π’πžπ«πžπ§ππ’π©π’π­π² [TSS #...

By seekss3nse

468K 18K 4.3K

Anne Caroline Tessano - Flight attendant student, she was supposed to be in her 3rd year when she got pregnan... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1: Familiar
Chapter 2: Hiding
Chapter 3: Not A Boyfriend
Chapter 4: Photoshoot
Chapter 5: Unveiled
Chapter 6: Keep In-touch
Chapter 7: Set-up
Chapter 8: Playground No More
Chapter 9: Mother and Daughter
Chapter 11: Full Name
Chapter 12: Beer
Chapter 13: Confrontation
Chapter 14: Saved by Her
Chapter 15: Her Secret
Chapter 16: Crush
Chapter 17: Valentine's Day
Chapter 18: Hang Over
Chapter 19: Dance Contest
Chapter 20: Risk
Chapter 21: Lust and Desire (SPG)
Chapter 22: Something New (SPG)
Chapter 23: Aftermath
Chapter 24: Selfish of Her
Chapter 25: SMG
Chapter 26: Bliss
Chapter 27: Compliment (SPG)
Chapter 28: Decisions
Chapter 29: Busy
Chapter 30: Drunk Confession (SPG)
Chapter 31: Begged
Epilogue
Special Chapter (SPG)

Chapter 10: First Stage

11.2K 509 44
By seekss3nse

Sky's POV

Tapos na kaming kumain tapos nakakita ng mga stuffed animals si Thea at nagpapabili kaso kailangan munang manalo sa game para makuha yung laruan kaya heto ako, bumabaril ng mga bola na ayaw namang magpatama.

"Nakakainis, bwisit," bulong ko habang tinututok ang baril-barilan sa bola. "Ayun! See that, baby?" Tuwang-tuwang wika ko sa anak ko.

"Sampu kailangan patumbahin, Sky." Carol said toneless. Karga nito si Thea at pinapanood nila akong bumaril.

"Oo alam ko, it's just a good start you know." I countered. Tangina kasi, bakit sampu pa? Pwede namang isa e tapos mahalan nalang yung bayad edi nakasave pa sa time.

"3rd chance mo na nga 'yan." Banat naman ulit nito.

"Shhh, tahimik. Nagfofocus ako." I said saka itinutok ulit ang baril sa susunod na bola. "Sapul! Panis!" Sigaw ko ulit sa tuwa. Nagsunod sunod ang pagtama ko sa mga bola hanggang sa makasampu ako.

"Ito po price n'yo." Inabot ng ateng nagbabantay ang price na nakuha ko. It's a zebra stuffed toy. Inabot ko naman agad 'yon kay Thea kaya masaya naman nitong tinanggap ang laruan.

"Salamat, ate." Wika ko saka naman ngayon bumaling kay Carol. "Gusto mo rin?" Alok ko sa kanya.

"'Wag na, baka abutin pa tayo ng gabi." Pagtanggi naman nito. Ang sungit talaga. Wala pa akong ni isang alok na tinanggap n'ya. Laging tinatanggihan.

"Baby, you wanna ride a carousel?" Tanong ko kay Thea na nilalaro sa ere ang napanalunan kong laruan.

"Mommy, what's carousel?" Tanong naman agad nito sa mommy n'ya. Ang cute talaga magsalita ni Thea, lalo kapag may r kasi bulol pa.

"There oh," tinuro naman ni Carol ang carousel na nakahinto palang. "That's the carousel. Do want to go there, hmm? There are animals that we can ride." Explain naman ni Carol.

"Yey, animals! I want, mommy!" Sigaw naman ni Thea. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang cute ng mag-ina ko. I mean ni Thea. Ang cute ng anak ko.

Bumili kami saglit ng ticket. Si Carol na ang sasama sa kanya sa pagsakay habang ako'y nandito at pinagmamasdan sila. Hindi pa man umaandar ang carousel ay halatang tuwang tuwa na si Thea habang nakasakay sa kabayo.

Nilabas ko ang phone ko para picture-an si Thea pero dahil magkatabi sila ni Carol ay sinama ko na rin s'ya sa pictures.

"Thea! Look here!" Sigaw ko pa. Tumingin naman si Thea sa camera so I took a picture pero pansin kong nakabusangot si Carol. "Ngiti naman d'yan, Miss." Puna ko sa kanya. Ngumiti naman s'ya pero yung ngiting sarcastic. Tsk. Pangit talaga kabonding.

Nagsimula ng umikot ang ride. Sa tuwing dadaan sila sa direksyon ko ay kinakawayan ko si Thea, iniextend naman nito ang kamay n'ya na parang inaabot ako. Pinanood ko lang sila, maya maya ay nakangiti na rin yung isa. Parang nag eenjoy na rin sa ride lalo pa't halatang masaya talaga si Thea.

"Ang ganda niya kahit ang sungit." Bulong ko sa sarili.

"Uy iba na 'yan." A voice spoke behind me. Gulat akong bumaling dito. Si Niks pala. Tangina, nakakahiya. Bakit saktong sumulpot 'to nung may binubulong ako? Naglakad ito papunta sa tabi ko nang nakangiti.

"Niks, salamat pala ha. Kung hindi dahil sa'yo, 'di ko makakasama si Thea ngayon." Pasalamat ko sa kanya para hindi n'ya na rin pansinin yung unang sinabi ko.

"Walang salamat, salamat. Utang mo sa'kin 'yan at sisingilin ko 'yan pagdating ng panahon." Mapagbirong saad naman nito.

"Sige ba, kahit ilista mo pa." Pagpayag ko naman habang natatawa. Kahit hindi n'ya sabihin, if ever naman na kailanganin n'ya ng tulong ko e hindi naman ako magdadalawang isip. "Bakit ka pala bumalik? Uuwi na ba sila? Ako nalang maghahatid."

"Oo, hapon na rin pero ako na, magtataka mama ni Carol 'pag iba yung naghatid sa kanila." She seriously said.

"Parang ang strict naman ng mama ni Carol?" Alanganing tanong ko. Ilang taon na ba si Carol? Hindi naman ata nagkakalayo edad namin, 22 na ako. Si mama hinahayaan nalang ako kung ano gusto kong gawin.

"Strict talaga 'yon." Seryosong wika muli ni Niks.

"Sige, sabay sabay nalang tayo lumabas." I said then smiled. Although I feel like it's really not enough, masaya parin ako that I was able to spend my day with my daughter.

Pagkababa nila Carol ay sinalubong ko agad sila. Kinarga ko ulit si Thea. "The-the horsey are fast!" Masayang wika nito saka pinakita sa akin kung ga'no kabilis gamit ang zebra na hawak n'ya.

"Really really fast 'no? Did you enjoy it baby?" Tumango naman s'ya. "Good. We'll go home na, but tita Sky will bring you here again next time. Is that okay with you?" Tanong ko rito.

"Uhm-hmm." Tumatangong sagot naman nito.

"Tara na?" Bumaling ako sa dalawang kasama. Kay Niks at Carol. Si Niks ay nakangiti sa amin habang hindi ko naman maintindihan ang ekspresyon ni Carol kung masaya ba ito o malungkot sa nasasaksihan.

"Tara na," wika ni Niks. Nauna nang maglakad sa'min si Carol. Magkasabay lang kami ni Niks.

"Galit ba s'ya?" Tanong ko kay Niks. Unti-unting nagiging tahimik si Thea sa mga braso ko. I saw her yawned. Napagod yata.

"Hindi," Niks chuckled. "Hindi lang non alam mafifeel n'ya kasi ngayon n'ya lang nakita si Thea na nakikipag bond sa isa pang nanay n'ya."

"I see." Sagot ko naman. Ano kayang nararamdaman n'ya? Masaya ba s'ya kasi nakilala na ni Thea isa pa n'yang mommy, although hindi as mommy ang pakilala ko. O malungkot? Kasi may kahati na s'ya sa oras ni Thea? Pero hindi ko naman ipagdadamot sa kanya ang anak namin.

Nang makarating na kami sa parking lot ay ako na ang nagsakay kay Thea sa kotse ni Niks. Tulog na ito kaya naging maingat ako sa pagbaba sa kanya. I kissed her forehead bago ako lumabas sa kotse.

"Niks, kausapin ko lang saglit si Carol." I said to Niks. Tumango lang naman ito saka naunang pumasok sa sasakyan. I turned to Carol who's also facing me. "Carol, uhm.. I just wanna thank you kasi hindi mo na ako pinigilan to bond with my daughter."

"No problem. Sana 'di na maulit yung nangyari last time." She replied.

"Promise," tinaas ko ang kanang kamay ko na akala mo talaga'y nanunumpa. "Hindi na mauulit." From now on, iiwas na rin muna ako sa kung sinu-sino para mas magpa-good shot kay Carol.

"We'll go ahead," paalam n'ya pa.

"Take care," inabot ko sa kanya ang isang piraso ng papel. "Text me when you got home safe." I said. Tiningnan n'ya pa yung papel na inabot ko. Number ko lang naman 'yon. Sige na, tanggapin mo na.

She sighed before getting the piece of paper on my hand. "Okay. Thanks." Pormal na wika lang n'ya. Gagawin ko ba? She raised her brow. Baka mukha na akong ewan sa harap n'ya ngayon. Halatang naghihintay rin s'ya sa gusto ko pang sabihin.

Bahala na. I stepped forward and gave her a hug. Mabilis lang, ilang segundo pero shit yung puso ko ang gago bigla nalang nagkarerahan yung pahtibok. Sobrang bilis.

"Thanks for this day, Carol." I whispered before breaking the hug saka nagmamadaling naglakad papasok sa kotse ko. Hindi na ako lumingon pa ulit.

...

Carol's POV

"Sinadya n'yo yon 'no? Pinagkaisahan n'yo ko." I rolled my eyes at Niks. Nandito kami sa coffee shop. Pinuntahan lang ako nila Mica sa school dahil free time n'ya from school tapos si Niks ay wala ring magawa.

"Hindi ah. Baka pinaglalapit lang kayo ng destiny." Niks said then burst out laughing. Kadiri talaga ang babaeng 'to kung anu anong pinagsasabi.

"Ano pinag-uusapan n'yo?" Tanong naman ni Mica habang sumisimsim sa kape n'ya.

"Nag-family bonding kasi sila ni Sky." Si Niks ang sumagot. Pumangalumbaba naman ako sa mesa.

Nakakabwisit talaga. Bigla-bigla nalang mangyayakap. Tapos tatakbo? Parang tanga lang. But I find it cute.. wait, did I just say that I find that woman cute? No, erase erase! Hindi s'ya cute.

"HAHAHAHAHAHAHAHA" umayos agad ako ng upo nang marinig ang pagtawa ng dalawa. Tiningnan ko sila with a questioning look. "You're blushing," puna ni Mica.

"Huh? Blushing?" Kinuha ko naman agad ang phone ko para manalamin. "Blush on lang 'to. Malisyosa kayo."

"Anong malisyosa? Sabi lang namin nagbublush ka e." Niks banters. Duh. As if wala silang ibang ibig sabihin do'n.

"Ayos na ba kayo ni Sky?" Pagseseryosong tanong nanaman ni Mica.

"Yeah.. I think she really wants to make it up to Thea." I said in a low tone.

"E yung yakap ayos naman?" Nakangising tanong ni Niks. Muntik ko nang maisaboy sa kanya ang kape ko kaya agad n'yang hinarang ang palad sa mukha n'ya. "Bakit ba ang pikon neto?"

"Nakakabwisit ka, Niks. Niyakap lang ako nung tao because of gratitude." I defended but it's the fact. Niyakap lang talaga ako non para mag thank you. Wala ng iba.

"What about your mom? Does she know anything about Sky?" Sabay sabay kaming nagseryoso.

"Wala, I didn't tell her.. yet." I whispered enough for Niks and Mica to hear.

"So when are you gonna tell her?" Seryosong tanong na rin ni Niks.

"I don't know.. kilala n'yo si mama. Once she knew that Thea's father is a she, baka tuluyan n'yang ilayo si Thea kay Sky." Wika ko na may halong pangamba. Napapalapit na si Thea kay Sky, I don't want to see my baby gets heartbroken.

Sandaling natahimik ang table namin.

Mas naging strict kasi si mama since Thea was born. She loves Thea so much kahit galit na galit s'ya nung nalamang buntis ako sa iba.

Suddenly, my phone buzzed. I opened it. A text message from Sky.

From Sky:
Kita tayo sa sunday. May ibibigay lang ako.

I bit my lowerlip.

Carol, no. Don't smile, don't smile, don't smile.

I whispered to myself.

Stress lang ako sa school, wala 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 36.5K 49
SYLVEXIS SERIES [ UNEDITED ] XYRA LIRA VARCAESCA , 22 year old. A charmer culinary student, volleyball player and captain ball on their University...
21.6K 56 6
This is a work of fiction. Not suitable for young readers below 18. Read at your own risk and please do not reportπŸ”ž
1M 40.4K 51
Story Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" IbaΓ±ez - A young, wild and free student who has her life together with her com...
45.4K 1.2K 20
Nathalia Grace is a smart girl who wants to be an attorney in the future. But it's not easy to reach that. She has an abusive mother who always treat...