The Night in Tierra Fima | CO...

By ferocearcadia

44.3K 864 14

[Warning: R18+] What will happen when a complete stranger got all of your firsts? First touch, first kiss, fi... More

The Night in Tierra Fima
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Wakas

Kabanata 48

364 10 0
By ferocearcadia

Kabanata 48

For Me

We spend the night at my condo. Hindi ako nakatulog samantalang siya ay mahimbing na ang tulog sa tabi ko. Nakayakap pa rin ito sa'kin at tila ayaw na akong pakawalan dahil sa sobrang higpit no'n. Alas dos na ng madaling araw nang tingnan ko ang oras. Ramdam ko na ang gutom ko at ang labis na pag-iingay ng tiyan ko.

I moved a little bit nang sa gano'n ay hindi siya magising. Nang makawala ako sa yakap niya ay mabilis akong umalis roon at diretsong tumungo sa kusina habang nagtitipa ng mensahe para kay Acel.

To Acel Acuzar

AJ, I'm sorry to bother you at this hour. I just want to know how's my daughter doing and if she's safe there.

Nang ma-send ko iyon ay nagsimula na akong maghanda ng iluluto kong pagkain. I decided to cook some pasta at gumawa na lamang ako ng chocolate drink. Saktong matapos ako ay saka ang pagtunog ng cellphone ko dahil sa isang text message.

Acel Acuzar

She's asleep, Rae. Don't worry about her, she's safe here

Bago pa ako makapagtipa ng reply sa kaniya ay may pumasok muling message galing sa kaniya.

Acel Acuzar

Mag-usap kayo nang maayos. Include him with your decision, Rae. My cousin needs you more than you think.

Saglit pa akong nakatitig sa mensahe niyang 'yon bago ko napagdesisyunang huwag na iyon replyan. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Sa totoo lang ay ayoko na talagang magpaapekto sa lahat ng nangyayari. Ayoko nang masira muli ako nito lalo na't hindi naman na talaga dapat kami kasali sa usaping ito. It seems that everyone is still living with the past and in so much misery, they will include everyone who comes in the present. Ngunit sa tuwing naiisip ko na kung hindi dahil sa mga magulang ko ay hindi sila mahihirapan ng ganito. Tito Saldy lost his memories until now, remembering my mom as his wife while his real wife is taking care of him. Tita Criselda is secretly suffering but she couldn't do anything about it dahil alam ko, ramdam ko kung gaano niya kamahal ang asawa niya. Anak ako ng mga taong sumira sa kakayahan nilang magmahal at umintindi, bakit nila ako tatanggapin? Pero ibang usapan na ang tungkol sa anak ko. Hindi ko maaaring mapalagpas iyon.

Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na ito. While I was washing the plate that I used, dinig ko ang malakas na pagkalabog ng kung ano sa 'di kalayuan at maya-maya pa, Levi suddenly appears beside me. Punong-puno ng takot ang mga mata niya nang tingnan ko ito.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

Kumamot ito sa ulo at marahas na nagpakawala ng buntong-hininga.

"I thought you left me," he almost whispered sa namamaos niyang boses.

"Kumain lang ako dahil nagutom ako," simple kong sagot sa kaniya.

Muli itong tumingin sa'kin. Namumungay pa ang mga mata nito habang sinusuyod ang kabuuan ko.

"Kahit umalis ka ay hahanapin kita saan ka man magpunta, Rae," seryoso nitong sambit sa'kin.

Bago pa ako makapagsalita ay tinalikuran na niya ako kaya natawa na lamang ako. He's crazy. I still can't believe how crazy he is towards me. The Levi Emmanuel Acuzar, a young billionaire, and the successor of Acuzar Empire is crazy in love with a woman like me, na mahirap pa sa daga.

Nang matapos akong maghugas ay tumungo na ako sa sala. Nadatnan ko siyang nakaupo roon. Ang dalawang braso niya ay nakapatong sa sandalan ng sofa na parang ipinapahinga niya ito. Nakapikit lamang ito kaya umupo na ako sa tabi niya.

"What are you thinking?" Ako naman ang nagtanong no'n sa kaniya dahil noon pa man, siya na ang laging nagtatanong nito sa'kin.

"You," maikli niyang sagot sa 'kin. I can feel his heavy breathing.

"Aside from me," pangungulit ko at tuluyan nang humilig sa dibdib niya.

Naramdaman ko ang pag-ayos ng upo niya at tuluyan na akong niyakap. He even showered me a kisses kaya napangiti na lamang ako.

"Iniisip ko kung anong gagawin ko sakaling iwanan mo na talaga ako. Hindi naman ako papayag but you know me, Rae, I will always respect you and your decision," marahan niyang sinabi sa'kin.

Kumirot ang dibdib ko nang marinig ko iyon. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakasandal pa rin sa dibdib niya.

"I won't do that anymore," I almost whispered. "Pero sa tuwing naiisip ko na anak ako ng mga taong sumira sa pamilya mo, hindi ko kinakaya, Levi."

He shook his head at that but I continued.

"Na ako ang anak ng mga taong nanakit at patuloy na nananakit sa mga magulang mo—"

"You are innocent. Wala kang kinalaman sa lahat, Rae," he said firmly.

Napapikit ako nang mariin at dinala ang kamay ko sa kaniyang pisngi para damhin ang nakaigting niyang panga. His rough and hard jaw is very opposite with my soft and gentle hands, and yet they fit so perfectly.

He half-heartedly avoided my touch. Suplado niyang iniwasan ang hawak ko dahil sa galit sa mga sinabi ko. Hinabol kong muli ang mukha niya at dinama iyon.

"Nasasaktan at nawawasak ang mama at papa mo hanggang ngayon, Levi, and I couldn't do anything about it. Dinadagdagan ko pa iyon sa tuwing nakikita nila ako. Kung ako man iyon ay mamamatay ako sa sakit."

His grip tightened. I can sense his anger just thinking about what I said.

"I was hurt, too, Rae. Believe me. When mom told me everything about their past ay halos kamuhian ko rin ang mga taong gumawa no'n sa kaniya. You know how I love her so much," he said in his shaking voice.

My eyes widened a bit at that. Alam kong nasaktan siya nang sobra sobra. Pero hindi ko inaasahang sasabihin niya sa'kin ito. Nasanay kasi ako na lagi niyang kinikimkim sa sarili niya ang totoong nararamdaman niya which is very unhealthy for me. He was always strong in front of me. He never gave me a chance to understand his emotions this way.

Nag-iwas siya ng tingin sa'kin na para bang takot siyang malaman ko ang mga kahinaan pa niya.

This is the man I love so much. I can imagine him so broken when he learned about everything. With his mother still suffering up to now and his father lost his will to live!

"I was so angry that I can't look at you that day but I know it was wrong of me to judge you, and I'm so sorry for that. I love you, you're the mother of ny child and I can't think of me loathing you. Never, Rae, never," he said.

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa baywang ko. Hinapit pa niya ako at niyakap nang mahigpit. I hugged him tighter as if my embrace could take all his pain away.

"I can do this as long as you're with me and our daughter so don't worry about me," he whispered.

Huminga ako nang malalim. Nag angat siya ng tingin. The profound grief in his eyes made me decide bravely. His bloodshot eyes remained on me.

How can you love me this hard when I am a living memory of your parents' nightmare?

"I am in love with you, Lumiere. It didn't change a bit and will never be," he said huskily.

I sighed slowly and caressed his hard jaw.

"Baby, you're only for me," he whispered gently.

-

The next morning we both woke up to a series of knocks on the door. Si Levi ang nagbukas ng pinto habang ako ay naghihintay lamang sa kung sino ang bisita ko sa ganitong oras. Maaga masyado.

Maya-maya pa, bumalik si Levi kasama sina Maxim at Jaxon. Nangunot ang noo ko nang makita ko sila.

"We're sorry about what happened yesterday at Casa de Acuzar," panimula ni Maxim.

I smiled for assurance then I shook my head.

"Naiintindihan ko iyon," ani ko.

Naiisip ko na kung ano ang maaaring dahilan kung bakit sila narito. Baka ipinapasundo na ng mom niya si Levi at hinding-hindi na pababalikin dito.

Nakita ko ang pagsulyap sa'kin ni Jaxon bago magsalita.

"You're called at home," anito kay Levi.

Tumango ako sa aking sarili. Sabi ko na nga ba.

"I will be home but not today. May mga gagawin pa ako," malamig na sagot sa kaniya ni Levi.

"Just a quick visit, Lev," dagdag pa ni Jaxon.

Levi sighed, I can feel his disapproval.

"Uncle's memory is back and he's worried about you. At least assure them, Levi," Maxim nudged.

Hinawakan ko ang braso ni Levi upang mabaling ang atensyon niya sa'kin. Tumingin siya sa'kin. Napansin ko rin ang pagbaling sa'kin nila Maxim at Jaxon.

"Maxim is right. Ako na lang ang susundo kay Ria. Go home, Levi."

"And I mean you two," agap ni Maxim nang marinig niya ang sinabi ko.

Bumaling ang tingin ko sa kanila. She looked at me with pure assurance and kindness in her eyes. She tried to give me a smile kaya ginantihan ko iyon. Alam kong pinapagaan lang nila ang loob ko kaya alam ko ring hindi maganda kapag pinagbigyan ko iyon.

"Ayos lang na si Levi ang pumunta. I'll just wait for him here," I said to her.

"No, you're invited, too," Jaxon said, looking at me.

Saglit akong nagulat sa sinabi nito. Hindi ko alam kung sino ang nag imbita sa'kin pero kung sino man iyon, nasisiraan na siya ng bait. Masama ang epekto ko kay Tita Criselda at Tito Saldy kaya hindi maaari.

"Thank you but I can't. Ayoko nang magkagulo pa ang lahat. Levi can go with you. Dito na lang ako," nag-aalangan kong sinabi sa kanila.

Hinila ako ni Levi. His hand snaked on my waist at mariin akong hinalikan sa sentido.

"You can come with me to our house. I won't stay long," bulong nito sa'kin.

"Paano? Sa sasakyan na lang ako maghihintay? Ayos lang naman," bulong ko sa kaniya.

"Levi, si Tita Criselda ang nagpapapunta sa inyo," agap ni Maxim kaya mabilis ang baling ko sa kaniya.

Kinabahan ako bigla. Nagsimula na namang tumakbo ang sari-saring bagay sa isip ko at isa na roon ang pagtanggap sa'kin ng mga magulang niya ngunit kalabisan na iyon. Ayoko mang umasa pero ramdam ko sa puso ko ang bagay na 'yon.

Nabaling ang tingin ko kay Levi nang magpaalam ito saglit sa mga pinsan niya. Magaan na ang awra nito habang tinititigan ako.

This is my Levi Emmanuel Acuzar. He is mine and only mine. I will have his happiness and successes, and right now, I will have and embrace his pain and sorrow. I promise to love him, all of him, until the last drop of me. I would hurt and bleed for him just so he would feel fine for a few moments. I would gladly break myself just to make him happy.


Continue Reading

You'll Also Like

45K 1.4K 25
"Ako ang lumaban, pero bakit ikaw ang napagod?" Si Ethan Tiu ang lalaking minsan nang tinanggihan ni Lian Martinez nang alukin siya nito ng kasal se...
7.8M 230K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
309K 12.8K 62
Matured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano...
224K 3.5K 44
PLEASE PLEASE PLEASE. R-18 PO ITO, NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Lahat ba ng saya may kapalit na lungkot? kung magmamahal ka ba may kabayarang pagm...