Episode 3: Pusong Tumitibok

192 11 0
                                    

Episode 3: Pusong Tumitibok

SOJU POV

"Iniligtas mo yung gwapong demon hunter tapos dinala mo pa doon sa pampang nila. Ano bang iniisip mo Soju? Hindi mo ba alam na galit na galit sa iyo yung mga sirena? Ang akala nila ay inagaw mo yung pagkain nila," ang sermon ni Ringo habang lumalangoy kami pabalik sa aming isla.

"Nakita ko yung pampang ng karagatan, grabe ang daming mga bangka tapos may kubo sa paligid. Sa tingin ko ay mas maunlad na ang mga tao ngayong Trasea Era, mas kaaya ayang tingnan ng lupa kaysa noong panahon ng bato at metal," ang tugon ko naman habang nakangiti na hindi maitago ang matinding saya.

"Aba't masaya ka pa? Naghalikan kayo diba? Talagang nagawa mo pang halikan sa labi yung lalaking iyon?"

"Oo, para mabigyan siya ng hangin sa baga. Lalaki rin naman ako, siguro ay walang malisya doon," masaya kong sagot, hindi ko maunawaan ngunit kakaibang saya ang nararamdaman ko noong mga oras na iyon. "Teka Ringo, pwede bang sikreto na lang natin yung nangyari kanina?" tanong ko naman.

"Alin doon? Yung pag yeyelo ng tubig o yung pagligtas mo sa lalaki?"

"Hmmm, pareho. Pwede ba iyon?"

"May magagawa pa ba ako? Naku Soju kung hindi lang kita kaibigan, bahala ka nga!" ang pagmamaktol nito sabay lundag sa puno at saka kumuha ang prutas para kainin. Samantalang ako naman ay nahiga lang sa damuhan at saka nakangiting nakasulyap sa asul na kalangitan. Halos hindi maalis sa isipan ko yung paghalik ko sa taong iyon. Hindi ko alam kung bakit ko ba ito ginawa basta alam ko lang ay masaya ako at naisalba ko ang kanyang buhay. Sa tingin ko ay iyon ang importante sa lahat.

Tahimik..

Nakahiga lang ako at sa kada pikit ng aking mata ay nakikita ako ang mukha niya hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili na binibigkas ang kanyang pangalan. "Yoga", bagay na bagay sa kanyang maamong mukha, singkit na mga mata, mapulang labi at matangos na ilong. Sana ay makita ko siyang muli at sana ay matandaan niya ako.

Habang nasa ganoong pag iisip ako ay tumamang mansanas sa aking mukha. "Kumain ka nga! Nababaliw ka na ba Soju? Bakit ba nakangiti ka ng ganyan? Huwag mong sabihing nagkagusto ka doon sa lalaking iyon? Hoy, demon hunter iyon kaya ka niyang patayin doon sa lupa," ang hirit ni Ringo.

Natawa ako at kinagat ang mansanas, "wala akong iniisip na ganoon. Basta masaya lang ako at iyon ang mahalaga," ang tugon ko sa kanya.

"At kailan ka pa napasaya ng pagiging pasaway mo aber?"

"Ngayon lang, ngayon lang ako natuwa ng husto," ang nakangiti ko pa ring tugon habang nakatanaw sa bughaw na kalangitan.

KINAGABIHAN, nagpatawag ng pagpupulong ang matatandang gabay sa pamumuno ni Lola Talyang. Hindi ko alam kung tungkol saan ito, marahil ay nakarating na sa kanila yung ginawa kong pagtulong sa mortal at yung pagtataboy ko sa mga sirena. Tiyak na patay ako nito, "teka pwede bang hindi dumalo?" tanong ko kay Ringo.

"Hindi ka dadalo sa pagpupulong dahil nararamdaman mong isa ka sa tatalakayin doon? Buti alam mo na at ihanda mo na ang iyong sarili," ang panankot nito sabay hila sa akin.

"Teka kaya nga di ako dadalo diba? Kasi pupulutanin lang ako doon, sesermunan mula ulo hanggang paa," ang sagot ko naman.

"Oh alisin mo yang paa mo at palitan mo ng buntot."

"Pupulutanin pa rin ako mula ulo hanggang buntot!" ang pag uulit ko pa dahilan para matawa siya.

Tawanan kami..

Katulad ng dati ay ginanap ang pagpupulong sa isang malawak na kweba kung saan naroroon ang bilog na liwanag ng buwan na tumatanglaw sa aming kinalalagyan. Malamig ang gabi kaya naman lahat kami ay balot ng makapal na kasuotan. Dito tumayo ang matandang gabay sa aming harapan habang kaming lahat naman ay nakaabang lang sa kanyang sasabihin.

Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon