Chapter 26

2.7K 172 59
                                    

Jane's POV

Nagising ako mga bandang 10AM. Wala na si Janella sa tabi ko so lumabas ako ng kwarto at nakita ko nga siya na nakatulala lang sa may sala.

"Hey." Sabi ko at tumabi rito.

"You're awake." Sabi nito as she planted a soft kiss on my forehead.

"Iniwan mo ko dun sa loob. Parang malalim ata ang iniisip mo." Sabi ko.

"Wala na tayong pagkain." Sabi niya.

"Chineck mo ba yung ref?."Sabi ko.

"Ha?."

"Oo nga pala, wala kaming ref. Nagastos na namin para sa funeral at burol yung pera, pero may natira naman dun sa binigay nung anonymous donor. Okay na yun pang-grocery love. Kasya na yun for 1 week." Sabi ko.

SILENCE

"Speaking of donor. Parang natatandaan ko yung driver ni Mrs. Oineza." Sabi ko.

"What do you mean?."

"Parang siya yung nag-abot nung pera para sa burol." Sabi ko.

"Yun nga rin yung sasabihin ko sana sa iyo eh. Bago kasi yung driver na yun kaya di ko masyadong nafamiliarize yung mukha niya, pero natandaan ko sya nung hinatid nila tayo kanina."

"Di kaya galing yun kay Mrs. Oineza?." Sabi ko.

"Baka nga. Pero magkakilala ba kayo para--"

Napaisip ako.

"Alam ko na kung san ko siya nakita."

"Really? You've met before?."

"Dumalaw sila sa campus namin nung college. Siya yung asawa nung negosyanteng si Mr. Oineza, isa sa nagbigay samin ng scholarship. Kaya pala she's familiar. Tapos nung nagtuturo pako dumalaw rin yan sa school to supervise kasama ang mga Deped Officials." Sabi ko.

"Baka siguro natandaan ka nya. Plus, kapangalan mo pa yung anak niya. Since namention narin lang yung work pasensya ka na love ah. Naobliga ka pa tuloy na palamunin ako. Hayaan mo soon makakapaghanap na rin ako ng trabaho--"

"Ano ka ba? Wag mo ngang isipin yan. Saka ako nga yung nahihiya eh, alam kong naninibago ka pa sa ganitong buhay. Kasalanan ko rin naman." Sabi ko.

"Walang may kasalanan. Choice ko to." Sabi niya.

"Hays, kaw talaga. Oh sya, magbibihis lang ako mamamalengke tayo." Sabi ko.

"Palengke?." Kabadong sabi nito.

"Love, yung budget natin pampalengke lang. Yung pang 1 week natin na makakain, yung presyo nun sa supermarket baka pang 1 day lang. Saka, medyo may pagka vegetarian ka naman eh mabubuhay tayo. Tapos sa gabi, kape at biscuit nalang sa lamay." Sabi ko.

"R-right. Of course hehe."

FF

Andito na kami sa palengke at halatang di siya sanay. Lalo na sa amoy.

"Okay ka lang love?." Sabi ko.

"Pasensya ka na ah, first time ko kasing pumunta ng palengke." Sabi niya.

"Naku, masanay ka na. Saka siguro mga 1 week, maiimmune ka na rin sa amoy hehe. Ate, magkano po isang kilo nito?." Sabi ko.

TWO FINGERS DEEP Where stories live. Discover now