TWO FINGERS DEEP

By ctrl_az

144K 7.9K 4.6K

It is a whirlwind romance between a kindergarten teacher (Jane De Leon) and her student's (Uno) mother (Janel... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

Chapter 25

3.2K 188 91
By ctrl_az

Jane's POV

KINABUKASAN

Di ako nakatulog buong gabi kasi nagbabantay kami rito sa lamay ni Lola. Kakauwi lang din ng mga kapitbahay namin.

Umiinom lang ako ng kape nang biglang dumating si Janella na may dalang dalawang maleta at isang bagpack.

Pinaupo ko muna siya.

"Ngayon nga pala yun ano?. Sorry, di kita agad nasundo." Sabi ko.

"Okay lang." Sabi niya.

"Bakit di mo nalang iniwan lahat ng yan sa kotse--" Sabi ko.

"Wala nakong kotse Jane."

SILENCE

"So anong sinakyan mo papunta rito?."

"Nag-grab lang ako. Actually, yun na yung huling pera ko. They froze all my accounts." Sabi nito.

"Aba'y sobra naman ata--"

"It's fine. We'll be fine." Sabi nito as she held my hand.

Yung mga chismosa naman naming mga kapitbahay na natira nagmarites mode agad haaays.

"Oh anong tinitingin-tingin nyo?." Inis kong sabi sa mga to. Wag nila akong susubukan, di pako natutulog.

"Love, huminahon ka."

"Yang mga marites kasi na yan eh. Oh, speaking of Marites dumating na rin yung reyna nila." Sabi ko, referring to Kiray na kakarating lang.

"Uy Mars, narinig ko yun ah. Ansaket mo naman magsalita." Sabi ni Kiray.

"Mars ka dyan, close ba tayo?." Sabi ko.

"Alam mo, ang aga aga ang init agad ng ulo mo. Para ka nang si Madame." Sabi ni Kiray.

"Eh sino ba kasing di iinit ang ulo sayo?." Sabi ni Janella.

"Aray ko naman Madame, mas masakit pa yung sinabi mo sa sinabi nya ah. Pero ano ba? Eto na nga ako oh, nakikiramay na. Syempre, ibig sabihin nyan friends na tayo. Saka wala kaya akong pinagsabihan about sa inyo."sabi ni Kiray.

"Pero sa lakas ng boses mo malamang alam na nilang lahat dito. Well, since andito ka na rin lang ikaw na muna magbantay. Ayun si Ding, tulog pa. Gisingin mo nalang mamaya para makaligo at makapag-ayos. Don't worry, si Kuya Andoy ang gagawa lahat ng yun. S-sige na't uuwi na muna kami sa bahay para makapagpahinga." Sabi ko.

"Buti sana kung may sahod to." Sabi ni Kiray.

"May sinasabi ka?." Pagtataray ko rito.

"A-ah wala ho Ma'am Jane hehe. Ingat ho kayo sa biyahe." Sabi ni Kiray.

At ayun, umalis na kami ni Janella.

..

Mari's POV

Agad kong sinara ang window ng sasakyan nang makita kong lumabas ang dalawa.

"Ba't di nyo nalang ho lapitan yung anak nyo Ma'am?." Tanong ni Kuya June.

"Tahimik na ang buhay nila. Di na nila ako kailangan." Sabi ko habang pinapanood lang si Jane at Janella

FLASHBACK

Nasa kwarto ako habang nagpapahinga nang lumapit yung bata.

"Friend po ba kayo ng daddy?." Tanong niya.

"Hindi ko alam, pero sinagip nya ang buhay ko." Sabi ko.

"Ang ganda nyo po. What's your name?."

"Mari. Ikaw? Anong pangalan mo iha?." Tanong ko sa anak nung kumupkop at nag-alaga sakin.

"Jane po."

Parang biglang nadurog yung puso ko nang malamang magkapangalan sila ng anak ko.

Pero hindi Jane ang madalas na itawag namin ng tatay niya noon, Florence.

Jane Florence Benitez De Leon kasi ang buo nyang pangalan.

..

"Florence, paliguan mo muna tong kapatid mo ah. Maglalabada lang muna ako." Sabi ko.

"Opo nay. Sya nga po pala nay, kailangan ko na po ng bagong sapatos. Medyo sira na po kasi yung--"

"Magtsinelas ka nalang muna anak ha? Yung pera kasing naitabi ko sapat lang para sa pambili ng gamot ng tatay mo." Sabi ko.

"N-naku, okay lang po nay. Pasensya na, di ko po agad naisip--" sabi ni Florence.

"Ngayon lang to anak, promise babawi ang nanay. Medyo kapus pa kasi tayo eh." Sabi ko.

Pagkalipas lamang ng dalawang buwan ay namayapa na ang aking asawa.

Nagluluksa pa kami ng gabing yun nang may pumunta agad sa bahay para maningil ng utang.

Hindi sapat ang paglalabada ko para mabayaran ang lahat ng yun, tapos nag-aaral pa yung dalawa, ilang beses ring nagkasakit ang mother in-law ko kaya mas lalo kaming nabaon sa utang hanggang sa napilitan nalang akong magnakaw.

Hinabol ako nung lalaking pinagnakawan ko hanggang sa binugbog nya ko sa sobrang galit nito na halos malumpo nako.

Fortunately, dumating si Mr. Oineza dahil may nirerescue lang pala sila sa may malapit lang dahil sa sunog.

EOFB

Out of impulse ay bumaba ako ng sasakyan.

"San ho kayo pupunta ma'am?." Takang tanong ni Kuya June.

Pero tuloy lang ako sa paglalakad hanggang nakalapit sa dalawa.

"Kanina pa ba kayo?." Tanong ko.

"Tita." Masayang bati ni Janella sakin sabay beso.

"H-hello po." Bati naman sakin ng Florence ko.

Sa puntong to para nakong maiiyak, pero pinilit kong pigilan.

I just smiled sabay sabing,

"Hatid ko na kayo."

"N-naku, wag na po tita. Nakakahiya naman ho." Sabi ni Janella.

"I insist. Saka, mukhang mabigat yang mga dala nyo." Sabi ko.

At ayun, pumayag na nga sila. Hinatid ko sila hanggang sa labasan. Si Kuya June nalang ang tumulong sa kanilang ipasok sa bahay ang mga gamit since di ako pwedeng lumabas kasi malamang makikilala ako ng mga kapitbahay namin.

Pero ang nakapagtataka lang kasi di ako nakilala agad ng anak ko, kahit na dun sa birthday ni Uno. Medyo nakakapanghinayang lang. Pero okay na siguro yun kasi parang mas di ko kakayaning salubungin nya ko ng may pagkamuhi, lalo na si Ding.

..

Ali's POV

Nagulat ako nang pagpasok ko sa office ni Janella ay parang nililigpit na yung mga gamit nya.

"T-teka lang, what's happening? San nyo dadalhin ang mga gamit ni Janella?." Sabi ko.

"Pasensya na Doc, napag-utusan lang." Sabi nung isang employee na si Abi.

"Sinong nag-utos?." Sabi ko.

"Ako." Biglang pasok nito.

Nagsilabasan naman ang lahat ng nasa loob. Tapos na sila.

"M-Madame." Sabi ko.

Di ko inaasahan na pupunta dito si Madame Jenine.

"B-bakit naman ho ganito?." Tanong ko pa.

"Janella is unfortunately gay. Not deserving of any job in this company. But don't worry, I've already chosen a new CEO and that is you Doc Ali."

SILENCE

"I'm sorry, but I don't think I can accept it."

"Excuse me, what did you say?." Kunot noong sabi nito.

"I don't think I deserve the position." Sabi ko.

"You do. You've been working with us for almost a decade. You are good at what you do and you manage people effortlessly." Sabi nito.

"But I'm gay." Sabi ko.

SILENCE

"So therefore, I am not deserving just like your daughter Madame. That's right, I am gay, vadeng, bakla, baklush, paminta, bayot, chixsilog, baklita, salot at kung ano pang term ang gusto nyong itawag sakin. I don't care.."

"..I like men, the same way you do. Pinakialaman ka ba namin nung nagmahal ka ng lalaki?. Diba hindi?. Nakialam ba kami when you held hands with Mr. Salvador in front of the crowd?. Hindi. Pinakialaman ka ba namin when you married the love of your life?. Of course hindi. Kasi that's your life and that's none of our business. So why can't you just mind your own?. With all due respect, thanks for the offer Mrs. Salvador but go find your straight CEO, I quit!." Sabi ko rito sabay walk out.

I already had enough of her bullsht. Kung di sya kayang sagutin ni Janella, pwes ako kaya ko.

Sobrang napaka unprofessional lang kasi na hanggang dito sa opisina dinadala nya yung pagka homophobic niya tsk.

..

Jane's POV

Umalis na si Kuya June.

"Grabe, sobrang bait pala nung mommy ng kaibigan mo no?." Sabi ko.

"Sinabi mo pa. Actually, you kinda remind me of her nga."

"What do you mean?." Takang tanong ko.

"Parang pareho kayo ng luto ng adobo. Madalas nya kasi yung lutuin nung highschool pa kami ni Ja. I don't know, maybe it's just me hehe. Anyways, magpahinga ka na." Sabi ni Janella.

"Samahan mo ko." Lambing ko rito.

"Ay hindi na haha. Baka di pahinga yung mangyari." Biro nito.

"Galing pa talaga sa madalas mag-aya ah." Sabi ko.

"Okay haha. Maligo ka muna, susunod ako." Sabi niya.

"H-ha?."

"I-I meant sasamahan kita matulog pagkatapos. Pero kung ano man yang nasa isip mo, okay narin hehe." Sabi ni Janella.

Continue Reading

You'll Also Like

87K 2.5K 48
#MikaSa Love story A deal that will change their whole life forever.
1.1M 24.9K 57
What can be more painful than watching the person you love, fall in love with someone else and there is nothing you can do? Hanggang saan pa ba ang k...
16.3K 899 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
54.9K 2.4K 53
Love... For Jane, someone who wants to escape the unfortunate life of being poor, this concept is just illusion. "Hindi ako mapapakain ng pag-ibig...