Del Rico Triplets #1: Bound B...

By nefeliday

2M 33.5K 4.2K

Hollis, who was raised as an adopted child to conceal her true identity as an illegitimate one, hoped for fre... More

Bound By Duty
DISCLAIMER (MUST READ!)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas 1
Wakas
The Second
Hollis
Hillary Ophelia
Crashing Into You (Chapter 1 on wattpad!)
Adelio Lucian/Chaos
Zohan Delicante

Kabanata 12

44.9K 970 206
By nefeliday

Confrontation

“Are you okay?”

Napapitlag ako nang tanungin iyon sa akin ni Tross sa pamamagitan ng bulong. Hindi ko namalayan na ilang minuto na rin pala akong ‘di humihinga at nakatingin lamang sa gawi nila Crosson. Nagbaba ako ng tingin dahil walang balak magpaawat ang mga naroon.

“Ayos lang…” maliit ang boses na tugon ko sa tanong niya.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa harap. Hindi ko na nasundan ang pangyayari sa harapan. Nakita ko na lang na itinaas nila ang mga champagne glass na hawak bilang pagsisimula ng gabi.

Ang tatlo sa mini stage, ngayon ay bumaba na at handang makihalubilo sa tao. Muling pumailanlang ang malamyos na musika at nagsimulang mamahagi ang mga waitress and waiters ng pagkain sa bawat lamesa.

“Let’s go?” ani Tross, iminuwestra ang isang bakanteng lamesa sa ‘di kalayuan.

Nilingon ko si Crowell. Mukhang balak niya na sumama lang din sa amin kaya naman tumango ako at sumunod sa paggiya sa akin ni Tross.

“Just juice for you, hmm?” he whispered in my ear when he pulled a chair and made me sit.

Ngumiti ako bilang pagsang-ayon. Saka ko lamang naramdaman ang uhaw ng maisip ang juice. Pinagsalin niya ako sa baso. Crowell is just watching Tross’s move before glancing at me. Nakikitaan ko ng inggit ang mga tinging ‘yon. His mind is probably absorbing the fact that someone will take care of me now, hindi na lang siya.

Inabot ko ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Isang upuan lang ang pagitan namin at tatlo lang kaming umuukopa sa malaki at bilog na mesa.

Napatingin siya sa akin nang makita ang ginawa ko.

“Everything will be alright, Crow…” sambit ko.

I smiled at him. He didn’t, pero ilang sandali naman ay dalawang sunod na tango ang iginanti.

Kinuha ko ang juice na ibinigay sa akin ni Tross. I already let go of brother’s hand. Binalingan ko si Tross.

“Salamat…” ani ko at saka sumimsim sa baso.

“Kayo? Drink champagne,” pang-eengganyo ko nang wala silang ginalaw kahit ano sa mesa.

“I’m still full…” walang emosyong sagot ni Crowell.

Tross took a plate and place a small amount of food there. Akala ko para sa kaniya ‘yon pero inilapag niya sa harap ko.

Pinagmamasdan ko lang siya kaya nang mag-angat siya ng tingin ay nagkasalubong agad ang mga mata namin. He still has the same aura the first time I met him. His charcoal eyes are still deep, mysterious, and a house of ice. Pero ngayon, may ibang emosyon akong nababanaag doon.

Concern.

Bumagsak sandali ang tingin ko sa platong inilagay niya sa harapan ko bago ko ibinalik ang tingin sa kaniya.

“I…kaw?” naiilang kong tanong.

He nodded his head and placed the plate between us.

“Let’s just share…” aniya at kinuha ang kutsara.

He took the spoon and took a bit of the macaroni salad. Akala ko uli ay para sa kaniya. Nagulat na lang ako nang itapat niya ‘yon sa akin. Mabilis kong hinawakan ang braso niya para pigilan sa balak gawin.

Nahihiya akong ngumiti.

“Ako na… k-kaya ko naman…” Ilang na ilang ako habang sinasabi ‘yon.

I didn't know he has plan to do that. Hindi pa naman kami ganoon kakomportable sa isa't-isa, 'di ba? O ako lang iyong naiilang pa rin?

Bahaw akong ngumiti sa kaniya.

Ang kutsara ang sinubukan kong kunin. Hindi niya agad binitawan ‘yon. But when I look at him with pleading eyes, bumuntong-hininga siya at walang nagawa kundi tumango.

I heard a fake cough on my right kaya naman bumaling ako roon. Labis na lang ang hiya ko  nang maalala na kasama nga pala namin si Crowell sa mesa at pinagmamasdan lang kami.

“If I don’t know that you two is a product of fixed marriage, I would thought that you are deeply in love with each other…”

Umawang ang labi ko at pinanlakihan ng mata si Crowell. Sumilay ang ngisi sa labi niya na siyang ikinatigil ko. Ang malamig na ekspresyon niya ay nawala at napapalitan ng kulit na katulad noong magkasama kami rito sa bahay.

Nawala ‘yong problemadong Crowell kanina.

“I told you that I will treat her better…” si Tross iyon na nang lingunin ko ay relax na nakasandal sa upuan habang ang braso ay nakasuot sa baywang ko.

Sumabog ang panibagong kabog ng dibdib ko sa posisyon namin at sa narinig. Alam kong ang nararamdaman ko ay ‘di na normal. Alam kong bukod sa paghanga ay may iba pang dahilan iyon kung bakit abot-abot ang tahip ng dibdib ko sa tuwing magsasabi siya ng bagay na masarap sa pandinig o gagawa ng bagay na bago lang sa akin.

“You better be…” I heard Crowell said before his voice was swallowed by tons of voices in front.

Doon napako ang tingin ko. Dahil sa dalawang kasama, nakalimutan ko panandalian kung anong party nga ba ang napuntahan ko.

Both Tita Selena and Ciara are clinging in Crisosmo’s arms. Nililibot nila ang bawat mesa at mga bisita na siya namang paulit-ulit silang ikino-congratulate. Sa gilid nila, naroon ang dalawang magkapatid na nakaantabay.

Nang isang lamesa na lang at amin na, naramdaman ko ang balak na pagtayo ni Crowell kaya mabilis ko siyang nilingon at inilingan. I took his hand again, wishing that I could give him strength and will to do this.

Nagpapasalamat ako nang hindi na siya tumuloy sa balak niyang pagtalikod sa pamilya niya.

When they reached our table, tumayo kami ni Tross. Tita Selena gave him a kiss on his cheek, Crisosmo shake hands with him. Tita Selena went on my side and hugged me tightly.

“Thank you for coming, Hollis… You made my night,” she whispered on me.

Tumango ako at bumulong din sa kaniya, saying congratulations for finally having her daughter beside her. Naging maliit ang ngiti niya, parang nahihiya. Bumaling siya kay Crowell na saka lamang tumayo para yakapin ang ina.

“This is my daughter, Crowell’s twin, hijo…” nilingon ako ni Crisosmo.

“Hollis, meet our Ciara…” dagdag niya.

Sinalubong ako ng ngiti nito. Napakaganda niya. Dahil sobrang mature ang itsura ay nakakapanliit sa pakiramdam. We’re on the same age but the way she move elegantly, na parang sanay na siya sa mga ganito… nakakapanliit.

“Hello…” she said it to me.

Crosson and Carden is now beside Ciara. I faked a smile and returned her hello.

“Glad that you’re back… Ciara…” I managed to stop myself from stuttering.

“Anong masasabi mo sa unica hija ko, hijo?” si Crisosmo na sobrang proud sa mga oras na ‘to.

Ciara’s eyes went to my husband beside me. I saw how her eyes sparkled in happiness. Kahit pa medyo madilim sa side namin at nakapupulag ang may kalakihang mga ilaw sa harap, hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpula ng kaniyang pisngi.

Nilingon ko si Tross at nakitang hindi siya kay Ciara nakatingin kundi kay Crisosmo.

“I am happy that you already found her, Sir. I can say that she is pretty but my wife is still the gorgeous one for me…”

Crisosmo and Ciara’s eyes went to me for a moment before they fake a laugh and nodded in  agreement.

I am watching her intently that I haven’t had the time to pleasure myself with my husband’s word because I am busy analyzing why I saw anger and hatred in Ciara’s eyes for a moment.

Doon natuon ang atensyon ko at hindi ko namalayang nasa tabi ko pa rin pala si Tita Selena at at ang kamay ay nasa likod ko, hinahaplos ako nang marahan.

Crisosmo bid a goodbye only to Tross, hindi na ako tinapunan pa ng tingin. Tita Selena was forced to leave our table. Akala ko rin ay susunod doon ang dalawang magkapatid but they both pulled a chair in our table, basically in front of me. My mouth dropped in awe when I scanned our table and found familiar faces with us now.

Del Rico’s, Giovani, Zohan, his older brother who’s always been good to me is also here! At ilan pa sa mga kaibigan ng magkapatid na napansin kong nasa akin ang tingin.

Carden is looking at me with worries that he’s trying so hard to hide, while Crosson is in his usual stares. Hindi galit pero palaging malamig at matalim. Ang kaibahan lang ay ‘di sadya ang mga matatalim na tingin na iyon ngayon.

Tita Selena went back to our table and excuse Crowell. Ang isa, hindi naman kumibo at sumama sa ina. Nagpaalam lamang sa akin sa pamamagitan ng tapik sa aking braso bago sumunod kay Tita.

Our table became loud because of the new comers. Zohan changes his seat when a friend went to our table too. Lumipat ang magkapatid sa upuan sa tabi ko. Zohan is now sitting beside me.

“Congratulations to your wedding, Hollis…”

Nagulat ako sa paraan ng pagkakasabi niya noon. Seryoso at walang bahid ng panunukso ang tono noon.

He cleared his throat and smiled at me.

“Sorry for calling you names. I regret it…” The sincerity on his voice made me feel peace. Ano namang karapatan kong magtanim ng sama ng loob?

I accepted his sorry. Tross is casually talking to his cousin at panaka-nakang susulyap at babaling sa akin para tanungin kung ayos lamang ba ako.

Lumalalim ang gabi at nauubos ang oras sa kwentuhan. Hindi pa rin bumabalik si Crowell. Pagkalipas pa nga ng ilang minuto, isang matandang kasambahay ang lumapit sa gawi ng magkapatid sa harap ko.

They both pulled their selves up. Nilingon nila ako.

“Si Crowell…” Carden said.

Dalawang salita na nagpatahip ng dibdib ko. What happened to Crowell? Tumayo ako at walang pasabing sumunod sa kasamabahay. Ni hindi na ako nakapagpaalam kay Tross at sa mga naroon. Naramdaman ko na lang na sumusunod na rin sa akin ang magkapatid.

Manang brought us upstairs. Sa opisina ni Crisosmo. Pagbukas pa lan ng pinto ay pumailanlang na ang sigaw ni Crowell at mga mahihinang pag-iyak. Nang makapasok kami, naabutan namin si Crowell na nakatumba sa sahig at magulo ang ayos.

Crisosmo looks enraged but in remorse while having a staring match with his son, at si Tita Selena, nakadalo kay Crowell habang lumuluha ito ng tahimik. When I look for Ciara, nakita kong umiiyak ito sa likod ni Crisosmo. Sa kaniya ang mga hikbing nadidinig sa buong opisina.

“What happened, Mom? Crow?” si Craden na mahinahon man pero may diin ang bawat salita.

The two didn’t answer him. Si Tita Selena, hinahaplos ang putok na labi ni Crowell at ang kapatid ko, nagsasalitan ang matalim na tingin sa dalawa sa kaniyang harap.

“Dad…” Crosson called Crisosmo.

Lumingon ito sa gawi namin.

“Your brother here made me lost my control…” sambit nito, mas malambot na ang boses kaysa sa normal nitong ginagamit kapag kausap ang kahit na sino.

Crosson walked passed me, nagtungo sa ama habang si Carden ay tinulungan si Tita Selenang itayo si Crowell na tigas na nagmamatigas.

Nang lingunin ako nito, bumakas ang sakit sa mga mata niya.

“What did you do now, Crow?” may diin at inis sa boses ni Crosson.
Lalo pang lumakas ang hikbi na Ciara na parang ikapagpapanting ng tenga ko. I don’t know if she is doing that on purpose. Akmang lalakad ako palapit sa kapatid ko nang makaramdam ng matinding sakit ng dibdib.

“Aalis ako sa bahay…” nadinig ko si Crowell.

Her mother gasps and started sobbing too.

“Bunso…” she murmured, pleading Crowell with her cracking voice.

Hinigit ko ang hininga ko at nagpumilit na lumapit kay Crowell.

“Calm down, Crow… Hindi mo alam ang sinasabi mo—“

Hindi na naituloy ni Carden ang balak na sabihin dahil pinutol na siya ni Crowell.

“—Maybe I really don’t know,” maangas na ang boses ni Crowell. Ang sulok ng labi ay pumorma sa isang nakapanunudyong ngiti.

“But I do know something…” dagdag niya pa, animoy nakikipaglaro.

“Crowell…” Tita Selena called her son but Crowell stood up, facing both his father and brothers.

“You act like I am the only one who’s being an ass to this girl…” tinuro niya si Ciara na nagbaba lang ng tingin.

Nagawa kong makalapit kay Crowell. Hindi katulad kay Tita at sa kapatid niya, hindi niya inalis ang yakap ko sa kaniya. I wanted to calm him so much, even though my heart is also in rage.

“Akala niyo ang titino niyo ha? Baka maniwala pa ako kung hindi ko kayo narinig. Kayo Kuya, kayo ni Mommy…” he pointed almost everyone in the office, aside from me and Ciara.

Crisosmo tried to step forward to reach Crowell but Crosson stopped him, afraid that his father will hit his brother.

Nanginginig ang katawan ni Crowell sa galit at mayamaya pa, nabasag na ang boses at may luha nang tumakas sa kaniyang kaliwang mata.

“I heard you two, Kuya. You’re talking about how you also don't feel anything to this girl…” nanunumbat ang mga binitawang salita ni Crowell.

“Akala niyo ako lang? Kayo rin naman! And even Dad himself...” suminghap ako sa narinig.

“Si Mommy, kasinglamig ng yelo kanina tapos pilit ang ngiti…” sumigok siya.

Sumasakit ang dibdib ko, nahihirapan ng humagilap ng hangin para sumuporta sa baga ko. I felt a presence in my back.

“Please, breathe…” my husband’s voice…

“All of us here knows there is something wrong. Of all people here… You!” Crowell pointed at his father angrily. “Mom and I… should be the one to know if that girl is truly our Ciara…”

I felt how Crowell lost all his strength. Kamuntikan kaming tumumba kung wala si Tross at Carden na umalalay sa amin. I keep on hugging him, comforting the only brother whom I shared my life with.

“Ako ang kakambal pero walang kahit anong koneksyon…” pagod niyang binitawan ang mga salitang ‘yon. Litong-lito.

Sumigok siya pero nagpatuloy pa rin.

“Nawalan ka lang ng anak, Dad… hindi kayo bulag at mas lalong hindi tanga…”

Crowell smoothly freed himself from my grasp. Lumabas siya ng pinto. Puro iyak ni Ciara at Tita Selena ang sumunod na narinig.

Kahit sa kawalan ng hangin, sumubok akong sundan ang kapatid ko ngunit hanggang pinto na lang ako nakaabot dahil bumigay ang katawan ko. Nawawalan muli ng paningin at pakiramdam. Nabibingi at unti-unti, muli akong sinakop ng dilim.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 15.9K 49
[ Hurricane Cousin's : Garret Sean ] "You're right. Doing this revenge is not good. I got hurt when I saw her tears. Damn, I'm playing with fire..."...
10K 706 50
Professor X Filipino Major Ayef Chloe Cena Rigor. 21 years old, happy go lucky, girl. A 2nd year college student na kumukuha ng kursong Bachelor of...
549 85 18
Sibika Aisha Torralba, a passionate and dedicated nurse at Rivera Hospital, remains grounded by her humble origins despite her exceptional academic a...