Del Rico Triplets #1: Bound B...

By nefeliday

1.6M 29.1K 3.8K

Hollis, who was raised as an adopted child to conceal her true identity as an illegitimate one, hoped for fre... More

Bound By Duty
DISCLAIMER (MUST READ!)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas 1
Wakas
The Second
Hollis
Hillary Ophelia
Crashing Into You (Chapter 1 on wattpad!)
Adelio Lucian/Chaos

Kabanata 10

40.7K 722 98
By nefeliday

No connection

When I woke up, wala na si Tross sa tabi ko, but like what he said, iniayos nga niya ako sa higaan. He even prepared breakfast with a sticky note on it. When I was eating alone, the two maids appears and we just had simple introductions. Nagtanong sila sa akin kung ano-ano ba ang mga bagay na gusto ko tulad ng pagkain, routine ng general cleaning na hindi makakasagabal sa akin. They are professionals. Siguro, galing pa sila sa agency.

After I eat my breakfast, I went to our room at nag-ayos ng sarili. I'm not into exercise kaya naman nagtungo na lamang ako sa library para libangin ang sarili. It's ten in the morning when I received a call. Nang tignan ko kung sino 'yon, kumabog ang dibdib ko hindi dahil sa kaba kundi dahil sa panibagong nararamdaman. It should be Tross, tho. Ngayon napalitan and maybe, siya ang nagpalit?

Husband calling.

Nanginginig ang kamay na dinampot ko 'yon at sinagot.

"Hello?" parang tanga kong sagot.

I heard his breathing.

"Did I wake you up?" tanong niya sa kabilang linya.

Lumabi ako kahit 'di niya naman nakikita, napailing din.

"Hindi naman. Kanina pa ako... uh... gising..." kinagat ko ang labi ko.

Is this normal? Maging updated sa isa't-isa? Magtawagan like we're missing each other every second?

I don't know!

"Have you eaten? Do you want anything else? You should tell me what you like as your breakfast," sambit niya na lalo lang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Hindi– I mean, nasarapan ako. Masarap..." naguguluhan kong sagot.

I heard silence on the other line. Kinagat-kagat ko ang aking labi at 'di na alam ang susunod na gagawin. I should ask him right? We're giving this marriage a try and I can see how much effort he is giving me.

"Ikaw ba..." halos malamukos ko ang librong hawak bago nakumpleto ang nais sabihin.

"Kumain ka na ba?"

Hindi katulad ko, mabilis niya akong nabigyan ng sagot.

"I did. At our house..."

May narinig akong boses ng babae at lalaki na mukhang nagtatawanan. Tross became silent for a second before I heard him speak.

"Thank you for coming, Tita, Tito..." aniya sa kabilang linya.

The woman laughed. Ngayon ko lang napansin na medyo matanda na nga ang boses ng babae at lalaki.

"No worries, hijo. Sige at umuwi ka na para makapaghanda naman kayong mag-asawa..." ani noong lalaki.

"Naku, Ashiel. Dapat ay honeymoon niyo na at 'di ka na naaabala but your brother is really a pain in the ass at gumawa ng gulo kahit alam niya namang kakakasal mo. Magpasensya ka na lang ha?"

That's the woman talking. Tross laughed a bit and bid his goodbye before coming back to our conversation.

"We just had a meeting to settle some issue. Tinapos ko so we can have the vacation I promised you," aniya sa kabilang linya.

Naririnig ko na ang pag-aayos ng suit case.

"I'll go home now. Did your parents called you?"

Nangunot ang noo ko.

"Hindi. Bakit? I was actually waiting for Crowell's message..." sagot ko.

Just as I answered, a message appears on my screen. It's from Crowell saying he can't contact me. Knowing what he's about to tell me is important, I told Tross that I need to end the call.

"Okay. Calm down, hmm?" I heard him say before I end the call.

Ako na mismo ang tumawag kay Crowell. Dalawang ring pa lang, nasagot na niya agad.

"Crow, what is it? I'm talking to Tross kaya hindi mo ako ma-contact," paliwanag ko.

Naririnig ko ang mabibigat niyang paghinga.

"Ayusin ninyo ha. Baka hindi magustuhan ni Miss Kelly iyan..." naulinigan kong boses ng mayordoma namin.

Naglaho paunti-unti ang ingay sa paligid.

"Hollis..." sa pagtawag pa lang ng kapatid ko, kinabahan na ako. I don't know why but I feel like something big happened.

And I guess it right.

"You already know about the sister we lost?" naninimbang ang tono ng kaniyang boses at pakiramdam ko, alam ko na ang patutunguan.

They've been searching for her. Hindi natigil ang De Guia kahit pa ilang beses ng sinasabi ng mga imbestigador na nakukuha nila na maaring wala na nga ang bata.

"We lost her the moment Mommy gave birth to us. She's my twin. No one knows where she is. Kinuha siya sa amin kahit hindi pa nasisilayan nila Mommy and we're fraternal so it's really hard to find her..."

Hindi na ako nakaimik. Hinayaan ko lang si Crowell magsalita dahil pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng lupa.

"We found her, Hollis. Dad went home with a girl at my age and she is so innocent. She came from a small orphanage in Bataan. After years of searching and wanting to meet her..." I heard his voice crack.

"I didn't feel anything when our eyes met. There is no connection, Hollis. Sabi nila na kapag kambal, konektado ang nararamdaman but this girl, hindi. Wala akong maramdamang kahit na ano. It's just plain. No brotherly affection. Pero sila Kuya, Daddy at Mommy ay sabik na sabik sa kaniya..."

Hindi ko alam kung nahihimigan ko ba ng tampo ang boses ni Crowell. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Kahit nga kami na half-siblings lang ay may koneksyon sa isa't-isa. We shared the same feelings. Kapag nalulungkot ako, ganoon din siya and vice versa. May kaklase din akong kambal at lagi nilang sinasabi na konektado silang dalawa kaya... kung nagdududa man si Crowell, nauunawaan ko siya.

"I feel betrayed, Hollis and I don't know why. At isa pa, ikaw ang inaalala ko. I feel really mad upon knowing that you will be more neglected because of her," dagdag niya na lalong nagpabigat ng nararamdaman ko.

Ganoon pa man, I did my best to comfort him. Kasi siya ang mas nahihirapan. Ako? Sanay na siguro akong 'di nabibigyan ng pansin. Sanay na hindi nakakatanggap ng pagmamahal sa mga kapatid kong dalawa at sa aking ama. Maybe matatanggap ko rin naman. I need to, para kay Tita Selena na matagal na nawalay sa kaniyang anak, wala akong karapatang magtampo o masaktan. But Crowell... he needs comfort at kahit 'di ako sigurado sa sasabihin, sinabi ko pa rin.

"B-baka naman sa una lang, Crow. Bago pa lang kayo na nagkakilala at... matagal nawalay kaya siguro ganoon..."

I heard him 'tsk' and a stone clashing.

Nasasaktan ako and I don't if it's because I will be totally forgotten or it's because it pains me hearing Crowell's devastating situation. Siya rin talaga ang pinakaapektado rito kaya kailangan isantabi ko ano man ang nararamdaman kong pait dulot ng nasabi niyang pangyayari.

"And you know what made me mad more? Is that Daddy knows about this for a month kaya naman he pushed you to that marriage para kapag dinala niya rito si Kelly, wala ka na. Kesyo buo kami at wala ka..." he said those words with helplessness.

I smiled bitterly. Is it possible that Crowell is blocking his own emotion? He is ignoring the connection between them because he is afraid of hurting me? He is afraid of losing the love he has for me and gave it to his twin?

Nagsimulang magtubig ang mga mata ko at gustong kumawala ng mga hikbi. Nagsisikip ang dibdib ko dahil sa halo-halong nararamdaman. And just when I felt I'm on the bridge of breaking down, pinatay ko ang tawag.

It will only pain him more if he hears me cry. If he finds out that I am devastated like he is.

I drop my phone and use my hand to cover my face. I don't really want to cry but I cannot help it. Of course, my situation is more than worse. Crisosmo, my biological father hates me to the core. He loathes me that he sent me off to marriage just so I won't get on his beloved daughter whom he found after years of searching. The only woman who accepted me might lose her interest in me because she has her daughter now and the only brother who loves me is stopping himself to love his twin because he doesn't want to abandon me.

Lalong akong nag-iiyak nang maramdaman ang pagsakop ng mga bisig sa katawan ko at ang dampi ng mainit na katawan sa akin. Ginusto ko siyang lingunin but he stopped me.

"Just cry, baby. I'll be here..." he murmured.

Somewhat, that made me cry more. Lalong nanikip ang dibdib ko hanggang dumating sa puntong wala ng hangin na pumapasok sa akin. Nagsimulang umikot at magdilim ang aking paningin hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim.

Nagising ako sa tahimik na paligid. Bumungad agad sa akin ang kulay kahoy na ceiling at ang mga ilaw doon. I am still at our house, as I became familiar with my surrounding.

Lumitaw din ang imahe ni Tross sa dulong bahagi ng kama kasama ang isang babaeng sa tingin ko ay kasing tanda lang ni Tita Selena.

Tross went to my side. Dumukwang siya para makalapit sa akin.

"How do you feel?" mababa ang boses niya at kariringgan ng pag-aalala.

Hindi agad ako nakasagot dahil pinakiramdaman ko ang sariling katawan. Mabigat ang pakiramdam ko at may nararamdaman pa ring kaunting sakit sa dibdib. Gayunpaman, minabuti kong isantabi iyon. Nagpumilit akong bumangon. Tross helps me while the woman who looks like a doctor is observing my move.

"A-ayos na ako," wala sa sarili kong sambit.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Tross sa likod ko at marahang paghila sa akin para makasandal sa kaniya.

"You should visit a doctor to confirm it, hijo. Bukas, bago kayo tumuloy sa flight ninyo," pahayag ng babae na ikinakunot ng noo ko.

"Yes, Tita. Thank you again," si Tross na kinuha ang kamay ko at hinaplos.

"I'll go now. May check-ups pa ako."

Nagpaalam ang babae sa amin. Hindi tuluyang nakapagpakilala sa akin dahil nagmamadali din. She is supposed to leave already, nagising lang ako.

"She's Tita Rina, Bjorne's mother," pakilala niya sa babaeng kaaalis lang.

"You faint and I don't know what to do. She said that your heart wasn't able to handle the pain and stress you are dealing with. Ang sabi niya..." tumigil siya dahilan kung bakit sinubukan ko siyang lingunin pero 'di nagtagumpay.

Humigpit ang hawak niya sa aking kamay.

"She conclude that you have a weak heart and we need a doctor's opinion. We have a flight tomorrow... To Hawaii. Do you want to follow her suggestion?"

He is talking about the woman's idea of meeting a doctor before flying to Hawaii. Wala sa sariling kinapa ko ang dibdib. A weak heart. Is that even true? Nagawa ko nga na magtiis sa klase ng pakikitungo ng sarili kong ama sa loob ng ilang taon tapos... sasabihin na may mahina akong puso?

"Baka hindi naman. Nagkakamali lang..." sagot ko sa kaniya.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga. Hindi ako kumilos at lumipad ang isip sa ibang bagay. Maaring nahirapan lamang ako tanggapin ang sitwasyon kanina at sobrang nalulungkot sa mga nalaman.

"Huwag na lang..." pagtanggi ko.

"If that's what you wish," I heard him murmured.

Tumunog ang dalawang magkasunod na message tone sa phone niya. Gamit ang isang kamay, tinignan niya iyon at nag-type. Mayamaya pa, ibinaba na niya iyon sa harap ko.

Nabasa ko kaagad ang mensaheng naroon.

Fr: Crosson D.G

Mommy wants Hollis here tonight.

Fr. Crosson D.G

She wants Hollis to be a part of the welcoming party of Ciara.

I also read Tross's reply. Sinabi lang nito na tatanungin ako. Pumikit ako nang mariin. The truth is I don't want to come. Sinong gugustuhin makita ang mga magaganap mamaya? But seeing Tita Selena's face, a bright smile and a tearful eyes full of longing. Noon, kapag nakatingin siya sa akin ay puro pananabik ang nakikita ko sa mata niya.

Tita Selena keeps on thanking me for coming to her life dahil ako raw ang naging sandigan niya nang halos mawala siya sa katinuan dahil sa pagkawala ng isa niyang anak. She dreamed of having a daughter ngunit binawi daw agad. That's why even if she hates her husband's affair, she cannot stop herself from loving me.

"P-pumunta tayo..." matapang na sambit ko.

Hindi maaring ipahalata ko sa kanila na magiging sobrang apektado ako. I need to show them that I am fine.

"Are you sure? I can tell your brother that you aren't feeling well..." pangungumbinsi niya. Umiling ako.

"I need to. Pagtanaw ng utang na loob ay gagawin ko, Tross. Tita wants me there and I also want to comfort Crowell."

Umahon ako mula sa pagkakasandal sa kaniya.

"Anong oras daw ba?"

Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko para pigilan lang ang boses sa panginginig. I am trying my best to be okay. To act like I am okay. Kung iiyak ako ulit, baka mawalan na naman ako ng malay.

Sinubukan kong kumilos. Nararamdaman kong nakasunod lang siya ng tingin sa akin, nananantiya.

"Mag-a-alas sinco na..." pahayag ko nang tuluyang makatayo.

Bumuntong-hininga siya at tumango.

"It will start at seven. It's just your relatives and close family friends..." aniya at tumayo na rin.

He made me eat first before he let me take a bath. Matapos kong maligo, siya naman ang sumunod. Hindi ko alam kung bakit sa mga oras na 'to, hindi ako makaramdam ng pagkailang sa kaniya. Maybe I am too focus on what will happen tonight?

Continue Reading

You'll Also Like

816K 8.8K 19
Chaleesi Barbara Saldivar is a damsel in distress and a family oriented who grew up in a poor family, left her hometown at a very young age and worke...
931 81 18
[COMPLETED] ยป Teen Fiction/ Romance Maire Nicolette, the senior high school girl who likes their campus' heartthrob, so much. At may isang taong naka...
20.8K 850 63
Giuliani Almendras lives a seemingly perfect life. A life where you couldn't ask for more. A life that everyone wants to have - a pretty face, a comp...
966K 17.1K 29
โ•ฐโ”ˆโžค๐“’๐“ธ๐“ถ๐“น๐“ต๐“ฎ๐“ฝ๐“ฎ๐“ญ (UNDER MAJOR REVISION) Is it worth chasing her back? ๐ƒ๐š๐ญ๐ž ๐ฌ๐ญ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐: ๐Œ๐š๐ฒ ๐ŸŽ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ ๐ƒ๐š๐ญ๐ž ๐ž๐ง๐๐ž๐: ๐Œ๐š๏ฟฝ...