Religious Environment: Bad Ex...

By Peyyyytttt_82

1.2K 256 280

Bad experiences in a religious environment can affect someone's faith. Sometimes, it may lead to forsaking wh... More

Prologue
Chapter 1: Childhood
Chapter 2: Pocket Bible
Chapter 3: Invitation
Chapter 4: Persecution
Chapter 5: Continue
Chapter 6: Free
Chapter 7: Their Sides
Chapter 8: Judgements
Chapter 9: Bonding
Chapter 10: Obedience
Chapter 11: Relationships
Chapter 12: Christmas
Chapter 13: Past Events
Chapter 14: Senior High
Chapter 15: Hinala
Chapter 16: Hope
Chapter 17: Affected
Chapter 18: Emotional
Chapter 19: The Plan
Chapter 20: Failure
Chapter 21: Confess
Chapter 22: Once Faithful Believers
Chapter 23: The Secret
Chapter 24: The Belief and Respect
Chapter 25: Agnostic Theist
Chapter 27: Religion
Chapter 28: Realization
Chapter 29: The Truth
Chapter 30: After Graduation
Epilogue
Note (Please read)

Chapter 26: Good Memories

18 7 0
By Peyyyytttt_82

26: Good Memories

Nakauwi na 'ko. Magkasama kami ni Shella na naglalaro ng isang online game. Nang mapagod na ang mga mata ko, sinabi ko sa kanya kaya tumigil na me sa paglalaro pero siya tuloy-tuloy pa. Ang kapatid ko naman ay tulog na tulog na. Nahiga na 'ko at nilapag ang cellphone sa tabi ko. Nag-p'westo na 'ko para matulog. Tumingin ako sa kisame at parang may mga ala-ala akong nais balikan.

Naalala ko bigla ang mga panahon na theist pa 'ko. Masaya naman ang naging karanasan ko lalo na sa mga fellowship, sa church natutulog, at mga youth camp. Ang saya-saya ko pa kumanta at sumayaw para sa Lord noon pero natawa ako habang i-ni-imagine ang sarili na parang ewan habang nag-pe-praise at worship, lalo na sa mga youth camp. Sobrang busy ko talaga noon at nawawalan ng time sa family. Grabe kasi sila mag-guilt trip sa church. Hindi ko pa alam that time na sobra na pala ang nalalaan kong time sa church. Sobra pa 'kong na-in love kuno sa God. Muntik ko pang idamay ang family ko sa kalokohan ko. Nasira lang talaga ang lahat dahil sa pag-aano ng ibang church leaders sa 'kin.

"Anak, huwag mo kaming idamay sa kalokohan na 'yan. Religion pa rin 'yan, nagnenegosyo."

"Vienna, alam mo naman na kahit ano'ng gawin mo, hindi kami sasama."

"Puno lang ang church ng mga hypocrite na tao."

Nalulugmok pa 'ko dahil sa pagtanggi nila sa invite ko at iniisip ko pa na under persecution ako-- ibig sabihin eh, totoong taga-sunod ni Kristo pero buti na lang talaga, hindi sila nagpadala sa 'kin. Ang palad ko talaga dahil sila ang pamilya ko. Akala ko kasi, nang natagpuan ko ang religion ay napapa-secure nito ang eternal life ko, 'yon pala sisirain ang kasalukuyan kong buhay. Vulnerable kasi ako nang time na na-doctrine kaya hindi ko ni-question at talagang nakikinig lang ako sa sinasabi nila.

"Magiging Christian ka kapag may ibang nagbabasa ng Bible para sa 'yo pero kapag by understanding mo babasahin, maaaring maging daan para maging atheist ka. Iyan ang nangyari sa 'min ng Nanay mo, Vienna."

Tama pala sila dito. Binasa ko ang Bible by my understanding. Maliban sa mga contradiction inside the bible, nalaman ko pa na ang baba ng tingin ng bible sa mga babae.

Kasalanan ba ni Eve na may bawal na kainin at may ahas do'n sa garden of Eden?

Kung ako ang parent at nakapaglagay ng delikadong gamit na malapit sa anak ko at napahamak siya by that, wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko at hindi ang anak ko.

Hindi ko pinapansin ang contradictions sa Bible nang believer pa 'ko. Iniisip ko lang kasi at that time na dahil Diyos Siya, He can do anything He wants, He has plans behind what happens, and everything has a reason. Inaamin ko na ang ganda ng character ni Jesus Christ, pero Christian faith doesn't make sense to me anymore. Sa old testament kasi, 'yong Diyos ng Israel ay parang batang may tantrums. Binibili ang forgiveness by blood at umabot sa puntong si Jesus Christ ang naging kabayaran.

Hindi ba kayang magpatawad na walang dugong involve?

Tinigil ko na ang pag-iisip dito dahil baka ma-stress lang ako. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko pero may narinig akong tunog ng messenger. Hindi ko pala napatay ang Wi-Fi. Baka importante kaya bumangon ako at kinuha ang phone sa tabi ko.

Melanie: Vienna, I know it's too late in the evening, pero gusto lang kitang pasalamatan. Alam ko rin na ang dami kong kasalanan sa 'yo dahil sa mga pinagsasabi ko na nadala lang ako ng emosyon and pride. I'm really sorry.

Magpasalamat... For what?

Nakakagulat lang dahil hindi ko man nakita kahit kailan na nagpakumbaba si Ate Melanie. Ang mahalaga kasi sa kanya ay ang image niya sa church. She never says sorry. Sobrang righteous ng tingin niya sa sarili.

Vienna: ...

Nag-ta-type pa lang ako at typing din siya. Hindi ko alam ang sasabihin dahil speechless ako. Hindi ko alam pero iniisip kong may kinalaman 'to sa sinabi ko sa kanila about hell.

Vienna: Ate Melanie, para saan po? And by the way, matagal na kitang pinatawad.

Typing pa rin siya kahit ka-se-send ko lang nito. Hindi na 'ko nagtatanim ng sama ng loob sa kanila dahil nang ginawa ko 'yan, hindi ako naging masaya. Sa halip na sila ang magdusa sa kasalanan nila sa 'kin, ako ang nagdudusa kaya pinili kong magpatawad. Hindi sila naka-block sa FB ko.

Melanie: Feeling ko kasi, ako ang isa sa mga reason bakit ka tumalikod sa Diyos. Kung hindi man ako, ang experiences mo in our church ang naging daan para aralin mo ang atheism.

Melanie: Ang laki ng pananagutan ko sa Diyos sa soul mo. Ako ang nagtulak papaalis sa 'yo sa church dahil sa pamamahiya at mga masasakit na salitang sinabi ko sa 'yo.

Sunod-sunod 'yong chats niya kaya binabasa ko muna.

Melanie: Gusto ko magpasalamat dahil sa sinabi mo last time. 'Yong takot lang kami sa hell kaya lang kami sumusunod.

Melanie: Marami akong na-realize do'n. Starting at this time, I will serve God because I love Him not because I am afraid of hell. Mas iba kasi sa feeling na ginagawa ko ang isang bagay out of love at hindi sa takot.

Melanie: Salamat din dahil pinatawad mo na 'ko. It really means a lot. I still love you with the love of the Lord.

Melanie: Gustong-gusto ulit kitang i-invite sa church pero naalala ko 'yong sinabi mong atheist ka na. Akala ko, si satan ang sinasamba kapag atheist pero, isang maling akala pala 'yon.

Melanie: Nag-research ako nang mabuti about atheism para malaman ko paano kita madadala ulit sa Diyos kasi I feel guilty na ako ang dahilan kaya ka umalis.

Ang dami niyang chats. Hindi ko mawari kung ano'ng mararamdaman ko, kung masaya dahil nagbago siya o ma-a-amaze dahil nag-research siya about atheism. Kahit na nagkasala siya sa 'kin, ayo'ko naman na nabubuhay siya sa guilt sa 'kin. Sapat na 'yong ni-admit niya ang pagkakamali niya.

Typing pa rin siya pero siningitan ko.

Vienna: Ate, huwag mong parusahan ang sarili by your guilt. Okay na sa 'kin. Hindi naman ikaw ang main reason bakit ako umalis... Umalis ako dala ng emosyon ko mula sa experiences ko within the church. Naging atheist ako dahil sa pagsasaliksik ko at pag-aral sa Bible.

Vienna: Huwag mo na 'kong i-invite, ate. I'm happy na concern ka sa 'kin pero I will kindly reject your invitation.

Tumigil siya mag-type nang makita na may chats ako.

Vienna: Alam mo ate, mas masaya ako nang naging atheist ako. Feeling ko, nakalaya ako sa mga maraming pinapagawa ng religion, sa pag-gaslight, sa pag-guilt trip, at nagkaroon ng maraming oras sa family.

Melanie: Kung iyan ang desisyon mo, irerespeto ko naman. Maraming salamat dahil sa kabila ng lahat, you still choose to rebuke me na hindi mo tinuturing as rebuke kundi out of your concern.

Melanie: Thank you for teaching me a lesson. Ang dati kong di-ni-disciple ay may ituturo pala sa 'kin.

Melanie: I'm really sorry na naranasan mo ang mga bagay na 'yan sa church. Hindi ka sana naging atheist kung 'di mo 'to naranasan. Ipapangako ko talaga sa 'yo na ako ang sasaway sa lahat ng gagawa ng bagay kagaya or related ng naranasan mo kahit maging kapalit pa no'n ay mawalan ako ng position sa church, sabihan ako ng kung anu-ano'ng mga accusation or paalisin sa church.

Melanie: At least, ginawa ko ang tama sa paningin ng Diyos. Hindi sila ang pi-ni-please ko, kundi ang Diyos. Kung paalisin man nila ako sa church, naniniwala ako na meron at merong church of God na tatanggap sa 'kin.

Melanie: Meron kasing tsismis sa church na dating may position at work sa church, sinabihan siyang atheist at may rebellious spirit dahil lang sa nagtanong siya saang part ng bible ang pinagsasabi nila. Hindi yata nila alam ang ibig sabihin ng atheist.

Naiiyak naman ako kay Ate Melanie. Hindi ko akalain na 'yong simpleng sinabi ko ay matatauhan siya.

Vienna: I will be happy ate by what you'll do. Ayo'ko maranasan ng iba ang naranasan ko ro'n. Salamat ate by being instrument for it. May good memories naman ako with the church pero 'yon nga, na-realize ko na God is not real.

Vienna: Good night ate. Matutulog na po ako. Mag-ingat ka po lagi.

I-lo-lock ko na ang phone pagkapatay ng WiFi-- "Akala ko ba, pagod na mga mata mo? Sino'ng ka-chat mo? Yie! Si Kuya Ysmael ba?" Nagulat pa 'ko kay Shella na nakaupo sa tabi ko. Tumitingin pa siya sa phone ko. "Sino si Melanie?"

Napahawak pa 'ko sa dibdib dahil sa gulat. Nag-sorry siya. Sinagot ko na ang tanong niya. "Dati kong spiritual leader."

Nagtaka siya nang marinig 'yon. "Pagkakaalam ko ate, wala na kayong communication ng dati mong mga ka-church maliban kay Ate Natalie. Sabi mo rin dati na hindi sila nakikipag-communicate sa mga backslider at may ibang within church lang ang friendship."

"Hindi lang ikaw ang nagulat. Nagtataka nga ako sa galawan niya pero dahil nagpapakumbaba siya, sino ako para hindi siya pansinin 'di ba?"

"Sabagay, atheist tayo at hindi masamang tao."

Ni-k'wento ko ang mga sinabi sa 'kin ni Ate Melanie. Kung anu-ano na ang pinag-uusapan namin hanggang sa natulog na kami.

Dolores

"Masarap ba?" tanong ni Ate Mariam sa kinakain namin dito sa isang restaurant. Gusto ko kasi siyang kausapin pero naisip niyang kumain na lang kami sa labas. I feel guilty dahil naglilihim ako sa kanya.

"O-Oo naman, ate. Salamat po sa treat," sagot ko sa kanya habang sumusubo ng pagkain.

"Wala 'yon. Minsan lang naman," sambit niya sa 'kin. "Nakikipag-bonding din naman ako sa iba kong disciples."

Hindi na 'ko sumagot. Ni-enjoy ko muna ang libreng pagkain. Iba kasi talaga kapag libre-- mas sumasarap ang pagkain. Hindi ko maintindihan bakit gano'n.

"Ano ang gusto mong pag-usapan natin? I'm willing to listen and understand you." I feel relief pagkasabi niya no'n.

Ngumiti ako sa kanya. "Sa totoo lang, ang hirap sabihin nito. Feeling ko kasi, huhusgahan lang ako at sasabihang demonyo."

"N-No. Hindi kita sasabihang demonyo kahit na umamin ka pa sa 'kin na may mortal sin kang nagawa," mabilis niyang sambit. "You're still a child of God whatever happens. May consequences nga lang ang kasalanan."

"Ate, ano kasi... I am starting to doubt God's existence," pag-amin ko sa kanya na kinagulat niya. "Feeling ko, wala naman Siyang ginagawa-- nanonood lang sa 'tin. Or baka naman, He doesn't exist in the first place kaya walang nangyayari."

Tahimik saglit si ate dahil sa sinabi ko. "Salamat sa pagiging honest mo sa 'kin at sa matinding tiwala na binigay mo sa 'kin. Kapag ang doubts ay pinapalayo ka na sa Diyos, ang pinakamainam na gawin ay mas lalo kang lumapit sa Diyos. Kung 'di mo na feel na magbasa ng Bible at mag-pray, ipagpatuloy mong gawin kahit hindi mo feel-- kahit na nandiyan pa ang doubts mo. Still worship God no matter what. Dagdagan mo pa ang oras mo for Him."

"Pero ate, it's about His existence..." Feeling ko, hindi ako na-gets ni ate.

"Pagtitiwala na totoo Siya-- 'yon ang ginagawa ko kapag nag-da-doubt ako. May time rin in my life na naisip ko na baka hindi totoo ang Diyos at masayang ang lahat. Pero tinatak ko sa isip at puso ko na, kahit wala akong maramdaman, magpapatuloy akong magtitiwala sa Kanya."

"Ano ang assurance mo na totoo Siya, ate?" tanong ko sa kanya. Kailangan ko ng assurance bago ko makakayanang magtiwala.

"May personal experiences kasi ako with God kaya mahirap bitawan ang faith na 'to. Ipaglalaban ko ito hanggang sa huli. Inisip ko rin na kahit nagdududa man ako sa Diyos, hindi magbabago na totoo pa rin Siya. Kahit na hindi ko Siya sambahin, Diyos pa rin Siya."

Hindi pa 'ko satisfied sa sagot niya kaya sinabi kong, "Ano pa po, ate?"

"I look around. Iniisip ko na Siya ang gumawa at pinagmulan ng lahat ng bagay. I only have my faith in Him na Siya rin mismo ang may bigay," sambit niya sabay ngiti habang iniisip ang creations. "Alam ng Diyos ang iniisip mo, Dolores. Sasagutin Niya ang lahat ng katanungan mo if will Niya."

"Nag-research po ako about atheism at agnosticism," pag-amin ko sa kanya. "It changed my perspective about them."

"Woah," amazed niyang sambit. "Kung ako ang mag-re-research sa side nila, masisiraan ako ng bait at mas dadami lang ang katanungan ko. You're being brave by doing it."

"Opo, nakakasira talaga ng bait. Dumami lalo tanong ko and sobra akong nasasaktan na ganoon na-misrepresent ng ibang Christians ang church o ang Diyos. Inisip ko rin po kasi na imposibleng walang Diyos kasi everyone ay may di-ni-diyos. May pinagmulan talaga ang lahat. Imposible po talagang walang creator. Hindi porque sira ang building ay wala na nag-build at nag-design. Like today, the world is imperfect. And if sasabihin kung sino ang creator ng Diyos, nakilala kong eternal Siya." Naalala ko ang mga panahon na nagbabasa ako ng kung anu-ano sa internet at Facebook groups ng atheists at agnostics. Nasasaktan ako sa mga sinasabi nila pero nakukuha  ko ang point nila.

Tahimik lang si ate at nakikinig sa 'kin. "Hindi ko naman pinagsisihan na alamin dahil naiintindihan ko na sila-- mas naunawaan ko ang kalagayan ni Enna." Bigla ko naalala ang sitwasyon ni Enna (Vienna). Marami akong tinanong sa kanya about atheism dahil nag-re-research talaga ako.

"Happy for you dahil kahit papaano, nakatulong ang doubt mo para makaunawa ng ibang tao." Sumubo ng pagkain si ate kaya kumain na rin muna ako.

Tahimik kami saglit dahil inubos muna namin ang pagkain. Maya-maya kami aalis para makapagpahinga muna.

"Ang hirap ng ginawa mo, promise. Ako kasi, kapag against sa belief ko... hindi ko kayang pakinggan kasi ayo'ko talagang maapektuhan ang faith ko," pagsimula ulit ni ate ng usapan.

"Ganiyan po ako noon ate pero isa 'yan sa mga nabago sa 'kin sa panahon ng doubting stage. Kahit anti siya sa belief ko, I am reading it and understanding it hanggang sa makakaya ko."

"We can't really understand right now but someday, we will. I believe, naranasan mo ang grace and mercy ng Lord at hindi mo 'yon makalilimutan."

Naiiyak ako every time I am reminded about His love, grace, and mercy subalit ang hirap takasan ng mga nalaman ko while I am searching. May punto ang atheists kahit noong una ay hindi ko maunawaan ang argument nila.

Nasa loob ako ng k'warto. Nag-re-review na naman para sa quiz bukas. Feeling ko nga, nawalan na 'ko ng social life dahil sa accountancy. Aral dito, aral doon tapos ang score, ayo'ko na lang mag-talk. Ang taas kasi ng expectations ko sa sarili kahit hindi naman ako pi-ne-pressure ni Mama at Papa. May pagkakataon na gusto ko na sanang ayawan ang accountancy dahil nag-shift si Abi pero nanghihinayang ako sa nasimulan namin noon. Paninindigan ko na 'to hanggang maka-graduate ako ng accountancy. I claim right now na kahit at least cumlaude. Last sem kasi, 1.83 ang average ko due to my major na nasa line of 2. Line of 1 kasi ang remaining subjects ko. Gusto kong humabol sa pagiging dean's lister.

Nag-focus muna ako mag-aral. Ni-on ko ang do not disturb sa phone para walang notifications na distorbo. Naglagay lang ako ng time limit sa mga social media app. Kailangan kong disiplinahin ang sarili para makapasa ako at maabot ang goal na at least cumlaude.

Ilang oras na 'ko nagbabasa, nagpipindot sa calculator, at nagsusulat ng solution sa papel. Bigla akong hinikab kaya niligpit ko ang mga gamit at humiga muna ako. Kinuha ko ang phone at nag-open ng messenger kasi baka may mahalagang announcements.

May chats at ni-open ko isa-isa.

Dennis: Hello, Dolores. Kumusta ka na?

Bigla akong napangiti nang mabasa ang chat niya. Medyo naging close kami simula first year college ako. Nalungkot nga ako sa paglipat niya ng church pero masaya ako for him dahil nagpatuloy siyang maglingkod sa Diyos kasama ng kapatid niya. Kumukuha siya ngayon ng pre-med course.

Dolores: Ayos lang, nagpapahinga mula sa pag-re-review. Nakakabaliw kasi kapag tuloy-tuloy.

Dennis: Naku, pero kaya mo 'yan future CPA.

Dolores: Salamat, Dennis. Ikaw ba, kumusta?

Dennis: Eto, nakahiga na. Kakatapos lang din sa mga assignment at mag-review.

Dolores: Kapagod na minsan mag-aral, 'no? Pero sinasabi ng mga prof na ma-mi-miss mo raw mag-aral kapag nag-wo-work ka na. Totoo kaya?

Nakikipag-chat lang ako ngayon. Kung saan-saan na nakarating ang usapan namin. Nag-ra-rant kami about sa pag-aaral pero mas mahirap kapag hindi kami nag-aaral ngayon. Hindi kasi lahat ay nabibigyan ng opportunity mag-aral. Kailangan lang namin magtiyaga para sa future. May pagkakataon na pakiramdam ko, ang saya-saya ko kapag kausap siya. Hinahanap-hanap ko ang pangalan niya sa messenger. Hindi ko maintindihan ang sarili, ang alam ko ay si Tyler ang gusto ko.

Speaking of Tyler, biglang nag-chat si Abi kaya ni-open ko.

Abigail: Kumusta na, Dolor? Miss you!

She looks innocent about sa nararamdaman ko kaya hindi naman ako magagalit sa kanya kahit kailan. Hindi niya kasalanan na siya ang gusto ni Tyler. Hindi ko nga dapat 'to binigyan ng time dahil wala sa priority ko ang mag-love life. I promise to myself na maglilingkod muna ako pero ang labo na ng faith ko ngayon dahil sa mga nalaman ko.

Dolores: I miss you too! Ayos lang naman, laban langs. Ikaw, kumusta ka naman?

Abigail: Masaya ako sa pag-shift. Best decision ever. Nakahinga ako nang maluwag. Okay lang din. May mga naging friend na kahit papa'no. Hirap talaga ako makipag-socialize.

Speaking of friends, naalala ko tuloy 'yong pag-backstab sa 'kin kaya na-motivate akong taasan na sila ngayon kahit hindi ako competitive.

Dolores: Masaya ako para sa 'yo, Abi. Nakaka-miss din na magkasama tayo.

Abigail: Ako rin, sobrang miss ko na. Feeling ko nga kapag nakikita kita, na-i-intimidate ako sa 'yo kasi accountancy ka pa rin.

Natawa ako sa na-i-intimidate siya pero hindi dapat kasi wala naman dapat magbago.

Dolores: Ikaw talaga. Sadyang ipaglalaban ko lang ang pinangarap kong license simula noon pa.

Abigail: Kaya mo 'yan. Su-support kita. Laban lang!

Dolores: Salamat, Abi.

Ang bait-bait ni Abi, ang hirap magalit sa kanya. She looks so fragile rin kaya hindi ko kakayanin kapag nakapagsalita ako ng masakit sa kanya.

Abigail: Welcome pero dapat kain tayo sa labas kapag CPA ka na hahahaha

Dolores: Ikaw talaga. P'wede naman natin gawin kahit hindi pa 'ko CPA. Bonding tayo niyan after term exams!

Abigail: Aba, sige sige. Kahit mag-KKB tayo basta magkita lang ulit!

Dolores: Sige, i-sched na lang natin after term exam na rin para sure na matuloy hahahaha

Abigail: Ay, bet! Biglaang lakad, natutuloy.

Dolores: Yes. That's the reason.

Abigail: Kumusta na pala sa church n'yo?

Napatigil ako sa tanong ni Abi pero sasagot lang ako ng normal.

Dolores: Ayos lang naman. Patuloy pa rin ang pagdadala ng kaluluwa sa Diyos. Nagpapakatatag in faith ang churchmates ko.

Dolores: Ikaw, kumusta na ang spiritual life?

Abigail: Actually, agnostic theist na 'ko pero s'yempre as a sign of respect to my parents, I still go to church.

Sobra nga talaga kaming naapektuhan ng bad experiences sa church. Si Enna ay naging atheist. Ako naman, may doubt kahit lumaki na sa church. Si Abi naman, naging agnostic theist pero the good thing, hindi niya binitiwan ang paniniwala sa Diyos dahil theist pa rin siya, 'yon nga lang... hindi siya full confident dahil naniniwala siya na unknowable ang God. Si Esther naman, sa kabila ng lahat... she still serves God sa ibang church kasama ang future boyfriend niya.

Dolores: Aww, pero alam mo... May doubt pa rin ako. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga nalaman ko.

Abigail: Hala. Pero, I wish na sana matagpuan mo ang truth para at peace ka na. Naniniwala kasi ako pag in-doubt ka, you're searching for the truth.

Dolores: Salamat, Abi. Are you happy being agnostic theist?

Abigail: Super yes. I'm finally free from pressure and guilt-trip.  Sa dami ba naman ng religion, ano ang totoo sa mga 'yon? I believe there's God but I can be wrong dahil unknowable naman ang existence of God.

Buti pa si Abi, she chose to believe in God kahit na alam niyang unknowable ito pero ako, existence of God ang di-na-doubt ko.

Na-realize ko na pain and bad experiences change people's perspectives and beliefs. May mga nagiging matatag sa prinsipyo at merong nagbabago.

Dolores: Ayos kung naging mabuti para sa 'yo.

Abigail: Salamat, Dolor. Good memories naman sa 'kin ang mga nangyari sa church ninyo noon. Masaya kaya mga bonding natin. I will never forget it.

Abigail: Sige, baka naabala kita... Alam kong busy ang mga accountancy student. Good night, Dolores Ann Soledad.

Dolores: Kahit kailan, hindi ka abala. Ako rin, magagandang ala-ala ang lahat ng 'yon dahil kahit sandaling panahon, nasa iisang church tayo. Sige, goodnight din, Abigail Faith Evangelista.

Nag-lock na 'ko ng phone after last chat kay Abi. Nabasa ko na rin naman na ang mga announcement kanina bago ako makipag-chat sa kanila.

Bigla ko tuloy na-imagine na naging kami na ni Dennis-- hala, ano ba 'tong na-i-imagine ko?

Hindi ko namalayan na unti-unti na 'kong nilalamon ng dilim at hinihikayat matulog. Ang tagal ko ng walang prayer at devotion. Lagot ako nito kapag nag-check-an na ng journals. Masesermonan ako nito ni Mama pero tatanggapin ko na lang dahil kasalanan ko.

"Ano 'yong nabalitaan ko sa church, Dolores?" Nasalubong kong galit na galit si Mama kahit kakauwi ko lang galing University at stress sa quiz. "Kaya ka pala walang nadadalang invite dahil ilang linggo ka ng walang ginagawang devotion! Ano'ng nangyayari sa 'yo?" Ang taas ng boses ni Mama kaya hindi ko maiwasan na umiyak sa harapan niya.

"Sinabihan kita na dagdagan mo ang oras para sa Diyos pero sa halip, kabaliktaran ang ginagawa mo!" Kinutusan niya ako at tinanggap ko lang. Nakayuko lang ako at naiiyak. "May rebellious spirit ka na nga. Nag-accountancy ka lang, nawawalan ka na ng oras para sa Diyos. Hoy, kahit maging CPA ka pa or magkaroon ka ng maraming license kung walang Diyos sa buhay mo, walang silbe ang lahat ng 'yan!"

Hindi ko maintindihan pero nasaktan ako dito kahit ginugusto kong magpakamanhid.  "Ma, huwag mo pong maliitin ang license dahil paghihirapan ko 'yan! Ang trabaho, it can pay bills."

"Aba't first year ka pa lang, nagmamalaki ka na?" Lalong nainis sa 'kin si Mama. "Kahit mag-cumlaude ka pa kung wala kang nagagawa para sa Diyos, mas mabuting mag-shift ka sa ibang course!"

Napapagod na 'ko. Ang hirap-hirap lumaki sa isang religious environment dahil laging ipapamukha sa 'yo na unahin ang church bago ang pag-aaral. Kapag naman napabayaan ang pag-aaral, maano rin kung may faith ka pa ba, kung nagdadasal pa ba... Hindi ko na alam saan lulugar.

"Magsalita ka naman!" galit niyang sambit. Hindi ako umimik dahil nang nagsalita ako, lalo siyang nagalit. "Siguro palihim ka ng atheist, 'no. Nagtatanong ka dati... Umamin ka!" Inalog niya ako para magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. "Anak ka ng... Kailangan ka talagang ma-i-pag-pray over."

Mas makatutulong pa kung iintinidhin ako ni Mama kaysa ipag-pray niya 'ko. Kapag kasi nalaman niya na nag-da-doubt ako sa existence of God, lagot ako.

Tumakbo na lang ako papunta sa k'warto ko. Sobra na talagang gulo ng faith ko. Nagsimula lang talaga 'to sa ginawa ni Pastor Steven, sa false gospel-- prosperity gospel niya, sa nararanasan kong pag-pressure na maka-invite para sa church, at pagod na 'ko sa guilt-trip.

Hindi ko na alam ang gagawin. Naisip ko na lang na kailangan kong magpanggap na very close sa Diyos kahit hindi na kasi nasasaktan si Mama. Kitang-kita ko ang galit niya nang suspected atheist ako kahit hindi pa naman. Gagawa na lang ako ng pekeng mga devotion by searching ideas on internet at mag-i-invite para sa church pero ako mismo ay doubtful na sa existence ng Diyos. Alam ko naman kung paano mag-persuade ng tao. I will act as if everything is okay with me.

Abigail

Sobrang saya ko nang mas makilala pa si Samantha dahil may makakaunawa sa lagay ko. Feeling ko kasi, mas maiintindihan ako ng atheist kaysa full time Christians. Natuwa rin ako kay Naomi, kaibigan ko na rin siya. Isa siyang agnostic kaya magkakaunawaan kami. Pinagkaiba lang namin, I claim to believe in God pero siya walang claim of belief or disbelief.

Halos gabi-gabi, nag-ra-rant kami about sa mga gawain sa mga klase at re-review-hin pero at the same time, masaya kaming nagkukulitan sa chats kahit nagkikita naman kami lagi. We're so close. Ang saya lang kasi kahit medyo magkakaiba kami ng belief, never namin pinag-awayan at pinilit sa isa't isa ang kanya-kanya naming beliefs. Hindi katulad sa church nila Dolor, talagang ipagmumukha sa 'kin na kabilang ako sa kulto.

Sa dami ng religions, kulto kaya naman lahat outside of their religion? Sino kaya maloloko nila?

Kakausap ko lang kay Dolor last time. Masaya ako kasi pursigido siyang maging CPA. Ako, binitawan ko na ang pangarap na 'yan for practicality. Mahal kasi mag-board exam at mag-review sa mga review center. Maliban pa ro'n, mag-re-rent pa sa isang dorm kaya habang maaga pa, sinuko ko na kasi feeling ko hindi worth it. Para sa iba, fulfilling 'yon pero sa 'kin, hindi na.

Nakahiga lang ako ngayon at nakikipagkulitan kina Naomi at Samantha. Parehas pala silang matalino pero si Naomi kasi, iba ang priority kaya nag-shift siya. Hindi kasi siya bagsak sa major, 1.50 nga siya kaya hindi siya tanggal sa retention policy ng accountancy. Kusa lang siyang umalis.

Basta ang mahalaga, masaya ako sa tatahakin kong landas. Masaya ako sa course ko. Patuloy lang ang buhay.

Si Anthony Tyler, balak na niya talagang lumipat ng church. Hindi pa nga lang niya alam kung saan pero mag-re-research siya ng church na biblical based talaga. Masaya ako sa anumang magiging desisyon niya. Hindi ako sure sa label naming dalawa-- marahil MU kami dahil parehas naman naming gusto ang isa't isa pero hindi pa kami. Wala talaga kasi akong experience sa pag-ibig kaya ganito ako, walang alam.

Even though na hindi na ganoon ka-solid ang God belief ko, masaya pa rin ako. Akala ko, katapusan na ng lahat if tumalikod man ako pero na-realize ko now, nasa tao lang 'yon kung ikakalugmok niya habang buhay ang pagtalikod sa matagal ng belief or mas ikakasaya niya. Hindi kasi madaling tanggapin ang truth lalo na kung ilang years na naniwala sa isang belief.

I still don't know the truth right now but whatever I believe, it will not change the truth. The truth remains as truth. It cannot be invented but it can be discovered. Hopefully, for those person like me... We may find the truth.

Esther

Nandito kami ni Merwin sa church, sabay laging dumarating. Never kaming na-la-late sa mga Sunday service. Palagi kaming excited na sumamba sa Diyos. Matagal bago ako makabalik sa church dahil hindi basta-basta ganoon kadaling bumalik kasi nariyan 'yong feeling na baka mangyari ulit ang nangyari dati pero sinubukan ko lang ulit. By God's help, nakayanan ko ulit mag-join ng church. Tutol pa rin si Mama sa pag-church ko pero pinili niyang hayaan ako.

You are always fighting for us
Heaven's angels all around
My delight is found in knowing
That You wear the Victor's crown
You're my help and my defender
You're my Savior and my friend
By Your grace I live and breathe to worship You

Nakataas lang ang aming kamay at ni-che-cherish ang pagkakataon na 'to to be in God's presence. Napaka-peaceful talaga kapag sobrang damang-dama ang Kanyang pag-ibig. At the same time, huwag na huwag kalilimutan ang purpose ng pagkanta-- to worship God. The worship is not about us but it's all about to Jesus.

At the mention of Your greatness
In Your Name I will bow down
In Your presence fear is silent
For You wear the Victor's crown
Let Your glory fill this temple
Let Your power overflow
By Your grace I live and breathe to worship You

Hallelujah
You have overcome
You have overcome
Hallelujah
Jesus, You have overcome the world

My God has overcome the world. Ano pa kaya ang bagay sa mundo na hindi Niya ma-o-overcome? Nagtitiwala ako sa mga plano Niya, kahit na hindi ko maunawaan ngayon at kahit na masaktan pa 'ko dahil tulad ito sa paghulma... Imposible na hindi ako masaktan. Baka pagdating ng araw, may matulungan ako na believer na may struggle in religious trauma. May God use me to bless others.

I almost want to let go my faith pero hindi ako binitiwan ng Diyos. He remained faithful no matter what. Pinaramdam pa rin Niya ang walang hanggang pag-ibig sa 'kin. Mahirap din kasing bitawan ang mga personal experience ko with God na nagpapatunay na totoo Siya, lalo na sa buhay ko. I feel my life has no purpose without God in my life.

Pinagmasdan ko saglit si Merwin. He's serious in worshipping God. Parang wala siya sa church dahil may sarili siyang mundo. I am so blessed na makilala siya. We're not official yet pero alam namin ang nararamdaman sa isa't isa. We will keep praying for it. Mahirap din kasing magmadali at pangunahan ang plano ng Diyos. Higit sa lahat, mahirap magpadala sa aming emosyon dahil baka iyon ang aming ikapamahamak.

Lord, Ikaw na ang bahala sa lahat.

_____

Continue Reading

You'll Also Like

44.5K 871 200
DISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)
1.3M 35.4K 70
You give up your strong, your beauty, your passion and now you are becoming a nerd!, a stupid nerd because of one boy, who hurt you a lot! And after...
121K 990 12
A very mysterious story that has many clues and treasures. PROPERTY OF WARRIORPRINCESS220
134K 2.3K 54
A girl who's secretly admiring a boy. It was all started with a chat. Palaging nagcha-chat si girl kahit na di pinapansin ni boy........ Fangirl. Se...