A Runaway Royalty (Completed)

By whixley

773K 16.5K 3.1K

Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get a... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Final Chapter

Chapter 31

11.3K 287 80
By whixley

Chapter 31: Wedding

Cyienna / Ciara

Naalala ko ang sinabi ni Luther noong nakaraan na pupunta kaming church dalawa kasama ang family niya kaya ito nag-aayos na ako. Nakakahiya naman na paghintayin namin sina Tita.

Naka-white fairy off-shoulder maxi dress ako. Ito na lang kasi ang damit na mayroon ako sa closet. Simpleng white flat sandals rin ang suot ko, nakalugay na rin ang buhok ko habang kulot ang dulo.

Iyong clutch bag ko lang ang dala ko dahil tanging wallet at cellphone lang naman ang dala ko, at ilang tissue pamunas sa pawis. Meron din akong gummy bear.

Lumabas na ako ng kwarto. Naabutan kong inaayos ni Luther ang rolex niya nang lingunin ako. Nakasuit siya ng suit pero ang coat ay nasa sofa pa rin, hindi pa nasusuot.

Natigilan pa siya nang makita ako.

“‘Oy, ayos ka lang ba?” Tanong ko dahil natulala siya.

“Huh?” Kumurap-kurap siya. “Y-Yeah.”

“Maganda ba?” Alanganin kong tanong, ngumiti pa ako.

“Sobrang ganda…” tumango siya nang dahan-dahan habang nakatitig sa akin. “Mo…:

Nakaramdam ako nang pag-init ng pisngi ko. Ako ang nagtanong pero bakit parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha? Naiilang ako! Bumilis rin ng tibok ang puso ko.

Shit! Unang beses ‘to nangyari sa buhay ko, ah!

“Uhm… s-salamat…” shit! Nakakahiya! “T-tara na? Teka, tapos ka na ba?”

Tumango siya. “Yeah, let’s go.” Dinampot niya ang coat sa sofa, ako naman dumiretso sa may pinto.

Nga pala, wala pa rin dito ang babies namin. Dapat talaga kukunin na namin kaso gusto ni Karylle na nandoon ang aso namin. Hindi na ako umapila, at saka may binili pa siyang bed nina Ruby.

Magsisimba kami ngayong linggo pero hindi ko alam kung saan pero ang sabi naman ni Luther, sa QC daw. E, hindi ko pa rin alam.

“Saan bang simbahan?” Tanong ko habang nakatingin sa gilid ng salamin.

Nasa kotse na kaming dalawa. Mabuti at hindi traffic! Actually, hindi pa kami nagbe-breakfast. Tanging coffee lang.

“Divine Savior Parish,” sagot niya, nakatingin pala siya sa cellphone.

Napatango ako. “Gutom na ako.”

Nilingon niya ako. “I know you said that, that's why I bought this.” Inabutan niya ako ng isang mcdo na nakalagay sa paper bag. “I told the bodyguards to buy a food at ‘yan lang ang nabili nila.”

“Okay na ‘to, gutom na ako, e.” Binuksan ko na ang paper bag para kunin. Dahan dahan lang ang drive niya kahit wala namanh sasakyan. “Ang bagal mo magdrive,” puna ko.

“Baka kasi mahulog ang kinakain mo kapag binilisan ko mag-drive.”

Napatango na lang ako. “Gusto mo kumain?”

“That’s yours, Cia.”

“Ayos lang, hati tayo dito.” Marami kaya ang pagkain na ‘to kaya hindi ko mauubos.

“Subuan mo ‘ko ulit.”

Napakamot ako sa noo bago gawin ang sinasabi niya. Sinubuan ko na lang siya dahil ayoko naman na magutom siya at isa pa coffee lang ang breakfast niya.

Nang matapos kami kumain tinabi ko na ang pinagkainan namin. Kinuha ko ang mint sa bibig para kumuha ng isa, binigyan ko rin siya bago itabi.

Nang makarating kami sa buong lugar, naghanap na agad siya ng parking. Nagtaka pa ako dahil mga naka suit silang lahat, iyong iba ang ganda ng ayos at may hawak na bulaklak.

“Let’s go,” nilahad niya ang kamay kaya hinawakan ko siya.

Sabay kaming naglakad. Napapatingin pa ang iba sa akin at sa ayos ko.

Pumasok na kaming dalawa sa loob ng simbahan. Halos mapanganga ako dahil ang ganda ng ayos sa loob at puro bulaklak at may red carpet pa.

“Luther!”

Dalawa kaming lumingon ni Luther kahit siya lang ang tinatawag. Bumitaw ako nang makita si Eloisa.

Anong ginagawa nito dito?

“Hijo! You’re here, nice to meet you again! Long time no see, huh?” sambit ng babae na naka-puting dress, matangkad ito at halata ang pagiging maganda.

Nandito na silang lahat kung nasaan kaming dalawa. Pamilya 'to ni Eloisa… awit ang gaganda ng lahi nila.

“Long time no see, Mrs. Furrer,” bati ni Luther na ikinahalakhak ng mommy ni Eloisa.

“Come on, Luther! Drop the Mrs. Furrer, call me Tita Hera,” sabi ni Mrs. Furrer. “Nothing changed, bagay pa rin kayo ng anak ko.”

“Mommy naman… nakakahiya…” sambit ni Eloisa.

Gusto kong umirap. Nakakahiya pero gustong gusto naman.

Ang layo ng agwat ko kay Luther habang kausap niya ‘yong pamilya ni Eloisa kaso halatang napipilitan lang siya.

Nandoon silang lahat na nakaupo sa harap. Kasama kasi nila si Eloisa at ang pamilya niya. Halos i-ship silang dalawa at mahahalata naman na gustong-gusto ni Eloisa ang gano'n.

Nakita kong pilit na pinapahawak kay Luther ang kamay ni Eloisa.

Siguro legal si Luther sa pamilya ni Eloisa. Grabe, e, tuwang tuwa na nandito siya.

Ako naman, nasa dulo sa hulihan… malayo sa kanila. Nakaka-OP kasi tapos halata pa na hindi nila ako gustong kasama kaya ako na nag-adjust. I mean, iyong pamilya lang ni Eloisa.

Ako na ‘yong lumayo kahit sabi ni Luther do’n lang ako sa tabi niya. Pero umalis pa rin ako, nakaka-OP kasi talaga!

May family na nakaupo sa tabi ko.

Diretso lang ang tingin ko sa harap habang tahimik na nakaupo. Napatingin ako nang may batang baby na lumapit sa akin.

Mga nasa 2 years old siguro ‘to.

“Hi…” ngumiti siya at kumaway.

Ang cute naman nito. Ang puti niya tapos namumula-mula pa ang cheeks, chubby cheeks pa. Kulot din ang buhok tapos may clip siya sa magkabilang gilid ng buhok niya.

“Hello,” ngumiti ako.

Lumapit siya sa akin at nag-angat ng dalawang kamay. Binuhat ko siya at inupo sa lap ko.

“Nasaan mommy mo?” Tanong ko.

May tinuro siya sa likod kaya lumingon ako. Muntik na akong mapamura nang bigatin na tao ang nakita ko. Mga Mayor 'to, ha! May Artista rin!

Hala! Anong meron? Jusko!

Binalik ko ang tingin kay little girl. “Ano naman name mo?”

“Iya,” she giggled.

“Ako naman si Ciara,” ngumiti ako. “Nga pala… may gummy bear ako. Gusto mo?”

"O-Opo…" medyo nauutal siya.

“Sige,” kinuha ko clutch bag ko.

Binigyan ko siya ng gummy bear. Natuwa naman siya at pinakita sa akin ang dalawang gummy bear sa kamay. Kinain niya ‘yong isa saka ngumiti.

Hinaplos ko ang buhok niya at kiniss sa cheeks. Sana may kapatid akong ganito! Ang cute! Ang sarap kagatin kaso baka umiyak.

“Iya, mommy is looking for you,” pamilyar ang boses na ‘yon, ha.

Lumingon ako at bahagya pang nagulat.

“George, anong ginagawa mo dito?” Gulat kong tanong.

“Ano bang ginagawa sa simbahan? ‘Di ba nagsisimba?” Binaba niya ang tingin kay Iya. “Let's go, Iya.”

“Hala, magkapatid kayo?”

“Hindi, mag-pinsan kami,” hindi ko alam kung namimilosopo ba siya o ano.

“Ikaw ang pilosopo mo, nasa harap ka ng diyos,” tinuro ko ang krus sa harap naming dalawa.

Natawa naman siya. "We are siblings, Iya is my youngest sister," binuhat niya ang kapatid niya. “This is Ianna, Iya for short.” Pinakilala niya ang kapatid niya. “Anyway, why are you here? Invited ka ba dito?”

“Ha?”

Invited saan?

“This is a wedding. Church wedding of Slade’s father and his step-mother.”

Ano?!

“Gag—.” Tinuro niya ang krus sa harap nang balak ko magmura.

“Nasa harap ka ng diyos,” aniya, nakaturo pa rin sa krus.

Napairap ako. “Kasama ko si Luther, nandoon lang siya sa family ni Eloisa kaya dito na lang muna ako.”

“Magkasama kayong dalawa?”

Tumango ako at sakto namang dumating si Luther na ang paningin ay na kay George.

“Lila, let's go,” hawak ako sa kamay ni Luther nang hinila niya ako palabas ng simbahan.

Nginitian ko na lang si George at kumaway kay Iya.

Bumalik ang sinabi ni George sa isip ko.

“Luther, kasal pala ‘to,” mahinang bulong ko. “Ba’t ‘di mo sinasabi sa akin?”

Nilingon niya ako. “I forgot it’s a wedding, nalaman ko lang kay mommy kanina kaya pala sabi niya, I must wear suit,” inayos niya ang bangs ko bago magsalita ulit. “Ayaw mo n’on? Partner kita sa entrance mamaya?”

Tumigil kami sa paglalakad

“Hindi ako invited.”

Tumingin ako sa harap ng simbahan at nandito pala ang parents niya. Ang ganda ng ayos ni Tita Gretchen!

“It’s fine,” ngiti niya bago ako hilahin lalo.

Nakakahiya! Hindi naman ako kasama sa kasal, e.

“Cia!” Tawag ng mommy niya nang makita ako pati mga bisita lumingon sa akin.

Nakakahiya lahat sila nakatingin sa akin.

Si Tita na mismo ang lumapit sa akin.

Hindi pa ako nakakapagsalita, hinagkan na ako ng yakap ni Tita Gretchen. Iyong yakap ni Tita parang isang taon kaming hindi nagkita, e, kakakita lang namin kahapon.

“Hello po,” bati ko at niyakap siya pabalik. “Ganda niyo po, naiinlove po sa inyo si Tito Vazer.” Nakita kong natawa si Luther sa sinabi ko.

Bumitaw si Tita Gretchen. “Ciara, ha…” nakatingin siya sa akin at napailing.

Natawa ako. “Biro lang po pero ang ganda niyo po. Siguro ampon niyo po ito,” tinuro ko si Luther. “Pangit, e.”

Mahinang natawa si Tita, hindi naman maitimpla ang mukha ni Luther.

“Nanlalait ka, ha. Nasa harap ka ng Diyos,” si Luther

Pinigilan ko ang matawa.

Hinila ako ni Tita Gretchen habang hila ko rin ang anak niya. Bali hila-hila namin ang isa't isa.

“Who is she?" Tanong ng lalaki sa tabi ni Tito Vazer, ka-edad 'yon ni Tito, may sigarilyo rin na hawak ang lalaki.

“My son's girlfriend," si Tito Vazer ang sumagot.

Uy, hindi ako girlfriend ni Luther. Si Tito Vazer, issue masyado.

“Uhm, hin—.”

“Is that true?” sabi ng mommy ni Eloisa, nakatingin ito kay Luther. "Zander."

Sumenyas ako na hindi dahil hindi naman talaga. Wala po kaming label ni Luther.

“Yeah, it’s true,” sabi Kalla.

Hala ka! Hindi kami ng Kuya mo! Jusko! Wala kaming dalawa na label o relasyon.

“Wow, you’re pretty,” sambit ng babae na ka-edad lang ni Tita Gretchen. “By the way, I am Charlotta, Tita ni Luther. You are so pretty, darling. Bagay kayo ng pamangkin ko.” tukoy niya kay Luther.

Nilingon ko naman si Luther at parang natutuwa pa sa sinasabi ng Tita niya. Napilitan akong ngumiti. Gusto kong sabihin na hindi kami mag-in a relationship kaso hindi ako makasingit sa pagsasalita.

Panay ang compliment nila sa akin, maging iyong ibang pamilya nina Luther! Kumpleto na nga yata silang lahat dito, e.

"Welcome to the family, Ciara!”

Ay, put—welcome to the family raw, e, hindi naman kaming dalawa!

Gago, hindi ako girlfriend ni Luther!

Hindi ako maka-react dahil sa mga sinasabi nila. Siguro kung hindi tinawag ang mga bridesmaid and mensgroom hindi sila titigil, hays, ‘buti na lang!

Umayos ako ng tayo habang sinusundan sila ng tingin, papunta sa entrance ng simbahan.

Sa totoo lang… hindi ko alam kung kailangan ko bang itanong ‘to kay Luther. Naka-move on na kaya siya kay Eloisa? Kung hindi pa man siya nakaka-move on pero bakit grabe siya sa ginagawa minsan? Ano ‘yon? Parang ginagamit niya ako para makalimot siya kay Eloisa?

“Are you okay?”

Napalingon ako kay Luther na nasa tabi ko pa rin pala. “Ah, oo,” tango ko. “May iniisip lang ako.”

“What is it?”

Nagtagal bago ako sumagot.

“Kaya mo bang mag-move on nang hindi gumagamit ng tao? May gano’n ‘di ba? Iyong gumagamit sila ng tao para makalimot… uh, ginagawa mo ba ‘yon ngayon? I mean, gumagamit ka ng tao para makalimot. Hindi ba first love mo si Eloisa?” Kung saan-saan napupunta ang sinasabi ko.

Tumingin siya sa akin. “Ciara, if you’re thinking that I was using you, it’s not. I'm not using you for moving on. Hindi ko gawain 'yon, I'm not using anyone just to forget the person. If I did that then why are you here? If I did that… matagal na sana but it didn't happen."

Hindi ako sumagot.

"I know myself, Cia. I can't use a person just to move on because I know… if I did that, may kapalit na mangyayari. I will just fall for that person lalo na kung ikaw ang taong 'yon," tinitigan niya ako.

Ano 'yon? Naka-move on nga siya… nahulog naman siya sa akin. Wow naman.

“About the first love thing… She's not my first love. I saw my first love when I was a kid,” natawa siya. “It was a love at first sight.”

“Corny mo, ah,” natawa ako bigla.

“It’s true, I’m not kidding. I saw her at the Keukenhof Tulip Gardens. It was the botanical garden in Lisse, Netherlands. That’s the first time my family and I went to the Netherlands. Then this girl suddenly picked a pink tulip kahit na bawal,” sambit niya. “I didn’t know her name, ang sungit kasi.”

“Nahuli ba ‘yong bata?” I asked.

Umiling siya. “No, sa akin niya kasi binigay ‘yong tulip kaya ako ‘yong inakala na pumitas. Napagalitan pa ako ni Mommy, si Dad nakipag-areglo do’n sa mga nagbabantay.”

Natawa ako bigla.

“Then I saw her at the airport again before we went back to the Philippines, and that’s the last thing I remembered.”

Awit naman ‘yon! Ang epic! Gago!

Natatawa pa rin ako habang naglalakad kami papunta sa entrance kaso bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan kaya humiwalay at nagpaalam muna ako kay Luther.

Madali ko lang nakita ‘yong restroom kaya pumasok na ako. Nang matapos, lumabas na rin ako para sumusunod kina Luther.

“Uy, Ciara!”

Sino na naman kaya ang tumawag sa akin?

Lumingon ako at nakita ko si Slade na lumalapit sa akin. “Nandito ka pala, halika bilis!” hindi pa ako nakakasalita, hinila na niya agad ako.

Hila niya ako habang papunta sa isang puting sasakyan. Nandoon rin sina Cole sa harap ng pinto ng kotse.

Napalingon sila sa akin.

“Nandito pala si Ciara.”

Umalis silang lahat nang tumigil kami sa harap ng pinto ng kotse. Bumungad doon ang babaeng naka-weddibg gown, ang ganda niya! May pa crown sa ibabaw ng buhok niya.

“Ma, si Cia, nga pala,” parang gago si Slade. “Mama ko, I mean not by blood pero Mama ko siya.”

“Huh? Ampon ka?” tanong ko na ikinatawa niya.

“Hindi, stepmom ko siya. Hindi ko siya mama by blood pero by heart, oo.”

Okay, gets ko na..

“Kaibigang babae namin si Cia, Tita,” inakbayan ako ni Cole. “Ganda ‘no?”

Natawa ‘yong mama ni Slade. “She is,” tango niya. “I am Tita Sapphire, nice to meet you.”

“Nice to meet you rin po,” ngumiti ako.

Ang ganda naman niya sobra. Hays, siguro ang ganda niya noong kabataan? Grabe ang ganda, e.

“Let’s go, Ma. Mag-start na daw,” sulpot ng isang babae.

Tumango naman si Tita Sapphire. Inayos niya ang sarili. Sinara na ni Slade ang pinto matapos humalik sa pisngi ng stepmom niya.

“Nandoon na si Dad, hinihintay ka,” sabi ng babaeng sumulpot. “Ako na bahala kay Mama.”

“Sige,” tango ni Slade. “Tara, do’n na tayo.”

Pumunta naman kami sa entrance. Nandoon na ang lahat ng abay. Nagpaalam ako na uupo na lang muna dahil hindi naman ako kasali sa mga bridesmaid.

Kasama na nila si Luther nang iwan ko. Nakita ako ni Tita Gretchen kaya tinawag niya ako. Silang dalawa ni Tito Vazer ang magkasama.

“Sit here,” sambit ni Tita.

“Salamat po,” naupo ako sa tabi ni Tita.

Nakita ko na lalo ang ganda ng lugar. Halatang pinaghandaan sa sobrang ganda. Sumandal ako habang pinapanood ang iba.

Siniko ako ni Tita at itinuro ang cameraman na tumigil sa harap ko  Ngumiti ako sa camera bago i-click ng cameraman. Next picture ay kasama ko na sina Tita at Tito.

Umalis na rin siya agad para kuhaan ang iba ng larawan.

“Kulang tayo ng isang bridesmaid! Hindi makakadalo si Mr. Alfonso and his family. Na-cancel ang flight nila due to bad weather. Isa sa bridesmaid ang anak niyang dalaga.”

Bridesmaid pala si Karylle at Kalla, and one of groomsmen si Luther. Madalas akong maging ganito sa France pero ‘yong kasal do’n matagal, e.

“Miss. Ciara, right?”

Nagulat ako nang lapitan ako ng wedding organizer. Nag-angat ako ng tingin.

Tumango ako. “Opo.”

Napangiti siya. “Ikaw ang suggest ng bride at groom pati na rin ang mga lalaking 'yon,” tinuro niya ang entrance kung nasaan sina Luther. “Na pumalit bilang bridesmaid.”

Sina Luther, Lawrence, Luke, George, Slade, Miguel, Nigel, Nathan, at Logan ang nakita ko sa tinuro niya. Nandoon sila sa labas para sa entrance, ang pogi nilang lahat.

"Nakakahiya po, hindi naman po nila ako kilala, e."

Natawa ang wedding organizer. "Kilala ka nila, Miss. Ciara. Suggest na rin ‘yon ni Miss. Sapphire. Wala kasing partner iyong anak ni Mr. De Villareal," aniya. "Hindi mo na rin kailangan mag-ayos, look at you. You are stunning in your white fairy off-shoulder maxi dress."

“Come on, hija. Ang pangit naman kung walang partner ang anak ko?”

Tumayo na lang ako kaya natuwa naman ang wedding organizer. Binigyan niya ako ng bulaklak bago kami maglakad palabas nh simbahan.

“Nuxs, ang ganda mo!” Natawa si Miguel. “Hindi na nakakaawa si Luther.”

“Muntik na siyang umiyak dahil walang partner,” ani Nigel.

“Kaartehan lang ‘yan,” sambit ni Luke.

Kita ko ang pag-irap ni Luther bago ako lapitan.

Napailing na lang ako. Sakto namang naghanda na anh wedding organizer. Nagsimula nang pumasok ang lahat, una ay si Tito Archen sunod ay si Slade.

Pang huli pa kami ni Luther. Naglahad siya ng kamay nang kami na ang sunod. Nakakahiya… holding hands pa naman kaming dalawa nang maglakad kami.

Nakatingin ang lahat sa akin, oo, sa akin lang! Nakakailang tuloy.

Napangiti si Tita Gretchen nang makita kami.

Wala pang balak si Luther na humiwalay kung hindi ko lang inalis ang kamay niya, e.

Sabi ng babae doon daw ako sa bridesmaid dumiretso kaya ginawa ko na lang. Nakakahiya, hindi ko sila kilala.

Nakatayo ang lahat habang pinapanood ang bride na pumasok. Nakita kong si Slade at iyong babae kanina ang naghatid kay Tita Sapphire sa altar. Kita ang saya sa mata niya habang hawak ang kamay ng anak.

Ngumiti si Tito sa kanila nang makarating sa harap.

Napatingin ako sa kabila nang makitang hindi nakatingin sina si George, Luther, at Lawrence sa bride, kundi sa akin! Titig na titig amp.

Anong meron?

Nginitian ko silang tatlo at parang napatigil pa sila.

Humarap na ako sa altar nang magsalita ang pari.

“Anong meron?” Tanong ko sa babaeng katabi ko. “Bakit may mga camera?”

“Senator si Tito Archen kaya may media, then ipapalabas sa national TV,” ngumiti ang babae sa akin.

Bigla naman akong kinabahan. Shit, may media daw! Bakit naman may media pa? Jusko naman!

Halos iiwas ko na ang mukha ko sa kahit anong anggulo ng camera para lang hindi makuhaan dahil mahirap na! Makikita ako! Malay mo mapanood ‘yan ng Mama ko?! Lagot ako!

Ang saya manood ng seremonya ng kasal kaso may napapansin lang ako. Ang dami yatang bodyguards, ha?

Umabot ng mahigit isang oras ang kasal. Ang ganda ng vows nila. At saka, totoo pala na stepmom lang ni Slade si Tita Sapphire. And iyong real mom ni Slade, namatay na due to sickness.

"You may now kiss the bride," sambit ni father kaya nagpalakpakan ang mga tao kasabay ng pagtayo.

"Sana may baby sister ako!" Sigaw ni Slade, nakita kong hinampas siya ng ng babae kanina, tawa-tawa naman siyang pumalakpak.

Pumalakpak na lang rin ako.

At syempre, sa kasalan hindi mawawala ang picture kaya ayan, nagpipicture sila sa harap. Habang ako nilapitan ng kapatid ni George.

Pahingi daw gummy bear kaya binigyan ko.

“Ciara, anak mo?”

Napalingon ako at nandito na pala silang lahat. Sina Cole nandito na.

“Uy, hindi, ah, kapatid ‘to ni George.” Wala nga akong boyfriend, e.

Natawa naman siya.

Napatingin ako sa harap at gano’n pa rin sila. Mga naupo sina Luther sa tabi ko nang tawagin ni Slade ang cameraman.

“Kuya, gusto namin maganda, ah? Kahit kami na ‘yong blurred, ‘wag lang si Ciara.” paalala ni Nathan.

“Ang daming arte,” sambit ko.

“We just want a perfect picture,” sambit ni Luke.

Sumang-ayon ang lahat sa kaniya.

“Sige po, ngiti na po tayo.” nagbilang ang cameraman bago kami masilaw sa flash.

Maraming picture ang nangyari dahil gusto daw nila ng picture kasama ako! Ang lakas ng tama.

Continue Reading

You'll Also Like

496K 13.3K 62
We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥
26.6K 665 43
Ekaanta Amora Flores, Ang babaeng tahimik at parang hindi nage-exist sa school. Walang mga kaibigan. A girl who loves being alone, she doesn't care i...
62.5K 1.3K 24
Snow Peralta, isang introvert girl na inudyukan ng kanyang kaibigan. Kung saan kailangan niyang i-cheer ang 'Ace' ng kanilang basketball team. Bagama...
203K 13.2K 16
Harper Esmeralda Gazellian