The Silent Type of Bad Girl (...

By conflictjumper

846K 18.5K 814

(EDITING) [Genre: Humor, Action, Mystery/Thriller, Teen Fiction, Romance] A badgirl that is hidding her true... More

Prologue
Chapter 1 - Just a Nobody
Chapter 2 - Badgirls in Silence
Chapter 3 - I'm Satan
Chapter 4 - First Kiss
Chapter 6 - Dark Junco
Chapter 7 - Silver Bracelet
Chapter 8 - Green Eyes Wolf
Chapter 9 - Secret
Chapter 10 - The Punishment
Chapter 11 - Damn you, Hiro Ashford!
Chapter 12 - Erickha's Secret
Chapter 13 - Friendship
Chapter 14 - Familiar
Chapter 15 - Field Trip
Chapter 16 - Pairing
Chapter 17 - Stranded
Chapter 18 - Black Snake Gang
Chapter 19 - Positions
Chapter 20 - Officially Back
Chapter 21 - Heartless
Chapter 22 - Convinsing Chase
Chapter 23 - Game
Chapter 24 - Rank 10
Chapter 25 - Blaze
Chapter 26 - I'm dead
Chapter 27 - Unexpected
Chapter 28 - The 2015 20th Annual Underground Battle Pt. 1
Chapter 29 - T201520thAUB
Chapter 30 - The Day After
Chapter 31 - New Trouble
Chapter 32 - Battle is not Over
Chapter 33 - Memories
Chapter 34 - Near
Chapter 35 - The Rival's Plan
Chapter 36 - Crazy
Chapter 37 - Worry
Chapter 38 - Prom Night
Chapter 39 - GW Powerful Leaders
Chapter 40 - The Past
Chapter 41 - Revelations
Chapter 42 - How?
Chapter 43 - Real Reason
Chapter 44 - Traitor Bitch
Chapter 45 - Important (Last Chapter)
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5 - A Random Letter for Castro by Javier
Special Chapter 6 (Final Special Chap)
EXTRAS

Chapter 5 - She's Dead

19.8K 467 10
By conflictjumper

CHAPTER 5 - SHE'S DEAD

Chasey's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaget over sa nangyari.  Pakiramdam ko lutang na lutang ako sa buong klase namin. AP pa man din ang subject at mahilig sa surprise quiz ang teacher namin dito. Sana lang hindi siya topakin ngayon. Ayoko masira ang image ko sa kanya dahil sa lahat ng kaklase ko, ako lang ang mistulang nakikinig. Kahit sa totoo lang ay nakatulala lang talaga ako sa unahan at ni isa wala akong naintindihan sa mga tinuro niya.

Ayoko bumagsak ngayon, that will taint my good girl mask here. And that was the least of my concerns now. Bumalik muli ang isip ko sa nangyari kanina, kumuyom muli ang kamao ko sa ilalim ng mesa. That bastard! Kapag nakilala ko siya, lagot talaga siya sa'kin!

Throughout the class ay iyon lamang ang laman ng isip ko at kung paano ko papatayin ang lalaki kapag nakita ko na siya. Thankfully, hindi nag paquiz si Ma'am kaya medyo nabawasan ang alalahanin ko at nakapag plano pa ko ng maaaring gawin.

Hindi rin ako kinakausap no'ng tatlo dahil alam nila na wala ako sa sarili para makipag usap. But they keep throwing curious glances at me wondering why is my face like this again. Murderous and ready to strike.

Argh! Nakakainis talaga! Kung alam ko lang na mananakaw ang first kiss ko sa room na yun, hindi na sana ako pumasok. Ano ba kasing pumasok sa kokote mo Chasey at pumasok ka dun,ha? Ah yes, curiosity. Fuck that! Ayan napapala mo!

"Hey Chasey, bakit ba parang lutang ka ngayon?" Tanong ni Erickha habang nag lalakad kami palabas ng gate sa school. Hindi na siya nakatiis at nag tanong na siya.

"Wala." I lied.

Minsan kailangan mo din mag lihim sa mga kaibigan mo kasi may mga bagay na kapag kinuwento mo sa kanila ay pag tatawanan at aasarin ka lang nila ng sobra.

Besides that, nakakahiya kung sasabihin ko sa kanila ang nangyari sa'kin sa vacant room, for sure they won't stop teasing me as long as I live or for as long as they live. Madali pa naman akong mapikon, baka hindi ako makapag pigil at mabugbog ko sila.

"Ows? Buong klase kang lutang tapos sasabihin mong wala kang problema? Sinong niloko mo?" Sabi naman ni Ella, nakataas ang kilay.

"Wala nga kasi diba! Porke ba lutang may problema na agad? Di ba pwedeng trip ko lang maging lutang ngayon?" Inirapan ko siya. "Tsk, bye na nga! May pupuntahan pa kami ni Mami." At tinakbuhan ko na sila paalis. Tinawag nila ko pero hindi na ko lumingon. Good thing na medyo malapit lang ang bahay namin kaya keri lang ang pagtakbo at alam kong hindi ako masyado mapapagod.

Hay Chasey, 'wag mo na nga isipin ang nightmare na 'yun! On the way na ang karma kaya mag hintay lang ang tarantadong 'yun. Ha! Kung kilala ko lang talaga siya, hindi lang ang karma ang ibibigay ko sa kanya kung hindi pati death penalty!

Laws be damned.

***
Nandito na kami ngayon ni Mami sa birthday party na sinasabi niya. Birthday kasi diba nung former classmate ko nung elementary tsaka nung kapatid niya. Madaming tao sa bahay nila, maingay ang videoke at maingay din ang mga nag iinuman.

Tahimik lamang ako sa isang tabi habang kumakain ng matamis. Ngumingiti at tumatango ako kapag may kumakausap sa'kin. Oh! I hate being surrounded by people. I feel suffocated, maybe because of my social anxiety. Nasanay kasi akong na sa bahay lang, lalabas kapag minsan gusto ko umalis. Makikipag-interact kapag kailangan. But hindi sa lahat.

I can socialize but only to those people who's worth the time.

And my former classmate? I could tell that she isn't.

Pagkatapos kong kumain ay umupo lamang ako sa sofa nila at tumingin sandali sa palabas sa TV . Si Mami ay nakikipag kwentuhan na kay ate Lanie, nanay nang former classmate ko at mukhang masaya sila. Ang dami nilang pinag uusapan kaya nainip na 'ko at lumabas sandali.

Nag ikot-ikot lang ako sa buong subdivision, tinitingnan ko 'yung mga magagandang bahay at pag minsan ay sinusumpong ako ay pumupulot ako ng maliliit na bato sa daan at pinag babato 'yun sa bahay na target ko. Kanina nga mukhang napalaki yata 'yung batong nakuha ko, naibato ko yun sa isang glasswall na bahay kaya ayun! Basag. Muntik pa nga kong mahuli nang may ari buti na lang ay nakatakbo ako agad.

Natawa na lamang ako habang tinatahak ang daan pababa.

I'm such a bad girl right? But I definitely belong in a silent type. Sino ba kasing mag aakala na sa likod ng good girl aura ko ay isang pang bad girl na attitude? Iyong tatlo lang talaga ang nakakakilala sa tunay na ako, well sama mo na rin pala si Kuya dahil alam niya ang pagiging gangster ko two years ago. Gusto ko man ilihim iyon noon sa kanya pero nagkagulatan kami sa battle ground noon. Naging magkalaban kasi ang grupo namin para sa rankings. Sobrang gulat na gulat kami na kalaban namin ang isa't isa and in the end, nag patalo siya sa'kin.

"You know I can't hurt you, you brat." He said that while staring at me. Hinawi niya ang buhok niya palikod at nag buntong hininga. I can feel his irritation towards our situation. "But we definitely need to talk about this! How come na hindi ko alam ang tungkol dito? You are the famous Silent Killer of BIS? My little sister. Wow!"

I gave him a small smile. "I can explain that."

He hissed and glared at me. "And you really have the audacity to smile at me? Chasey, hindi mo alam kung anong pinapasok mo! This is too dangerous for you!"

Umirap ako. "If it's too dangerous then why are you here? Kuya, I just want to have some fun. Masama ba iyon?"

Lumapit siya sa'kin. Bakas pa rin ang irita at galit sa mukha niya. I don't know why he's making a big deal out of this. Alam kong delikado ang pinasok ko but I can handle myself! I am not some freaking damsel in distress.

"Chasey believe it or not but I'm just doing this to protect you."

Kumunot ang noo ko. "What?"

Protect me from what?

"In time you'll understand what I'm saying but for now let's go. We still need to talk."

And that's how our little secret starts. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiintindihan ang sinabi noon ni Kuya sa'kin. But one thing is for sure, he was just scared.

Malapit na ko sa bahay nina ate Lanie nang may bumangga sakin. Napaupo ako sa lupa dahil sa lakas ng pagkaka bangga niya. Napakagat labi na lamang ako at agad na tumayo at pinag pagan yung short na suot ko. Tangina, masakit 'yun ah!

Tiningnan ko ng masama yung tangang lalaki na bumangga sa'kin at sisigawan ko na sana siya ng marecognize ko kung sino ang kaharap ko. Looking so emotionless as before, he stood there watching me weirdly.

What is he doing here?

I cleared my throat and immediately act normal.

"A-ah, it's you. Hello." Parang tanga kong sinabi sa kanya. Kay Hiro Ashford. Siyempre kailangan may stutter effect para kunwari nahihiya pa rin ako sa kanya. Tsk! Minsan nakakabwisit rin pala talaga mag panggap. Kung ako si SK ngayon, I would greet him warmly like I usually do to those people I dislike. Ugh! Sucks being good.

Hindi naman siya umimik at nilagpasan lamang ako. Tumaas naman ang kilay ko doon at nilingon agad siya. Hinawakan ko 'yung braso niya pero agad din naman niya iyon tinanggal. Tiningnan niya ko ng matalim bago nag salita. Yeah yeah, like that would scare me. Dream on.

"What do you want?" Feeling ko bato kausap ko.

"Gusto ko lang sana tanungin kung dito ka nakatira?" Tanong ko. Sagutin mo ko ng maayos, letche ka!

"No." Eh bakit nandito siya?

Napadaan lang? Nag stroll gamit ang mga paa? O trip niya lang mag gala?

Tumango ako. Pakielam ko ba? Bahala na nga siya dyan.

"Okay, then. Ingat ka." I lazily said and tried to smile again. I was about to walk away when I heard him spoke. Tumigil naman agad ako. Tingnan mo itong letcheng ito, kung kailan hindi na ko interesado tsaka siya mag sasalita ng maayos. Sarap suntukin.

"You can't quit the kind act when you're talking to me. I know you very well, Silent Killer," He paused. "And being nice was long out in your dictionary." His voice become cold.

I tried to hide my smirk and face him again. Gentle smile still etched on my face.

"As you wish." After I said that ay nag diretso na ko sa bahay nina ate Lanie.

Madali naman kasi akong kausap eh. Hindi naman porket sinabi niya na kilala niya ang tunay na ko ay magugulat ako at matataranta na parang tanga. Hindi ako gano'n, para lang sa mga weak yun at hindi ako weak. I always act chill every damn time.

Nag tataka lamang ako, sabi ni Erickha sa'kin, before he became a leader ay wala na ang grupo ng Silent Killers. So pa'no niya ko nakilala? He even said he knows me very well! Maaari kayang nakilala ko na siya noon? O kilala niya na ko noon pa man?

I shook my head. That's imposibble.

Hiro Ashford. He's really mysterious.

***
Pagka uwi namin sa bahay ay nadatnan agad namin si Kuya na nag lalaro ng computer games. Busy'ng busy ito na hindi niya man lang namalayan na nasa loob na kami ng bahay.

Tss. Addict.

Kakauwi niya pa lang, computer games agad ang ginagawa niya. Ang isip bata niya talaga! Pa'no kaya naging leader 'to ng Red Dragons? Siguro yung mga technique niya sa pakikipag laban ay nakukuha niya dito sa Tekken na nilalaro niya palagi.

"Hoy, Kuya! Sarap ng buhay natin ah." Sarcastic kong sinabi pero hindi niya ko pinansin at tutok pa rin siya dun sa nilalaro niya. Lumapit naman agad si Mami sa tabi niya at binatukan siya. Ha! Buti nga.

"Aray Ma! Anong problema niyo?!" Sabi niya habang hinihimas-himas yung ulo niya. Nag pamewang naman si Mami sa kanyang harapan at sinamaan siya ng tingin.

"Chase, mag sabi ka ng totoo. Nasaan ka kagabi? Anong ginawa mo? 'Wag mong idahilan na merong project dahil kung project lang ang ginawa mo, wala kang mga bangas ngayon!" Sigaw nito. Sinamaan naman ako ng tingin ni Kuya mula sa likuran ni Mami pero nag shrugged lamang ako at dahan dahan ng pumasok sa kwarto ko.

Wala kong balak makisama sa away nilang mag ina, ayokong mabingi ng maaga. Wagas pa naman makapag sermon yun si Mami at hindi ka talaga tatantanan hangga't hindi ka nag tatanda. Pero infairness ha, nalaman niyang nag sisinungaling ako kahapon. Tsk! I'm not really good in lying talaga. Sorry na lang kay Kuya.

Nag lagay na lamang ako ng earphones at nag patutugtog ng pop music. Oo nga pala, ayos na yung phone ko. May nag paayos pero hindi ko alam kung sino. Ang alam ko kasi hindi ko na nabalikan ito sa vacant room dahil sa inis ko doon sa lalaking humalik sa'kin. Tapos noong recess nakita ko 'yung phone ko sa chair ko, ayos na siya kaya kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Hindi na kasi ako gagastos sa pagpapaayos. Wala rin kasi akong pera. At ayaw ko naman humingi kina Mami.

Kung sino man ang nag paayos ng phone ko, nag papasalamat ako sa kanya. Pero kung ang nag paayos ng phone ko ay yung tarantadong lalaki na humalik sa'kin ay..."pakyu" siya.

Nag basa basa ako para malibang ang sarili ko. I was engrossed on reading ng napatigil ako dahil nag stop rin yung music ko ng may biglang tumawag sa phone ko. I checked it at isang unknown number ang tumatawag sa'kin.

09234567891 Calling..

"The number you have dialed is now un attended or out of coverage area. Please NOT try your call later." I said before ending the call. Ayan palagi ang line ko pag may unknown caller sa'kin, effective 'yan dahil hindi na talaga sila tumatawag. Naiinis kasi ako pag may ibang tao na nakakaalam ng number ko, text sila ng text o kaya tawag ng tawag, yung iba feeling close pa. Lagi silang nag papadaan ng group message sa number ko, may mga hashtag pang nakalagay na 'wag daw snob.

Tss! Hashtag hashtag pang nalalaman hindi naman marunong. Nag hashtag nga pero may space. Iba talaga pag inaaraw araw ang kabobohan.

"Hoy Chasey!" Sigaw sakin ni Kuya sabay bato sa'kin ng unan.

"Ano nanaman bang problema mo?" Inis kong sabi at hinagisan rin siya ng unan. Ang lakas talaga manira ng mood ng isang 'to.

"Ikaw! Ba't hindi mo man lang inayos yung pag papalusot mo. Nasermunan tuloy ako ni Mami ng wala sa oras."

"Aba malay ko ba! Kasalanan mo 'yun dahil pinagkatiwalaan mo ko. Alam mo naman kasi na hindi ko forte ang pag sisinungaling! And kilala mo naman si Mami, malakas sa pakiramdaman yun. Alam niya kung nag sisinungaling tayo o hindi."

"Tss. Palusot ka pa. Dyan ka na nga!" He said and walk out. Tsk. Bipolar talaga ng isang yun.

Bigla nanamang tumunog ang cellphone ko, akala ko yung unknown number pa din pero si Ella lang pala.

"Hello."

"Girl! Nabalitaan mo na ba?"

"Ang alin?" Sabi ko habang nag bubuklat buklat noong librong binabasa ko. Nasa'ng page na ba ko? Ang dami kasing nang gugulo eh. Tss.

"Si Allia Collins. She's dead."

To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

269K 7.8K 42
[MAGICUS ACADEMY BOOK 2]
19.7K 4.3K 98
First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in live #1 in Bookmark I'll carve the sec...
892K 23.5K 82
Anong mundo nga ba ang kinabibilangan talaga ng isang Madison Emerald Sanchez? Ang mundong kanyang kinalakihan o ang mundo kung saan talaga siya nagm...
Zombies By BlackGloomyAngel

Mystery / Thriller

23.2K 403 32
There's no life apart from Christ. what if you and your friend ay nasa bar nag-uusap tungkol sa problema and then biglang may sumigaw at naglabasan a...