My CHATMATE, My SOULMATE (boy...

By JAYtheKing

34.3K 967 149

Paano kung ang trip ng isang straight boy ay nauwi sa seryosohan? Paano kung umibig siya sa isang discreet ga... More

Introduction
Chapter 1 - Names and Interest
Chapter 3 - Chat
Chapter 4 - Bench
Chapter 5 - Good News
Chapter 6 - The List and his OOTD
Chapter 7 - Accident
Chapter 8 - Hi's
Chapter 9 - Heartbeat
Chapter 10 - First Day
Chapter 11 - Party
Chapter 12 - The Car Accident ^^
Chapter 13 - CarlTian: Part 1
Chapter 14 - CarlTian: Part 2
Chapter 15 - Considered: First Date
Chapter 16 - Their First Text Thread
Chapter 17 - Lipat Bahay
Chapter 18 - Ang Pagtatapat ^^
Chapter 19 - Undercover
Chapter 21 -Papatunayan Ko
Chapter 22 - The Other Admirer
Not An Update But An Announcement

Chapter 2 - Turmoil Building

2.4K 60 14
By JAYtheKing

Sean POV

                "Hoy! Gising na!!" panggising na tawag sa akin ni Mama

                "Mmmm! Ma inaantok pa ako ee"

                "Anong inaantok pa?! Hindi ba may pupuntahan ka ngayon?? Nandyan na yung kasama mo!"

                At sa sinabing yun ni Mama biglang nagising ang inaantok kong ulirat at napabangon agad-agad. Oo nga pala nu? May lakad kami ngayon ng bestfriend ko, mag aaply kami biglang radio dj's sa isang station ng radio dito sa dagupan.

                "Nandyan na Nay, babangon na po!"

                "Mabuti pa nga kasi kanina pa naghihintay dito si Carlo" sabi ni Mama habang palabas ako ng kwarto.

                Paglabas ko sa kwarto. Nakita ko kaagad si Carlo, siyang ang childhood bestfriend ko at mula elementary hanggang college magkaklase kami (Yep! Solid na solid kami hahaha). Kung itatanong niyo kung Gay din ba si Carlo, abay tama kayo hehe parang kagaya ko rin bihis lalaki magdamit at hindi masyadong showy. Alam ko na ang nasa utak niyo e haha kung may nagging nakaraan ba kami pero wala pure bestfriends magkapatid ganun lang. Kahit na minsan napagkakamalan kami na magsyota kasi wagas siya kung maka akbay, maka hawak sa beywang ko at higit sa lahat palagi niya akong niyayakap tuwing magkikita kami. Cute si Carlo, gustuhin talaga ng parehong babae at lalaki, at take note marami natong napaiyak both females at male's hehehe. Mabait, makulit at malambing na kaibigan si Carlo, halos lahat ng problema nandyan siya para sa akin handang tumulong at siyempre ganun din ako sa kanya.

"Best!! Namiss kita best best ko, antukin ka tlaga best haha" pagbati ni Carlo, sabay yakap sa akin

"Best naman e, alam mo namang mahal ko ang kama ko e"

"Mmmm sinong mas mahal mo sa amin ng kama mo?" pacute na tanong ng bestfirend ko sa akin at take note nakayakap parin siya sa akin

"Pag iisipan ko lang ha?" Bumitaw siya sa pagkakayakap at tumingin siya sa akin ng mabuti habang ako ay nagkukunwaring nag iisip ng mabuti

"Mmmm wait lang ha? Ang hirap e" hirit ko pa

"Best nman eee please please ako piliin mo" at binigay niya sa akin yung pinakamaganda niyang puppy eyes at mas lalo pang naging cute ang bestfriend ko. Tumingin ako sa kanya sa mata medyo titingala ngalang ako kasi mas matangkad siya kesa sakin. 5'8" siya ako naman 5'5" (Authors Note: Hindi ko alam yung sign ng feet at inches hahaha I might be wrong pagpasensyahan niyo na po ).

"Ito na ang aking desisyon ang pinipili ay ............. *evil laugh* siyempre IKAW  best"

"Yehey!" at niyakap nanaman niya ako. Minsan talaga para ko siyang nakakabatang kapatid sa mga cute niyang galaw hahaha pero Im glad na siya ang bestfriend ko.

"Hehehe bitiwan mo na ako best nang makapaghanda na ako at makaalis na tayo"

"Sige sige best hintay kita dito nood muna ako tv" pangiting sabi nya sa akin

"Hahahala sige iswitch mo na yang tv" at pumunta na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay kumain na ako at nagtoothbrush at ready na ako. Pumunta na ako ng sala at naabutan ko siya na nanunuod parin.

"Best punta na tayo, halika na"

Lumingon siya akin at sabing

"Ano best? Halikan na? grabe ka Best sabi ko na nga ba e, may pagnanasa ka sa Best friend mo e"

At hindi ko pala nabanggit sa inyo, may pagkamalandi at mahangin itong bestfriend ko. At sa tuwing ginagawa niya ito, hindi tlaga ako makakilos at para bang nababato ako sa isang lugar, hindi kasi ako sanay na nilalandi o kung ano mang tawag sa ginagawa niya ngayon, oo malimit nyang ginagawa at dapat nasanay na ako pero hinding hindi tlaga ako masasanay at promise yan.

"Sabagay, hindi kita masisisi best tignan mo naming tong bestfriend mo pogi na yummy pa" sabi niya habang papalapit at papalapit siya sa akin.

Hindi talaga ako makakilos at kahit anong gawin ko naiirita talaga ako. Kaya imbes na tignan ko siya ay ipinikit ko nalang tong mga mata ko nang hindi ko siya Makita. Don't get me wrong ha? Wala akong pagnanasa sa bestfriend ko hindi lang talaga ako sanay na nilalandi.

Mga ilang saglit lang narinig ko siyang tumawa at palakas ito ng palakas. Ay! Bwesit talaga to, pinagtritripan na naman niya ako!! Kaya binuka ko ang mga mata ko at nakita ko siyang halos gumulong na sa sahig sa sobrang kakatawa.

"Alam mo talaga best! Kung hindi lang kita mahal hayyy nako! Kanina ka pa kitang inupakan dyan e!!!"

"Eee ikaw kasi best eee ang sarap mong pagtripan nakakatawa ka talaga e tsaka hindi mo ko mauupakan kasi hindi ka marunong sumuntok" sabi niya sa akin at tumatawa parin ang mokong.

Kaya kahit na nakabihis na ako sinugod ko siya, natumba siya at sinuntok suntok ko braso niya kahit na ang pagsuntok ko ay parang nagmamartilyo ng pako. Mga ilang suntok pa ay nahawakan na niya mga kamay ko dahilan para hindi na ako masuntok. Inihiga niya ako sahig at nasa ibabaw ko na siya ngayon.

"Best wala ka talaga dali mong matalo at siyempre mapikon hahaha pikunin ka talaga best"

"Eee best naman e dba sabi ko sayo hindi ako sanay na nilalandi, hinding hindi ako makakakilos at inaasar mo pa ako" sabi ko sa kanya at binigay ko yung hindi hindi niya mareresists na puppy eyes ko at sabay kagat sa labi ko

"Wag mong gagawin yan best! Hinding hindi ako titingin"

"Huhuhuhu pakawalan mo na ako best" pekeng iyak ko

                At got him tumingin siya sa akin, everytime kasi na ginagawa ko to hindi niya ako mareresists at hindi pa ako nagmimintis hahaha ito ang alas ko sa kanya everytime na kokontra siya sa akin hehehe

                "Argghh! Nakakainis ka best bat kasi ang cute cute mo eee"       

At binitawan niya ako at niyakap na lang niya ako kasi wala na siyang magagawa kundi yun hahaha dahil nasa ilalim siya ng aking kapangyarihan lol hindi po yan totoo hahaha exaggeration lang

 "Ehem! Ehem! Ehem!"

Tumingin kami sa pinanggalingan ng boses at nakita namin si Mama at tumayo kami agad agad.

"Ano ginagawa niyong dalawa? Aber?"

"............" wala kaming maisagpt sa sobrang kahihiyan

"Akala ko ba pupunta na kayo? Bat naghaharutan kayo? At dito pa talaga kayo sa sala ko ha?"

"Ee Ma, naglalaro lang naman kami e"

"Naglalaro ha? Ganyan ba maglaro ang mga kabataan ngayon? Nung panahon naming walang ganyan ganyan, diba sabi ko sayo Sean Vincent Del Rosario na kung maglalandi ka wag dito sa bahay?" Yep! Alam ni Mama na Gay ako at okay lang sa kanya. Nung sinabi ko nga kay Mama na Gay ako e super tense ako na baka palayasin niya ako at disown niya ako bilang anak niya pero laking gulat ko sa naging reaction niya dahil tuwang tuwa siya at hindi siya naggalit sa akin  sa kadahilanang alam na niya noon pa at gusting gusto niya ng anak na babae hahaha pero ayokong maging Barbie doll niya nu.


Author's Real Talk and Advice: Sa mga hindi pa out of the closet o mga hindi pa naglaladlad (in other term) na mga aminadong member ng LGBT Community (kagaya ko), I know mahirap talagang magtago ng tunay na pagkatao kasi natatakot kang mahusgahan at madiskrimina ng ibang tao at lalong lalo na kung ang panggagalingan ng mga humiliation nato ay galling sa ating mga sariling pamilya. You know what? Ang maipapayo ko sayo? Just prepare for the worst scenario! :D you have to be ready kung sakaling napagdesisyonan na munang sabihin sa pamilya mo ang tunay na ikaw. Mag-aral ka, at pag natapos mo na ang pag aaral mo, magtrabaho ka work work werq hard ng makaipon ka. At least kung dinis-own ka ng pamilya mo, may mapagkukunan ka ng pangkabuhayan mo diba? Im not trying to be pessimistic about that, Im just trying to be more realistic and I want you to be ready kasi you'll never know what will happen. Iba iba kasi ng pagtanggap sa balitang ganyan ang mga magulang, may mga magulang na magugulat pero matatanggap agad, merun ding yung mga magulang na magugulat pero hindi agad agad matatanggap and they need time pero matatanggap ka nila. Ang tandaan lang natin, walang magulang na matitiis ang kanilang anak dahil ang mga magulang mahal nila tayong mga anak nila :) Just be Positive, Amiga! Be strong! Kaya mo yan :) Aja!


"Ma naman ee"

"Sinasabi ko lang Nak, sige na Humayo na kayo ..........."

"Oo Mama pupunta na, wag mo lang itutuloy yan"

"Sige po Tita" paalam ni Carlo kay Mama

At nang malapit na kami ni Carlo sa gate, sumigaw si Mama

"At wag maglandi!"

Haayyyy! Si Mama talaga oh! At tawa ng tawa lang si Carlo Hayyys! Dapat sila ang mag ina e!.

Pagkaraan ng ilang minutong pagbyahe ay nakarating narin kami ni Carlo sa Radio Station na pag aapplyan namin.

"Best, ito na galingan nating dalawa para tayog dalawa ang makuha!" masiglang sabi ni Carlo sa akin.

"Oo naman best nu! Dapat tayong dalawa ang makuha!" tugon ko sa kanya at sabay ngiti.

"Best dasal muna tayo bago tayo pumasok, ikaw na mag lead Best" sabi niya sa akin.

"Mmm sige sige, pikit mata. In the Name Of the Father, Of the Son and Of the Holy Spirit, Amen. Lord ibless niyo po kaming dalawa at maibigay po namin ang best namin. Bigyan niyo po kaming dalawa ng talino upang makapag isip ng mabilis sa mga jokes at phrases na sasabihin naming. Bahala na po kayo sa amin Lord, kung sa amin ang trabaho ito ay sa amin po talaga mapupunta ito. Kung hindi naman po ay alam ko pong may iba kayong plano para sa amin. Ang lahat ng ito ay dinadalangin naming, In the Name Of the Father, Of the Son and Of the Holy Spirit, Amen"

"Amen"

Pagkatapos na aming munting panalangin ay gumaan talaga ang loob ko kasi alam ko kasama  namin si Lord sa pag-aapply namin.

"Halika na pasok na tayo!" tawag sa akin ni Carlo na nasa entrance na pala ng building.

"Oo, nandyan na ako!" Huminga ako ng malalim at ngumiti ng may napansin akong lalaking nakatingin sa akin ngunit hindi ko na masyadong pinansin dahil may radio dj spot pa na naghihintay sa amin ng bestfriend. Humabol ako kay Carlo at sabay kaming pumasok sa Building na buo ang loob.


—————————————————————————————————————————————————————-


Mark POV

                Papasok na ako sa trabaho ng may nakita akong lalaki na nakaagaw ng akin ng pansin, nasa 19-21 siguro ang edad niya. May kakaiba sa kanya at sigurado ako doon merun siyang katangian na hindi ko maipaliwanag at wala akong choice kundi titigan siya. At masasabi kong cute siya, nasa 5'5" ang height niya at kung lalapitan ko siya ay siguradong titingalain niya ako 6 feet kong height. Lalapitan ko sana siya pero may biglang tumawag sa kanya sa entrance ng building kong saan ako nagtratrabaho.

                "Halika na pasok na tayo!" yan ang sabi sa kanya ng lalaki.

                "Oo, nandyan na ako!" ang tugon niya sa lalaking nasa entrance gate.

                Ibinaba niya ng unti ang kanyang ulo at pumikit, Huminga siya ng malalim. Itinaas niya ang kanyang ulo at sabay dilat ng kanyang mga mata, Ngumiti siya ng npakaganda. I swear, natigilan ako sa kanya siya na yata ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo. Teka teka, ano ba tong mga sinasabi ko? Straight ako dba? Bat ganyan ang mga sinasabi ko? Mark, Magtigil ka!! Mental na pagkausap ko sa aking sarili pero nakatingin pa rin ako sa kanya. Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya lumingon siya sa akin at nakita ko ang pinakamapungay na pares ng matang nakita ko, parang nakikita niya ang nasa loob ko at bigla akong nanghina dahil sa mga mata niya pero kahit na nanghihina ako tingin niya ay gusto kong lagi lang siya sa akin nakatingin.

Pero mabilis din niyang inalis ang tingin sa akin para ituon ang kanyang pansin sa lalaking naghihintay sa kanya sa entrance at corny na corny pero gusto sa akin lang ang pansin niya! Tumakbo siya papunta sa lalaking nasa entrance at inakbayan siya ng lalaking nasa entrance at sabay na pumasok sa loob. Bat niya inakbayan?! Hindi dapat! Ako dapat ang aakbay sa kanya!!

                "Hoy! Anong tinatayo tayo mo dyan? Ang init init oh! "

                Lumingon ako sa tumatawag sa akin, ang boss ko pala sa Maintenance Department ang nagtatawag sa akin habang pinapark niya ang kanyang kotse.

                "Sir! Wala po"

                "Anong wala? Sa tingin ko kanina ka pa nakatingin dyan sa entrance gate ah" sabi niya habang bumababa sa kanyang kotse

                "Hindi ko po alam sir, nawala lang siguro ako sa isip"

                "Halata nga Mark, halika ka na pasok na tayo ang dami pa tayong  tatapusing trabaho"

                "Sige po sir"

                Ano kaya ang pangalan niya? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, ngayon ko plang naman siya nakita pero bakit ganun na ang naging reaksyon ko sa kanya? Yung gusto ko na syang maging akin. Pero pareho kaming lalaki at sa pagkakaalam ko straight naman ako pero bakit ganito ang nangyayare sa akin.


______________________



What do you think sa tambalang Carlo at Sean? Cute nilang magbestfriend nuh? Tutukan niyo rin ang nalilitong si Mark, ano kaya ang gagawin niya? Paano kaya siya magcocope sa mga bagong nararamdaman niya tungkol kay Sean na hindi pa niya nakikilala? Abangan niyo next week guys :D


And also I want to know your reaction about sa Authors Real Talk and Advice?? Do you agree with me or not? Feel free to comment your reactions and violent reactions if you have :D And I will also add another Real Talk and Advice Next Chapter , so abangan niyo yun :D


Vote and Comment lang guys :D :)


And don't forget to follow me guys :) peace :)


Lovelots Xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
44K 928 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
8.6K 555 22
[ SAALVADERA SERIES # 1 ] Summer Elena Gonzales always believe that romantic love is not for her. As marriage didn't work with her parents and betra...
255K 11.1K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.