Del Rico Triplets #1: Bound B...

By nefeliday

1.6M 28.3K 3.7K

Hollis, who was raised as an adopted child to conceal her true identity as an illegitimate one, hoped for fre... More

Bound By Duty
DISCLAIMER (MUST READ!)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas 1
Wakas
The Second
Hollis
Hillary Ophelia
Crashing Into You (Chapter 1 on wattpad!)
Adelio Lucian/Chaos

Kabanata 18

40.9K 933 77
By nefeliday

Marry me again

“Problem?” I heard Tross asked while driving.

“Wala naman…” tugon ko bago humarap sa bintana para itago ang pag-iinit ng pisngi.

We’re on our way to our house. It’s already ten in the morning. The two Delicante are probably there, waiting… at hindi ako nagkamali. Busangot na ang mukha ni Zohan.

“Napakatagal niyo naman. Kanina pang madaling araw si Lance,” sita nito sa amin.

“Napaka-clingy mo,” ani Zath at tumabi sa akin habang kumakain.

Dumaan kami sa isang fastfood at nag-take out na lang at iyon ang kinain naming lima.

Mabilis lumipas ang mga araw at lingo. Ang relasyon namin ni Tross ay mas lumalim. Ang apat na beses na pangyayari sa amin ay nadagdagan nang nadagdagan. Sa gabi, sa hapon, tuwing day off at minsan ayaw niya na lang pumasok sa kompanya at siya naman daw ang boss. Nagdadahilan.

Nitong lingo lang na nagdaan walang nangyari sa amin dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Kapag dating sa bahay ay mabilis akong inaantok at nakakatulog. He has been whining about me, not having a time for him dahil totoo naman.

Sa nagdaang lingo na ‘to, naaabutan niya na lang akong tulog na at gigising lang para pumasok. Katulad na lamang ngayon na atubili ako sa pag-aayos sa sarili. Last day ko sa trabaho at siguradong marami ang tao. Pagod pa rin naman pero ayaw ko namang biglang um-absent gayong pahinga na bukas.

Naabutan ko si Tross sa coffee bar, tahimik at prenteng nakaupo. Sabado ngayon kaya hindi niya kailangang magtungo sa kompanya. Dito lang siya. Napangiti ako habang pinapanood siyang relax na relax, umuugoy pa ang paa.

“Good morning,” bati ko nang makalapit sa kaniya.

I crouched down to give him a peck on the lips but he deepened the kiss by holding my nape. Hinampas ko siya sa braso para tumigil. Tumawa lang ako nang makitang nakasimangot siya.

“Last day ko na…” sambit ko dahil pakiramdam ko ay hihirit na naman siya sa akin na um-absent muna ako.

Kumibit ang balikat niya.

“I won’t ask you to leave this day for me…” he said defensively. May ngisi sa labi niya na ikinailing ko lang.

Nakakaduda iyong ngiti na iyon.

“Ihahatid mo ba ako?” tanong ko habang inaayos ang bag sa balikat ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Lance na kay Tross muna tumingin bago sa akin. Naglakad iyon palapit sa aming dalawa.

“Wala kang pasok…” tamad na tamad na sabi nito.

Nangunot ang noo ko.

“Huh? Ako?”

Na kay Lance ang buong atensyon ko habang siya ay pasulyap-sulyap sa katabi ko. Humugot siya ng malalim na hininga at dinukot ang cellphone. Bumulong-bulong pa ito.

“Makikikape lang ako tapos magpapaliwanag pa…”

Ilang pindot ang ginawa niya bago nag-ring iyon.

“Good day, Mr. Montemar…” nanlaki ang mata ko nang mapagsino ang boses. It’s our head chef!

Tumikhim si Lance at signal iyon para magsalita muli ang nasa kabilang linya.

“I’m sorry, Ilaria. Our café was sold to a new owner. They would take Stacy, Tobias and I but sad to say, the rest got fired.”

Bumagsak ang balikat ko sa narinig.

“There is an email for you. You will receive your paycheck. We’re very sorry…” hindi ko na naintindihan iyon.

Nanlalambot akong napaupo. I love my job! Nandoon ang buhay ko. Sa pagbe-bake.

Hinawakan ni Tross ang kamay ko. Naiiyak akong tumingin sa akin. Kinabig niya ako para yakapin.

“Don’t worry. You can start your own café. In that way you won’t be so tired. You own your time…” pag-aamo niya sa akin.

“Nakapagtimpla na ako ng kape, hindi pa rin kayo naaalis sa lingkisan niyo. Mga ahas na ‘to…”

Lance’s remarks made me laugh a bit. Buong maghapon ay malungkot ako. Salamat na lang at walang pasok si Tross kung hindi ay magiging sobrang boring sa bahay.

Inaya niya akong mag-swimming at mag-jetski. We had alone time. Parang pinaghandaan niya pa nga yata ‘to. Miski nang sumapit ang gabi, Zath and Zohan is here. Nagising ako mula sa pagkakatulog at nakita silang nag-aayos ng bonfire at kung ano-ano sa tabing dagat.

Nang sumapit ang dilim, inaya ako ni Tross na mamili ng maiinom na wine kahit na ang dami niya namang imbak sa bahay. Nagtagal kami ng halos dalawang oras doon. Alas nueve na kaming nakauwi. I keep on telling him na gutom na iyong tatlo.

“What’s with this wine again? Ang mahal na tapos dalawang oras pa nating hinanap,” reklamo ko.

He chuckled at that. When I look at him, the smile on his face didn’t vanish. His hand look for mine. Pinanood ko siya na pinagsalikop ang kamay namin.

“The answer is when we get home…” aniya.

Napangiti naman ako at napailing na lang. I wonder what is it? A new set of clothes? Kaya siya malambing para ‘di ako magalit because of that... or what?

“I’ll take that,” aniya, tinutukoy ang hawak kong wine.

Ibinigay ko ‘yon sa kaniya. He took my hand and we both went inside. Sa bawat paghakbang namin ay nagiging malamlam ang mga ilaw.

“What’s happening with our lights?” pagtatanong ko.

Hindi niya ako binigyan ng sagot. Pinanood ko na lang ang pagpapatay ng mga ilaw. Hindi kami huminto, tila ang patutunguhan ay sa tabing dagat.

Walang kailaw-ilaw ang paligid sa tabi ng dagat. Wala ang bonfire nila Lance at ng magkapatid. Walang makita. Luminga-linga ako. Tross’s took both of my hand and brought it to his lips. Hinanap ng mata ko ang wine na hawak niya kanina. Wala na iyon.

“Nasaan iyong…” hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mapansing nakapikit siya, nakahalik pa rin sa kamay ko.

“Tross…” 

Nagmulat siya ng mata at ngumiti sa akin.

“I’m sorry for wasting your time earlier. I wanted to do this so bad without you noticing it…”

Umihip ang malamig na hangin. Binitawan niya ang kamay ko at hinubad ang suot niyang coat at pumunta sa likuran ko para ipatong sa akin. Akala ko ay tapos na. Pero nang maramdaman ang malamig na bagay sa leeg ko ay niyuko ko ‘yon. A diamond necklace!

Sinubukan kong humarap sa kaniya pero niyakap niya ako mula sa likuran. We are now facing the sea. Hinalikan niya ang pisngi ko bago bumulong…

“Happy fifth anniversary, wife…”

Umawang ang labi ko. Nakalimutan ko!

Isa-isang sumindi ang ilaw sa buhanginan at ang mga posteng hindi kita kanina dahil sa dilim. Parang arko iyon at kada dalawang dipa ay panibagong poste. Nagdire-diretso ang pagsindi noon at sa dulo ay may sabay-sabay na pumusit na ilaw, nagliyab ang bonfire at lumipad sa taas ang mga maliliit na ilaw na tila alitaptap.

Wala akong nagawa kundi magtakip ng bibig nang sumabog sa kalangitan ang iba’t ibang kulay ng fireworks. Nasundan iyon ng pagliwanag sa bandang dagat at doon, nakita ko sila Zohan, Zath with a woman with him, Lance, Hiraya at ang asawa nitong si Leo. Lahat sila nakangiti.

“Happy anniversary!” magkakapanabay nilang sambit.

“I love you…”

Para akong nanigas sa narinig. Tross let go of me and faced me. He has a faint smile on his lips. The man whom… I love also feels the same way. My husband… my Tross…

Hindi kailanman pumasok sa isip ko iyon dahil para sa akin ayos lang na ako lang ang nagmamahal. Hindi ako maghahangad ng kapalit dahil akin na siya.

“I don’t need you to answer that. I just want you to accept my love…” he crouched down and claimed my lips.

Looks like our love for each other is the same. Hindi mamimilit. Hindi hihingi ng kapalit. Nag-uunahan sa pagtulo ang luha ko kahit pinipigilan. He stops when he noticed that.

“Shh, don’t cry. I want you happy… why are you crying?” we both chuckled at what he said.

“Tama na iyan. Kanina pa kami rito!”

Lumawak ang ngisi ko dahil sa sinabi ni Lance. Kahit kailan talaga, epal ang inggiterong 'yon.

Tross is about to let go of me but I captured his face with my both hand and kissed him intensely. He was shock at first but he answered my kisses. Ang dami-dami pang ingay ng mga kasama namin pero nahigitan ang lakas noon ng maingay na tibok ng puso ko.

“I love you, too, Tross…” nanginginig ang boses kong sambit.

Bahagyang nanlaki ang mata niya bago pumikit nang mariin. Inangkla ko ang kamay ko sa braso niya at pinagsalikop ang mga kamay namin. Dumilat siya at namumungay ang mga matang sinuklian ang ngiti ko.

“At last…” he murmured.

The cheers of our friends bugged us two. Ang ingay nila ay nakakapagpasaya ng puso ko. I didn’t expect Hiraya and her husband to be here. Siniko agad ako noon at iniabot ang bulaklak na ipinagawa raw sa kaniya ni Tross. She even said that it costs to much at ingatan ko raw. Nag-e-expect nga ako ng kabulastugan sa bibig niya pero hindi nangyari dahil masayang-masaya siyang nakikihalubilo sa apat.

Zath on the other hand introduced the woman he is with. Si Trae. Tinanong ko kung girlfriend niya ba ito pero tumawa lang ang dalawa. Hindi ko na lang sila inusyuso. Zohan hugged me and gave me his gift. Susi iyon at ‘di niya sinabi kung para saan. Wala na rin akong time dahil sumunod na agad iyong isa.

Lance’s said that he can’t think of a better gift for me because he knows that I have everything I want ‘daw’. He just told me to request anything and he’ll grant it. Wala naman akong maisip.

Hating gabi nang natapos ang celebration. Lance offered his house to the five so we can enjoy our night. Namula pa ako roon at tinamaan ng hiya kasi alam nilang paniguradong may mangyayari sa amin.

Bumagsak ako sa dibdib ni Tross nang hinihingal. Niyakap niya ako ng kanang kamay niya habang ang isa naman ay ginamit para hilahin ang blanket.

“I love you…” Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya ba iyong sinabi sa gabing ‘to at hindi ko maipagkakailang hindi nasasanay ang puso ko sa naririnig at nagwawala pa rin.

Magkahugpong pa rin ang katawan namin. Saya at satispaksyon lang ang nararamdaman naming dalawa sa mga oras na ‘to.

“It’s two thirty…” his panting voice made me, giggled.

Inabot kami ng ganoong oras dahil sa ilang beses naming ginawa iyon. Nagpahinga lang siya ng ilang minuto bago siya nagpasyang linisan ako. Binihisan niya ako at ganoon din siya bago kami nakapagpasyang magpahinga.

Dala ng pagod, alas onse y media na ako nagkamalay. Wala na si Tross sa tabi ko at malamang ay nasa labas at kausap ang mga kaibigan.

Nag-asikaso muna ako ng sarili bago lumabas. I was about to enter the kitchen but I was stopped by their conversation.

“What will you do now? Tita is begging you to come back and even your father. They want you to take back the company…” that is Lance’s voice.

“Kapag kinuha niya ‘yon pabalik, kailangan niyang manatili sa Pilipinas. What about Hollis? Narito ang buhay niya?” it is Zohan this time.

Sunod-sunod ang paglunok ko.

I heard Tross’s sighs.

“Troi is there. Sila na ang bahala doon. My wife loves our life here. Hindi ko iiwan ang asawa ko rito. I already stepped down as the CEO. Dad acknowledge that and even Lolo…”

“But Tita? Kaya mo bang tiisin siya? She is begging for you to tell your wife about this. Hindi nga alam ng asawa mo na binitawan mo ang kompanya,” si Leo.

“I don’t want her to think that I left my family because of her. Masasaktan lang siya dahil hindi makasarili si Hollis.”

“Exactly, Del Rico. Hindi makasarili ang bunso namin. Mauunawaan ka niya…” I heard Zohan's voice before I turned my back from the kitchen.

Nanlalamig akong bumalik sa kwarto. Nababagabag ng mga narinig.

Tross stepped down from his position as the CEO to their family business. Kung gayon, ang pinamamahalaan niya rito ay kaniya mismo? He didn’t tell me because he doesn’t want me to worry and I understand that. He sacrificed his hard-earned position for a life with me, here in Hawaii.

All this time… I thought we’re staying here because he was assigned by his father. Iyon pala… tinalikdan niya ang tungkulin para lang… sa kapakanan ko.

Nanlalamig ako nang isipin kung ano pa ang babalikan ko sa Pilipinas. Crowell must be mad at me for leaving him alone. The De Guia’s are probably happy with my abscense.

Dumapo ang tingin ko sa larawan naming dalawa na magkaakbay at naglalakad sa tabing dagat. Zohan took that picture. Iyan ang nakalagay sa frame dahil ayaw ni Tross na ang kuha namin sa kasal ang ilagay doon kasi kitang-kita ang lungkot namin pareho sa mga kuha.

Napangiti ako nang maalala ang pag-amin niya ng nararamdaman sa akin. Wala naman sigurong masama kung kung babalik ako sa Pilipinas. I left the Philippines for them, with my husband beside me. I should also come back with him by my side… with him as my reason to return.

Bumukas ang pinto ng silid. Sa akin agad ang mga mata niya.

“My baby is awake. Let’s eat. I waited for you…”

Sinakop ng labi niya ang akin bago kinuha ang kamay ko at balak na hilahin ako sa labas pero nagpabigat ako.

“What’s the matter, hmm?” nag-aalala ang boses niya at miski ang mga mata.

Matipid akong ngumiti.

“Ano sa tingin mo kung… bumalik na tayo sa Pilipinas?” naninimbang ang tono ng boses ko.

Humugot siya nang malalim na hininga. Alam kong sasaksak sa isip niyang narinig ko sila.  Nag-isip ako ng dahilan para hindi niya malaman ang totoo.

Hilaw akong ngumiti.

“I’ve been thinking if I can start a café there like what you promise? H-hindi na dito sa Hawaii kasi… gusto kong maranasan magtrabaho sa Pilipinas. Iyon ay…” nag-iwas ako ng tingin. “Kung gusto mo lang naman. Kung ayaw mo-“

“Everything you want. I’ll want it too…” putol niya sa sinabi ko.

Niyakap ko siya dahil sa sinabi. I know this decision will be worth it. Ako naman ang mag-a-adjust para sa iyo, Tross.

“But wife…” he stopped. Kumalas ako sa yakap.

Nagmamadali siyang nagtungo sa loob ng walk-in-closet at miski sa pagbalik sa akin. Nakita ko ang kulay asul na kahon, maliit at may makintab sa texture. Lumuhod siya sa harapan ko, isang tuhod ay nasa sahig at ang isa ay tinutukuran ng kamay niyang hawak ang nakaalay na singsing sa harap ko.

“Marry me again. This time, with your own will…”

Continue Reading

You'll Also Like

420K 6.1K 24
Dice and Madisson
2.7M 39.4K 52
Rolly woke up without memories. Lying in a not so comfortable hospital bed and facing a person who's clad in a white coat, showcasing both serious an...
956K 30.6K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
20.5K 850 63
Giuliani Almendras lives a seemingly perfect life. A life where you couldn't ask for more. A life that everyone wants to have - a pretty face, a comp...