GENARO

By SaiRhieneDeGuzman

2.4K 69 43

Pagbaba pa lamang ni Thalia mula sa kotse ay nais nang pabalikin ni Genaro sa pinangalingan ang dalaga. Walan... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 9

257 6 4
By SaiRhieneDeGuzman

MASUYONG pinagmasdan ni Genaro ang asawang noo'y mahimbing na natutulog. Tinanggal niya ang unan na inilagay ni Thalia sa kanilang pagitan at hinaplos ang braso ng babae.
She was peaches and cream, at kung hindi lamang nangakong walang mamamagitan sa kanila sa gabing iyon ay kanina pa niya inangkin ang kagandahang nakalatag sa kanyang tabi. Parang maloloko sa pananabik na nagkasya na lamang siya sa paghaplos sa malasutla nitong kutis.
Ngunit hindi siya nakatiis. He wanted to touch her in the most intimate way. Gusto niyang haplusin, laruin sa mga palad ang perpektong dibdib nito na ginawa nga niya.
"Ungh..." Umungol si Thalia kasabay ang pagtihaya ngunit nanatiling nakapikit.
Halos manuyo ang lalamunan ni Genaro sa kagandahang tumambab sa kanyang mga mata. Mayabang na nakatayo ang mga nipples ng babae na bumakat sa manipis na pantulog. At ang nalilis n nightgown ay nagpatambad sa makinis na hita nito.
Unable to control himself, hinaplos ni Genaro ang mukha ng asawa at masuyong hinagkan. Nang walang makuhang pagtutol ay lumalim ang halik na iyon.
Nagising si Thalia na may humahalik sa kanya. Kissing, teasing her lips in a sensuous way. Nang ma-realize ang nangyayari ay tinangka niyng tumutol ngunit parang paralisa ang katawan niya. At bagkus na isatinig ang pag tutol sa ginagawa ni Genaro ay iniawang niya ang mga labi at tinanggap ang pangahas na dila nitong naglaro sa loob ng kanyang bibig.
"Ohhh," narinig niyang napaungol si Genaro nang sanggiin ng kanyang dila ang malikot na panauhin. Sa ginawa niya'y higit itong naging agresibo.
Ang sumunod na namalayan niya ay tinanggal na nito ang kanyang saplot. Caressing her body with his expert hand. At para siyang lalagnatin na hindi niya mawari nang dumako sa gitna ng kanyang mga hita ang kamay na iyon.
Wala parin siyang magawa upang tumutol nang maramdamanng nahubad na nito ang lahat ng saplot niya. Manapa'y tinutulan niya ang sandaling pagkalas nito sa kanya upang ito naman ang maghubad.
"Genaro, don't..." daing niya na nananatiling nakapikit. Ayaw makita ang ekspresyon sa mukha ng lalaki 'pagka't ayaw niyang mawala ang mahika.
After a while ay nagbalik si Genaro. Nagyo' y wala nang saplot pang namamagitan sa kanila. Dahilan upang lalong magliyab ang ningas na binuhay ng lalaki sa kaibuturan niya.
Pakiramdam ni Thalia ay mababaliw na siya nang magtangka si Genaro na pasukin and kanyang mundo. Magkahalong hapdi at ligaya and nararamdaman niya nang sa wakas, pagkatapos ng ilang ulit napagtatangka, ay magtagumpay ito. After each thrust ay naririnig niya ang masuyong pagtawag nito sa pangalan niya.
Nang marahil ay hindi na mapigil ng lalaki ang pananabik ay sumubsob ito sa kanyang dibdib at pinagdiinan ang sarili. Nang mga sandaling iyon, sa kauna-unahang pagkakataon, natuklasan ni Thalia ang tunay na kahulugan ng ecstacy.

MARAMING sumasakit sa katawan ni Thalia nang magising kinabukasan. Nang maalala ang namagitan sa kanila ni Genaro kagabi ay napabuntong-hininga siya. Kinain niya ang kanyang sinabing hinding-hindi niya hahayaang maangkin siya nito. Sa mga haplos lamang ng lalaki ay agad na siyang nawawalan ng kontrol sa sarili. Na para bang may sariling pag-iisip ang kanyang katawan at anuman ang gawin niyang pagtutol ay ayaw nitong sundin.
Bumangon siya pagkaraang pakiramdaman ang katawan. Animo may sakit na mabagal ang ginawa niyang paghakbang patungo sa banyo para ayusin ang sarili.
Pinagmasdan niya ang sarili sa full-length mirror sa banyo at nakita niya ang maliliit na love mark sa itaas ng kanyang dibdib. Mayroon din siyang ilang pasa at galos sa hita na hindi niya alam kung paano nagkaroon.
Nakabihis na siya ng floral sundress nang magbalik si Genaro. Naka suot lamang eto ng swimming trunks at tumutulo pa ang tubig sa katawan nang parang walang anumang tuluy-tuloy na pumasok sa banyo.
Nakatapis lamang ito ng tuwalya nang lumabas. Ibinaling niya ang paningin sa ibang bagay nang walang pakundangang maghubad sa harap niya ang asawa kaya hindi niya nakita ang makahulugang ngiting sumilay sa mga labi nito.
"You cheated me," sumbat niya nang matapos sa pagbibihis si Genaro. "Nangako ka sa aking walang mamamagitan sa ating dalawa hangga't hindi ko gusto."
"Hindi sana nangyari iyon kung hindi mo ginusto, Thalia," kaswal na sagot ng lalaki, ngunit hindi parin naikubli ang panunudyo sa tono nito.
"Y-you started it, Genaro! Natutulog na ako nang-"
"Stop it, wife," sabi nito at nilapitan siya.
Napilitang tumayo si Thalia mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Sa lahat ng ayaw niya'y iyong nakatingala siya sa kausap. Bukod sa nanliliit and kanyang pakiramdam ay ayaw rin niyang magkaroon ng stiff neck.
"Gusto ko lang ipaalam sa iyo na hindi ko ginusto ang namagitan sa atin kagabi, Genaro. At ayoko nang mauulit pa iyon."
"Well, that depends on you, my dear," ani Genaro at pinisil ang ilong niya.
"Stop that!" tutol niya nang yakapin siya nito sa baywang.
"Didn't I tell you I'm going to teach you a lesson? Well. ito ang una..."
Bumaba ang mukha ni. Genaro upang hagkan si Thalia. Pumiksi ang huli ngunit mayamaya lang ay tinutugon na niya nang buong pananabik ang mga halik nito.

PAGKATAPOS ng tatlong araw na pananatili sa Boracay ay nagbalik na sa Maynila sina Genaro at Thalia. Natulog lamang ng isang gabi sa mansion ng mga Rodriguez ang dalawa at nang sumunod na araw, maaga pa lamang ay bumiyahe na ang mga ito paakyat ng Baguio.
"Pansamantala, dito na muna tayo titira," ani Genaro habang minamaneho ang Musso papasok sa paikot na driveway.
Iginala ni Thalia ang paningin at nakita niya ang isang malaking bahay na nakatirik sa gitna ng harding namumutiktik sa mga namumulaklak na halaman. Dalawang palapag iyon na yari sa bricks at kahoy, napipinturahan ng puti na nagko-contrast sa itim na pintura ng tsimenea.
"Isang oras ang biyahe patungo sa minahan kung manggagaling dito, pero okay na rin iyon. Ayoko namang itira ka sa bahay-panuluyan at baka sabihin mong inaapi kita."
Hindi nagkomento si Thalia sa sinabi ng asawa. Nag buntong-hininga na lamang upang palisin ang inis na nararamdaman. Naisip niyang ngayon pa lamang ay kailangan na niyang pagpasensiyahan ang ugali ni Genaro kung gusto niyang maging matiwasay ang kanilang pagsasama.
Inihinto no Genaro ang sasakyan sa tapat ng portiko. Nauna itong bumaba upang alalayan siya. Sinalubong sila ng isang matandang babae sa makapasok sa sala.
"Magandang araw po, Sir, Ma'am," bati nito at maluwang ang ngiting ipinaling pa ang ulo.
"Siya si Manang Meding, ang makakasama mo rito sa bahay."
Maliban sa marahang tango ay wala nang sinabi pa si Thalia. Mula sa matandang babae ay inilipat niya ang pansin sa kabahayan. Pinag lipat-lipat ang tingin sa mga antigong muwebles hanggang sa mga figurines and vases na sa tantiya niya'y nagkakahalaga nang malaki.
"Whose house is this?" tanong niya habang ang mga mata'y nakatutok sa chandelier na nakasabit sa tapat ng hagdang patungo sa ikalawang palapag.
"Sa pamilya ni Lloyd ang bahay na ito. Bahay bakasyunan. Since matagal pa bago bumalik ng Pilipinas ang mga iyon, ipinagamit na muna ito sa atin ng pinsan ko. Tutal, hindi rin naman tayo magtatagal dito. Baka mga dalawa, tatlong buwan pa at matatapos na ang bahay na ipinatatayo ko sa labas ng bayan."
"This is a nice place," kaswal na sabi niya. Galit siya sa asawa ngunit hindi dahilan iyon upang hindi niya purihin ang mga bagay na kapuri-puri sa paligid niya.
"I 'll show you the master's bedroom habang inihahanda ni Manang Meding ang pagkain," yaya ni Genaro.
Tahimik na sumunod si Thalia. Ngunit hindi niya iniabot ang kamay nang hingin ito.
Maluwang at maaliwalas ang master's bedroom na pinaka malaki sa apat na kuwarto sa itaas. Malapad ang four-poster bed na nasasapinan ng makapal na mattress. Relaxing ang amoy na nanggagaling sa scented candle na nasa altar. Malamig ang paligid kahit mataas na ang sikat ng araw.
"This is going to be our bed, for a while," bulong ni Genaro na hindi niya namalayang nasa likuran na niya. Hindi siya tumutol nang yakapin siya nito.
"Gusto kong bigyan mo ako ng magagandang anak, Thalia. With the eyes and skin like yours..." anang lalaki at hinagkan ang batok niya.
"I-I'm tired, Genaro. Please, gusto ko na munang mag pahinga," pakiusap niya.
Matapos magpawala ng isang malalim na buntong hininga ay kumalas ang lalaki sa pagkakayakap sa kanya. Nakatalikod si Thalia kaya hindi niya nakita nang gumuhit ang lungkot sa anyo ni Genaro.

PARANG wala sa sariling nanatiling nakatitig sa hawak na papel si Thalia. Mahigit isang buwan na mula nang ikasal sila ni Genaro, at dahil dalawang linggo nang delayed ang pagdating ng buwanang dalaw niya ay nagpasya siyang magpatingin sa OB-GYNE.
    Positibo ang resulta. Isang buwan na siyang nagdadalantao. At sa natuklasan ay hindi niya malaman kung ano ang mararamdan niya.
    Magkahalo ang emosyong nararanasan niya nang mga sandaling iyon. Saya, lungkot, takot. Hindi stable ang pagsasama nila ni Genaro dahil sa mabuway na pundasyon kaya hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa batang dinadala niya.
    Lumipas pa ang mahabang sandali bago niya napagpasyahang puntahan si Genaro sa opisina nito. Pagkatapos ng nangyari, at ngayong alam na ng lahat na ikinasal na sila ng lalaki, ay wala na siyang dapat ikahiya pa sa mga taong minsa'y nakasaksi sa kapahangasan ni Genaro.
   Labinglimang minuto pa bago mag-ala-una nang dumating siya sa compound ng GMC. Pagkababa niya sa kotse ay tuluy-tuloy siyang pumasok sa opisina. Hindi pinansin ang mga minerong tumingin sa direksiyon niya.
    Walang tao sa receiver area ngunit may naririnig siyang nag-uusap. Kasunod noo'y naulinigan niyang tila may umiiyak. At nanggagaling ang ingay sa loob ng private office ni Genaro.
    Dahan-dahan siyang lumapit at binuksan ang pinto. At gayon na lamang ang gulat niya nang makitang yakap-yakap ng asawa ang sekretaryang si Rebbeca habang hinahagod ang likod nito.
    "You conniving bitch!" sugod niya agad nag-init ang ulo sa naabutang tagpo. Walang tanung-tanong na nilapitan niya ang dalawang kapwa nagulat at bago pa makapag-react ay hinila niya ang buhok ng babae at kung hindi sa maagap na pag-awat ni Genaro ay baka naingudngod niya ito sa sahig.
    "Let me go, you liar! Kaya pala palagi kang ginagabi ng uwi, dahil nakikipag lambutsingan ka sa babaeng ito!" sigaw ni Thalia na walang pakialam kahit maeskandalo ang asawa.
    "M-magpapaliwanag ho ako, Mrs. Sacrament," umiiyak na sabi ni Rebecca. Namumutla sa pangyayari.
    "I'll take care of my wife, Rebecca. Sige na, iwanan mo na kami," sabi ni Genaro.
    "Pero-" Nag-atubili ang babae.
    "Just go, Rebecca." utos ng lalaki na hawak-hawak pa rin ang nagpupumiglas na asawa.
    Tulirong lumabas ng private office ang babae. At nang matiyak na wala na ang sekretarya ay saka pa lamang pinakawalan ni Genaro si Thalia. Nagpupuyos sa galit na hinarap ng huli ang lalaki.
    "How can you do this to me, Genaro!" sumbat ni Thalia matapos hindi makapagpigil at sinampal ang asawa.
    "Look, you've got it all wrong, Thalia. Wala kaming ginagawang masama ni Rebecca."
    "Liar! Kahit kailan, hindi na ako maninowala sa iyo. You married me, para ano? Para lamang saktan? You're so unfair! Hindi ka pinilit ng papa na pakasalan ako. You should've married that woman instead!"
    Calm down, Thalia... makinig ka muna sa akin before you jump into conclusion."
    "No! Hindi na ako makikinig sa iyo, Genaro. Hindi na kailanman!"
    Pagkasabi niyon ay patakbong lumabas ng opisina si Thalia, diretso sa kinapaparadahan ng sasakyan.
    Hinabol ni Genaro ang asawa ngunit ang usok na lamang na nilikha ng papalayong kotse nito ang naabutan niya.

INIHINTO ni Thalia ang sasakyan sa gilid ng kalsada upang paghupain ang emosyon. Nanlalabo ang kanyang paningin sa luhang nagpahilam sa kanyang mga mata.
    Genaro was cheating on her all along. At sa naabutan niyang tagpo sa opisina nito ay hindi na siya nagtataka kung bakit hindi man lang tumutol ang lalaki ng alukin ito ng kanyang papa na pakasalan siya. Pera lang ang habol nito. At bakit nga naman nito pakakasalan ang isang hamak na seckretarya kung maaari namang gawing kerida?
    Damn you, Genaro!  I won't let you get away with this! nagngingitngit na sabi niya sa sarili. Hindi siya makapapayag na lokohin siya ng lalaki.
    Pinunasan ni Thalia ang luha sa mga mata at kinalamay ang kalooban. Pinaandar na muli ang sasakyan. Hindi niya kailangan mag mukmok at magpatalo. Hindi ang isang tulad lamang ng Rebecca na iyon ang katapat niya.
    Pagdating sa bahay ay agad siyang sinalubong ni Manang Meding at itinanong kung nais na niyang mananghalian ngunit hindi niya pinansin ang matanda. Deretso siya sa kanyang kuwarto at doon pinakawalan ang galit. Bawat mahawakan ay inihagis niya. Ilang sandali lamang at animo dinaanan ng ipu-ipo ang loob ng kuwarto.
   

Continue Reading

You'll Also Like

105K 3.4K 27
Charlotte Del Fuego , the Governor's only daughter who's living her life to the fullest, literally young, wild and free.The untameable queen. What...
1.7M 35.9K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
320K 9K 36
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...