A Runaway Royalty (Completed)

By whixley

772K 16.5K 3.1K

Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get a... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Final Chapter

Chapter 29

11.9K 310 105
By whixley

Chapter 29: Familiar Face

Cyienna / Ciara

Kanina pa ako tapos gamutin. Wala naman na kasi akong sugat kaya bakit kailangan akong i-admit? Nakakaloka ang mga ‘to, nagulat nalang ako gusto sa nila akong i-admit.

Naka-VIP room pa ako, ha?! Ang lakas ng tama, okay lang. Si Luther naman ang magbabayad ng bill at kwarto kaya wala akong poproblemahin sa babayaran.

Since ayoko na rin manatali pa rito sa hospital, nag-aya na akong umuwi. Ayaw pa nga nila dahil mga nakahilata lang sila—yes, sila dahil nandito silang lahat kanina.

Napaka-lakas nga ng tama, e.

“Hey, where are you going?” Tanong ni Luther nang makitang paliko ako sa halip na dumiretso.

Nasa labas na silang lahat ng Hospital at kaming dalawa na lang ang natitira dito.

“Magrerestroom,” sagot ko at naglakad.

Hindi naman na siya nagsalita pero ramdam kong nakasunod siya. Sa labas lang siya ng girl's restroom nanatili. Pumasok ako sa loob. Lumabas rin naman ako sa cubicle, tumingin ako sa salamin para mag-ayos.

Kinuha ko sa bulsa ang tali ng buhok ko. Nagtali lang ako ng messy bun bago lumabas.

Napansin kong wala si Luther dito kaya inikot ko ang paningin ko. Hindi muna ako umalis sa lugar kung nasaan siya kanina dahil baka bumalik siya.

Tumingin ako sa iba’t ibang parte ng hallway. May mga nurses na abala sa mga pasyente nila. Tumabi ako sa gilid nang magsitakbuhan ang mga Doctor, sinundan ko ang tingin ang mga ‘yon.

May mga grupo ng kabataan katulad ko ang sumusunod, umiiyak ang isang babae. Tatlong babae at apat na lalaki ang nandoon.

Nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Lumapit ako para lang makita kaso nanlaki lang ang mata ko sa gulat.

Shit!

Anong ginagawa ni Venn dito?! Tangina!

Tumalikod ako nang makitang sa direction ko ang punta nilang lahat. Panay ang iyak ng isa habang mabilis ang lakad nilang lahat. May sinasabi si Venn, seryoso.

“I’ll call Tita Melanie so she can find…” hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil tuluyan akong pumasok sa restroom.

Napasandal ako sa pinto habang gulat na napatulala.

Parang kaka-alam ko palang na nasa Pilipinas siya tapos ngayon… nasa Manila na siya? Hindi malabong magkita dahil maliit lang ang mundo. Pero sana naman ‘wag.

Alam niya lahat at kapag nagkita silang dalawa ni Luther may posibilidad na malaman niya. Alam kong maguguluhan rin si Venn kung bakit ibang pangalan ang gamit ko.

Ewan ko ba… natatakot ako. Natatakot ako dahil nagsinungaling ako sa kanilang lahat. Nagsisinungaling ako sa lahat.

Mula kay Luther na walang kaalam-alam na nagsisinungaling ako… hindi malabong magalit siya sa akin.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas. Nakita ko naman na naglalakad papunta sa akin si Luther. Hindi ko na hinintay na makarating siya dahil lumapit na ako sa kaniya.

“Tara na,” sabi ko.

“Wait, hindi pa bayad ang bill mo. Let’s pay first,” hinawakan niya ang kamay ko papunta kung saan ang direction nina Venn.

Doon pala ang billing section!

“Sige pero bilisan natin, ah? Gutom na ako, e,” ngumiti ako.

Nahuhuli ako sa paglalakad kahit hawak niya ako sa kamay. Nakatingin lang ako ng diretso sa harap para makita kung nandito ba siya sa paligid. Hanggang sa makarating kami sa bill section, wala akong nakita.

Pang-apat pa kami sa pila kaya nakaupo muna kami. Gusto ko ng alisin ang kamay ko sa hawak niya kaso ang higpit ng hawak niya habang may hawak na cellphone sa kabilang kamay.

Panay ang type niya kaya sinilip ko at nabasa ang nasa screen.

From: mommy
Go here, son. Take Cia with you! 🥰 I missed her. 😍🥰

Ang cute! Emoji lover si Tita! Haha, ang cute naman ni Tita!

“May emoji pa,” tumawa ako.

Nilingon niya ako. “Yes, look,” natawa rin siya. “And it’s unfair, ako ang anak tapos ikaw ang namimiss? That’s unfair.”

“Mahal ako ng mommy mo,” ngumisi ako, nagyayabang.

“Yeah, tapos mahal rin kita.”

Napatingin ako sa kaniya. “Huh?!”

“Uh, wala. It’s a joke.”

Tumingin pa ako sa kaniya bago tinuon ang paningin sa cellphone niya. Kinuha ko na rin. I took a picture of me and Luther. Simple lang ‘yon, nakangiti ako habang nakagilid ang ulo niya, nakatingin sa camera. Sinend ko kay Tita ang picture.

Wala pang minuto nagmessage na si Tita and turns out, video call.

“Hala, sagutin mo,” binigay ko ang cellphone.

“Hi, mom,” sambit ni Luther nang gawin ang sinabi ko.

“[Hi, my sweetheart Cia!]” Ngumiti si Tita Gretchen sa camera, may salamin siya sa mata at may hawak na ball sa pagitan ng dalawang daliri. “[I am so tired, darling, good thing you called! I mean, ako pala ang tumawag.]” Natawa si Tita.

“I was the one who said, hi, mommy,” reklamo ni Luther.

“[I know, but gusto ko si Cia. Tsupi ka muna, okay? Anyway, I am so tired! Ang dami kong ginagawa sa firm!]” Nakita ko ang mga books sa likod ni Tita, may mga papel rin sa tabi niya.

Firm? Law firm gano’n?

“[Tumawag lang talaga ako because of Ciara, so… bye for now. Bye kids!]” Pinatay na ni Tita ang tawag.

Tumingin ako kay Luther. "Lawyer ang mommy mo?”

Tumango siya. “Yes, she’s a Divorce Lawyer kaya takot si Dad na mag-away sila dahil baka gawin ni mommy ang profession para maghiwalay sila.”

Mahina akong natawa bago umayos. “E, ‘di ba sabi mo, nagbabalak maghiwalay ang parents mo?”

“Yes, but before… nag-usap na silang dalawa. No divorce for the sake of our family. I really thought that they ended up like that, ‘buti na lang hindi.”

Ay, buti na lang talaga! Kasi mga anak ang apektado sa paghihiwalay ng mga magulang.

Tumayo na siya nang matawag ang pangalan. Binitawan ko siya at sumunod na lang sa kaniya. Tumingin pa ako sa paligid kaso wrong timing.

Nakita ko sa dulo ng hallway si Venn, at mukhang papunta sa billing section. Humawak ako sa kamay ni Luther at humarap kung saan siya pumipirma.

Naramdaman kong may tumayo sa tabi ko kaya hindi ako makapagsalita.

“Miss, bill for Mr. Nimez.” Hala, siya nga!

“Wait a sec, Sir.”

Hala! Ang ex ko nga ang nasa tabi ko!

Nilingon ko si Luther nang magsalita siya. “Here, do you have a 100?” Tanong niya sa akin. “Your bill is nine thousand, eight hundred-fifty.”

Umiling ako. “Wala akong wallet,” sobrang hina ng boses ko, iyong siya lang ang makakarinig.

“I forgot.” Kinuha niya ang wallet sa bulsa. “Excuse me,” sambit niya kay Venn na may pinipirmahan. “Can you hand me that paper?”

“Here,” bigay ni Venn.

Putangina!

“Thanks.”

Satanas ang galing mo mangtrip, ah!

Tumingin lang ako sa harap ng papel kahit ramdam kong lumingon sa akin si Venn. Hindi na ako nagsalita at hinintay na lang matapos si Luther.

Tangina! Wala man lang kaalam-alam si Luther na ex ko ang kinausap niya.

Halos magpasalamat ako nang matapos ang oras. Nakahawak na ako sa kamay niya habang naglalakad kaming dalawa ni Luther palabas ng Hospital.

Umayos ako ng lakad nang tuluyan kaming makalabas. Binitawan ko agad si Luther nang makitang malapit na kami kina Wyatt. Lumayo naman siya sa akin kaya lumayo rin ako.

“Tagal niyo, ah,” bungad ni Wyatt nang makarating kami sa kanila.

“Tanga, nagbayad pa kasi siya ng bill,” umirap ako. “Anyway, gusto ko ng umuwi.”

Gusto ko na talagang umuwi! Miss ko na ang babies ko!

“Saan ka ba umuuwi?”

Umubo si Caleb. “Ehem, condo. Ehem.”

Tangina nito!

Nakita ko ang pagsipa ni Luther sa kaniya ng palihim.

“Ihahatid ka na lang namin,” offer ni Miguel na halos ikaba ko. Hindi pwede! Malalaman nila na sa isang unit kami nakatira ni Luther!

“H-Huh?! Hindi na.” Umiling ako.

“You know what? Stop forcing her.” si Luther.

Hindi naman na nila ako pinilit. Umayos na ako ng tayo nang mag-aya silang umalis na.

“Makikikain muna tayo sa bahay nina Zander.”

“Fuck you,” sagot agad ni Luther.

“Kina Wyatt na lang! Okay, game! Tara kina Wyatt!"

Balak magsalita ni Wyatt kaso umalis na silang lahat. Kanya-kanyang sakay sa kotse, nakalimutan nilang lahat na nandito ako.

“Luh? Sa ‘yo ako sasabay?”

Tumango si Luther. “Yes, alam na nila ‘yon.”

Hindi niya ako hinayaan magsalita. Binuksan na niya lang ang pinto kaya pumasok na ako sa loob. Pumasok na rin siya at nag-seat belt.

Sumandal ako sa pinto habang nakatingin sa kaniya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya.

Gago, ang ganda ng kamay ni Luther tapos ang ganda ng kuko niya. Ang linis, iyong kuko ko, maganda naman. Mahaba ang fingernails ko at may color.

“Ay, alam mo, galit pala ako sa ‘yo,” biro lang! Hindi ako galit sa kaniya.

“Huh? Why?” Napalingon siya.

Hindi ako sumagot. Nakatingin pa rin siya sa akin. Tinuro ko ang daan kaya tinuon niya ang paningin do'n.

“May nalaman kasi ako na ginawa mo akong pambayad, na para mo akong ipinangpusta sa ka-tripan mo.”

Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.

“Pero hindi ko tinuloy because I know you’ll hate me. Kaya nga ako umayaw ‘di ba? Because of you. At saka, hindi ko na ginawa dahil magagalit ka sa akin, hindi rin ako pumapayag dahil ikaw ang kapalit. I can’t do that to you kaya nga hindi ako um-oo sa gusto ni Blake dahil alam kong gano'n rin siya at ang iba,” mahinahong paliwanag sa akin.

“Pumayag ka, 'yon ang sabi nila,” charot lang, hindi 'yon ang sinabi ni Haiden.

Ang sakit kaya no’n, imagine ginawa kang bagay for exchange? Sinong matutuwa do’n? Para ka ng ipinangpusta, huh!

“Hindi ako pumayag, Cia. They are lying, I never said yes.”

Pareho pala sila ng sinabi ni Haiden.

“Okay, sabi mo, e,” alam ko naman kasi ‘yon! Tiningnan ko lang kung nagsasabi ba siya ng totoo.

Tinuon ko ang paningin sa daan. Nakita kong lumiko ang mga kaibigan niya sa isang village kaya nakasunod naman ang sasakyan ni Luther sa kanila

Ang bilis naman magpatakbo nina Wyatt! Nakita kong ang bibilis nang takbo ng sasakyan nila. Mga sira ulo nga naman.

“Are you mad at me because of that?”

Ay, nasa topic pa rin pala namin si Luther.

“Oo,” biro ko.

Syempre hindi! Bakit naman ako magagalit sa kaniya?

“So… how can I remove your madness?” Tanong niya sa akin.

“Uh… wala.” Umiling ako.

“Wala? What if ako na lang ang mag-alis ng galit mo?” Tanong niya, ipinasok niya ang sasakyan sa isang mansion na may itim na gate.

Nakita ko ang kusang pagbukas ng gate.

Huminto ang sasakyan. Nakita kong mga nagsibabaan sila pero hindi kami kasama ni Luther.

“Paano?” Nilingon ko siya.

Lumapit siya. Hinawakan niya ang pisngi ko bago ko maramdaman ang malambot niyang labi sa labi ko. Inalis pa niya ang seat belt niya kaya mas lalo siyang lumapit sa akin. Gulat lang ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. 

“Hey, move your lips,” aniya.

Hindi ko alam kung susundin ko ba ang utos niya. Pinisil niya ang pisngi ko kaya naghiwalay ang labi ko. Isang kurap lang ang ginawa ko, gumaganti na ako sa ginagawa niya.

Naglapat ang labi ko nang humiwalay siya. Napahawak naman ako sa labi gamit ang likod ng palad ko, gulat pa rin akong nakatingin sa kaniya. Siya naman, nakatingin lang sa akin.

“Is my kiss enough to remove your madness?” Aniya.

“Hoy! Gago!”

Putang… ano ‘yon? Bakit ako humalik pabalik?

“What? Feeling first kiss ka naman, speaking of. Who is your first kiss?” Sumandal siya sa backrest.

“Iyong ano… ex ko,” sagot ko. “Bakit?”

Umiling naman siya. “Nothing, mas masaya ako maging first kiss. What’s your ex name?” Tanong na naman niya.

“Ahm, Lewis ang name niya. At saka ‘wag mo nang banggitin ‘yon. Kapag binabanggit ko ‘yon feeling ko biglang susulpot, e.” Kagaya na lang kanina

“That’s your ex name?” Tumango ako. “Okay, where is he right now?”

Bakit niya tinatanong? Curious siguro siya sa ex ko. Dapat sa akin lang siya ma-curious, hindi sa ex ko.

“Nasa Pilipinas siya tapos ano…” tumingin siya sa akin, naghihintay ng sunod kong sasabihin. “Gusto niya daw ako makausap,” sinalubong niya ang tingin ko. “Pero ayoko.”

“But why?” Tanong niya.

“E, kasi ex na siya ‘di ba? Dapat hindi na kami nag-uusap,” sagot ko.

“I know he's already an ex but there’s nothing wrong with talking to him as long as he has good intentions. The bad is, if he’s doing bad things to you, and if he did. Don’t worry, I’m just here.”

Napatango naman ako sa sagot niya.

“Pero hindi ko pa rin kaya.”

“Bakit? Do you still have feelings for him?” Nakita kong dumaan ang kakaibang dating sa mata niya. Hoping na… wala na.

Wala naman na kasi akong feeling do’n.

“Wala na, tapos na kaya pwede mo na akong mahalin,” biro ko at mahinang natawa.

“Alright, then I will but let’s make it slow.”

Napanganga ako dahil talagang sineryoso niya ang biro ko. Hinawakan niya ang baba ko para maisara ang bibig ko.

“Let’s go, Cia. They might be confused why we are still inside my car.”

Siya na ang nag-alis ng seat belt ko, at siya na rin ang nagbukas ng pinto. Bumaba na lang ako kahit nasa isip ko ang sinabi niya. Nilingon ko ang salamin ng kotse niya, nakita kong pababa na rin siya.

Tinuon ko na lang ang paningin sa isang malaking mansion na nasa harapan ko. Maganda ang bahay at may mga bodyguards sa paligid.

Napatingin ako sa isang malaking garahe ng bahay. Doon naka-park ang mga sasakyan nina Luke, kanya kanya silang park ng sasakyan. Kay Luther, sa tabi lang ng sasakyan ni Lawrence pumarada.

Sana all, lahat sila naka-sports car.

May humawak sa kamay ko kaya nilingon ko si Luther. Hindi na ako nagreklamo at lumakad na lang papunta sa mansion nina Wyatt.

May nagbukas ng pinto kaya pumasok na kaming dalawa. Wala sina Carson sa ibaba pero naririnig ko ang sigawan nila sa patio.

Pareho naming binitawan ni Luther ang isa’t isa nang makita si Wyatt na pababa sa malaking hagdan. Lumayo rin ang agwat naming dalawa.

“Tagal niyo talaga!” Reklamo ni Wyatt.

Hindi siya pinansin ni Luther, dumiretso lang siya kung nasaa ang iba. Sumunod lang ako sa kanilang dalawa. Nagtaka pa ako sa nakita ko dahil… parang close yata sila?

Sa school, halos mag-away silang lahat. Kumpleto silang narito, ah! Panay ang kain nila ng mani na happy na galing pa sa lagayan. May sinasabi si Slade kaya natawa sina Jarrell.

Luh? Ano ‘yon? Joke lang ‘yong away nila?

“Bakit ganyan ang tingin mo?” Tanong ni Wayne.

“Uh… hindi lang ako makapaniwala na nag-uusap kayo ngayon. Magkaka-away kayo ‘di ba?”

Matagal bago sila sumagot.

“‘Yon din ang alam namin.”

Angas naman ng mga ‘to. Enemies in public but friends in private.

“Oo nga! Wala nang plastic dito! Friends tayong lahat!” pumalakpak si Wyatt.

Mukha silang tanga na sumang-ayon kaya tumango na lang ako.

“Okay, friends tayong lahat, ah!” Sambit ni Carson. “Zander, sabihin mo makikipag-friends ka kay Cia.”

Ha?! Bakit?

Ginawa naman ni Luther ang sinabi ni Carson.

“Friends,” makahulugan ang tingin ni Luther sa akin.

May friends bang naghahalikan? Wala naman, ah. Ibang klase ka talaga, Luther.

Tumango na lang ako.

“Baka mamaya, may malaman kami, Cia, ah! Na may friend ka sa public pero lovers pala in private.”

Napatingin ako kay Cloud. “Hindi, ha.” Inang mga ‘to, kung ano-ano pinagsasabi. “Teka nga, naguguluhan ako, e! Bakit nga ang close n’yo?”

“Cia, kung hindi mo alam…” sambit ni Blake. "Magkakaibigan ang mga daddy namin kaya syempre kailangan friends din kami!”

Hala, weh?

“Totoo?” Paninigurado ko.

Tumango si Frain. “Simula High School hanggang ngayon."

Hindi pa ako nakakapagsalita nang magsalita si Wyatt.

"Bobo nito, sabi ni Dad since elementary. Engot!" Nilingon ako ni Wyatt. "Since elementary, Cia. They are friends because of our grandpas. Magkakaibigan ang mga Lolo namin and gano’n rin sa mga father namin, at pangit nga naman kung kaming anak nilang lalaki hindi magagawa na maging kaibigan ang isa’t isa.”

Tapos ang lakas pa ng tama nilang lahat na mag-away, ah!

“Then during their college nag-take sila ng Legal Management, ilang years din bago sila nakapagtapos. Dumaan muna sila sa Law School just to be a Lawyer. Before they proceed to Political Science."

“I actually remembered that when my mom told me, my father was still studying after marrying her,” sabi ni Luther.

Napatango ako. “Angas, goals mga tatay niyo, ah,” comment ko.

“Naman,” sabi ni Carson, nagyayabang. “‘Yon lang, gusto nila na pumasok kami sa Politics, e, hindi naman namin type.”

“Yeah, it sucks,” tango ni George.

“It’s true, imagine forcing you to take a PolScie?” Halata nga na ayaw ni Lawrence.

“Kaya nga tuwing may gathering tapos kasama kami, pumapasok ang usapan na ‘yan! Pero hindi kami nakikinig.” Sambit ni Slade. “Hindi naman kasi talaga namin type.”

“Alam mo kung anong type namin? Ikaw.” Mabilis na sabi ni Kyle kaya hindi ko maintindihan.

“Ano kamo?” Tanong ko ulit.

Mabilis siyang umiling. “Wala.”

“Kung magkakaibigan mga tatay niyo, ba’t kayo magkaaway lahat. Lakas ng tama niyo, ha.”

“Trip namin mag-away,” ngumiti si Leo.

Angas naman pala ng trip nila.

Balak ko pa sanang magtanong kaso may narinig kaming mga baritonong boses na papalapit kung nasaan kami. Umayos ako ng upo nang may makitang tatalong lalaki na papunta sa patio ng bahay.

“Gago, si Dad!” Tinapon ni Wyatt ang mga cigarettes na nakalagay sa center table. “Vape lang ang pwede dito. Hoy Lawrence, tapon mo ‘yan! George, tigilan mo kakabuga ng usok galing sa cigarettes mo, mag-vape ka!”

Hindi ako nakapag-react dahil nakatingin ako nang pumunta rito ang daddy na tinutukoy ni Wyatt kaso… sino sa kanila? Tatlo sila, e.

“Uy, Dad!” Lumapit si Slade sa lalaking may hawak na coat.

Ang pogi ng tatay ni Slade!

Napatingin naman ako sa nagtawag ng pangalan ni Lawrence. May hawak na suitcase ang daddy ni Lawrence.

Tinanguan lang ni Lawrence ang tatay niya.

Itong naka-suit siguro ang tatay ni Wyatt.

“You guys are complete, huh,” komento ng tatay ni Wyatt. “But why are you guys here? You should be on the second floor, playing billiards.”

“Ay, tito ‘wag na lang. Sawang-sawa na kaming makita ang pagkatalo ni Wyatt at Slade,” mayabang na sabi ni Carson.

“Yabang mo!”

Hindi naman ako nagsasalita. Nasa tabi ko nga pala si Luther. Nakapatong ang kamay niya sa likod ng sinasandalan ko pero may pagkakataon na hinawakan niya ang braso ko kapag hindi nakatingin ang iba.

Biglang napatingin sa akin ang daddy ni Lawrence maging iyong daddy ni Wyatt, at daddy ni Slade. Parang may kung anong iniisip sila habang nakatingin sa mukha ko.

Hala, bakit?

Baka iniisip nila na may ginawa akong krimen. Inosente ako, ha.

"What's your name?" Tanong ng daddy ni Lawrence.

“Tito Ian, ‘wag mo namang takutin. Baka iwasan kami, mawalan kami ng inspiration,” sabi ni Wyatt. “Ay, baka pala mawalan ng inspiration si Zander.”

Balak magmura si Luther pero pinigilan niya ang sarili.

“Anyway, Ciara ang name n’ya, Titos and Dad,” sambit ni Slade. “At saka bakit parang grabe naman kayong makatingin sa kanya?”

“Nothing, aside kasi sa mukha mo parang nakita na kita or more on kamukha mo. I don't know… I guess… a year ago? Not sure.” Nag-shrugged si Tito Ian.

“Baka naman may kakambal ka, Cia, tapos ‘yon ang nakita ni Tito?”

Umiling ako para sabihing wala.

“Any gatherings? Nagpunta ka ba sa mga big gatherings before?”

“Ay hindi po ako pumupunta sa mga gatherings,” sagot ko.

I mean yes…oo, pumupunta ako. Kaming dalawa ni Mama kaso sa France.

Tumango naman si Tito.

May sinabi si Tito Archen, daddy ni Slade, na may binigay lang siya at aalis na rin agad. Niyaya pa ni Tito Archen si Slade pero humindi siya, dito na lang muna daw si Slade. Nanatili naman dito si Tito Ian at Tito Rem, daddy ni Wyatt.

I mean umakyat sa opisina sina Tito dahil may pag-uusapan daw. Hindi naman na sila inabala nina Wyatt.

May pagkain na daw na ihahanda kaya nag-aya sila sa dining.

Napalingon ako sa pinto ng bumukas. Pumasok doon ang isang yaya at batang maliit na sa tingin ko ay nasa kinder.

“Pareng Wallace!” Sambit ni Chandler. “Kamusta?”

“I’m fine and hungry!” Halatang pagod ang bata.

“Ciara, kapatid ko nga pala, si Wallace. Tatlo kami actually, nasa Paris ang kapatid ko for study.” Pakilala ni Wyatt sa kaptod niya.

Napatango ako. “Panganay ka?”

“Hindi, ah. Pangalawa ako, college na si ate Willow, kapatid ko,”

Tumango nalang ulit ako. Tumingin ako sa batang nakatingin rin sa akin. Ang puti niya at namumula ang cheeks niya.

Ang cute.

Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti ako pabalik.

“Her smile is so cute!” Parang kinilig si Wallace. “I’m hungry na, did you eat na po ba?” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa kainan.

“Awit, naunahan ng bata,” narinig kong sabi nila bago kami tuluyan makarating sa dining.

Halos paupuin ako ni Wallace sa tabi niya kung saan wala akong katabi sa side! Gusto niya daw kasi ako lang ang katabi niya.

“Awit… karibal ang bata.” Malakas ang tawa ni Wayne.

Napangiwi lang ako sa mga comments nila. Pasimple kong nilingon si Luther, ay busy pala siya kaka-scroll sa phone niya kaya hinayaan ko na.

Maraming pagkain sa hapag. Halos bigyan ako nina George ng pagkain. Kanya kanya silang bigay pero umiling ako. Hindi ako kumakain ng marami sa gabi at 'yon ang alam ni Luther.

Ang ulam ay pakbet, fish, at chicken.

“Ate, can you help me? Subuan mo po ako.”

Kinuha ko ang kutsara sa kamay niya. Nakakaawa kasi kung tatanggihan ko. Dumaan naman ang saya sa mata ni Wallace.

“Yey! Susubuan niya ako!” Lumabas ang dimple niya nang ngumiti. “I hate okra po,” napanguso siya nang makita ang okra sa kutsara.

"Masarap 'to, say, ahh…" ngumiti ako bago tinaas ang kutsara sa kaniya. "May kiss ka sa akin kapag kinain mo ang carrots." Halata sa mukha na ayaw niya pero ginawa niya. "Good boy!" Napangiti ako.

“Where’s my kiss po?” Ang cute niyang bata!

Nilapit ko ang mukha sa cheeks niya. “Kain ka pa ulit, okay?” Tumango-tango siya.

Napangiti ako lalo bago lumingon kina Luther kaso napatigil ako nang makita sila.

Mga nakanganga kasi sila at may kaniya-kaniyang hawak na kutsara at may laman pang pagkain. As in silang lahat.

“Bakit kayo nakaganyan?” Tanong ko, naguguluhan.

“Ayaw rin namin ng okra, Cia,” sagot ni Wyatt.

“Subuan mo rin kami ng okra kahit hate namin, para may kiss kami.”

Inirapan ko lang sila. Swerte naman nila. Kutusan ko sila, e. Napanguso si Wyatt.

“Dasal reveal naman d’yan, Wallace,” sambit ni Wyatt sa kapatid.

Napangiwi nalang ako bago magpatuloy sa pagkain. Nginitian ko si Wallace bago ulit kumain.

Tinapos ko ang pagkain habang sinusubuan si Wallace. Hanggang sa matapos kami ay gano’n ang ginagawa ko.

Hindi pa kami umalis sa dining.

“Ate, can I court you once I grow up? I mean don’t let your age grow, let me grow first so I can court you!”

Muntik na akong masamid.

“Uunahan mo pa si Zander, Wallace?” Tanong ni River.

“Why? Hindi naman po sila ‘di ba? So akin lang si ate Cia.” Halos ipagdamot ako ni Wallace.

Napatakip nalang ako sa tainga ko nang magsimula silanv pag-awayan ako. Kesyo bata pa raw si Wallace at pinagtutulungan pa nila ang bata kaya ang ending… umiyak!

Inis ko silang inirapan bago patahanin si Wallace. Naka-hug siya sa akin habang umiiyak.

“Dasal reveal!” Sigaw ni Arden.

Puro sila ganyan! Ayan lagi ang sinisigaw. Lakas ng tama amp.

Pinapaiyak rin nila si Wallace kundi ko lang sila pinanliitan ng mata, hindi sila titigil.

Hay nako! Kawawa naman ang bata.

Hindi namin namalayan na nakatulog na pala si Wallace sa akin. Kaya kinuha ni Wyatt at inakyat papunta sa kwarto ng kapatid niya.

Nag-aya na rin umuwi ang iba pero niligpit nila ang pinagkainan at dinala sa kitchen. Nasa sala kami, pinapakialaman nila ‘yong play station ni Wyatt.

Bumaba na rin sina Tito dahil balak nang umuwi ni Tito Ian. Nasa bar sila ng bahay.

Nagpaalam ako kina Luther na mag-cr at sinamahan ako naman ng isang kasambahay.

Kakalabas ko lang ng restroom nang marinig ang usapan nila Tito. Wala naman akong planong makinig kaso ako ang pinag-uusapan nila!

“You know, Rem, that young lady is really familiar," narinig kong sabi ni Tito Ian. “I know I’ve seen her, and worse she’s giving me a face of someone.”

E, sino naman?

“I couldn’t recognize it, but she’s giving me a familiar face.”

Tuluyan na akong napatigil dahil sa sinasabi nina Tito. Umayos ako ng tayo.

“If I am not mistaken… we’ve met her before.” Dagdag ni Tito Ian.

Her… teka… ang mama ko ba ang tinutukoy ni Tito Ian?

Continue Reading

You'll Also Like

638K 39.9K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
3.2K 143 36
Sa mga taong lumipas ay muli ko nakita ang babae na matagal tagal kung hinanap, sa tuwing nakikita ko ang kanyang mala anghel na muka ang puso ko ay...
31.4K 2.3K 10
Assess the risk. Eyes on the goal. Hold him tight. Then go for it.
8.7K 366 51
Si Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at n...