong club ang sasalihan ko.

Kasali si Zahira sa Music Club kaya roon ako sasali, para lagi kong naririnig ang boses niyan. Halos lahat nga ata ng club ay pinapasukan niya, iyong sa akin na lang ang hindi.

"Tanginang 'yan. Ang pangit-pangit ng boses mo tapos sasali ka sa Music Club? Anong gagawin mo ro'n? Magiging drumstick? Sabagay, mukha ka ngang walis tingting."

"Peter, kaunti na lang masasakal ko na 'yang kambal mo. Ilayo niyo sa akin 'yan." Pagbabanta ko pero tila wala silang narinig.

Lumabas ako nang room dahil naaalibadbadaran ako kay Piper. Hindi masama ang loob ko sa kaniya, nasanay na ako sa pagiging mataray niya at sa bunganga niyang masakit magsalita. Kahit papaano ay mabait naman siya, ayon nga lang at madalas asal demonyo. Kami lang ang barkada niya rito sa school. Kung wala kami ay tila wala na siyang pakialam sa paligid niya at sa ibang tao. Nahirapan nga kaming kaibiganin siya dati. Kabaliktaran sila ni Peter na halos lahat ng narito sa school ay barkada niya, kahit nga ata mga bagay-bagay na hindi namin nakikita ay kinakausap niya.

Lima kaming magkakaibigan sa grupo. Ako, si Pam, Sweden, at iyong dalawang kambal na sina Peter at Piper. Since grade 7 kami ay lagi na kaming magkakasama, si Piper naman ay sumabit lang noong grade 8 dahil ayaw niya talaga kaming kaibiganin, pinilit lang namin. Pumayag naman kalaunan.

"Hi, Ember. Nandito ka na naman ba para kay Zahira? Wala siya rito. May meeting ang mga officers. Balik ka na lang next year."

Nginusuan ko si Ate Trina nang sabihin niya iyon kaya bumalik na ulit ako sa room namin dala ang mabigat kong damdamin dahil magt-ten minutes na simula nang huli kong makita si Zahira.

Si Zahira ay senior high school na, grade 12 to be exact, samantalang ako ay grade 10 student. Nagsimula akong magkagusto kay Zahira noong grade 8 ako, nahulog ang panty at puso ko nang marinig ko siyang kumanta noon sa gym habang tumutugtog siya ng piano. Bukod sa magaling siyang kumanta at tumugtog ng piano ay matalino rin siya at ubod ng ganda. Iyon nga lang at hindi siya nakikipagkaibigan. Pili lang ang mga kinakausap niya. Masyado siyang malamig tumitig, mukha siyang yelo pero ako iyong natutunaw sa tuwing tumitingin siya.


"Basted ka na naman ba?" Tanong ni Sweden at natawa.


"Hindi, 'no! Sus, ako mababasted? Sa ganda kong 'to?" Sambit ko at naupo sa aking upuan na nasa tabi lang ng bintana.

"Baka kasi hindi maganda ang gusto, baka gwapo." Si Pam ang nagsalita.

"Ah, basta. Wala akong pakialam. Gagayumahin ko siya sa pamamagitan ng alindog at ganda ko," I flipped my hair na ikinatawa nila.

Tama, kung gwapo man ang hanap ni Zahira ay gagayumahin ko siya sa gandang taglay ko. Bukod sa maganda ako ay cute at sexy pa, saan pa siya?

"Zahira, are you from Paris?" I asked matapos ang meeting namin sa Music Club.

"Nako, babanat na naman 'yan," sambit ng mga nakakakilala sa akin at nakakaalam sa pagkagusto ko kay Zahira.

Lahat na nga ata ay alam ang tungkol doon.

Kahit na hindi pinansin ni Zahira ang sinabi ko ay nagsalita ako para tapusin ang banat ko, "because I think eiffel for you."

Hiyawan ang mga kasama ko samantalang si Zahira ay umalis na ng room na ni hindi man lang ako sinulyapan. Napasimangot ako. Umuwi akong dala ang mabigat kong damdamin.

"Ma, buy me a guitar. Sumali ako sa Music Club. Haharanahin ko si Zahira," I said to my mom.

"What?" Natatawang tanong ni mama. "Anak, baka imbes na magustuhan ka ni Zahira ay mas lalo lang siyang magdalawang-isip sa 'yo."

Ngumuso ako, "hindi 'yan, ma. Wala po ba kayong tiwala sa anak niyo?"

Mama just laughed pero gaya ng hiniling ko ay binilhan nila ako ni papa ng gitara. Gabi-gabi ay wala akong ibang ginawa kundi magpractice maggitara, mama even hired a tutor para maturuan ako.


"Ate Trina, si Zahira?" Tanong ko kay Ate Trina nang makarating ako sa room nila hawak ang isang lunchbox na may lamang cupcake.

"Ayon siya, oh." Tinuro niya si Zahira na nasa pinaka first row ng room, nakaairpods.


Agad akong lumapit sa kaniya na may malapad na ngiti sa labi. "Hi, Zahira!" Bati ko sa kaniya pero tinignan niya lang ako nang malamig saka tinuon ang mata sa notebook. "Sabi ni mama ibigay ko raw sa 'yo." Sambit kong muli at nilagay sa harap niya ang lunchbox. Mas lalo akong napangiti nang kunin niya iyon.


"Tell tita Chantal thank you," tipid na sagot niya at nilagay ang cupcake sa bag niya.

"Sa akin? Hindi ka ba magt-thank you?"

Hindi na niya ako pinansin kaya ngumuso ako. Magtatagal pa sana ako ro'n pero dumating na iyong teacher nila kaya umalis na ako. Hindi ako titigil hangga't hindi nahuhulog si Zahira sa alindog ko.

"Hay, nako, Ember. Grabe iyong persistence mo sa paghahabol kay Zahira kahit ni kaunti ay wala kang chance sa kaniya," natawa si Ate Trina ng isang araw ay pumunta na naman ako sa room nila. "Study first kasi 'yang si Zahira. Sa dami ng gustong manligaw at umaaligid sa kaniya ay wala siyang pinapansin kasi nga mas inuuna niya ang pag-aaral niya. Bumalik ka na lang after five years, kapag grumaduate na siya ng college o 'di kaya kapag pareho na kayong graduate. Malay mo, 'di ba?"


"Kaya ko namang maghintay, Ate Trina. Kahit gaano pa 'yan katagal. Pwede ko rin naman siyang ligawan araw-araw habang naghihintay, habang nagfofocus siya sa studies niya. Hihintayin ko siya," seryosong sambit ko.

Wala akong ibang gusto kundi si Zahira. Siya lang ang gusto ko, siya lang ang nakikita kong makakasama ko hanggang sa tumanda kaming pareho. Kung hindi man mangyayari iyon, edi ouch.


"I wrote a song, mama. It's for Zahira. Ipeperform ko 'to sa Music Club namin sa Monday." Sambit ko kay mama at hinayaan kong marinig niya ang kanta ko.

"Maganda iyong kanta."

"Eh, iyong boses ko, mama?"

Hindi pinansin ni mama ang tanong ko. "Anong title ng kanta mo, anak?"

"My Solace, mama." Humagikgik ako.


Iyon kasi ang word na nagdedescribe sa nararamdaman ko para kay Zahira. Sa tuwing andyan siya, kahit wala siyang ginagawa ay kumakalma ako, kahit titig nga lang niya feeling ko ay okay ang lahat.

Pauwi na kami pero sobrang lakas ng ulan, hindi ko nadala ang payong ko at kailangan kong magcommute dahil may emergency si mama sa work niya at si papa naman ay nasa ibang bansa, walang susundo sa akin. Yakap ko ang bag ko ngayon at hinintay humupa ang ulan pero nang hindi ko na mahintay ay tatakbo na sana ako palabas nang may humawak sa braso ko.

Gulat akong napatingin kay Zahira, siya ang pumigil sa akin. May hawak siyang isang itim na payong habang malamig na nakatingin sa ibang direksyon. Tila naiinis ito pero hindi ko iyon pinansin at ngumiti ako nang sobrang lapad. Kinikilig ako.

"Let's go," sobrang lamig ng boses niya at hanggang ngayon ay nakahawak pa rin siya sa braso ko habang naglalakad kami palabas ng school.

Akala ko ay iiwan na niya ako pero pinapasok niya ako sa sasakyan nila. Ang mama niya ang nagddrive.

"Hello po, Tita. Good evening po," magalang na bati ko rito.

"Good evening, hija. Nasa hospital pa ba si Chantal?" Tukoy niya sa mama ko, nakangiti ito.

Magkaibigan ang mga magulang namin ni Zahira kaya kilala nila ako.


"Opo, tita. May emergency po kaya hindi niya ako nasundo."

"Ihahatid ka na lang namin. O baka gusto mong sa bahay ka na lang muna matulo—"

"Ma—"

"Sure, tita. Gusto ko po," agad kong pinutol si Zahira.

Nakangiti lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Kinikilig ako sa isiping kasama ko si Zahira ngayon sa bahay nila. Pwede na kaming bumuo ng pamilya.

"Here, use this," she said coldly and gave me a t-shirt, sweatpants, and a pair of underwear.

"Zahira, anong gusto mo sa..." nag-isip ako saglit, "anong gusto mo sa isa tao?" I asked as I looked at her.

Kasalukuyan siyang nagsusulat ngayon, nagrereview.


"Zahira—" natigilan ako nang isalpak niya sa tenga niya ang kaniyan earphone. Napasimangot ako.

Ayaw niya akong kausapin.

"Hoy, Ember. Nakausap mo si Pam? Absent na naman dalawang araw na." Sambit ni Sweden.

Kasalukuyan kong tinatawagan ngayon si Pam pero hindi siya sumasagot. Hindi ko na rin siya macontact. Nakailang message na rin ako pero walang reply kahit isa, kahit tuldok man lang.

After ng klase ay pinuntahan ko si Pam pero ang nadatnan ko ay ang kapatid niyang lalaki. Hindi ja ako tumuloy dahil nakakatakot siya. Kinabukasan ay pumasok na si Pam. Nagtaka pa ako dahil nakasuot siya ng jacket gayong hindi naman malamig.

"Hoy, si Pam?" Tanong sa akin ni Piper matapos ang klase namin.

"Nasa comfort room, tara tignan natin," pag-aaya ko sa kaniya nang mailigpit ko ang mga gamit ko.

"Hindi ako natatae, ikaw na lang."

Sinamaan ko si Piper pero hindi na ako nakioag-away pa dumiretso sa CR. Agad akong nakarinig ng mumunting hikbi. Si Pam ba iyong umiiyak?

"Pam?" Tawag ko rito. Isa-isa kong binuksan ang cubicle at nang marating ko ang panglimang cubicle at nang mabuksan ko iyon ay nakita ko si Pam hawak ang isang cutter. "Pam, anong ginagawa mo?!" Nag-aalalang tanong ko at agad na kinuha sa kaniya ang hawak niya.

"Gusto ko nang mawala, Ember," umiiyak siya.

Pareho kaming nasa loob na ngayon ng cubicle. Kita ko ang puro peklat sa kamay niya at iyong iba ay halos kagagaling lang. Napalunok ako, maging ako ay naiyak na rin. I hugged her without saying anything.

"I'm tired. Ayaw ko na," she said while crying, paulit-ulit niyang sinasabi iyon. "Pagod na pagod na ako, Ember. Ayaw ko na."

We were both crying now. Ramdam ko iyong bigat na nararamdaman ng kaibigan ko kahit hindi ko man alam ang rason niya.

"I'm here, Pam. I'm always here," pag-aalo ko sa kaniya.

"M-mag-i-stay ka pa rin ba kapag sinabi ko sa 'yong..." muli siyang umiyak at halos hindi na niya masabi ang gusto niyang sabihin. "Kapag sinabi ko sa 'yong hindi na ako iyong dating Pam? Will you still stay? Will you still accept me kapag sinabi ko sa 'yo ang naging karanasan ko? Ang nangyari sa akin sa past ko?"

"Pam—"


"I was raped," her voice broke.

Sa narinig ko ay bumagsak ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagulat ako sa narinig ko. Niyakap ko nang mahigpit si Pam at mas lalong napaiyak. "N-no, please, tell me that's not true—"

"M-my brother raped me. I told my mom about it but she just told me to keep it myself. D-dahil kapag nagsumbong ako, masisira ang reputasyon ng pamilya namin. M-mayor si papa at ayaw nilang madungisan ang pangalan niya," humahagulgol na sambit niya. "It's been almost a year pero hindi ko magawang kalimutan iyon. I just want to end my life. Ayaw ko na, Ember. Pagod na pagod na akong magsuffer. Oras-oras wala akong ibang nararamdaman kundi sakit at takot. Paulit-ulit akong binabangungot ng nangyari, ng nakaraan."

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat sa mga sinabi ni Pam. Naikuyom ko rin ang kamay ko sa galit dahil sa ginawa sa kaniya ng kapatid niya, dahil sa sinabi sa kaniya ng mama niya. Para akong nag-aapoy sa galit. Gusto kong manakit dahil ramdam ko iyong sakit na nararamdaman ng kaibigan ko. I want them to be punished. Hindi deserve ni Pam ang nangyari sa kaniya.

Halos isang taon na at ngayon lang siya nagkalakas ng loob ilabas iyon. Halos isang taon niya iyong kinimkim at nagpanggap sa harapan naming okay siya. Bakit hindi namin nahalata iyon? Bakit hindi man lang namin napansing hindi siya okay? Na araw-araw may takot siyang nararamdaman, na araw araw-araw wala siyang ibang iniisip kundi ang mawala na lang.


Simula nang araw na 'yon lagi ko ng kasama si Pam, pinatura ko siya sa bahay. Nanga ako sa kaniyang hindi ko iyon ipagsasabi sa iba dahil iyon ang gusto niya even if I'm willing to help her para makasuhan at maipakulojg ang kapatid niya ay hindi siya pumayag. Iniisip niya pa rin ang kapakanan ng mga magulang niya, ang reputasyon ng pamilya niya.

Hindi ko masasabing naging okay si Pam pero lagi akong nasa tabi niya kapag kailangan niya ng kasama at maiiyakan. Alam kong hindi mawawala iyong takot niya sa nangyari sa nakaraan niya, alam kong andoon pa rin iyong sakit pero nasisiguro kong napapagaan ko ang loob niya. I helped her. Hindi ko siya iniwan.


"Totoo ba? Kakanta ka mamaya?" Tanong ni Pam sa akin.

Humagikgik ako, "oo, kakanta ako para kay Zahira. May kanta akong sinulat para sa kaniya."


"Tangina, baka mamaya bumagyo, ha?" Si Piper na nagsusungit na naman. Ang taray na naman ng aura.


Bitbit ang gitara ay pumunta ako sa harap ng gym. Performance namin ngayon sa Music Club. Kay Zahira nakatuon ang atensyon ko. Nakatingin din siya sa akin ng diretso, prenteng nakaupo sa pinakaharapan habang ang isang paa ay seksing nakapatong sa isang hita niya.

Tumikhim ako, "hello? Do you hear me? Hello?" Sambit ko na ikinatawa ng lahat. "This song is for Zahira. Sinulat ko 'to para sa 'yo, beh. Lagi ka kasing natakbo sa isip ko. Start na ako. Huwag ka masyadong kiligin." Humagikhik ako.

Muli silang naghiyawan sa kilig nang masabi ko iyon.

Nagsimula na akong magstrum. Kinakabahan ako dahil first time kong gagawin 'to, unang beses sa buong buhay ko. Maraming hindi kumbinsido sa boses ko pero sino ba naman sila para pigilan ang pangarap kong haranahin si Zahira?

"Go, Ember! Kaibigan ko 'yan!" Proud na proud na sigaw ni Pam, pumalakpak pa siya samantalang iyong tatlong unggoy ay tila nahihiya, kinahihiya ako.


"You just put a smile on my face
And you make my heart race, hmm
So, girl, let me come over to your place
In your heart, give me a space
Oh, I think I found solace... in you," kanta ko sa intro ng sinulat kong kanta.

Hiyawan ang mga nanonood nang ituro ko si Zahira na ngayon ay nakatingin na sa akin nang masama. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagstrum, mabuti na lang at marunong na ako.

"Oh, I'll wait, I'll wait for you
Oh, can't take, can't take my eyes off of you
So, don't break, don't break my heart, ooh
And let's make, let's make our own love story, ooh."

"Nakakakilig kahit sintunado!" Sigaw ng isa kaya natawa na lang ako.


"I promise you that I will never break your heart
Even when things get hard, I will never leave your side," huminga ako nang malalim bago muling nagpatuloy, grabe iyong kaba ko pero kailangan ko itong tapusin.

"Go, Ember!"

"I'll stay even when you push me away, push me away
I'm always here for you, until our hair turns grey."

"Hoy, Ember. Nandito naman ako, ako na lang kahit sintunado ka. Maganda ka naman."

"So, I'll wait, I'll wait for you
And oh, can't take, can't take my eyes off of you
So, don't break, don't break my heart ooh
And let's make, let's make our own love story oooh
'Cause I found solace in you
My solace..."

Nagstrum pa ako ng pang-outro bago ako tumakbo palabas ng gym hawak ang dibdib kong sobrang lakas ng tibok. "Kabayong puti!" Gulat na singhal ko nang biglang may lumapit sa akin at nilahad ang isang bottled water.

"Z-Zahira," tawag ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang tubig na hawak niya saka na umalis. Nagulat ako kalauna'y napalitan iyon nang malapad na ngiti sa labi at nagtatalon ako sa sobrang kilig at saya.

"With highest honor ang bebe-love mo, Ember!" Balita sa akin ni Pam. Niyugyog pa niya ako.

"Inaasahan ko na 'yan, sa galing at talino ba naman kasi niya," pagyayabang ko.

After ng graduation ni Zahira ay agad ko siyang nilapitan para mabigay sa kaniya ang bouquet ng flower na hawak ko at iyong regalo kong pinaghirapan kong bilhin, allowance ko iyon ng buong school year. Isa iyong original gold necklace na may maliit na diamond pendant.

"Thank you," she just simply said.

"Picture kayo," sambit ni Pam at tinutok sa amin ang camerang hawak at kahit hindi ready si Zahira ay hinawakan ko siya sa baywang niya at mas lalong nilapit sa akin saka ngumiti ang sobrang lawak.

College student na si Zahira samantalang ako ay senior high school student palang. Nahirapan ako sa panliligaw at pagbisita sa kaniya dahil mas lalo na siyang nagising busy. Hinayaan ko muna siya pero hindi ako tumigil. Pinapadalhan ko siya ng coffee sa condo niya sa tuwing alam kong nandoon siya at nag-aaral. Hindi ko siya mapuntahan dahil busy rin naman ako, hindi magkatugma ang schedule naming dalawa.


"BS Accountancy ang kukunin ko, ma," sambit ko kay mama.

Sa wakas ay first year college na ako at si Zahira ay third year college na. Makikita ko na siya araw-araw at malaya ko na ulit siyang maliligawan. Gaya ng sinabi ko ay maghihintay ako para sa kaniya, hanggang sa maging ready siya, hanggang sa makapagtapos siya.

"Ember, pahiram ng notebook mo sa Econ. Hindi ako nakapagsulat kanina."

Nilingon ko si Lucas na kaklase ko saka binato sa kaniya ang notebook kong hinihiram niya.

"Thank you!" Sigaw niya.

Napangiti ako nang malaman kong si Zahira ang President namin sa department namin at lagi siyang dean's lister. Nag-aaral nga siya nang mabuti. Proud soon-to-be wife here.

"Totoo? Nagpaligaw ni si Zahira sa 'yo?"

Tila bumagsak ang langit at lupa sa akin nang marinig ko iyong pag-uusap no'ng dalawang lalaki. Iyong isa ay vice president ni Zahira. Siya ba ang pinayagan niyang manligaw sa kaniya?


"Oy, tama na 'yan, Ember." Awat sa akin ni Lucas nang yayain ko siyang mag-inom.


Hindi ko kinaya iyong narinig ko.


"Bakit nagpaligaw siya sa iba? Ilang taon na akong naghihintay para sa kaniya pero ni hindi niya ako pinayagan," umiyak ako.

"Bakit kasi si Zahira pa? Ang dami riyang iba," rinig kong sambit ni Lucas.

Humagulgol ako, "ayaw ko sa iba, Lucas. Gusto ko siya lang."

Napakamot si Lucas sa ulo niya.

Maya't maya ay dumating na sila Pam at Piper. Si Pam ay Accountancy student rin pero magkaiba kami ng schedule, ganoon din sila Peter at Sweden samantalang si Piper ang naiiba sa amin dahil nag-architecture siya.

"Ayan, Zahira pa!" Si Piper na galit na galit, halata ang inis sa kaniya.

"Tara na, iuwi na natin siya."

Kinabukasan ay pumunta ako sa room nila Zahira. Hinintay ko siya roon at nang makita ko siya ay agad ko siyang nilapitan.

"Can we talk?" I asked. Masakit pa rin ang loob ko. Hindi siya umimik kaya muli akong nagsalita, "is that true? Nililigawan ka ni Matteo?" Nagbabadya na ang luha ko.


"I don't have time for that, Ember." She said. "May klase pa ako," nang masabi niya iyon ay umalis na siya at iniwan ako sa hallway.


"Itigil mo na kasi 'yan, Ember. Halata namang wala kang pag-asa sa kaniya. Sinasaktan ka lang niya, can't you see?


Hindi ko pinakinggan si Lucas at muli lang uminom. Ayaw ko, pakiramdam ko may pag-asa pa, pakiramdam ko magugustuhan pa ako ni Zahira. Titigil ako kapag grumaduate siya. Kapag wala na talaga, titigil na ako. Isa pa ay hindi kasalanan ni Zahira kung ba't ako nasasaktan ngayon dahil ako ang may gusto nito, ako ang nagpupumilit.



"Let's go home," Piper said at inalalayan niya akong tumayo.


Sa iisang condo kami nakatira nila Pam at Piper, sila Sweden at Peter naman ang magkasama. Sa tuwing nasasaktan ako para kay Zahira ay sila ang nandyan para sa akin, pati si Lucas na ngayon ay naging kaibigan na rin namin dahil laging siya ang niyayaya kong mag-inom kapag may klase sila Pam.

"It's not healthy anymore, Ember. Pati pag-aaral mo napapabayaan mo na dahil kay Zahira," Lucas said.

Natauhan ako dahil sa sinabi niyang iyon kaya nagfocus na ako sa pag-aaral ko pero hindi pa rin ako tumigil umasa kay Zahira.

"Coffee," sambit ko at nilapag sa table ni Zahira ang tinake-out kong coffee mula pa sa coffee shop sa labas. "Pumunta lang ako dito to give you that, aalis na ako." Tuloy ko at umalis na, hindi ko na hinintay pa kung anong sasabihin niya at baka ibalik niya lang sa akin iyon.

"Come here," sambit ni Piper at tinapik ang bed.

Tila nanghihinang lumapit ako sa kaniya at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at paghalik niya sa ulo ko kaya hindi ko na napigilang umiyak. Pagod na ako sa pag-aaral ko at nasasaktan pa ako kay Zahira, kasalanan ko naman ito. Hindi ko lang talaga kinakaya kaya iniiyak ko na lang. Masyado nang malalim itong nararamdaman ko sa kaniya.

Hindi umimik si Piper, niyakap niya lang ako at hinayaang umiyak. Hindi niya ako iniwan hanggang sa makatulog ako.

"Magna Cum Laude si Zahira," rinig kong sambit ni Pam.

Napangiti ako. "Of course, si Zahira ko 'yon, eh."


Graduation na ni Zahira. Sa wakas ay grumaduate na siya samantalang magt-third year naman ako.


"Congrats!" Sambit ko kay Zahira at binigay sa kaniya ang bouquet ng flowers after ng graduation niya. "Suot mo," napahawak ako sa bibig ko nang makita ko ang binigay kong regalong necklace sa kaniya noong grumaduate siya noong high school. First time kong makitang suot niya iyon at ngayong graduation pa niya.


"Tapos na ako. Ikaw naman ang hihintayin ko. Ako naman ang maghihintay sa 'yo," she said.


Kumunot ang noo ko, kinabahan ako. "What do you mean?"


"I'll wait for you until you graduate, Ember."


"H-ha?" Hindi pa rin ako makapaniwala. Tama ba ang narinig ko? Hihintayin niya akong gramaduate?


"Ayaw mo ba—"

"Gusto! Gustong-gusto!" Napasigaw ako sa saya.


"Don't shout. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo bago ka magpakasaya." She said coldly.


"Promise me."


"What?"


"Promise me that you'll wait for me. That someday you'll marry me." Malapad ang ngiti ko sa aking labi.


"I promise."


Nagtatalon ako sa saya at kilig. Agad kong tinawag sila mama at papa para ibalita sa kanila ang sinabi ni Zahira sa akin. Iyong sakit na naramdaman ko buong paghihintay ko kay Zahira ay napalitan ng saya at kilig.


"Wow! Congrats, anak! At sabihin mo rin kay Zahira congratulations. Oh, dapat galingan mo sa pag-aaral." Mom said.


Hindi na nawala ang ngiti ko noong araw na iyon. Kinikilig pa rin ako.


"Lucas, si Zahira!"


"Oh, bakit? Sinaktan ka na naman ba niya?"


"No, binigyan na niya ako ng assurance! Sabi niya papakasalan niya ako soon! Iyong hinihintay kong assurance, Lucas! Binigay na niya! She promised!" Sa saya ko ay napayakap ako kay Lucas.

Hindi siya umimik, siguro ay nagulat siya pero hinayaan ko iyon.


Sunod ay kay Pam ako nagsabi. Pareho na kaming nagtatalon ngayon sa kilig. Pati sila Sweden at Peter ay gulat pero sobrang saya nila para sa akin. Si Piper naman ay busy pa kaya hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang bagay na iyon.

"Where are you?" I asked Piper nang sagutin niya ang tawag ko pero agad na kumunot ang noo ko nang marinig ang ingay sa kabilang linya. "Piper, nasa bar ka ba?"

"H'wag mo akong pupuntahan. Magsisisi ka," rinig kong sambit niya at pinatay na niya ang tawag.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nang makuha ko ang jacket ko ay dali-dali na akong lumabas ng condo. Tulog na si Pam kaya hindi ko na siya inabala pa.

"I told you not to come here, Ember. Ang tigas ng ulo mo." Bulyaw ni Piper sa akin, umiiyak.

"Piper, may nagawa ba ako—"

"Ayon nga, eh. Wala kang ibang ginawa kundi ang magpapansin dyan kay Zahira, simula high school wala ka ng ibang inisip kundi siya, lagi na lang siya. Ember, nasa harap mo ako pero wala kang ibang hinanap kundi siya. I'm so stupid, I'm so fucking stupid that I fell for you kahit alam kong si Zahira lang ang laman niyang puso mo," dinuro nito ang dibdib ko humahagulgol na siya ngayon. "Fuck! Ano bang meron sa kaniya at hindi mo siya magawang bitawan, Ember? Bakit hindi na lang kasi ako?"


"Piper," I was speechless.

Hindi ko alam. Hindi ko alam na may nararamdaman na pala sa akin si Piper. I didn't know.


"Ang selfish ko. Dapat masaya ako, eh. Dapat masaya ako kasi sa wakas binigyan ka na ni Zahira ng assurance after ng ilang years na paghihintay mo pero hindi ko magawa. I'm so selfish," nanginginig na sambit niya. Kita ko ang sakit sa mga mata niya. "Iwan mo na muna ako, Ember, please. I just want to be alone right now. Please, leave. Umalis ka na muna." Pinagtulakan niya ako kaya wala akong ibang nagawa kundi iwan siya roon.

Nasasaktan ako para sa kaibigan ko. Hindi ko alam. All this time nasasaktan na pala siya. Napahawak ako sa naninikip kong dibdib. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Ember, why are you here? Are you okay?" Boses iyon ni Lucas. Inalalayan niya akong tumayo.

"Si Piper, nasasaktan siya nang dahil sa akin," iyak ko.


"Matagal na siyang nasasaktan, Ember."


Kumunot ang noo ko, "alam mo?"


"Of course. Ganoon din kasi ang nararamdaman ko."

"W-what?"

"Masyado ka kasing focus kay Zahira kaya hindi mo nakikita ang mga taong handang magmahal para sa 'yo. Hindi mo nararamdaman ang pagmamahal namin sa 'yo dahil masyado kang binulag ng pagmamahal mo kay Zahira na wala namang ibang ginawa kundi saktan ka. Nandito kami, Ember. Nandito ako pero bakit hindi mo ako makita—"


"Aray, Lucas. Nasasaktan ako," reklamo ko nang humigpit ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko, galit na galit siya.

Masyadong madilim kung nasaan kami ngayon, walang tao kaya malabong may tumulong sa akin.

"Sa tingin mo makakapayag akong makuha ka ni Zahira? Sa tingin mo makakapayag akong magkatuluyan kayo? Hindi, Ember, dahil sa akin ka! You are mine!"

"L-Lucas, huwag ka namang magbiro nang ganiyan. P-lease, d-don't do this—" unti-unti akong nawalan ng malay nang may ilagay si Lucas sa bibig kong panyo.

Nagising akong nakatali na ang mga kamay at paa ko sa gilid ng bed. Hindi pamilyar ang kwartong kinaroroonan ko ngayon. Sobrang sakit ng ulo ko at ni hindi ko man lang maigalaw ang katawan kong tila namamanhid na, ang bibig ko ay may nakasalpak na tape kaya ni hindi ko magawang sumigaw ng tulong. Wala akong nagawa kundi umiyak nang umiyak.

"Kuya Lucas, hindi ka ba naaawa sa kaniya? Pakawalan mo na siya. Masama ang ginagawa mo—"

"Manahimik ka, Leon, kung ayaw mong totohanin ko ang death certificate mo. Umayos ka at gawin mo kung anong inuutos ko sa 'yo!"

Magkaboses ang naririnig kong nagtatalo, ang isa ay nanghihina na tinawag ni Lucas na Leon. Napatingin ako sa paligid ko ng kwartong kinaroroonan ko. Sarado ang nag-iisang bakal na bintana, sa tabi ng kama ay mayroon isang table na may nakalagay na litrato. Kamukhang-kamukha ni Lucas ang kasama niya sa larawan at halos hindi ko na mawari kung sino siya roon. May kakambal siya.

"Gising ka na pala. Kumain ka muna para may lakas ka mamaya sa gagawin natin," Lucas gave me a creepy smile habang tinatanggal na nito ang tali sa paa ko, binuhat niya rin ako upang makaupo at makasandal sa headboard. "Huwag kang sisigaw kung ayaw mong isunod ko si Zahira rito." Tinanggal niya ang nakasalpak sa bibig ko.

"H-huwag mo siyang idadamay, Lucas, parang-awa mo na," nanghihinang pagmamakaawa ko.


Sumama ang tingin niya sa akin, "kumain ka na."

Iniwas ko ang mukha ko nang itapat niya sa akin ang kutsara at mas lalo akong umiyak nang sabunutan niya ako at hinarap akong muli sa kaniya.

"I told you to eat!" He yelled.


"P-please, tama na," humahagulgol na pagmamakaawa ko.


"Eat!" Muli niyang bulyaw at habang nakasabunot siya sa akin ay pinilit niyang ipasok ang pagkain sa bunganga ko at halos mabulunan na ako. "Now take a rest dahil mapapagod ka mamaya," he grinned like a psychopath. Muli na niyang tinali ang mga paa ko.


Magkahalong sakit at takot ang nararamdaman ko ngayon, I can't stop crying. Inisip ko si Zahira para pakalmahin ang sarili ko. She's my solace. Everytime I'm thinking about her ay kumakalma ako. Siya lang ang nagpapakalma sa akin. Zahira, please save me.


Nagpumiglas ako nang muling dumating si Lucas pero iba na ngayon ang suot niya. Nanginginig ako sa takot, sa kung anong pwede niyang gawin.

"Huwag kang matakot sa akin. Hindi ako si Lucas. I'm Leon, kakambal ako ni Lucas. Tutulungan kitang makatakas dito—"

"Leon! Fuck! Ilang beses ko na bang sinabi sa 'yo na huwag kang basta-basta pumapasok dito, ha?!" Sinipa ni Lucas ang nagpakilalang Leon, binatukan niya rin ito ng sobrang lakas dahilan para umiyak sa sakit ang kambal niya.

"P-please, let me go," I cried.

"Shut up, Ember! Hindi na kita papakawalan pa. Gagawin ko ang lahat huwag ka lang mawala sa akin," sambit niya at gamit ang matalas na kutsilyo ay pinunit niya ang suot kong damit, lahat ay tinanggal niya.


Mas lalo akong napaiyak nang wala ng kahit isang tela ang nasa katawan ko. Hubad na ako, buong katawan ko ay exposed na ngayon.

"Oh, fuck! What a beautiful body! Alam ko nang maganda ang katawan mo pero hindi ko inexpect na ganito kaganda. Fuck! I can't take it anymore. I want to do it now." Titig na titig si Lucas sa katawan ko, natutuwa sa nakikita.


Sumigaw ako habang umiiyak nang tanggalin na ni Lucas ang suot niyang damit. "N-no, please! D-don't do this—"

"Shh, I promise, you'll like it, Ember," ngumiti siya na parang demonyo at muling sinalpakan ng tape ang bibig ko kaya hindi na ako nakasigaw.

Napapikit na lang ako nang tanggalin na ni Lucas ang pang-ibaba niya. Wala akong ibang nagawa kundi humagulgol nang humagulgol.


"Open your eyes. You don't wanna see my cock? Baka kapag natikman mo ito ay magdadalawang-isip ka na kay Zahira?" He said while laughing like a devil. "Come on, Ember. Walang ganito si Zahira, hindi niya maibibigay ang sarap na kaya kong ibigay sa 'yo."


Tama na.


Nanginig ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang kamay ni Lucas sa katawan ko. Pinasadahan niya ang paa ko pataas sa akin gitna, dibdib, hanggang sa aking leeg. Muling bumalik ang kamay niya sa dalawang dibdib ko. I was crying while he's massaging it. Nagpupumiglas ako pero wala iyong kwenta dahil nakatali ako.

"Oh, fuck!"

Hindi ko binuksan ang mga mata ko, ayaw kong makita ang ginagawa niya sa akin. Ayaw kong makita ang katawan niya, ang mukha niya, ang mga nangyayari. Iyak lang ako nang iyak.

Muling tinaggal ni Lucas ang tape sa bibig ko, ang isang kamay niya ay nasa leeg ko na ngayon. He was about to kiss me pero agad ko naiiwas ang mukha ko pero muli akong napaharap nang sakalin niya ako, halos mawalan na akong ni hininga sa ginawa niya. He kissed me, I didn't open my lips kaya sinampal niya ako nang malakas at agad kong nalasahan ang dugo sa gilid ng labi ko.

Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon, takot, pisikal at emsyonal na sakit. Hindi ko na alam kung anong iniinda ko ngayong. Napapagod na ako.

"Open your eyes!"

I didn't move.

Maya't maya ay muli na naman akong napahagulgol nang malakas nang maramdaman ko na ang bagay na ayaw kong makita sa pagitan ng dalawang hita ko. I was crying in pain when he hardly pushed it inside me. Paulit-ulit niyang ginagawa iyon habang malakas siyang nagmumura sa sarap na nararamdaman niya.

Wala na akong lakas para magpumiglas, wala na akong lakas para humagulgol, wala na akong lakas para maramdaman lahat ng nararamdaman ko ngayon. Namamanhid na ako. Buong katawan ko ay namamanhid na, buong pagkatao ko.


"Ate Ember, I'm sorry," Leon was crying in front of me.

Nakatulala lang ako sa kisame, wala akong maramdamang kahit ano. Hindi na rin ako umiiyak. Wala na akong luhang maiiyak. Pagod na pagod na ako.

It's been a month, hanggang ngayon ay wala pang nagliligtas sa akin sa kamay ni Lucas. Nawawalan na rin ako ng pag-asa. Alam kong hinahanap na nila ako ngayon, sila mama, siguradong nasasaktan sila ngayon. Sila Piper, mga kaibigan mo. Sana hindi sinisisi ni Piper ang sarili niya ngayon. Ayaw ko silang nasasaktan. Si Pam, sana hindi na niya sinasaktan ang sarili niya. Sana hindi na siya natatakot. Nakaramdam ako ng guilty, wala na ako sa tabi niya.


Humahagulgol ako nang malaman kong buntis ako. Nagbunga ang panghahalay sa akin ni Lucas. Hindi ko matanggap. Ayaw kong tanggapin. Hindi ko kaya.

"Sa wakas! Magkakababy na tayo, Ember. Magiging masayang pamilya na tayo!" Tumatalon pa sa saya si Lucas nang malaman niyang buntis ako.

Ilang buwan na akong nakakulong lang sa kwarto, hindi na ako nakatali pero hindi ako makalabas. Gusto ko nang mawala, gusto ko nang kitilin ang buhay ko but Zahira is waiting for me, I know she's still waiting. She promised. Pero paano matatanggap pa kaya niya ako kapag nakabalik ako? I cried because of that thought.


"Ate Ember, please don't do that," Leon was crying while looking at me.


Hawak ko ngayon ang isang matalim na bagay. Tinutok ko iyon sa tiyan ko and I was about to stab myself but Leon stopped me. He was crying, nagmamakaawa siyang huwag kong gawin binabalak ko. Umiiyak kong binagsak ang hawak kong kutsiyo, hindi ko kaya. Hindi ako masamang tao, ayaw kong maging katulad ni Lucas.


"Tutulungan kitang makatakas, Ate Ember."


Halos araw-araw ay sinasabi iyon ni Leon sa akin. Sa higit walong buwan ko rito ay si Leon ang tumulong sa aking makasurvive. Siguro kung hindi dahil sa kaniya ay matagal ko nang pinatay ang sarili ko. Baka wala na ako ngayon.

"Aalis bukas si Kuya Lucas. Gagawa ako ng paraan para maiwan niya ang sasakyan niya para iyon ang gagamitin mong tumakas," bulong ni Leon.

"Paano ka?"

Ngumiti siya, "maiiwan ako, Ate Ember. Hindi ako pwedeng lumabas."

"Tumakas tayong pareho, Leon. Sumama ka sa akin." I said.


"Dito lang ako," umiling siya. "Alam mo bang simula nang mamatay ang mga magulang namin ay nagkaroon na rin ako ng death certificate kahit buhay pa ako?" Kwento niya at tumawa siya. "Ginawa iyon ni Kuya Lucas. Galit na galit siya sa pagkamatay nila mama at papa at ako ang sinisisi niya kaya ganoon ang ginawa niya. Kinulong niya ako rito sa bahay, ilang taon na akong hindi nakakalabas, gusto ko ring makita ang paligid, gusto ko ring makalanghap nang sariwang hangin pero natatakot ako. Baka totoohanin ni Kuya Lucas ang deatch certificate ko. Kaya niyang pumatay, Ate Ember."


Kinilabutan ako sa sinabi ni Leon. "Kung hindi ka sasama sa akin, papatayin ka niya," I said while my tears fell down.

Muli siyang ngumiti, "that's okay. Basta mailigtas kita, ayos na sa akin iyon. When he did that to you, I want to stab him, I want to kill him but I can't do it. I'm afraid. I'm sorry."


Niyakap ko si Leon. Wala kaming ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak at saka lang tumigil nang dumating na si Lucas. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang tiyan kong ngayon ay malaki na, nakangiti siya habang ginagawa niya iyon.

Lucas is a psychopath. Kaya niyang pumatay, kaya niyang gawin ang lahat nang masama makuha lang ang gusto niya. Kaya natatakot ako sa gagawin namin ni Leon. Natatakot akong tumakas but I need to do it. Hindi pwedeng dito lang ako.


"Tumakas ka na, Ate Ember, habang wala pa si Kuya. Umalis ka na—"


"Sumama ka, Leon. Please, hindi kita pwedeng iwan dito. Papatayin ka ni Lucas. Tara na," pagmamakaawa ko at hinawakan ko ang mga kamay niya.


"Saan kayo pupunta?" Boses iyon ni Lucas.


"Shit!" Sabay na bulalas namin ni Leon.


Tatakbo na sana ako nang mahabol niya ako at agad na hinila ang buhok ko.


"Tatakas kayo—fuck! Damn it, Ember!" Sigaw niya nang malakas ko kinalmot ang dibdib niya.



Agad niya akong nabitawan nang saksakin siya ni Leon sa likod bagay na ikinagulat ko.

"Ate Ember, umalis ka na!" Sigaw niya.

Umiiyak akong umiling, "Leon, please, hindi kita kayang iwan dito— Leon!" Sigaw ko nang makuha ni Lucas ang hawak niyang kutsilyo at walang pag-aalinlangang sinaksak iyon sa kaniya.

"Sa tingin niyo makakatakas kayo?" Sambit ni Lucas habang duguan na ang likod at dibdib nito.

Lalapit na sana siya sa akin nang hilahin ni Leon ang paa niya nang malakas dahilan para bumagsak ito at tumilapon ang kaninang hawak na kutsilyo. Agad ko iyong kinuha at sumisigaw habang umiiyak na sinaksak iyon kay Lucas. Nang mawalan siya ng malay ay agad akong lumapit kay Leon para tulungan siyang makatayo.

"Leon, ang sakit ng tiyan ko," sambit ko at babagsak na sana nang alalayan ako ni Leon.

May naramdaman akong lumabas sa akin, sobrang daming tubig, may kasama na rin itong dugo.

"Shit!" Bulalas ni Leon at agad akong binuhat papunta sa sasakyan kahit na nahihirapan siya. "Kumalma ka, Ember. Dadalhin kita sa hospital." Naiiyak na sambit niya.


"Thank you. Thank you for everything, Leon," nanghihinang bulong ko.

"Huwag ka na munang magsalita, Ate Ember."


Gaya ng sabi ni Leon ay dinala niya ako sa hospital. Nang kunin ako ng mga nurse at makalayo ako kay Leon ay nakita kong agad na may kumuha sa kaniyang mga pulis. Hindi siya nagreklamo, hindi siya tumakas. Sunod kong nakita sila mama na galit na galit habang pinaghahampas si Leon, sinuntok din siya ni papa.

"No," umiiyak na sambit ko.

I saw Piper and Pam crying, maging sila Sweden at Peter. Si Zahira ang huli kong nakita, she's also crying while she's looking at me. Lalapit sana silang lahat sa akin pero pinigilan sila ng mga nurse. Walang ibang nagawa si Zahira kundi humagulgol at bumagsak sa sahig.

Sobrang sakit. Gusto ko na lang matulog at magising na hindi na maalala ang nangyari sa akin. Kung pwede lang sanang hilingin na sana panaginip lang ito, o hindi kaya'y makalimutan ko ang lahat ng nangyari sa akin, ang lahat ng ginawa ni Lucas sa akin, ang lahat ng sakit at takot na pinagdaanan ko.

"I'm sorry," paulit-ulit kong bulalas habang umiiyak hanggang sa mawalan ako ng malay.













End of flashback...

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 42.8K 63
Professor x student I'm here at the field, watching the girl I love na nakaluhod habang nakalahad ang singsing sa babaeng umiiyak dahil sa saya. Ako...
3.6M 116K 55
Venine Amary Madrigal is a conservative girl. Graduating sa kursong Architecture at kilala sa kanilang school dahil sa taglay na ganda at talino. Nag...
2.7M 69.2K 50
~COMPLETED~ Elite series (1) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the au...
242K 5.9K 65
Maddie Madayag thought everything around her is perfect even though suffering from a sickness. Things come to change when Bea De Leon came to her lif...