Water Snake: THE LEGEND OF TH...

By Ai_Tenshi

3.5K 191 11

Ang kwentong Water Snake: Legend of the deep ay iikot sa bidang tauhan na si Soju, siya ay 2000 years old dem... More

SYNOPSIS
Episode 1: Gidlis
Episode 3: Pusong Tumitibok
Episode 4: Ang Demon Hunter Na Si Yoga
Episode 5: Ala-ala Ng Puso
Episode 6: Pista ng mga paputok
Episode 7: Mailap Na Landas
Episode 8: Ang Pulang Kalatas
Episode 9: Ang Isla ng Leren
Episode 10: Pagtatagpo
Episode 11: Puryoku
Episode 12: Ang Sikreto ni Soju
Episode 13: Ang Pagbabalik ng Mandirigma
Episode 14: Unang Pagkakataon
Episode 15: Demon Fox
Episode 16: Pagsalakay
Episode 17: Misyon ng Kabiguan

Episode 2: Unang Sulyap

222 17 0
By Ai_Tenshi

Episode 2: Unang Sulyap

Isang linggo na ang nakakalipas magbuhat noong umuwi si Dengo dito, galing sa lupain ng mga mortal. Sa mga araw na lumipas ay napapansin namin ang pagiging mahina niya. Hanggang sa sumapit ang kabilugan buwan kung saan siya natagpuang walang buhay sa ilalim ng isang malaking puno sa tabi ng talon.

Wala namang sugat sa katawan ni Dengo, wala rin itong malubhang sakit. Pero ang sabi ng matatandang gabay ay mas malala pa daw doon ang sinapit nito. Mga bagay na hindi ko na nagawa pang usisain dahil wala rin naman.

Halos naalala ko pa noon araw at mga sandaling tumabi ako sa kanya at nakipagkwentuhan dito ay nagbalik sa aking isipan ang bawat eskenang iyon at ang kanyang mga katagang habilin sa akin.

"Ayos ka lang ba Dengo?" tanong ko sa kanya noong makita ko itong nakasandal sa isang batuhan ay pinagmamasdan ang pagbagsak ng tubig sa talon.

"Wala akong nakitang talon doon sa itaas," ang sagot niya na malayo sa aking katanungan. Pero agad siyang humarap sa akin at ginusot ang aking buhok. "Kaya ikaw, huwag kang pasaway," ang dagdag pa niya.

"Ikaw kaya itong pasaway, lagi kang umaayat sa pampang kaya nagagalit sa iyo ang matatandang gabay," ang sagot ko sa kanya habang natatawa.

Natawa rin siya at napatingin sa akin pero agad rin niya itong binawi sa akin..

"Ano yung misyon na ginawa mo doon sa lupa? Bakit ka umahon? Ilang buwan ka ring nawala. Ang akala nga namin ay hindi ka makakabalik at hindi ka na namin makikita," ang pang uusisa ko habang kapwa kami nakatanaw sa kalayuan.

"Walang misyon," ang simple niyang sagot.

"Walang misyon? Eh bakit? Para saan at umakyat ka doon?" pagtataka ko na hindi maitago ang pagkalito.

Tumingin siya sa akin ng seryoso at nagwika, "Soju, ang aking pag alis at pag akyat sa lupa ay sarili kong desisyon. Wala itong kinalaman sa misyon ng ating lahi. Alam kong balang araw ay aangat ka rin doon sa lupa at nais ko lang sabihin sa iyo na dapat mong ingat ang iyon puso," ang wika niya sa akin.

Napatingin ako sa aking dibdib at napahawak sa tapat ng aking puso. "Hindi ko maunawaan pero sana ay maging maayos ka na, Dengo."

"Salamat sa iyo. Balang araw, sana ay maging aral sa iyo ang nangyari sa akin. May dahilan kung bakit tayong mga tubig ahas ay hindi umaakyat sa ibabaw ng tubig. Gusto kong matuklasan mo ito sa iyong sariling paraan," ang tugon niya sa akin sabay tapik sa aking balikat.

"Ang hirap naman ng payo mo, pwede bang literal na lang?" ang biro ko naman habang natatawa.

Natawa rin siya at saka inakbayan ako, "sa talino mong iyan, sigurado ako na mauunawaan mo ako agad, Soju."

Iyon ang huling beses na nakita ko ang magandang ngiti ni Dengo. Hanggang ngayon ay itinatanong ko pa rin sa aking sarili kung ano ang dahilan ng kanyang pagkamatay kung ganoon malakas naman ang kaniyang pisikal na katawan, wala siyang malubhang sakit at lalong wala siyang sugat. Noong magkausap kami ay pilit kong binabasa ang kanyang mga kilos o pinapakiramdam kaya pero wala pa rin akong makuhang impormasyon. Ang mga mata ni Dengon ay masyadong maganda at nangungusap palagi kaya nakapagtatago siya emosyon. Hindi katulad sa iba na madaling nabubuko o napaghahalataan.

"Pwede ba iyon? Yung basta mamamatay ka na lang ng walang dahilan?" tanong ko kay Ringo habang umaahon kami sa ibabaw ng tubig.

"Aba e hindi ko alam. Basta ang masasabi ko lang ay sayang ang libong taon ng kanyang buhay. Sayang naging mabuting kuya pa naman siya sa atin," ang sagot ni Ringo.

Noong makaahon agad kaming lumangoy sa abandunadong barko kung saan kami nakakuha ng magagandang kagamitan ng mga mortal. Ngayon ay aakyat ulit kami doon at susubukan naming pasukin ang iba pang silid na hindi namin nabuksan. "Ikaw talaga Soju, baka mapagilitan na tayo nito," ang bulong ni Ringo.

"Ilang beses na tayong umaakyat dito sa itaas pero naman nagagalit sa atin diba," ang tugon ko at noong naghahanda ako para umakyat at napahinto ako dahil may tao sa naturang barko. Hindi ko inaasahan na mayroong bibisita dito dahil halos ilang araw na rin itong palutang lutang dito sa karagatan.

"Hoy Soju, umuwi na tayo. Baka mahuli pa tayo ng mga taong iyan," ang paghila sa akin ni Ringo.

"Ang sabi ng mga matatanda doon sa ating isla ay mas malalaki raw ang ulo ng mga taong nasa ibabaw ng lupa kaysa atin. Nais ko lang makita kung totoo nga ito," ang bulong ko sabay sampa sa barko.

"Gago, sira ka talaga! Bumaba na tayo! Mahirap na mahuli," ang bulong niya pero sumunod pa rin siya sa akin at pilit akong hinihila pabalik

Nagkubli kami sa malalaking haligi ng abandunadong barko at dito ay nakita nga namin ang apat na lalaking paikot ikot at pabalik balik mula sa loob. Sakay sila ng isang maliit na bangka at itinali nila ito sa gilid ng barko upang hindi tangayin. Kitang kita rin namin kung paano hakutin ng mga ito ang mga kagamitan na sana ay para sa akin. "Master, mukhang mayaman ang barko ng mga piratang ito. Maraming mga kayamanan doon sa loob. Kunin na kaya natin ang buong barko at dalhin sa pampang?" tanong ng isang lalaking medyo may edad na. Kausap niya yung pinakabatang lalaking nakatingin sa malayo.

Maya maya ay humarap ito sa kanya. Taglay ng lalaki ang magandang mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Matangkad ito at nakasuot ng kakaibang kalasag na animo isang mandirigmang prinsipe. Marahil siya ang tinatawag na "master" o pinuno ng mga ito.

"Nag iisip ka ba talaga? Kailangan lang natin lahat ng mga ginto at alahas diyan sa loob upang maibenta natin. Malaki laking pera ang katumbas niyan at tiyak na makakakuha tayo ng mas dekalibreng sandata," ang sagot nito sabay kuha sa kanyang itak na medyo luma na. Tiningnan pa niya ang sarili sa talim nito at habang nasa ganoong pagtitig siya ay tila nakita rin ang aking repleksyon sa talim nito at agad niya itong napansin at mapatingin sa aming direksyon.

Nagkubli kami ni Ringo. "Jusko yan na nga sinasabi ko. Baka isang Gidlis Hunter ang isang iyan. Umalis na tayo dito," ang bulong nito.

Marahang lumakad palapit sa amin ang lalaki, hawak niya ang kanyang itak na may kakaibang talim. "May tao ba dyan? Lumabas ka na ngayon rin!" ang utos nito sa amin pero nanatili pa rin kaming nakakubli sa malalaking haligi. Kung mag aamok siya ay tiyak na lalaban rin kami at magkakagulo dito sa barko.

"May tao ba dyan?" tanong niya ulit na ngayon ay malapit na siya sa aming pinagtataguan. Halos ilang dangkal na lamang ang pagitan namin sa kanyang kinalalagyan.

Tumingin sa akin si Ringo at humaba ang kanyang kuko, "kapag nakita niya tayo ay bubulagin ko siya papatayin ng pinakamatapang na lason," ang wika niya sa kanyang isipan na malinaw ko namang nauunawaan. Isa itong espesyal na abilidad ng mga tubig ahas na ginagamit namin sa ilalim na tubig, ang mag usap sa pamamagitan ng isipan.

"Sira ka ba? Sa itsura ng isang ito ay parang hindi naman niya kayang pumatay, hayaan na lang natin siya," ang sagot ko naman habang nanlalaki ang mata at nakatitig sa kanya.

"Ah basta, huwag siyang magkakamali!" ang sagot niya habang naghahanda sa pag atake.

"May tao ba dyan? Lumabas ka!" ang wika pa niya at noong malapit na siya sa amin ay bigla siyang tinawag ng kanyang kasamahan dahilan para mawala ang kanyang atensiyon sa aming kinalalagyan.

"Master Yoga, tingnan mo isang sibat na gawa sa purong ginto! Ito ang regalo namin sa iyo!" ang hirit nila, agad namang lumapit ang kanilang pinuno at kinuha ang sibat saka sinura. "Gawa sa mataas ng kalibre ng ginto ang isang ito," ang wika nito samantalang kami naman ay nakahinga na ng maayos.

"Muntik na iyon," ang bulong ni Ringo samantalang ako naman ay nakatanaw pa rin sa lalaki.

Tahimik.

"Hoy, hindi ka man lang kinabahan? Bakit parang wala lang sa iyo? Siguro kung nagkasubuan kanina ay ipagtatanggol mo yung lalaki laban sa akin no? Porket maamo yung mukha at mapula yung labi niya ay nagkakaganyan ka na," ang hirit pa nito.

Patuloy namin silang pinagmasdan, marami rami na rin ang kanilang nakuha sa barko. Lahat ng mga ginto at alahas ay isinakay nila sa kanilang bangka. Hinakot rin nila ang mga alak at iba pang kagamitan doon upang isakay sa kanilang sinasakyan. "Master, marami pang naiwan doon tiyak na babalik pa tayo dito," ang wika ng isang kasamahan niya.

"Ayos lang, ang mahalaga ay mahakot natin ito at agad na maibenta doon sa pampang. Malaking pera ito ay makakabili tayo ng mamahaling mga sandata, ang iba ay maaari niyong ibigay sa inyong mga pamilya," ang sagot ng pinuno at lahat sila ay bumaba na sa kanilang bangka para umalis.

Habang nasa ganoong posisyon sila at naghahanda sa pag alis ay bigla na lamang silang nagulat dahil may babaeng sumulpot sa kanilang harapan. "Master, isang magandang babae! Paano naligaw iyan dito?" pagtataka nila.

Natawa si Ringo habang pinagmamasdan sila. "Sa tingin ko ay may pupulutanin ang mga sirena ngayong araw na ito. Alam mo itong abandunadong barkong ito ay ginawa lang minandal ng mga sirenang iyan ang mga sakay na pirata. At ngayon ay nagsisimula na silang humimig, tiyak na mapapasailalim na ng sumpa nito ang prince charming mo," ang hirit nito na may halong pang aasar sa akin.

Humimig ang sirena, isang uri ng paggawad ng sumpa upang mahipnotismo ang mga lalaking sakay ng bangka.

Ilang minuto pa ay bigla na lang tumalon ang matandang lalaki sa tubig, batid naming napasailalim ito sa kanilang sumpa. Lumubog ang lalaki at mabilis itong hinila kung anong pwersa at wala pang ilang segundo ay pinagkaguluhan na ito ng mga sirena sa ilalim, ang tanging nakita na lamang namin ay ang sumabog na dugo sa tubig tanda ng pagkakapira piraso ng kanyang katawan.

Maya maya ay tumalon na rin ang dalawa niyang kasamahan. Samantalang ang kanilang pinuno na si Yoga ay pilit na nilabanan ang sumpa. Kumilos ang kanyang kamay at hinawakan ng mahigpit ang gintong sibat na ibinigay sa kaniya kanina. Inihataw niya ito sa sirenang nang aakit sa kanyang harapan dahilan para tamaan ito sa dibdib.

Nagbago ang mukha ng sirena noong tamaan ito, bumakas ang matinding galit sa kanyang mukha at mula sa magandang babae ay lumuwang ang mga bibig nito na mayroong maliliit na pangil. Ang ulo ay nagkaroon ng hasang at kaliskis at nagbago rin ang kulay ng katawan na animo kulay mga pating.

Nagkagulo ang mga sirena sa paligid, desidido sila na makuha ang binata. Inuga nila ang bangka at ang ilang sa kanilang lumundag pa para dagitin ang kanilang pagkain. Samantalang nanlaban ang binata, hawak niya ng mahigpit ang kanyang patalim na protekta niya sa kanyang sarili ngunit kahit gaano siya kalakas ay marami ang mga sirena sa paligid.

Ilang sandali pa ay nagawa nilang itaob ang bangkang sinasakyan ng binata dahilan para mahulog ito sa tubig at mabilis siyang tangayin sa pinakailalim nito.

Hindi ko maunawaan ngunit kusang gumalaw ang aking mga paa at nagtatakbo ako sa gilid ng barko. "Soju, anong gagawin mo? Sira ka ba?!" ang tanong ni Ringo pero hindi ko na siya pinakinggan. Hindi ko rin maunawaan ang aking sarili ngunit kailangan ko itong gawin. Ito ang isinisigaw ng aking puso noong mga sandaling iyon.

Lumundag ako sa barko at nagliwanag ang aking katawan saka ako nagkaroon ng buntot na ahas. Ang aking pang itaas na katawan ay tao pa rin. "Soju, gago ka! Magagalit sa iyo ang mga sirena! Gusto mo ba ikaw ang kakain sa binata? Wag na uyyy! Hayaan mo na iyan sa kanila! May mga balyena naman sa ilalim diba? Ayos na sa atin iyon!" ang sigaw pa nito pero hindi ko na siya pinakinggan.

Nagliliwanag ang aking buong katawan, lumangoy ako sa ilalim ng dagat kung saan ko nakita ang binata na nanlalaban pa rin sa ilalim ng tubig bagamat pinagkakaguluhan na ito ng mga sirena. Puro sugat na rin siya at ang kanyang dugo ay humahalo na sa tubig.

Agad akong lumapit sa kanila. Nagliwanag ang aking mga mata dahilan parang simulang lumamig ang tubig. Ang tubig ahas na may asul na buntot ay espesyal dahil may kakayahan siyang gawing yelo ang karagatan. Mga bagay na ngayon ko lamang gagawin upang magsalba ng buhay ng isang taong hindi ko naman kakilala.

Agad kong kinuha ang lalaki sa kamay ng mga sirena at noong yakapin ko siya ay tumibok ng malakas ang aking puso. Kasabay nito ang pagsabog ng asul liwanag sa aking buong katawan at itinaboy nito ang mga sirena sa buong paligid.

Mahigpit ang yakap ko sa binata at noong makitang kong paubos na ang hangin sa kanyang baga ay hinalikan ito at binigyan siya ng hangin upang madugtungan ang kanyang buhay na noon ay parang nauubos na kandila.

Mahigpit ang aking yakap sa kanya. Habang magkasugpong ang aming nguso ay para bang huminto ang takbo ng mundo. Para bang ang lahat ay tumigil para sa aming dalawa.

Paikot ikot kami sa tubig habang magkayakap. Nakita kong bahagya niyang iminulat ang kanyang mata kaya naman isang matamis na ngiti ang isinukli ko sa kanya.

Noong mga sandaling iyon ay wala akong makamalay malay na nagbago na ang takbo ang aking buhay. At binago ito ng unang pagtibok ng aking puso.


Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 790K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
57.1K 3K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
20.8M 764K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...