Secretly Married To My Profes...

By EyeofMed

4.2M 136K 185K

"Maybe our stars will realign again and we can pick up where we left off, but if that time does not come, I h... More

Secretly Married to my Professor
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Wakas
Special Chapter-September
Special Chapter-Zahira
Special Chapter-Pamela

Kabanata 28

84K 2.6K 4K
By EyeofMed

***







Sobrang sakit ng ulo ko, ang bigat ng buong katawan ko, at nanghihina pa rin ako. I want to open my eyes but I can't. Hinayaan ko muna ang sarili ko at pinakiramdaman ang paligid kahit hindi ko ito nakikita.




"I'm afraid of what might happen when she wakes up. Paano kapag bumalik na ulit iyong ala-ala niya sa nakaraan niya? Hindi ko kakayanin, Sam. Hindi ko kakayaning makita siya ulit sa ganoong sitwasyon. Natatakot ako... natatakot ako sa pwedeng mangyari. I don't want to lose her again." Boses iyon ni mama, she's crying.




Tila may dumudurog sa puso ko. Masakit sa akin iyong isiping may tinatago sila sa akin pero mas masakit na naririnig ko si mama na umiiyak at nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya.




"Paano kapag bumalik siya. Dalhin na lang kaya muna natin siya sa Italy—"




Sinong babalik?




"Chantal, please calm down. You're thinking too much. Let's just wait for her until she wakes up at siya ang magdesisyon sa kung anong gusto niyang mangyari. Let's just wait for her, okay?" I heard my dad's voice broke.




I swallowed hard when I felt tears run from my eyes. Hindi ko kayang nakikita silang ganito. Sobra akong nasasaktan. Si papa na never kong nasaksihang umiyak, ngayon ay umiiyak na sa harapan ko.




I bit the inner of my lower lip to stop myself from sobbing. Tila libu-libo ang karayom na tumutusok ngayon sa puso ko. I tried my best not to breakdown again, pinilit kong pigilan ang sarili kong huwag nang umiyak. Para kila mama at papa, I will pretend I didn't hear anything, na wala akong nalaman ngayong araw.





"M-ma, pa, bakit ako nandito?" I asked as I opened my eyes.





Siguro nga sa gagawin kong pagpapanggap sa harapan nila ay mabawasan kahit papaano iyong pag-aalala, lungkot, at sakit na nararamdaman nila. Kahit ako na lang iyong nags-suffer, huwag lang sila. At kahit gusto kong malaman lahat ng mga tinatago nila.





"S-September, anak," tawag sa akin ni mama at lumapit sa akin. She's crying as she held my hand tight.





"Ma, why are you crying? Mamamatay na po ba ako? May sakit ba ako?" I still managed to joke kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na ring umiyak nang umiyak gaya ni mama.





"Ember, huwag kang magbiro nang ganyan." Suway sa akin ni papa na ngayon ay pilit kumakalma pero kita ko ang pamumula ng mga mata niya.





"Ma, ano po bang nangyayari? And why am I even here?"




Tila tinutusok ang puso ko. Todo pigil ako sa luha ko. Hindi pwede, hindi ako pwedeng umiyak. Kailangan kong mapanindigan ang pagpapaggap ko. For my parents.




"A-anak, wala ka bang..." umiling si mama, "w-wala bang masakit sa 'yo? Wala ka bang nararamdaman? A-anong nararamdaman mo?"




Pain.





"Ma, I'm okay. Please, stop crying. I'm okay, alright? Pa, pakalmahin mo nga si mama. Okay lang naman talaga ako, eh. Wala namang masakit sa akin."





Liar.





"A-are you sure, hija?" Si papa na tila nag-aalangan pa.





"Pa, pati ba naman kayo?" Napalunok ako, "si Zahira po? Where is she?" I tried my best not to stutter. "Si Zeirah po, kumusta siya? What happened to her? Okay na po ba siya ngayon?"





Si Zeirah. Muling bumalik sa isipan ko iyong pag-uusap ng mga parents namin ni Zahira kanina. Totoo ba iyon? Anak ko si Zeirah? Paano?




Nagkatingin sila mama at papa. Doon lang tumigil si mama sa paghagulgol pero may luha pa ring lumalabas sa mga mata niya.




"Mataas pa rin ang lagnat ni Zeirah. Nandoon si Zahira sa room niya. Dito ka muna, 'nak. You still need to rest. Do you want me to call Zahira—"




I shook my head, lalong sumikip ang dibdib ko nang sabihin ni daddy iyon. "No, pa. It's okay. Mamaya na lang po. Baka walang kasama si Zeirah doon. Magpahinga po muna ako," sambit ko at ngumiti para maisiguro sa kanilang okay lang ako.





Nang magpaalam sila mama at papa ay hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Humigpit ang hawak ko sa puting tela sa bed ko, pinipigilan kong sumigaw at humagulgol nang malakas. Sobrang bigat ng nararamdaman ko, sobrang sakit, sobrang sikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko'y hindi ko na kaya. Iyak lang ako nang iyak hanggang sa napagod ako at muling nakatulog na may luha sa aking mga mata.





Lumipas ang araw. Nakarecover na si Zeirah at nakalabas na ng hospital. Pinagpatuloy ko ang pagpapanggap pero muli akong bumalik sa hospital para muling makausap si Trina. May gusto akong malaman, gusto kong punan iyong mga katanungan sa isipan ko.




"Ma'am, nagresign na po si Nurse Trina. Noong isang araw pa po."




Tila ako pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig ko. "Gano'n po ba? Pero alam niyo po ba kung nasaan siya ngayon? Kung saan siya nakatira?"




"Hindi po, ma'am, eh. Pasensya na po." Sagot ng nurse at umalis na.




I held my head. Nag-isip pa ako ng pwedeng mapagtanungan. Hindi ako tumigil. Palihim kong ginawa ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa akin, sa nakaraan ko pero sa kasamaang palad ay wala akong napala. Isa-isa kong cinontact ang mga naging kaklase ko noong high school pero hindi ako nagtagumpay makausap sila. I even emailed Trina Valdez pero wala akong natanggap na reply niya. Nang malaman ko ang address niya ay pinuntahan ko rin ito pero ang sabi ng kapitbahay niya ay umalis na raw ito.




May kinalaman ba ang mga kaibigan ko sa past ko?




Natigil ako sa pag-iisip nang makita ko si Zahira na pababa ng hagdan. Nandito na ako ngayon sa bahay. Kasalukuyan kong kinakargahan ng tubig ang baso ko dahil sumasakit na naman ang ulo ko kaiisip.




"Hi, how's your sleep?" Ngumiti ako at kumuha rin ng isa pang baso at nilagyan ng tubig para sa kaniya.




Pati sa harapan ni Zahira ay nagpanggap ako. Hindi ko binanggit sa kaniya ang nangyari, ang paghila niya sa akin palayo kay Trina, at iyong huling sinabi niya bago ako nawalan ng malay.




Bakasyon na namin at mas lalong naging busy si Zahira, lagi siyang pumupunta sa company nila papa dahil soon ay siya na ang magmamanage sa business gaya nang napag-usapan. Kaya malaya kong nagagawa ang mga bagay na ito, tulad ng pagpunta ko sa hospital para sana kay Trina at pag-contact sa mga dati kong kaklase noong high school.




I saw Zahira yawned. Halatang inaantok pa kahit alas onse na. Kung hindi ako nagkakamali ay umaga na nang makatulog siya dahil sa dami ng pinag-aaralan niya para sa kompanya.




"Morning," she greeted while her eyes were closed.





"Good morning." Bati ko pabalik at napakagat ako sa ibabang labi ko nang lapitan niya ako at niyakap, kasunod no'n ay pinatong niya ang ulo niya sa kabilang balikat ko.




Halata sa kaniya ang pagod at stress kaya hinayaan ko siya sa ginawa niya.




I caressed her back, "ipainit ko lang iyong pagkain para makakain ka na. You want coffee, hmm?"




"I want you." Agad na sagot niya at ganoon pa rin ang posisyon namin.




Pinukaw ko ang lungkot na nararamdaman ko. Ramdam ko ang pagmamahal sa akin ni Zahira and I think she's really afraid na mawala ako sa kaniya kaya tinatago niya iyong nakaraan ko pero masakit sa akin, I also want to know the truth about my past. I shook my head at nagpatuloy sa pagpapanggap.




"You're just hungry, Zahira. Maupo ka na—" natigilan ako nang yakapin niya akong muli, this time ay mas humigpit.




She let out a deep sigh. "Can you promise me one thing, September?"




"A-ano 'yon?" Kinabahan ako.




"Promise me that you'll never leave me, that you'll stay no matter what..." halos pabulong na sambit niya.





I bit my lowe lip, pinigilan ko ang luha kong nagbabadya. Hindi rin ako umimik. I can't promise her that. Paano ko ipapangako iyon kung ang daming kulang sa akin? Kung ang dami niyang tinatago sa akin? Hindi ako sigurado sa mga nangyari sa nakaraan ko at ayaw kong pagsisihan kung mangangako man ako sa kaniya ngayon. I just hug her and didn't say anything. Ayaw kong mangako.





"Hoy, anong balita, Ember? Nagbakasyon lang, nakalimot ka na."




Napailing-iling ako nang marinig ang sigaw ni Sweden. Nagvivideo call kami ngayon pero hindi kami kumpleto dahil wala si Pam. Ilang araw ko na rin pala silang hindi nakakausap, naging busy ako kaya ngayon ko lang din sila naharap at hanggang ngayon ay hindi ko pa narereplyan ang mga message nila.




"Kumusta?" Si Peter na ngayon ay halatang nasa kitchen ng condo niya.





Natigilan ako nang makita ko si Piper sa likod niya. Tumingin ito pero saglit lang iyon at umalis na. Bumalik sa isipan ko iyong mga sinabi niya kay Zahira noong nalasing siya.





"Oy, Ember, nakausap mo na si Pam? Hindi namin macontact, eh." Kael asked.




I shook my head, "bye na, tatawagan ko siya." Sambit ko at pinatay na ang tawag saka tinawagan si Pam pero hindi ko siya macontact kaya si Zahira ang tinawagan ko na nasa kompanya ngayon.





"September," agad niyang sinagot ang tawag ko.




"Can I use your car? Pupunta akong mall, naboboring ako rito sa bahay." I lied.




Nang magsimulang magtrabaho si Zahira sa kompanya ay iniiwan na niya ang sasakyan niya dahil hinahatid at sundo siya ng driver ng papa niya. In case rin daw na may gusto akong puntahan ay pwede ko iyong gamitin pero kahit na ganoon ay nagpapaalam pa rin ako.





"I already told you. You can use it anytime."




Nang masabi niya iyon ay nagpaalam na ako at pinatay ang tawag. Pupuntahan ko si Pam ngayon sa kanila tutal ay alam ko na rin naman kung saan siya nakatira. Pero nang makarating ako roon ay kapatid nito ang agad na bumungad sa akin.




Gaya ng dati ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, "wala si Ela rito. Umalis ka na."




"Nasaan po siya?" Pinilit ko pa ring magtanong kahit nakakatakot iyong aura nito.




"Aba malay ko! Ano bang problema niyo at pinupuntahan niyo rito si Ela? Kahapon nagpunta na naman iyong Piper dito. Sakit niyo sa ulo. Hala, sige, layas!"




Natigilan ako, "Piper? Nagpunta si Piper dito?" Gulat na tanong ko kahit pinapalayas na niya ako.



Naguguluhan ako. Kilala ni Piper si Pam? Kaya ba ganoon iyong reaction ni Pam nang makita niya si Piper sa grocery store? Pati ba sila may tinatago sa akin? Pati sila Peter?



"Tsk, umalis ka na kung ayaw mong masaktan." Tila may ibang ibig siyang sabihin doon sa sinabi niya.




Bago pa man ako makapagtanong ay padabog niyang sinarado ang gate nila at umalis na kaya wala akong nagawa. Dumiretso ako sa condo nila Peter para kausapin si Piper. Nakailang pindot ako sa doorbell nila pero walang nagbukas sa pintuan. Alam kong nakikita ako sa loob dahil may nakaattach na camera sa doorbell. Hindi ako tumigil.




"What the fuck is your problem?" Sa wakas ay pinagbuksan na ako ni Piper.




"Can we talk—"




"Ayaw ko! Leave!" Singhal niya. Ang lamig ng mga mata niyang nakatingin sa akin. "I told you to fucking leave!"




"No, hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo nag-uusap, Piper," hinarang ko ang kamay ko sa pintuan ng condo niya. "May gusto lang akong malaman—"




"Wala akong alam sa kung ano mang itatanong mo kaya pwede bang umalis ka na?! Tang-ina naman, oh! Alis!" Matigas niyang saad at pilit akong tinutulak. "Fuck! Huwag ka ngang umiyak sa harap ko!"



Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Traydor ang mga luha kong kusa na lang bumabagsak. Hawak ang pintuan ay bumaba ako. I was crying while kneeling in front of her, bagay na never ko pang nagawa sa buong buhay ko.




"Ember, please. Don't fucking do this!" Her voice broke, "lumayo na nga ako, tangina! Kahit ano yatang gawin ko ay hindi ako matatahimik. Pinagsisisihan ko na ang nangyari at gusto ko na ring makalimot pero tangina!" Napahilamos siya at nag-angat ng ulo para pigilan ang pagbagsak ng mga luha niya. "I don't want you to suffer again, Ember. So, please, leave now." Nanghina ang boses niya na tila nagmamakaawa.





Kita ko ang pighati sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon pero walang-wala iyon sa nararamdaman ko. I know, nagsuffer sila nang matagal samantalang ako nakalimot pero kailangan ko ring malaman ang nangyari. How can I move on from my past kung hindi ko alam ang mga nangyari, lalo na ngayon na alam kong masakit ang naging nakaraan ko.





Umalis ako roon dala ang mabigat kong nararamdaman. I screamed at the top of my lungs while my tears pooled from my eyes. Paulit-ulit at malakas kong pinaghahampas ang manibela ng sasakyan ni Zahira. Nakakapagod umiyak, ni hindi ko na alam kung anong iniiyakan ko ngayon, gulung-gulo na ako.





"M-ma," tinawagan ko si mama nang mapakalma ko ang sarili ko. Kagat ko ang ibabang labi ko na halos mapunit na dahil sa pagpigil ko sa paghikbi ko.





"Anak, where are you? Are you okay?"




No, I'm not. I'm confused. I'm tired. I'm not okay.




"Yes po. Can you help me, ma?"





"Anything, anak. Ano 'yon?"




"I want to be alone right now and I don't want to go home..." I swallowed hard as my tears pooled again. "Could you tell Zahira that I'm with you?"



"Anak, bakit ko naman iyon gagawin? Did you fight? Where are you right now?" Hindi ko man nakikita si mama ay alam kong nag-aalala na ito.




"No, we didn't fight. I just want to be alone. Sa hotel ako matutulog, ma. Please, ma? Kahit ngayon lang po." Pakiusap ko.




"Alright, then. If that's what you want, hija. Take care of yourself, okay?"




"T-thanks, ma. I love you." Hindi ko na hinintay pang magsalita si mama at pinatay na ang tawag dahil hindi ko na mapigilang humikbi.




It's already 8pm. I texted Aldrich na nasa harap ako ngayon ng coffee shop but he didn't reply. Wala akong ibang malapitan ngayon. Ayaw kong pumunta sa hotel at mag-isang matutulog doon dahil natatakot ako, tuliro ang isipan ko ngayon.



Aalis na sana ako sa coffee shop dahil hindi ko na mahintay si Aldrich nang tumunog ang cellphone ko. He's calling.




"Ngayon ko lang nabasa ang message mo. Andyan ka pa rin ba? Off ko ngayon, eh." He said.



Tumikhim ako para hanapin ang boses na ngayon ay garalgal na dahil sa pag-iyak at pagsisisigaw ko kanina. "I'm still here."




"Are you okay? Teka, papunta na ako riyan. Hintayin mo ako."




"Okay," tipid na sagot ko at binaba na ang tawag.




Maya't maya pa ay dumating na siya dala ang isang motorsiklo. Nag-aalalang lumapit siya sa akin.




"Can I stay at your place tonight?" Napalunok ako, iyon agad ang nasabi ko nang makalapit siya.




Nagulat siya pero kalauna'y napakamot ito sa ulo, "naglayas ka na naman ba? I'll call Sir—"




"Please, Aldrich?" Nagmakaawa ako at pinigilan ang nagbabadyang luha.




"Let's go," tila wala na siyang nagawa at pumayag na lang.




Siya ang naglagay ng helmet sa ulo ko nang makarating kami sa motor niya. Hindi ko na ginamit pa ang sasakyan ni Zahira at iniwan na lang doon, babalikan ko na lang bukas.




"Pasensya na," tila nahihiyang sambit niya nang makapasok kami sa loob ng apartment niya. "Lagi kasi akong wala rito kaya hindi ako nakakapag-ayos. Sa susunod ay mag-aayos na ako."




"It's okay. Thank you, Aldrich." Mahinang tugon ko. I yawned, inaantok na ako. Napagod ako nang sobra ngayong araw.




"Kumain ka na ba?" He asked. "Magpapadeliver ako kung hindi pa."




I shook my head. "Hindi na. Hindi rin naman ako gutom."




"Doon ka na lang muna sa kwarto ko magpahinga, mukhang pagod ka. Kung may kailangan ka ay magsabi ka lang."




Hindi ganoon kalaki o kaliit itong apartment ni Aldrich. Sakto lang kung tutuusin. Ano kayang feeling nang mag-isang nabubuhay? Sarili mo lang iyong iniisip mo and you're just living your own life. Gusto ko ring maranasan.




"Sakto wala iyong kasama ko rito, bakasyon na kasi kaya umuwi sa kanila. Kwarto niya iyang isa at dito naman ang kwarto ko, dito ka muna magstay."





"Ikaw? Saan ka?" I asked nang makapasok kami sa kwarto niya.




"Doon ako sa sofa. Are you sure you're okay here, Ember? Kung kailangan mo ng kausap, I'm just here."




I smiled pero masyado atang mababaw ang luha ko ngayon. Wala na akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak, hindi pa rin nauubos ang luha ko. Naramdaman ko ang pagtapik ni Aldrich sa balikat ko na tila hinahayaang niya akong umiyak kaya mas lalong bumaha ang mga luha ko.




"Ang dami kong gustong malaman dahil gulung-gulo na ako. Pagod na ako sa kaiisip, pagod na ako sa nararamdaman ko. Nakakapagod, para akong nabubuhay sa puro kasinungalingan ng mga taong nakapaligid sa akin. I'm tired." Hagulgol ko. "Pagod na pagod na akong magpanggap na okay lang para hindi na mag-alala ang mga taong mahal ko sa akin."




Wala akong ibang ginawa kundi humagulgol nang humgulgol habang si Aldrich ay tahimik lang sa tabi ko at nakikinig. Hindi siya umalis hanggang sa kumalma ako at wala na akong maiiyak.




Kinabukasan ay late na akong nagising, siguro dahil sa pagod. Nang lumabas ako sa kwarto ay hindi ko nakita si Aldrich pero nakita ko ang iniwan niyang note sa table. Kinuha ko iyon at binasa.




"Hey, you must be tired so I didn't wake you up. May hinanda akong pagkain. Mag-almusal ka muna before you leave." Basa ko rito at tinignan pa ang nasa likod no'n. Napangiti ako when I saw his drawing, cartoons iyon na nakahawak ng papel na may nakasulat na cheer up, everything will be okay.




Kumuha ako ng ballpen at nagsulat, nilagyan ko rin ng smiley sa dulo ng message ko sa kaniya. Thank you for everything, Aldrich. :)





Matapos kong kinain ang hinandang pagkain ni Aldrich ay kinuha ko ang cellphone ko. Zahira is calling pero hindi ko iyon sinagot. Hinayaan ko lang hanggang sa mawala. Hindi ko pa siya kayang kausapin ngayon. At nakapagdesisyon na ako sa gusto kong mangyari kapag umalis ako rito sa apartment ni Aldrich.




Si mama ang tinawagan ko. I wipe my tears when she answered my call. "Ma?" Heto na naman ang mga luha kong ay magpapigil.





"Anak, umiiyak ka ba? Is something happened, hija? Where are you right now. Pupuntahan kita." Nag-aalala ang boses ni mama sa kabilang linya nang marinig niya akong umiiyak.





I swallowed hard. Kung ayaw nilang malaman ko ang nangyari siguro nga kalimutan ko na lang din kahit alam kong malabong mangyari iyon. Ito na lang ang naiisip kong paraan para makamove on, ang lalayo. Kahit sobrang sakit sa akin at lalong lalo na para kay Zahira. "M-ma, sabi mo gusto mo muna akong magstay sa Italy. Pumapayag na po ako. But please, don't tell anyone that I'm leaving, especially Zahira."




"E-ember, anak. P-pag-isipan mo muna nang maigi 'yang gusto mong mangyari. And Zahira is your wife, she needs to know about your decision."




Kahit nadudurog na nang sobra ang puso ko ay nagawa kong magsalita. Pinilit kong huwag mabasag ang boses ko nang sabihin ko kay mama ang gusto kong mangyari. Napagdesisyonan ko na na bago umalis ay kakausapin ko si Zahira tungkol dito.




I love Zahira. Hindi ko maipagkakailang mahal ko na siya at masyado nang malalim ang nararamdaman ko para sa kaniya kaya ako nasasaktan nang ganito. I really love her but I don't think kakayanin ko pang makisama sa kaniya. Kapag kasama ko siya siguradong hahabulin at hahabulin lang ako ng nakaraang hindi ko naman maalala.




I closed my eyes. "M-makikipagdivorce na po ako sa kaniya, ma." My voice broke.





"Hija!" Gulat ang boses ni mama sa kabilang linya.





"Ma, please, kahit ngayon lang. Hayaan niyo naman akong magdesisyon para sa sarili ko." Hagulgol ko.





"Anak, pag-isipan mong mabuti iyang desisyon mo. Huwag kang magpadalus-dalos."





I nodded. "Opo, mama."





Napahilamos ako sa aking mukha matapos kong makausap si mama. She didn't agree with my decision pero wala siyang nagawa kundi hayaan ako. She said she'll help me to file a divorce kapag pumayag si Zahira sa gusto kong mangyari but I think mahihirapan akong kumbinsihin si Zahira, pero bahala na.




Nang makauwi ako ay hindi ko nadatnan si Zahira sa bahay. Linggo ngayon at ang alam ko ay wala siyang pasok ngayon sa kompanya, umuwi ba siya rito kagabi?




Hinintay ko siya pero alas onse na ng gabi ay wala pa siya. Hindi ko mapigilang mag-alala sa kaniya. I was about to call her pero dumating na siya. Pagod at halatang stressed. She held her head as she closed the door.




Nag-aalangan akong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pakikipagdivorce ko. She looks exhausted and I think this is not the right time to open that topic to her. Napagdesisyonan kong huwag na muna at palilipasin ko muna ang gabing ito.




"Kumain ka na?" I asked.




Tumingin siya sa akin nang magsalita ako at tila ngayon niya lang ako napansin. She nodded and let out a deep sigh. "I want to rest." She said weakly.




I swallowed hard and nodded. "Magpahinga ka na."




Hinahayaan ko siyang makapagpahinga. Napabuntong hininga ako nang maibagsak ko ang katawan ko sa akin kama. This is so hard. Nasasaktan ako para kay Zahira. I don't want to leave her but I don't think kakayanin ko pa siyang makasama rito.




Dahil sa pagod sa kaiisip ay nakatulog ako pero nagising ako when Zahira came to my room and slept next to me. I felt her hug me tightly from behind. Tahimik lang siyang nakayakap sa akin. Ramdam na ramdam ko rin ang mainit niyang katawan na nakadikit na ngayon sa akin. I didn't move, nanatili ako sa posiyon ko pero hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko.





Kinabukasan ay maaga akong nagising para bago siya umalis ay makapag-usap kami. I waited for her hanggang sa matapos siyang mag-ayos at nang makapag-ayos na siya ay lumapit ako sa kaniya.




"Zahira, can we talk before you leave?" I asked and swallowed hard.





"Let's talk some other time, Ember. I'm going to be late. I need to go." Sambit niya at dali-dali nang lumabas, ni hindi man lang niya ako sinulyapan.




Kinagabihan ay hindi ako tumigil. Hinintay ko ulit siya kahit late na naman siyang umuwi. Kung hindi ko siya makakausap ngayon ay hindi ko magagawa ang balak ko. Matatagalan akong gawin ang gusto kong mangyari.




"I'm tired, Ember. I can't talk right now. I wan't to rest."





I sighed. Wala akong ibang nagawa kundi tignan si Zahira nang umakyat na siya matapos niyang sabihin iyon. Napahilamos ako when I felt my tears pooled from my eyes again. Alam kong iniiwasan na lang ako ngayon ni Zahira. Halatang alam na niya kung ano iyong gusto kong pag-usapan namin.




"Zahira," tawag ko sa kaniya nang makapasok ako sa study room ni Zahira.




Ni hindi man lang siya nag-atubiling tumingin sa akin. Ang mga mata ay nasa laptop nito at sa mga papel na patong-patong na sa table niya. She's busy but I can't anymore. Hindi ko na pwedeng palagpasin pa ang isang araw na hindi ko siya makausap tungkol sa gusto kong mangyari.




"I'm busy, September—"




"I want a divorce." There, I said it. I bit my lower lip, "I want a divorce, Zahira. Let's end this."




Pinigilan kong umiyak sa harap niya. Sobrang sakit sa dibdib but I managed not to breakdown in front of her.




"Zahira—"





"Ember! Fuck!" Malakas niyang binagsak ang laptop niya sa kaniyang table kaya nagulat ako. "If you want to go to Italy, then go! Just don't ever fucking tell me that you want a divorce and you want to end this because that will never happen!" She yelled. "So, please stop. It's not happening."




Bumagsak ang mga luha sa mga mata niyang kanina pa nagbabadya. Kita ko ang matinding sakit mula sa mga mata niya. Nanginginig ang mga kamay nito. She was about to leave the room pero muli akong nagsalita kaya natigilan siya.





"I don't love you. I never loved you." I told her coldly.





Kasinungalingan.





She suddenly stopped but didn't say anything. Matapos no'n ay umalis na siya at iniwan ako roon.




Binagsak ko ang sarili ko sa sahig at walang ibang nagawa kundi humagulgol. Nakatakip ang mga palad ko sa aking mukha habang hinahayaan ang sarili kong umiyak nang umiyak. I'm so tired. I'm so tired of everything.




Buong araw kong hindi nakita si Zahira. Mas lalo siyang umiwas sa akin matapos iyong pag-uusap namin. Mas lalo siyang nagpakabusy sa trabaho niya para lang hindi niya ako makausap dahil alam nitong ipipilit ko lang ang gusto ko.




"Next week ang nakaschedule na flight mo. Are you sure about this, hija?" Mama asked.




I bit my lower lip as I nodded. Hindi ako umimik nang yakapin ako ni mama nang mahigpit. She kissed my forehead bago niya ako iniwan sa kwarto ko.




Nang gumabi ay napagdesisyonan kong lumabas. Pumunta ako sa bar dahil gusto kong mag-inom. Ilang araw rin akong hindi lumabas ng bahay at halos tumira na ako sa kwarto ko.




Nakakatatlong shots palang ako ay ramdam ko na ang pag-iinit ng mukha ko. Binalewala ko iyon at pumunta sa dancefloor para sumayaw, hinayaan ko ang sarili ko sa gitna ng crowd. Sumigaw ako kasabay nang pagsayaw ko, sobrang ingay, at sobrang daming tao kaya wala na akong pakialam.




May mga lumalapit sa aking mga lalaki pero nilalayuan ko sila at hindi pinapansin. I'm just enjoying myself in the crowd pero nang maramdaman ko ang pagod ay bumalik na ulit ako sa pwesto ko kanina at muling uminom nang alak.




"Where's Aldrich?" I asked the waiter when he gave me my drinks. Sumisigaw na ako dahil sa lakas ng music.




"Wala po siya ngayon, ma'am. Off niya po ngayon."




I just nodded. Pinanood ko ang mga taong nagiging wild na sa dance floor. They are all enjoying. May mga naghahalikan na rin sa gitna habang sumasayaw. So this is freedom, huh?





Ramdam ko na ngayon ang pamamanhid ng mga kamay ko. Medyo nahihilo na rin ako at nag-iikot na ang paningin ko. I'm drunk but I want more, gusto kong magpakawasted kaya muli akong kumuha ng inumin.




Nang muli kong tignan ang nag-iikot ng dance floor ay natigilan ako nang makita ko si Clarence sa crowd. He's now looking at me at papalapit na rin siya sa akin pero sa sobrang daming taong roon ay nawala siya sa paningin ko o sadyang lasing na ako kaya hindi ko na siya makita, o namamalikmata lang ako at hindi talaga siya iyon.



Pinagsawalang bahala ko iyon at muling ininom ang natitura pang alak sa baso ko. Maya't maya ay nakaramdam na ako nang matinding pagkahilo. I closed my eyes for a second and opened it again pero ganoon pa rin. Pinilit kong tumayo pero muli lang din akong bumagsak sa sofa at hinayaan na ang sarili kong humiga.





Pinipilit kong buksan ang mga mata ko nang maramdaman kong tila may bumubuhat sa akin. Hilong-hilo na ako at nanghihina na, ang buong katawan ko ay tila namamanhid na. Naimulat ko ang inaantok kong mga mata nang maibaba ako ng kung sino mang bumuhat sa akin. Nasa loob na ako ngayon ng sasakyan. Umiikot ang paligid ko at sa sobrang hilo ay ni hindi ko na makita ang mukha ng lalaking nagdala sa akin dito pero rinig ko ang sinabi niya bago niya ako hinalikan sa noo at pinaandar na ang sasakyan.






"You are mine now, September."























To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 117K 55
Venine Amary Madrigal is a conservative girl. Graduating sa kursong Architecture at kilala sa kanilang school dahil sa taglay na ganda at talino. Nag...
234K 5.6K 30
Dorothea, a girl who loves to prank, she had to prank Raidon Miller, in exchange for multiple subscribers on YouTube. But she pranked the wrong perso...
2.9M 90.1K 86
C O M P L E T E D --- Falling for the Billionairess Book 2. --- Siya si Meredith Balajadia, ang executive vice president ng Balajadia Industries, my...
25.6K 1.3K 40
is making her the target a big mistake? ยท cover by: ryujindegrande