Sir, Can I Be Yours?

By ImJlous

82.3K 2.2K 376

Jeanne Asuncion was six years old when she met her ultimate crush Phoebus Acosta, she was half his age but it... More

Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Takip Silim

Chapter 13

2.8K 95 7
By ImJlous

Tumitig ako sa may damuhan dahil biglang uminit na naman ang pisngi ko, “Salamat, Sir.”

Ikaw rin, ang gwapo mo.

Gusto ko sanang idagdag 'yun pero mas pinili ko na huwag na lang. Parang hindi kasi maganda iyong pakinggan, lalo pa't maraming makakarinig na ibang estudyante.

“Sige, una na ako.” Naglakad siya palayo. Tapos 'yung mga nadadaanan niyang iba pang students ay binabati siya at humihiling pa na makapagpa-picture sa kaniya. Famous, talaga 'tong si adviser namin, e.

  “Nakita ko 'yon.” Dinanggi ako ng kaunti ni Sandy nang makalapit na siya sa akin.

“Congrats,” tinapik ko ng balikat niya at seryoso siyang tinitigan.

    “Bakit?” takang tanong niya.

“Kasi may mata ka.”

Maya-maya ay pumunta na rin kami sa sari-sarili naming tables. Katabi ko roon ang Vice president ko na si Faye at namumula iyong gown niya, tapos namumutok ang blush on.

Pero mas maayos naman siyang tingnan kumpara kay Gail. Hindi ko sure kung hindi  ba siya marunong mamili ng tamang shade ng foundation? O baka gusto lang talaga niya na magmukhang bavarian ngayong gabi.

  “Pogi talaga ni Bebe ko,” sabi ng isa kong kaklase habang nakatitig kay Phoebus na nandoon sa stage. Tumutulong kasi itong mag-MC ngayon, maganda kasi talaga ang boses niya at magaling magsalita sa harap ng maraming tao.

Napaismid ako. Bebe daw. Ulul.

    “Pa-picture tayong mga girls sa kaniya mamaya!”

Tumutol kaagad ako sa suhestiyon noong isa ko pang classmate. Pero syempre, sa utak ko lang. Ayoko naman kasi na malaman nila na naiilang ako sa teacher na crush ng lahat.

“Luh! Kayo nalang, nahihiya ako,” namumulang pisnging sabi ni Alexa.

Tumango ako sa sinabi ni Alex kahit hindi talaga kami close. Pareho kasi kami na ayaw. Ang pinagkaiba lang namin ay hindi ako nahihiya... kun'di...

   “Pahalata ka naman masyado na crush mo si Sir, e! Marami naman tayo, kaya 'wag ka na mahiya. 'Di ba Pres?”

Nasamid ako sa iniinum kong tubig, tapos napilitan nalang akong tumango. Kainis, hindi talaga ako pabor, e!

  “Tsaka adviser naman natin siya 'no!” ani pa ni Faye.

Pagkatapos naming kumain ay nag-retouch na 'yong mga kaklase ko para sa wish nila na makapagpa-picture kami kasama ang adviser naming gwapo.

“Mga babae talaga, hilig sa pogi!” saad Gilbert. May hawak-hawak siya ngayon na plato na puno ng drumstick chicken, kain nalang ito ng kain. Umiling-iling naman si Den at nakikain, “Gano'n talaga.”

Napanguso ako matapos silang irapan, “Wow, kapal niyo naman, parang 'di kayo nagkakagusto sa maganda, ah?”

Lalo itong si Gilbert, akala mo'y hindi patay na patay kay Ms. Gaston at sa iba pa naming magaganda na mga professor!

      “Sa bagay mahilig talaga ako sa maganda, kaya nga nagustuhan kita.” pagbanat ni Den at tsaka kinindatan ako.

“Shut up!” Binatukan ko siya at kumuha nalang rin ng chicken at pinapak iyon.

     “President! Tara na kay Sir Phoebus!”

Hinila kaagad ako nila Faye 'di pa man ako tapos sa kinakain ko. Kahit dugyot tingnan ay ipinunas ko sa gown ko 'yung kamay kong mamantika.

“Tangina, dahan-dahan naman!” angal ko. Halos magkandarapa kasi ako sa paghila nila tapos 'yung heels ko nabaon pa sa malambot na lupa ng damuhan.

    “Sir! Sir Phoebus papicture daw!” sigaw ni Faye at itinuro pa ako. Marami tuloy nakapansin sa amin, 'yung mga lower year at ibang mga teachers ay nagpukol sa amin ng tingin. Nakapusod pa naman itong buhok ko kaya kitang-kita ang mukha ko.

Nang makarating kami sa may table ng teachers ay tumayo naman kaagad si Phoebus. Inayos niya 'yung coat niya tsaka ngumiti ng malawak sa amin.

Sumunod na rin 'yong iba naming kaklase na babae, siguro mga sampu kaming lahat rito na nakapaligid sa kaniya. They are giggling, nagkukurutan pa habang nagtutulakan patabi kay Sir. I face palmed internally, ako na ang nahihiya para sa kanila.

     “Ipagpaalam mo na Pres dali,” bulong sa akin ni Faye.

Napalunok ako at bumulong, “Nagpaalam ka na naman ah?”

“Syempre iba 'yung iyo kasi President ka natin!”

Nag-angat ako ng tingin, nanginginig pa ang mga labi kong nagsalita. Tapos parang may nakabara rin na candy sa lalamunan ko. “Sir, can... can we take a picture with you?”

“Oo naman,” he answered.

Katabi ko siya sa letrato. Sa kanan niya si Faye at ako naman sa kaliwa. Pagkatapos ng picture taking ay nagsialisan na naman ang kaklase ko sa wakas, habang nagpaiwan ako doon upang kausapin si Phoebus.

    “Sir, pasensiya na.” I smiled awkardly.

“Wala 'yon.”

Pagbalik ko sa table namin ay iba ang tingin ng mga kaklase ko sa akin. Mga mukha silang kinikilig. “Uy, PJ!”

    “Anong Pj?” kunot noong tanong ko.

“Phoebus plus Jeanne,” kinikilig na sabi ni Faye.

     “May chemistry kayo ni Sir!” sabi ng isa pa.

“Uy, namumula siya!” pang-aasar pa ni Mae.

“Tumigil nga kayo!”

Hindi nila ako tinigilan sa kakaasar kahit itinatanggi ko na crush ko si Phoebus. Umabot pa ang pang-aasar nila sa paghila sa akin papunta kay Phoebus noong tumugtog ang banda sa stage ng isang sweet na kanta.

Marami ang nakikipag-sayawan sa mga kani-kanilang mga crush o boyfriend doon sa dancefloor. They are unbothered.

Pero ako itong hinihigit ng mga kaklase ko papunta kay Phoebus, “Ayoko nga sabi! Mga buwiset kayo!”

    “Sayaw lang naman Pres!”

Nagpupumiglas ako pero natigilan sila bigla, nakatayo lang kami sa may gilid noong matanaw namin si Phoebus.

   “Ay, may kasayaw na pala,” saad ni Faye

Parang may kumurot sa dibdib ko, kasayaw na pala kasi ni Phoebus si Ms. Gaston. Nakahawak siya sa beywang nito, ngiting-ngiti si Ma'am habang parang may ikini-kuwento kay Phoebus na tatango-tango lang.

“K-kayo naman kasi, sabi sa inyo tigil na.” Tumalikod ako at akmang babalik na sa aming table ngunit pinigilan ako ng kaklase ko.

     “E'di hintayin natin.”

Ganoon nga ang ginawa nila, hinintay nilang matapos 'yung dalawa sa pagsayaw tsaka nila ako iginiya papunta kay Phoebus.

  “Sir, isayaw mo naman si President!”

Bakas ang gulat sa mukha ni Phoebus, napaawang ang bibig niya habang naglilipat-lipat ang tingin sa aming tatlo.

   “Yieeeee! Dali na Sir!”

Ngumiti siya ng malawak tapos kinuha ang kamay ko, kaso itinulak pa ako ni Faye kaya napasubsob ako sa may dibdib niya. I glared at her pero kinuhanan lang niya kami ng letrato, tapos umalis na.

   “Sorry ulit, Sir,” nakayukong sabi ko habang sumasabay ang katawan namin sa mabagal na tugtog. Medyo masikip rito at may kani-kaniyang mundo ang mga nagsasayaw na may kani-kanilang partners.

“Hmm,” si Phoebus.

Inayos ko ang mga kamay ko sa balikat niya, habang 'yung mga kamay naman niya ay parang hindi man lang lumalapat sa beywang ko. May pinoprotektahang feelings?

   “Sir, kayo na ba ni Ma'am?”

     “Ano?”

“Kayo na ba ni Ms. Gaston?” tanong ko dito sa professor ko sa mahinang boses habang nakayuko parin.

    “Magkaibigan lang kami.”

“Ang friendly mo naman po pala.”

     “Syempre–”

“E' girlfriend, Sir? Ayaw mo?” Pukol ko sa kaniya tsaka nag-angat ng ulo upang titigan ang kulay asul niyang mga mata.

He looked stunned, naramdaman ko rin na biglang humigpit ang pagkakahawak ng mga kamay niya sa beywang ko. “Jeanne naririnig mo ba ang sarili mo?”

Tumigil kami sa pagsayaw. “Sir, hindi mo ba ako nagugustuhan kahit kaunti?”

Nagsalubong ang kilay niya kaya natawa ako ng bahagya. Ang pogi talaga!

    “Nakainom ka ba?”

Hindi ko pinansin ang tanong niya, “Phoebus, grade one palang ako nagugustuhan na kita.”

          “Jeanne!” matigas niyang tawag sa pangalan ko.

“Anong sasabihin mo sa akin? Ano na namang idadahilan mo kaya ayaw mo ako ha?!” I sniffed. Medyo naluluha na rin kasi ako.

“Nagpuslit ba kayo ng alcohol dito?” mahinang tanong niya at tsaka niyugyog ang balikat ko.

      “Sasabihin mo na naman ba na bata ako ha?!”

Hinablot niya ang kamay ko at hinila ako palayo sa dance floor. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil parang gumegewang-gewang ang buong paligid ko habang naglalakad kami.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7K 50 6
Genre: Oneshot/Short story/Adventure All Rights Reserved 2018 Written by: kuyacris
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
11.6K 917 30
bangtansonyeondamn series 1: Completed «Yoona x Taehyung» "What's your greatest fear?" he asks. "To be forgotten," I tell him. "But not just that. To...
53.6K 1K 52
Naranasan mo na ba ma-Heartbroken? Masakit diba? So, move on na? Eh, pano kung hindi mo siya makalimutan? Suicide na ba? Lol. Thats a big NO! Edi m...