Wild Heart (Eastwood Universi...

By waurdltsj

396K 11.9K 2.2K

Eastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical... More

Wild Heart
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note
Special Chapter - Sidra's

Chapter 11

7.9K 278 71
By waurdltsj

"Bente daw para sa fund." 

"Pwedeng umupo muna? Pwede ba?" 

Napairap ako at nilagay ang bag sa upuan ko. Kakarating ko pa lang at ang unang bumungad sa aking mukha ay ang mukha ng treasurer namin na si Simon, na hawak ang listahan siguro ng hindi pa bayad habang nakalahad ang kamay sa akin. 

Dapat nga ay wala nang ganiyan dahil school anniversary naman ngayon. Ampota, nandito lang naman ako sa university para sa attendance tapos sisingilin pa ako!

"Hoy, bente na!" 

"Eto na nga! Kukunin ko pa wallet ko, tangina!" Inis kong usal bago padabog na kinuha ang wallet sa bag.

Kainis! Agang aga, naniningil! Kung bakit naman kasi may class fund pa e mayaman naman 'tong university na 'to.

"O ayan! Lubayan mo na ako at baka ihampas ko sa 'yo 'tong reviewer ko. Kainis!" asar kong taboy dito na agad niya naman ginawa. Ako'y naalibadbaran na rin sa mukha niya.

Maya maya ay nilibot ko sa buong classroom ang aking tingin at, "Hoy! Nasaan ang attendance at nang makauwi na!" Lahat sila ay napatingin sa akin. Nakita ko naman kay Liam 'yung yellow pad kaya tinawag ko ito.

"Liam! Parine at nang ako'y makauwi na! Ako'y naaalibadbaran sa mukha ni Simon!" Inis na sabi ko habang kamot ang ulo. Natawa naman sila sa aking sinabi habang si Simon ay napabusangot na lang. 

"Parang gusto ko naman kayo singilin e nautusan lang naman ako," angal nito kaya napa-oohh yung iba sa amin. Napailing ako at lalo lamang napasimangot. 

"Sus!" Singit ni Claire, "Nakita ko nga kayo ni Pres na nakain ng isaw kahapon habang hawak 'yung wallet ng class fund!" 

Talaga namang nanlaki ang aking mata sa narinig bago matawa nang nagsimula na naman silang magbangayan. Sobrang ingay na naman ng classroom namin kaya pati ang napapadaan na mga estudyante sa hallway ay napapabaling ng tingin sa aming classroom sa sobrang ingay. 

"Ayan ha! Ginagamit niyo pa ang class fund para sa date niyo e, 'no?

Nagtigil lang ng makarinig kami ng katok sa pintuan ng classroom. Napatingin kami doon ng makita ang isang hindi namin kilala na student na nandoon. Tingin ko lang Business Major 'tong student kasi naka-green siya ngayon. Sabi kasi sa amin na magsuot ng damit that will represent our course kaya naka-red kami ngayon.

"Is this 1A?" tumango kami at pinalapit 'yung pres namin sa kaniya.

"Ms. Ferrucci instructed you guys to go at the field. Pila na lang daw po ng maayos and Ms. Presi!" Tawag nito sa class President namin, "Pakibilang daw po muna bago lumabas ng room. Make sure you bring everything that is important daw. Thank you!" Pagkasabi non ay umalis na siya. 

"Halika na, Dione, dalhin daw mga importante e," sabat ni Luke habang namumula ang mukha na lumalapit sa akin. Narinig ko naman ang mga pang aasar nila.

Pairap na binalingan ko ito, "Ako'y layu-layuan mo, ha! Agang aga banat ka ng banat! E kung banatan kita?" Sabi ko at aambahan na sana siya ng sapok nang pigilan na kami ng isa namin kaklase.

"Tama na 'yan! Tara na," awat nito bago naunang lumabas ng classroom. Sinamaan ko muna sila ng tingin bago sumunod para lumabas na.  

Nakarating kami sa field, na ngayon ay marami nang estudyanteng nakapila. 'Nak ng pocha! Lakas din nila e. Kung saan mainit, doon papapilahin ang mga estudyante, talaga naman.

Maya maya ay nakarinig kami ng tilian ng mga estudyante sa bandang kanan. 'Di na ako nag atubili na tingnan iyon dahil for sure wala naman kwenta 'yon. Ang hinahanap ko ngayon ay si Adira na nasa backstage ata. Ngayon 'yung performance niya kaya nandoon siya ngayon.

Suddenly, naramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone sa suot na trousers. 

It's Sidra.

Sidra Exie Tuazon
Looking for me?

Napairap ako sa kawalan bago ko ito reply-an.

Dione Chavez
Hinahanap ko ang pinsan mo, assumera ka.

Hindi ko na hinintay ang reply nito at siya na nga ang hinanap. Tumingin ako sa likod at nakita na nga ito doon na nakapila din habang nakatingin sa cellphone ng magkasalubong ang kilay at bahagyang nakanguso. 

Hindi ko mapigilan na matawa sa nakita bago iiwas ang tingin sa kaniya bago pa niya makita. 

She really looks cute tuwing ngunguso siya. Para siyang bata na hindi nabigyan ng gusto habang ang pisngi ay nakalobo. Ang sarap pisilin, feel ko sobrang lambot non sa aking kamay.

Dahil sa naisip ay napangiti ako at bumaling ulit sa kaniya pero agad din napawi iyon ng makita na may kausap na itong babae habang nakangiti. 

This is the first time na makita ang pagkakalawak ng kaniyang ngiti while talking to someone kaya napabaling ako sa babae. Her physique seems familiar to me kaya napaisip muna ako bago maalala na ito 'yung nakabanggaan ko sa parking lot nung naghihintay ako kay Sidra. 

'Yung naghahanap sa building ng medicine that time. Ahh.

Hindi ko maiwasan na pagmasdan si Samantha. She looks pretty in her white tight dress na makikita talaga ang hubog ng katawan kahit na nakasuot na ito ng lab coat katulad nila Ate Sid. She is smiling gracefully while talking to her and people can't help but admire her while doing that. She's like a walking angel kasi.

Insecurity starts to consume my whole being when I stare at them for a long time. They look good together with kung pagmamasdan. Ate Sid would look better with Samantha, if ever. 

Para naman dinudurog ang puso ko habang iniisip 'yon bago ipilig ang ulo.

"Hoy, Dione! Start na, kanina ka pa tulala!" Pukaw sa akin ni Claire kaya tarantang umangat ang aking tingin sa pwesto nila Ate Sid bago tumingin sa harap.

She is also looking at me with a creased forehead, wondering why am I acting weird, probably. Napakagat ako ng labi ng mapagtanto na nakatingin na din pala ito sa akin.

Tanga, Dione.

As usual sa mga ganitong events, magsasalita ang dean and some professors na kilala, kasama na ang bebe ni Adira which is mukhang bad mood na naman dahil sa itsura nitong poker face habang magkakrus ang mga braso.

Nandito na kami ngayon sa gilid ng field kung saan maraming puno. Mabibilad kasi talaga kami sa araw kung nasa gitna kami ng field. 

Hanggang sa umabot na kami ng hapon dito at sila Adira na ang tutugtog. Hindi ko naman mapigilan na ngumiti nang makita ang kaibigan ko doon na kinakabahan na nakatingin sa crowd. She's biting her lower lip at bahagyang natataranta. 

Natawa ako sa aking isipan bago sikuhin si Ma'am na katabi ko lang. Pumunta kasi ito sa aming pwesto after niya magsalita kanina sa harap.

"Hoy, Ma'am!" Kunot noo na bumaling ito sa akin, "Ganda ni Adira, 'no?" Pang aasar ko dito.

Nakita ko kung paano lumunok muna ito bago tumingin kay Adira habang namumula ang mukha, "Y-yeah. She's g-gorgeous." 

Sus!

Napahagikhik ako sa sinabi nito at malawak ang ngiti na tumingin na sa harap. Ang saya kiligin sa love life ng iba!

"She's not talking to me, though," malungkot na saad nito habang nakatingin kay Adira with her longing stare.

Napalingon ako sa kaniya, "Bakit, Ma'am?"

Ngumiti siya ng mapait, "She did something to me that she regret. It hurts me." 

Blangko lang itong nakatingin sa stage pero makikita mo ang lungkot sa mata nito. Naawa naman ako sa itsura nito kaya tinapik-tapik ko ang balikat niya.

"Pasensya na diyan sa kaibigan ko, Ma'am," hingi ko ng paumanhin dito on behalf of my friend, "Tanga kasi 'yan minsan e," Kamot sa ulo kong saad. 

Ms. Ferrucci glared at me, "She's not stupid." 

Inis na sambit nito sa akin kaya napamaang ako, "Luh?"

Inirapan lang ako nito at hindi na muling pinansin. Napanguso ako. 

Sungit.

Maya maya ay may naramdaman akong hawak sa aking balikat kaya napatalon ako sa gulat bago bumaling sa may gawa non. Nanlalaki ang mata na tumingin ako kay Soleil bago mapapikit sa inis. 

Soleil laughed and that's when I hit her shoulder. She groaned but eventually laughed again.

"Tangina mo," mura ko dito kaya lalo siyang natawa ng malakas. 

"Your mouth, Tuazon," sabay na banggit ng SSC President at ni Miss Ferrucci. Nagkatinginan pa sila bago tumingin na muli sa harap.

"Luh? 'Di naman ako nagmura," si Soleil bago muling ibalik sa akin ang atensyon, "Hanap ka na nga pala ni honeybunchsugarplumputobungbong mo," saad nito bago humagikhik. 

Ano daw?

"A-Ano?" I asked, flabbergasted with what she has said. Pinagsasabi nito?

"Ang sabi ko, hanap ka na ni Sidra! Ayon o," sabay turo sa kung saan kaya napatingin muna ako kung nasaan iyon bago ito muling hampasin sa braso.

"Si Ate Sid lang pala, ang dami mong sinasabi!" Inis kong sabi at napakamot sa ulo sa inis.

"Aray!-- hanap ka na nga kanina pa!" Inis na rin na baling nito sa kapatid na ngayon ay papalapit na sa amin. Napaayos ako ng postura bago humarap na sa stage.

I don't really want to talk to her. Tsk.

Akmang magsasalita na sana ito noong makarating sa aming pwesto pero naudlot dahil sa pagsigaw ng mga estudyante nang lumabas na sila Adira galing backstage. Doon ko itinuon ang aking atensyon at hindi pinansin ang babae na nakatitig sa akin.

"Pinsan ko 'yan!" Sigaw ni Soleil kaya muntik na ako bumulanghit ng tawa sa narinig. Napayuko naman ang iba kong kasama sa kahihiyan.

Soleil looked at us, "What?" Nakangiti nitong sambit at nakangiting tumingin sa stage. Napagawi naman ang aking tingin kay Ate Sid pero agad din iniwas ng makita na nakatitig na ito sa akin. 

Ano ba?

"Akin na lang pinsan mo!" Sigaw ng kung sino kaya nanlalaki ang mata na bumaling ako kay Miss. Gago.

"What the..." mahinang usal ni Miss Ferrucci at pilit na hinahanap ang nagsabi noon habang magkasalubong ang kilay.

Natatawang napailing lang si Soleil bago umiling at sinabing, "Bawal! May magagalit!" Natawa na lamang ang mga tao sa sigawan nila kaya 'di ko na rin mapigilan na matawa sa mga naririnig.

"Dione, hey," rinig kong tawag nito pero 'di ko siya pinansin at pinanood na sila Adira dahil nagsisimula na.

Ikaw lang mahal
Laman ng tula
Tunog ng gitara't
Himig ng kanta

Kumupas man ang tinig
Ay hindi mawawala
Hiwaga mong dala

Ikaw aking musika

Pinanood ko kung paano ipikit ni Adira ang kaniyang mata matapos na ibigkas ang unang verse ng kanta. Narinig ko rin naman ang pagtili ng mga tao ng marinig ang pagkanta ni Adira kaya napangiti na rin ako.

Hindi naman kasi talaga maipagkakaila na napakaganda ng boses ng babaeng 'to. Ayaw lang talaga maipakita sa lahat. Ewan ko ba diyan.

"Wow," usal ng aking katabi habang ang mata ay namamanghang pinapanood si Adira. Napangisi ako.

Inlab si anteh.

Maya maya lang din ay nakaramdam ako ng hawak sa aking braso kaya nanlalaki ang mata na tumingin ako sa may gawa noon.

Ate Sid gave me a small smile before grabbing me closer to her body, "I was calling you kanina pa but you're not looking at me," and gave me a soft smile. 

Alanganin akong ngumiti, "I was watching Adira, sorry." 

Her smile fell, "What's wrong?"

"What?"

Pinagkatitigan niya muna ako bago ngumiti at umiling, "Nothing. Let's just watch Adira," saad nito at bumaling na sa stage. Naramdaman ko naman ang paglapat ng kamay nito sa aking lower back kaya napapilig ako ng ulo.

After seeing her smiling with Samantha, why am I suddenly feeling like this? 

Is it because they really look good together and suit each other so well? Or other reasons?

I don't know.

Hanggang sa matapos ang performance nila Adira ay wala ako sa sarili. Hindi ko na rin kasama sila Soleil dahil bumalik na sila sa kani-kanilang building para umuwi. 

Habang pabalik na kami sa aming classroom ay napatigil kami ng makarinig kami ng tili sa kung saan. Napunta doon ang tingin namin at nakita ang mga college students na may pinagkakaguluhan. 

Napakunot ang aking noo at hinanap si Ate Sid. It's full of students wearing a lab coat kaya tingin ko ay nandito rin si Ate Sid. 

"There's a wedding booth here? How come...?" Usal ni Claire at nakikitingin din sa nagkakagulo. 

Hindi na lang din ako nakihalubilo ng makita ko si Adira na nagmamadali na pumunta sa aming building. Tatawagin ko na sana siya when Claire yell something that caught my attention. 

"Oh, my God! It's Ate Sidra and the new girl!"

Mabilis pa sa alas kwatro na napabaling ang aking tingin sa kung nasaan sila and that's when I saw her, looking grumpily at her blockmates with Samantha, clinging into her arms.

I unknowingly curled my fingers to ease the things that I'm feeling while seeing the scene in front of me.

"Stop this nonsense now---" she stops when she spots me, "Dione..." she mumbled when she saw me. 

She quickly removes Samantha's hold on her before running towards me.

Tiningnan ko lang naman ito sa mata. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon; it's either kikiligin dahil una niya akong pinuntahan o maiinis dahil don sa nakita ko.

"Uuwi ka na?" tanong nito. Alanganin naman akong tumango bago mapatingin sa mga blockmates niya na naguguluhan nang nakatingin sa amin, "Sabay na tayo?" 

Bumalik ang tingin ko dito bago tumango. She smiled before nodding her head also, "Okay, I'll just get my things and we're good to go," ngiti nito at aalis na sana nang mukhang may sasabihin na naman ito, "You'll gonna wait here or---"

"I'll meet you at the parking lot." 

My voice didn't came out normal like it used to. Hindi ko alam kung bakit sobrang lamig nang pagkakasabi ko noon, pati ako'y nagulat. 

Her eyes became shocked before nodding her head, hesitantly, "H-Huh? O-Okay, then," sabi nito at unti-unting tumalikod na sa akin para pumunta na ng building nila. 

Tumalikod na ako at hindi pinansin ang mga titig ng mga nakakita ng encounter namin ni Ate Sid at dumiretso na ng classroom para kunin ang mga gamit sa room.

After makuha ang mga gamit ay dumiretso na ako sa parking lot. Nakita ko naman kaagad doon si Ate Sid na nakaupong nakatayo sa motor niya at bago napatayo ng ayos ng makita akong papalapit sa kaniya.

Hindi ko alam kung ngingiti siya o ano habang papalapit ako kaya natawa ako sa aking isipan.

"Before we go, I just want to clarify something," nagpalabas ito ng hangin sa bibig tila doon nilalabas ang kaba na nararamdaman, "Me and Samantha are just friends."

Tiningnan ko lang ito ng blangko kaya lumapit ito sa akin ng maingat at unti-unting umangat ang kamay nito para hawakan ang dalawa kong braso. 

She sighed, "I didn't know there's a wedding booth and---"

"You guys look good together." I gave her a fake smile... or so I think.

Her brows met with that statement, "What?" She said in utter disbelief, "No, we don't." Maang nito, not liking what I just said. 

"Yes," ngumiti ako ng matamlay, "In fact, I think you will both suit each other if you guys---"

"Stop."

Napatigil ako sa pagsasalita nang banggitin niya iyon sa malamig na tono. Sapo na nito ang noo at frustration can be seen all over her face.

"Where is all of this coming from?" She said, clearly confused but also frustrated. 

"Ano? Sinasabi ko lang na mas better kung magkagusto ka na lang kay Samantha rather than me because she have the standards that you're looking for and you guys suits each other---"

"I don't care e ikaw nga 'yung gusto ko." Nanlalaki ang mata na saad nito bago mapahilamos ng mukha. She took a deep breath before taking a few steps forward towards me. 

"Listen, hmm?" She smiled at me, softly. Napatungo ako, "Believe me when I said I like you and only you, Dione." 

Napanguso ako para pigilan ang ngiti, "You rarely smile but when you're---"

"I only learned how to smile when I saw you, watching you--- helping that kid that day. I didn't know that my lips could lift upwards not until that day that I saw you." 

Napatitig na ako sa mata nitong halata ang sobrang saya habang sinasabi iyon sa akin. Hindi ko na lang din namalayan na nakangiti na rin pala ako dito. 

"So, honey," kinabig nito ang aking batok para mapalapit ang labi sa aking noo, "Stop making excuses because I... will never stop until I get that 'yes' of yours," she mumbled with her lips on my forehead.

Napakunot ang aking noo, "Anong yes?"

Tinanggal nito ang hawak sa aking batok kaya ngayon ay sobra na ang pagkakalapit ng aming mukha.

"Let me court you." 


















"So, nililigawan ka ng aking kapatid, ha!" Bungad sa akin ni Soleil nang makita ako sa harap lang ng building ng aking condominium. Napakunot ang aking noo.

"Bakit kasama 'yan?" Tanong ko kay Ate Sid pero nagkibit balikat lang siya at kinuha ang aking bag.

"Aba't-- hoy! Pinsan ko si Adira, kaibigan ka lang!" Dinuro pa ako nito at umarte na parang nasasaktan.

Napairap ako, "Nagtanong lang ako kung bakit ka kasama. Ang arte nito," sabi ko na lang at nauna na maglakad papunta sa kotse nila. Ewan ko kung kanino 'yan.

"Ako sa passenger seat."

Halos sabay na bigkas namin ni Soleil kaya nagkatinginan kami ng bago sabay din na humawak sa door handle.

Narinig din namin ang pag buntong hininga ng isa naming kasama pero hindi namin iyon pinansin at sinamaan lang ng tingin ang isa't isa.

"Ako sa passenger seat," pag uulit ni Soleil sa sinabi niya kanina at namewang. Napairap ako bago namewang din.

"Ako dapat ang nasa passenger seat," ganting sabi ko kaya napasinghal ito bago bumaling sa kapatid at napangiti.

"Then, why can't my lovely sister decide who's going to sit beside her?" Ngising baling nito sa kapatid kaya napabaling din ako kay Sidra, na parang stress na stress kaming pinapanood.

"Do I really need to?" 

"Yes," sabay ulit na banggit namin ni Soleil kaya nagbigayan ulit kami ng sama ng tingin sa isa't isa.

"Fine," buntong hininga nito at bumaling kay Soleil, "Get in." 

I scoffed at Soleil, who is now wearing a cheeky smile. Sinamaan ko ng tingin si Sidra na ngayon ay nakatingin lang ng bored sa kapatid.

"At the back," napatigil si Soleil sa pagbukas ng pinto sa passenger seat at maang tumingin sa kapatid.

"What?"

Inis na napabuntong hininga si Ate Sid, "You're going to sit at the back, Soleil," dagdag nito kaya parang nagbunyag ako sa aking kalooban.

Nasa akin pa rin talaga ang huling halakhak.

Now, it's Soleil's turn to give her sister a glare before climbing up at the back seat. Ngumiti naman ako kay Ate Sid when she opened the car door for me. 

"I can't believe this," Soleil uttered at the back that's why I stifled my laugh, "Why do I have to sit here if I have my own car? Goodness."

"Stop mumbling something there, para kang tanga diyan."

Humagalpak na ako ng tawa ng sabihin na iyon ni Ate Sid bago bumaling kay Soleil na ngayon ay nakabusangot na ang mukha. 

"Natawag pa ngang tanga," tatawa-tawa kong sabi bago tumingin na sa bintana. 

"Psh, let's buy food," anunsyo nito kaya napatingin kami sa kaniya. Tumaas naman ang dalawang kilay nito.

"What? I'm famished, I need to eat," ngusong sambit nito kaya napatango na lang kami.

Papunta kami ngayon sa condo ni Adira. Well, guess what?

Broken si accla.

Joke aside. Ilang araw na siyang hindi makausap ng maayos at minsan ay nakatulala na lang. Hindi rin naman namin matanong dahil hindi niya rin naman sinasagot. Hindi na naman pinilit at hinintay na lang na siya mismo ang nagsabi. 

Tingin ko naman ay tungkol ito sa kanila ni Ms. Ferrucci dahil kung makiusap para makapag usap sila tuwing end of class niya sa amin, it seems desperate. 

Akala ko nga ay sumuko na siya para mag usap sila ni Adira pero ang siste, ako naman ang ginulo aa. Pati si Ate Sid ay nadamay kaya pupunta na kami ngayon doon para tanungin si Adira kung ano talagang nangyayari. 

Nagpupunta naman kami doon every day para makikain lang at samahan lang si Adira pero ngayon ay tatanungin na namin dahil pareho silang hindi nagsasabi kung anong nangyayari, talaga naman.

"Miss ko na siya," biglang usal ni Soleil kaya napailing na lang ako while Ate Sid groaned, probably feeling exhausted.

"Manahimik ka na," mahinang usal nito habang focus sa pagd-drive. Napadako naman ang aking tingin sa kamay nito at napalunok.

Ang haba, mga beh. Gandang kwintas---

Napapilig ako ng ulo at namumulang bumaling na lang ng tingin sa labas. Kung ano ano na lang ang sinasabi ko, aa naman.

Maya maya lang din ay nasa tapat na kami ng condo ni Adira kaya dali dali akong bumaba. Kinuha ko ang bag na binibigay ni Ate Sid at naunang naglakad papunta sa building when I saw Kuya Tyson jogging towards us. 

Right, makikipagkita nga pala siya.

"Ang tagal niyo," reklamo nito at napakamot ng kilay. I heard Soleil snorted with what he said.

"Buti nga nasamahan ka pa e," usal nito at pumunta na ng elevator. Sumunod naman kami ng natatawa kay Kuya Tyson. 

Akmang papasok na ako sa elevator when Ate Sid stops me by grabbing my arm. I looked at her with a creased forehead habang siya ay napakamot lang sa ulo.

She smiles at me, "I forgot to give you my gift. Can you wait for me? I'll just go and get it in the car." 

Napatango na lang ako kahit naguguluhan pa rin. 

"Tangina, malalandi," rinig kong angil ni Soleil sa loob ng elevator kaya pairap na bumaling ako sa kaniya, "Tara na, Tyson at pumunta kay Adira. Agang aga, ang lalandi," at nagsarado na ang elevator.

Pairap na inalis ko ang tingin dito at bumulong, "Bitter, ang pota. 'Di lang gusto ni Astraea e."

Hinintay ko muna sa may lobby si Ate Sid hanggang sa makita ko na itong may dalang paper bag at tumatakbong pumupunta sa akin. 

Nang makarating ay agad niya itong binigay sa akin, "Here."

Kinuha ko iyon at agad na binuklat, "What's this?"

"I bought that dress last month. I was about to give it to you last week but I haven't had the chance to do so 'cause I'm really busy and---"

"Ate Sid, breathe," nakangiti kong sambit kaya huminga naman ito at nahihiyang ngumiti sa akin.

"Sorry," hingi nito ng paumanhin na ikinailing ko lang, "This is my first time courting someone and I don't have an idea what to do." 

"It's okay," I breathed out bago tumingin ulit sa pape bag na hawak, "Why did you buy me this, though?" 

"I'm going to ask you on a date and I want you to wear that." 

Nakanganga lang akong tumingin dito bago mapailing at tumingin ulit dito ng nakanganga.

Date?

Hindi 'yung kung anong araw ngayon but date?! Is she serious?

"Are you serious?"

"Yes," ngiti nito kaya napatango na lang ako at napagtanto na she is really courting me.

Ate Sid is really courting me now and damn!

My heart just can't stop thumping every time I think of it.

Continue Reading

You'll Also Like

167K 9.6K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
251K 5.2K 37
What if you meet the right person but not in the right time? Will you choose to stay or let them go? **** This story was published under Dreame, star...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
233K 5K 21
Ex ko ay isang senador. Pero bakit ganito? May nararamdaman pa ba ako sa kaniya? Hindi ko siya binoto dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Sa maraming...