Match Made After Life ✔

由 AegyoDayDreamer

464K 21.6K 2.7K

[PUBLISHED UNDER PSICOM: Available at all leading bookstores nationwide] ‘Where there is love, there is life... 更多

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Epilogue

Chapter 10

18.2K 862 184
由 AegyoDayDreamer


(Adele Medina POV)


Dahil na-master na rin namin ang paggamit ng willpower para galawin ang mga bagay-bagay sa paligid, muli na naming hinanap si Sandra. Natagpuan namin siyang mukhang high sa kalsada.

"Grabe, ang kisig niya. Those abs! Those chocolate abs! Ahihihi!" ang landi ni Sandra. Mukhang matindi ang nagawa niyang pag-chansing 'dun sa poging nakita namin sa kalsada. Pero imbes na maglaway siya, dugo 'yung lumalabas sa bibig at ilong niya.

"Uy Sandra!" Kinailangan na naming putulin ang kanyang pagpapantasya. 

"Kayo pala, my favorite ghost couple! Kumusta ang pag-eensayo?"

"Nagagawa na namin!"

Upang magpakitang gilas, pumitas si Louie ng isang bulaklak sa may tabi. Tapos ibinigay niya ito saakin at nagawa ko naman itong hawak. Pagkatapos 'nun, ngumiti kami pareho at naghintay ng reaksyon niya.

"Wow! So hindi lang pala kayo nag-practice, nagligawan na rin kayo? May pabigay-bigay na ng flowers oh! Ahihihihihi!"

Seriously, kailan kaya magsasawa si Sandra sa panunukso sa amin? Pero kung noong umpisa, nahihiya kami, ngayon medyo nasasanay na rin. Napailing at natawa na nga lang kami.

"Ano nang next lesson natin?"

"Oo nga! Excited na kami!"

Mali yata na sinabi naming na-eexcite kami sa next lesson niya. Bigla kasi siyang yumuko at mahinang humagikhik, "Ahihihihihihihihi!" tapos may sariling buhay talaga ang buhok niya! Kusa itong tumakip sa kanyang mukha pero nakasilip pa rin ang isang mata niya. "Tara't bumalik na sa sementeryo!"

Naramdaman kong napakapit na naman saakin si Louie. Binulungan ko na lang siya para parehong palakasin ang loob namin, "Tatagan mo ang loob mo, Louie. Mairaraos natin 'to."

* * *

Tumuloy na kami pabalik sa sementeryo. Espesyal raw ang susunod niyang ituturo dahil kumbaga sa exams, ito ang finals namin. Kung sa boxing match, ito ang main event. Kung sa mga kwento, ito ang climax.

"Ang fourth and last lesson natin ay apparition. Ito rin ang favorite ko sa lahat!" excited na saad ni Sandra.

Ang hindi lang namin ma-gets, bakit kailangang nakapatiwarik siya sa ere? Isa na naman sa mga pauso niya?

"Tulad kung paano mo hahawakan o pagagalawin ang isang bagay, kung malakas ang willpower mo na magpakita sa mga tao, magagawa mo. Kaso mas nakakapagod rin 'to. Kaya nga kung mag-a-aparisyon ka na, dapat 'yung bigay-todo na! 'Yung pinaka-nakakatakot mong pose para maihi talaga sa takot ang biktima mo!"

"Paano namin malalaman kung nagiging visible na kami sa kanila?"

"Makakaramdam ka ng init mula rito." saka niya itinuro ang dibdib niya. "Parang mararamdaman mo ulit na buhay ka kahit sa sandaling segundo lang."

Pagkasabi niya 'nun, parang mas lalo nga kaming na-excite ni Louie. Kahit na ilang araw pa lang naman ang nakakalipas nang mamatay kami, nakakamiss ang pakiramdam na buhay ka.

"Anyway, gusto niyo ng sample?"

"Ay hindi na!" pinangunahan na agad ni Louie. Ang bilis sumagot!

"Sigurado ka, Louie boy?"

"Okay na kami ni Adele, 'di ba?" saka niya ako tinitigan, may hint ng pagmamakaawa na um-oo ako sa sinabi niya. "Willpower lang ulit at makakapag-aparisyon na kami!"

Bago pa man ako makapag-react, hinawakan na niya agad ang kamay ko at nagmamadali na sa binabalak niyang pagsibat!

"Let's go! Mag-practice na tayo ulit!"

Kaso hindi basta-bastang palalampasin ito ni Sandra. Kasing bilis siya ng kidlat na humarang sa daraanan namin. Pero nakatalikod siya saamin at parang estatwa lang na nakatayo.

"Hindi pwedeng hindi ko kayo pwedeng bigyan ng example, Louie boy. Last lesson na natin 'to, pagbigyan niyo na ako."

Dahan-dahang lumingon saamin si Sandra pero ulo lang niya ang gumagalaw! Nangilabot kami dahil naririnig pa namin ang pagpitik ng mga buto niya sa leeg hanggang sa tuluyan niya itong mai-twist ng perfect 360 degrees.

"Boo!"

Nanigas si Louie at tuluyang natumba. "Louie! Louie!" Sinundot-sundot ko siya sa mukha pero tulala na lang ito at hindi na talaga maka-usap. "Hala ka, Sandra! Na-double dead pa yata siya sa ginawa mo!"

"Ahihihihi!" natawa na lamang si Sandra.

* * *

Medyo nahimasmasan na si Louie sa trauma na inabot niya kay Sandra. Kaming dalawa na lang ulit ang magkasamang nagpa-practice.

Pinitirik ko na ang aking mga mata. Sinubukan kong bali-baliin din ang aking katawan. Itinakip ko na rin ang aking buhok at kumilos ala-Kampanerang Kuba pero hindi pa rin ako sure kung nakakatakot na nga ba ang itsura.

Nang tignan ang direksyon ni Louie, nahuli kong saakin rin naman siya nakatingin.

"Hoy! Maduga ka ah! Walang gayahan ng scary pose!"

"Hindi kita ginagaya."

"Talaga? E 'di tulungan mo na lang akong mamili. Alin sa mga pose ko ang pinaka-nakakatakot? Eto ba?"

Ngumanga ako sa harap niya. Nakatirik ang mga mata at kulay puti na lang ang natira.

"O 'di naman kaya ito?"

Sinunod kong ipinakita sa kanya 'yung Chucky doll-inspired pose ko with imaginary knife pa kunwari sa kamay ko.

"Or mas bet ko ito."

Nag-planking ako sa damo. Straight lang talaga 'yung katawan ko lumulutang ako palapit sa kanya. Saka ko unti-unting iniangat ang mukha ko na may blangkong ekspresyon.

"Putek, Adele! Tama na nga!" saka siiya umatras palayo saakin. "Ang lakas maka-bangungot ng mga ginagawa mo."

Natawa naman ako, kung natatakot siya, ibig sabihin ay effective! Pero, "Ang duwag mo talaga."

"Hindi lang ako makapag-concentrate!" palusot niya.

"O siya!" naupo ako sa damuhan at sa harap niya. "Patingin naman ako ng pinaka-nakakatakot mong aparisyon!"

"Ha?" bigla na rin siyang napaupo. "Babae ka. Baka hindi mo kayanin."

"Pinagloloko mo ba ako? Sino bang mas matapang sa atin kapag nanakot si Sandra?"

"Mas nakakatakot ako." pagyayabang niya.

"Ah ganun? O sige tawagin ko ulit si Sandra at nang magkaalaman!"

"Teka, teka! Hindi ka naman mabiro. Heto na, ipapakita ko na sa 'yo."

Ang taas ng expectation ko sa gagawin ni Louie. Kanina pa kasi siya ubod ng seryoso, may pagme-meditate pa ngang nalalaman.

Noong yumuko siya, mas lalo akong napakapit sa kinauupuan ko. Heto na! Hinahanda ko na ang puso ko. Tatakutin na niya ako! Pero...

"Heto na!" bigay todo niyang isinigaw sabay pose—na mukhang sikat na meme troll. "O! Nanginginig ka! Nanginginig ka sa takot!"

"Bwahahahaha!" hindi ko na napigilan ang halakhak ko. "Iyan na ba ang ipinagmamalaki mong aparisyon? Nanginginig talaga ako! Nanginginig sa pagpipigil ng tawa! Hahahaha!"

"Hindi ka natakot?" 

"Paano ako matatakot eh ang joke time ng mukha mo!"

"Ang sama mo." napaluhod siya sa isang tabi dala ng depresyon. Napagdiskitahan na nga rin niyang kalbuhin'yung damo sa paligid niya para maglabas ng sama ng loob.

Pinilit ko na lang na mag-seryoso. Pasimple kong kinukurot ang sarili ko para hindi na ako matawa.

"Hindi ba pwedeng paluwain mo na lang mga mata mo? O kaya umiyak ka ng dugo gaya ng ginagawa ni Sandra? Baka kasi kapag nagpakita ka sa pamilya mo, mas ma-excite pa sila imbes matakot."

"Minsan ang sama ng ugali mo." sinimangutan niya pa lalo ako at saka bumulong, "Buti na lang maganda ka."

"Ano?"

"Wala! Sabi ko, ikaw na bahala magpakita sa kanila."

"Hindi pwede! Dapat tayong dalawa ang makita nila para malaman nilang pareho nating hindi nagustuhan 'yung pagkasal nila sa mga bangkay natin."

Hindi siya nakaimik. Yumuko lang siya at mukhang nagtatampo pa rin.

"Alam ko na gagawin mo. Back view mo na lang ang ipakita mo! Siguro naman kabisado ng pamilya mo 'yung batok at likod mo."

"Handang-handa ka na talagang takutin ang pamilya ko, noh?" naging seryoso ang mukha niya at napansin kong hinahawakan niya ngayon ang suot na singsing sa daliri."

"Oo naman. Para maayos na ang problema natin at makabalik ka na sa langit. 'Di ba, 'yun din naman ang gusto mo."

Sandaling ibinalik ni Louie ang tingin niya saakin, pero agad din siyang umiwas. "Oo, syempre." Saka siya tumayo at nahalata kong pinilit na lang niyang ngumiti. "Tara na! Dalawin na natin ang pamilya ko!"

Tumayo na lang din ako at hindi ko pinahalata ang napansin ko, "Tara't maghasik ng lagim! Mwahaha!"



繼續閱讀

You'll Also Like

71 54 20
Satashi Cynzia was forced to live a life without freedom or a taste of happiness and humanity after her mother and father's death. Her parents were m...
10.9M 557K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...
2.1M 138K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
56.3K 2.8K 5
Alina is a shy and quiet girl who is in love with Samuel, her high school classmate but doesn't have the courage to confess her feelings to him becau...